jairus s. canchela's akademikong sulatin
TRANSCRIPT
Jairus S. Canchela
Epekto ng Paggamit ng Internet sa Academic Performance ng mga Mag-aaral
Kasabay ng modernong panahon ay ang pag-usbong ng teknolohiya.
Ang Internet ang isa sa mga produkto ng naturang pag-angat. Sa kabilang
banda, niyayakap na rin ng edukasyon ang sistema ng makabagong mundo
kung kaya't nagiging mas intetaktibo ang pagtuturo sa milenyal na panahon.
Tinutumbok ng pag-aaral na itol ang kaugnayan ng paggamit ng
Internet sa Academic Performance ng mga mag-aaral ng Zamboanguita
Science High School. Ang mga “senior students” (mga piling Grade 11 at 12 ng
naturang paaralan) ang sumailalim sa isang random sampling alinsunod sa
kahingian ng pananaliksik.
Ayon sa mga mananaliksik, isang mahalagang papel ang
gingampanan ng Internet sa buhay ng isang mag-aaral. Maaaring sa larangan
ng libangan, komunikasyon o iba pa. Bilang mga mag-aaral,
nangangahulugang mas pokus sa mga respondente ang akademikong usapin.
Matapos ang eksaminasyon, humantong ang mga mananaliksik sa
iba't ibang resulta ng pag-aaral. Higit 85% sa kabuuang mga respondente ang
nakitaan ng pagtaas ng General Average (sukatan ng Academic Performance).
May mangilan-ngilang nag-maintain at pinaka-kaunti ang may pagbaba.
Ganunpaman, higit 50% sa mga respondente ang nagsasabing hindi ang
paggamit ng Internet ang dahilan ng trend sa kanilang Academic Performance.
PETSA: Ika-16 ng Agosto 2017
PARA SA: MGA STAFF NG PAMAHAYAGANG THE ZASCIAN ODYSSEY
MULA KAY: G. JAIRUS S. CANCHELA
Editor-in-Chief
Mangyayaring dumating sa ating pagpupulong ngayong Agosto 20, 2017 ng
alas-10 ng umaga sa ikatlong palapag ng TZO Publication Building. Ang TZO
na ang sasagot ng ating pananghalian.
AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pag-apruba na Agenda
3. Pag-apruba ng katitikan ng nakaraang pulong
4. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong
5. Pagpaplantsa sa mga artikulong itatampok sa buwanang release ng diyaryo
ng TZO
a. Pagtalakay sa mga balita
b. Pagtalakay sa mga lathalain
c. Pagtalakay sa mga editoryal àt cartooning
d. Pagtalakay sa mga Sci-Tech
e. Pagtalakay sa ibang mga artikulong may kaiklian
6. Pagpili at paglatag ng pinal na format at iba pang aspeto kaugnay nito sa
pamumuno ng residenteng graphic/layout artsist
7. Paglatag ng espisipikong petsa ng takdang pagkabuo ng diyaryo para sa
diseminasyon sa publiko
8. Mga paalala sa mga staff ng TZO Publication
9. Pagbibigay ng pagkakataon na maglabas ng mga agam-agam o
sentimyento ang bawat staff ukol sa pamamalakad at iba pang usapin sa
pamahayagan
10. Ang petsa ng susunod na pagpupulong ay ngayong ika-15 ng Nobyembre
2017
Tayo ang Kultura at angTagawasak Nito
Pinag-ugatan. Patuloy na namamayani sa buong kapuluan. Isang
pamanang hinding-hindi mamamatay magpakailanman—ang kultura nating
mga dugong kayumanggi. Ngunit sa isang pusong gahamansa kapangyarihan,
luho, kasikatan at kung ano-ano pa man, kultura'y hindi malayongl amunin ng
pagkakaiba-iba. Ang dating pundasyon, hindi malayong matulad sa pagguho
ng isang bulkan kasabay ng pagbuhos nito ng apot, poot, sigalot, galit sa
buong sambayanan. Buhay man sa paningin at paniniwala ay mamamatay din
sa diwa.
