isang tinig - · pdf filejune 12, 2017 kanlurang malicboy victory ball donation of snacks...

8
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 4 Bilang 4•Septyembre 2017 Bagong Ambulansya, handog ng A1E sa mga Atimonanin Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] Isang bagong ambulansya na Toyota Hi-Ace Commuter 2017 model ang pormal na ipinagkaloob ng Atimonan One Energy (A1E) sa Pamaha- laang Bayan ng Atimonan nitong Setyembre 18, 2017. Ang naturang ambulansya ay nagkakahalaga ng mahigit Php 1.6 milyon at may kumpletong kagamitan. Sa isang bayang gaya ng Atimonan, napakahalaga na may ambulansyang maaasahan upang magdala ng mga pasyente patungo sa mga ospital sa Luce- na City o sa Metro Manila kung kinakailangan. Nakita ng A1E ang kakulan- gan sa serbisyong medikal at pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad kaya nagkaloob ito ng isang ambulansya. Sa isang maikling programa sa harap ng munisipyo, pormal na tinanggap ni Mayor Rustico Joven U. Mendoza, Vice Mayor Nida Veranga at sinaksihan ng mga konsehal ng bayan na sina Kons. Elmer Santander, Kons. Nestor Santander, Kons. Estela Lim, Kons. Nestor Laude, Kons. Merlinda Pesigan at Pangulo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Amado Vidal at pinuno at kawani ng mga tanggapan at kagawaran ang naturang donasyon. Sundan sa pahina 3 Mga Nilalaman ng Ambulansya: Basic LED top light with siren Fully collapsible stretcher with locking mechanism Medical floor mounted cabinet 30”x9”x24”, 2 - layer Spine board Stethoscope Oxygen tank with content 20lbs, with oxygen tank regulator, and single oxygen tank holder Wall mounted BP Apparatus Installed fire extinguisher Flashlight with LED Battery First aid kit Ambubag resuscitator, adult and pedia combination Minor surgical kit Intravenous (IV) hook with strap Vinyl stickers LED light, dashboard blinker, tailgate blinker Black Tint (no need for cur- tains) 2-seater w/storage but no back- rest Marine plywood, non-slip mat- ting (coin design) Stainless bumper approach, stainless ramp approach Pormal na inihandog ni A1E execuve Chris Chua(kanan) kay Mayor Ticoy Mendoza (kaliwa) ang bagong ambulansya habang nakamasid ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga

Upload: vuongdan

Post on 20-Feb-2018

242 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 4 Bilang 4•Septyembre 2017

Bagong Ambulansya, handog ng A1E sa mga Atimonanin

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Isang bagong ambulansya na Toyota Hi-Ace Commuter 2017 model ang pormal na ipinagkaloob ng Atimonan One Energy (A1E) sa Pamaha-laang Bayan ng Atimonan nitong Setyembre 18, 2017. Ang naturang ambulansya ay nagkakahalaga ng mahigit Php 1.6 milyon at may kumpletong kagamitan. Sa isang bayang gaya ng Atimonan, napakahalaga na may ambulansyang maaasahan upang magdala ng mga pasyente patungo sa mga ospital sa Luce-na City o sa Metro Manila kung kinakailangan. Nakita ng A1E ang kakulan-gan sa serbisyong medikal at pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad kaya nagkaloob ito ng isang ambulansya. Sa isang maikling programa sa harap ng munisipyo, pormal na tinanggap ni Mayor Rustico Joven U. Mendoza, Vice Mayor Nida Veranga at sinaksihan ng mga konsehal ng bayan na sina Kons. Elmer Santander, Kons. Nestor Santander, Kons. Estela Lim, Kons. Nestor Laude, Kons. Merlinda Pesigan at Pangulo ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay Amado Vidal at pinuno at kawani ng mga tanggapan at kagawaran ang naturang donasyon. Sundan sa pahina 3

