impormasyon mula kay terri snowball 2nd quarter... · 1 day ago · latang pagkain sa isang food...

6
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Pagtuturo sa mga Bata na Magbigay Ang pagbabahagi ng karanasan ng pagbibigay ay maaaring maging pinakamakabuluhang regalo na maibibigay mo sa iyong anak sa paparating na holiday. Maaaring mahirap ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagbibigay kapag sila ay napapalibutan ng mga mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap. Narito ang limang paraan upang magsimula: Magsimula habang bata pa. Maaaring masiyahan ang iyong batang anak sa pagtulong na mag-bake ng mga cookie para sa isang kaibigan ngunit maaaring sa huli ay gusto niyang sa kaniya mapunta ang regalo. Planuhin ito sa pamamagitan ng pag-bake ng sapat na mga cookie upang itago at ipamigay. Ituro ang halaga ng pagbibigay ng oras. Tulungan ang iyong anak na gumawa ng mga gift certificate para sa “isang libreng car wash” o “agahan sa kama” na maaari niyang ibigay sa ibang miyembro ng pamilya. Isama ang iyong anak sa pagpili ng regalo. Mainam ang panahong ito para pumili mula sa mga angel tree. Pumili ng mga bata na may parehong edad/kasarian sa iyong mga anak at hayaan sila na pumili ng mga regalo, at kung posible, isama sila sa pagbibigay o pagpapadala ng regalo. Magugustuhan nila ang karanasan. Maging ehemplo. Iboluntaryo ang oras ng iyong pamilya sa isang soup kitchen o senior center. Kumuha ng maliliit na bagay na ginagamit sa banyo, tulad ng toothpaste at shampoo, at ilagay ito sa isang may dekorasyon na lalagyan ng regalo upang dalhin sa isang shelter para sa mga walang tirahan. Tanungin ang iyong anak kung makakatulong siya na mag-alaga ng bata para sa batang anak ng kapitbahay upang maaaring makapag-shopping ang kapitbahay o tulungan kang maghakot ng mga dahon para sa isang matandang kaibigan. Iangkop sa bibigyan ang pagbibigay. Para sa mga magulang na maraming ginagawa, mas mabilis na magsulat ng tseke para sa isang charity, ngunit maliit ang epekto nito sa isang bata na hindi nakikita kung saan napupunta ang pera o naisasaisip ang mga tao na mabibigyan ng benepisyo. Mas makabuluhan ang pagdadala ng mga de- latang pagkain sa isang food bank kumpara sa pagpapadala ng tseke sa pamamagitan ng koreo. Ang iyong pamilya ay maaaring “mag-adopt” ng isang pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng isang organisasyong pangkomunidad, pumili ng mga regalo at balutin ang mga ito. Magkaroon ng pag-uusap sa inyong pamilya tungkol sa mga bagay na pinapasalamatan ninyo. Makakatulong ito sa iyong mga anak na maisip na ang mga bagay na pinapahalagahan nila ay hindi nararanasan ng ibang mga tao. Inaalok ng May-akda na si Ellen Sabin na subukan ang mga aktibidad na ito. Ang mga bagay na ito ay hindi kumakain ng maraming oras. Kailangan mo lamang maglaan ng kaunting oras na iniisip ang ibang tao. Snowball Gumawa ako ng isang snowball, Ginawa kong perkpekto, Inisip kong gawing alaga, At kasama ko itong matulog. Ginawan ko ito ng pajama, At unan para sa kaniyang ulo, Iniwan niya ako kagabi, Pero una nitong binasa ang kama! ~ Shel Silverstein Terri Stafford Impormasyon mula kay Terri Ang pagbibigay ay isang gawi — dapat itong paunlarin. Anonymous The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) Tahanan at Paaralan Bolyum 17 2020, Ika-2 Quarter “Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

Upload: others

Post on 22-Oct-2020

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    Pagtuturo sa mga Bata na MagbigayAng pagbabahagi ng karanasan ng pagbibigay ay maaaring maging pinakamakabuluhang regalo na maibibigay mo sa iyong anak sa paparating na holiday. Maaaring mahirap ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagbibigay kapag sila ay napapalibutan ng mga mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap. Narito ang limang paraan upang magsimula: Magsimula habang bata pa. Maaaring masiyahan ang iyong

    batang anak sa pagtulong na mag-bake ng mga cookie para sa isang kaibigan ngunit maaaring sa huli ay gusto niyang sa kaniya mapunta ang regalo. Planuhin ito sa pamamagitan ng pag-bake ng sapat na mga cookie upang itago at ipamigay.

    Ituro ang halaga ng pagbibigay ng oras. Tulungan ang iyong anak na gumawa ng mga gift certificate para sa “isang libreng car wash” o “agahan sa kama” na maaari niyang ibigay sa ibang miyembro ng pamilya.