Hayaan niyong sabay-sabay nating balikan ang makulay na
kasayaayan ng ating pagkabuo bilang Pilipino. Bago pa man dumating ang
mga mananakop, nariyan na ang ating mga ninuno, mga taong dahilan sa
pagkakabuo ng kung tawagin natin ay Luzon, Visayas at Mindanao. Sa
paglusob ng mga dayo, sabay-sabay, gamit ang sibat, kampilan at supot, iisa
sa paglupig sa mga mananakop. Musika, sayaw, pagkain, ritwal, paniniwala,
bayanihan, ang lahat ay hitik, iba-iba.
Ganunpaman, nagawa nating mamuhay alinsunod sa ikabubuti ng
bawat isa. Sa hamon ng panahon, nagawa nating maging tunay na dugong
kayumanggi sa lahat ng pagkakataon.
Subalit ngayon, tingnan niyo ang lipunan. Marahil hindi man salahat
ng anggulo, subalit magbigay kayo ng panahong tingnan ang ating lipunan.
Dati-rati'y handa tayong magbuwis ng buhay para sa bayan. Ang mga sugatang
kaanib ay inaagapan. Ang mga walang karapatan sa ating bayan na
nagpupumilit na tayo'y angkinin ay pinapalayas. At ito'y para hindi magambala
ang kapayapaan. Subalit ngayon, tayo-tayo na rin ang nagpapatayan. Para sa
sariling interes, pumapatay tayo ng isang kababayan na marami pa sanang
pwedeng maiambag sa lipunan. Maraming gyera ang nagpapaiyak sa milyong
batang mulat sa kahirapan sa murang edad. Noon, may naniniwala sa mga
diyos at diyosa, bulul, anito at kung ano-ano pa mang paniniwala, at nagawa
nilang magkaisa. Subalit ngayon, bakit mahirap nang magkasundo ang
simbahan at ang pamahalaan. Na ang mabutisasa ay taliwas sa kabila. Marami
pang bagay-bagay ang makikita ng sinuman na nagpapakita na tayo mismo
ang tagawasak ng ating sarili—ang atingkultura.
Isa lang ang maipapayo ko, magkaroon sana tayo ng panahong makita
at madama ang mga ito.
Mag-abo: Sitio Paraiso
Humigit-kumulang 24 kilometro mula sa puso ng Negros Oriental,
ang siyudad ng Dumaguete, matatagpuan ang isang paraiso sa kasuluk-
sulukan—ang Sitio Mag-abo. Isa lamang itong parte ng Barangay Maluay
na napapaloob sa distrito ng Zamboanguita. . Hindi mo man matatanaw sa
paligid ang nagtataasang gusali, maraming sasakyan, at malawak at
maingay na mga pasyalan sa kabayanan, ay yayakapin ka pa rin ng malinis
na simoy ng hangin, nagsasayawang mga niyog, kakaibang putahe ng mga
pagkain, mainit na pagtanggap ng mga tao, halimuyak ng Mag-abo River at
isang karanasang ditomo lamang matatagpuans a Mag-abo. Hali nasa
Mag-abo at subukan ang kakaibang templa ng paglalakbay kaisa ang
kalikasan. Mag-isa man o kasama ang pamilya o barkada ay swak dito
pumunta.
Minsa na akong naglakbay dito kasama ang aking pamilya. Sa
panahong iyon, ang malakristal na tubig ng Mag-abo River ang aming
destinasyon. Sa unang bungad pa lamang ng ilog ay isang magandang
implikasyon ang dadako sa iyong isipan—na magiging maganda ang mga
pangyayari gaano man kalayo ang magiging lakaran. Hindi ka bibiguin ng
kalikasan sa pangako nito ng isang ‘di malilimutang karanasan. Sa kanan,
nagtatayuan ang mga kawayan kasabay ng kanilang musikongt unog. Hitik
sa bunga ang mga niyog; bakas ang mga “butong” na paborito ng mga
mamamayan. Hahaplusin ang iyong mga paa ng malamig at malinis na
agos ng tubig. Nagsasayawan ang mga “malapalo” sa pagitan ng tubig at
nagkukumpulang mga bato. Mamula-mula ang bunga ng mga senegwelas
na maaari mo lamang mapitas sa tabi-tabi. Isang imahe ng katahimikan at
balanse ang mamamayani sa iyong pamamalagi sa ganitong pook.
Umabot pa ng higit isang oras ang aming paglalakbay sa ilog.
Totoong sa bawat yapak na aking nagagawa ay mga mensahe sa buhay
ang namumuo sa aking dibdib. Tunay na napanatag ang aking kalooban
nang ang mga elemento sa paligid ay para bang nakikisempatya sa akin.
