ikalawang markahan (alamat) paunang pagsusulit
TRANSCRIPT
IKALAWANG MARKAHAN (Alamat)
Paunang Pagsusulit
I. Panuto : Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari gamit ang Story Ladder
upang mabuo ang banghay ng alamat.
a. Hiniling ni Durian na kung siya ay mamamatay doon siya ilibing sa ilalim ng
durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa
bawat sandal.
b. Si Datu Duri ay may nag-iisang anak siya ay si Durian.
c. Nagpakiat ang Dakilang Bathala kay Datu Duri at sinabi nito na labingsiyam
na taon lamang mabubuhay ang kanyang anak na si Durian.
d. Nang ikasiyam na araw ng libing ni Durian may halamang sumibol at ito ay
kanilang tinikaman ang laman ng bunga ay masulta at matamis.
e. Nalaglag ang bunga ng punong kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan at nadurog ang bungo at katawan niya.
f. Si Sangkalan ay nag-imbot sa kayamanan at kapangyarihan ni Datu Duri .
Wakas
4
3
2
1
Simula
g. Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang
nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman
nama’y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.
II. Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari sa Alamat ng
Bubuyog
1. Pangyayari: Marami pa rin ang naaakit dumaan at mamasyal sa paligid ng
kanyang bahay:
Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________
2. Pangyayari: May napadaan na grupo ng mga kabataan sa bahay ng matanda.
Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________
Noong unang panahon, may isang matandang babaeng nakatira
sa may tuktok ng burol. Bagamat luma na at sira-sira ang kanyang
dampa, marami pa rin ang naakit dumaan at pumasyal sa kanyang
paligid. Dahil marahil ito sa maganda at mababangong bulaklak na
inaalagaan niya.
Marami ang nagsasabing ang matandang ay siyang ring
magandang diwata sa hatinggabi na nagdidilig at nagtatanim ng mas
magagandang bulaklak para sa kinabukasan.
Minsan nabubulahaw ang matanda sa kanyang pagtulog. “ Ano
kayang ingay na iyon ang bulong niya sa sarili. Sumilip siya sa bintana
at nakita niyang may pitong kabataan na pumilas sa kanyang
magagandang bulaklak.
“ Maaari ninyong pitasin ang mga bulaklak ngunit maaari bang
huwag baliin o bubunutin ang mag puno nito.” Pakiusap ng matanda.
“ Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin
naming lahat an gaming magustuhan upang mailipat sa aming
tahanan.” Sabay-sabay na nagtwanan ang mag kabataan.
“ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo
ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi
pinapansin ng mag kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa
silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti
na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na
bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mag bulaklak habang
nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz
3. Pangyayari: Bukod sa msamang pananalita ng mga kabataan ay sinira pa nila ang halaman ng matanda. Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________
4. Pangyayari: Naging mga bubuyog ang mga lapastangang mga kabataan.
Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________
Panuto : Bumuo ng Story Collage ( hawig sa Spice of Life ni Larry Alcala) na naghahambing ng kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa noon at ngayon. Pagtataya sa bubuuing Story Collage ( hawig sa Spice of Life ni Larry Alcala) batay sa sumusunod na pamantayan:
a. Batay sa pananaliksik
b. Orihinal c. Malikhain d. Nagpapakita ng ugnayan ng mga kultura sa alinman mga rehiyon
e. Taglay ang mga elemento ng Story Collage
Aralin 2.1
PAMPANITIKAN : Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Ang Alamat ng Alamat
PANGGRAMATIKA: Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong
A. Pag-aralan ang mga larawan, pagkatapos ay pumili ng isa at magtala ng
impormasyon tungkol sa alamat o pinagmulan ng napiling larawan. Gamitin
ang Story Log sa pagsagot nito.Isulat sa sagutang papel.
Iyong tuklasin kung kailan nagsimula at lumaganap ang alamat sa Pilipinas.
Tuklasin ang Iyong Pag-unawa
ALAMAT
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
____________________
B. Batay sa iyong kasagutan sa Gawain A, isa-isahin ang kultura at karanasang nangingibabaw sa mga impormasyong iyong itinala tungkol sa alamat o pinagmulan ng napili sa mga larawan. Itala ang kasagutan sa dayagram na nakalaan para rito. Gawin ito sa sagutang papel.
