karapatan mo, alamin at i ipaglaban mo -...

10
H E K A S I 6 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KARAPATAN MO, ALAMIN AT IPAGLABAN MO Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Upload: truongbao

Post on 06-Feb-2018

321 views

Category:

Documents


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

H E K A S I

6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

KARAPATAN MO, ALAMIN AT IPAGLABAN MO

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

1

GRADE VI

KARAPATAN MO, ALAMIN AT IPAGLABAN MO

Alam mo ba ang iyong mga karapatan? Mahalagang malaman mo ang

iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa at wastong pakikitungo mo sa mundong iyong kinabibilangan at ginagalawan.

Sa araling ito, matutuhan mo ang iyong mga karapatan na dapat mong

matamasa. Handa ka na ba? Iyong Alamin!

ALAMIN MO

Page 4: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

2

Alin sa mga sumusunod ang tinatamasa o nagagawa mo nang malaya.

Isulat ang (√ ) kung tinatamasa mo at ekis ( x ) kung hindi sa iyong notebook.

_____ 1. Panonood ng telebisyon _____ 2. Paglalaro at paglilibang _____ 3. Pagsasabi ng nasa kalooban _____ 4. Pagbabasa ng aklat at dyaryo _____ 5. Pag-uwi ng bahay ng hatinggabi _____ 6. Pagbubukas ng liham ng iba _____ 7. Pag-alis ng bahay nang walang paalam _____ 8. Pagmamahal at pagaaruga ng magulang _____ 9. Panonood ng telebisyon hanggang alas dose ng gabi. _____10. Pagsama sa barkadang may bisyo.

Pag-aralan ang nakalarawan. Ang nakikita mo sa larawan ay ang Saligang Batas ng ating bansa.

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

Page 5: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

3

Ito ay ang Saligang Batas ng ating bansa. Sa Artikulo III nito nakatala ang mga karapatang dapat nating matamasa. Pinamagatan itong “Kalipunan ng mga Karapatan” o “Bill of Rights”. Alin kaya sa mga karapatang ito ang tinatamasa mo ngayon?

Masdan at pag-aralan ang mga larawan.

Anu-ano ang mga karapatang ipinakikita sa larawan?

Basahin mo:

Nakapag-aaral tayo sa alinmang paaralan na gusto nating pasukin. Nakapaghahalal tayo ng mga pinunong nais nating manungkulan sa pamamagitan ng matalinong pagboto. Nakapagpapahayag tayo ng ating karaingan sa kinauukulan at nakalalahok tayo nang malaya sa mga pagtipun-tipon.

Anong mga karapatan ang ipinakikita sa larawan. Suriin ang mga ito.

Larawan A Larawan B

Page 6: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

4

Basahin mo:

Ang pangtatanggol sa sarili ay isa ring karapatan ng tao. Hindi maaaring

hatulan ang taong nasasakdal ng walang paglilitis. Maaari rin siyang kumuha ng tagapagtanggol. Sa Larawan B may karapatan din ang tao na gumanap ng tungkuling pambayan.

Sa larawang ito, Ano ang mga karapatang ang iyong nakikita?

Basahin:

May karapatan din tayong pumili ng nais nating relihiyon? Ikaw ano ang

iyong relihiyon? Ang pagkakaroon ng ari-arian tulad ng lupa at bahay ay isa rin karapatan. Walang sinuman na maaaring kumuha ng ari-arian ng ibang tao nang walang sapat na dahilan at di-naayon sa batas. Narito pa ang iba pang karapatan na tinatamasa ng mga mamamayan sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.

• Karapatan sa malaya at payapang pamumuhay • Karapatan laban sa di-makatuwirang paghahalughog at pagsamsam.

Walang sinuman maaari maghalughog ng inyong bahay maliban kung may mayroon silang “search warrant” mula sa korte. Di rin maaaring dakpin ang isang tao kung walang “warrant of arrest” ng korte

• Karapatan sa lihim ng komunikasyon. Walang karapatan ang sinuman na magbukas at bumasa ng liham ng iba maliban sa legal na utos ng hukuman.

Page 7: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

5

Ngayon alam mo na ang iyong mga karapatan, dapat mong itaguyod at tamasahin nang maayos dahil ang mga ito ay nagbibigay proteksiyon at pagpapahalaga sa ating pagkatao. Walang sinuman ang maaaring humadlang sa mga karapatang ito sapagkat ito’y paglabag sa Konstitusyon natin. Ngunit tandaan mo na bawat karapatan ay may katapat na tungkulin.