Kahit iilang oras lang, magagawa mong makatakas sa kabigatan ng iyong
mga pasan-pasan sa buhay. Ang hindi makita ng iyong paningin, ang
presensya ng kapangyarihan ng kalikasan ang tutulong sa iyong
pagbubulay-bulay, at pagkakaroon ng isang pundasyon sa buhay.
Sa huling bahagi ng aming kasiyahan, masaya kaming
nagtampisaw sa ilog. Hindi mo makikita sa amin ang isang malungkot na
mukha. Lahat ay galak at masaya, tumatawa na parang mga bata na noon
lang muling nakaligo sailog. Presko ang dating saang anggulo ka man
tumingin. Sisisirin namin ang pinakamalalim na bahagi at malinaw pa rin
ang imaheng nakikita, tanda ng kalinisan ng paligid. Lahat ay tila ba isang
pangyayaring lagpas pa sa kayang ibigay ng imahinasyon.
Matapos ang paglalakbay namin sa mumunting paraiso ng Sitio
Mag-abo, napagtanto kong mas masaya ang anumang paglalakbay
kasama ang mga importanteng tao sa ating buhay, lalo na ang ating
pamilya. Gaano man kasimple o ka-engrande ang destinasyong ating
pupuntahan, ang importante ay matamasa natin ang ating tunay na layunin
na hindi lamang sa pagkilala sa lugar na ating pupuntahan kundi sa ating
sarili mismo. Dahil ano'tano pa man, patuloy tayong maglalakbay, patuloy
tayong aagos sa malawak na mundo, sa malawak na ilog ng buhay.
Parusang Kamatayan: Hindi ang Sagot
Alinsunod sa Saligang Batas na pinagtibay sa maraming taon ng
pamamahala ng iba't ibang lider, lahat ng anumang krimen na nagawa
ninuman ay nararapat patawan ng legal na kaparusahan. Ang
maikokonsiderang pinakamabibigat na maaaring ipataw ay ang Death
Penalty o parusang kamatayan. Tintawag din itong Capital Punishment.
Patuloy pa rin itong pinagdedebatihan hanggang sa kasalukuyang
administrasyon. Ayon kay Duterte, ang pagpapatupad ng parusang
kamatayan ay hindi panakot bagkus ay pambayad sa mga kasalanang
may kabigatan tulad ng pagpatay at pagtutulak ng ilegal na droga. Ganito
rin ang pinaniniwalaan ni Sen. Sotto sa palubhang estado ng paglagana ng
krimen sa Pilipinas. Sa lahat ng ito, hindi kailanman karapa't dapat itong
parusa at isang malaking kalapastanganan sa karapatang pantaobna
kaloob sa bawat Pilipino.
Kamakailan, magugunitang laganap na sa Pilipinas lalo na sa ka-
Maynilaan ang Extra Judicial Killings (EJK) , isang estilo ng walang habas
na pamamaslang ng mga grupo o indibidwal na maaari o hindi maaaring
konektado sa paggamit o pagtutulak ng ilegal na droga. Isang malaking
sampal sa pangulong Duterte na matatandaang nagsaad na ang Death
Penalty ay hindi isang panakot kundi isang pambayad. Ang Death Penalty
ay isang batas na hindi pinal at kailanma'y hindi ginagawa sa kalye; sa mga
taong ginagawang parang mga hayop na kinakatay. Ang lahat ay dapat
legal at may due process na tinatawag bilang pagtugon sa karapatang
pantao. Nais ng iilan sa atin ang pagpapatupad sa naturang kaparusahan.
Ganunpaman, ginagawa na nila ito aa sarili nilang mga kamay, isang
implikasyon na ni ang mga namumuno ay nararapat ding patawan ng
ganitong kaparusahan.
Sa kabilang banda, pinaniniwalaan ni Chito Gaacon, pinuno ng
Commission on Human Rights (CHR) na ang pagpapatupad sa parusang
kamatayan ay hindi pagkakaloob ng pangalawang pagkakataon sa
nagkasala. Dagdah pa ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa halip na
buhayin ang Death Penalty ay hulihin na lamang ang mga kriminal at mabilis
na ipataw ang nararapat na kaparusahan upang masugpo ang anumang
krimen. Nangagahulugang sa pagpataw ng parusa hindi kailanman pinapatay
ang karapatang pantao higit lalo sa taong nagkasala. Ito ang tunay na hustisya
hinsi man sa persepsyon ng iilang tao. Matatamasa ng sinuman ang
komprehensibo at karapat dapat na hustisya nang hindi gumagawa ng
panibagong pagkitil ng buhay.