KU
LT
UR
A
______________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sa araling ito, mauunawaan mo Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
sa tulong ng pag-aaral ng Iba’t Ibang Uri ng Pagtatanong.
Bilang patunay ng iyong pag-unawa, sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasagawa ng iskrip ng Focus Group Discussion kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng alamat o iba pang kauri nito.
Upang magabayan ka sa inaasahang produkto o pagganap, narito ang
pamantayang gagamitin natin sa pagtataya ng isasagawang iskrip ng Focus Group Discussion:
a) batay sa pananaliksik b) kaangkupan ng paksa c) wastong paraan ng pagtatanong at pagsagot sa tanong d) napapanahon, e) nagtataglay ng elemento ng Focus Group Discussion
Inaasahang Pagganap
Sa iyong pag-aaral ng aralin, dapat na masagot ang sumusunod na
Mahahalagang Tanong upang matiyak ang lubos na pag-unawa. Isulat sa sagutang
papel ang iyong kasagutan.
1.Bakit patuloy na kinagigiliwan ng mga tao ang alamat? 2. Bakit may kultura sa iba’t ibang rehiyon na nananatili, nagbago at nawala na?
3. Bakit kailangang matuto tayong
magtanong at sumagot?
Mahahalagang Tanong
SAGOT:__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.______
Iyong tuklasin kung kailan nagsimula at lumaganap ang alamat sa Pilipinas. C. Batay sa iyong kasagutan sa sa Gawain A, isa-isahin ang kultura at
karanasang nangingibabaw sa mga impormasyong iyong itinala tungkol sa alamat o pinagmulan ng napili sa mga larawan. Itala ang kasagutan sa dayagram na nakalaan para rito. Gawin ito sa sagutang papel.
KU
LT
UR
A
Kung may nais ka pang malaman, isulat mo lang ang iyong mga katanungan.
SAGOT:_________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_
Gawin Mo
Bawat rehiyon ay may kani-kaniyang kultura na sumasalamin sa mga
tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga tao rito.
Sa paglipas ng panahon, bagama’t ilan sa mga ito ang nananatili pa rin, higit
namang mas marami ang nagbabago na dahil sa iba’t ibang impluwensiya, tulad ng
relihiyon, teknolohiya, edukasyon at iba pa. Ilan naman sa mga tradisyon at
kaugaliang Pilipino na nakapaloob sa kultura ay tuluyan ng nawala kasabay marahil
ng mga hindi maiiwasang pagbabago.
Mabuti na lamang at nariyan ang panitikan, tulad ng alamat na naglalarawan
ng iba’t ibang mukha ng buhay, paniniwala, tradisyon, kaugalian, at karanasan ng
ALAMAT
Kapag narinig o nabasa mo ang salitang alamat, ano ang mga salitang may kaugnayan dito na kaagad pumapasok sa iyong isipan? Isulat ang mga ito sa spider web na nasa ibaba. (Maaari itong dagdagan kung kinakailangan.) Gawin sa sagutang papel . Gayahin ang format.
Linangin Ang Iyong Pag-unawa
mga tao, na bagama’t mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari,
nagisislbi naman itong panuntunan hinggil sa pinagmulan ng isang lahi, ang
pagsulong at pag-unlad ng isang bansa sa bawat panahong nagdaan.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay kuwento ng mahiwagang mga pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.
Ang alamat ay kuwento na kathang-isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang tulad ng pagiging tapat, matapang, matulungin, at iba pa. Ang alamat ay kinapupulutan ng aral.
Nagsimula noong unang panahon ang mga at ito ay nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon. Ang alamat ay pinaniniwalaan na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan na naging bahabi na ng ating kultura. Basahin at unawain
Muli nating lakbayin sa ating isipan ang pinagmulan ng sinaunang alamat.
