japanese occupation

75
Japanese Occupation

Upload: mariz-cruz

Post on 25-Jun-2015

2.942 views

Category:

Education


4 download

DESCRIPTION

araling panlipunan

TRANSCRIPT

Page 1: Japanese occupation

Japanese Occupation

Page 2: Japanese occupation

Pangyayari bago ang pagsabog ng Pearl Harbor

Mabilis ang pag angat ng Japan sa ekonomiya at sa militar, ito ay ikinabahala ng Amerika

Page 3: Japanese occupation

Unti-unti silang kumuha ng mga lupain sa Asya bilang bagsakan nila ng mga sobra nilang produkto at tirahan ng sobrang populasyon.

Page 4: Japanese occupation

Inuna nila ang Manchuria sunod ang China at huli ang French IndoChina at East Indies o ang kolonya ng Olandes sa Indonesia.

Page 5: Japanese occupation

Dahil dito mas nabahala ang mga Amerikano sa Japan at pinutol nito ang lahat ng pagtutulungan nito sa Japan. Ito ay sinundan ng Britanya at Olandes.

Page 6: Japanese occupation

At sabay na binuo ang USAFFE. Sa pamamahala ni Gen. Douglas MacArthur.

Page 7: Japanese occupation

Ang Pagpapasabog ng Pearl Harbor at ang

pagsisimula ng giyera sa Pasipiko

Page 8: Japanese occupation

Pinapunta ng Japan sa Washington si Admiral K.Nomura upang magkaroon ng “peacetalk” sa mga Amerikano.

Page 9: Japanese occupation

Ngunit habang sinasabi ni Nomura ang plataporma nya, sabay na dumating ang balitang pinasabog ng mga Hapon ang Pearl Harbor.

Page 10: Japanese occupation

Noong December 8, 1941 nagkaroon ng joint session ang kongresso ng Amerika at sinimulan nila ang giyera laban sa Japan. Sumunod na naghayag ang Britanya ng Gyera sa Japan.

Page 11: Japanese occupation

Sa araw ring iyon binomba ang Clark Airfield, Davao, Baguio at Aparri.

Page 12: Japanese occupation

Upang hindi masama ang Maynila ginawa itong Open City ni Gen.Douglas MacArthur.

Page 13: Japanese occupation

Pinaalis nya lahat ng mga armas sa Maynila at inalis rin nya ang Headquarters nya sa Intramuros. Ngunit hindi ito nirespeto ng mga Hapon at binomba parin nila ang Maynila.

Page 14: Japanese occupation

Alam ni MacArthur na hindi kakayanin ng mga sundalo ang mga Hapon, kaya napagdesisyonan nyang ipunin ang mga natitirang sundalo at sa Bataan harapin ang mga Hapon.

Page 15: Japanese occupation

Sinabihan nya si Quezon na kailangan nilang magtungo sa Bataan. Bago sila tumungo ng Bataan nagkaroon muna ng meeting ang gabinete ni Quezon.

Page 16: Japanese occupation

Napgdesisiyonan na isama si Jose Abad Santos, Sergio Osmena, Basilio Valdes at Col. Manuel Nieto.

Page 17: Japanese occupation

Gusto sanang sumama ni Jose Laurel. Ngunit sabi ni Osmena “Hindi, Laurel. Kailangang may humarap sa kanila. Makipagtulungan ka sa kanila.”

Page 18: Japanese occupation

Tinanong ni Laurel kung hanggang saan ang pakikipag tulungan nya, sinagot sya ni Osmena, “Kahit ano pwede mong gawin, ngunit wag kang makikipag alyansa.”

Page 19: Japanese occupation

Ang Pagbagsak ng Bataan at Corregidor

Page 20: Japanese occupation

Maganda ang unang mga laban ng mga Pilipino sa Bataan. Ngunit paglipas ng mga araw mas humihirap ang giyera dahil sa kawalan ng tulong mula sa Amerika.

Page 21: Japanese occupation

Nagkamatayan ang mga sundalo dahil sa kawalang ng pagkain at gamot, wala na rin silang mga bala at baril. At ang rason sa kawalan ng tulong ay dahil sa “Europe-First policy”.

Page 22: Japanese occupation

Inutusan ni president Roosevelt si Gen MacArthur na umalis sa Corregidor at pumuntang Australia. Ang humalili sa kanya ay si Gen. Jonathan Wainwright.

Page 23: Japanese occupation

Wala nang nagawa ang Bataan kundi sumuko. Ang mga sumuko ay pinalakad mula bataan patungong San Fernando, Pampanga at yung mga hindi na kaya ay binayoneta at binaril. Ito ay tinawag na Death March.