Hindi kailanmansagotangparusangkamatayan.
My Beautiful WomanMy Beautiful WomanMy Beautiful WomanMy Beautiful Woman
My Beautiful Woman
Pamilya—mga taong kinikilala at binubuklod ng iisang kinalakhan at
iisang bubong. Ito ang walang- kamatayang impresyon na sumasagi sa aking
isipan sa tuwing naririnig ko ang salitang “pamilya”. Ngunit, dito lang ba talaga
nasusukat ang pagiging magkakapamilya? Biyolohikal? Sa mga karanasang
pinagsamahan ng matagal? Parang hindi.
May isang babaeng wala pa sa wastong edad para magtatag ng
sariling pamilya, para magkaanak. Ganunpaman, sa tawag ng pagkataon ay
naitalaga siya sa isang responsibilidad na maging ina. Naging daglian ang
lahat. Dahil sa kanyang naging estado, naging sentro siya ng negatibong
komento galing sa iba. Tinanggap niya lahat-lahat ng pasakit alang-alang sa
kanyang anak. Lingid sa kaalaman ng iba, ang batang kanyang tinuring na
kapamilya ay natagpuan niya sa isang tambakan ng basura—umiiyak,
musmos, inosente at kaawa-awa. Isang gawaing hindi aakalain ng sinuman na
magagawa ng isang estranghero. Ganito ang tunay na pagmamahal. Ganito
ang tunay na tagapagtaguyod ng pamilya. Pamilyang may bigkis ng
pagmamahal na hindi kailanman nahaharangan ng anumang kaibahan bilang
isang indibidwal, o pangangailangan ng mundo para maturing na pamilya.
Napagtanto kong ang mga taong bahagi ng tinatawag nating pamilya
ay hindi lamang sina inay, itay, ate, at kuya, kundi maaaring kaklase, ang ating
mga guro, mga kalaro, maaaring mga alagang hayop, mga bagay at kahit
anong simpleng hindi maipaliwanag na aspeto sa ating lipunan. At hindi
lamang nasusukat ito sa ating mga batayang sosyal na hatid ng
makamundong persepsyon. Nasusukat ito ng ating kabuuan, kinikilala ng
puso, isipan at kaluluwa na minsan ay hindi magawang ipaliwanag ng mundo.
Dahil sa kabuuan, ang Diyos ang magdidikta at patuloy na magdidikta ng ating
magiging pamilya—ang mundo.
Si Jairus Canchela ay nagtapos ng BS Geodetic Engineering at MA
Sociology at kasalukuyan ay kumukuha ng PhD sa Filipino: Pagsasalin sa UP-
Diliman. Nagtuturo siya ng panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at isang
resident fellow ng UST Center for Creative Writing and Literacy Studies. Ang
kanyang unang koleksiyon ng tula ay nailathala ng NCCA noong 2013 at ang
pangalawang koleksiyon sa kasunod na taon, 2014.
Si Gelly Elegio Alkuino ay nagtapos ng Master of Arts in Education
Major in Educational Management sa Notre Dame of Marbel University,
Coronadal City taong 1997. Natapos niya ang kanyang kursong Bachelor of
Science in Education-History sa Mindanao State University, General Santos
City bilang Cum Laude sa taong 1986. Noong 1979, nagtapos siya sa Surallah
National Agricultural School sa Surallah, South Cotabato bilang Valedictorian.
Siya'y kasalukuyang tagapagsanay at tagapanayam sa pamahayagan at
teatrong sining. Siya ang may akda ng mga Sanayang Aklat sa Filipino I, II, III,
IV (edisyong BEC) at ng pamahayagang aklat sa Ingles, Campus Journalism
in the New Generation. Siya ang itinanghal na Outstanding School Paper
Adviser of the Philippines sa ginanap na National Press Conference taong
2004.
Si Dan Byron E. Deloria ay ipinanganak noong Setyembre 7, 1999.