Tandaan ang mahahalagang impormasyon na makakatulong sa atin upang mas lalo mong maunawaan ang aralin.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang katawagan
namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang kahulugan ay “upang
mabasa”.
Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang Ita/ Aetas/ Negrito o Baluga ( sila
ang mga taong walang permanenteng tirahan na unang nandarayuhan sa atin.) ay
may sarili ng mga kwentong -bayan, kabilang ang alamat. Ayon sa mga heologo
( geologists ), nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa
iba’t ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpasaling-
dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon, dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na
may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang
pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang
mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga
santo at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating
kapuluan ang mga Malay. Katulad ng
mga Indones, sila rin ay may
pananampalatayang pagano. May dala
rin silang sariling mga alamat,
kuwentong-bayan at mga karunungang
bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga
ninuno ng alpabeto na tinatawag na
alifbata o alibata. Dahil dito, ang ilan sa
ating mga alamat na pasaling-dila o
bukambibig lamang ay naisatitik ng ating
mga ninuno sa mga kawayan, talukap
ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at
maging sa mga bato sa pamamagitan
ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa
panahong ito, higit na lumaganap ang
mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang “Malakas at
Maganda”.
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Tsino, Bombay, Arabe at
Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag
sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa mga panahong ito
higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga
alamat ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga
alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristianismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga mamamayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga alamat...nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.
Ang Alamat ng mga Alamat Sa bulubunduking lugar sa isang bayan sa ating kapuluan, daan-daang taon
na ang nakalipas ay may nakatirang isang lalaking balo na ubod ng yaman. Mataas ang lugar na kinatatayuan ng kaniyang napakalaki at napakagandang bahay. Mula sa kaniyang bahay ay tanaw na tanaw niya ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bundok. Kitang-kita niya ang naghihikahos na pamumuhay ng mga ito
sa ibaba, na ikinatutuwa niya dahil lalo itong nakapagpapataas ng kaniyang kalagayan. Kung gaano kataas ang kaniyang tinitirhan, ganoon din naman kataas ang kaniyang pag-uugali. Ang lalaking balo ay may isang anak na dalaga, na ang ugali at kalooban naman ay kasingganda ng kaniyang panlabas na kaanyuan. Dahil dito, maraming nanliligaw sa kaniya. Maging ang mayayamang binata mula sa malalayong lugar ay pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ngunit ang kaniyang inibig ay isang mahirap na binatang nakatira sa may paanan ng bundok.
Hindi matanggap ng lalaking balo ang lalaking napili ng kaniyang anak. Pilit niyang hinahadlangan
ang pag-iibigan ng dalawang magsing-irog kaya’t napagpasyahan ng mga ito na magtanan na lamang. Nanirahan ang mag-asawa sa paanan ng bundok. Galit na galit ang lalaking balo kaya’t minabuti ng mag-asawa na huwag na munang magpakita rito.
Isang araw, umulan nang napakalakas. Inabot ito ng isang linggo at umapaw ang mga ilog. Lalo pang lumakas ang walang tigil na pag-ulan. Lumikha ito ng napakalaking pagbaha na umabot sa maliliit na bahay sa paanan ng bundok. Nabahala ang mga tao. Nag-isip sila ng paraan kung paano sila makaliligtas. Sa pangunguna ng anak ng lalaking balo at ng kaniyang asawa, pinuntahan nila ang bahay ng ama at nakiusap na payagan silang pansamantalang manirahan sa bahay nito hanggang sa tumigil ang ulan. Galit na galit na
ipinagtabuyan ng balong lalaki ang mga tao kasama ng kanyang anak at asawa nito. Umiyak at nagmakaawa ang anak ngunit hindi pa rin nila natamo ang kapatawaran ng ama. Paglipas ng ilang araw, tumigil na ang ulan. Namatay lahat ng nakatira sa paanan ng bundok, kabilang na ang anak ng lalaking balo. Siya lamang ang natirang buhay. Nang malaman niya ito, naisip niyang magpakamatay na lamang. Sinaksak niya ang kaniyang sarili ngunit hindi man lamang tumalab ang kutsilyo nang itarak niya ito sa kaniyang dibdib. Maya- maya ay may narinig siyang tinig. “Ikaw ay walang kamatayan. Kahit matanda ka na, mananatili kang buhay. At bilang kaparusahan sa nagawa mo, hindi ka hihinto sa pagsulat. Itatala mo ang lahat ng kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga prutas, hayop o anumang bagay na kapupulutan ng magagandang pag-uugali ng mga tao.” Matapos ang tinig ay kumidlat nang napakalakas. Biglang nabiyak ang isang napakalaking bato at sa malaking tipak nito ay naisatitik ang salitang “ALAMAT”.
