iyo na tlga ni
TRANSCRIPT
PANIMULA
Ang paaralan ay isang institusyong pang-edukasyon kung saan
natututuhan ng mga mag-aaral ang napakaraming mga bagay na dapat nilang
matuklasan. Ngunit sa daang tinatahak nila patungo sa tuktok ng karunungan,
hindi maiiwasan ang iba’t ibang salik na nagiging hadlang para magkamit sila ng
magandang edukasyon na kung saan ang “absenteeism” o ang pagliban ng mga
mag-aaral sa klase ay isa rito. Hindi maikakaila na mayroon itong mga dahilan na
pwedeng magaan o mabigat at hindi rin maiiwasan na may mga kaakibat itong
hindi magandang epekto sa edukasyon ng estudyante.
Ang mga mananaliksik ng riserts na ito ay naglalayong maipaliwanag sa
lahat ang ibig sabihin ng absenteeism sa mga mambabasa lalo na sa mga
kapwa estudyante. Umaasa rin na sana’y makatulong ito sa kanila sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman para sa mga estudyante ay isa
sa pangunahing layunin ng mga mananaliksik para sa pagkakamit ng
magandang edukasyon para sa minimithing kinabukasan.
Maraming konsepto kaalaman tungkol a absenteeism ang matatagpuan
sa riserts na ito. Ang unang bahagi ay tumatalakay sa mga dahilan ng bawat
estudyante sa pagliban sa klase samantalang ipinapaliwanag nang maayos ang
mga kaakibat ns epekto nito sa buhay ng isang tao sa ikalawang bahagi ng
riserts. Sa banding hulihan ay mababasa ang mga payo na malugodna ibinigay
ng mga mananaliksik na nagmamagandang-loob sa mga estudyante para sila’y
magising kung sakali mang tinatahak nila ang maling daan.
Upang matagumpay na mabigay ang lahat ng kinakailangang datos at
impormasyon para makompleto ang riserts, ang mga mananaliksik ay nagbigay
ng oras sa pagpunta sa mga silid aklatan para maghanap ng mga libro kung
saan nila nakuha ang mga hinahanap na datos. Gumamit rin sila ng
makabagong teknolohya o internet para makakalap pa ng mga karagdagang
impormasyon hinggil sa napiling paksa. Nag-obserba rin sila sa mga klase at
nakipanayam sa mga estudyanteng nababahala rin sa mga pagliban ng kanilang
mga kamag-aral.
Sana’y Makita ng mga mambabasa ang kahalagahan ng riserts na ito sa
buhay nila bilang mga mag-aaral pa lamang. Umaasa silang sa pamamagitan ng
pagbasa nito, maliliwanagan ang isipan ng bawat isa sa kanila para umiwas sa
pagliban ng klase bagkus ay mas lalong magpursigi para sa magandang
edukasyon. Nais rin nilang makita ang positibong pagtugon ng mga studyante sa
mga ibinigay na payo. Dahil sa naibahaging kaalaman, nais ng mga minimithing
pangarap. Pahalagahan ang edukasyon ng bawat isa at maipatuloy ang
pagtahak sa mga minimithing pangarap.
PASASALAMAT
Ang pag-aaral na ito ay hindi magiging matagumpay kung wala ang mga
taong tumulong at gumabay sa amin upang mas mapaganda at makompleto ang
mga impormasyon para sa aming proyekto.
Unang-una, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal na
siyang nagging gabay namin sa araw-araw na pananatili namin sa mundong ito.
Binigyan Niya kami ng sapat na lakas ng loob, determinasyon at mga likas na
kakayahan upang ganap naming maisaayos at makompleto ang mga ideya na
nais naming maihatid sa inyo. Maraming salamat pos a walang katapusang
pagbibigay sa amin ng kalusugan at mga biyayang aming tinataglay.
Nais din naming maipabatid an gaming pasasalamat sa aming butihing
guro na walang iba kundi si Gng. Nelia A. Herrero na siyang nagbigay sa amin
ng proyektong ito at nagbigay ng kanyang gabay para maisaayos an gaming
pagsasaliksik. Nais naming siyang pasalamatan dahil sa napakahabang
pasensiya at pang-unawang kanyang taglay. Sa inyo po Ma’am, maraming
salamat po.
Wala ring hangganan ang gagawin naming pasasalamat at pagbibigay
pugay sa aming mga minamahal na mga magulang na nagpamalas ng kanilang
moral at pinansyal na suporta. Ama at Ina, kung hindi po dahil sa inyong butihing
puso, hindi magiging madali ang paggawa naming ng gawaing ito. Mahal na
mahal po namin kayo at sana’y masuklian naming ang inyong kabutihan baling
araw.