    Isama ang iyong anak sa pagpili ng regalo. Mainam ang panahong ito para pumili mula sa mga angel tree. Pumili ng mga bata na may parehong edad/kasarian sa iyong mga anak at hayaan sila na pumili ng mga regalo, at kung posible, isama sila sa pagbibigay o pagpapadala ng regalo. Magugustuhan nila ang karanasan.

    Maging ehemplo. Iboluntaryo ang oras ng iyong pamilya sa isang soup kitchen o senior center. Kumuha ng maliliit na bagay na ginagamit sa banyo, tulad ng toothpaste at shampoo, at ilagay ito sa isang may dekorasyon na lalagyan ng regalo upang dalhin sa isang shelter para sa mga walang tirahan. Tanungin ang iyong anak kung makakatulong siya na mag-alaga ng bata para sa batang anak ng kapitbahay upang maaaring makapag-shopping ang kapitbahay o tulungan kang maghakot ng mga dahon para sa isang matandang kaibigan.

    Iangkop sa bibigyan ang pagbibigay. Para sa mga magulang na maraming ginagawa, mas mabilis na magsulat ng tseke para sa isang charity, ngunit maliit ang epekto nito sa isang bata na hindi nakikita kung saan napupunta ang pera o naisasaisip ang mga tao na mabibigyan ng benepisyo. Mas makabuluhan ang pagdadala ng mga de-latang pagkain sa isang food bank kumpara sa pagpapadala ng tseke sa pamamagitan ng koreo. Ang iyong pamilya ay maaaring “mag-adopt” ng isang pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng isang organisasyong pangkomunidad, pumili ng mga regalo at balutin ang mga ito.

    Magkaroon ng pag-uusap sa inyong pamilya tungkol sa mga bagay na pinapasalamatan ninyo. Makakatulong ito sa iyong mga anak na maisip na ang mga bagay na pinapahalagahan nila ay hindi nararanasan ng ibang mga tao.Inaalok ng May-akda na si Ellen Sabin na subukan ang mga aktibidad na ito. Ang mga bagay na ito ay hindi kumakain ng maraming oras. Kailangan mo lamang maglaan ng kaunting oras na iniisip ang ibang tao.

    Snowball Gumawa ako ng isang snowball,

    Ginawa kong perkpekto,

    Inisip kong gawing alaga,

    At kasama ko itong matulog.

    Ginawan ko ito ng pajama,

    At unan para sa kaniyang ulo,

    Iniwan niya ako kagabi,

    Pero una nitong binasa ang kama!

    ~ Shel Silverstein

    Terri Stafford

    Impormasyon mula kay Terri

    Ang pagbibigay ay isang gawi — dapat itong paunlarin.

    Anonymous

    The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

    Tahanan at Paaralan

    Bolyum 172020, Ika-2 Quarter

    “Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    2

    Paano Makakatulong ang Kabataan sa mga Komunidad na Tumugon at Makabangon Mula sa Pandemya ng Coronavirus

    Mas mahalaga higit kailanman ang pagboboluntaryo at serbisyo sa panahon ng krisis. Ang social distancing ay hindi nangangahulugang social isolation (pagbubukod sa lipunan). Magkakasama tayong lahat dito, kung kaya’t magtulungan tayo. Gawin nating lahat ang ating parte para sa kapakanan ng lahat, para kapag natapos na ang krisis na ito, maipagmamalaki natin kung paano tayo nagtulungan upang mapanatili nating matatag ang ating mga kabataan, ang ating mga komunidad, at ang ating mga demokrasya.

    Tanungin sa iyong lokal na sistema ng paaralan upang malaman kung kailangan nila ng mga boluntaryo upang magbigay ng pagkain (o iba pang mga gamit) sa mga nangangailangang bata at pamilya.⇒ Mag-donate at magboluntaryo sa iyong mga lokal na food bank o food pantry.

    Tanungin sila para makita kung ano ang kanilang kailangan; at tumulong sa kanilang mga gawain, mag-deliver ng pagkain at gamot, atbp. Gumawa ng regular na tawag o video call na pagbisita upang mabawasan ang pagkakabukod sa lipunan/kalungkutan. Gumawa ng mga card o magsulat ng mga liham, email, o mensahe sa social media sa mga nakatatanda sa mga nursing home na hindi maaaring tumanggap ng mga bisita.⇒ Makipag-ugnayan sa isang lokal na mutual aid group sa pamamagitan ng AARP Community Connections.⇒ Suportahan ang mga panlipunang pakikipag-ugnayan gamit ang Mga Ideya Upang Panatilihin ang mga Panlipunang

    Koneksiyon sa mga Henerasyon na ito.⇒ Makipag-ugnayan sa iyong lokal na Meals on Wheels upang alamin ang mga paraan para magboluntaryo.

    Magbahagi ng mga totoong impormasyon at magtaguyod ng mga ugali ng mga indibdwal na dapat na ginagawa upang matigil ang pagkalat ng virus, kabilang ang pananatili sa bahay, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at social distancing.