Page 24: Japanese occupation

Pagkasuko ng Bataan. Sununod ng mga Hapon ang Corregidor. Walang tigil nila itong binomba hanggang napilitang sumuko si Gen Wainwright.

Page 25: Japanese occupation

Sa pagbagsak ng Corregidor tuluyan nang nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas.

Page 26: Japanese occupation

Ang Pamahalaang Hapon sa Pilipinas

Page 27: Japanese occupation

Isang araw pagkatapos makuha ng mga Hapon ang Maynila nagpalabas ng isang mensahe si Heneral Masaharu Homma sa mga Pilipino.

Page 28: Japanese occupation

Sinabi nya “the purpose of the Japanese expeditions was to emancipate you from the oppresive domination of the USA letting you establish the Philippines

Page 29: Japanese occupation

For the Filipinos as member of Co-prosperity Sphere in the Greater East Asia and making you enjoy your own prosperity and culture.”

Page 30: Japanese occupation

Sa unang buwan bumuo ng Central Admenistrative Organization ang mga Hapon at si Jorge B. Vargas ang naging Chairman of the Executive Comission.

Page 31: Japanese occupation

Ang Central Administrative Organization ay binubuo ng anim na departamento.

Page 32: Japanese occupation

Interior, Finance, Justice, Agriculture and Comerce, Education Health and Public welfare at Public works and Communication.

Page 33: Japanese occupation

Ang bawat Commission ay may commissioner. At ang bawat Commission ay may Japanese adviser at Japanese vice-adviser. Tinatag rin ang Council of state upang tulungan ang CAO.

Page 34: Japanese occupation

Samantala binuhay muli ng mga Hapon ang Edukasyon. Nagpatayo muli sila ng mga paaralan na pampubliko sa elementarya, secondarya at mga unibersidad.

Page 35: Japanese occupation

Nakita nila na dapat maturuan ang mga Pilipino tungkol sa kultura ng mga hapon para mas mapalapit sila sa mga Pilipino at mas ma-execute nila ng mabuti ang GEACPS.

Page 36: Japanese occupation

Ngunit ito ay hindi naging matagumpay sa kadahilanang konti lang ang nagenrol sa mga eskwelahan.

Page 37: Japanese occupation

Ang Puppet Government

Page 38: Japanese occupation

Nakita ng mga Hapon ng mahihirapan silang kumbinsihin ang mga Pilipino na sumunod sa kanila.

Page 39: Japanese occupation

Kaya sinabi ng leader ng Japan na si Hideki Trozyo(Trojo) na bibigyan ng Japan ang Pilipinas ng Kasarinlan kapalit ng pagtutulungan nito.

Page 40: Japanese occupation

Kaya nga noong October 14,1943 dineklara ang kasarinlan ng Pilipinas at nahalal si Jose P. Laurel bilang leader ng Republika. Ngunit lahat ng ito ay walang katotohanan.

Page 41: Japanese occupation

Ang Pilipinas sa panahon ng mga Hapon

Page 42: Japanese occupation

EKONOMIYA

Naging napakahirap ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapon.

Page 43: Japanese occupation

Halos lahat ng mga pangangailangan ay nagmahal nawalan ng suplay ng mga damit sapagkat nasira ng mga bomba ang mga taniman.

Page 44: Japanese occupation

Pati ang pagkakaroon ng damit ay naging mahirap na rin dahil sa kawalan ng mga tela at halos lahat ng mga pagaari ay nasira dahil nga sa pambobomba ng mga Hapon.

Page 45: Japanese occupation

Sa panahon ring iyon nagkaroon ng “mickey mouse money”. Ito ang pera noon na napaka baba ng presyo. Isang bayong nito ay kanting bigas lamang ang mabibili mo.

Page 46: Japanese occupation

Sinubukan itong agapan ni Laurel sa pagbuo ng BIBA o Bigasang Bayan at NADISCO o National Distribution Corporation.

Page 47: Japanese occupation

Buhay ng mga Pilipino

Naging mahirap mabuhay para sa mga Pilipino sapagkat makakatakot noong panahon na iyon.

Page 48: Japanese occupation

Hindi nila alam kung kailan may papasok na mga Hapon sa bahay nila. Marami ang kinulong at tinorture. Marami rin ang pinapatay dahil sa pagtuligsa sa mga Hapon.

Page 49: Japanese occupation

Marami sa mga kababaihan ay naging Comfort Women, wala nang nagawa ang mga kalalakihan dahil ikakakamatay mo ang paglaban sa mga Hapon.

Page 50: Japanese occupation

Ngunit hindi lamang sa mga Hapon natakot ang mga Pilipino, pati sa mga guerillang hindi na alam ang pinaglalaban nila at nawalan na ng katwiran ang mga ginagawa.