Mga Nilalaman ng Ambulansya:• Basic LED top light with siren• Fully collapsible stretcher with

locking mechanism• Medical floor mounted cabinet

30”x9”x24”, 2 - layer• Spine board• Stethoscope• Oxygen tank with content 20lbs,

with oxygen tank regulator, and single oxygen tank holder

• Wall mounted BP Apparatus• Installed fire extinguisher• Flashlight with LED Battery• First aid kit• Ambubag resuscitator, adult

and pedia combination• Minor surgical kit• Intravenous (IV) hook with

strap• Vinyl stickers • LED light, dashboard blinker,

tailgate blinker• Black Tint (no need for cur-

tains)• 2-seater w/storage but no back-

rest• Marine plywood, non-slip mat-

ting (coin design)• Stainless bumper approach,

stainless ramp approach

Pormal na inihandog ni A1E executive Chris Chua(kanan) kay Mayor Ticoy Mendoza (kaliwa) ang bagong ambulansya habang nakamasid ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga

Page 2: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 2

A1E nagdaos ng mga palaro kaugnay ng Tagultol Fishing Festival

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Isang Tinig

Lupong Patnugutan

J. Nomer MacalaladPatnugot

Cynthia Pardo Fhilip SantanderGrupong Editoryal

Address: 2/f Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St. Brgy. Zone 1 Atimonan Quezon 4331

Tel.No.: +63 42 795-5831

Email: [email protected]

Nagpasimula ang A1E ng tatlong patimpalak bilang pagha-handa sa parating na kapistahan ng bayan o ang Tagultol Fishing Festival noong Agusto 1-2, 2017. Ang mga sumusunod na pa-timpalak ay ang Tilus Catching Contest, Karera ng Sagwanan at Karera ng Langoy. Sinalihan ng 40 na mangingisda ang Tilus Catching Contest na pinanalunan ng Brgy. Balubad na nakahuli ng 1.75 kilo ng ti-lus o galunggong; pangalawa ang Brgy. Lumutan, .35 gramo; at pangatlo ang Brgy. Villa Ilaya, .30 gramo. Ang nanalo naman sa Karera ng Sagwanan ay si Floro Custosa, pangalawa si Pocholo Degala at pangatlo si Jason Vil-lanueva. At sa Languyan ang mga nagwagi ay sina Rixson Castillo (una), Christopher Altez (pangalawa) at si Jero Eliquio (pangat-lo). Ang patimpalak na ito ay pinagtulungan maging matagump-ay ng Special Project Unit, Municipal Agriculture Office, Ban-tay Dagat at Municipal Social Welfare and Development ng LGU-Atimonan. Kasiyahan ang naging handog ng patimpalak na ito sa mga manununood at mga sumali sapagkat ito ang mga gawain nila sa araw araw at bahagi ng kanilang ikinabubuhay bilang mangingis-da. Inaasahan ng mga taga Atimonan na ito ay gagawing tuwing piyesta ng bayan taon-taon.

Page 3: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 3

Buod ng mga gawaing pantulong ng Corp. Social Responsibility (CSR) Program ng A1E

mula Abril – Septyembre 2017

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

MGA PAGSASANAY NA GINANAP NG A1E

Umabot sa kabuuang Php 2,840,028.79 ang ginastos ng A1E para sa mga programa nito sa ilalim ng CSR na layong makatulong sa kaunlaran ng Atimonan at ilang barangay sa karatig bayan. Narito ang detalye ng mga proyekto at gawain:

Bagong Ambulansya, handog ng A1E...mula sa pahina 1... “Ito ay simula pa lamang sa mga biyaya na manggagaling sa Atimonan One Energy. Ako po ay sumusuporta sa proyektong ito dahil sa tingin ko ay ito ang makabubuti para sa ating bayan ng Atimonan dahil sa mga oportunidad na dala nito”, ayon kay Mayor Mendoza. Ipinaliwanag din ng kinatawan ng A1E at project lead na si G. Christopher Chua na ito ay simbolo ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa patuloy na suporta ng lokal na pamaha-laan at ng mga mamamayan sa power project. Inaasahang sa susunod na mga araw ay isa pang donasyon na bagong dumptruck ang darat-ing para naman sa programang pangkalinisan atpangkapaligiran ng Atimonan.