    Magpahinga mula sa balita at lumabas, maglaro, manood ng iyong paboritong palabas sa TV o pelikula, atbp. Upang suportahan ang iba, sa halip na sabihin na huwag mag-alala, pag-isipang tanungin kung anong ginagawa nila para sa pangangalaga ng sarili. At patuloy na makipag-ugnayan kung kaya mo.⇒ Isang mainam na paraan upang #MagingMabait sa isang tao na nahihirapan ay #ManatilingNandiyan para

    sa kaniya.

    Maaaring maging masayang aktibidad ang fundraising habang sarado ang mga paaralan. Gumawa ng mga kard, artwork, alahas o iba pang mga bagay na gawang-kamay upang ibenta sa internet. Mag-organisa ng mga virtual na “thon” (event na parang marathon) (maglakad, mag-skate, mag-bowling, lumangoy, magbisikleta, rock, magbasa, magsayaw) ng isang aktibidad na maaaring gawin ng mga tao at sundan nang mag-isa.⇒ Bumuo ng task force para sa sambahayan. Ipinapakita ng Google doc kung paano gumawa ng isang contact

    sheet, group chat, at isang listahan ng mga tanong kung paano tulungan ang isa’t isa sa panahon ng krisis tulad ng coronavirus. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga serbisyo sa pagpapadala sa listahan ng sambahayan, Facebook, Nextdoor o Slack.

    Maaaring magbigay ng pangangalaga sa bata ang mga mas matandang tinedyer at mga mag-aaral sa kolehiyo para sa pamilya/mga kaibigan/mga kapitbahay kung sarado ang mga paaralan, ngunit kailangan pa rin magtrabaho ng mga magulang. Mag-organisa ng isang co-op o kooperatiba para sa pangangalaga ng mga bata upang magbahagi ng responsibilidad.

    Mula sa isang artikulo ng YSA (Youth Service America) na Youth Changing the World (Mga Kabataang Bumabago sa Mundo)

    Dahil nakansela ang mga blood drive, humaharap sa malubhang kakulangan ang mga blood bank. Kailangan ngayon ng mga donasyon mula sa malulusog na indibidwal upang mapanatili ang sapat na suplay ng dugo.⇒ Makakatulong sa iyo ang mga sumusunod na organisasyon na alamin ang lokasyon kung saan

    makakapag-donate sa iyong komunidad:The American Red CrossAmerica’s Blood CentersAABB.org

