kakayahan o ito'y tungkol sa kakayahan - unicef

24
Page 1 of 24 KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN Ni Prof. VICTOR SANTIAGO PINEDA Isang Paliwanag sa Kumbensiyon Tungkol sa Karapatan ng Mga Taong may Kapansanan Salin sa Filipino ni JOSE LADERAS SANTOS [Former Chairperson of the Philippines’s Commission on the National Language]

Upload: vanhanh

Post on 09-Dec-2016

291 views

Category:

Documents


15 download

TRANSCRIPT

Page 1: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 1 of 24

KAKAYAHAN

o

ITO'Y TUNGKOL SA

KAKAYAHAN

Ni Prof. VICTOR SANTIAGO PINEDA

Isang Paliwanag

sa Kumbensiyon Tungkol sa Karapatan

ng Mga Taong may Kapansanan

Salin sa Filipino ni JOSE LADERAS SANTOS [Former Chairperson of the Philippines’s Commission on the National Language]

Page 2: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 2 of 24

PAGKILALA

Ang booklet na ito ay sinulat at inihanda ni Victor Santiago Pineda, tagapagtatag ng Victor Pineda

Foundation at pinakabatang delegado ng Pilipinas sa Ad Hoc Committee na bumuo ng Kumbensyon sa

Karapatan ng mga Taong may Kapansanan (KKTK).

Ang proyektong ito'y iminungkahi ng UNICEF na pinamumunuan ni Helen Schulte mula pa nang

itatag galing sa UNICEF's Child Protection Section, kabalikat si Maria Cristina Gallegos, Voices of

Youth Coordinator sa UNICEF Adolescent Development and Participation Unit. Ang booklet ay

pinamatnugutan at inilathala ng UNICEF Dikvision of Communication.

Lubos na kinikilala ng UNICEF ang suporta ng Save the Children UK at Sweden, at ng Special

Olympics.

Pinasasalamatan din namin ang mga tanggapan ng UNICEF sa Armenia, China, Ethiopia, Nicaragua,

Thailand at Uzbekistan dahil sa mahahalaga nilang ambag.

Ang espesyal na pasasalamat ay ipinararating din sa mga bata at mga kabataang may mga kapansanan

na ibinahagi ang kani-kanilang pananaw sa mga isinagawang konsultasyon na inayos ng Save the

Children at ng Arab Human Rights Foundation sa Sana'a, Yemen, noong Oktubre 2007 at sa Youth

Summit na inayos naman ng Special Olympics sa Shanghai, China, kaalinsabay ng World Summer

Games noong Oktubre 2007. Pasasalamat din sa mga lumahok sa online consultation na inayos naman

ng UNICEF's Voices of the Youth, at sa mga masisipag na kabataang lider bagamat may kapansanan

mula sa Victor Pineda Foundation's A World Enabled Initiative.

Espesyal ding pagkilala sa mga batang may kapansanan na nag-ambag ng kanilang mga tula at guhit -

sining na nagpatingkad sa booklet na ito.

Pinasasalamatan din namin ang mga kasapi ng technical advisory group ng proyekto dahil sa kanilang

tiyaga at maunawaing paghimay sa manuskrito, particular, sina Saudamini Siegrist (UNICEF

Florence), Gerison Lansdown (independent consultant), Aleandra Yuster, Daniel Seymour at Nadine

Perrault (UNICEF New York), Catherine Naughton (Christian Blind Mission), at Cherie Tropet at

Vanessa Anaya (Victor Pineda Foundation), na nagsitulong sa pagpulido ng mga unang manuskrito.

Lubos na lubos din ang aming pagkilala sa suporta ng German Committee para sa UNICEF.

Karapatang-ari ng United Children's Fund (UNICEF), Abril 2008.

Kailangan ang permiso bago gamitin ang alinmang bahagi ng booklet na ito. Makipag-ugnayan sa

Development Professionals Section, Division of Communication, UNICEF

3 UN Plaza, New York, NY 10017, USA

Tel (+1-212) 326-7434

Fax (+1-212) 303-7985

Email: [email protected]

Ang permiso ay ipinagkakaloob nang libre para sa kahalagahang pag-aaral at sa mga non-profit

organization. Ang iba ay hinihilingan ng kaunting kabayaran.

Page 3: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 3 of 24

Guhit pabalat ni Lisa Lavoie, na binigyang-inspirasyon ng guhit ni Lea Nahomi Hernandez.

Ang disensyo ng aklat ay kay Cristina Bliss.

Page 4: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 4 of 24

MGA NILALAMAN

1. Mga Pinag-uusapan

2. Pagkilos para sa Pagbabago

3. Tungkol sa Aklat na ito

4. Tungkol sa Kumbensiyon

5. Ang Kumbensiyon sa Karapatan ng mga Taong may Kapansanan

6. Paanong ang mga Karapatan ay Nagiging Katotohanan

7. Sukatin ang In yong Kaalaman

8. Glosaryo

Page 5: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 5 of 24

ANG PINAG-UUSAPAN

Wala akong paa,

Pero mayroon pa namn akong pakiramdam,

Hindi ako nakakakita,

Subalit nakapag-iisip ako sa lahat ng oras,

Bagama't ako ay pipi,

Gusto ko pa ring makipag-usap,

Bakit ang ibang tao'y tinitingnan ako na walang kabuluhan, walang pang-unawa, walang boses,

Gayong ang kakayahan ko'y gaya rin ng kakayahan ng iba,

Lalo na sa mga kamalayan ng ating mundo.

--Coralie Severs, 14, United Kingdom

Ang tulang ito'y tinig ng milyon-milyong kabataan at katandaan, na namumuhay sa iba't ibang panig ng

mundo, na may kapansanan. Tungkol sa iba't ibang mukha ng diskriminasyon araw-araw. Ang

kakayahan ng mga may kapansanan ay hindi pinapansin at ang mga katangian ay minamaliit. Hindi sila

tumatanggap ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan na kailangan nila, at sila'y hindi isinasama sa

mga aktibidad sa kanilang lugar.

Sa kabatiran ng lahat, ang mga may kapansanang kabataan at katandaan sa buong mundo ay mayroong

karapatang gaya ng tinatamasa ng sino man.

(PAINTING)

“Encourage me…you can do it!”