Pinipirmahan ang deed of donation ng ambulansya nina VP External Affairs-A1E Litz Santa-na (kaliwa), Mayor Ticoy Mendoza, AVP/Development Manager-A1E Chris Chua (Gitna) at Vice-Mayor Nida Veranga (Kanan) habang saksi ang mga Dept. Heads ng LGU-Atimonan, Kaga-wad ng Sangguniang Bayan, atbp.

Dates Project Title Activity Location Cost

May 20-21, 2017 IEC - Dalaw Turo with DENR IEC

Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ilaya and Caridad Ibaba 69,760.00

June 16, 2017

Values Formation & Financial Management Training for Relocatees

Lunch and snacks during training and hotel accommodation for trainers New Carinay Relocation 41,950.00

June 13-14, 2017 HLURB Inspection

Lunch and snacks for HOA during their meeting with HLURB representative, hotel accommodation for HLURB and Habitat reps New Carinay Relocation 12,520.00

June 22-23, 2017

IEC - Dalaw Turo with DENR (OLAA, LGMC, Brgy. Sokol, Brgy. Balugohin)

Snacks and hotel accommodation for DENR reps

OLAA, LGMC, Brgy. Sokol, Brgy. Balugohin 73,300.00

Aug 3-4, 2017 BHW Training

Meals and snacks during training and hotel accommodation for the trainers and BHW (TL Barangays) De Gracia Beach Resort 79,871.75

July 19 - 22, 2017 Profiling and Resource Mapping of PBSP

Hotel accommodation for PBSP reps New Carinay Relocation 24,500.00

August 25, 2017 Orientation on Cooperative Setup and Development

Meals and snacks during training, transportation rental for training participants

New Carinay Relocation and Villa Ibaba 30,740.00

332,641.75

Page 4: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 4

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

MGA PROYEKTONG IPINAGKALOOB at SINUPORTAHAN NG A1E

Buod ng mga gawaing pantulong ng Corp. Social Responsibility (CSR) Program ng A1E

mula Abril – Septyembre 2017

Dates Project Specific Activity Location Cost April 20, 2017 ACS Fence Construction Donation of construction materials Atimonan Central School 14,342.50 May 1, 2017 Construction of Magsaysay Day Care Center Donation of construction materials Brgy. Magsaysay 99,502.50 April 27, 2017 Vice Mayors League Monthly Meeting Lechon sponsorship for lunch Atimonan Quezon 7,500.00 May 15, 2017 Caridad Ibaba Elementary School Stage Donation of materials Caridad Ibaba elementary school 122,675.00 May 2, 2017 Maligaya Elementary School Pathway Donation of good lumber Brgy. San Isidro Elementary School 33,840.00 May 16, 2017 Day Care workers Lakbay Aral Transportation Atimonan Quezon 27,500.00

May 22-23, 2017 Villa Ibaba Fiesta Donation of trophies, megaphone, sound system & monoblock chairs

Villa Ibaba, Atimonan Quezon 57,200.00

May 26, 2017 Our Lady of Lourdes Parish Donation of e-bike as major prize Malinao Ilaya, Atimonan Quezon 23,000.00 June 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00

May 25, 2017 Medical, Dental & Eye Care Mission Medicines, meals and snacks for volunteers and patient, vehicle for dentists

Caridad Ibaba, Car. Ilaya, Villa Ibaba & Villa Ilaya 354,130.25

June 9, 2017 Coastal Cleanup Shirts, snacks, cleaning materials Zone 4-Pob and Angeles 21,250.00

July 14, 2017 St. Anne Parish & Diocesan Shrine Street dancing Snacks for 200 pax Silangang Malicboy 2,500.00 July 31, 2017 Atimonan Tagultol Fishing Festival Cash prizes Atimonan Quezon 53,000.00

August 1, 2017 A1E Employees Uniform for Atimonan Town Parade Polo Shirt A1E 12,000.00

August 16, 2017 New Carinay Relocation Fiesta sound system and snacks New Carinay Relocation 15,620.00 August 27, 2017 Cloud Fest Fun Run 15 tickets Our Lady of Lourdes Parish, Malinao Ilaya 15,000.00