Walang nagawa ang lalaking balo. Naisip niyang iyon ang parusa ng langit sa kanyang kapalaluan sa kapwa. Bilang pagsisisi at pagtanggap sa kasalanang nagawa, ginampanan niya ang utos ng tinig. Isinulat niya ang lahat ng pinagmulan ng lahat ng bagay na naaabot ng kaniyang paningin at pandinig sa kalawakan, kaparangan, sa mga kabundukan, kagubatan at karagatan Lumipas ang napakahabang panahon. Tumanda at nagmukhang ermitanyo na ang lalaking balo ngunit patuloy pa rin siya sa paglakad at paglipat-lipat sa iba’t ibang lugar saan mang dako upang isulat ang mga alamat sa malalaking tipak ng bato. .
1. Ipakita ang mahahalagang pangyayaring ipinababatid ng kaligirang pangkasaysayan ng alamat sa tulong ng dayagram ng pangyayari. Pagkatapos ay gawan ito ng buod. (P- Pangyayari)
Gawin Mo
Ang
Kaligirang
Pang-kasaysayan
ng Alamat
Buod ng mga
Pangyayari:
Ngayon ay pagpangkat-pangkatin mo ang mga salitang magkakaugnay ang kahulugan gamit ang world clustering. Piliin sa kasunod na kahon ang mga salitang may kaugnayan sa bawat salita na biluhaba. Isulat ang mga sagot sa kuwarderno. Gayahin ang format.
pananampalataya
a
mapalawak ang kolonya Malay Kristianismo santo at santa
alamat Bathala kuwentong-bayan Lumikha
panitikan nalangkapan saling- dila may sariling kultura
Paglinang sa Talasalitaan
nandarayuhan
Karunungang-
bayan
Sagutin mo ang mga tanong upang lubos na maunawaan ang mga kaisipan ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat.Isulat ang mga sagit sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
1. Ihanay sa tsart ang mga patunay kung ang impormasyong nakuha sa
binasang Alamat ng mga Alamat ay makatotohana o di-makatotohan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang format.
MAKATOTOHANAN
DI-MAKATOTOHANAN
2. . Sa iyong palagay, makatuwiran bang hadlangan ng mayamang balo ang
pagmamahalan sa pagitan ng kaniyang anak at ng binatang mahirap. Isulat ang iyong sagot sa loob ng cloud call-out. Gawin sa sagutang papel.
Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
3. Magbigay ng patunay sa nabasang Ang Alamat ng Alamat na ito ang pinagmulan/pinag-ugatan ng alamat na lumaganap sa Pilipinas gamit ang _________.
4. Kung ikaw ang matandang lalaking balo, gagawin mo rin ba na tikisin ang
sarili mong anak, bakit. OO bakit hindi? Ilagay sa scroll ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
5. Ilagay sa dayagram ang mga hakbangin kung paano ka makatutulong upang mapalaganap ang alamat sa inyong lugar. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang fromat.
Basahin ang panayam sa pagitan ng isang mag-aaral at ng kilalang manunulat sa kanilang lalawigan.
Isang Sabado ng hapon, inimbitahan ng Eastern Cabu National High School ang isang kilalang manunulat sa lalawigan para sa isang panayam na naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga karanasan ng mga ito sa kanilang pagsusulat. Itinalaga bilang tagapanayam ng gawain si Armando, isang mag-aaral. Narito ang kanilang naging pagpapalitan ng mga tanong at sagot.
