k to 12 grade 1 learning material in araling panlipunan (q1-q2)

116

Upload: lhora-light

Post on 06-May-2015

22.846 views

Category:

Education


31 download

DESCRIPTION

Learning materials / modules in ARALING PANLIPUNAN Grade 1 Quarter 1 and 2

TRANSCRIPT

Page 1: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
Page 2: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

i

TALAAN NG MGA NILALAMAN

(QUARTERS 1 & 2)

Yunit 1: Ako ay Natatangi

Aralin 1: Pagkilala sa Sarili .....................................................................1

Aralin 1.1: Ang Aking Sarili ................................................................. 2

Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi .......................................................10

Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan ........................................ 17

Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong Bagay ............................... 21

Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay ...................... 32

Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki ........................................................... 33

Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili ..................................... 38

Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili ........................................................ 42

Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahaga sa Sariling

Katawan ......................................................................... 43

Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking Kakayahan ................... 45

Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap ............................................. 47

Yunit 2: Ang Aking Pamilya

Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ..................................... 56

Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ........................................................... 57

Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga

Kasapi ng Aking Pamilya ............................................... 64

Page 3: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

ii

Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ........................... 68

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento sa Sariling Pamilya .................... 73

Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa

Buhay ng Aking Pamilya ................................................ 74

Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa

Aking Pamilya .................................................................. 79

Aralin 2.3: Paghahambing ng Kuwento ang Aking Pamilya

at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ................... 84

Aralin 3: Ang Mga Alituntunin ng Aking Pamilya .................................. 90

Aralin 3.1: Ang mga Alituntuning Ipinatutupad ng

Aking Pamilya ................................................................... 91

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga

Alituntunin ng Aking Pamilya ........................................... 96

Aralin 4: Pagpapahaga sa Pamilya ....................................................... 102

Aralin 4.1: Ipinagmamalaki ko ang Aking Pamilya .......................... 103

Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking

Pamilya sa Ibang Pamilya ............................................... 107

Page 4: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

1

Yunit 1: AKO AY NATATANGI

Panimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 1, inaasahang

magagawa mo ang sumusunod:

1. naipakikilala ang iyong sarili

2. nasasabi mo ang mga bagay na nanatili at

nagbago sa iyong sarili mula nang isilang ka

hanggang sa kasalukuyan

3. naihahambing mo ang iyong sariling kuwento

ng buhay sa kuwento ng iyong kamag-aral;

at

4. napahahalagahan at naipagmamalaki mo

ang iyong sarili

Page 5: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

2

Aralin 1: Pagkilala sa Sarili

Panimula

Page 6: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

3

Aralin 1.1: Ang Aking Sarila

Pag-isipan

Ano ang alam mo tungkol sa iyong

sarili?

Gawain 1

Maglaro muna tayo.

Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkat-

pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa

sasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat ay

masasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan,

edad, at tirahan.

Ano ang mga sinabi mo sa iyong mga kamag-

aral habang naglalaro?

Anong mga pagkakataon kailangan mong

sabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad at

tirahan?

Bakit dapat na alam mo ang iyong pangalan,

kaarawan, edad, at tirahan?

Page 7: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

4

Gawain 2

Magpangkat ng tig-aapat. Makinig nang mabuti

sa babasahin ng iyong guro. Ipakita sa

pamamagitan ng pagsasadula kung paano mo

sasabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad,

at tirahan. Bibigyan kayo nang sapat na oras

upang maghanda at mag-ensayo.

Ibahagi sa klase ang inihandang dula.

Ano ang naramdaman mo matapos ibahagi sa

iyong mga kamag-aral ang inyong inihandang

dula?

Ikaw, naranasan mo na ba ang sitwasyong

inyong ipinakita sa dula?

Page 8: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

5

Gawain 3

Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon

tungkol sa iyo.

Ipinanganak

ako nonong

____________.

Kailan ka

pinanganak?

Bago ka ba rito?

Anong pangalan

mo?

Ang pangalan ko

ay ______________

_________________.

Page 9: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

6

Ilang taon ka

na?

Ako ay _______

taon na.

Nawawal ka

ba? Saan ka

nakatira?

Nakatira po

ako sa

_______________

_______________

______________.

Page 10: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

7

Gawain 4

Upang lubusang makilala ang iyong sarili, alamin

ang pinagmulan ng iyong pangalan. Tanungin

ang iyong magulang o tagapag-alaga kung

bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo.

Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang

pangalan. Halimbawa, Jose. Isulat naman sa

loob ng bilog ang dahilan kung bakit ito ang

ibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa, pareho

ang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal,

isang maipagmamalaking Pilipino.

Bakit po

Jose ang

pangalan

ko?

Dahil pareho ang

araw ng

kapanganakan

ninyo ni Jose Rizal,

isang

maipagmamalakin

g Pilipino.

Page 11: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

8

Humingi ng tulong sa iyong magulang o kasama

sa bahay sa pagsagot nito.

.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

Pareho ang

araw ng

kapanganakan

namin ni Jose

Rizal, isang

maipagmama-

laking Pilipino.

JOSE

Page 12: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

9

Gawain 5

Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng

iyong magulang o mga kaibigan bukod sa

unang pangalan mo? Sa mga pangalang ito,

alin ang pinakagusto mong itinatawag sa iyo?

Sa isang malinis na papel, gumawa ng name tag

na nakasulat ang pinakagusto mong pangalan.

Kulayan ito ng iyong paboritong kulay.

Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng

tali. Isuot ito tuwing oras ng klase.

JOSE

Tandaan

Mahalagang malaman mo ang

iyong iyong pangalan, kaarawan, edad, at

tirahan.

Magagamit mo ang mga ito sa

pagpapakilala sa mga bagong kaibigan,

kaklase, at kalaro.

Page 13: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

10

Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi

Pag-isipan

Paano mo ilalarawan ang iyong

sarili? Ano ang mga pisikal mong

katangian na naiiba sa ibang tao sa

iyong paligid?

Gagawan 1

Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang

iyong sarili.

Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang iyong

pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na

larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.

Page 14: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

11

Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang

inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan.

Ano ang naramdaman mo habang –

a) iginuguhit ang iyong sarili?

b) binabahagi ang iyong iginuhit?

c) nakikinig ka sa pagbabahagi ng iyong mga

kamag-aral?

Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit?

Ilarawan ito.

Bakit hindi magkakapareho ang inyong mga

iginuhit?

Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mga

ginawa ng iyong mga kamag-aral?

Page 15: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

12

Gawain 2

Napagmasdan mo na ba ang iyong mga daliri

sa kamay? Tingnang mabuti ang mga guhit sa

iyong hinlalaki.

Lahat tayo ay may thumb print tulad ng

tinitingnan ng imbestigador sa larawan. Subukan

mong ikumpara ang iyong thumb print sa iyong

mga kamag-aral.

Bumuo ng isang pangkat na may limang kasapi.

Kumuha ng isang malinis na papel at maghanap

ng maaring ipangkulay sa inyong hinlalaki.

Matapos kulayan ang inyong hinlalaki, idiin ang

mga ito sa isang malinis na papel tulad ng nasa

larawan.

Page 16: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

13

Tingnang mabuti ang mga guhit sa iyong

hinlalaki. Ano ang nalaman mo? Magkapareho

ba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamag-

aral?

Bukod sa thumb print, may iba ka pang mga

pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga

kamag-aral. May naiisip ka pa ba?

Tandaan:

Mayroon kang mga pisikal na

katangian na naiiba sa iyong mga kamag-

aral tulad ng thumb print, sukat o laki ng

katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong,

hugis at kulay ng mata, at ang kulay at anyo

ng buhok. Nararapat lamang na ipagmalaki

mo ang iyong mga angking katangian.

Bawat isa sa iyong kamag-aral ay natatangi

rin. Dapat mong igalang at pahalagahan

ang kanilang angking katangian.

Bukud tangi la rin ding balang kaklase

Page 17: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

14

Malungkot

Galit

Gulat

Masaya

Gawain 3

Masdan ang nasa larawan.

Ipinakikita sa larawan ang iba’t ibang damdamin

ng tao tulad ng masaya, malungkot, gulat at

galit. Kailan mo nararamdaman ang mga

damdaming ito?

Page 18: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

15

Maglaro tayo. Bumuo kayo ng dalawang

pangkat na may magkasing-dami ng kasapi.

Bawat pangkat ay bubuo ng isang bilog.

Gayahin ninyo ang nasa larawan.

Babasahin ng inyong guro ang iba’t ibang

pangyayari. Pagkatapos niyang mabasa ang

isang pangyayari, bibilang siya ng isa hanggang

sampu habang ang dalawang pangkat ay

umiikot ng magkasalungat. Pagkabilang ng

sampu, ipakita sa iyong katapat na kamag-aral

ang iyong damdamin sa binanggit na

pangyayari ng inyong guro.

Ulitin ang gawaing ito sa susunod pang

pangyayaring babasahin ng guro.

Ano ang naramdaman mo habang ikaw ay

naglalaro? Magkatulad ba ang damdamin mo

at ng iyong katapat na kamag-aral sa iba’t

ibang pangyayaring nabanggit? Oo o hindi,

bakit?

Page 19: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

16

Gawain 4

May mga mukha sa loob ng kahon na

nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. Tingnan

ang mga mukha sa loob ng bawat kahon.

Kulayan ang bawat mukha ng kulay na iyong

naiuugnay sa iba’t ibang damdamin. Iguhit din

ang mga bagay kung bakit ka masaya,

malungkot, nagugulat, at nagagalit sa paligid ng

mukha na nasa loob ng kahon.

Ang aking damdamin

Masaya

Galit

Gulat

Malungkot

Tandaan

Mayroon kang sariling damdamin.

Mayroon ka ring sariling dahilan

kung bakit ka masaya, malungkot,

nagugulat at nagagalit. Katulad mo, ang

ibang bata ay may sariling damdamin na

kailangan mong igalang at kilalanin.

.

Page 20: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

17

Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan

Pag-isipan

Ano ang iyong mga

pangangailangan sa araw-araw?

Gawain 1

Tingnan ang mga pangyayari sa larawan.

Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa

pangyayari. Isulat sa loob ng bituin ang bilang 1-

4, 1 para sa pinakaunang pangyayari at 4

naman para sa pinakahuli.

Bakit ito ang naisip mong pagkakasunod-sunod

ng larawan?

Ang tawag sa iyong nabuo ay timeline.

Ipinapakita sa atin ng isang timeline kung kailan

naganap ang mga pangyayari at ano-ano ang

mga bagay na nagbago. Upang makagawa ng

timeline, isipin ang pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari.

Page 21: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

18

Gawain 2

Narito ang isang timeline ng iyong ginagawa sa

araw-araw. Iguhit ang iba’t ibang bagay na

kailangan mo sa mga gawaing nakasulat

Mga Pang-araw-araw na Gawain

Mga Bagay na Kailangan

Paggising sa

umaga

Paliligo

Pagbibihis

Pagpunta

paaralan

Page 22: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

19

Tingnan muli ang timeline at ang mga bagay na

iyong iginuhit.

Sa iyong mga iginuhit, alin sa mga bagay na ito

ang iyong kailangan upang mabuhay? Alin

naman sa mga iginuhit mo ang maaari kang

mabuhay kahit hindi mo ito makuha o magamit?

Pumili ng isang kamag-aral at ibahagi sa kaniya

ang iyong sagot. Pagkumparahin ang inyong

sagot.

Ibahagi sa buong klase ang napag-usapan ninyo

ng iyong kamag-aral.

Mga Pang-araw-araw na

Gawain

Agew-agew a

Gagawaen

Mga Bagay na Kailangan

Pagpunta

sa

paaralan

Pag-uwi

mula sa

paaralan

Pagkain ng

hapunan

Paghahanda

bago matulog

sa gabi

Page 23: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

20

Gawain 3

Tingnan ang larawan na nagpapakita ng mga

bagay na ginagamit sa araw-araw. Bilugan ang

mga bagay na iyong kailangan upang lagi kang

malakas at malusog.

Tandaan

May iba’t ibang pangunahing

pangangailangan ang bawat bata tulad

ng pagkain, damit, tirahan, at mga gamit sa

paaralan.

Iba-iba ang pangangailangan ng bawat bata

ayon sa lugar na kinabibilangan at sitwasyong

nararanasan.

