ilang paglilinaw sa mga jargon sa pagtuturo
TRANSCRIPT
Ilang Paglilinaw sa mga Jargon sa Pagtuturo:Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral Ang Pagkatuto na Tulung-tulong
Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner Centered Teaching)
Sinasaklaw nito ang mga pamamaraan ng pagtuturo na inililipat ang pokus ng pagtuturo mula sa guro papunta sa mga mag-aaral.
Gumagamit ng Teknik na:•Nakapokus sa pangangailangan, tunguhin at estilo sa pag-aaral.
•Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral
(halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay)•Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang
pansarili
•Kurikulum na may konsultasyon at isinasaalag-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na maangkin ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsik na motibasyon.
Ang Pagkatuto na Tulung-tulong(Cooperative Learning)
Ang isang klasrum na kooperatib ay: hindi pagalingan o paligsahan nagagawa nilang magbahagian ng mga impormasyon na laging
naroon ang pagtutulungan sa isa’t-isa ang layunin ng bawat manlalaro ay mapagtatagumpayan ang
anumang itinakdang gawain nagbibigay ng sama-sama (collaborative) na pagsisikap ng guro
at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang gawain
•Positive interdependence•Face-to-face promotive interaction• Individual and group accountability•Social skills•Group processing
Limang esensyal na mga elemento gamit ang Pagkatuto na Tulung-tulong (Cooperative Learning)
-Brown & Ciuffetelli Parker (2009) at Siltala (2010)
Limitasyon:• Ang mga guro ay maaring maguluhan at hindi magkaroon ng
kumpletong pag-unawa sa pamaraan
• Ito ay dinamiko at nangangahulugan na maaari itong hindi maging epektibong sa maraming mga sitwasyon
• Ang mga guro ay maaring palaging umasa dito sa Pagkatutong Tulung-tulong bilang isang paraan upang panatilihin abala ang mga mag-aaral
• Masusubok din ang mga guro sa mga estudyante na naniniwalang ang mga mabagal na kasamahan sa kanilang koponan ang sanhi ng hindi pagwawagi o sa mga mag-aaral na walang tiwala sa sarili at may pakiramdam na hindi sila pinapansin
Salamat sa pakikinig!