Armando
Magandang hapon po sa inyo. Naparito po ako upang
kapanayamin kayo hinggil sa mga bagay na may kinalaman
sa inyong mga karanasan sa pagsusulat. Maaari po ba
kayong magbigay ng ilang mga impormasyon para sa
kabatiran ng mga tulad kong mag-aaral na nagnanais na
sundan ang inyong mga yapak?
G. Francisco:
Magandang hapon din. Ano-ano ba ang mga nais mo’ng malaman?
Armando:
Nais ko po sanang malaman kung ano-ano o sino-sino ang inyong mga naging inspirasyon sa inyong mga isinusulat na maiikling kuwento?
Sila ang aking pamilya na nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang makakuha ako ng magagandang paksa sa aking maiikling kuwento. Ang aking mga naranasang kahirapan sa buhay na mula’t sapul sa pagkabata ang nagsilbing inspirasyon at hamon sa akin para makasulat ng maiikling kuwento. Naging pangunahing paksa sa mga isinulat kong maiikling kuwento ang kahirapan at kung paano ito
Palalimin ang Iyong Pag-unawa
G. Francisco: malalampasan.
Armando:
Bakit at paano po nakilala ang inyong maikling kuwento?
G. Francisco:
Nakilala ang aking mga isinulat dahil sa kawili-wili nitong mga paksa na nababagay sa lahat ng edad. Sa katunayan, mabilis nauubos sa mga tindahan ng mga aklat ang aking maiikling kuwento. Dahilan marahil sa marami sa ating mga kababayan ang nakararanas ng kahirapan, kaya’t sa pamamagitan ng pagbabasa sa maiikling kuwentong aking isinusulat ay nakasusumpong sila ng inspirasyon upang patuloy na makipagsapalaran sa buhay.
Armando:
Alin po sa inyong mga isinulat na maiikling kuwento ang pinakatanyag?
G. Francisco :
Masasabi ko’ng pinakatanyag sa aking mga isinulat ang “Sa Putikan ay May Langit Din”. Maligaya ako kung mababasa mo ang aking mga kuwento. Natitiyak ko’ng magugustuhan mo rin ang isinulat kong “Bagong-Pinoy” tulad ng pagkawili ng maraming mga kabataang tumangkilik dito.
Armando:
Nasasabik po akong mabasa ang inyong mga isinulat na maiikling kuwento. Maraming Salamat po sa inyong napakahalagang sandali na iniukol para sa panayam na ito. Hanggang sa susunod po nating pagkikita.
Muling balikan ang naging panayam ni Armando sa mga kilalang manunulat,
pansinin ang kanilang pagpapalitan ng mga tanong at sagot. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kinapanayam ni Armando ang mga kilalang manunulat sa kanilang
lalawigan? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Tungkol saan ang paksa ng kanilang naging usapan? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Batay sa iyong pag-unawa sa panayam, masasabi mo ba na ang paraan ng
pagtatanong ni Armando sa mga nabanggit na manunulat ay malinaw, gayon din ang pagsagot sa kaniya ng mga manunulat? Patunayan. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Batay sa takbo ng pagpapalitan ng tanong at sagot ng mga tauhan sa
panayam, masasabi mo ba na naging kawili-wili sa bawat isa ang kanilang naging panayam? Magbigay ng partikular na sitwasyon na susuporta sa iyong sagot. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Batay sa mga naging sagot ng kinapanayam ni Armando, ano sa mga
pahayag niya ang higit na nakapukaw ng iyong damdamin. Bakit at paano? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
6. Ilahad ang mahahalagang impormasyong tinukoy ng kinapanayam na manunulat gamit ang W’s organizer. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.
W’s Organizer
Upang mas higit tayong makakuha ng mga impormasyon, kinakailangan nating
maunawaan ang tamang paraan ng pagtatanong at ng pagsagot sa mga tanong sa
tulong ng mga hinihinging detalye. Suriin ang mga paraan ng pagtatanong at ang
tamang pagsagot batay sa susunod nating talakayan.
Pagtatanong at Pagsagot sa Tanong
1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa tulong ng
dalawang panghalip. Sa ganitong uri ng mga tanong, isang panghalip
lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinag-uugnay ng at
ang dalawang tanong.