    PAANO MAKAKATULONG

    ANG KABATAAN

    WAKASAN ANG GUTOM

    TUMULONG SA MGA NAKABUKOD NA NAKATATANDA

    MAGTAGUYOD NG MGA MABUTING

    PAG-UUGALI

    PROTEKTAHAN ANG KALUSUGAN

    NG KAISIPAN

    SUPORTAHAN ANG MGA TAO NA

    WALANG TRABAHO

    MAGBIGAY NG PANGANGALAGA

    SA MGA BATA

    MAG-DONATE NG DUGO

    WAKASAN ANG GUTOM

    SUPORTAHAN ANG MGA ESENSIYAL NA

    MANGGAGAWA

    LABANAN ANG RASISMO

    MAGHANDA PARA SA MGA SAKUNAMAGBIGAY NG

    KASIYAHAN

    PIGILAN ANG KARAHASAN GAMIT

    ANG BARIL

    MAG-FOSTER NG MGA HAYOP MULA SA SHELTER

    MAG-DONATE NG DUGO

    SUPORTAHAN ANG MGA NONPROFIT

    GUMAWA AT MAG-DONATE NG MGA

    FACE MASK

    SUPORTAHAN ANG MGA TAO NA WALANG

    TRABAHO

    MAGDIWANG NG MGA ESPESYAL NA

    PANGYAYARIPANATILIHING LIGTAS ANG MGA TAO ONLINE

    MAGTAGUYOD PARA SA PAGBABAGO

    NG POLISIYA

    TUGUNAN ANG MGA HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY SA

    EDUKASYON

    MAGTAGUYOD NG MGA MABUTING PAG-UUGALI

    PROTEKTAHAN ANG KALUSUGAN NG

    KAISIPAN

    TUMULONG SA MGA NAKABUKOD NA NAKATATANDA

    MAGHANDA PARA SA HALALAN

    MAGBIGAY NG PANGANGALAGA SA

    MGA BATA

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    3

    Mayroon Bang Digital Dirt ang Iyong Tinedyer?Tumutukoy ang Digital Dirt sa lahat ng impormasyon, —- mga libangan, litrato, agresibong pananalita, hindi kontroladong pananalita o kilos, atbp.—-tungkol sa isang indibidwal na nasa Internet sa pamamagitan ng mga personal na web site, mga profile sa social networking site at mga komento sa mga blog. Ang hindi mo—-at lalo na ng iyong mga tinedyer—- naiisip ay binabasa ito ng mga kolehiyo at unibersidad, pati na rin ng mga employer at, sa maraming kaso, ang mga nahahanap nila ay magtatanggal sa aplikante bago pa man siya tawagin para sa isang interbyu. Nagsusuri na ang maraming tanggapan sa pagpasok sa kolehiyo ng mga online profile ng mga high school senior kapag tinutukoy ang kanilang kwalipikasyon para sa pagpasok. Dagdag pa rito, nag-uulat ang mga ibang employer na regular nilang sinusuri ang mga online profile ng kanilang mga aplikante. Tanungin ang iyong mga anak kung gusto nilang hindi matanggap sa kolehiyo o sa trabaho na kanilang gusto dahil ipinagyayabang nila ang hindi pagpasok sa klase at pag-inom ng alak sa edad na hindi legal sa batas.Linisin ang mga online profile. Sa halip na utusan ang iyong mga tinedyer na tanggalin ang kanilang mga profile, hikayatin sila na magsaya sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili—-sa makatuwirang paraan. Makipag-usap sa kanila tungkol sa mga kahihinatnan ng mga impormasyon na kanilang ipino-post at hilingin sa kanila na huwag lamang suriin ang nilalaman, kundi tanggalin din ang anumang kahina-hinalang materyal. Maaaring maging malikhain ang mga tinedyer nang hindi inilalagay sa panganib ang kanilang mga oportunidad sa hinaharap.Magpatupad ng mga Kontrol sa Kaligtasan (Safety Controls). Marami sa mga kilalang social networking site ang nagpapahintulot sa mga user na mag-post ng mga komento tungkol sa mga kapwa miyembro. Nangangahulugan ito na maaaring mai-post ang mga litrato at iba pang content. Upang maiwasan ang mga ganitong komento, na maaaring makasira o hindi maganda, tiyakin na gawing aktibo ang mga feature na nagpipigil o nagsusuri ng mga naturang komento.Kinuha ang bahagi mula sa isang artikulo na: Partnership to End Addiction (Pakikipagtuwang para Puksain ang Adiksyon). Isinulat ng Tauhan ng Partnership.

    Pagbabantay sa Iyong Tinedyer sa InternetMahusay na kagamitan ang Internet para matuto ang mga tinedyer. Ngunit maaari din itong makapaglantad sa kanila sa mga masamang taong nais na samantalahin ang kanilang kahinaan. Bilang magulang, mahalaga na subaybayan ang mga aktibidad ng iyong tinedyer sa online. Bagaman maaaring maramdaman ng ibang tinedyer na panghihimasok ito sa kanilang pribadong buhay, kailangang maging alerto ang mga magulang, tulad na lamang kapag pinapayagan nilang lumabas sa gabi ang kanilang mga tinedyer kasama ang kanilang mga kaibigan. Dapat na alam mo kung kanino at kailan nakikipag-usap ang iyong tinedyer. Subaybayan ang lahat ng aktibidad ng iyong tinedyer sa internet, tulad ng paggamit ng mga chat room, blog, bulletin board, instant messaging at e-mail. Madalas na nakikilala ng mga masamang tao ang mga tinedyer sa mga chat room bago makipag-ugnayan sa kanila sa iba pang paraan. Kung nakita mong tumatanggap ang iyong tinedyer ng mga hindi angkop na komunikasyon mula sa isang potensiyal na masamang tao, makipag-ugnayan sa iyong lokal na ahensiya ng pagpapatupad ng batas para sa tulong.

    Pinagmulan: Working Solutions, Alliance Work Partners

    Mga Sintomas ng Pakikisangkot sa GangHabang tumatanda ang iyong anak, hindi lamang droga at alak ang mga panganib na dapat mong subaybayan. Dapat din na maging maingat sa potensiyal na pakikisangkot sa gang. Kabilang ang mga sumusunod sa mga palatandaan na nakikisangkot ang iyong anak ang: paglilihim ng mga aktibidad na hindi sa bahay; mga bago at di-komportableng kaibigan sa kaniyang buhay; pagkakaroon o paggamit ng mga armas; bagong “street” name o pangalan sa kalye; graffiti sa mga personal na gamit; mga tato o mga pagguhit sa kanilang balat ng simbolo ng gang; mas mababang marka sa paaralan o nababawasang interes sa mga aktibidad sa paaralan; mas kaunting interes sa pamilya; pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na pera o mga bagay na hindi nila kayang bilhin; pagsuot ng mga damit na pareho ang kulay araw-araw o pagsuot ng mga partikular na gamit o damit na partikular sa isang parte ng katawan; at negatibong pakikipag-ugnayan sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas. Kung napapansin mo ang mga ganitong uri ng pagbabago, humingi ng tulong para sa interbensyon sa gang, na available rin sa pamamagitan ng paaralan ng iyong anak at mga ahensiyang nagpapatupad ng batas.