Bismarck Benavides, 13, Nicaragua

Page 6: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 6 of 24

MGA PAGKILOS PARA SA PAGBABAGO

Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang Kumbensiyon para sa Karapatan ng mga Taong may Kapansanan

(KKTK). Binibigyang-pananagutan ang mga pamahalaan ng mga bansa sa mundo na pahalagahan ang

karapatan ng mga kabataan at katandaang may kapansanan.

Ang UNICEF at ang kanilang mga kapanalig ay puspusang hinihikayat ang lahat ng bansa upang

pagtibayin ang Kumbensiyon. Ipagtatanggol nito ang lahat ng mga kapansanan laban sa diskriminasyon

tungo sa pagiging normal na kabilang sa lipunan. Bawat isa sa atin ay mayroong tungkulin. Basahin ito

at nang malaman kung paanong magiging bahagi sa pagtiyak na bawat nilalang ay kinikilala kung

paanong dapat silang kilalanin.

PAGKAUNAWA SA KAPANSANAN (Sidebar)

Nararamdaman mo na ba na parang hindi ka pinapansin? Kadalasan, ang mga kabataan at katandaang

mahirap makakita, maglakad o makarinig ay nakadarama na para silang nakapuwera. Napakaraming

hadlang upang sila'y makisali sa mga gampanin, at ang mga hadlang na ito'y waring ipinatutupad pa ng

lipunan. Halimbawa, ang isang batang naka -wheelchair, ay gusto ring pumasok sa paaralan. Pero hindi

niya ito magagawa dahil ang paaralan ay walang rampa na daanan ng wheelchair, at may principal at

guro na hindi sumusuporta. Upang ang lahat ay maging kasali, kailangang baguhin ang ilang umiiral na

tuntunin, mga gawi, at maging gusali mismo.

ANG AKLAT NA ITO

Ang aklat na ito ay ginawa para sa mga kabataan, at sa tulong na rin nila, upang ipaliwanag ang

Kumbensiyon para sa Karapatan ng mga Taong may Kapansanan (KKTK), bakit ito binuo at paano

makatutulong na lubos na malaman ng mga may kapansanan ang kanilang karapatan. Inaasahan namin

na magagamit ninyo ang aklat na ito at makatutulong sa pagbib igay-impormasyon sa mga kabataan, na

mayroon silang kapantay na karapatan upang matupad ang kanilang mga pangarap.

Baka ikaw mismo ang may kapansanan, o may kakilala kang nagtataglay nito. Ang mga taong may

kapansanan ay nahihirapang makakita, makarinig, maglakad o matandaan ang maraming bagay. Subalit

sila'y may mga panaginip din, mga pangarap, pag-asa, mga ideya na gusto ring ibahagi sa kapuwa—

gaya ng nilalaman ng mga likhang-sining, mga tula at drowing na inilathala dito.

Hinihikayat namin kayo na ibahagi sa inyong mga magulang, mga guro, mga kaibigan o maging sino

man ang ano mang bagay na inaakala ninyo na mahalaga.

Matatagpuan sa aklat na ito ang buod ng KKTK at ang mga dahilan kung bakit ito nabuo. Matututuhan

ang karapatan at tungkulin ng bawat isa, gayon din ang mga hakbang at pagkilos ng mga pamahalaan

upang matulungan ang mga may kapansanan at maipatupad ang kanilang mga karapatan. Kayo mismo

ay matututo rin kung ano ang aksiyong dapat gawin.

Sa huling bahagi ng aklat ay may listahan ng mga salitang kasama ang kahulugan. Ang listahan, o

glosaryo, ay makakatulong para lubos na maunawaan lalo ng ang mga salitang bago sa inyo.

Page 7: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 7 of 24

ANO ANG KUMBENSIYON (Sidebar)

Ang kumbensiyon ay kasunduan ng mga bansa, na ipatupad ng kani-kanilang pamahalaan ang tungkol

sa pinagkasunduang mga batas tungkol sa isang usapin. Sa sandaling ang isang bansa ay lumagda at

rumatipika (ratify) sa Kumbensiyon, ito ay magiging legal at gabay sa pagkilos ng pamahalaan sa

pagpapatupad nito. Nakapagtutulak din ito sa isang pamahalaan upang iangkop o i-amyenda ang

kanilang umiiral na batas upang higit na maipasunod at magtagumpay ang Kumbensiyon.

ANO ANG KARAPATANG PANTAO? (Sidebar)

Lahat ng tao sa mundo ay protektado ng mga batas na nangangalaga sa kanilang karapatang-pantao at

kinagisnang dignidad (dignidad na taglay ng sino man pagsilang pa lamang). Walang puwera dito.

Halimbawa, lahat ng tao ay may karapatan sa buhay at kalayaan mula sa pagka-alipin. Ang mga

karapatang ito ay pinagtibay sa Un iversal Declaration of Human Rights (Pandaigdig na Deklarasyon sa

Karapatang Pantao [PDKP], 1948), na tinanggap ng lahat ng bansang miyembro ng United Nations.

Lahat ng bata ay may karapatan sa pangangalagang pagkain at pangkalusugan, karapatang protektahan

laban sa pang-aabuso at ligalig. Ang mga bata ay mayroon ding karapatang magsalita at sabihin ang

inaakala nilang matuwid kahit ang nagsasagawa ng desisyon ay ang nakatatanda, at ang mga opinyon

ng mga bata ay dapat na isinasaalang-alang. Ang karapatan ng mga bata ay nakalagay sa Kumbensiyon

sa Karapatan ng mga Bata.

Page 8: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 8 of 24

Ang mensahe ay KAKAYAHAN

Ni Victor Santiago Pineda, Pangulo, Victor Pineda Foundation

Noong ako'y limang taong gulang pa lamang, tumigil ako sa paglalakad. Habang nagkakaedad, ang

aking mga kalamnan ay humina, at nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko'y walang nakakagusto

sa akin dahil ako'y kakaiba. Hindi malaman ng aking mga magulang ang gagawin. Pero palagi nilang

ipinaparamdam na ako'y mahal nila. Naniniwala sila sa akin, at pinababayaan nila ako maging sa mga

delikadong gawain, upang masubok ang ibang bagay, at magkaroon ako ng tiwala sa sarili. At

nagkaroon nga ako ng tiwala sa sarili.

