kabihasnang greek

23
ΑΝΓΚ ΚΑΜΠΙΧΑΣΝΑΝΓΚ ΓΚΡΗΚ ANG KABIHASNANG GREEK

Upload: anne-rose-de-asis

Post on 30-Jan-2015

978 views

Category:

Education


32 download

DESCRIPTION

Hello Friends. :) Please watch and Pa-Comment naman please. #FS4

TRANSCRIPT

Page 1: Kabihasnang Greek

ΑΝΓΚ ΚΑΜΠΙΧΑΣΝΑΝΓΚ ΓΚΡΗΚANG KABIHASNANG GREEK

Page 2: Kabihasnang Greek

Ang Panahong Hellenic(800 B. C. E. – 338 B. C. E. )

• Hellene – Katawagan ng mga Greek sa kanilang mga saril Hango ito sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.

Page 3: Kabihasnang Greek

Panahong Hellenic

• Ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B. C. E.

Page 4: Kabihasnang Greek

Ang Polis

• Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod.

Page 5: Kabihasnang Greek

Acropolis

• Ang pinakamataas na na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.

Page 6: Kabihasnang Greek
Page 7: Kabihasnang Greek

• Agora – Isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.

Page 8: Kabihasnang Greek

Athens: Isang Demokratikong Polis

• Athens at Sparta – Dalawang malakas na lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens samantalang ang Sparta naman ay sinakop ang mga karatig na rehiyon nito.

Page 9: Kabihasnang Greek
Page 10: Kabihasnang Greek

Oligarkiya o Oligarchy• Isang uri ng pamahalaan na binuo ng mga

taga-Athens kung saan ang pamumuno ay hindi sentralisado at sa halip ay binubuo ng isang lupon ng mga dugong-bughaw upang palitan ang hari.

Page 11: Kabihasnang Greek

Oligarkiya o Oligarchy

• Mula 594 B. C. E., pinalawig nina Solon, Pisistratus at Cleisthenes ang pamahalaan ng nakararami o democracy.

• Council of 400 – Binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa apat na pangunahing tribu ng Athens na nilikha ni Solon.

Page 12: Kabihasnang Greek

Ostracism • Sinimulan ang sistemang ito sa panahon ni

Cleisthenes. Pinahintulutan ng sistemang ito ang mga mamamayan an palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib sa Athens.

Page 13: Kabihasnang Greek

Direct Democracy

• Sistema ng pamamahala kung saan direktang kabahagi ang mga taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan.

Page 14: Kabihasnang Greek

Pericles

• Sa panahon niya naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.

Page 15: Kabihasnang Greek

Sparta: Isang Mandirigmang Polis

• Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo. Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.

Page 16: Kabihasnang Greek

Ang Banta ng Persia

• Cyrus the Great – Noong 546 B. C. E., sinalakay niya ang Lydia sa Asia Minor. Humalili sa kanya kalaunan ang anak niya na si Darius I.

Page 17: Kabihasnang Greek

Ang Digmaang Graeco – Persian(499 B. C. E. – 479 B. C. E. )

• Xerxes – Anak ni Darius tinangkang pabagsakin ang Athens. Noong 480 B. C. E., tinalo ng kanyang hukbo ang pwersa ng Sparta sa Thermopylae.

Page 18: Kabihasnang Greek

Ang Digmaang Peloponnesian(431 B. C. E. – 404 B. C. E. )

• Delian League – Isang malawak na pederasyon ng mga lungsod-estado sa Greece na pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.

Page 19: Kabihasnang Greek

• Noong 431 B. C. E., sumiklab ang Digmaang Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mgfa lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa Athens.

Page 20: Kabihasnang Greek

• Noong 404 B. C. E., tinalo ng Sparta ang Athens.

• Nagpatuloy ang alitan sa iba’t ibang lungsod-estado at bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa Labanang Leuctra noong 371 B. C. E.

• Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at watak-watak.

Page 21: Kabihasnang Greek

Imperyong Macedonian(336 B. C. E. – 263 B. C. E. )

• Philip II – Hari ng Macedonia na nagnais na pag-isahin ang ang mga lunsgod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Page 22: Kabihasnang Greek

• Alexander the Great – Naging tanyag na lider ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334 B. C. E., pinangunahan niya ang isang hukbo na lumusob sa Kanlurang Asya.

Page 23: Kabihasnang Greek

Prepared by:

Ms. Anne Rose M. de Asis