Kasalukuyan siyang nakabase sa B. Elnar St. Poblacion Zamboanguita
Negros Oriental. Sina G. Dan M. Deloria at Gng. Mae E. Deloriabang kanyang
mga magulang. Mayroon siyang tatlong nakababatang kapatid na sina Dan
Arton E. Deloria, Dan Cyshe E. Deloria at Dan Dylan E. Deloria. Nagtapos siya
ng elementarya sa Zamboanguita Central Elementary School tangan ang
karangalang “with honors”. Sa Zamboanguita Science High School siya
nagtapos ng kanyang Junior High School at nakamit ang karangalang Special
Academic Award. Isa siyang miyembro ng grupong nagkamit ng pangalawang
pwesto sa patimpalak na “Bayle sa Kalye”. Isa rin siyang kasapi ng Youth for
Christ.
Ang Ama
Sa buhay, may mga pagkakataong binibigyan ang sinuman ng mga
taong hindi sinasadyang may kakulangan subalit nag-uumapaw naman sa
pagmamahal. May isang amang bingi at pipi na sa kabila ng kapansanan ay
ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang babaeng anak.
Ganunpaman, sa impluwensiya ng mapanghusgang mundo ay hindi makita-
kita ng anak ang mga magagandang bagay na gawa ng kanyang butihing
ama. Sa mismong kaarawan ng anak ay galak na naghanda ang ama ng
mumunting surpresa para sa anak, makikita ang kasiyahan sa mukha ng ama.
Sa kasamaang palad ay sinubukang magpatiwakal ng bata na ikinagulat ng
ama, dahilan para gawin niya anuman para sa anak. Ganito kung magmahal
ang mga espesyal na tao sa ating buhay kaya nararapat lamang silang
pahalagahan ano't ano pa man.
Jairus S. Canchela
Maluay, Zamboanguita
Negros Oriental
(0906) 865-9641
Layunin
Mag-aplay bilang isang feature editor ng isang pamahayagan
Edukasyon
Silliman University 2018-
kasalukuyan
Bachelor of Arts in Mass Communication
Zamboanguita Science High School 2016-2018
STEM Strand
Senior High School
Zamboanguita Science High School 2012-2016
Junior High School
Mga Parangal
Panglimang puwesto sa DSPC 2014
Pagsulat ng Science and Technology
Unang puwesto sa DSPC 2015
Pagsulat ng Balita
Panglimang puwesto sa DSPC 2016
Pagsulat ng Balita
Karanasan
Nanalo sa isang Journalism Workshop
2014
Zamboanguita Science High School
Nakadalo sa isang News Writing Workshop 2015
Negros Oriental High School
Nakadalo sa isang News Writing Workshop 2016
Negros Oriental High School
Naging Editor-in-Chief ng isang pamahayagan
2016-2017
The Voyager, Negros Oriental Division
Nakadalo sa isang Journalism and Media Workshop 2016
ABS-CBN Center, Quezon City
Mga Kasanayan:
Nakakasulat ng iba pang uri ng artikulo bukod sa balita at lathalain (editorial,
science & technology atbp.)
Isang mabisang tagapamahala ng pamahayagan
Magaling sa formatting ng isang pamahayagan
Ika-14 ng Setyembre 2017
Bb. ANA MELISSA T. VENIDO
Editor-in-Chief
The Manila Times
Quezon City, Manila
Mahal na Bb. Venido:
Magandang araw! Ako po si Jairus S. Canchela. Nais ko pong maging parte
ng inyong pamahayagan—ang The Manila Times. Naniniwala po ako sa
inyong walang pagkiling na pamamahayag. Bilang koneksyon, isa rin po
akong campus journalist sa mga panahong nag-aaral pa po ako. Hinggil dito,
naniniwala po akong nagkakatagpo tayo ng layunin—ang makabuluhang
pamamahayag. Naniniwala rin po akong sa sandaling maging bahagi ako ng
institusyon ay malaki po ang aking maiaambag. Mahal ko po ang pagsulat
para sa magandang adhikain.
Bilang pagpapatuloy, ang posisyong Feature-editor, ang espisipikong
propesyon na sakop ng aking kalakasan. Makikita niyo po sa kalakip na
résumé nitong liham ang mga kwalipikasyon salig sa inyong kahingian. Maaari
rin po akong maihanay sa iba pang larangang pamamahayag bukod sa
lathalain.