Hindi rin namin makakalimutan ang pagpapabatid n gaming pasasalamat
sa aming mga kaibigan at mga mababait na kamag-aral. Sila ang nagging
kasama-sama naming araw-araw sa pagpasok sa paaralan at sila ang aming
karamay sa oras ng katuuwaan. Nakatulong rin sila sa pagbubuhos n gaming
makakaya upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Nais din naming bigyan importansya ang makabagong teknolohya na
naging katulong naming upang mas mapadali at mas mapaganda naming ang
pagbuo n gaming proyekto. Ang paggamit ng kompyuter ay labis na nakatulong
dahil napagaan nito ang aming gawain.
Sa lahat ng naging bahagi sa pagkamit naming ng tagumpay upang
matapos an gaming proyekto, MARAMING SALAMAT PO!!!
Arwin at Luz
PAGLALAHAD
Upang ganap na makamit ang edukasyon, kailangan ang pagkakaroon ng
magandang proseso sa pagtahak ditto. Kaming mga mananaliksik bilang mga
mag-aaral ay nakakaobserba ng mga gawi ng estudyante tungo sa kanilang
pagpasok sa paaralan. Maraming mga tao ang nababahala sa isyung ito lalonlalo
na ang mga guro dahil nag-aalalarin sila sa maaaring epekto nito sa marka ng
mga estudyante. Marami ring tanong ang nabubuo sa kanilang isipan kung bakit
ba kinakailangang lumiban ang mga mag-aaral sa klase. Nararapat nilang
malaman dahil bilang mga instrumento sa karunungan, nais rin nilang
maliwanagan at makatulong man lamang sa abot ng kanilang makakaya. Ang
pag-aaral na ito ay isinagawa upang makabigay ng impormasyon sa mga guro at
sa mga nasa posisyon hinggil sa paksa. At mula sa mga impormasyong
makukuha, makakagawa sila ng positibong aksyon para maiwasan ang
pagkakaranas ng absenteeism. Naglalayon rin ang pag-aaral na ito na
makatulong sa mga mababahala lalo na sa mga estudyante sa pamamagitan ng
pagbibigay suhestiyon sa mga epektibo at madaling paraan na maaaring
isagawa upang maiwasan ito. Nais rin ng pag-aaral na ito na tawagin ang pansin
ng mga magualng para mas masubaybayan nila ang galaw ng kanilang mga
anak sa loob ng paaralan. Dapat na malaman nila na hindi sapat ang mga
materyal na bagay para mag-aral ng mabuti ang mga bata, naghahanap rin sila
ng patnubay para pagbutihin ang pagpasok sa paaralan.
Napapanahon at naaangkop sa kasalukuyang kalagayan ang ginawang
pag-aaral na ito dahil kung atin lang pagtutuunan ng pansin, napakaraming
problema ang makikita sa edukasyon ng isang mag-aaral. Maraming mga isyu
ang nangangailangan ng talakayan lalong-lalo na sa mga nagiging gawi ng mga
kabataan tungo sa kanilang pag-aaral. At bilang isang mag-aaral sa aming
kalagayan, kami ay labis na nababahala sa hindi matukoy na mga dahilan ng
pagliban ng mga estudyante mula sa kanilang klase.
Ang pagliban ng isang estudyante sa kanyang klase ay mayroong
napakaraming epekto sa kanyang edukasyon kung kaya’t ang pinakaunang
hakbang para makaiwas dito ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga nasabing
implikasyon. Bilang mga estudyante, dapat nilang malaman na labis na
mahalaga ang edukasyon na kakailanganin nila baling araw para sa maganda
nilang kinabukasan. Kailangan mabahala sila sa katotohanang maaaring
bumaba ang kanilang marka bunga ng kanilang pagliban. Dapat na maitatak sa
kanilang isipan na mahuhuli sila sa talakayan sa klase o di kaya’y maaaring hindi
sila makakuha ng pagsusulit na pwedeng magresulta sa blangko at bagsak na
markang makukuha nila. Para sa kanilang kinabukasan, dapat na gumawa sila
ng mga hakbang tungo sa pagpapahalaga nila sa edukasyon. Sa mga guro
naman, bilang mga magulang na nakakasama sa paaralan, dapat nilang
kausapin at alamin ang mga kadahilanan ng pagliban. Magbigay sila ng payo sa
mga mag-aaral o di kaya’y pangaralan ang mga kabataan sa malumanay na
paraan upang hindi makasakit ng kalooban. Kinakailangan ang mahabang pag-
uanawa nila sa kalagayan ng kanilang mga mag-aaral. At ang mga magulang
bilang mga taong nagbibigay ng gabay sa kanilang mga anak, dapat nilang
subaybayan ang edukasyon ng mga ito at ibuhos ang suporta sa kanilang mga
anak para sa edukasyong nais na makamtan.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maging instrumento upang
makatulong sa mga taong nasasakupan ng usapin lalong-lalo na sa mga
estudyante para mapabuti ang kanilang edukasyon. Nais ng pagsasaliksik na ito
na makatulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
posibleng kadahilanan ng pagliban sa klase at kung paano ito
nakakaimpluwensya ng labis. Tinatalakay din dito ang mga negatibong epekto
nito sa edukasyon ng mga mag-aaral na naglalayong mabuksan ang isipan ng
bawat mag-aaral upang sa gayo’y ang pagliban sa klase ay hindi nila magawa.
