kalikasan at anyo ng komunikasyon
TRANSCRIPT
1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang
kapwa ang kanyang nadarama.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa
sariling pagkatao batay sa perspektiba
ng kanyang kapwa.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo,
dingding, tubig o pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig
sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa
mensaheng kilos o pangyayari.
Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng
pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat
elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa.
1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung
saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung
saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos
o galaw.
1. Kalahok/Partisipante. Tumutukoy sa bawat indibidwal
na sangkot sa proseso ng komunikasyon. Ito ay maaaring tagapagpadala ng mensahe
(sender/source) o tagatanggap ng mensahe
(receiver).
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
2. Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon
na siyang bibigyang kahulugan ng
tagatanggap ng mensahe. Maaari itong berbal at di-
berbal na mensahe.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
3. Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng
mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe. Maaari itong sensory organs at
mediated channels. Ilan sa mga halimbawa ng sensoring daluyan ay ang
pandinig, paningin, at pandama. Samantala, ang pahayagan, pelikula,
radio, telebisyon at Internet ay itunuturing bilang mediated na daluyan.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
4. Ingay o Interference. Ang isang o interference ay elemento ng
komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan
na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sa katunayan, sakop nito ang
pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na
sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
5. Tugon o Feedback. Ito ay elemento ng komunikasyon na
nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng
sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring
berbal (pasalita/pasulat) at di-berbal (simbolo).
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.
Uri ng FeedbackUri ng Feedback
Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng
komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon. Ilan sa mga uri nito: (1) Intrapersonal (1) Intrapersonal na Komunikasyon, (2) Interpersonal na Komunikasyon (3) na Komunikasyon, (2) Interpersonal na Komunikasyon (3)
Komunikasyong Panggrupo, (4) Komunikasyong Komunikasyong Panggrupo, (4) Komunikasyong Pampubliko, (5) Komunikasyong PangmadlaPampubliko, (5) Komunikasyong Pangmadla
LEBEL NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon)
a. Internal na Diskurso b. Isahang Pasulat na Komunikasyon c. Isahang Pasalitang Komunikasyon
LEBEL NG KOMUNIKASYON
2. Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at
Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel
na ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon
ayon kina Verderber.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
3. Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
4. Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na
pormal (planado ang pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit
20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang handa ang
tagapagsalita.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
5. Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe
kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga
tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated
communication. At itinuturing bilang pinakapormal at pinakamagastos na
lebel ng komunikayson.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
• Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o
kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag
ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita, titik
o tunog.
DI-VERBALDI-VERBAL
Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na
kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
1. Kinesika (Kinesics)
Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita,
ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng
gusto nating iparating sa iba.
(kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay)
Ekspresyon ng MukhaNagpapahayag ng pagiging
masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung
umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala
kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may
mga kahulugang ipinapahayag.
Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao,
nag – iiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng
mata.
KumpasAng kamay at ang galaw ng katawan ay maraming
bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol,
magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga
pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may
kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
d. Tindig o Postura
Tindig pa lamang ng isang tao ay
nakapagbibigay na ng hinuha kung
anong klaseng tao ang iyong kaharap o
kausap.
2. Proksemika (Proxemics)
Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya,
isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang
antropologo.
3. Pandama o Paghawak (Haptics)Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng
komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob. Halimbawa:- Pagyakap- Paghaplos
4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto.
- Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.
6. Kapaligiran
Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.
7. Bagay (objectics)
– paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang intensyon at mensahe na
nais iparating ng isang tao.
8. Kulay (Chromatics)
– maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe.
9. Simbulo (Iconics)
– mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp.
Na may mensaheng nais iparating sa mga makakakita
nito.