kas2 outline

5
Maria Angela H. Mariano 2010-33374 Kas2- Ang Asya at ang Daigdig PAKSA 8: Pag-aaklas tungo kasarinlan sa bawat rehiyon sa SILANGANG ASYA A. HAPON ● 2 Bahagi ng Kasaysayan: (transisyon mula sa lipunang peudal ng Hapon tungo sa isang kapitalistang sistema) 1. Panahon ng Shogunatong Tokugawa (1603-1867)- Tokugawa Leyasu 2. ”Meiji Restoration” at ang Pag-unlad ng Hapon bilang isang bansang Imperyalista Emperor Meiji ● Mga Pinakamahahalagang Pangyayari sa Proseso ng Pagbabago ng Hapon: 1. Sentralisasyon sa Peudalismo ng Tokugawa a. Isolation Policy- pagbabawal ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan dahil sa takot ng mga namumuno na mabahiran ng ibang relihiyon ang kanilang paniniwala. b. Naggkaroon ng isang siyudad lamang na kapitolyo, ang Edo, at ang mga miyembro ng uring maharlika (nobility) ay nahati sa 2 grupo: ang Fudai Daimyo o mga ksapi ng liping Tokugawa na siyang may matataas na tungkulin sa pamahalaan (Bakufu) at ang mga Tozama o ang mga maharlika na nakatira sa labas ng siyudad. k. Paglakas ng Ideolohiyang Peudal: Neo-Confucianismo (pagtingin sa kalikasang maayos-may repleksyon sa mga relasyong sosyal: pesante-mangangalakal; artisano- mag-aaral; matanda-bata; magulang-anak; at iba pa) at Bushido (coda o alituntunin ng mga mandirigma na pinaiiral ang pagsunod nang pikit-mata sa ipinag-uutos ng nakakataas at ipinagbabawal ang marangyang pamumuhay). d. Pagbabago sa kabuhayan - paglaki ng produksyon na nakatulong sa paglakas ng Chonin (uring mangangalakal) - pagluwag ng kalsada, sistema ng komunikasyon, agrikultura, populasyon - sistema ng pera - woodblock printing at makabagong teknik ng paghahabi at pagpipinta - pangungutang ng mga Samurai sa mga Chonin - pagbabayad ng puwis ng mga pesante 2. Paghina ng Tokugawa at Pagbabalik sa Emperador na Meiji a. Diplomasyang Gunboat ng mga Kanluranin- naging dahilan ito upang ang mga Tozama (na kabilang sa mga liping Satsuma, Hizen, Toza, at Chosun) ay nagkaisa upang patalsikin ang Tokugawa. Ginawa nilang katwiran na kung hindi sila kikilos ay makakapasok ang mga dayuhan. Kaya’t kanilang isinigaw ang Sonnu Joi- ”Igalang ang Emperador at patalsikin ang mga barbaro”, at Isshin- ”Ibalik ang nakalipas!” b. Mga patakaran sa pagtatatag ng industriya- sa pamamaraan ng pagbubuwis (taxation policy), nakalikom ng kapital na naibigay sa uring burgesya. Naging

Upload: angela

Post on 10-Apr-2015

578 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kas2 Outline

Maria Angela H. Mariano2010-33374Kas2- Ang Asya at ang Daigdig

PAKSA 8: Pag-aaklas tungo kasarinlan sa bawat rehiyon sa SILANGANG ASYA

A. HAPON

● 2 Bahagi ng Kasaysayan: (transisyon mula sa lipunang peudal ng Hapon tungo sa isang kapitalistang sistema)1. Panahon ng Shogunatong Tokugawa (1603-1867)- Tokugawa Leyasu2. ”Meiji Restoration” at ang Pag-unlad ng Hapon bilang isang bansang Imperyalista – Emperor Meiji

● Mga Pinakamahahalagang Pangyayari sa Proseso ng Pagbabago ng Hapon:

1. Sentralisasyon sa Peudalismo ng Tokugawaa. Isolation Policy- pagbabawal ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan dahil sa takot ng mga namumuno na mabahiran ng ibang relihiyon ang kanilang paniniwala.