Mga Halimbawa:
Tanong 1. Sino ang dapat magpahalaga sa ating kultura at bakit?
Sagot: a.) Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga
minanang kultura dahil ito ang pamana ng ating mga ninuno sa atin..
Alam Mo Ba…
Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?
Sagot: a.) Lumaganap ang alamat sa ating bansa dahil sa pagdating ng mga
dayuhan.
b.) Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan
at sa kasalukuyan ay nakalimbag na kung kaya’t nananatili ang mga ito
hanggang sa kasalukuyan at sa darating na henerasyon.
Tanong 3: Sino ang dapat tumangkilik sa ating mga alamat at paano?
Sagot: a.) Tayong mga Pilipino ang dapat tumangkilik sa ating mga alamat sa
pamamagitan ng pagbabasa at pagkukuwento nito sa iba.
Maaari rin nating paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga
naunang halimbawa.
a. Sino ang unang dapat tumangkilik sa ating mga alamat?
b. Bakit dapat nating tangkilikin ang ating mga alamat?
c. Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon?
d. Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa?
e. Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat?
f. Paano natin mapahahalagahan ang ating mga alamat?
2. Magalang na pagtatanong na nangangahulugan ng pakiusap.
Mga Halimbawa:
a. Maaaring magtanong? Maaari (po) bang magtanong?
b. Puwede (po) bang makahiram ng mga alamat?
c. Maaari (po) bang humingi ng kuro-kuro tungkol sa inyong pananaw
sa pagpapalaganap ng alamat?
3 . Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapaliwanag ng iba’t
ibang layunin.
Kaiba sa pagtatanong, ang pangungusap ay hindi nangangailangan ng
sagot. Ngunit sa isang pag-uusap, karaniwan ng inaasahan ang pagbibigay
ng reaksyon ng kausap sa maraming pangungusap upang maipakita sa
nagsasalita ang interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para maipakita lamang
na nakikinig sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, kapag
ginawa ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang taong
nagtatanong na tulad ng sumusunod:
A. Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng
kausap. May kasama itong intonasyon na nagpapahayag ng interes.
Mga Halimbawa:
Pangungusap 1: Maunlad pala tayo sa mga alamat. Sagot: Talaga? (naniniguro) Pangungusap 2: Dahil ba sa alamat kaya nalalaman natin ang pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa ating paligid? Sagot : Oo, sa alamat din malalaman kung ano ang kaugalian at
paniniwala ng mga tao sa isang lugar o rehiyon. Pangungusap 3: May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat. Sagot: Totoo ba? (naniniyak) B. Mga tanong na humihingi ng iba pang impormasyon mula sa kausap. Pinaiikli rin ang ganitong tanong. Mga halimbawa: Pangungusap 1: Maglalakbay kami sa Boracay. Sagot: Bakit? Kailan? ( kayo pupunta sa Boracay)? Pangungusap 2: Magbabasa ako ng alamat Sagot: Anong alamat (ang babasahin mo)? Pangungusap 3: Isulat mo ito. Sagot: Bakit (ko iyan isusulat)?
Basahin at suriin ang Focus Group Discussion sa ibaba.
Dahilan sa tagumpay ng isinagawan ng Sangguaniang Barangay ng Sapang-Buho, nagsagawa ng panayam si Erwin, Pangulo ng Supreme Student Council ng Sapang-Buho National High School sa kanilang Kapitan ng Barangay at sa ilang mga Kagawad nito upang makakuha ng mga impormasyon na makatutulong sa kanila sa paglulunsad ng katulad na proyekto sa kanilang paaralan. Narito ang bahagi ng pakikipanayam ni Erwin sa ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Sapang-Buho:
Erwin :Magandang umaga po Kapitan, gayon din po sa inyong mga kagawad. Maaari ko po ba kayo’ng maabala sandali para sa ilang mga katanungan hinggil sa matagumpay na tree-planting activity na inyong inilunsad sa ating barangay?