    Pinagmulan: Working Solutions, Alliance Work Partners

    Kung gusto mong maging masaya ang ibang tao, magkaroon ng

    malasakit.Kung gusto mong maging masaya, magkaroon ng

    malasakit.

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    4

    Anong Matutunan ng mga Bata Mula Sa PagboluntaryoKung magsisimula ang pagboluntaryo sa murang edad, maaari itong maging parte ng buhay ng mga bata—isang bagay na maaaring inaasahan at gusto nilang gawin. Maaari nitong turuan sila na:

    ♦ Magkaroon ng pananaw sa responsibilidad. Sa pagboboluntaryo, matututunan ng mga bata at tinedyer kung paano gumawa at tumupad ng isang pangako. Matututunan nilang pumasok nang tama sa oras sa trabaho, gawin ang kanilang makakaya, at maipagmalaki ang mga resulta. Ngunit matututunan din nila na lahat tayo ay responsable para sa kapakanan ng ating mga komunidad.

    ♦ Nakakagawa ng kaibhan ang isang tao. Isang napakaganda at nagbibigay kumpiyansa na mensahe para sa mga bata ang sabihin na sila ay mahalaga upang makapagbigay ng epekto sa isang tao o isang bagay.

    ♦ May benepisyo sa sakripisyo. Sa pagbibigay ng laruan sa mas kapus-palad, natututunan ng bata na minsan ay mabuting magsakripisyo. Ang pagbawas sa oras ng libangan para tumulong na maglinis ng dalampasigan ay nagsasabi sa mga bata na may mahahalagang bagay bukod sa ating sarili at agarang pangangailangan.

    ♦ Maging mapagparaya. Maaaring iugnay ng pagtatrabaho sa serbisyo sa komunidad ang mga bata at tinedyer sa mga tao na may iba’t ibang pinagmulan, kakayahan, lahi, edad, edukasyon at antas ng kita. Matututo sila na kahit ang mga indibidwal na pinakakakaiba ay maaaring magkaisa sa ngalan ng mga kaparehong pinapahalagahan.

    ♦ Magkaroon ng mga kasanayan para sa trabaho. Maaaring makatulong sa mga kabataan ang serbisyo sa komunidad na magdesisyon tungkol sa kanilang karera sa hinaharap. Sila ba ay interesado sa medikal na trabaho? Kadalasang mayroong mga programa sa pagboluntaryo para sa mga tinedyer ang mga ospital at klinika. Gusto ba nila ng pulitika? Maaaring magtrabaho ang mga bata sa mga totoong kampanya ng mga lokal na pulitikal na kandidato. Pagkatutong magtrabaho bilang isang miyembro ng team, pagkakaroon ng mga tungkulin bilang lider, pag-aayos ng mga layunin ng proyekto—lahat ito ay mga kasanayang maaaring matutunan.

    ♦ Kung paano makabuluhang punan ang libreng oras. Kung hindi nakikisali ang iyong mga anak sa tradisyonal na mga aktibidad pagkatapos ng eskuwela, maaaring magandang alternatibo ang serbisyo sa komunidad.

    Pinagmulan: www.kidshealth.org

    Paano Ituro sa mga Bata ang PagpapasalamatAng pagpapasalamat ay isang ugali sa pamumuhay. Natututunan ng mga bata ang pagpapasalamat sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga magulang, guro, lolo at lola at iba pang mga nasa hustong gulang sa kanilang buhay. Nagsisilbing mga huwaran ang mga ito. Ginagaya ng mga bata ang mga pinapahalagahang nakikita nila sa pang-araw-araw. Kung nakikita at nararanasan ng mga bata ang kahalagahan ng pagpapasalamat sa kanilang pang-araw-araw na buhay, magiging bahagi ito ng kanilang ugali.

    Bilangin ang iyong mga pagpapala araw-araw.Simulan ang bawat umaga sa isang malaking pagpapasalamat, na magpapatuloy sa iyong buong araw pati na rin ng sa iyong mga anak. Ang iyong ugali at pagpapasalamat sa regalo ng bawat araw ay nagpapakita na ang bawat sandali ay kung paano mo ito papahalagahan.  Simulan ang bawat araw ng mayroong malaking ngiti.  Ihayag na magkakaroon ka ng magandang araw.  Sabihin sa iyong mga anak at ibang kabataan sa iyong buhay na,

    “Masaya ako na ikaw ang aking anak/apo/pamangkin/mag-aaral, atbp.”

      Ugaliin na simulan ang araw sa paglista ng maliliit na pagpapasalamat. Pagkakaroon ng kama na tutulugan, pagkain na makakain, bubong sa iyong bahay.

      Gumawa ng isang poster para sa pagpapasalamat nang magkasama at ilagay ito kung saan makikita ng mga kapamilya o mga mag-aaral.