September 12, 2017 Relief assistance during typhoon Maring Distributed 500 packs of food and water for flooded barangays Atimonan Quezon 25,000.00

September 16, 2017 International Coastal Clean Up Snacks and cleaning materials Coastal areas of Atimonan and Maling river 9,800.00 September 18, 2017 KA1SA SA KAUNLARAN (Donation of ambulance) Ambulance (delivered) Atimonan Quezon 1,606,526.79

2,507,387.04

Page 5: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 5

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

BHWs sumailalim sa batayang pagsasanay

Suporta para sa Our Lady of Lourdes Parish

May 36 barangay health workers (BHWs) ang su-mailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa First Aid and Basic Disaster Management Training noong Agosto 3-4, 2017 sa Atimonan, Quezon.

Kabilang dito ang mga BHWs ng mga barangay Brgy. Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ibaba, Caridad Ilaya, Baluguhin, San Isidro, Sapaan, Magsaysay at Malinao Ilaya sa Atimonan; Brgy. Sipa ng Padre Burgos at Barangay Binahaan, Kanlurang Malicboy at Silangang Malicboy ng Pagbilao. Ang mga nabanggit na barangay ay mga lugar na dadaanan ng transmission lines (linya ng kuryente) ng A1E, samantalang ang Villa Ibaba naman ay lugar kung saan ita-tayo ang proper plant project.

Ang mga tagapagsanay ay nagmula Provincial Di-saster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na

pinangunahan ni G. Niel Parco, kasama sina Bb. Victoria Umali at G. Ramon Nonato de Castro. Nagturo si Bb. Loina Calusin, RN ng Atimonan Rural Health Unit. Ang mga BHWs ay mga boluntaryong nagbibigay ng paunang serbisyong pangkalusugan sa kani-kanilang baran-gay. Minarapat ng A1E na iangat ang antas ng kanilang kakayahan upang higit na makapaglingkod. Kabilang sa mga pagsasanay ay ang tamang pagtugon sa anumang sakuna tulad ng mga nasusugatan sa aksiden-te, magbigay ng paunang lunas sa mga biktima ng aksidente at kalamidad, at gayundin sa mga sakit na di nakakahawa (Non-Communicable Diseases). Pinagkalooban din sila ng A1E ng isang set ng First Aid Kit na naglalaman ng manual, sphygmomanometer, stethoscope, digital thermometer, scissors, forceps, ice bag, triangular bandage, sterile gauze, at cotton balls para sa bawat barangay.

Ang simbahan ng Our Lady of Lourdes Parish (OLLP) sa Brgy. Malinao Ilaya ay kasalukuyang ipina-pagawa at marami pang ka-kailanganin bago ito matapos. Ngunit dahil na din sa kasi-pagan ng Kura Paroko na si Rev. Fr. Florencio Nombrefia ,maraming organisasyon ang tumutulong para sa parokya. Isa na dito ang Cloud Fest. Noong Agosto 26, 2017 ginanap ang isang fun run sa SM Mall of Asia. Ito ay proyekto ng Cloud Fest at ang 10% ng benta ng tiket ay

mapupunta sa simbahan ng OLLP. Karamihan sa mga nakilahok ay nagmula pa sa bayan ng Atimonan at mga ku-sang-loob na naglaan ng oras para matulungan ang simbahan. Lubos naman ang pasasalamat ni Fr. Nombrefia para sa patuloy na suporta ng mga parokyano ng OLLP. Ang Atimonan One Energy ay kumuha ng 15 tiket na nagkahalaga ng Php 15,000.00. Ito ay isa lamang sa mga ginagawa ng kumpanya upang matulungan ang parokya ng OLLP. Ang mga empleyado ng A1E at MGEN ay sumali at naglaan ng oras para sa proyektong ito.

