japanese pattern template for nic out and · pdf filemusika ... humigi`t-kumulang na . y km....

Download Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileMusika ... humigi`t-kumulang na . y Km. at s oras at v r minutos. ... 4th Nob. 9 (Lin) Simulang Istasyon: Irigaike Kouen

If you can't read please download the document

Upload: nguyenkhanh

Post on 06-Feb-2018

228 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • 1

    Contents 1. Pamamasyal sa Panahon ng Taglagas ................................................................................................... 2

    2. Mga Kaganapan ....................................................................................................................................................................... 3

    3. Isports ......................................................................................................................................................................................... 6

    4. Eksibit ......................................................................................................................................................................................... 7

    5. Musika ......................................................................................................................................................................................... 8

    6. Mga tradisyon at national holiday sa Nobyembre .................................................................................................... 9

    Panahon po ng punong maple nitong taglagas,Nakaka aliw ang tanawin habang panoorin ang senaryo habang nag lalakad. Maramig pinag hahandaan ang Lungsod ng

    Nagoya ang iba pang kulturang gaganapin.Sports,Sining ng obra,musika. Mag enjoy sa panahon ng taglagas.

    Pattern by Timothy Takemoto

    Nobyembre 2014 Halina sa NIC Out & About!

    Alamin ang mga tungkol sa kaganapan at aktibidad sa Nagoya sa buwan ng Nobyembre. At maari ring I download ang podcast mula website ng NIC.

  • 2

    1. Pamamasyal sa Panahon ng Taglagas

    Momijigari o ang pagmamasid ng Kouyou (mapula at manilaw na dahon ng puno ng maple) sa panahon ng taglagas. 3 sikat na lugar sa paligid ng Nagoya ang aming ipapakilala kung kaya naman ipinapayong alaming mabuti kung saan ang magandang puntahan bago ito bisitahin . Siguradong maraming tao rito kapag katapusan ng Linggo.

    Korankei 4000 Punongkahoy ng Maple Kailan Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre

    SaanAichi-ken, Toyota-shi, Asuke-cho

    DireksiyonSumakay ng Meitetsu Line patungong Higashi Okazaki Station mula dito sumakay ng

    bus patungong Asuke at bumaba sa Korankei at maglakad ng mga 1 minuto. Aabot ng 70 minutos ang byahe sa bus. Info0565-62-1272Asuke Kankou Kyoukai

    Parke ng Joukouji -

    Kailan Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre

    SaanAichi-ken, Set-shi, Jokoji-cho

    Direksiyon : Sumakay ng train ng JR Chuo Line patungong Jokoji mula dito maglakad ng mga 15 minutos. Info0561-48-5319Jokoji

    Parke ng Iwayado -

    Kailan Kalagitnaan o Katapusan ng Nobyembre

    SaanAichi-ken, Seto-shi, Iwaya-cho

  • 3

    DireksiyonSumakay ng train ng Meitetsu Seto Line at bumaba ng Owari Seto Station mula dito

    sumakay ng JR Bus at bumaba sa Shinano-honmachi bus stop at maglakad ng 30 minutos.

    Info0561-85-2730Seto-shi Kanko Kyokai

    Pamamasyal sa Hardin ng Shirotori Ang Hardin ng Shirotori ay tradisyunal na hardin ng bansang Hapones. Maaring masiyahan sa pagmamasid ng mga dahon ng taglagas habang umiinom ng tsaa. Ang isang upuan ay nagkakahalaga ng 500 Yen ay mayroon nang kasamang minatamis. At mayroong pagbebenta at pagpapakilala ng mga natatanging produkto sa rehiyon na ito.