      Gumawa ng iyong sariling poster para sa pagpapasalamat at sabihan ang mga anak na magdagdag dito araw-araw. Tanungin sila, “Ano ang pinapasalamatan mo ngayong araw?”

    Mag-ensayo ng mga gawain ng kagandahang-loob.Ang mga huwarang nasa hustong gulang ay nagiging halimbawa ng pagpapasalamat sa pamamagitan ng pagpapakita ng kagandahang-loob. Ipakita sa mga bata na ang kagandahang-loob ay kung paano ka makisalamuha sa kanila at sa ibang tao. Hikayatin sila na lumahok sa mga gawain ng kagandahang-loob kapag pwede sa sitwasyon at tiyak na magpapakita sila ng kanilang sariling gawain ng kagandahang-loob sa lalong madaling panahon.Ilan sa mga halimbawa ang:   Pagpahintulot sa isang tao na mauna sa iyo sa linya sa grocery.   Hayaan ang ibang nagmamaneho na mauna sa trapiko, o kumaway

    at ngumiti kapag mayroong gumawa nito para sa iyo.   Hawakan ang pintuan para sa mga taong papasok o lalabas sa

    tindahan o gusali.   Pagbabahagi sa iba sa pamamagitan ng pagpapahiram ng libro,

    kagamitan, atbp. sa kaibigan o kapitbahay.   Pagtulong sa nangangailangan sa pamamagitan ng pagdadala sa

    kanila ng lutong bahay na pagkain o pagboluntaryo ng iyong oras.

    Magsabi ng taos-pusong papuri.Tinuturo ng pagpupuri sa mga bata ang higit pa tungkol sa pagbibigay at pakikibahagi sa halip na pagalitan sila. Bilang nakatatanda, dapat nating sabihan ng taos-pusong papuri ang mga bata sa ating buhay para sa kanilang mga nakakamit.  Ipaalam sa mga bata na makulay at malikhain ang kanilang pagguhit,

    na nagpapasalamat ka sa kanilang tulong, at na puno ng pagiging maaalahanin ang kanilang kagandahang-loob.

      Mahalaga ang pagpupuri kapag ang isang bata ay mayroong nakamit na tagumpay, nakalutas ng problema o gumawa ng matinding pagsisikap.

      Purihin sila sa pagpansin ng kagandahan at pagkabighani sa kalikasan at para sa kanilang matingkad na imahinasyon.

    Magsabi ng “Salamat” Mayroong epekto ang bawat aksiyon at salita. Maging maingat sa iyong ugali at pakikitungo sa pamilya, mga kaibigan at mga hindi kilala. Tratuhin ang lahat nang may kagandahang-loob at pasasalamat. Nakikita at ginagaya ng mga bata ang pakikitungo na iyon. Kapag maraming beses na sinasabi ng mga nakatatanda ang simpleng “salamat”, susundan ito ng mga bata.

    Kinuha mula sa Gratitude Habitat Blog ni Carol Adamski

    RECIPE PARA SA PAGLAHOK NG MAGULANG 1 baso ng positibong ugali 2 1/2 baso ng propesyonal na paggalang 3 1/2 baso ng pakikinig nang may pagninilay-nilay 4 na kutsara ng malayang komunikasyon 1 3/4 baso ng katapatan at katarungan 5 baso ng respeto 1 baso ng positibong kalidad at karakter ng paaralan 1 1/2 baso ng makabuluhang mga aktibidad para sa magulang 6 na baso ng kabuuang pagtuon ng tauhan Maingat na paghaluin upang makilahok ang iyong mga magulang sa paaralan ngayon.

    “Huwag mong ipagwalang-bahala ang anumang bagay — ang isang ngiti o isang tao o isang bahaghari o isang paghinga, o isang gabi sa iyong malambot na kama.”

    ~ Terri Guillemets

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    5

    Mga payo para sa Acting Boldly to Change Diet and Exercise for Kids (Buong tapang na aksiyon para baguhin ang diyeta at ehersisyo para sa mga bata)

    Bilang mga magulang at tagapangalaga, ikaw ay kritikal sa pagtataguyod ng mga kailangan at panghabambuhay na kaugalian sa pagkain at ehersisyo ng mga bata.

    Matapang na umaksiyon bilang isang Role model — Tiyakin na kumakain ka nang malusog, ng masustansiyang mga

    pagkain at regular na mag-ehersisyo. Ipagpatuloy ito; dapat itong maging permanenteng bahagi ng iyong buhay. Maging mabuting halimbawa.

    Gatekeeper — mayroon kang kapangyarihan na sumubaybay at magkontrol kung ano ang kinakain ng iyong mga anak, kung anong ehersisyo ang gagawin nila, at kung gaano sila katagal manonood ng TV, gagamit ng web, o maglalaro ng mga videogame. Ikaw ang nangangasiwa.