Kapitan Mendoza :Magandang umaga din naman sa iyo, Erwin. Tamang-tama ang iyong dating, kasalukuyan kaming nagkakatipon ngayon ng mga Kagawad ng ating barangay at aming pinag-uusapan ang susunod na mga hakbang na aming isasagawa para matiyak na hindi mapapabayaan ang mga punong aming itinanim sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay.
Erwin : Talaga po?
Kagawad Mercado: Siya nga Erwin, ano-ano ba ang iyong katanungan?
Erwin :Paano po ba nabuo ang ideya na inyong inilunsad sa ating barangay? Ano po ang pangunahing layunin nito?
Kapitan Mendoza: Marami, Erwin. Isa na rito ay bunsod ng patuloy na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng ating bansa kung kaya’t napagkasunduan ng sanggunian na magsagawa ng programa na makatutulong sa pagsagip sa ating kalikasan.
Kagawad Mercado : Totoo iyan, Erwin. Mahalaga ang bawat puno upang
mapigilan ang pagbaha, sapagkat sa pamamagitan ng mga ugat nito na sumisipsip sa mga tubig ulan, napipigilan ang labis na pagtaas ng tubig dito sa kapatagan. Kagawad Cruz: Malaking bahagi rin ang ginagampanan ng mga puno
para sa pagkakaroon natin ng sapat at malinis na hangin na nakatutulong para sa ating paghinga.
Erwin : Tama po.
Kagawad Santos: Maliban sa mga iyan, batid din namin ang kahalagahan
ng mga puno upang maiwasan ang polusyon sa hangin na ating nilalanghap sa ating paghinga.
Erwin : Sino-sino po ba ang mga taong nasa likod ng programang ito?
Kapitan Mendoza: Sila ang ating magigiting na miyembro ng
Sangguniang Barangay na kumikilala sa kakayahan ng bawat isa na mapangalagaan ang ating kalikasan. Erwin: Sino-sino po ba ang mga taong nakiisa rito?
Kagawad Cruz: Sila ang mga mamamayan ng barangay na may
malasakit sa kalikasan.
Gawaing Panggramatika
Erwin : May mga naging balakid po ba sa pagsasakatuparan ng inyong
programa? Kung mayroon, anu-ano po ang mga ito? Kapitan Mendoza: Oo. Iyon ay ang oras kung kailan namin itatakda ang
mismong araw ng pagsasakatuparan ng programa. Kinakailangan kasi na isaalang-alang ang oras ng bawat isang sasama rito kung kaya’t talagang pinag-isipan namin kung kailan ito isasagawa. Erwin : Gano’n po ba? Batay po sa inyong mga naging tugon sa aking
katanungan, natitiyak ko po’ng wala namang naging malaking balakid sa pagsasakatuparan ng inyong napiling proyekto sapagkat nadarama ko po ang pagmamalasakit ng bawat isa sa ating Inang Kalikasan. Maari ko na lamang po ba’ng malaman kung ano pa ang susunod ninyongmga hakbang batay sa inyong naging pag-uusap upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga punong inyong itinanim at sa halip ang mga ito’y mapakinabangan pa ng susunod pang henerasyon? Kapitan Mendoza : Tama ka Erwin at tulad ng iyong sinabi, ang bawat
isa sa amin ay nakikita ang kabutihan ng puno para sa ating pansariling kaligtasan kung kaya’t hindi naging mahirap na pag-isipan kung paano mapangangalagaan ang mga punong aming itinanim. Erwin : Paano po?
Kagawad Santos : Kami sa aming mga nasasakupang purok ay mangunguna sa pagdidilig ng mga halaman at sa pangangalaga sa mga ito. Kagawad Cruz: Ganon nga Erwin. Isa na riyan ang mga ligaw na hayop
na maaaring kumain sa mga dahon ng maliliit na puno kung kaya’t hindi namin hahayaang may mga hayop na magpapakalat-kalat sa lansangan.