Alam ng aking mga magulang na kailangang lumaban upang ako mismo ang gumawa ng sarili kong

landas. Mula kamusmusan, gusto kong baguhin ang iniisip ng mga tao kung ano lamang ang aking

gagawin at ano lang ang magagawa ko. Hanggang matuklasan ko na mayroon palang mga batas na

pino-protektahan ang gaya ko. Dahil sa mga batas na ito, natanggap ko ang mga tulong na kailangan at

ako ay naging masipag na mag-aaral.

Marahil ay lumaki ako na isang batang nagtataka at gumagala lamang sa isang lugar kung hindi ko

natuklasan ang mga batas para sa karapatan ng mga bata na gaya ko. Nalaman ko rin ang mga batang

gaya ko mula sa iba't ibang bansa ay nagpupulong sa United Nations para sa usaping ito, at ako'y

nagtrabaho at nagsikap nang lubos upang mapabilang sa kanila.

Ako ang pinakabatang delegado sa Special United Nations Committee na sumulat ng burador para sa

Kumbensiyon para sa Karapatan ng mg Taong may Kapansanan. Nagkaroon ako ng maraming

kaibigan, sinabi ko sa kanila ang aking mga ideya, katulong ang pamahalaan, binuo namin ang

Kumbensiyon.

Bawat tao sa mundo ay magkaiba, at may magkakaibang ideya, karanasan, tradisyon, wika, kultura at

kakayahan. Nalaman ko, na ang mga pagkakaibang ito ang siyang lumilikha ng maraming posibilidad,

mga bagong pag-asa, mga bagong panaginip at mga bagong kaibigan.

Ang aklat na ito ay panawagan para sa pagkilos, para sa mga bata mayroon man o walang kapansanan,

na tumindig nang sama-sama at ipaglaban kung ano ang tama. Ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa

mundo ay kayamanan ng lahat para kalugdan at pagsalo-salohan. Bawat bata ay bahagi ng pamilya ng

mundo at may maiaambag na kakayahan. Lahat ng bata ay kasali.

[Pullquote] “Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi masama. Maaari pa nga itong

maipagmalaki. Lahat tayo ay magkakaiba, at lahat ay may magkakaibang kakayahan. Bawat bata

ay maaaring maging embahador ng kakayahan sa ating pamilya, paaralan at buong komunidad.

Bawat isa sa atin ay may ideya, karanasan, at katutubong dunong na maipaglilingkod. Ang aklat na

ito ay panawagan sa mga tao upang ang lahat ng bansa ay bigyang-dangal at igalang ang mga bata

kung ano tayo.” – Victor Santiago Pineda

Si Victor Santiago Pineda ay edukador at producer ng pelikula na nagtatrabaho kasama ang mga kabataan upang ipabatid ang kanilang mga karapatan. Binuo niya ang A World Enabled Initiative katulong ang kanyang foundation na nagtuturo sa publiko ng kakayahan at magagawa ng mga batang may kapansanan. Si Ginoong

Page 9: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 9 of 24

Pineda ay naglingkod sa United Nations, World Bank, at mga pinuno ng pamahalaan upang isulong ang paggalang, at pantay na dignidad at pagkakataon sa lahat. Mayroon siyang muscular dystrophy at siya'y naka-wheelchair.

Ako'y masaya kung kailan...

Ako'y masaya sa mumunting bagay.

Ako'y masaya kung kailan...

Nauunwaan ng mga tao ang gusto kong sabihin.

Kung kailan nagsasalita ako sa isang tao na parehas lamang kami.

Ako'y masaya dahil naipagmamalaki ko ang aking sarili.

Ako'y masaya kapag nag-aaral.

Sa pag-aaral na natututuhan ko ang iba't ibang impormasyon.

Nalalaman ko kung magkano ang ibabayad ko sa aking kinain.

Nasasabi ko kung ano ang tama at ano ang mali.

Ako'y masaya dahil marami ang nagagawa kong mag-isa.

Ako'y masaya dahil binubunyi ko ang mga manlalaro ng soccer.

Dahil sukdulan ang kanilang paglalaro.

Pakiramdam ko’ isa ako sa kanila.

At higit na matindi ang aking paglahok.

Masaya ako dahil mayroon akong panaginip

Na tila maliit, subalit

Nagpaplano at matapat na namumuhay araw-araw

At ako’y nakakaramdam ng sobrang tuwa.

--Kim Yoona, 15, People’s Republic of Korea

(Painting)

Page 10: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 10 of 24

“Right to play,” Javlon Rakmonberdiev, 12, Uzbekistan

Page 11: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 11 of 24

ANG KUMBENSIYON

Ang Kumbensiyon sa Karapatan ng mga Taong may Kapansanan (KKTK) ay kasunduan ng mga bansa

sa buong mundo upang tiyakin na ang mga taong may kapansanan at maging mga walang kapansanan

ay tinatratong pantay-pantay. Kadalasan, ang Kumbensiyon ay tinatawag ding treaties, covenants,

pandaigdig na kasunduan, o mga dokumentong legal, ay gabay ng pamahalaan kung ano ang dapat

gawin upang matiyak na tinatamasa ng mga tao ang kanilang mga karapatan. Lahat ng taong may

kapansanan, batang lalaki o batang babae man, lahat ay kabilang.

Ang KKTK ay pinagkaisahan noong Disyembre 13, 2006. Noong Abril 2, 2008, 20 bansa ang

nagratipika (nagpatibay) sa KKTK, nangangahulugang dapat na itong ipatupad simula sa Mayo 3, 2008

(tingnan ang mga patakaran sa KKTK sa www.un.org/disabilities.

Bagamat ang KKTK ay para sa lahat ng may kapansanan, ano man ang kanyang edad, ang aklat na ito

ay nakatutuk kung ano ang kahulugan ng karaptan sa buhay ng mga bata, dahil ikaw ay mahalaga,

magagamit itong gabay may kapansanan man o wala.

BAKIT DAPAT PAHALAGAHAN ANG KUMBENSIYON?

Kung ikaw, o ang iyong mga magulang o miyembro ng pamilya na may kapansanan, ang Kumbensiyon

ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon at pampasiglang-puso. Ikaw at ang buong pamilya—

maging mga kaibigang gusting tumulong sa iyo—ay gagabayan para sa iyong mga karapatan. Nililinaw

din nito ang mga aksiyong dapat ipatupad ng pamahalaan upang malaman ng mga may kapansanan ang

kanilang mga karapatan.