b. Naggkaroon ng isang siyudad lamang na kapitolyo, ang Edo, at ang mga miyembro ng uring maharlika (nobility) ay nahati sa 2 grupo: ang Fudai Daimyo o mga ksapi ng liping Tokugawa na siyang may matataas na tungkulin sa pamahalaan (Bakufu) at ang mga Tozama o ang mga maharlika na nakatira sa labas ng siyudad.

k. Paglakas ng Ideolohiyang Peudal: Neo-Confucianismo (pagtingin sa kalikasang maayos-may repleksyon sa mga relasyong sosyal: pesante-mangangalakal; artisano-mag-aaral; matanda-bata; magulang-anak; at iba pa) at Bushido (coda o alituntunin ng mga mandirigma na pinaiiral ang pagsunod nang pikit-mata sa ipinag-uutos ng nakakataas at ipinagbabawal ang marangyang pamumuhay).

d. Pagbabago sa kabuhayan- paglaki ng produksyon na nakatulong sa paglakas ng Chonin (uring mangangalakal)- pagluwag ng kalsada, sistema ng komunikasyon, agrikultura, populasyon- sistema ng pera- woodblock printing at makabagong teknik ng paghahabi at pagpipinta- pangungutang ng mga Samurai sa mga Chonin- pagbabayad ng puwis ng mga pesante

2. Paghina ng Tokugawa at Pagbabalik sa Emperador na Meiji

a. Diplomasyang Gunboat ng mga Kanluranin- naging dahilan ito upang ang mga Tozama (na kabilang sa mga liping Satsuma, Hizen, Toza, at Chosun) ay nagkaisa upang patalsikin ang Tokugawa. Ginawa nilang katwiran na kung hindi sila kikilos ay makakapasok ang mga dayuhan. Kaya’t kanilang isinigaw ang Sonnu Joi- ”Igalang ang Emperador at patalsikin ang mga barbaro”, at Isshin- ”Ibalik ang nakalipas!”

b. Mga patakaran sa pagtatatag ng industriya- sa pamamaraan ng pagbubuwis (taxation policy), nakalikom ng kapital na naibigay sa uring burgesya. Naging mahalaga ito nuong una sapagkat ang uring mangangalakal (burgesya) ay konserbatibo kung pag-uusapan ang pagpasok nila sa pamumuhunang di sigurado.

k. Patakaran sa Edukasyon at Pulitka- ang pamamaraang pulitikal ay kinopya sa Prussia na militarista rin ang sistema; upang pabilisin ang siyentipikong kaalaman, ipinag-utos ang pag-aaral ng lahat ng mamamayan.

d. Pananakop ng Imperyalistang Hapon- maiuugnay sa mga panloob na ’development’ na ito ng kanyang kapitalismo. Ginagamit ng Japan ang isang nasyonalismong ’chauvinist’, na kunwa’y Hapon ang lider ng buong Asya, upang makuha niya ang mga hilaw na sangkap at likas na kayamanan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.

Page 2: Kas2 Outline

B. TSINA

● Bago 1919

a. Ang Silangang Asya, lalong lalo na ang Tsina, ang huling baitang ng pandaigdig na pananakop ng Europa. Ang mga Eurpeo sa Asya ay nakasentro sa pagkontrol sa mga likas na kayamanan ng Tsina. Tsina ang siyang isa sa mga huling lugar na hindi pa napagpapasiyahan ang dibisyong kolonyal.

b. Ang labanan ng Tsina at Europa ay napapaluob sa maraming larangan. Ang pananaw na pandaigdig o ideolohiya- sa isang panig, ang huling baitang g peudalismo sa Tsina sa pamumuno ng mga Manchu at sa kabilang panig, ng agresibong burgis na galing Europa.

k. Banggaan ng mga dayuhan at Tsino na magiging sistema ng kasaysayan ng Tsina. Sa 1919, lilitaw ang Kilusang Mayo Kuwatro kung saan magkakaroon ng bagong perspektibong pulitikal na di na batay sa sinaunang Confucianismo kung hindi sa Marxismo-Leninismo.