Kapitan Mendoza: Kayo rin Erwin, bilang mga mag-aaral ay maaaring
makibahagi sa gawaing ito. Kung inyong nanaisin ay maaari kayong makipag-ugnayan sa amin upang higit nating mapalaganap ang ating proyekto. Erwin: Nakahanda po ako na makipagtulungan sa ano mang programang
makabubuti para sa lahat. Hayaan po ninyo at sa aking pagbabalik sa aming paaralan, ako po ay makikipag-ugnayan sa aming punong-guro upang maipaabot sa kaniya ang inyong paanyaya. Kapitan Mendoza : Sige Erwin, mag-iingat ka. Nagagalak din ang buong
sanggunian na magbigay ng kabatiran sa mga kabataang tulad mo hinggil sa aming hangaring mapangalagaan ang ating kalikasan at sa huli kayo ay maging katuwang din namin sa mga gawaing katulad nito. Erwin : Sige po, maraming salamat po sa inyong napakahalagang oras na
iginugol para sa panayam na ito. Magpapaalam na po muna ako.
1. Batay sa binasang panayam, sipiin ang iba’t ibang uri ng pagtatanong at pagsagot sa tanong na ginamit dito. Ilagay ang mga ito sa tsart na kasunod. Gawin ito sa sagutang papel.
Mga tanong na
humihingi ng higit sa
isang impormasyon sa
tulong ng dalawang
panghalip
Mga magalang na tanong
na nangangahulugan ng
pakiusap
Mga tanong na panagot
sa pangungusap at
nagpapahiwatig ng iba’t
ibang layunin
2. Tukuyin ang iba’t ibang uri ng pagtatanong at pagsagot sa tanong na ginamit sa sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang. Gawin ito sa sagutang papel.
a. Maaari po ba kayong maabala sandali upang kayo’y aming
makapanayam? ______________________________________________________
b. Sabi mo matagumpay naming naisagawa ang aming panayam.
Sigurado ka? ______________________________________________________
c. Sa iyong palagay, bakit at paano unti-unting nawala ang hilig ng mga
kabataan sa pagbabasa ng alamat?
______________________________________________________
d. Gawin mo ito. Paano?
______________________________________________________
e. Nais ko po sanang makasali sa inyong usapan. Maaari po ba?
______________________________________________________
f. Sino-sino ang kinapanayam ng tagapagtanong? Bakit sila ay kinapanayam?
______________________________________________________
Sa pagsasagawa ng Focus Group Discussion, maaaring iba’t ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon ang iyong makakausap. Dahil dito, dapat na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang pagtatanong at pagsagot sa tanong.
May kasabihan nga na “nakasalalay sa masining na pagtatanong ang pagkuha ng mayamang impormasyon”.
Isang mabisang panghikayat ng reaksiyon ng kausap ang pagtatanong. Makatatanggap ng tamang sagot at impormasyon ang isang tagapanayam kung gagamit siya ng tamang paraan ng pagtatanong. Pinakanatural namang reaksiyon ng tinatanong ang pagsagot sa tulong ng mga hinihinging impormasyon.
Ilapat Mo
Ang Focus Group Discussion ay isang uri ng pangkatang talakayan.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipanayam sa pangkat ng mga taong
apektado o may kaugnayan sa isang isyu o paksa upang:
makapagpalaganap ng mahahalagang impormasyon;
makakuha ng iba’t ibang pananaw o opinyon hinggil sa isang paksa;
makabuo ng sariling pananaw na may matibay na batayan;
malaman ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pananaw o pag-uugali
ng isang tao; at
makakuha ng tamang sagot sa isinagawang pananaliksik o pag-aaral.
A. Maghanda ng iskrip para sa Focus Group Discussion. Mag-isip ng mga tanong na maaaring itanong sa mga kakapanayamin hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat o iba pang matatandang anyo ng panitikan sa bansa. Ihanay ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Mga Inihandang tanong sa kakapanayamin:
1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ 6. ___________________________________________________________ 7. ___________________________________________________________ 8. ___________________________________________________________ 9. ___________________________________________________________ 10. ___________________________________________________________
B. Sumulat ng ulat sa isinagawang panayam. Gawing batayan ang pagpapalitan ng tanong at sagot sa katatapos na panayam sa gawaing ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________