kabihasnang indus sa timog asya

25
Kabihasnang Indus sa Timog Asya Group 2 Nazareno, Jonas Bacolod, Jemmena Bautista, Leslie Cayas, Maysa Del Rosario, Michaella Vergara, LA

Upload: loureandrei

Post on 30-Jun-2015

623 views

Category:

Education


47 download

DESCRIPTION

Proyekto sa Araling Panlipunan 9

TRANSCRIPT

Page 1: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Group 2Nazareno, Jonas

Bacolod, JemmenaBautista, Leslie

Cayas, MaysaDel Rosario, Michaella

Vergara, LA

Page 2: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.

Page 3: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Harappa

Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo Daro pahilaga.

Page 4: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Mohenjo-Daro

Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus River.

Page 5: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito noong 2700 B.C.E.

Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

Page 6: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Planado at malalapad ang mga kalsada nito.

Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.

Page 7: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.

Page 8: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

• Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal.

• Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan.

Page 9: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian.

Nagaalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing.

Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito.

Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto.

Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.

Page 10: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.

Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian Sea.

Page 11: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.

Page 12: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Alam mo bang…ang Terracottang ito

ay maaaring nagpapakita ng kasuotan nila noon?

hanggang ngayon, hindi pa rin nasasalin ang mga nakasulat sa mga terracotta clay na gawa ng mga Indus?

Page 13: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

ilang pendant ang natagpuan sa Indus na mayroong UNICORN na pinaniniwalaang ginamit nila noon bilang pasaporte?

Page 14: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.

Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasna at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.

Page 15: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.

Page 16: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.

Page 17: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus.

Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus.

Page 18: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Panahong Vedic

Page 19: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India.

Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European.

Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.

Page 20: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sanskrit

Page 21: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.

Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay.

Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.

Page 22: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat.

Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.

Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: –maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.

Page 23: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan.

Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari.

Page 24: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika- 16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-hulugang ”lahi” o ”angkan.

Page 25: Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Caste