Makakakuha rin ditto ng kapakinabangan ang mga guro dahil malalaman nila
ang mga dahilan kung bakit lumiliban ang kanilang mga estudyante at sana’y
mabigyan ng kasagutan ang mga tanong sa kanilang isipan. Layunin din ng pag-
aaral na ito na pukawin ang atensyon ng mga magulang upang masubaybayan
ang kanilang mga anak at magabayan sa araw-araw na pagtahak nila sa daan
tungo sa edukasyon.
SULIRANIN
Binigyang kasagutan ang mga sumusunod na tiyak na suliranin:
1. Anu-ano ang mga dahilan ng pagliban ng mga estudyante sa klase?
2. Paano sila nagiging dahilan ng pagliban?
3. Ano ang epekto nito sa edukasyon ng mga mag-aaral?
4. Ano ang maitutulong ng mga sumusunod para sa pagpigil ng pagliban
ng mga estudyante sa klase?
a.) Kapwa estudyante
b.) Guro
c.) Magulang
d.) Paaralan
5. Paano maiiwasan ang pagiging liban sa klase?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
MAG-AARAL
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang
maipaalam na ang pagiging liban nila sa klase ay hindi kasiya-siyang gawain.
Dito ay maihahatid sa kanilang kaalaman ang mga kaakibat na mga masamang
dulot ng maling gawaing ito. At bilang kasagutan ay sana’y mabahala sila at
makapag nilay-nilay sa sarili.
GURO
Nais maipahatid ng pag-aaral na ito sa mga guro ang ukol sa
pagiging liban ng kanilang mga estudyante sa kanilang mga klase. Ninanais ding
mabatid nila ang iba’t-ibang kadahilanan hinggil sa isyong ito, maging reasonable
man o hindi. Upang malaman nila ang dapat na maging reaksyon nang sa gayon
ay maituwid o madisiplina ang mga mag-aaral sa positibong paraan nang hindi
masaktan ang kanilang kalooban.
MAGULANG
Bialng mga unang taong dapat na gumabay sa kanilang mga anak
hinggil sa interaksyon nila sa paaralan, dapat na malaman nila kung ang
kanilang mga anak ay pumapasok sa paaralan at hindi man ay dapat tiyakin ng
mga ito na reasonable ang mga kadahilanan kung bakit liban sila sa kanilang
klase. Kaya’t ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipabatid sa mga magulang
ang kahalagahan ng masugidnilang pag-antabay sa edukasyon ng kanilang mga
anak.
PAARALAN
Ang paaralan ang lugar kung saan nananatili ang mga mag-aaral
ng mahabang oras kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay naglalayong matulungan
ang paaralan para masugid nilang masubaybayan ang kanilang mga estudyante
kung pumapasok o hindi sa klase. Kaakibat nito ang pagpapa-alam sa kanila ng
kanilang responsibilidad tungo sa mga ganitong sitwasyon ng mga estudyante.
PAMAYANAN
Ipinapaalam ng pag-aaral na ito ang mga gampanin ng pamayanan
sa mga estudyante. Dapat silang mabahala sa sitwasyon ng pagiging liban ng
mag-aaral dahil maaaring maging dahilan ito upang hind imaging sapat ang mga
kaalaman ng mga estudyante na baling araw ay pwedeng maging katulong sa
kaunlaran n gating bansa. Nais din nitong magbigay ng suhestiyon sa maaaring
maitulong ng pamayanan hinggil ditto tulad ng pagkakaroon ng mga programa at
mga seminars na maaaring makahikayat sa mga mag-aaral na iwasan ang
pagliban sa klase.
KABATAAN
Layunin ng pag-aaral na ito na maihatid ang mensahe sa lahat ng
mga kabataan na naglalahad ng mga maling epekto ng pagliban sa klase at ang
magagandang dulot ng hindi pagliban. Gusto rin nitong matulungan sila upang
kanilang maiwasan ang mga dahilan na nagiging sanhi ng kanilang palagiang
pagkawal sa klase.
