kalinisang pansarili

Upload: nyren-leal-bernardo

Post on 16-Jul-2015

1.632 views

Category:

Documents


14 download

TRANSCRIPT

Paunang SalitaAng kalinisang pansarili ay mga gawi at kaugaliang pangkalinisan na nagpapanatili ng malusog na katawan at naiiwasan ang pagkakasakit. Ang mabuting kalusugan ay magbibigay ng mas kumpleto at masaganang buhay.

Ang isang malusog na tao ay may lakas para makapagtrabaho at makapaglaro. Ang kalusugan ay nangangahulugan ng mabuting pagiisip at malakas na katawan, hindi lang ang kawalan ng sakit o karamdaman.

Paano Pangangalagaan ang Kalusugan ko?Sinasabing ang KALUSUGAN AY KAYAMANAN

Sa hirap ng buhay, sa mahal ng presyo ng gamot ngayon, laging tandaad na BAWAL MAGKASAKIT

Ano nga ba ang dapat mong gawin? Itanong sa sarili, Paano ko nga ba mapapangalagaan ang Kalusugan ko?

Gawin natin ang mga sumusunod upang malabanan ng ating katawan ang pagkakasakit

1. Maligo araw-araw-sa pamamagitan ng tubig at sabon napapanatili nitong malinis ang ating balat upang mabawasan ang mga mikrobyo na nagiging sanhi ng karamdaman.

2. Maghugas ng-bago

kamay

at matapos kumain, pagkatapos gumamit ng palikuran, o kapag marumi ito. Maraming nakakapaminsalang mikrobyo ang dumidikit sa ating kamay kaya kinakailangang sabunin ito at banlawang mabuti.

3. Maglinis ng taingamaalis ang alikabok at mikrobyo. Ang ating tainga natin ay may maliliit na buhok sa loob. Dumidikit ang mga mikrobyo dito.-upang

Pangangalaga sa ating TaingaPaglilinis ng Tainga

Tama

Mali

Linisin loob at labas ng tainga gamit ang malinis na bimpo na dinampian ng malinis tubig.

4.

Maghilamos ng mukha-panatilihing malinis lagi ang mukha. Pinoprotektahan tayo ng ating mga mata at ilong laban sa mikrobyo. Hinuhugasan ng ating luha ang mga alikabok at mikrobyo habang ang mga buhok sa ilong natin ay sinasala ang mga alikabok na ating nalalanghap.

1. Hugasan ang mga kamay upang maalis ang mga dumi na kumapit dito. 2. Basain ang mukha ng malinis na tubig, lagyan ng sabon ang kamay at marahang ikuskos sa mukha na parang gumagawa ng bilog. 3. Huwag kalimutang sabunin ang ilong at leeg. 4. Banlawang mabuti ng malinis n tubig at tuyuin gamit ang malinis na bimpo.

5. Magsipilyo ng ngipin-tatlong beses isang araw o tuwing matapos kumain.

6. Magsuot ng tsinelas-ang pagsusuot ng panapin sa paa ay nagsisilbing protekta upang hindi tayo mapasukan ng mikrobyo at bulate lalu na kung may sugat.

7. Mag-gupit ng kuko-ugaliin nang gawin ito, ang mahabang kuko ay nagiging sanhi din ng pagkakasakit dahil sumisiksik ang mga dumi at mikrobyo dito.

8. Magpalit ng malinis na damit-pati damit panloob matapos maligo. Ang maruming damit ay sanhi din ng mga mikrobyo na maaari kumapit sa ating katawan.

Dapat lagig malinis ang ating kapaligiran at ang ating katawan upang maiwasan ang bulate. Huwag maglakad sa kalye ng nakapaa. Takpan parati ang mga pagkain upang hindi dapuan ng langaw. Ang karne tulad ng baboy at baka ay kinakailangang lutuin ng mabuti bago kainin.

Tandaan!Ang bulate o itlog nito ay maaaring makapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ating bibig. Ang bulate ay nakakapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng butas sa ating katawan.

Kinakain din ng mga bulate na nasa bituka natin ang pagkaing kinain natin. Ito ang nagiging dahilan upang tayo ay manghina. Ang ibang bulate ay kumakabit sa ating bituka at sumisipsip ng dugo, ang iba naman ay pumupunta sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng atay o puso.

Tandaan!Ang mikrobyo ay madaling magpalipat-lipat sa ibatibang tao o sa iba t ibang lugar. Kung hindi tayo magiingat, ang mga mikrobyo ay maaaring makapasok sa ating katawan na sanhi ng ating pagkakasakit.

Kailangan nating takpan ang ating bibig o gumamit ng panyo sa tuwing tayo ay uubo o babahing-kung ikaw ay may sipon at bumahing ng hindi nagtatakip ng bibig, ang mga mikrobyo ay liliparin ng hangin. Ito ay maaaring malanghap ng ibang tao at mahawa sa sakit.TAMANG GAWAIN MALING GAWAIN

Kailangan nating iwasan ang panghihiram ng damit o gamit ng ibang tao-ang damit ay kinakapitan din ng mikrobyo lalo na kung ang may-ari ay may sakit na nakakahawa, ito ay maaaring maipasa sayo.

Ano mang karamdaman ay maaari ding manggaling sa ating kapabayaan kaya upang maiwasan natin ang sakit sa ating katawan, sikaping maging malinis sa lahat ng bagay.

MARAMING SALAMAT SA INYO

Ang Kalinisan at Kalusugan ay nasa inyong mga Kamay