Page 12: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 12 of 24

ANG BUOD NG KKTK

Ang Kumbensiyon ay napakaraming pangako. Malinaw na ipinapaliwanag ng 50 artikulo kung ano-ano

ang mga pangakong ito. Sa mga sumusunod na pahina at ang salitang “pamahalaan” ay nabanggit, ang

tinutukoy ay ang mga pamahalaang nagratipika na sa Kumbensiyon (tinatawag ding “States Parties”).

Optimismo ang ating motto sa buhay

Pakinggan mo kaibigan, aking kaibigan

Ang inyong motto ay pag-ibig at pagtitiwala

Ang buhay ay isang regalo ng ating mapag-arugang Panginoon

Sa lahat ng nilikha sa langit at sa lupa

Kung mayroon kang kaibigang may kapansanan

Manatiling malapit sa kanila para sa mapagtiwalang-damdamin

Gawin silang optimistiko at minamahal ang buhay

Sabihin na ang kawalang-pag-asa ay karuwagan

Katapangan ang walang kapagurang pagpupumilit at determinasyon

Ang pag-asa ay hangarin natin sa buhay

Ang isang magalang na ngiti ay bumubigkis sa atin

Walang kawalang-pag-asa sa buhay

At ang buhay ay walang kawalang-pag-asa

--Jwan Jihad Medhat, 13, Irag

ANO ANG BATAS? [Sidebar]

Ang batas ay mga patakaran na dapat igalang at sundin ng lahat ng sa gayon ay igagalang ng sino mang

tao ang kanyang kapwa at nang sama-samang mamuhay nang payapa at ligtas.

ANO ANG KAHULUGAN KAPAG NAGRATIPIKA? [Sidebar]

Ang bansang nagratipika sa Kumbensiyon ay ganap na sumasang-ayon sa pagpapatupad nito. Alamin

kung ang Kumbensiyon ay niratipika na ng inyong bansa. Kung naratipika na nila, inyo na itong

Page 13: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 13 of 24

maipapaalala sa mga kinauukulan ang tungkuling dapat gampanan. Ang United Nations ay may

listahan ng mga bansang nagratipika na sa Kumbensiyon. Kung titingnan sa online kung naratipika na

ng inyong bansa ang kumbensiyon, dumalaw sa www.un.org/disabilities.

BUOD NG KUMBENSIYON

Artikulo 1: Layunin

Sinusuma ng artikuong ito ang pangunahing layunin ng Kumbensiyon, na palaganapin, protektahan at

tiyakin ang buo at pantay-pantay na pagtatamasa ng lahat ng karapatang pantao at kalayaan ng bawat

tao, kabilang ang mga bata.

Artikulo 2: Depinisyon

Ang artikulong ito ay listahan ng mga salita na may particular na kahulugan sa Kumbensiyon.

Halimbawa, “wika” na kinabibilangan ng sinasalita at ng ginagamitan lamang ng senyas at iba pang

hindi binibigkas na salita pero nagkakaintindihan ang nag-uusap. “Komunikasyon” na kinabibilangan

ng tekstong nababasa, Braille (na gumagamit ng alsadong tuldok para sa mga letra at numero),

komunikasyon sa pamamagitan ng pakiramdam (paghwak), malalaking print at multimedia (gaya ng

website at tunog).

Artikulo 3: Mga Prinsipyong Pangkalahatan

Mga prinsipyo (pangunahing paniniwala) ng kumbensiyon ang sumusunod:

a. Paggalang sa kinagisnang dignidad, kalayaan para gumawa ng sariling pagpili at kalayaan sa

paggalaw.

b. Walang diskriminasyon (pantay na pagtingin sa lahat).

c. Buong partisipasyon at pagkakasali sa lipunan (maging kasama sa komunidad).

d. Paggalang sa pagkakaiba at pagtanggap sa mga taong may kapansanan bilang bahagi ng

dibersidad ng sangkatauhan.

e. Pantay (parehas) na pagkakataon.

f. Pagiging-may-laan (pagiging may puwang [puwesto] sa sasakyan, lugar at impormasyon at

hindi pinagkakaitan ng ano mang bagay dahil may kapansanan).

g. Pagkakapantay-pantay babae o lalaki man (parehas na pagkakataon maging sa batang lalaki o

batang babae).

h. Paggalang sa yumayabong na kakayahan ng mga batang may kapansanan at sa kanilang

karapatan na ingatan ang kanilang pagkakakilanlan (paggalang sa kakayahan ng isang bata at

pagmamalaki kung sino ka).

Artikulo 4: Pangkalahatang Pananagutan

Hindi kailanman iiral ang batas na magbubuklod sa mga taong may kapansanan. Kung kinakailangan,

ang pamahalaan ay lilikha ng bagong batas para protektahan ang karaptan ng mga taong may

kapansanan at ipatupad ang batas na ito. Kung may matatandang batas o tradisyon na ibinubukod ang

mga taong may kapansanan, gagawa ng paraan and pamahalaan para baguhin ito.

Kung mayroong batas o kaugaliang umiiral na pumipigil sa mga batang may kapansanan na

Page 14: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 14 of 24

gawin ang ginagawa ng ibang batang walang kapansanan, kailangang baguhin ito. Ang inyong

pamahalaan ay dapat sumangguni sa mga organisasyon ng mga batang may kapansanan

kasabay ng pagbabago sa tinutukoy na batas o polisiya (policy).

Sa pagbuo ng bagong batas at polisiya, ang pamahalaan ay dapat sumangguni sa mga taong may

kapansanan, kabilang ang mga bata.

Artikulo 5: Pagkakapantay-pantay at kawalang ng diskriminasyon

Kinikilala ng pamahalaan na lahat ng tao ay dapat protektado ng batas, at ang lahat ng batas ng isang

bansa ay dapat tamasahin ng sino mang taong naninirahan sa bansang iyon.

Artikulo 6: Ang mga babaeng may kapansanan

Alam ng pamahalaan na ang mga kababaihan kabilang ang mga batang babae ay nakakaranas ng ibat’t

ibang diskriminasyon. Sumasang-ayon ang pamahalaan na protektahan ang kanilang karaptang-pantao

at kalayaan.