MANANALIKSIK
Bilang mga mag-aaral na gusting mapabuti ang edukasyon,
natulungan kami ng pag-aaral na matutuhan ang lahat ng tungkol dito.
HINUHA
Ang pag-aaral na ito ay nabagayan ng mga sumusunod na hinuha:
Ang mga mag-aaral na palaging liban sa klase amay dinadalang
problema.
Nahuhuli sa talakayan ang mga mag-aaral na minsan lang pumasok.
Kalimitang blanko o kulang ang kanilang mga marka.
Ang mga mag-aaral na ganito ay kadalasang napapagalitan ng kanilang
guro.
Bumababa ang kanilang marka sanhi ng hindi pagkakaroon ng mga
pagsusulit dahil sa sila’y hindi pumasok sa klase.
MGA NAKALAP NA IMPORMASYON
Ang absenteeism o ang pagliban ng mga mag-aaral sa kanilang klase ay
hindi magandang gawain. Naaapektuhan nito ang kanilang edukasyon at
nagiging sanhi ng kakulangan nila ng mga kaalaman
Mayroon itong iba’t-ibang dahilan:
A.) Kawalan ng Interes sa Asignatura
- mahirap mang intindihin ay isang katotohanan na ang mga
estudyante ay pumipili ng mga paboritong asignatura na gusto nilang
pasukin. Maaaring ang kanilang pagpili ay nababase sa kani-kanilang
interes, kinahihiligan o kagalingan ng kanilang intelektwal na kapasidad,
lugar na pinagdadausan, mga nakakasama sa silid-paaralan o di kaya’y
base sa guro na nagtuturo ng asignatura. Ang mga basehang ito ay may
malaking ambag sa pagpasok ng isang estudyante dahil kahit na ayaw
nilang lumiban sa klase, sila’y napipilitang huwag pumasok dahil pwedeng
hindi nila gusto ang mga paksang tinatalakay, kung kaya’t hindi sila
makasabay sa talakayan, hindi maganda ang lugar o di kaya’y dahil hindi
nila nakakasundo o nagugustuhan ang guro. Naiisip rin nilang mas mabuti
pang lumiban na lamang kaysa antukin o makatulog sa paaralan dahil sa
para sa kanila’y walang saysay ang asignaturang papasukan.
B.) Kawalan ng Personal na Interes sa Edukasyon/ Pag-aaral
-marami sa mgakabataan sa ngayon ang pumapasok sa paaralan
nang hindi bukal sa kalooban at napilit lamang sila ng kanilang mga
magulang kung kaya’t pumapasok lamang sila kung kalian nila naiibigan.
Ito ay tinatawag na kawalan ng personal na interes sa pag-aaral. Hindi
nila mabigyang halaga o hindi nila maintindihan ang kahalagahan ng
edukasyon para sa kanilang kinabukasan kung kaya’t ito’y kanilang
binabalewala at pinapabayaan na lamang. Karamihan ay umaalis sa
bahay para isipin ng mga magulang na pumupunta sila sa paaralan araw-
araw ngunit sa totoo’y hindi naman sila pumapasok. Lumiliban sila sa
klase dahil para sa kanila’y nagsasayang lang sila ng oras at kaisyahan.
Mahirap mang intindihin at nakakalungkot isipin pero karamihan sa mga
mag-aaral ay walang hilig o interes sa edukasyon.
C.) Mga Lugar- Palipasan tulad ng mga Computer Shops
-isa sa mga nangunguna sa listahan ng mga dahilan ng pagliban
ng mga mag-aaral ang mga computer shops. Hindi natin maikakaila na
unti-unting umuunlad an gating bansa sa larangan ng teknolohya at hindi
rin maikakailang labis ang epekto nito sa mga tao lalong-lalo na sa mga
kabataan. At dahil patuloy na pagtukals ng mga makabagong teknolhya,
karamihan ay nalululong ditto at nawawalan ng disiplina at control sa
paggamit. Kung kaya’t ditto pumapasok ang pagpapabaya sa edukasyon
ng mga mag-aaral, sa halip na nandoon sila sa loob ng silid paaralan at
nakikinig sa leksyon, nandirito sila sa loob ng computer shops at abalang
–abala sa pagpindot sa computer. Unang-una dahil sa internet, nagkaroon
sila ng mga bagong kakilala at kaibigan kung kaya’t gusto nila’y palagi na
lamang nasa loob ng computer shops at nakikiusap sa mga ito, walang
pakialam kung oras na ng kanilang klase. Pangalawa, nalululong ang mga
mag-aaral sa mga laro-dito. Dahil sa kagustuhan nilang tumaas ang
scores, naglalaan sila ng maraming oras sa paglalaro ditto at mas
pinipiling maglaro na lamang kaysa sa pumasok. Pagsasantabi sa
pagpasok sa klase ang bunga ng pagkalulong sa teknolohya.