Tingnan ko kung may natutuhan ka sa iyong binasa. Sagutin ng T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Ang karapatan ng mamamayang Pilipino ay itinakda ng Artikulo III

ng Saligang Batas, !987 _____2. Walang karapatan ang nagkasala sa batas. _____3. Ang karapatan ay nababatay sa kagustuhan ng pinuno. _____4. Walang sinuman na maaring umangkin sa ari-arian ng isang tao

nang walang sapat na dahilan at di-naaayon sa na batas. _____5. May karapatan tayong buksan ang sulat o liham ng iba.

• May ibat-ibang karapatan tinatamasa ang mamamayang Pilipino. • Ang”Kalipunan ng mga Karapatan” ay nakatakda sa Artikulo III ng

Saligang Batas ng Pilipinas.

Bilang isang mamamayang Pilipino, may mga karapatan kang tinatamasa sa iyong bayan: tulad ng karapatang makapag-aral, karapatang makapaglaro at maglibang, karapatang magsalita at iba pa. Paano mo gagamitin ang mga karapatang ito? Isulat mo ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

PAGSANAYAN MO

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 8: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

6

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagtatamasa ng

karapatan? Iguhit kung tama at kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa

kuwaderno.

_____1. Nais ninyong iparating sa mayor ang inyong mga karaingan kaya’t humingi kayo ng pahintulot para mag-rally. Binigyan naman kayo?

_____2. Ayaw kang pag-aralin ngiyong ina dahil walang mag-aalaga sa iyong bunsong kapatid.

_____3. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na ng ibinigay sa iyo. _____4. Gumawa ng kalsada sa inyong lugar. Madadamay ang lupa ng lola

mo. Pumayag siya at binayaran siya ng pamahalaan. _____5. Katulong si Nena ni Dr. Reyes. Siya ay pinapayagang mag-aral sa

hapon. _____6. Ang magpahayag ng karaingan sa pamahalaan ay isang tungkulin. _____7. Ang paglahok sa mga rally at demonstrasyon ay labag sa batas. _____8. Maaaring magtayo ng tirahan sa alinmang bakanteng lupa o sa pook

na maibigan ng tao. _____9. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga taong nagsasalita laban sa

pamahalaan. _____10. Napagbintangan si Mang Lito na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad

siyang hinuli at ikinulong.

A. Anong karapatan ang tinatamasa ng tao sa sumusunod ng pangyayari? Piliin ang titik ng tamang sagot sa talaan sa ibaba. Isulat sa iyong notebook ang titik ng tamang sagot.

1. Nagtipun-tipon sa harap ng pabrika ang mga manggagawa upang

iparating ang kanilanng karaingan. 2. Dating Protestante si Ana ngunit nahikayat siya na maging katoliko ng

kanyang kaibigan.

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 9: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

7

3. Nakabili ng lupa sa Tagaytay si Rudy upang pagtayuan niya ng bahay bakasyunan.

4. Pinapasok ni Aling Marin gang kanyang katulong sa paaralan upang matutong bumasa at sumulat.

5. Lumopat ng tirahan ang pamilya ni G. Baltazar sa bayan ng San Jose dahil tahimik ang lugar dito.

A. Karapatang mabuhay nang tahimik B. Karapatang magtipun-tipon C. Karapatang magkaroon ng ari-arian D. Karapatang makapag-aral E. Karapatang makapaglibang F. Karapatang pumili ng relihiyon

B. Basahin at unawain. Sabihin kung ano karapatang nalabag. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Wala ang iyong ate, nang dumating ang kartero. Isang pakete ang

dala-dala niya para sa kanya. Sabik kang malaman ang laman nito kaya dali-dali kang umakyat ng bahay at binuksan ang kahon.

Tama ba ito? Bakit? 2. Galing sa Samar ang mag-anak ni Mang Pedro. Wala silang tirahan

sa Maynil: Isang bakanteng lupa ang nakita nila. Kaagad silang nagtayo ng kanilang barung-barong.

Tama ba si Mang Pedro? Bakit?

Gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita ng mga karapatang iyong tinatamasa sa inyong pamayanan o sa inyong paaralan. Sa bawat karapatan, isulat ang iyong tungkulin sa dapat gawin o gampanan.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Page 10: KARAPATAN MO, ALAMIN AT I IPAGLABAN MO - LRMDSdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/30karapatan_mo... · iyong mga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa

8