Artikulo 7: Ang mga batang may kapansanan

Sumasang-ayon ang pamahalaan na gumawa ng mga kailangang aksiyon upang ang mga batang may

kapansanan ay magtamasa rin ng lahat ng karapatang-pantao at kalayaang tinatamasa ng ibang bata.

Sumasang-ayon din na tiyakin na ang mga batang may kapansanan ay makapaghayag ng kanilang

pananaw nang buong laya sa lahat ng bagay na may epekto sa kanila. Kung ano ang mabuti sa bataw

bata ay dapat unahin.

Ang mga batang babaw at mga batang lalaki na may kapansanan ay may kapantay na karaptan

para sa lahat ng bata. Halimbawa, lahat ng bata ay may karaptang pumasok sa paaralan,

maglaro at protektahan sa ano mang kaguluhan, at kailangang kasali sa mga desisyong

nakakaepekto sa kanila. Kailangang ipagkaloob ng pamahalaan ang mga impormasyon at

suporta sa mga batang may kapansanan para ipatupad ang kanilang karapatan.

Ang media ay dapat mag-ulat sa hindi pantay na trato sa mga batang may kapansanan.

Artikulo 8: Kabatiran

Kailangang palaganapin ng pamahalaan ang kabatiran tungkol sa karaptan at dignidad ng mga taong

may kapansanan at ang kanilang mga nagawa at kakayahan. Sang-ayon ang pamahalaan na labanan ang

ano mang kaasalan, pagwawalang-halaga at aktibidad na makasasakit sa mga taong may kapansanan.

Ang inyong paaralan, halimbawa, ay dapat magsulong ng pagkilos at paggalang sa mga taong may

kapansanan, maging sa mga bata.

Artikulo 9: Aksesabilidad

Sang-ayon ang pamahalaan na gawing marapat sa mga taong may kapansanan na malayang maki-

pamuhay at maki-bahagi sa komunidad. Ano mang pangpublikong lugar, kabilang ang mga gusali,

kalsada, paaralan at hospital, ay may parehas na atensiyon sa mga taong may kapansanan, kabilang ang

mga bata. Kung ikaw ay nasa pampublikong gusali at nangangailangan ng tulong, isang gabay, ang

Page 15: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 15 of 24

nakapagbabasa o propesyonal sa mga sign language ay kailangan naroon para tulungan ka.

(PAINTING)

“Kapayapaan sa Lahat ng Bata,” Ani Verdyan, 8, Armenia

PAANO ANG TUNGKOL SA TEKNOLOHIYA [Sidebar]

Ang mga telepono, computer at iba pang teknolohiya ay kailangang magagamit ng mga taong may

ibang kakayahan. Halimbawa, ang mga websites ay kailangang may-disenyo na aakma sa mga taong

hindi kayang gumamit ng keyboard, o may problema sa pandinig at pananaw. Dapat na magkaroon ng

format na angkop sa kanila. Ang computer ay puwedeng igawa ng Braille keyboard, puwede ring

gamitan ng speech synthesizer na kariringgan ng mga salitang nakikita sa monitor.

Artikulo 10: Karapatan sa buhay

Lahat ng tao ay isinilang na may karapatan sa buhay. Tinitiyak ng pamahalaan na ito’y pantay na

maipatutupad sa mga tao mayroon man o walang kapansanan.

Artikulo 11: Kalagayan sa panganib at emergency

Ang mga taong may kapansanan ay may katulad na karapatan para sa lahat na maging protektado at

ligtas sa panahon ng digmaan, sa emergency at natural na kalamidad, katulad ng bagyo. Hindi ka

kailanman maipupuwera sa kanlungan o kaya’y iiwanan dahil may kapansanan samantalang ang iba’y

naililigtas.

Artikulo 12: Pantay na pagkilala sa harap ng batas

Ang mga taong may kapansanan ay may kapantay na karapatan sa mga serbisyo at mga “pang-legal na

kapasidad”. Nangangahulugan ito, na sa inyong paglaki, mayroon man o walang kapansanan, maaari

kang makautang para sap ag-aaral o lumagda ng kontrata upang mangupahan ng apartment. May

karapatan kang bumili o magmana ng ari-arian.

Artikulo 13: Access sa hustisya

Kung ikaw ay nasaktan sa isang krimen, nakita ang iba na nasaktan, o kaya’y inakusahan sa paggawa

ng mali, may karapatan ka na tratuhin gaya ng pagtrato sa iba sa panahon ng imbestigasyon.

Kailangang tulungan ka ng pamahalaan sa pagtatanggol sa lahat ng legal na proseso.

Artikulo 14: Kalayaan at seguridad ng isang tao

Kailangang tiyakin ng pamahalaan na ang mga taong may kapansanan ay may kalayaang protektado ng

batas, katulad ng kalayaang tinatamasa ng iba.

Artikulo 15: Kalayaan mula sa torture o kalupitan, hindi makatao at mapanghamak na pagtrato at

Page 16: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 16 of 24

parusa

Walang sino man na dapat i-torture o hamakin o pagmalupitan. At ang lahat ay may karapatang

tumanggi na gamitin sa medical at siyentipikong eksperimento.

Artikulo 16: Kalayaan mula sa kaguluhan o pang-aabuso

Ang mga batang may kapansanan ay dapat protektahan mula sa kaguluhan at pang-aabuso. Hindi sila

dapat i-maltrato o saktan sa loob ng tahanan o sa labas man. Kung naranasan mong ma-maltrato,

mayroon kang karapatan na humingi ng tulong upang matigil ang pang-aabuso at makabawi.

Artikulo 17: Proteksiyon sa tao

Walang sino mang magta-trato sa iyo ng kulang at di kapantay ng sa iba dahil mayroon kang pang-

pisikal at pang-mental na pagkakaiba. May karapatan kang igalang kahit ano ka pa!

Artikulo 18: Karapatan sa paggalaw at nasyonalidad

Lahat ng bata ay may karapatang legal na i-rehistro ang pangalan, bilang nasyonalidad at, hanggang

maaari, karapatang malaman at mapangalagaan ng mga magulang. Ang isang tao ay hindi maaaring

pigilin sa pagpasok o paglabas ng bansa dahil siya’y may kapansanan.