Page 24: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

21

Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong

Bagay

Pag-isipan

Ano ang paborito mong pagkain,

damit, laruan, lugar na pinupuntahan,

at gawain sa araw-araw?

Gawain 1

Mula sa mga lumang diyaryo o magazine,

gumupit ng larawan ng mga pagkain, damit,

laruan, lugar, at gawain na gustong-gusto mo at

nagpapakilala sa iyo. Dalhin ito sa klase.

Humingi ng isang malinis na papel sa iyong guro.

Gamit ang ginupit na larawan, idikit ang mga ito

sa malinis na papel. Huwag kalimutang ilagay

ang iyong pangalan at ang pamagat na “Ito

ang Gusto Ko.”

Page 25: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

22

Alam mo ba kung ano ang tawag dito?

Collage (ko-láds) ang tawag sa gawaing ito. Ang

collage ay pinagsama-samang larawan na

nagpapakita ng isang malaking ideya.

Ibahagi ang iyong ginawang collage sa klase.

Page 26: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

23

Gawain 2

Gupitin ang mga larawan ng pagkain. Idikit ang

mga ito sa plato. Iguhit sa plato ang iyong mga

paboritong pagkain.

Page 27: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

24

Ang Aking mga Paboritong Pagkain

Kulayan ang iyong ginawa. Ibahagi ito sa klase

at sabihin kung bakit ito ang iginuhit mong mga

paboritong pagkain?

Page 28: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

25

Gawain 3

Magdala ng mga paborito mong bagay tulad ng

aklat, damit, at laruan.

Ipakita at ibahagi sa klase ang iyong dalang

mga paboritong bagay.

Page 29: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

26

Gawain 4

Pahulaan sa iyong mga kamag-aral ang

paborito mong gawain o bagay sa

pamamagitan ng larong charades. Alam mo ba

ang larong ito? Ang charades ay pagpapahula

ng isang gawain o bagay sa pamamagitan

lamang ng kilos nang hindi nagsasalita. Ang

gagawing pagpapahula ng bawat isa ay

oorasan ng iyong guro.

Matapos ang larong charades, sumama sa iyong

mga kamag-aral na may paboritong gawain

katulad nang sa iyo. Maghanda ng isang

malikhaing presentasyon na magpapakita ng

inyong paboritong gawain.

Tandaan

Ang bawat bata ay may kaniya-

kaniyang paboritong bagay, gawain at

pagkain.

Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang

natatanging bata.

Page 30: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

27

Gawain 5

Sina Ana at Mara ay matalik na magkaibigan.

Lagi silang magkasama. Palagi rin silang

nagtutulungan. Pareho nilang gusto ang

paglalaro ng piko at bahay-bahayan.

Sina Jun, Anton at Paco ay matalik na

magkakaibigan. Madalas silang makikitang

masayang naghahabulan, naglalaro ng sipa, at

nagtataguan. Palagi rin nilang ipinahihiram ang

kanilang mga laruan sa isa’t isa.

Page 31: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

28

Ikaw sino ang iyong mga matalik na kaibigan?

Bakit mo sila naging kaibigan? Ano ang mga

katangian nila na nagustuhan mo?

Magsulat ng isang katangian nila sa nakalaang

hugis sa ibaba. Pagkatapos, guputin ito at idikit

sa nakapaskil na larawan sa silid-aralan na

inihanda ng inyong guro.

Matapos ang gawain, awitin ang kantang “Ako’y

Natatangi”sa saliw ng awiting “Are You

Sleeping?”

Ako’y natatangi

Ako’y natatangi

Ikaw rin

Ikaw rin

Maglaro na tayo

Gumawa na tayo

Araw-araw

Araw-araw

Page 32: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

29

Gawain 6

Tingnan at suriin ang larawan ni Jose.

Makikita sa larawan na may nakasulat sa

sombrero ni Jose. Mapapansin na ang mga

nakasulat ay paraan naglalarawan kay Jose.

Ang tawag dito ay graphic organizer. Isa itong

paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng

mga ideya sa isang malikhaing paraan.

Page 33: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

30

Upang lubos na maipakilala ang iyong sarili,

isiping muli ang mga paborito mong bagay.

Ipakita ito sa pamamagitan ng graphic organizer

na kamay. Iguhit ang mga ito sa larawan ng

isang kamay tulad ng iyong paboritong gawain,

pagkain, at matalik na kaibigan. Isulat mo rin dito

ang iyong pangalan at edad.

Ang Aking mga Paboritong Bagay at

Matalik na Kaibigan

Page 34: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

31

Pag-aralan ang graphic organizer.

Pagkatapos gawin ang graphic organizer,

bumuo ng pangkat na may sampung kasapi.

Alamin kung mayroon sa iyong mga kasama sa

pangkat ang may katulad ng nilalaman ng iyong

graphic organizer.

Bakit walang katulad ng iyong mga isinagot?

Tandaan

Ikaw ay natatangi. May mga

katangian ka na naiiba sa iyong mga

kamag-aral. Ang mga katangiang ito ang

nagpapakilala sa iyo. Nararapat lamang na

ipagmalaki mo ang iyong mga angking

katangian

Page 35: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

32

Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling

Kuwento ng Buhay

Panimula

Page 36: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

33

Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki

Pag-isipan

Anong mga bagay ang

nagbabago?

Gawain 1

Tingnan mo ang timeline na nagpapakita ng

paglaki at pagbabago ng isang agila.

Ano ang napansin mo sa agila?

Ano ang napansin mong pagbabago?

May alam ka pa bang ibang hayop o insekto na

ganito rin ang pagbabago?

Paano mo maihahalintulad sa tao ang mga

pagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto

o hayop na natalakay sa klase?

Ano-ano ang pagkakatulad ng pagbabagong

nangyayari sa tao at hayop o insekto natalakay

sa klase? Ano-ano naman ang pagkakaiba?

Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Agila

Page 37: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

34

Gawain 2

Masdan at ilarawan ang dalawang timeline na

nagpapakita ng pagbabago sa buhay ni Buboy at

Mimi.

Ano ang napansin mong pagbabago sa mga

larawan sa dalawang timeline?

Ang mga Pagbabago sa Buhay

ni Mimi

Ang mga Pagbabago sa Buhay

ni Buboy

Page 38: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

35

Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo nina

Mimi at Buboy?

Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo?

Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga

pagbabago?

Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Gupitin at

idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayon sa

pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong

nagaganap sa isang tao. Ilagay sa kahon na may

bilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagay

naman sa kahon na may bilang 5 ang dapat na

mahuli.

Page 39: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

36

Ang mga Pagbabagong Nagaganap

sa Buhay ng Isang Tao

Page 40: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

37

Gawain 2

Makinig nang mabuti sa ibabahagi ng inyong guro

tungkol sa mga pagbabagong naganap at

naranasan niya sa kaniyang buhay. Tingnan ang

timeline ng buhay ng iyong guro.

Ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng

iyong guro

TANDAAN

Ang bawat tao ay nakararanas ng

pagbabago sa kanyang pisikal na anyo.

Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang

katawan ang pagdami ng mga kaya nilang

gawin.

Page 41: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

38

Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili

Pag-isipan

Anong mga pagbabago ang napansin

mo sa iyong sarili simula nang ikaw ay

ipinanganak hanggang sa iyong

kasalukuyang edad?

Gawain 1

Ipakuwento sa iyong mga magulang o tagapag-

alaga kung ano ang mga pagbabago sa iyong sarili

ang kanilang napansin mula nang ikaw ay

ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang

edad.

Mula sa impormasyong nalaman mo tungkol sa mga

pagbabago sa iyong sarili, gumawa ng isang

Ano-ano

po ang

nagbago

sa akin?

Naku, anak!

Napakarami

ng nagbago

sa iyo simula

nang

maipangan

ak ka

hanggang

ngayon.

Page 42: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

39

timeline ng mahahalagang pangyayari sa iyong

buhay mula noong ikaw ay isang taong gulang pa

lamang hanggang sa kasalukuyan mong edad.

Iguhit ito sa film strip na makikita sa susunod na

pahina.

Ang Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay

Isalaysay sa klase ang mga pagbabagong naganap

sa iyong sarili ayon sa binuong timeline.

Page 43: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

40

Gawain 2

Ipakita sa iyong mga kaklase ang dinala mong

personal na gamit o iparinig ang kuwentong

ibinahagi sa iyo ng iyong magulang o tagapag-

alaga tungkol sa sarili mong buhay. Iugnay din ito sa

timeline na iyong ginawa sa Gawain 1.

Page 44: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

41

Gawain 3

Ano ang mga bagay na nagbago sa iyong sarili

mula noong ikaw ay sanggol hanggang sa

kasalukuyan? Mayroon bang mga bagay tungkol sa

iyo na nananatili at hindi nagbago kahit lumipas ang

mga taon? Sa tulong ng iyong guro o magulang,

isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon.

Ang mga Bagay na Nanatili at Nagbago

sa Aking Buhay

Mga bagay na nanatili

Mga bagay na nagbabago

Tandaan

Ang bawat bata ay dumaraan at

nakararanas ng pagbabago sa

katangiang pisikal at kanyang gawain.

Sa kabila ng pagbabagong ito, mayroon pa ring

mga bagay na nananatili tulad ng pangalan at

petsa ng kapanganakan.

Page 45: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

42

Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili

Panimula

Page 46: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

43

Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa

Sariling Katawan

Pag-isipan

Paano mo pinahahalagahan ang iyong

katawan?

Gawain 1

Tingnan ang mga larawan na nasa loob ng kahon.

Lagyan ng tsek () ang larawang nagpapakita ng

wastong pangangalaga sa katawan at lagyan

naman ng (X) ekis ang nagpapakita ng hindi

wastong gawi.

Page 47: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

44

TANDAAN

Mahalagang pangalagaan ang

iyong katawan.

May iba’t ibang gawain na maaari mong

gawin upang mapanatiling malusog ang

iyong katawan.

Page 48: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

45

Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking

Kakayahan

Pag-isipan

Ano ang kaya mong gawin? Paano mo

pinauunlad ang iyong kakayahan?

Gawain 1

Kilala mo ba ang

batang nasa

larawan?

Makinig sa kuwento

ng kanyang buhay.

Bakit nabulag

si Roselle?

Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong

malaman ang kuwento ng buhay ni Roselle?

Ano ang mga nakamit niyang tagumpay?

Paano siya nagtagumpay bilang mag-aaral?

Ano-anong katangian ni Roselle ang maaari mong

tularan?

Page 49: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

46

Gawain 2

Sagutin ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o

magulang.

Ako si

___________________________________.

Kaya kong

_________________________________.

Upang maging mas magaling, ako

ay__________________________________

__.

TANDAAN

Mahalagang paunlarin ang iyong

mga kakayahan. May iba’t ibang gawain na

maaari mong gawin upang mapaunlad ang

iyong mga kakayahan

Page 50: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

47

Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap

Pag-isipan

Ano-ano ang mga nais mong magawa,

makamit o matupad

sa iyong buhay?

Gawain 1

Pagmasdan ang mga taong nasa larawan sa ibaba.

Minsan din silang naging isang batang katulad mo.

Sa kanilang pagsisikap, natupad nila ang kanilang

mga pangarap. Ang pangarap ay mga bagay na

nais mong magawa, makamit o matupad sa iyong

buhay.

Ano ang iyong mga pangarap?

Haja Amina

Appi

Lea Salonga

Soccoro

Ramos

Josette Biyo

Kenneth

Cobonpue

Manny

Pacquiao Jose Rizal Tony Tan

Caktiong

Page 51: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

48

Gawain 2

Ipikit ang iyong mata. Isipin mo na ikaw ay

dalawampung (20)taon na. Ano ang iyong nakikita

na ginagawa mo?

Iguhit sa loob ng bubble ang iyong sarili

dalawampung (20) taon mula ngayon.

Page 52: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

49

Gawain 3

Tingnan ang larawan ng isang malaki at dalawang

maliliit na bituin. Isulat sa gitna ng malaking bituin

ang iyong pangalan. Sa paligid nito, iguhit ang

bagay o mga bagay na nagpapakita ng iyong

pangarap. Sa dalawang maliliit na bituin, iguhit ang

mga dapat mong gawin upang matupad ang iyong

mga pangarap. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

.