Larawan ng Plano ng Simbahan ng Our Lady of Lourdes Parish sa Brgy. Malinao Ilaya

Tahimik na nakikinig ang mga BHWs kay G. Ramon de Castro habang itinuturo ang tamang paglalagay sa spine board ng pasyente

Page 6: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 6

Isang seminar tungkol sa pagbuo at pamamalakad ng isang kooperatiba ang ginanap nitong Agosto 25, 2017 para sa mga taga Barangay Villa Ibaba na pinangunahan ng kinatawan ng Cooperative Development Authority (CDA), Quezon field office. Sa pamamagitan ni CDA Cooperative Development Specialist Ranel Lingahan, at pinangasiwaan ni Caridad Ilaya Multi-Purpose Cooperative President Perseverando C. Fajar-do, ang seminar ay unang hakbang upang bumuo ng koop-eratiba at mabigyan ng CDA ng karapatang mag-aapply ng akreditasyon. Layunin ding lubos na maunawaan na ang kooperatiba

ang pinaka demokratikong samahan na maaaring mag-angat sa kabuhayan ng bawat miyembro. Tinalakay din ang iba’t ibang uri ng kooperatiba, mga pangu-nahing nilalaman ng Article of Cooperation at pangunahing istruktura, mga responsibilidad at tungkulin ng mga kasapi, kabilang na ang mga opisyal ng isang kooperatiba. Kabilang sa mga dumalo ang 15 miyembro ng New Carinay Home Owners Association, pito mula sa Villa Ibaba Multi-Purpose Cooperative, limang lider kabataan at anim na senior citizens.

Kaalaman ukol sa kooperatiba, isinagawa

Ang Bamboo Production, Propagation and Manage-ment and Agrosilvipasture training o pagsasanay sa pagpapara-mi at pagtatanim ng kawayan ay ginanap noong Hulyo 25-26, 2017 sa New Carinay Multi-Purpose Hall sa Brgy. Villa Ibaba. Kabilang sa mga nagsanay ang 18 kasapi ng New Ca-rinay Homeowners Association; 14 na magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng Atimonan; apat sa Brgy. Villa Ilaya and dala-wang kasapi ng Villa Ibaba Multi-Purpose Cooperative. Kabilang sa mga tinalakay ang kasaysayan, iba’t ibang uri at gamit ng mga kawayan sa Pilipinas, paggawa ng bamboo nursery and plantation; pagpaparami at pagtatanim ng kawayan, atb. Ang kawayan ay mainam na gamit sa kabuhayan tulad sa paggawa ng bahay, kagamitan, pagkukunan ng pagkain, atbp. Madali rin itong patubuin at palakihin ng walang mata-

mang pag-aalaga, at nakatutulong sa malinis na kapaligiran dahil hinihigop nito ng higit na apat beses ang mga karbon sa hangin

kumpara sa karaniwang puno. Naglalabas din ito ng 25% ng oxygen sa hangin na katumbas ng matitigas at mayayabong na punong kahoy. Nagagamit din ito bilang patibay sa mga lupaing madaling gumuho gaya ng gilid ng mga bundok at ilog. Layon din ng pagsasanay na ipaunawa sa mga residente ng relokasyon na ang kawayan ay isang pamamaraan upang mabuhay ng hindi kailangang umasa sa pagkakaingin at pag-uuling na lubhang mapanira sa kalikasan. Ang pagsasanay ay ginawa sa tulong ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Land Management, Agroforestry, Up-land Farming Technology Research Center sa bayan ng Pagbilao. Ang mga naging tagapagsanay ay sina Marlene Melarpis. Virginia De Sagun, Jan Marrion M. Cadelino, Primitiva A. Galupo, Allan Pena, Perlie Gabis at Tessie Rafa. Ang pagtatanim at pagpaparami ng kawayan ay isa sa mga alter-natibong pangkabuhayan na isinusulong ng A1E para sa mga komunidad.