    Tagatakda ng lasa — maaari mong maimpluwensiyahan ang pagpapahalaga ng iyong mga anak sa mga lasa ng masusustansiyang pagkain habang bata pa, at ito ay magbubunga hanggang tumanda sila. Simulan sila nang tama nang bata pa.

    Tagapagtaguyod — gamitin ang iyong boses upang magtulak ng mga positibong pagbabago sa pangangalaga ng mga bata, sa mga paaralan at iyong mga komunidad na nagpapadali ng pagkain nang masustansiya at pag-eehersisyo. Mayroon silang karapatan na maging malusog.

    Palitan ang kanilang diyeta Gumamit ng mga malusog at masustansiyang pagkain (hal., mga prutas, gulay, whole grain, mga protinang walang taba at mga

    produktong galing sa gatas na mababa ang taba) na siksik sa nutrisyon kapag nagluluto ng mga pagkain para sa pamilya o kapag naghahanda ng meryenda. Limitahan ang pagkain ng mga pagkaing halos walang nutrisyon tulad ng mga pagkaing mataas sa asukal, pinroseso at fast food.

    Gumamit ng Go, Slow, Whoa bilang gabay. Mga Go food — mababa sa taba, asukal at calories, at siksik sa sustansiya, hal., mga prutas at gulay. Mabuting kainin anumang oras. Mga Slow food — mas mataas sa taba, mas maraming asukal at calories, hal., puting tinapay, mga pancake, prutas na de-lata at may

    syrup. Dapat na madalang kainin. Mga Whoa food — napakataas sa taba, mas maraming asukal at calories at kaunting nutrisyon, hal., kendi, soda, French fries. Minsan

    lamang kainin at kaunting dami lamang. Tiyakin na ang pagkain ng calorie at laki ng dami ay tumutugma sa edad at antas ng aktibidad ng iyong anak. Maghanap ng mga paraan upang gawing mas masustansiya ang mga paboritong pagkain ng pamilya sa pamamagitan ng paggamit

    ng mas malusog na sangkap (hal., mas maraming gulay, mas kaunting taba) o mas malusog na paraan ng pagluluto (hal., pag-ihaw o pag-bake sa halip na pagprito).

    Ikonekta ang mga bata sa kanilang pagkain sa pamamagitan ng patuloy na pagpapakilala ng mga bagong uri ng masustansiyang pagkain at hayaan sila na sumama sa pamimili at paghahanda ng pagkain upang maintindihan nila kung ano ang mga sangkap ng kanilang pagkain at mapanatili ang mga malusog na kaugalian sa pagluluto habang lumalaki sila.

    Protektahan ang oras ng pagkain kasama ang iyong mga anak — ang mga bata na kumakain sa regular na oras ng pagkain kasama ang pamilya ay nakakakuha nang mas maraming nutrisyon, mas mabuti ang pagganap sa paaralan at mas malapit sa kanilang mga pamilya.

    Palitan ang kanilang diyeta sa media — limitahan ang oras para sa TV sa isa hanggang dalawang oras na may kalidad na panonood kada araw, subaybayan ang paggamit ng internet at tiyakin na iniiwasan ang pagmemeryenda habang nanonood ng TV.

    Palitan ang kanilang rutina sa ehersisyo Maglaan ng oras para maglaro o maging aktibo kasama ang iyong mga anak — maglaan ng 60 minuto kada araw upang maglaro

    ng pasahan ng bola; maglakad, mag-jogging, magbisikleta o lumangoy; o maglaro ng habulan. Tiyakin na nakakakuha ng sapat na aktibidad ang iyong mga anak upang balansehin ang mga calorie na kinakain nila. Bigyan sila ng mga regalo na humihikayat sa aktibidad — hal., kagamitan para sa isports, aktibong laro o i-enroll sila sa mga sports

    team sa komunidad. Maglakad hangga't posible — hal., maglakad kasama ang iyong mga anak papuntang paaralan, pagkatapos ng hapunan, sa halip

    na manood ng TV. Gumalaw sa inyong bahay kasama ang iyong mga anak — hal., mga gawain sa bakuran, paghahalaman o mga trabaho o

    kukumpunihin sa bahay.

    https://www.apa.org/topics/children/healthy-eating

    EDABC

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    6

    ADMINISTRASYON Ray Cogburn, Punong Tagapagpaganap

    Region 16 Education Service Center 5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

    Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167 www.esc16.net

    Cory Green, Associate Commissioner Kagawaran ng mga Kontrata,

    Mga Gawad at Pampinansiyal na Administrasyon Texas Education Agency

    1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701 Telepono: (512) 463-9734

    www.tea.texas.gov

    © 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

    Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, German, Tagalog at Korean.

