kagawaran ng edukasyon filipino 2 - deped...

12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 Pagsasalaysay ng Binasang Kuwento sa Pamamagitan ng Larawan, Pamatnubay na Tanong at Story Grammar Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Amada A. Bonifacio Manunulat Hilario G. Canasa Nelia G. Abejar Mga Tagasuri Rhodora V. Mandap Melesa L. Calapano Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Upload: others

Post on 01-Sep-2021

38 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 2 Pagsasalaysay ng Binasang Kuwento sa

Pamamagitan ng Larawan, Pamatnubay na

Tanong at Story Grammar

Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Amada A. Bonifacio

Manunulat

Hilario G. Canasa

Nelia G. Abejar

Mga Tagasuri

Rhodora V. Mandap Melesa L. Calapano

Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

2

Makatutulong ang aralin na ito upang maisalaysay

muli ang binasang teksto nang may tamang pagkasunod-

sunod ng mga pangyayari sa tulong ng larawan,

pamatnubay na tanong at story grammar.

Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang

may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng

mga larawan, pamatnubay na tanong at story

grammar. (F2PS-Ig-6.1) (F2PS-IIg-6.4)

Upang maisagawa ito, kinakailangan mong:

1. Makilala ang mga elemento ng kuwento

2. Makabuo ng story grammar

Panuto: Basahin ang teksto. Isalaysay na muli

ang kuwento gamit ang story grammar.

Ang Pagong at ang Matsing

Isang araw, may magkaibigang Matsing at Pagong.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

3

Alam ni Pagong na tuso ang kaibigan katulad na lamang

noong nakakita siya ng isang puno ng saging. Ito'y hitik na

hitik sa bunga at masayang masaya si Pagong.

Ngunit namataan din agad ito ni Matsing at agad

nitong inunahan si Pagong at inangkin ang puno. Hindi

pumayag si Pagong sapagkat siya ang unang nakakita sa

puno. Dahil tuso, nakaisip si Matsing ng isang ideya. "Hatiin

natin ang puno Pagong, sa akin ang itaas na bahagi at

sayo ang ibabang bahagi" saad ni Matsing. Pumayag

naman si Pagong at nakangising umalis si Matsing dala

dala ang puno na may bunga. Buong pag-aakala ni

Matsing ay maiisahan niya si Pagong. Lumipas ang mga

araw ay naubos na ni Matsing ang bunga at namatay ang

puno ng saging. Dali-dali siyang naghanap muli ng

makakain. Samantala, ang ibabang bahagi ng puno ay

itinanim ni Pagong at lumipas ang mga araw ay agad din

itong namunga. Nalaman ito ni Matsing na dismayado at

gutom na gutom na umalis.

Totoo nga ang kasabihan na "Tuso man ang Matsing,

napaglalalangan din".

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

4

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento

1. Ano ang unang nangyari sa kuwento?

2. Ano ang sumunod na nangyari?

3. Ano ang naging suliranin?

4. Ano ang naging solusyon?

5. Ano ang naging wakas ng kuwento?

Pantigin ang mga sumusunod na salita at isulat sa

tapat ang bilang ng bawat pantig.

Halimbawa: kaibigan

Sagot: ka-i-bi-gan - 4

1. baha

2. bagyo

3. tulay

4. ayuda

5. bakwit

Tiyak ikaw ay may paboritong kuwento at sa

kuwentong ito ay may nagustuhan kang tauhan at

pangyayari na nais mong ikuwento sa iyong kaibigan at

kamag-aral. Ngayon, magbabasa tayo ng kuwento para

isasalaysay mong muli ito gamit ang isang paraan ng

pagsasalaysay ng isang kuwento na tinatawag na story

grammar.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

5

Ang Story grammar ay isang sistema o

pamamaraang ginagamit upang isalaysay ang mga

bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

akda o teksto. Sa paggawa ng story grammar, gagamit ka

ng mga elemento ng kuwento. Maraming mga sangkap

ang kuwento at dahil nasa ikalawang baitang ka,

gagamitin lang natin ang mga sumusunod na elemento:

1. Tauhan -Ang gumaganap o nagbibigay-buhay sa

maikling kwento. Maaaring maging mabuti o

masama ang ugali ng tauhan.