Page 51: Japanese occupation

Ang LIBERASYON

Page 52: Japanese occupation

Mga Guerilla

Page 53: Japanese occupation

Sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor, akala ng lahat ay tapos na at wala nang lalaban. Dagdag pa ang pananakot ng mga Hapon sa mga gustong lumaban.

Page 54: Japanese occupation

Ngunit ang mga nakatakas na mga sundalo sa Bataan at Corregidor ay bumuo ng mga Guerilla Units.

Page 55: Japanese occupation

Mahalaga ang naging papel ng mga guerilla sa paglaban sa mga Hapon. Tatlong mahalagang gampanin ang ginaganapan ng mga guerilla.

Page 56: Japanese occupation

Una sila ang umaambush ng mga Hapong sundalo, dahil dito nauunsyame ang mga plano ng mga Hapon.

Page 57: Japanese occupation

Pangalawa sila ang nagbibigay ng mga impormasyon kay MacArthur sa Australia. Katulad ng dami ng mga tauhan, mga plano, mga galaw at marami pang mahahalagang impormasyon.

Page 58: Japanese occupation

At huli sila ang pumapatay sa mga espiya ng mga Hapon; kahit na mapaPilipino mang inupahan lang ng mga Hapon.

Page 59: Japanese occupation

Pagtatapos ng panahon ng Hapon.

Page 60: Japanese occupation

Unti unting nabawi ng mga Amerikano ang mga nakuhang lupa ng mga Hapon. Gamit ang ibat-ibang panalo nakuha nila ang mga ibat-ibang strategic na lugar na pwede nilang gamitin.

Page 61: Japanese occupation

Ang ibat iba rin nilang panalo ay nagdulot ng malaking pagkasira at pagkawasak ng mga kagamitang panlaban ng mga Hapon na pumilay sa mga Hapon.

Page 62: Japanese occupation

Isa sa mga pinakaimportanteng laban sa katubigan ay ang Battle of Leyte Gulf. Ito ay nahahati sa tatlong laban.

Page 63: Japanese occupation

Ang unang labanan ay naganap sa pagitan ng Japanese Southern Force at ang task force na pinamumunuan ni Admiral Olendorf.

Page 64: Japanese occupation

Naging mabilis ang pagkatalo ng Southern Force dahil sila ay sinorpresa ng mga Amerikano. Pero nawalan rin ng isang destroyer ang mga Amerikano.

Page 65: Japanese occupation

Ang sunod na laban ay naganap sa may Samar. Muntik nang matalo ang mga Amerikano ngunit habang nagpuputukan ang dalawang panig umatras ang mga Hapon.

Page 66: Japanese occupation

Ang huling labanan ay naganap sa Leyte Gulf. Ang plano ng mga Hapon ay ang pasunurin kay Admiral Ozawa ang mga Amerikanong nagbabantay sa Leyte Gulf na pinamumunuan ni Admiral Halsely.

Page 67: Japanese occupation

Habang kinakalaban ni Halsely ang mga Hapon nakatanggap sya ng balita na sinisira na ng mga Hapon ang pwersa ng mga Amerikano sa Leyte Gulf.

Page 68: Japanese occupation

Nagpadala agad si Halsely ng mga fast battle ships at mga carrier upang tumulong. Nakaabot sya at natalo nila ang mga Hapon. Dahil dito nasecure nila ang Leyte Gulf.

Page 69: Japanese occupation

Mahalaga ang pagkakasecure sa Leyte Gulf sapagkat dito bumaba ang pwersa ni Gen.Douglas MacArthur.

Page 70: Japanese occupation

Pagkababa nila sa Leyte sila ay kumilos patimog papuntang Maynila. Madali nilang natalo ang mga pwersa ng mga Hapon at pinalaya ang mga POW.

Page 71: Japanese occupation

Noong October 23, 1944 tinatag ang Pangalawang Commonwealth na ang naiupong presidente ay si Sergio Osmena. At noong July 4 prinoklama ni Gen MacArthur na malaya na ang Pilipinas sa mga Hapon.

Page 72: Japanese occupation

Pagtatapos ng giyera

Page 73: Japanese occupation

Noong tuluyang napalayas ng mga Amerikano ang mga Hapon sa Pilipinas, pinanukala ni Gen. MacArthur na dalin sa Japan ang giyera.

Page 74: Japanese occupation

Binomba nila ang Tokyo,Nagoya, Osaka at Kure. Nagpalabas ng Potsdam Proclamation ang Allies para hinihinging pasukuin ang mga Hapon. Pero hindi sumuko ang mga Hapon.

Page 75: Japanese occupation

Pinasabog nila ang bomba atomika sa Hiroshima sunod sa Nagasaki. Sumuko ang Japan, at ito ang nagtakda ng pagtatapos ng giyera.