Kasanayan sa pagpaparami at pagtatanim ng kawayan, isinagawa

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Maingat at tamang pagtatanim ng kawayan ang itinuro ni Ms. Virginia de Sagun ng ERDB sa mga taga New Carinay

Tamang kaalaman at proseso sa pagbuo ng kooperatiba ang itinuro ng Coop. Devt. Specialist na si Mr. Ranel Lingahan para sa mga taga Villa Ibaba

Pagpili ng tamang pinuno at tamang pamamahala sa pera para sa maunlad na kooperatiba ayun kay Mr. Ranel Lingahan

Tuloy-tuloy na pagbibigay ng mga proyekto at programang pangkabu-hayan para sa mga taga New Carinay ayun kay VP External Affairs Litz Santana ng A1E

Page 7: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 7

International Coastal Clean-Up Day,

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

32 ektarya at 7 kilometrong baybay ilog, nataniman ng Guyabano at Narra Simula nang ilunsad noong Abril 7, 2017, ganap nang naitanim ng Caridad Ilaya Multi-Purpose Cooperative(CIMPC) ang may 10,800 puno ng guyabano at 5,500 narra seedlings na patuloy na mino-monitor ng A1E, DENR-CENRO at Pamahalaang Lokal ng Atimonan.Bukod dito, may 300 narra seedlings din ang naibahagi sa Brgy. Sokol at 200 iba pa na boluntaryong itinanim ng mga kasapi ng CIMPC sa gawing talon (falls) sa Caridad Ilaya. Ang kabuuang lugar na nataniman ng guyabano ay umabot sa 32 ektarya, samantalang may habang pitong kilometro ang baybayin ng ilog na nataniman ng narra. Suportado ng A1E sa loob ng tatlong taon ang pagtatanim at pagpa-palaki ng mga punong ito. Nauna nang tumanggap ang CIMPC mula sa A1E

ng halagang P326,000.00 para dito. Sa loob ng tatlong taon, imo-monitor ang mga itinanim kung ilan ang napalaki at nabuhay upang magsilbing kabuhayan ng mga kasapi ng CIMPC. Bahagi ito ng programa ng Pamahalaang Lokal ng Atimonan na ma-lawakang pagtatanim ng guyabano sa munisipalidad upang maging isang pangunahing produkto at kabuhayan ng mga magsa-saka. Tumutulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng mga guyabano seedlings.

Ang Setyembre 16 ay Pandaigdigang Araw ng Paglilinis ng mga Baybayin. Sa Atimonan, sinuportahan ng A1E ang paggunita sa pamamagitan ng dalawang araw na magkakahiwalay na paglil-inis ng mga baybayin kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at mga lider ng mga Ba-rangay. Noong Set. 16, kabilang ang mga opisyal at residente ng iba’t ibang barangay, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Rotary Club of Atimonan - Lakambini at mga kawani ng A1E sa paglilinis sa mga bay-bayin ng mga Barangay Caridad Ilaya, Caridad Ibaba, Zone 1, Zone 3 and Zone 4. Gayundin ang bahagi ng baybayin ng Ilog Maling (Atimonan River) sa Brgy. Zone 3 at Brgy. Tagbakin.Noong Sept. 22, ang pangalawang bugso ng paglilinis ay ginanap naman sa mga Barangay Balubad, Angeles, Lumutan, Buhangin, Talaba, Villa Ibaba at Villa Ilaya . Tinatayang umabot sa kabuuang 1,448 kilo ng basura ang nakulekta kung saan nakilahok ang may 701 mga volunteers.Ang proyekto ay bahagi rin ng komitment ng A1E para sa ma-linis at magandang kapaligiran.

2 beses ginunita sa Atimonan

Page 8: Isang Tinig -  · PDF fileJune 12, 2017 Kanlurang Malicboy Victory Ball Donation of snacks Brgy. Kanlurang Malicboy Pagbilao Quezon 7,000.00 May 25 ... sa SM Mall of Asia. Ito ay