2. Tagpuan – Ang panahon, oras at lugar kung saan

nangyayari ang maikling kuwento. Maaaring

ito ay sa panahon ng tag-ulan, tag-init,

umaga, tanghali at gabi. Maaaring

maganap sa lungsod o lalawigan, sa bundok

o ilog.

3. Banghay - Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-

sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

4. Suliranin-Tumutukoy sa problemang haharapin ng

tauhan.

5. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o

natapos ang kwento.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

6

6. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento

sa mambabasa.

Ito ang halimbawa ng story grammar.

WAKAS

- Binigyan ni Langgam ng makakain si Tipaklong

PAMAGAT

Si Langgam at Tipaklong

TAUHAN

- Langgam

- Tipaklong

TAGPUAN

- Bukid

SULIRANIN

- Walang naipong pagkain si Tipaklong

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

7

Gawain 1.1

Panuto: Lagyan ng sagot ang bawat elemento ng

kuwento na nasa story grammar. Kunin ito sa kuwentong

“Ang Pagong at ang Matsing” na binasa mo kanina.

Gawain 1.2

Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang mga larawan sa ibaba

ayon sa pagkakasunod-sunod ng kwentong “Ang

Pagong at ang Kuneho”.

Tauhan Tagpuan

Banghay Kaisipan

Ang Pagong at ang Matsing

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

8

Kopyahin sa patlang ang angkop na salita sa loob ng

kahon upang mabuo ang talata.

Ang _______ay isang pamamaraang gumagamit ng

elemento ng kuwento sa pagsasalaysay na muli ng

kuwento. Ang ____________________at _________________

ay pamamaraan din sa pagsasalaysay ng kuwento.

Gawain 1.1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Pamilya Kung Saan Ako Masaya

Isang matulunging mag-anak ang pamilya ni Mang

Berto.Naikuwento niya sa mga anak niya ang pagiging

matulungin sa kapwa ng kanilang Lolo at Lola. Minsan, sa

kaniyang pag-uwi galing sa talyer na pag-aari ng

pribadong kompanyang pinapasukan, masaya niyang

sinabi na siya ay nabigyan ng isang linggong bakasyon at

nais niyang gugulin ito sa probinsiya ng Quezon upang

madalaw ang kanilang mga Lolo at Lola. Nais ni Mang

Berto na masaksihan ng kaniyang mga anak ang pagiging

matulungin sa kapwa ng kanilang Lolo at Lola.

Pamatnubay na tanong

Larawan

Story Grammar

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

9

“Talaga, Tatay? Dadalaw tayo doon kina Lolo at Lola?”

masayang tanong ng bunsong anak na si Lory na sinundan

din ng dalawa pang kapatid. “Siyempre, mga anak, doon

ay malawak ang bukirin at makakakain tayo ng mga

tanim na prutas at gulay ng inyong Lolo,” sabi ng ama.

“Mabuti naman at kahit sandali ay makaiiwas tayo sa

maruming hangin dito,” sabi ni Aling Precy. Masaya ang

paghahandang ginawa ng mag-anak upang maaga

silang makapagbiyahe.

Gawain 1.1

Panuto: Lagyan ng sagot ang bawat elemento ng

kuwento na nasa story grammar. Kunin ito sa kuwentong

“Pamilya Kung Saan Ako Masaya” na binasa mo kanina.

Batay sa binasang kuwento narito ang kaisipang

dapat nating isaisip.

“Ang pamilyang sama-sama, walang hanggang saya

ang dala.”