Masisiyahan po akong kapanayamin ng inyong institusyon sa takdang araw na
gusto ninyo. Maaari po akong ikontak sa numerong: 09123457789; o sa
[email protected]. Sana po'y maikonsidera ninyo ang aking mga
sabi.
Maraming salamat.
Sumasainyo,
Jairus S. CanchelaJAIRUS S. CANCHELA
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduksyon
Zamboanguita Science High School
Del Pilar St. Pob., Zamboanguita
Paksa: Pagpupulong para sa 2017 Christmas Party
Para sa Miyembro ng Student Council
1. Hinggil sa papalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bawat institusyon o
paaralan, magkakaroon ng Christmas Party. Isa itong paraan ng
pagsasabuhay ng bawat paaralan sa diwa ng Pasko, na kung saan lahat ay
inaasahang magsaya at magbigayan.
2. Layunin ng gagawing pagpupulong sa 2017 Christmas Party ang mga
sumusunod:
•Mapag-usapan at mapagplanuhan ang pinal na petsa kung kailan gaganapin
ang okasyon.
•Makagawa ng iba't ibang gawain na itatampok sa takdang araw ng okasyon.
•Mapagdesisyunan ang paghahati o paglalaan ng oras sa iba't ibang
kaganapan sa Party.
3. Inaanyayahan ang buong pwersa ng Student Council na dumalo sa
pagpupulong sa 2017 Christmas Party na gaganapin sa silid ng Grade 12
Generoso SHS building, Zamboanguita Science High School ngayong
Nobyembre 10, 2017 sa ganap na 8:30 ng umaga.
4. Para sa karagdagang impormasyon:
5. Ang travel expenses ay sagot ng SHS budget
6. Para sa malawakan diseminasyon.
Jairus S. Canchela
Presidente—Student Council
Pagpili ng Produkto at Advertising Company
Gusali ng Senior High School
Zamboanguita Science High School
Zamboanguita Negros Oriental
5 Setyembre 2017
Mga Dumalo:
Marie Raphelle T. Deloria (Presidente ng Kompanya)
Mga Kasapi ng Kompanya
Sharmine E. Alarcio (Kinatawan ng GMA)
Rose Ann M. Adapon (Kinatawan ng ABS-CBN)
Mga Di-nakadalo
Dan Byron E. Deloria (Kasapi ng Kompanya)
Janine V. Bautista (Kasapi ng Kompanya)
Gypsy Mae S. Elnar (Kasapi ng Kompanya)
1. Pagsisimula ng Pulong
Nagsimula ang pulong nang ika-10:15 ng umaga. Si Rose Ann M. Adapon ang
nangulo sa panalangin. Makalipas ang ilang sandali, pormal na binuksan ni
Marie Raphelle T. Deloria ang pulong.
2. Paglalahad ng Naunang Talakayan
Isnaad ni Marie Raphelle T. Deloria ang paglago ng kanilang kompanya.
Hinggil dito, napagpasyahan ng kompanya na magkaroon ng bagong
produkto. Nagkaroon ng dalawang agenda base sa gagawing operasyon: (1)
produkto at (2) paraan ng pag-eendorso na ibabatay sa isang advertising
company (ang advertising company ang sentro ng pangalawang agenda).
3. Pagtalakay sa Unang Agenda
Dalawang produkto ang inilatag ng Preaidente upang pagpilian ng mga
dumalo. Ito ang Sunsilk at Head & Shoulders.
3.1 Mungkahi ni Jairus S. Canchela
Iminungkahi ni Jairus S. Canchela na mas maigi kung mabigyan ng
pagkakataon ang mga kasapi na magbigay ng kanilang opinyon sa kung ano
ang kanilang kinikilingan sa dalawang produkto bago ang botohan. Ayon sa
kanya, mas maganda kung magmula mismo sa mga kasapi ang pagkilatis sa
mga elementong taglay ng mga produkto na makakabenepisyo sa isang
indibidwal.
3.2 Mungkahi ni Christine M. Lazaga
Iminungkahi ni Christine M. Lazaga, na Sunsilk and produktong dapat itampok.
Ayon sa kanya, sa tuwing gagamit siya ng ganoong produkto ay palaging
maganda ang kinalabasan at banayad sa buhok.