Butasan ang mga bituin katulad ng nasa larawan at

lagyan ito ng tali. Itali sa malaking butas ang maliit

na bituin. Isabit ito sa bintana o kisame ng inyong

silid-aralan, sa tulong ng iyong guro.

na ateng

ko.

LINA

Page 53: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

50

Ang Aking Pangarap

Mahalaga ba ang iyong pangarap? Bakit

mahalagang magkaroon ng pangarap ang isang

tao?

Tandaan

Bawat bata ay may sariling

pangarap.

May mga kailangan kang gawin upang

makamit ang iyong pangarap.

Page 54: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

51

Ang Aking mga Nagawa

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng

tsek ang angkop na kahon ng iyong sagot.

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking mga

kasanayan sa sining.

3. Nagbahagi ako ng aking

kuwento sa mga kamag-aral.

4. Nakinig ako sa kuwento ng aking

guro.

5. Nakining ako sa kuwento ng

aking kamag-aral.

6. Nakapaghambing ako ng iba’t

ibang mga bagay.

7. Natukoy ko ang mga bagay na

gusto ko.

8. Naipaliwanag ko ang mga

bagay na may kinalaman sa

aking sarili.

9. Napahalagan ko ang aking sarili.

Mag-aarall Guro

Page 55: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

52

Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga

impormasyon tungkol sa aking

sarili .

2. Natukoy ko ang mga bagay

na gusto ko.

3. Naikumpara ko ang aking

pisikal na katangian at mga

karanasan sa aking mga

kamag-aral.

4. Naipagmalaki ko ang mga

taglay na katangian.

5. Nakagawa ako ng collage.

6. Nakabuo ako ng timeline.

7. Nakagawa ako ng graphic

organizer.

8. Naisaayos ko ang mga

larawan ayon sa wastong

pagkakasunod-sunod ng mga

ito.

Mag-aaral Guro

Page 56: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

53

Naipapahayag ko ang mga ito tungkol sa

aking sarili:

1. Nasasabi ko na ako ay

natatangi.

2. . Nasasabi ko na may mga

bagay na nanatili at

nagbago sa aking sarili.

3. Naipagmamalaki at

napahahalagahan ko ang

aking sarili.

4. Iginagalang ko ang mga

pisikal na katangian at

karanasan ng aking mga

kamag-aral.

Komento ng iyong guro:

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

____________________.

Mag-aaral Guro

Page 57: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

54

Yunit 2: ANG AKING PAMILYA

Panimula

Page 58: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

55

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang

magagawa mo ang sumusunod:

5. nasasabi na ang bawat pamilya ay may

katangi-tanging katangian

6. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya

9. napahahalagahan ang ugnayan ng sariling

pamilya sa ibang pamilya

1. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya

2. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya

3. nasasabi ang papel na ginagampanan ng

bawat miyembro ng pamilya

4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at

pagpapatuloy batay sa kwento ng pamilya

7. naipagmamalaki ang pamilya

8. napahahalagahan ang mabuting pakikipag-

ugnayan sa ibang pamilya; at

Page 59: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

56

Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi

ng Pamilya

Panimula

Lakim

Bain

Nanay

Tatay

Atsi

Ate

Kuya

Bunso

Page 60: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

57

Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya

Pag-isipan

Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?

Gawain 1

Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng

bahay na makikita sa ibaba.

Page 61: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

58

Gawain 2

Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o

tagapag-alaga.

Ako si

______________________________________. (Ano ang iyong pangalan?)

___________________ang kasapi ng aking (Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)

pamilya.

Si _____________________ ang aking ama. (Ano ang pangalan ng iyong ama?)

Si _____________________ang aking ama. (Ano ang pangalan ng iyong ina?)

Si/ Sina

_______________________________________

(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano

ang kanilang mga pangalan?)

ang aking kapatid/ mga kapatid.

Page 62: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

59

Gawain 3

Tanungin ang mga kasapi ng iyong pamilya upang

masagutan ang mga patlang.

Ang ama ko ay si _________________________________.

Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gusto niyang mag_______________________________.

Ang ina ko ay si___________________________________.

Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gusto niyang mag ________________________________.

Si ___________________________________ay kapatid ko.

Siya ay ______________________________taong gulang.

Gusto niyang mag_________________________________.

Page 63: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

60

Gawain 4

Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito ng

mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito ay

isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito ang

bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa

bawat lugar na kanilang pinasyalan.

Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit

ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng

isang bagay

Simbahan Parke Pamilihan Bahay ng lola

Mga Lugar na Pinapasyalan

Ora

s

Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa

Lugar na Kanilang Pinasyalan

Page 64: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

61

Sa paggamit ng bar graph, mahalagang tingnan

muna ang pamagat nito upang malaman kung

ano ang ipinakikita ng graph. Ang pamagat ng bar

graph na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na

Inilagi ng Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang

Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph,

makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya

ni Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang

ng oras o tagal na inilagi nila sa iba’t ibang lugar.

Ang bawat bar sa graph ang nagsasabi kung ilang

oras ang inilagi ng pamilya sa bawat lugar. Ituro

ang iyong daliri sa bar para sa simbahan. Umabot

lamang ito sa bilang dalawa (2). Nangangahulugan

ito na dalawang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing

sa simbahan.

Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke?

Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?

Page 65: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

62

Gawain 5

Kasama ang iyong mga kaklase, subukan ninyong

gumawa ng graph na nagpapakita ng bilang ng

mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi ng papel

na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang gagamitin

ninyong bar sa gagawing bargraph upang

maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya.

Ang mga Kasapi ng Pamilya

Miko Bea

1

2

3

4 Rina

Lina Paolo Tina

5

Ben 6

9

8

7

10

Bila

ng

ng

Ka

sap

i n

g P

am

ilya

Ned

Lito

Aris

Nena

Pat

Bert

ert

Ron

Susan

Mila

Nato

aki

Maki

Mong

Rosa

Mark

Maki

Malaya

Dan

Edna

Abbi

Pangalan ng Mag-aaral

Page 66: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

63

Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng

iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng

inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

TANDAAN

Ikaw ay bahagi ng isang

pamilya.

May iba’t ibang kasaping bumubuo sa

iyong pamilya.

May pamilyang marami ang kasapi. May

pamilya ring kaunti ang kasapi.