D.) Mahinang Paraan ng Pagtuturo
-isa sa mga pinakamahalagang salik sa pagkakaroon ng
magandang edukasyon ay ang mahusay na paraan ng pagtuturo o
istratehiyang ginagamit ng mga guro sa oras ng kanilang mga klase. Kahit
na sa loob ng talakayan, kinakailangan ang malikhaing paraan para
mapanatili ang sigla ng mga estudyante upang hindi sila antukin o
mawalan ng gana sa pakikinig. Nakasalalay sa mga guro ang
pagdesisyon ng mga estudyante kung makikinig sila o hindi. Karamihan
kasi sa mga kabataan ay naghahanap ng mga gurong istrikto ngunit
nagbibigay pa rin ng mga katuwaan sa kanila. Lumiliban ang ilan sa mga
mag-aaral na ang dahilan ay ang kanilang guro. Ayon sa napag-alaman,
nakakatamad daw pumasok sa mga gurong seryoso sa pagtuturo o di
kaya’y walang alam gawin kundi ang magpakopya nang magpakopya sa
kwaderno. Mas pinipili rin ng ilan na mag-aral na lamang ng sarilinan
kaysa sa makinig sa leksyon na hindi naman nila maintindihan dahil sa
mahinang paraan ng pagtuturo ng mga guro.
E.) Hindi Magandang Relasyon ng mga Guro sa Estudyante
-ang isang klase ay hindi kaaya-aya kapag mayroong hindi
pagkakaunawaan at walang kooperasyon na namamagitan sa mga guro
at estudyante. Karamihan sa mga mag-aaral ay mas pinipiling huwag na
lamang pumasok dahil sa diskriminasyon o maling trato ng mga guro sa
kanila. Kalimitan kasi sa mga guro ay hindi iniisip ang kalagayan ng
kanilang mga mag-aaral. Mayroong labis kung magpahiya ng estudyante
sa loob ng klase, mayroon ding basta na lamang nagagalit nang hindi
pinakikinggan ang mga paliwanag at mayroon ding mga guro na
pinapairal ang “favoritism” sa loob ng klase. Sanhi ng mga gawaing ito,
nawawalan ng interes na pumasok sa paaralan ang estudyante at lumiban
na lamang sa klase.
F.) Hindi Magandang Relasyon ng Estudyante sa mga Kapwa-estudyante
-kailangan ng estudyante ang kanyang mga kamag-aral para
masiyahan siya sa araw-araw na pagpunta niya sa paaralan. Kung
mayroon siyang kaaway o di kaya’y isa siya sa mga inaapi at hindi
pinakikisamahan ng mga estudyante, syempre mahihiya siyang pumasok
at matatakot na pumunta sa paaralan dahil pakiramdam niya ay walang
gusting makipagkaibigan sa kanya sanhi ng di magandang relasyon niya
sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
G.)Mga Gawain sa Bahay
-hindi natin lubos na maisip na ang gampanin pala natin sa ating
mga bahay ay magiging isa pang dahilan ng pagliban ng mga estudyante
sa kanilang klase. Alam naman natin na tayong mga kabataan ay may
kanya-kanyang tungkulin na dapat gampanan sa bahay, ngunit ang
tungkulin ring ito ay nagiging dahilan ng pagliban. Dahil sa aksyong ito
hindi nila lubos mabigyang pansin ang edukasyon na dapat nilang
gugulan ng maraming oras, nawawala kasi sila sa pokus o napapalayo
sila sa tamang landas. Mahirap man isipin ngunit maraming kabataan na
sa panahon ngayon ang nakararanas ng ganitong suliranin. Kaya’t
kailangang masolusyunan ang problemang ito sa madaling panahon ng sa
ganun ay maiwasan ang ganitong mga sitwasyon. Kailangan ang
pagtugon at pagunawa ng magulang sa mga tungkulin ng kanilang mga
anak. Nang sa ganun maiwaksi at matigil ang ganitong suliranin ng mga
kabataan sa panahon ngayon at ganun na rin sa hinaharap.
Kasama sa klasipikasyon ng mga dahilan sa pagkakaroon ng
pagliban sa klase ay ang mga sumusunod; (1) “social phobia”, (2) “school
phobia”, (3) “anxiety” o depresyon at (4)truancy. Ang tatlong nauna ay
nangangailangan lamang ng counceling, ngunit ang huli ay tumatalakay
sa mga isyung magaganap sa paaralan. Ang “school attendance” ay
maaaring maramdaman ng mga mag-aaral na parusa kung kaya’t
nagiging dahilan ito para huwag silang pumasok sa paaralan.