    PATNUGOTTerri Stafford, Coordinator

    Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    [email protected]

    The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

    Tahanan at Paaralan"Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago"

    MAG-SET NG MATALINONG LIMITASYONIkaw ang mamahala. Gusto ng mga bata ang limitasyon. Nakakatulong ito sa kanila na maintindihan at pangasiwaan ang kadalasang nakakalitong mundo. Ipakita ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga hanggangan upang ligtas silang sumiyasat at tumuklas ng kanilang mga kagustuhan.Huwag pigilan ang pag-unlad ng iyong anak. Ang misyon sa buhay ng iyong maliit pa lamang na anak ay magkaroon ng kalayaan. Kung kaya’t kung kaya na niyang ilayo ang kaniyang mga laruan, alisin ang kaniyang pinagkainan sa mesa, at magsuot ng kaniyang damit, hayaan siya. Mabuti para sa kumipiyansa ng bata (at para sa iyong kalusugan ng isip!) ang pagbibigay ng responsibilidad sa bata.Huwag subukang ayusin lahat. Bigyan ng oportunidad ang maliliit na bata na humanap ng kanilang mga sariling solusyon. Kapag may pagmamahal mong tinanggap ang hindi malubhang pagkabigo ng isang bata nang hindi kaagad sumasaklolo sa kaniya, tinuturuan mo siyang dumepende sa sarili at maging matatag.Tandaan na ang disiplina ay hindi parusa. Ang pagpapatupad ng mga limitasyon ay tungkol sa pagtuturo sa mga bata kung paano kumilos sa mundo at tulungan silang maging may kakayahan, mapag-alaga at may kontrol.Piliin ang iyong mga lalabanan. Hindi maiintindihan ng mga bata ang napakaraming patakaran nang hindi nawawalan ng interes. Huwag mo nang isipin na makipag-away tungkol sa maliliit na bagay tulad ng pagpili ng damit at paminsan-minsang pananalitang nauugnay sa paggamit ng banyo. Magpokus sa mga bagay na talagang mahalaga -- ibig sabihin nito ay walang pakikipagsakitan, hindi magalang na pananalita o pagsisinungaling.

    ALAMIN ANG PINAKAMAINAM NA PARAAN UPANG PUMURIMagbigay ng angkop na puri. Sa halip ng simpleng pagsabi na, “Ang galing mo,” maging espesipiko kung tungkol saan ang ginawa ng iyong anak para marapat na sabihan ng positibong feedback. Maaari mong sabihin, “Alam kong mahirap maghintay hanggang matapos akong makipag-usap sa telepono para humingi ng cookies, at nagustuhan ko talaga ang iyong pagkakaroon ng pasensya.”

    Ipagbunyi ang mabubuting gawain. Kapag napansin mo na gumawa ng bagay na nakakatulong o may kagandahang-loob ang iyong anak, ipaalam sa kaniya ang iyong nararamdaman. Isa itong mainam na paraan upang pagtibayin ang mabuting asal para mas posibleng patuloy niya itong gawin.Magkuwento tungkol sa iyong mga anak. Katotohanan: Mas malakas ang epekto ng mga bagay na naririnig natin mula sa iba kaysa sa mga bagay na direktang sinasabi sa atin. Gawing mas epektibo ang pagpupuri kung hahayaan mo ang iyong anak na “mahuli” kang nagsasabi ng pagpuri tungkol sa kaniya sa kaniyang Lola, Tatay, o kahit sa kaniyang teddy bear.

    MAGTIWALA SA IYONG SARILIHuwag mong dagdagan ang pressure sa iyong sarili. Hindi ka masamang magulang kung bumili ka ng pagkain sa drive-through kapag masyado ka nang pagod para magluto.Magtiwala sa kutob mo bilang ina. Ikaw lamang ang nakakakilala nang lubos sa iyong anak. Sundin ang iyong kutob tungkol sa kaniyang kalusugan at kapakanan. Kung sa tingin mo ay mayroong mali, mataas ang posibilidad na tama ka.Sabihin mong “Hindi.” Pigilan ang pag-udyok na kumuha ng dagdag na obligasyon sa opisina o maging Reyna ng Pagboluntaryo sa paaralan ng iyong anak. Hindi mo kailan man pagsisisihan na gumugol ng panahon kasama ang iyong mga anak. Huwag tumanggap ng kawalan ng respeto mula sa iyong anak. Huwag kailanman na payagan siya na maging bastos o magsabi ng masasamang bagay sa iyo o sa ibang tao. Kung gagawin niya ito, mahigpit na sabihin sa kaniya na hindi mo papayagan ang anumang klase ng kawalan ng respeto.Ipasa ang iyong plano. Gamitin ang ibang mga tagapangalaga sa buhay ng iyong anak -- ang iyong asawa, mga lolo at lola, ang empleyado sa daycare, babysitter -- upang tulungan ka na mapaigting ang mga pagpapahalaga at kaugalian na nais mong maitanim. Kabilang dito ang lahat, mula sa pagsasabi ng salamat, pagkakaroon ng magandang asal at ang hindi pagmamaktol.Artikulo mula sa Explore Parents

    Mga Paraan para Maging Magaling na Magulang