3.3 Mungkahi ni Khrizzle Jean A. Maquiling
Sa kabilang banda, iminungkahi naman ni Khrizzle Jean A. Maquiling na Head
&Shoulders ang nararapat na produktong i-endorso. Ayon sa kanya, ang
naturang produkto ay mainam sa pagtanggal ng balakubak at pagpapaganda
ng buhok.
3.4 Kinalabasan ng Botohan
Sa pagtatapos ng paglalahad ng iilang mungkahi, dumiretso agad sa pormal
na botohan. Pinaboran ng anim na katao ang produktong Sunsilk. Labing-apat
naman para aa produktong Head & Shoulders. Kaya naman, ang Head &
Shoulders ang produktong pinal na itatampok.
4. Pagtalakay sa Pangalawang Agenda
Matapos hirangin ang produktong Head & Shoulders bilang produktong i-
eendorso, dumako naman ang pulong sa mga advertising company sa ilalim
ng dalawang TV stations, ang GMA at ABS-CBN. Si Sharmine E. Alarcio ang
kinatawan ng GMA. Si Rose Ann M. Adapon ang kinatawan ng ABS-CBN. Ang
mapipiling advertising company ang mamumuno sa gagawing pag-endorso ng
Head & Shoulders.
4.1 Plataporma ng GMA
Ayon kay Sharmine Alarcio, isang ordinaryong indibidwal na gumagamit ng
Head &Shoulders ang kanilang gagamiting karakter sa advertisement. Dagdag
pa niya, mas magiging totooang impak kung isang totoong gumagamit ng
produkto ang itatampok, lalo na kapag nakita ang magandang resulta.
Tinatayang 100,000.00 ang mga gastusin ayon sa kinatawan.
4.2 Plataporma ng ABS-CBN
Ayon sa kinatawan, isang mabentang artista ang kanilang itatampok sa
advertisement upang bumenta rin ang Head & Shoulders. Ang popularidad ng
artista ang magiging dahilan upang pumatok sa mga mamimili ang produkto.
Tinatayang 500,000.00 ang magiging gastusin ayon sa kinatawan.
4.3 Kinalabasan ng Pagtalakay
Nagkaroon ng mungkahi ang iilang kasapi sa pagdarausan ng advertisement.
Ganunpaman, wala munang kinonsidera. Walang naging pinal na pasya
sapagkat napagdesisyunang bigyan pa ng pagkakataon ang GMA at ABS-
CBN na maglatag ng kani-kanilang panukalang proyekto sa susunod na
pagpupulong. Tinatayang makukuha na ang pinal na desisyon hinggil sa
advertising company sa susunod na pagpupulong.
5. Pagtatapoa ng Pulong
Natapos ang pulong nang 10:37 ng umaga.
Itinala ni,
Jairus S. Canchela
Kalihim
PLANT REHABILITATION AND PRESERVATION
(Pagsasaayos ng mga Sari-saring Tanim sa Likod ng Senior High School
Department)
Zamboanguita Science High School
Del Pilar St., Poblacion Zamboanguita Negros Oriental
Mula kina: Mark Anthony B. Tubil
Osmeña St., Poblacion Zamboanguita Negros Oriental
09123456789
Patricia Janah F. Generoso
Sitio Dalakit, Poblacion Zamboanguita Negros Oriental
09123456789
Almira E. Gaer
Colon St., Poblacion Zamboanguita Negros Oriental
09123355679
Marie Raphelle T. Deloria
Mayabon Zamboanguita Negros Oriental
09123456789
Jairus S. Canchela
Maluay Zamboanguita Negros Oriental
09123456789
Dan Byron E. Deloria
Benito St., Poblacion Zamboanguita Negros Oriental
09123456779
KATEGORYA NG PTOYEKTO: Aksyon
PETSA: Ika-11 ng Setyembre 2017
HABA NG PROYEKTO: Isang Linggo (Setyembre 18-22, 2017)
RASYONAL:
Nagkaroon ng paunang proyekto ang Zamboanguita Science High
School hinggil sa school beautification alinsunod sa kumpetisyon ng Brigada
Eskwela noong buwan ng Hunyo, 2017. Isa sa mga output nito ay ang
pagtatanim ng sari-saring halaman sa bandang likuran ng ZSHS Senior High
Department partikular sa mga bakod. Makalipas ang humigi't kumulang tatlong
buwan, nagkaroon ng obserbasyon ang grupo. Marami sa mga naitanim ay
lanta na at nangangailangan ng kalinga. Minsan nalang ang mga ito kung
madiligan. Ang iba'y nalalanta dahil sa maling pinagtamnan at hindi maayos
ang pagkakasunod-sunod. Bilang solusyon, napagdesisyunan ng grupo na
ipagpatuloy ang nasimulang proyekto ng paaralan sa pamamagitan ng
pagsasaayos at pagpepreserba ng halaman.