Nasabi nina Stickney and miltenberger (1998) na may malaking
impluwensya ang mga kasayahan sa pagliban ng mga mag-aaral. Ang
panonood ng telebisyon, paglalaro ng mga computer games at paglibang
sa sarili ang ginagawa ng mga mag-aaral na naghahanap lamang ng
atensyon mula sa mga magulang.
*Pagsubaybay ng mga Magulang, Guro at Paaralan
Ayon kay Lotz and Lee, namasdan nila na ang mga kabataan sa
ngayon ay kulang sa pagsubaybay ng magulang kaysa noon. Ang
kakulangan sa pagsubaybay ng mga magulang ay isa lamang sa mga
isyu na tumatalakay sa pagiging iresponsable ng mga magulang.
Kalimitan ay kinukunsinti nila ang mga anak sa mga dahilan ng kanilang
pagliban na hindi naman totoo o katanggap-tanggap. Ayon rin sa kanila,
ang kakulangan sa mga gawaing pampaaralan na makakapukaw ng
interes ay mga lakad ng barkada sa labas ng paaralan ay may malaking
kontribusyon sa pagtaas ng absenteeism.
Ang pagkakaroon ng negatibong imahe para sa sarili at mababang
tiwala sa sarili ay karaniwang mga dahilan ng estudyante sa pagliban sa
klase. Ayon rin sa pag-aaral nina Unger, Morton at Laing, ang pagiging
aktibo sa mga gawain sa komunidad ng mga mag-aaral.
Tungkol naman sa ginawang pag-aaral ni Emoto, natuklasan
niyang malaki ang gampanin ng mga guro sa isyung ganito. Napag-
alaman niyang mayroong mga guro na walang pakialam sa mga
estudyanteng hindi pumasok. Minsan naman ay mayroon ding mga
patakaran hinggil sa pagliban ngunit hindi naman naipapatupad. Kung
kaya’t hindi natatakot ang mga estudyante kung sakali mang sila ay
lumiban.
IMPLIKASYON
Maraming implikasyon sa mga mag-aaral at sa komunidad ang napag-
alamang dahil sa patuloy na pagtaas ng porsyento ng pagliban sa klase. Ang
mga mag-aaral na may problema sa pagpasok sa klase ay kalimitang
nakakaranas ng problema sa akademya at sosyal na aspeto ng kanilang pag-
aaral.
Ayon kay Baker at Jansen (2000), may pagsasaliksik na nagsasabing ang
mga mag-aaral na lumiliban sa klase ay nagkakaroon ng mababang
“performance” at nakakakuha ng mababang marka sa mga pagsusulit.
Karagdagan dito, ang mga paaralan na nakararanas ng mataas na porsyento ng
pagliban ay nagkakaroon ng kakulangan sa edukasyon ang mga estudyante.
Naaabala rin ang mga guro dahil kapag pumasok na ang mga mag-aaral na dati
ay lumiban, kailangan din nilang gawin ang lahat ng kanilang magagawa para
makahabol ito sa talakayan. Ang mababang “performance” o marka ay
nagbubunga ng pag drop out ay kalimitang napapariwa at napapasama sa mga
krimen na pangunahing problema ng komunidad.
PAMAMARAAN
Ang paggawa ng thesis na ito ay hindi nagging ganoon kadali sa amin
sanhi ng mga hindi maiiwasang ibang gawain sa paaralan. Maraming mga
hadlang an gaming kailangang malampasan at maraming problema an gaming
pinagdaanan matapos lamang ang proyektong ito. Sa halip na gamitin ang mga
bakanteng oras para sa katuwaan, inilaan na lamang naming ito sa pagpunta sa
silid-aklatan para maghanap ng mga libro. Hindi naging madali sa amin ang
maghanap ng libro dahil na rin sa limitado lamang ang nagtataglay n gaming
paksa. Ngunit sa aming pagsisikap, nakuha naming ang mga kinailangang
impormasyon.Binasa at pinag-aralan naming mabuti ang mga ideya ng bawat
awtor. Nagkaroon din kami ng personal na pakikipanayam sa ibang mga mag-
aaral at nagbigay kami ng mga questionnaire na naglalaman ng mga katanungan
patungkol sa aming paksa. Nag search din kami sa internet upang mas lalong
mapunan ang mga datos para sa aming pagsasaliksik.