Artikulo 19: Kalayaang mamuhay at mapabilang sa komunidad

Ang isang tao ay may karapatang pumili kung saan niya gusting mamuhay, mayroon man o walang

kapansanan. Sa inyong paglaki, magkakaroon ka ng karapatang mamuhay nang Malaya at kung

gugustuhin mo, ay mapabilang sa komunidad. Mayroon ka ring karapatan sa ibang serbisyo kung

kailangan moa ng tulong sa pamumuhay sa isang komunidad, gaya ng pangangalaga sa inyong tahanan

at mga personal na pangangailangan.

Artikulo 20: Personal na mobilidad

Ang mga batang may kapansanan ay may karapatan na lumibot at maging Malaya. Kailangang

tulungan sila ng pamahalaan upang magawa ito.

Artikulo 21: Kalayaan sa ekspresyon at opinion, at impormasyon

Ang mga tao ay may karapatan na ipahayag ang kanyang opinion, maghanap, tumanggap at ibahagi

ang impormasyon sa paraan na kanyang mauunawaan at magagamit.

Artikulo 22: Paggalang sa pribadong pamumuhay

Walang sino man ang may karapatan na manghimasok sa buhay ng iba, mayroon man o walang

kapansanan. Ang mga taong may impormasyong alam sa ibang tao, gaya ng kalagayang

pangkalusugan, ay kailangan i-pribado na lamang niya ito.

Artikulo 23: Paggalang sa tahanan at sa pamilya

Page 17: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 17 of 24

Ang sino mang tao ay may karapatang mamuhay sa piling ng kanyang pamilya. Kung mayroon kang

kapansanan, ang inyong pamahalaan ay may tungkuling tulungan ang iyong pamilya sa mga gastusing

pang-may-kapansanan, impormasyon, at iba pang serbisyo. Hindi ka dapat mahiwalay sa pamilya dahil

mayroon kang kapansanan. Kung hindi ka makapamumuhay sa piling ng kamag-anak, tungkulin ng

pamahalaan o ng komunidad na pangalagaan ka. Ang mga kabataan na may kapansanan ay may katulad

na karapatan gaya ng iba pang kabataan sa impormasyong pangkalusugan at panganganak. Mayroon

ding katulad na karapatan gaya ng iba sap ag-aasawa at pagbuo ng sariling pamilya.

Ang mga batang may kapansanan ay may karapatang maglibot at maging malaya.

(PAINTING)

“Pang-araw-araw na Buhay sa Aking Komunidad,” Pedro Jose Rivera, 14, Nicaragua

Artikulo 24: Edukasyon

Lahat ng tao ay may karapatang pumasok sa paaralan. Kung mayroon kang kapansanan, hindi ka

maaaring i-puwera sa edukasyon dahil ditto. Hindi ka puwedeng papag-aralin sa hiwalay na paaralan.

Mayroon kang karapatan sa katulad na edukasyon at kurikulum gaya ng sa ibang bata, at ang inyong

pamahalaan ay may tungkuling bigyan at tulungan ka sa mga pangangailangan para ito mangyari.

Halimbawa, gagawa ito ng angkop na Sistema na ikaw ay matututong makipag-ugnayan sa paraang

malalaman ng inyong mga guro ang pagtugon sa iyong mga pangangailangan.

Artikulo 25-26: Kalusugan at rehabilitasyon

Ang mga taong may kapansanan ay may karapatan, sa pantay na uri at kalidad, sa libre at makakayang

pangangalagan pang-kalusugan, gay ng ipinagkakaloob sa iba. Kung ikaw ay may kapansanan,

mayroon kang karapatan sa pang-kalusugan at pang-rehabilitasyon na paglilingkod.

Artikulo 27: Trabaho at Gawain

Ang mga taong may kapansanan at may kapantay na karapatan sa paggawa sa kanilang piniling trabaho

ng walang diskriminasyon.

Artikulo 28: Mahusay na antas ng buhay at proteksiyong panlipunan

Ang mga taong may kapansanan ay may karapatan sa pagkain, malinig na tubig, pananamit at pabahay

nang walang diskriminasyon. Dapat tulungan ng pamahalaan ang mga batang may kapansanan na

nagdaralita.

Artikulo 29: Pakikibahagi sa pulitika at pampublikong buhay

Ang mga taong may kapansanan ay may karaptang lumahok sa pulitika at bulay-publiko. Sa sandaling

marating ang edad na itinakda ng batas ng iyong bansa, may karapatan ka nang bumuo ng grupo,

maglingkod sa publiko, bumahagi sa botohan, bumoto at mahalal sa tungkuling pampamahalaan,

mayroon ka mang kapansanan o wala.

Artikulo 30: Pakikibahagi sa pangkulturang buhay, libangan, pampasaya at palakasan

Page 18: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 18 of 24

Ang mga taong may kapansanan ay may karapatang gaya ng sa iba upang makibahagi sa sining, palaro,

kumpetisyon, paggawa ng pelikula, at ng iba pang aktibidad na panlibangan. Kaya, ang mga sinehan,

tanghalan, museo, palaruan at aklatan ay marapat lamang na madaling marating o mapasok ng sino

man, kabilang ang mga batang may kapansanan.

Artikulo 31: Estatistika at koleksiyon ng datos

Ang mga bansa ay dapat mangulekta ng datos tungkol sa mga taong may kapansanan upang makabuo

ng higit na manuting serbisyo at programa para sa kanila. Ang mga taong may kapansanan na nag-

ambag sa pananaliksik tungkol sa kapansanan ay may karapatan na tratuhing may paggalang sa

makataong paraan. Ano mang impormasyong nagging bunga ng kanilang pananaliksik ay dapat

panatilihing kumpidensiyal. Ang mga estatistikang nokolekta ay marapat lamang na maging abot-

kabatiran ng mga tao may kapansanan man o wala.

Artikulo 32: Pandaigdin na kooperasyon

Ang mga bansa ay dapat magtulungan para sa pandaigdig na pagpapatupad ng mga artikulo ng

Kumbensiyon. Kabilang din ang mga bansang may hiigit na kakayahan (gaya sa impormasyong

pangteknolohiya at pangsiyensiya), ibabahagi sa ibang bansa, upang sa gayon ay higit na maraming tao

ang makinabang sa mga karapatang nilinaw sa Kumbensiyon.

