kahulugan at kahalagahan ng panunuring pampanitikan ; katangian ng isang mahusay na kritiko

29
PANUNURING PAMPANITIKAN KAREN MANGUIAT FAJARDO MAED-FILIPINO

Upload: kae-rhenz

Post on 13-Apr-2017

2.459 views

Category:

Education


446 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

PANUNURING PAMPANITIKAN

KAREN MANGUIAT FAJARDOMAED-FILIPINO

Page 2: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.

Page 3: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.

Page 4: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.

Page 5: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika:

Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?

Page 6: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Panunuring Pampanitikan

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Page 7: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog.Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Panunuring Pampanitikan

Page 8: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig.Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo,simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.

Panunuring Pampanitikan

Page 9: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Page 10: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 11: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 12: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.

Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 13: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.

Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa ubod at laman.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 14: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano ang pagkatula.

Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 15: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 16: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Page 17: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?

Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito.

Page 18: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Naghahanap ng mali– Kritisismo

• Naghahanap ng estruktura– Panunuri

Page 19: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Naghahanap ng kung ano ang pwede– Panunuri

• Naghahanap ng kulang– Kritisismo

Page 20: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Nagtatanong upang maliwanagan– Panunuri

• Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan– Kritisismo

Page 21: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig– Kritisismo

• Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig– Panunuri

Page 22: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Positibo– Panunuri

• Negatibo– Kritisismo

Page 23: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Malabo at malawak– Kritisismo

• Kongkreto at tiyak– Panunuri

Page 24: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Seryoso at hindi marunong magpatawa– Kritisismo

• Nagpapatawa rin– Panunuri

Page 25: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Critique o Criticism(Panunuri o Kritisismo)

• Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda– Kritisismo

• Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina– Panunuri

Page 26: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

Mga Katangiang DapatTaglayin ng isang Kritiko

• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.

• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.

• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

Page 27: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.

• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

Mga Katangiang DapatTaglayin ng isang Kritiko

Page 28: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga ng bagay, puso lamang ang nakadarama.”

- Aral mula sa Ang Munting Prinsipe ni Antoine de Saint- Exupery

Page 29: Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahusay na Kritiko