Tauhan Tagpuan

Banghay Kaisipan

Pamagat

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

10

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Isagawa ang mga sumusunod na panuto pagkatapos

basahin ang kuwento.

Pagkakabigkis

Isang araw, narinig ni Nanay na nagsisigawan ang

kaniyang mga anak. Lungkot na lungkot siya kaya naisip

niyang bigyan sila ng aral. Pinatawag nya ang mga ito

upang ipatanggal ang agiw sa kani-kanilang kwarto gamit

ang tatlong pirasong tingting. Nalungkot sila sapagkat

hindi lubusang natanggal ang agiw.

Naisip nilang pagsama-samahin ang mga walis

tingting at magtulong-tulong sa paglilinis ng bawat silid.

Doon nila nakita ang kahalagahan ng pagsasama-sama.

Gawain 1.1

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang maisalaysay na

muli ang binasang kuwento. Hanapin ang tamang sagot

sa loob ng kahon.

1. Ano ang unang nangyari sa kuwento?

2. Ano ang naisipang gawin ng Nanay?

3. Ano ang iniutos ng Nanay sa mga anak?

4. Ano ang naramdaman ng magkapatid dahil di

gaanong natanggal ang agiw?

5. Ano ang huling ginawa ng mga anak?

6. Ano ang kanilang natutuhan sa nangyari?

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

11

Gawain 1.2

Panuto: Kopyahin ang 6 na bilog. Sa bawat bilog gumuhit

ng larawan na nagpapakita ng inyong sagot sa bawat

tanong sa itaas.

1 2 3 4 5 6

Gawain 1.3

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat kahon

upang mabuo ang story grammar.

Pinatawag niya ang 3 anak at binigyan ng tig- isang

tingting.

Doon nila nakita ang kahalagahan ng pagsasama-

sama.

Inutusan niya ang mga anak na tanggalin ang agiw sa

kani-kanilang silid.

Isang araw, narinig ng nanay ang sigawan ng mga

anak.

Nalungkot ang mga anak dahil di gaanong natanggal

ang agiw.

Pinagsama-sama nila ang tingting at tulong-tulong na

naglinis.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupadepedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/... · 2021. 2. 16. · bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa

12

Sanggunian

Ang Bagong Batang Pinoy Filipino

LM pp.57

Ang Bagong Batang Pinoy Filipino

TG pp. 98

https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-

kahulugan/

https://www.youtube.com/watch?v=2DMwwrHQtb0

https://www.slideshare.net/Charee16/si-pagong-at-si-kuneho

Kaisipan

Pamagat

Tauhan

Tagpuan

Banghay

Susi sa Pagwawasto

Pangwakas na Pagsusulit

1.1* Isang araw, narinig ng nanay ang sigawan ng mga anak.

Pinatawag niya ang 3 anak at binigyan ng tig isang tingting.

Inutusan niya ang mga anak na tanggalin ang agiw sa kani-kanilang silid.

Nalungkot ang mga anak dahil di gaanong natanggal ang agiw.

Pinagsama-sama nila ang tingting at tulong-tulong na naglinis.

Doon nila nakita ang kahalagahan ng pagsasama-sama.

1.2 Iguguhit ang larawan ng mga pangyayari sa kuwento gamit ang sagot ng mga bata sa tanong sa Gawain 1.1 1.3 Story Grammar

Pamagat: Pagkakabigkis

Tauhan: Nanay, mga anak

Banghay: mga pangyayari sa kuwento

Kaisipan: Mahalaga ang nagsasama-sama o anumang mensahe na angkop sa kuwento

Unang Pagsubok

1. Nakakita si Pagong ng puno ng saging 2. Namataan/ inunahan at inangkin ni Matsing ang saging.

3 at 4 .(iba iba ang suliranin kaya may ibang sagot) 5. Nalaman ni Matsing na nagbunga ang puno ni Pagong kaya

dismayado itong umalis