k to 12 ap grade 7 sample test questions ppt

9
Araling Panlipunan Grado 7

Upload: juan-carlos-mendoza

Post on 24-May-2015

11.605 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

Araling Panlipunan

Grado 7

Page 2: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Natuklasan ang bangang Manunggul noong 1962 ng mga arkeologo. Nang buksan nila ito, natagpuan nila ang mga buto ng isang tao sa loob ng banga. Ito ay may taas na 66.5 cm, o humigit kumulang na dalawang talampakan. Saan ginagamit ang bangang Manunggul batay sa mga nakuhang tala mula sa mga arkeologo?

a. Sisidlan ng mga patay na hayop

b. Libingan ng mga namatay na tao

c. Sisidlan ng mga buto ng mga namatay na tao

d. Libingan ng mga buto ng mga namatay na tao

Kaalaman

Page 3: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

Sagot # D

d. Libingan ng mga buto ng mga namatay na tao

Ayon sa sipi ni Fr. Plasencia, dalawa ang sistema ng paglilibing ng namatay na tao noong sinaunang panahon. Una ay paglilibing sa kamamatay na tao, ang pangalawa ay ang paglilibing sa mga buto ng tao na inilalagay sa bangang manunggul makalipas ang isa o higit na taon.

Page 4: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Ang mga Espanyol ay patuloy na nagpatupad ng mga instrumeno sa pananakop katulad ng Kristiyanisasyon,Polo, Reduccion at Tributo sa kanilang nasasakupan. Ikaw ay isa sa mga naninirahan sa mga lugar na ito at lubha kang nabahala sa mga pangyayari. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng panahong iyon, anong hakbang ang marapat mong gawin?

a. Ipagwalang bahala ang mga pangyayari upang hindi na madamay pa

b. Protektahan ang sarili laban sa mga Espanyol

c. Bigyang pansin ang suliranin at makipag-ugnayan sa kapwa Pilipino

d. Lumipat ng lugar upang hindi maapektuhan ng mga pangyayari

Proseso

Page 5: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Sagot # C

c. Bigyang pansin ang suliranin at makipag-ugnayan sa kapwa Pilipino

Maaring ganito ang maging kasagutan katulad ng ginawa ng mga sinaunang Pilipino kung saan nagkaroon ng mga ugnayan ang bawat isa upang ipaalam sa pamahalaang Espanyol ang kanilang mga hinaing.

Page 6: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Noong pumunta si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong 1521, kasama niya si Antonio Pigafetta, isang iskolar at eksplorador na mula sa Republika ng Venice. Habang naglalakbay gumawa si Pigafetta ng talaarawan. Ang talaarawan ni Pigafetta ay isang halimbawa ng primaryang sanggunian. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit ito itinuturing na isang primaryang sanggunian?

a. Ang impormasyon sa talaarawan ay hinango sa ibang sanggunian

b. Galing mismo ito sa nakaranas o nakasaksi ng pangyayari o kondisyon

c. Nagmula ang impormasyon sa mga taong ang kaalaman ay galling o gawa ng mga saksi

d. Ginawa ito ng isang taong hindi nasaksihan o naranasan ang pangyayari

Pag-unawa

Page 7: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Sagot # B

B. Galing mismo ito sa nakaranas o nakasaksi ng pangyayari o kondisyon

Ang primaryang sanggunian ay isang sanggunian at patunay na isinulat ng isang direktang nakasaksi sa mga pangyayari na nagbibigay ng makabuluhan at makatotohanang detalye.

Page 8: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Basahin at unawain ang nilalaman ng sipi. ( Mula sa sipi ni Fr. Juan de Plasencia,OSF” Customs of the Tagalogs”)

The manner of burying the dead was as follows: The deceased was buried beside the house, and if he were a chief, he was placed beneath a little house or porch which they constructed for this purpose. Before interring him, they mourned him for four days, and afterward laid him on a boat which served as a coffin or bier, placing him beneath the porch.

Pagganap

Page 9: K to 12 AP Grade 7 Sample Test Questions ppt

• Panuto : Gumuhit ng tatlong frame na nagpapakita ng paraan ng paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Ang kartun na ginawa ay bibigyang puntos sa pamamagitan ng mga sumusunod.

• 5- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na naipakita ang sinaunang paraan nang paglilibing, mahusay na naiguhit ang larawan at mayroong kulay

• 4- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na naipakita ang sinaunang paraan nang paglilibing, mahusay na naiguhit ang larawan ngunit walang kulay

• 3- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na naipakita ang sinaunang paraan ng paglilibing, hindi masyadong mahusay na naiguhit ang larawan

• 2- hindi masyadong naiguhit ang pangyayari batay sa sipi, malabong naipakita ang paraan nang paglilibing at hindi mahusay na naiguhit ang larawan.