Page 67: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

64

Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan

ng mga Kasapi ng Aking Pamilya

Pag-isipan

Ano-ano ang ginagawa ng mga

kasapi ng iyong pamilya sa loob ng

inyong bahay?

Gawain 1

Tingnan mo ang larawan ng dalawang kamay.

Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o

tagapag-alaga sa patlang na makikita mo itaas

ng larawan.

Page 68: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

65

Gawain 2

Basahin ang tula na pinamagatang “Ang Aming

Mag-anak” na nakuha mula sa

http://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-

tulang-pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/.

Sa ating tula, ilan

ang kasapi ng

pamilya?

Sino-sino ang

mga ito?

Ano ang

naramdaman

ng pamilya?

Panon mo ito

nasabi?

Ano-ano ang

ginagawa

nila sa isa’t

isa?

Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi,

bakit?

Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-

anak ay laging masaya,

Maligaya kami nina

ate at kuya.

Mahal kaming lahat

ni ama’t ina,

Mayroon ba kayong

ganitong pamilya?

Kahit sa paggawa’y

pagod ang katawan,

Tulong ni ama ay

laging nakaabang

Suliranin ni ate ay

nalulunasan,

Sa tulong ni inang laging

nakalaan

.

Page 69: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

66

Gawain 3

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit

ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng

stick sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.

Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng

puppet.

Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo

ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng

pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan

ang bawat kasapi.

Page 70: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

67

Gawain 4

Sabay-sabay kantahin ang awit na “Masaya

kung Sama-sama.”

Masaya kung sama-sama,

Sama-sama, sama-sama

Masaya kung sama-sama,

At nagtutulungan.

Kay inam ng buhay

Kung nagmamahalan

Masaya kung sama-sama

Ang buong pamilya

Tandaan

Ang bawat kasapi ng iyong

pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila

ay may bahaging ginagampanan sa inyong

pamilya

Page 71: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

68

Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin

sa Pamilya

Pag-isipan

Ano ang mga tungkulin mo sa iyong

pamilya?

Gawain 1

Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng

isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin

kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat

larawan.

Page 72: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

69

Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga

kapatid?

Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nila?

Bakit?

Ano kaya ang nararamdaman ng mga

magulang ni Ben sa ginagawa nilang

magkakaptid?

Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa

inyong tahanan?

Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga

tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang

tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin

upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at

masayang pagsasama ng inyong pamilya.

Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong

tahanan?

Page 73: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

70

Gawain 2

Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin

kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng

natupad ang tungkulin.

Iguhit ang masayang mukha sa larawang

nagpapakita na natupad ang tungkulin at

malungkot na mukha naman kung

nagpapakita ng hindi natupad na tungkulin.

Gawain o

Page 74: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

71

Gawain 3

Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong

pamilya. Lagyan ng tsek ang iyong nagawang

tungkulin sa bawat araw.

Mga Tungkulin

sa Pamilya

Lunes

Martes

Miyer-

kules

Huwe

-bes

Biyer

nes

Page 75: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

72

Mga Tungkulin

sa Pamilya

Lunes

Martes

Miyer-

kules

Huwe-

bes

Biyer-

nes

Tandaan

Mayroon kang iba’t ibang tungkulin

sa iyong pamilya.

Mahalagang tuparin ang iyong mga

tungkulin upang mapanatili ang kaayusan,

katahimikan at masayang pagsasama ng

inyong pamilya.

Page 76: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

73

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento

ng Sariling Pamilya

Panimula

Page 77: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

74

Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari

sa Buhay ng Aking Pamilya

Pag-isipan

Ano ang mga pangyayari sa inyong

pamilya na nagpasaya sa iyo?

Gawain 1

Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon.

Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa

pagkakasunod-sunod.

Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon

Page 78: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

75

Gawain 2

Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa

mahahalagang pangyayari sa buhay ng

kanyang pamilya.

Mahahalagan

g Pangyayari

sa Buhay ng

Pamilya ng

Guro

Page 79: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

76

Gawain 3

Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.

Ano ang nakikita sa larawan?

Sino-sino ang nakikita sa larawan?

Anong pangyayari ang nakikita sa larawan?

Ano ang nararamdaman ng mga tao sa

larawan? Bakit?

Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa

pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito

nasabi?

Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya

ang maituturing na mahalaga?

Page 80: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

77

Gawain 4

Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa

buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat

pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa

loob ng larawan ng bahay.

Page 81: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

78

Gawain 5

Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari

sa buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang

timeline.

Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi

ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya?

Tandaan

May mahahalagang pangyayari

sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng

iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa

pagpapabuti ng iyong sarili.

Page 82: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

79

Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago

at Nanatili sa Aking Pamilya

Pag-isipan

Ano ang mga bagay o

pangyayaring nagbabago o

nagpapatuloy sa iyong pamilya?

Gawain 1

Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at

noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago

sa dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.

Larawan 1: Noong isilang si Laya

A B

Page 83: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

80

Larawan 2: Noong anim na taong gulang na si

Laya

Marami ka bang nakulayan sa Larawan 1 at

Larawan 2?

C D

Page 84: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

81

Gawain 2

Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga

napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan

1 at Larawan 2 ng pamilya ni Laya.

Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya

ni Laya sa titik A at titik B ng Larawan 1?

Ikumpara ang itsura ni Laya at ng mga kasapi ng

pamilya na nasa titik A at titik B ng Larawan 1.

Ano ang napansin mong pagbabago sa kanila?

Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa

kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang titik C

at titik D ng Larawan 2?

Page 85: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

82

Gawain 3

Mag-isip ka ng tatlong mahahalagang

pangyayari sa iyong pamilya matapos kang

isilang at kanilang makasama. Gumawa ng

timeline na nagpapakita ng mga pangyayaring

ito. Iguhit ito sa loob ng kahon ayon sa

pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.

Mga Mahahalagang Pangyayari sa

Buhay ng Aking Pamilya Simula

Nang Isilang ako

Page 86: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

83

Gawain 4

Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung

ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa

buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga

nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya

sa kahon.

Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga

pangyayari na nagbabago at nananatili?

May naiisip ka pa bang mga bagay o

pangyayari sa buhay ng inyong pamilya na

nagbago at mga bagay na nagpatuloy o hindi

nagbago?

Ang Buhay ng Aking

Pamilya

Ano ang

nagbago?