Marami kaming kaparaanang ginamit sa paggawa n gaming gawain na
aming natutuhan sa aming mga leksyon sa Filipino. Nagamit naming an gaming
kaalaman sa tamang paggamit ng mga salita, mga pananda at ang tamang
istruktura ng mga pangungusap. Nahasa ang aming isipan sa pagsasalin ng mga
salitang Ingles sa Filipino. Mahirap pero marami kaming natutuhan.
Makailang mag-aaral din an gaming kinausap tungkol sa aming paksa,
kung ano ba ang dahilan ng pagliban ng mga estudyante, kung ano ang
magiging epekto nito sa kanilang edukasyon at humingi rin kami sa kanila ng
mga pasibleng payo para sa pagiwas ditto.
Naging kalaban naming ang problema sa oras, pinansyal, pagod at
pasensya dahil na rin sa paulit-ulit ng paggawa para mas mapaganda an gaming
proyekto ngunit gayon pa rin, hindi ito naging dahilan para hindi naming matapos
an gaming gawain bagkus ay naging daan ang mga ito para mas lalo naming
pagbutihin ang proyektong ito.
PAKIKIPANAYAM
PANANALIKSIK
PAGLALAGOM
Hindi maikakailang isa sa mga nangungunang problema sa paaralan ang
pagliban ng mga mag-aaral sa kanilang klase, at hindi maiiwasang ang mga
gawing ito ay may karapatang epekto sa edukasyon ng mga kabataan,
maraming mga guro at kapwa estudyante ang labis na nababahala dahil dito.
Natuklasan na napakaraming mga dahilan ang mga mag-aaral kung bakit sila
nawawala o lumiliban sa klase at kaakibat nito’y nalaman rin ang mga
implikasyon nito sa bawat isa.
Mayroong kanya-kanyang kadahilanan ang bawat kabataan. Ang kawalan ng
interes sa asignatura ay isa sa mga ito. Dahil sa kawalan ng sigla sa pagtuklas
ng mga bagay tungkol sa asignatura, napipili ng mga mag-aaral na huwag
pumasok at lumiban na lamang. Marami rin ang hindi nakakaalam ng
kahalagahan ng edukasyon sa kanilang buhay kung kaya’t ito’y kanilang
binabalewala dahil sa kanilang kalooban, hindi nila malubos maisip na mayroong
magandang handog ang pagkamit ng edukasyon baling araw. Ang mga
kabataang ganito ay mga walang personal na interes sa pag-aaral na itinuturing
ang edukasyon na basura lamang kaya’t hindi pumapasok sa klase. Ang mabilis
na pag-unlad ng komunidad sa larangan ng teknolohya ay isa rin sa mga
dahilan. Nangunguna sa mga ito sa mga ito ang kompyuter kung saan
nakakakuha ng mga bagong kakilala at nakakatuklas ng mga larong
panlibangan. Ngunit dahil sa kawalan ng disiplina at control sa sarili, naagaw ng
kompyuter ang interes ng mga isipan kaya’t mas naglaan ditto ng oras. Sa halip
na pumasok sa klase, inilalaan na lamang nila ang kanilang oras sa harap ng
kompyuter at kinalimutan ang obligasyong pagpasok sa paaralan. Ang pamilya
bilang unang nakakasama ng mga kabataan sa kanilang paggising ay may
malaking gampanin rin sa pagliban ng mga estudyante. Minsan sa labis na
problemang dulot ng pamilya, nawawalan ng gana ang mga bata na mag-aral ng
mabuti. Naghahanapsila ng pwedeng bagay na magawa na makakalayo sa
kanila sa pamilya. Karamihan naming mga estudyante ay napipilitang lumiban sa
klase dahil sa napakaraming gawain sa loob ng bahay sa halip na pumasok, mas
sumasagi sa kanilang isip na kailangan sila sa bahay. Halimbawa, hindi makaalis
dahil walang tao sa bahayo di kaya’y hindi makapunta sa paaralan dahil walang
mag-aalaga sa nakababatang kapatid. Sa epektibong edukasyon, kailangang-
kailangan ang mahusay na paraan ng pagtuturo ng isang guro sa kanyang mga
estudyante. Kapag mahina ang mga istratehiyang ginagamit sa pagtuturo, hindi
maikakailang mawawalan ng gana ang mga estudyanteng pumasok sa kanyang
klase at mas pinipiling ibang bagay na lamang ang pagtuunan ng kanilang oras.