DESKRIPSYON:
Isa sa pinakamagandang tradisyon ng mga Pilipino ang pagtatanim. Ginagawa
ito sa anumang institusyon. Hinggil dito, nagkaroon ng proyekto ang paaralang
ZSHS sa pagtatanim ng sari-saring mga halaman sa 1.5 bottles. Makaraan
ang ilang linggo, hindi na ganoong napanatili ang kagandahan ng mga tanim,
hindi na masyadong nadidiligan at hindi na organisado ang pagkakahanay.
Kaya naman, napagpasyahan ng grupo na magkaroon ng aksyon ukol dito.
Ang proyektong “Plant Rehabilitation and Preservation (Pagsasaayos ng mga
sari-saring tanim sa likod ng Senior High School Department) ay inaasahang
makatutulong sa pagsasaayos at pagpapaganda ng paaralan.
Mga Hakbang:
1. Kunin ang mga nalantang pananim at palitan ng bago.
2. Diligan lahat ng mga halaman tuwing umaga at hapon.
3. Ayusin ang hanay ng mga tanim at itali nang maigi sa bakod
4. Gawin ito sa loob ng isang linggo.
LAYUNIN:
Pangunahing Layunin:
Gawing organisado ang mga sari-saring tanim na nasa loob ng 1.5 bottles sa
likod ng Senior High School Department.
Tiyak na Layunin:
Maisaayos ang mga sari-saring tanim na nasa loob ng 1.5 bottles sa likod ng
Senior High School Department sa pamamagitan ng pagdidilig sa mga
malulusog na tanim, pagpapalit ng mga nalantang tanim at pagsasaayos ng
hanay ng mga tanim.
Talahanayan 1: Schedule sa Pagsasagawa ng Proyekto
KAILAN SETYEMBRE
18 19 20 21 22
UMAGA
HAPON
Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang mga petsa kung kailan isasagawa ang
nasabing proyekto na gagawin tuwing umaga't hapon araw-araw sa loob ng
isang linggo.
Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang mga petsa kung kailan isasagawa ang nasabing proyekto na gagawin tuwing umaga't hapon araw-araw sa loob ng isang linggo.Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang mga petsa kung kailan isasagawa ang nasabing proyekto na gagawin tuwing umaga't hapon araw-araw sa loob ng isang linggo.
BADYET:
MATERYALES HALAGA
Halaman
(gulay, ornamental, atbp)
Php 0.00
Pantali Php 0.00
1.5 bottes Php 0.00
Ang nabanggit na panukalang proyekto ay inaasahang hindi
gagastos ng malakihang halaga sapagkat ang mga materyales(pananim at
mga 1.5 bottles na nagmumula sa mga patapong bote, atbp) na gagamitin ay
magmumula mismo sa mga proponent ng proyekto. Maliban sa
pagpapaganda ng paaralan, nakatutulong pa ito sa kalikasan. Hindi naman
babayaran ang mga proponent sa pagsasagawa ng proyekto sapagkat ito'y
boluntaryo. Sa kabuuan, ang tinatayang badyet ay Php 0.00.
PAKINABANG:
Kapakipakinabang ang proyektong ito sa mga sumusunod:
Paaralan. Magagawa nitong pagandahin ang imahe ng paaralanat isulong ang
makakalikasang adbokasiya
Mag-aaral. Upang sa pagsapit ng mga feeding programs ay may maihaing
mga gulay na ipapakain sa mga mag-aaral. Maaari ring gawing herbal
medicine ang ibang tanim tulad ng Oregano. Sa huli, upang makalanghap ng
sariwa at malinis na hangin.
Maraming salamat sa iyong
pagababasa!
Nawa’y nakapagbigay ito ng
kahit kaunting kaalaman
dagdag sa iyong kabatiran sa
mga Akademikong Sulatin!