Ano ang

hindi

nagbago?

Kasapi

Tirahan

Ginagawa sa loob

ng bahay

Tandaan

May mga bagay o pangyayari na

nagbabago at nananatili sa buhay ng isang

pamilya.

Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang

pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago

o pananatili ng isang bagay o pangyayari.

Page 87: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

84

Aralin 2.3: Paghahambing ng Kuwento

ng Aking Pamilya at ng Pamilya

ng Aking mga Kamag-aral

Pag-isipan

Ano ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng iyong pamilya at

pamilya ng iyong kamag-aral?

Gawain 1

Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon.

Kulayan ito.

Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay,

punan ng salita o mga salita ang mga patlang

upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.

Page 88: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

85

Ang Aking Pamilya

Ako ay nabibilang sa pamilya _________________. (apelyido)

Binubuo ang aking pamilya ng _____________ (bilang ng kasapi)

kasapi.

Nakatira ang aming pamilya sa

______________________________________________. (lugar ng tirahan)

Ang tatay ko ay isang _________________________. (gawain o hanapbuhay)

Ang nanay ko ay isang ________________________. (gawain o hanapbuhay)

Ang mga paborito naming ginagawa nang

sama-sama ay ________________________________. (paboritong gawain ng pamilya)

Ang aming pamilya ay ________________________.

(pinakagustong katangian ng pamilya)

Page 89: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

86

Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.

Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa

tulong ng inyong guro, isulat ang inyong

ibinahagi sa tsart na makikita sa ibaba.

Pangalan

ng mga

kasapi ng

pangkat

Apelyid

o

Bilang ng

Kasapi

ng

Pamilya

Tirahan

Gawain

o

hanap-

buhay

ng

tatay

Gawain

o

hanap-

buhay

ng

nanay

Pabo-

ritong

gawain

ng

pamil-

ya

May napansin ka bang pagkakatulad at

pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng

iyong mga kamag-aral?

May nais ka pa bang ibahaging impormasyon

tungkol sa iyong pamilya?

Page 90: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

87

Gawain 3

Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste at

makukulay na papel o lumang diyaryo o

magazine o tuyong dahon.

Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o

magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang

puno at idikit ito sa isang malinis na papel

Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat

kasapi ng iyong pamilya. Guputin ang mga

kahon at idikit ito sa ginawang puno.

Page 91: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

88

Family tree ang tawag sa iyong ginawa.

Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng

pamilya at ugnayan ng bawat isa.

Page 92: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

89

Gawain 4

Ibahagi sa klase ang ginawang family tree.

Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan

ang natapos ninyong family tree ng iyong mga

kamag-aral.

Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano

ang masasabi mo sa inyong nabuong mga family

tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong

family tree?

TANDAAN

May pagkakaiba at pagkakatulad

ang katangian ng bawat pamilya. Sa

pagkakaibang ito makikita ang namumukod

na katangian ng isang pamilya.

Nararapat lamang na igalang ang

katangian ng bawat pamilya.

Page 93: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

90

Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking

Pamliya

Panimula:

Page 94: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

91

Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad

ng Aking Pamilya

Pag-isipan

Ano ang mga dapat at di dapat

gawin sa loob ng inyong bahay?

Gawain 1

Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa

mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan

ang mga larawan na nagpapakita ng iyong

ginagawa sa bahay.

Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong

kinulayan?Ang mga ugali o gawi na

ipinatutupad ng iyong mga magulang o

nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag

na alituntunin.

May naisip ka pa bang alituntunin na

ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga

ito?

Page 95: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

92

Gawain 2

Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon.

Lagyan ng tsek kung alin sa mga ito ang

ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.

A. D.

Kumain ng masustansiyang pagkain Iligpit ang pinagtulugan

B. E.

Ubusin ang pagkaing inihanda Umuwi sa bahay sa

itinakdang orasin

C. F.

Iwasang manood ng telebisyon lligpit ang pinagkainan

habang kumakain

.

Page 96: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

93

G.

Magsabi ng “po”

at “opo” sa

nakatatanda

Gawin muna ang takdang

aralin bago maglaro

H.

I.

Iligpit ang mga

laruan matapos

laruin

Maaari po

ba akong

sumama?

Page 97: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

94

Gawain 3

Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang

ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang

titik sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo

sa ibaba.

Mga Uri ng Alituntunin

Pag-aarap

Pagpapahinga ng katawan at

isipan para sa kalusugan

Pagpapanatili ng kaayusan sa

tahanan

Paggalang sa nakatatanda

Page 98: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

95

Gawain 4

Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi

sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa

inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.

Tandaan

May iba’t ibang alituntuning

ipinatutupad sa bawat pamilya.

Nararapat lamang igalang ang mga

alituntunin ng iyong pamilya at maging ng

ibang pamilya.

Page 99: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

96

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad

sa mga Alituntunin ng Aking

Pamilya

Pag-isipan

Bakit mahalagang sundin ang mga

alituntunin ng iyong pamilya?

Gawain 1

Makinig sa kwentong babasahin ng iyong guro

na pinamagatang “Ang Ilawan at ang Gamu-

gamo.”

Anong sinabi ng matandang gamugamo sa

batang gamugamo?

Anong ginawa ng batang gamugamo?

Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang

sinabi ng matandang gamugamo?

Page 100: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

97

Ano kaya ang naramdaman ng matandang

gamugamo sa kaniyang ginawang hindi

pagsunod?

Anong nangyari sa batang gamugamo?

Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo

rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang

gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o

utos sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo

nga ang iyong karanasan.

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang

mga alituntunin ng inyong pamilya?

Page 101: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

98

Gawain 2

Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng

pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.

Page 102: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

99

Gawain 3

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Bawat

kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong

“Snakes and Ladders.” Makinig sa panutong

sasabihin ng inyong guro para sa larong ito.

Page 103: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

100

Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang

binagong “Snakes and Ladders?

Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong

pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod

sa alituntunin?

Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang

iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi

pagsunod sa alituntunin?