Ang sobrang pagbigay ng mga guro ng gawaing pampaaralan tulad ng mga
takdang gawain at proyekto ay maaaring maka-impluwensya rin sa mga
estudyante na huwag nang pumasok dahil sa tinamad ng dahil sa napakaraming
proyekto. Ang paghahanda rin sa pagsusulit ay nagiging dahilan ng pagliban. Sa
halip na pumunta sa paaralan at makinig sa leksyon, mas pinipili ng mga
estudyante na mna lamang sa bahay at magbasa ng mga libro at kwaderno para
sa ibibigay na pagsusulit dahil alam naman nilang malaking porsyento ang
pagsusulit sa kanilang marka. Maaari ring maging dahilan ng pagliban ang layo
ng paaralan mula sa bahay. Maaaring dahil sa kawalan ng masasakyan lalo na
kapag ulan, napipilitang lumiban na lamang ang mga mag-aaral. Higit sa lahat,
may napakalaking impluwensya rin ang mga barkada sa usaping ganito. Dahil
karamihan ay lumalakas ang loob ng isang mag-aaral na lumiban sa klase kapag
mayroon siyang kasamang barkada na humihikayat sa kanyang huwag na ring
pumasok sa paaralan.
KONKLUSYON
Masasabi naming ang absenteeism ay isa sa mga problema na kung hindi
mapigil ay magdudulot ng labis na kasamaan sa buhay ng isang tao. Mayroon
itong napakaraming dahilan na kung hindi mo maiiwasan ay maaaring maging
sanhi ng hindi mo pagkamit ng tamang edukasyon. Napag-alaman na natin na
ang kaibigan, guro paaralan at komunidad ay may malaking impluwensya sa
mga kabataan. Kung kaya’t sana’y mabahala man lamang sila at magkaroon ng
partisipasyon para sa pagpigil ng absenteeism.
Napakaraming paraan para makaiwas sa absenteeism ngunit ang
pinakamainam ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pagbibigay ng halaga
sa edukasyon. Kailangang pagbutihin mo ang iyong pag-aaral upang makamit
ang mga matataas na marka ngunit hindi mo iyon magagawa kung lagi kang
liban sa klase. Dapat na mabahala ang bawat isa sa atin (guro, estudyante,
komunidad) sa mga di kaaya-ayang epekto ng absenteeism sa bawat
edukasyon. Kaakibat ng mga naibahaging kaalaman, sana’y tumulong at
gumawa tayo ng mga paraan para sa pagpigil ng pagliban ng mga estudyante sa
klase. Magi tayong instrumento para maibigay sa mga kabataan ang tamang
edukasyon para sa kanilang kinabukasan.
REKOMENDASYON
Kaakibat ng problemang dala ng absenteeism, maraming mga paaralan at
komunidad sa loob ng bansa ang nagbigay ng mga suhestiyon kung saan may
malaking gampanin ang apat na bumubuo sa isang sosyodad; ang mga
magulang; estudyante; paaralan at komunidad.
Una kailangang maging responsible ang mga magulang sa pagiging liban
ng kanilang mga anak sa klase sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong nila sa
kanilang mga anak ng performance ng mga ito sa paaralan. At kung
kinakailangan, maaari rin silang sa tuwina’y pumunta sa paaralan para
masigurong pumapasok ang kanilang mga anak. Maganda rin kung mayroong
komunikasyong namamagitan sa kanila at sa mga opisyales sa paaralan para
malaman nila ang mga ginagawa ng kanilang mga anak habang nasa paaralan.
Pangalawa, dapat na malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng
edukasyon upang ito’y mabigyan nila ng pansin. Kailangang matutunan nila ang
mga paraan o istratehiya para hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral at
makaiwas sa pagliban sa klase.
Pangatlo, ang paaralan ay mayroong napakahalagang responsibilidad sa
pagpasok ng mga estudyante sa klase. Dapat na obligahin ang mga paaralan na
kausapin o palaging magkaroon ng komunikasyon sa mga magulang ng
estudyante na lumiliban sa klase. Maaari rin silang pumataw ng mga
karampatang bayad at parusa sa mga kabataang ito. Kung kinakailangan, dapat
rin nilang limitahan o pagbawalan ang paglahok ng mga mag-aaral sa mga
gawain sa labas ng paaralan na nagpapababa ng kanilang marka. Ang regular
na pagpapatupad ng patakaran ng paaralan sa mga estudyante ay
makakatulong ng labis sa pagpigil ng patuloy na pagliban sa klase.
BIBLIOGRAPIYA
David D. Friedman, 2004, Tungo sa Pagkamit ng Edukasyon, McGraw-Hill
Inc.
Roger M. Barken, 1990, Ang Pgtuturo, Aspen Publisher, Inc.
Susan J. Bunting, 1997, Edukasyon ng mga Kabataan, Dunkin Publishing
Group, Guilford.
Elizabeth R. Hurlock, 2002, Problema sa Paaralan, Times Mirror College
Publishing.
Sue Rodwell Williams, 1989, Studentry, Holt Rinehart and Winston Inc.