Artikulo 33-50: Patakaran sa kooperasyon, pagsubaybay at pagpapatupad ng Kumbensiyon

Ang KKTP ay may kabuoang 50 artikuloAng srtikulong 33-50 at tumatalakay kung paanong ang

katandaan, higit sa lahat ng mga taong may kapansanan kasama ang kanilang organisasyon, at ang

pamahalaan ay dapat magkabalikat na kumilos upang tiyaking iiral ang lahat ng karapatan ng mga

taong may kapansanan. Tingnan ang kabuoan ng mga artikulong ito sa: www.un.org/disabilities.

(PAINTING)

“Kami’y Naglalaro,” Tatev Danielyn, 15, Armenia

Dalawang daigdig…

Nahahati sa pagitan ng tainga

Ng tunog at katahimikan.

Hindi tiyak, hindi kayang sumali…

Umagos ang luha…

Bukod sa ilang kamay,

Nanghila, nanulak, nanghikayat,

Page 19: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 19 of 24

At walang humpay…

May luhang umagos,

At may ngiting sumusungaw,

Nanatiling nakapirmi sa pagitan,

Na pagmamahal---

--Sarah Leslie, 16, United States of America

Page 20: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 20 of 24

PAANONG ANG KARAPATAN AY NAGING TOTOO

Ang karapatan ng batang may kapansanan ay katulad rin ng ibang bata. May bahagi ka upang ipabatid

sa buong mundo ang tungkol sa Kumbensiyon. Ang mga tao ay dapat magsalita at kumilos kung gusto

nila na isama ang lahat sa kanilang lipunan.

Kung ikaw ay may kapansanan, ibinibigay sa iyo ng Kumbensiyong ito, ng iyong pamahalaan at ng

iyong pamilya, ang sandata upang maipagtagumpay ang iyong karapatan at mga pangarap. Dapat kang

magkaroon ng parehas na pagkakataon sa paaralan at nang maging kasali ka sa mga aktibidades. Ang

mga katandaan sa iyong paligid ay dapat tumulong na ilibot ka sa paligid, makipag-usap at makipaglaro

sa kapuwa bata, ano mang uri ng kapansanan ang taglay mo.

Ikaw ay isang mamamayan, miyembro ng inyong pamilya at ng komunidad, at Malaki ang maiaambag

mo sa lipunang ito pagdating ng araw.

ANO ANG IYONG MAGAGAWA

Napakahalaga na mabago ang maraming gawi at mga patakaran upang ang mga batang may

kapansanan ay makapasok sa paaralan, makipaglaro sa mga bata at maging bahagi ng mga aktibidad ng

ka-edad mo. Sa inyo bang paaralan ay isinasali ang mga batang may kapansanan sa lahat ng mga

gampaning pampaaralan? Ang mga guro ba ay nakikinig at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga

batang may kapansanan? Mayroon bang rampa, at interpreter na marunong ng sign language at iba

pang nakakatulong na teknolohiya? Mabuti! Kung gayon ay pantay ang pagturing ng inyong paaralan

sa lahat ng bata may kapansanan man o wala. Sinusunod ng inyong paaralan ang Kumbensiyon.

Nakakalungkot, mayroon pa ring mga taong hindi parehas ang pagtingin sa mga batang may

kapansanan. Mayroon kang tungkulin upang ang inyong komunidad ay maging parehas. Masisimulan

mo sa loob ng inyong tahanan at loob ng paaralan na maturuan ang mga magulang at guro na baguhin

ang kanilang maling pananaw.

Napakaraming bagay ang iyong magagawa na maturuan ang marami tungkol sa KKTK at makilala ang

potensiya ng mga batang may kapansanan. Halimbawa, puwede mong gawin ang mga sumusunod:

Maging bahagi ng mga organisasyon at kampanyang pang-impormasyon. Malaking lakas ang

ibinibigay ng bilang. Ang isama ang iyong lakas sa iba, makakatulong ka sa local na samahan

ng isang pambansa at pandaigdig na organisasyon.

Bumuo ka ng sariling proyekto. Magsimula ng isang makatawag-pansing programa, maglunsad

ng programa sa pagtitipon ng pondo, magsagawa ng survey (May kakilala k aba na na-maltrato?

Ang inyo bang paaralan ay may hagdan nga ngunit wala naming rampa?). Gumawa ka ng

petisyon na humihinging alisin ang mga sagabal sa pagsusulong ng KKTK.

Bumuo ka ng club na makaktulong palaganapin ang Kumbensiyon. Pagsama-samahin moa ng

mga batang may kani-kanyang kakayahan, magdaos ka ng mga social events imbitado ang mga

kaibigan at bagong kakilala upang sumali sa club. Magkaroon ng kasayahang pampelikula, at

magsalo-salo sa pagkain. Maging masaya at sumaya rin ang iba pa sa pinagsama-samang

kakayahan.

[Pullquote] “Tumindig ka para sa iyong karapatan at ang iba ay titindig ding kasama mo, lahat ng

Page 21: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 21 of 24

bata ay may KAYA na pumasok sa paaralan, KAYA na maglaro, KAYA na maging bahagi ng lahat.

Hindi ito tungkol sa HINDI KO KAYA. Ito’s tungkol sa KAYA KO!” – Victor Santiago Pineda

Magdaos ng mga presentasyon sa inyong paaralan at sa iba pang kalapit-paaralan tungkol sa

karapatan ng mga batang may kapansanan. Gumawa ng mga poster at mga pang-teatro na

palabas upang matulungan mong malaman ng kapwa mag-aaral ang mga karapatan ng mga

batang may kapansanan. Hilingin moa ng tulong ng mga guro at magulang, at planuhin kung

kalian at saan ka maaarinig makapagturo. Anyayahan ang inyong school principal na dumalo sa

presentasyon.

Gumawa kasama ang iyong grupo ng likhang-sining tungkol sa karapatan ng mga batang may

kapansanan. Maaarinig ito’y drowing, painting o nilihok—ano man ang gusto mong gawin na

maaaring gamitin para ibahagi ang iyong alam. Tingnan kung puwede mong i-display o ma-

exhibit sa paaralan ang mga nalikha, sa local na aklatan, galerya o restaurants—kung saan may

tao na maaaring matuwa sa inyong ginawa. Maaari mong ilipat sa iba pang lugar ang inyong

exhibit upang maipabatid ang Kumbensiyon sa hight na maraming tao.