    Kailan Nobyembre 22 (Sat) to 24 (Mon) 9AM-9PM hanggang Disyembre 7 (Sun) bukas hanggang 9PM para masiyahan ang light up ng mga dahon (Sarado ng Disyembre 1)

    SaanShirotori Garden (Atsuta-ku, Nagoya) DireksiyonSumakay ng subway Meijo Line at bumaba sa estasyon ng Jingu Nishi. Maglalakad ng

    halos 10 minuto mula sa exit number 4. Bayad sa Pagpasok 300 Yen (Libre ang mga JHS Students pababa)

    Info052-681-8928 Parke ng Shirotori

    Mga Dahon ng Taglagas sa Parke ng Tokugawa Ang Hardin ng Tokugawa ay isang pambansang hardin ng bansang Hapon. Ito`y katabi ng Museo ng Tokugawa. Masisiyahan ang lahat sa inilawang mga dahon ng taglagas. Libreng makakapasok sa mga araw ng Nobyembre 3 (Lunes at Araw ng Pista) at magkakaroon ng ika 10 anibersaryong konsiyerto sa araw na ito. Meron ding Maccha sa mga tea shops sa loob ng hardin. 500 Yen ang bayad sa isang upuan (ito ay may kasamang minatamis). Kailan: Nobyembre 21 (Biyernes) 30 (Linggo) 9:30 am 9:30 pm (maaring makapasok hanggang

    9pm)(25 (Martes) ang araw na sarado ang hardin) Lugar: Hardin ng Tokugawa (Higashi Ward, Lungsod ng Nagoya) Direksyon: Sumakay ng Shi bus(pampublikong bus) at bumaba sa [Tokugawa Enshindeki] at

    maglakad ng 3 minuto Bayad: 300 Yen (Libre ang mga mag-aaral na Junior HS at pababa) Info: 052-935-8988

    2. Mga Kaganapan

    Honmaru palasyo

  • 4

    Ang katangi-tanging tanawin ng Taglagas mula sa tore ng Kastilyo ng Nagoya (Ang Malaking Kastilyo ng Nagoya)

    Magkakaroon ng eksibit na magpapakilala ng kasaysayan, arkitektura at kakayahang pansining ng Kastilyo ng Nagoya. Kasabay nito sa Katapusan ng Linggo at araw ng Nat`l Holiday , masiyahan sa panonood ng pag-aani na gaganapin sa plaza ng Ninomaru at gayundi`y tikman ang mga pagkaing napapanahon sa taglagas. Sa plaza ng Nishi no Maru ay magkakaroon ng paligsahan ng mga nag-gagandahang bulaklak ng Chrysanthemum o Kikka sa salitang hapon.. Lugar: Kastilyo ng Nagoya ( Naka Ward, Kastilyo ng Nagoya ) Kailan: hanggang Nobiyembre 24 (Lunes) 9 am ~ 4:30 pm DireksyonSumakay ng subway Meijo Line at bumaba sa estasyon ng Shiyakusho. Maglalakad ng 5

    minuto mula sa exit number 7. Bayad: Ang bayad para sa pagpasok sa Kastilyo ng Nagoya ay 500 Yen para sa Adults at libre naman ang mga mag-aaral ng Junior High School at masbata. Kinakailangang magbayad ng karagdagang 300 Yen para sa Adults kapag papasok sa tanghalan ng Tenshukaku sa Kastilyo ng Nagoya .

    Dome Yakimono World

    Ito ay isa sa mga pinakamalaking eksibit ng mga ceramics sa bansang Hapones. Ipapakita ang sikat na mga gawa mula sa 400 na mga tindahan nito mula sa iba`t-ibang parte ng bansa. Taon-taon ay umaabot sa ilang daang katao ang dumadalaw at nasisiyahan sa pamimili rito mula sa mga tablewares na ginagamit sa pang-araw-araw hanggang sa pinakamamahaling mga produkto. Bukod sa eksibisyon ng mga gamit sa hapag-kainan ay meron ding talkshow na gaganapin sa mga araw na ito. Fukkatsu o Muling Pagkabuhay ang tema para sa taong ito. Kailan: Nobiyembre 20 (Huwebes) at 26 (Miyerkules) AM 10:00~ PM 6:00 Lugar: Nagoya Dome (Higashi Ku, Nagoya) Direksyon: Sumakay ng subway Meijo Line o di kaya ng Yutorito Line at bumaba sa estasyon ng

    Nagoya Dome Maeyada at pagkatapos ay maglakad ng 5 minuto. Bayad: 1,200 Yen para sa Adults( sa nasabing araw) 1,000 Yen (Kung bibili ng maaga) at libre para

    sa mga mag-aaral ng elementariya pababa.