Page 104: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

101

Gawain 4

Magpatulong sa guro upang mapunan ang

patlang sa liham na naglalaman ng pangako

mo sa iyong magulang o tagapag-alaga

Mahal na _____________________,

Ipinangangako ko na simula sa araw na ito,

________________________________________________

Isulat ang petsa ngayon

susundin ko ang sumusunod na alituntunin sa

ating pamilya:

1. _________________________________________

2. _________________________________________

3. _________________________________________

______________________________________ Isulat ang buong pangalan

______________________________________

Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga

Tandaan

Mahalaga ang mga alituntunin.

Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa

pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang

mga ito.

Page 105: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

102

Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya

Panimula

Page 106: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

103

Aralin 4.1. Ipinagmamalaki Ko ang Aking

Pamilya

Pag-isipan

Ano ang maipagmamalaki mo sa

iyong pamilya?

Gawain 1

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.

Isadula ang mga katangian ng isang mabuting

pamilya na nakatakda sa inyong grupo.

Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal

Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos

Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa

Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa

Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan

Page 107: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

104

Gawain 2

Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng

isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling

pamilya? Lagyan ng tsek ang mga larawang

nagpapakita nito.

May iba ka pa bang naiisip na mabubuting

katangian ng iyong pamilya?

Page 108: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

105

Gawain 3

Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa

iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay

na ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maari ring

magdala ng larawan ng masasayang gawain ng

inyong pamilya. Halimbawa, namamasyal nang

sama-sama, nagsisimba, gumagawa ng

gawaing-bahay, at iba pa.

Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at

isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong

pamilya.

Page 109: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

106

Gawain 4

Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa

iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan

ang mga patlang sa liham na nasa loob ng

kahon.

Tandaan

Ang bawat pamilya ay may taglay

na mabubuting katangian.

Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang

pamilyang iyong kinabibilangan.

Sa aking mga mahal na ____________________,

(pangalan ng mga kasapi ng pamilya)

Maraming salamat sa

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

____________________________________________.

(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong

pamilya na dapat mong pasalamatan)

Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya!

Nagmamahal,

___________________________ (Isulat ang iyong pangalan)

Page 110: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

107

Aralin 4.2. Ang Mabuting Pakikipag-

ugnayan ng Aking Pamilya

sa Ibang Pamilya

Pag-isipan

Bakit mahalagang panatilihin ang

mabuting pagsasamahan ng iyong

pamilya sa iba pang pamilya?

Gawain 1

Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang

larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin

ang mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga

kamag-aral. Bumuo ng titik P, ang unang titik ng

salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo

at ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang

bahagi ng inyong silid-aralan.

Alam mo ba ang tawag dito?

Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na

tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-

dikit na larawan upang makabuo ng isang hugis

o pattern.

Page 111: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

108

Gawain 2

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro

na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na

isinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O.

Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon.

Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?

Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid?

Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng

pamilyang Ismid?

Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang

pamilya sa kanilang lugar?

Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi

habang sila ay natutulog?

Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?

Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid,

ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong

pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?

Page 112: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

109

Gawain 2

Maglaro tayo ng “Paint Me a Picture.” Alam mo

ba ang larong ito? Sa “Paint Me a Picture”, ang

mga kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng

isang pangyayari gamit ang kanilang katawan.

Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.

Magpakita ng ng isang pangyayari na

naglalarawan nang naidudulot ng mabuting

pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba

pang pamilya.

Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint Me

a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari.

Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng

inyong guro na maaari na kayong muling

kumilos.

Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang

ipinakitang larawan ng inyong pangkat.

Page 113: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

110

Gawain 3

Pagmasdan mo ang larawan na nasa ibaba.

Ano ang ipinapakita ng larawan?

Bakit masaya ang mga taong nasa larawan?

Bakit mahalagang nagkakasundo at

nagtutulungan ang bawat pamilya?

Saray Agawak tan Naaral Ko

Tuntunen: Itdan na tsek so kahon na dugan ebat.

Tandaan

Mahalagang panatilihin ang

mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong

pamilya sa iba pang pamilya.

Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya

at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang

pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng

pangangailangan.

Page 114: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

111

Ang Aking mga Nagawa at Natutunan:

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.

Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng

iyong sagot.

Nagamit ko ang mga

kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking kasanayan

sa sining.

3. Nagbahagi ako ng aking

kuwento sa aking mga kamag-

aral.

4. Nakinig ako sa kwento ng aking

guro.

5. Nakinig ako sa kwento ng aking

kaklase.

6. Nasuri ko ang iba’t ibang mga

larawan.

7. Nakapaghambing ako ng iba’t

ibang mga pangyayari.

8. Natukoy ko ang mga bagay na

nagbago at nanatili sa aking

pamilya.

9. Napahalagahan ko ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng

bawat pamilya.

10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang

bagay tungkol sa aking pamilya.

Mag-aaral Guro

Page 115: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

112

Nagawa ko ang mga

bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga

impormasyon tungkol sa aking

pamilya.

2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang

larawan.

3. Nakagawa ako ng stick

puppet.

4. Naisadula ko ang mabuting

katangian ng pamilya.

5. Naikumpara ko ang kuwento

ng aking pamilya sa kuwento ng

pamilya ng aking mga kamag-

aral.

6. Naipagmalaki ko ang aking

pamilya.

7. Nakagawa ako ng bar graph.

8. Nakabuo ako ng timeline.

9. Nakagawa ako ng graphic

organizer.

10. Nakagawa ako ng mosaic.

11. Nakasulat ako ng liham

pasasalamat sa aking magulang.

12. Nakagawa ako ng family tree.

13 Nakabigkas ako ng isang tula.

14. Nakaawit ako ng isang kanta.

Mag-aaral Guro

Page 116: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)

113

Naipapahayag ko ang mga ito:

Nasasabi ko na binubuo ng iba’t

ibang kasapi ang isang pamilya.

Nasasabi ko na may iba’t ibang

tungkuling ginagampanan ang

bawat kasapi ng pamilya.

Nasasabi ko na may mga bagay na

nanatili at nagbago sa isang

pamilya.

Nasasabi ko na may iba’t ibang

alituntunin na ipinatutupad sa bawat

pamilya.

Nasasabi ko na mahalaga ang

mabuting ugnayan ng bawat

pamilya sa isang pamayanan.

Naipagmamalaki ko at

napahahalagahan ang aking

pamilya.

Iginagalang ko ang mga katangian

at paniniwala ng ibang pamilya.

Komento ng iyong guro:

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

_________________________________.