Ibahagi moa ng iyong karanasan at mga napulot na aral sa ibang tao. Isang magandang online

discussion ang inilunsad ng UNICEF’s Voices of Youth kung saan ang sino man ay maaarinig

makipag-ugnayan.

Ang mga ito’y ilan lamang sa mga ideya at mga bagay na maaaring magawa—ang limit ay ang

himpapawid. Hilingin sa mapagkakatiwalaang katandaan ang tulong na buuin ang iyong organisasyon,

at maging masaya!

(SEVERAL ARTWORK)

Title: Rock Bang ng mga Batang may Kapansanan, Valerie de Avola, 13, Italy

Page 22: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 22 of 24

PAGSUSULIT SA INYONG DUNONG

(1) Ilagay ang nawawalang salita

a. Isa sa mga prinsipyo ng Kumbensiyon para sa mga Karapatan ng mga Taong may

Kapansanan at lubos na pakikibahagi at _______________________ sa lipunan.

b. Maraming dating patakaran, kaugalian at gusali na dapat _____________________ upang

matiyal na ang mga batang may kapansanan ay makakapasok sa paaralan, makakapaglaro at

makikibahagi sa mga gampaning gustong gawin ng lahat ng bata.

c. Lahat ng tao ay mayroong __________________________ na karapatan.

d. Ang mga batas ay hindi dapat ____________________________ laban sa mga taong may

kapansanan.

e. Ang _______________________ ay ginagamit sa maraming anyo; maaaring ito’y

nakasulat, sinasalita o insinesenyas.

(2) Ayusin ang mga salita at bumuo ng pangungusap (English)

ew ____________________ rea ____________________ lal ____________________

dan ____________________ entffdeir ____________________ lla ____________________

vhea ____________________ biiities ____________________ deeifrntf

____________________

and ____________________ aehv ____________________ lla ____________________

ew ____________________ het ____________________ igthrs

____________________

Page 23: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 23 of 24

GLOSARYO

Pagtanggap: Pormal na tinanggap (halimbawa, pagtanggap sa kumbensiyon o deklarasyon)

Artikulo: Parapo o seksiyon sa isang legal na dokumento. Ito ay may bilang; pinapadali ng mga bilang

na ito ang paghanap ng impormasyon, gayon din ang pagsulat at pag-uusal tungkol ditto.

Mapantulong na teknolohiya: Kasangkapan sa makabagong teknolohiya na magagamit ng lahat ng

tao mayroon mang kapansanan o wala. Mga kasangkapan na makakatulong at kung wala ito ay

mahihirapan ang may kapansanan, gaya ng wheelchair. Malalaking letra sa monitor para madaling

basahin lalo na kung may kalabuan na ang mata.

Lupon, komite: Grupo ng tao na pinili para sa isang Gawain upang magtulong-tulong sa isang

gampanin para sa kapakanan ng organisasyon.

Komunikasyon: Pagbabahagi ng impormasyon. Nangangahulugan din ito ng pagbasa, pagsasalita at

pagkaunwa gamit ng multimedia.

Kumbensiyon: Kasunduan ng mga bansa na bumuo at sumunod sa pinagkaisahang batas.

Ang Kumbensiyon para sa Karapatan ng mga Bata ay isang kasunduan upang tiyakin na lahat ng bata

ay magtatamasa ng kanilang karapatan bilang miyembro ng lipunan at magkakaroon ng espesyal na

pangangalaga at proteksiyon na kailangan nila bilang bata. Ang Karapatan ng mga Bata ang

pinakatanyag na karapatan sa kasaysayan.

Ang Kumbensiyon para sa Karapatan ng mga Taong may Kapansanan (KKTK) at isang kasunduan na

tumitiyak na lahat ng tao, kabilang ang mga bata na may kapansanan, ay magtatamasa ng lahat nilang

karapatan.

Dignidad: Kinagisnang kahalagahan at karapatang igalang bilang isang tao. Ang pagtuturing na may

dignidad ay nangangahulugang pagtanggap ng marangal na pagtrato.

Diskriminasyon: Pagpupuwera sa isang tao dahil hindi nila gusto o kaya’s may taglay na kapintasan.

Hindi makatarungang pagtrato ng isang tao, o grupo ng tao dahil sa mga kaugnay na kadahilanan:

kulay, lahi, relihiyon, kapansanan at iba pang kauri.

Implementasyon: Ang pagpapatupad ng isang bagay. Ang pagpapatupad sa mga artikulo ng

Kumbensiyon ay nangangahulugan ng realisasyon sa pantay pantay na karaptan ng lahat ng tao.

Kinagisnang dignidad: Dignidad na kasama ng lahat ng tao mula pa sa pagkasilang.

Legal: Umiiral na mga batas.

Muscular dystrophy: isang kondisyong medical kung saan humihina ang kalamnan ng isang tao.

Ratipikasyon: Kapang ang nilagdaan sa Kumbensiyon ay pinagtibay ng isang bansa at ipinatupad sa

bansang iyon. (Niratipika, pagkaratipika, iraratipika.)

Page 24: KAKAYAHAN o ITO'Y TUNGKOL SA KAKAYAHAN - Unicef

Page 24 of 24

Miyembrong Estado: Mga bansang lumagda sa Kumbensiyon.

UNICEF: United Nations Children’s Fund. Ito ang ahensiya ng United Nations na tanging trabaho ay

pangalagaan ang karapatan ng mga bata, kaligtasan, paglaki hanggang magkaisip, proteksiyon, upang

ang mundo ay maging mabuti at ligtas na panirahan sa kapakanan ng mga bata—at nating lahat.

United Nations: Organisasyon ng halos lahat ng bansa. Ang mga pamahalaan ay nagpupulong sa

United Nations sa New York at sama-samang nagtatrabaho para sa kapakanan ng mundo.

Universal Declaration of Human Rights: Nilagdaan noong Disyembre 10, 1948 ng lahat ng bansang

miyembro ng United Nations. Ito ang dokumento ng lahat ng karapatan ng tao sa mundo.