    Creator`s Market (Pista ng mga Manlilikha) Dito ay gaganapin ang fashion, interior, paintings, picture at illustration exhibit at trading kung saan

    ay magkakahalubilo ang mga manlilikha at mamimili sa araw na ito. Dito ay idi-display ang gawang nagpapakita ng kanya-kanyang style ng mga propesyonal at baguhang manlilikha.

    Kailan: Nobyembre 15 (Sab) 16 (Lin) AM 11:00~ PM 6:00 Lugar: Port Messe Nagoya (International Exhibit Center Nagoya City, Minato Ward) Bayad: Advanced tickets 1day ticket 750 Yen 2 day ticket 1,300 Yen Ordinary 900 Yen per head sa adult at libre naman hanggang 2 bata mula elementarya at pababa ang edad. Info: 052-221-0036Opisina ng Creator`s Market

    http://www.creatorsmarket.com/outline/

    Yattokame Cultural festival ~ Nagoya Cultural festival Ang Noh at Kyougen, Kabuki at Taishuu Geinou ay mga kilalang Japanese stage plays, na nagsimula sa mga kalye kung saan nagtitipon ang mga tao ,ay lubos na kinagigiliwan ng mga manonood nito. Gaganapin ang mga tradisyonal na pagtatanghal sa iba`t-ibang lugar sa Nagoya. Marami pang ibang

    http://www.creatorsmarket.com/outline/

  • 5

    mga kaganapan ang makikita kapag pinag-aralan nang husto ang kultura at kapag mas naglakad-lakad pa sa loob ng bayan. Halina`t alamin ang iba pang mga kaganapang makikita sa kanilang homepage. Kailan: Nobyembre 24 (Lunes at National holiday) Hanggang sa Nobyembre 24 Info: http://yattokame.jp/about/ Ngayon ay ipapakilala pa ang ibang mga pagtatanghal ng Nagoya Nogakudo sa loob nito.

    Noh Ang Noh ay isang pagtatanghal sa pamamagitan ng tradisyonal ng mga popular na awit at sayaw na magmula pa noong ika-14 na siglo. Ito ay magaganap sa Nagoya Nogakudo. Ipakikilala rin ang Noh, Kyougen at Buyou ng Bansang Hapones. Ipinapakiusap na silipin rin ang eksibit tungkol sa Noh. Saan: Nagoya Nougaku Dou (Nagoya City Naka ward) Direksiyon: Sumakay ng Tsurumai subway line at bumaba ng Sengenchou, mula sa Exit 1 papuntang West ay maglakad ng mga 10 minuto. At kung Meijou subway line naman ang sasakyan ay bumaba sa Shiyakushou, mula sa Exit 7 papuntang East ay maglakad ng mga 12 minuto. Info: http://yattokame.jp/nagoyabutai/

    Rosoku Noh

    Ipapaalala muli sa atin dito kung paano mabuhay noong mga panahong wala pang kuryente at ilaw kung saan ang mga magtatanghal ay ipapakita ang paraan ng pamumuhay gamit ang liwanag lamang ng kandila. Kailan: Nobyembre 8 (Sab) PM 2:00 Umpisa ng palabas Bayad: Reserved seat 3,000 Yen Non-reserved seat 2000 Yen Estudyante 1,500 Yen

    Pagsayaw sa Noh Theater

    Kung tatanungin ang isang tradisyonal na magpapakilala sa siyudad ng Nagoya, ito ay walang iba kundi ang Nihon Buyou. Masisiyahan sa makinang na pagtatanghal ng mga mahuhusay na mananayaw. Kailan: Nobyembre 3 (Lunes at National Holiday) PM 2:00 Umpisa ng palabas Bayad: Adult 3,000 Yen Mag-aaral 1,500 Yen Walang Pagrereserba ng Upuan

    Ang Noy at Kyougen na Naghahatid ng Kaligayahan

    Kung magpapalista ay