Isang Tinig 8

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

“Dati po pag dumadaaan kami dito, medyo malungkot at madilim yung Atimonan. Pero pagdaan po ng ilang taon ay buhay na buhay na. Kaya ngayon pong hapon habang tinitingnan ko po, papasok pa lang kami napakasaya, nagsalubong po sa akin yung mga mag-aaral. Pagpasok ko po dito nakita ko yung 14 na basic sectors represented - sabi ko po, napa-kalaki ang pag-asa ng pag-asenso ng Atimonan.” Ito ang masiglang pambungad ng talumpati ni Vice President Ma-ria Leonor “Leni” G. Robredo nitong ika-22 ng Setyembre 2017 bilang panauhing pandangal sa ginanap na kauna-unahang General Assembly of Civil Society Organizations (CSOs) sa Atimonan. Ito ay dinaluhan ng 14 na batayang sektor kabilang ang farmers, senior citizens, transport, fisherfolks, enthusiasts, urban poor, NGOs, women, youth & children, health & education, cooperatives, labor, per-sons with disability (PWD) at business. Umabot sa may 2,300 ang dum-alo sa nasabing pagtitipon. Ang pagsasama-sama ng Atimonan CSOs ay bahagi ng paghah-anda sa bubuuing People’s Council na naglalayong palakasin ang parti-sipasyon ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay isang adhikain ni Mayor Ticoy Mendoza halaw sa inspirasyong nakuha niya sa Naga City kung saan ipinatupad ng yumaong asawa ng Vice President na si dating DILG Seretary at Naga City Mayor Jesse Robredo. Hangad din ng Punumbayan na ibigay sa mga samahan ang pagpa-patupad ng mga proyektong pangkabuhayan mula sa mga benepisyo ng itatayong power plant. Nais din nyang magsilbing taga-monitor ng mga programa ng kanyang pamahalaan ang mga CSOs upang masuri ang performance ng mga kagawaran at tanggapan. Suportado ng Atimonan One Energy ang hangaring ito kaya’t puspusan ang pakikipag-ugnayan sa Special Projects Unit (SPU) ng pamahalaang lokal sa mga planong pagpapa-angat ng antas ng kakayahan ng mga lider ng mga batayang sektor. Kabilang din sa mga panauhin ang kinatawan ng ika-4 na distrito ng Quezon na si Congresswoman Helen Tan. Dumating din sa pagtiti-pon si Bokal Rhodora “Dhoray” Tan, dating Punumbayan Jose Men-doza at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice

VP Leni Robredo dumalo sa unang pangkalahatang pagtitipon ng Atimonan CSOs

Mayor Zenaida Veranga. Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ni May-or Mendoza sa Vice President Robredo, Cong. Tan, mga bumubuo ng Sangguniang Bayan at sa mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon na dumalo. Muli niyang inilahad ang kanyang paghahangad na mapaunlad ang bayan ng Atimonan at muling hinin-gi ang tulong at kooperasyon ng bawat isa. Bawat sektor ay may kinatawan na nagsalita at nagbanggit ng kanilang mga kahilingan sa Vice President. Ilan sa mga inilapit na suliranin ay ang mga sumusunod: social pension para sa mga se-nior citizen; kakulangan sa gamit sa pagsasaka at pangingisda; pagbaha sa mga barangay na malapit sa ilog; at hindi maayos na serbisyo ng kuryente sa Atimonan. Humiling din ng sariling opisina ang mga PWD at nakiusap na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga miyembro nila. Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang Sangguniang Bayan ng bumuo ng empowerment ordinance na lalong magpapatibay sa mga sektor at gawing opisyal (institutionalize). Bibigyan nito ng kapangyarihan ang mga sektor na mging katulong ng lokal na pamahalaan ang mga ito sa pagpapaun-lad ng bayan.

Layunin ng People’s Council (ayon kay Mayor Ticoy):

1. Partnership – magkatulungan ang mamayan at pamahalaan2. Check and Balance – masuri ang gawain ng pamahalaan ng mga mamamayang pinaglilingkuran3. Legacy – ipamana ang ma-gandang halimbawa sa mga papalit (pinuno at pamumunuan)

“Tuloy-tuloy sa Asenso, Mamamayan ang Panalo”

Kabilang ang business sector sa pinahalagahan ni VP Leni Robredo

Masayang sinalubong ni Mayor Ticoy Mendoza si VP Leni Robredo sa kanyang pagdating sa Atimonan