d. Epekto ng paglusob ng mga Kanluranin sa panluob na development ng Tsina-pagkagiba ng tradisyunal na ekonomiya ng pretty commodity producers at mga artisano -paglawak ng ekonomiyang batay sa kalalakal ng seda at tela

e. Ang sistema ng pagsasamantala ng mga dayuhan-settlements (natatag sa bisa ng mga Tratado) *isang lugar na napagkasunduang

tirahan ng mga dayuhang konsul at matataas na opisyal na maaring mag-upa ng lupa mula sa mga Intsik. Hal. Shanghai

-konsesyon * isang lugar na ibinigay ng pamahalaang Intsik sa ibang bansa sa walang tiyak na bilang ng taon (perpetual lease). Hal. Konsesyon ng mga Ingles sa Tientsin

-dayuhang utang at puhunan *paglaki ng dayuhang puhunan sa Tsina na umabot sa $ 183,814,000. hal. Bilang bayad-pinsala noong Rebelyong Boxer, nagkaroon ng utang ang Tsina na $ 333,900,000. Dahil sa laki ng utang, pinatakbo halos ang Tsina ng mga imperyalista sa kanilang ”sphere of interests”

-paggamit sa mga Tsino bilang ’coolie’ at mersenaryo * mga manggagawang Tsino (coolie) ay kinikidnap at ibinebenta ng mga dayuhan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Hal. 1852, mahigit 400 coolie ang dinala mula sa Amoy hanggang San Francisco sa barkong Robert Brown

-pagpasok ng Kontrabandong Opyo *hinahawakn ng isang grupo (Co-Hong) ang pakikipag-ugnayang ekonomiko ng Tsina noon, ngunit ang Digmaang Opyo ang ginamit ng mga Ingles upang patalsikin ang Co-Hong at humingi ng maraming konsesyon kasama na ang pangongolekta ng buwis na dapat sana ay tumungo sa kabang-bayan.

f. Pinakamahahalagang pag-aalsa

-Digmaang Opyo (1842) *ang kanuna-unahang digmaag Anglo-Chinese na nagsimula nang mag-import ang mga British ng opyo sa Tsina. Nang tuluyan na itong ipinagbawal ng gobyernong Qing, nagsimula na ang digmaan. Natalo ang Tsina, at nagkaroon ng Treaty of Nanjing, kung saan isinuko ng Tsina ang Hong Kong sa Japan, ipinagwalang bahala ng lisensyadong sistema ng kalakarang monopolya, at pagkakaroon ng malaking utang

-Rebelyong Tai Ping (1851-1873)*pinamunuan ni Hong Xiuquan na isang guro ang mga anti-Manchu at mga pesante ; prinoklama ang sarili bilang hari ng Tai Ping ; naglalayon ang rebelyon na itong palayain ang mga pesante mula sa pang-aalipin, opyo, ‘judicial torture’, at ang mabigyan sila ng sariling lupa

-Rebelyong Moslem sa Yunnan (1855-1873)

Page 3: Kas2 Outline

*paglaban ng mga Muslim at Tsinong minero na tumagal ng halos 20 taon. Ang mga Muslim ay pinagsusunog ang mga templo at monasteryo ng Tsino at pinagbabagsak ang mga gusali at tirahan, samantalang pinagpapatay naman ng mga Tsino ng mga lalaki, babae, at batang Muslim sa Dali, ang nuo’y kapital ng mga Muslim sa Tsina.

-Rebelyon sa Hilagang Kanluran (1862-1873)* Self-Strengthening Movement na pinangunahan ni Emperor Tongzhi sa tulong ng kanyang inang si Empress Dowager Ci Xi, kung saan naglalayon itong ibalik ang tradisyonal na order ng Tsina na minsang nawala nang nagakaroon ng digmaang Opyo

-Rebelyong Boxer (1900)* dating kilala bilang Yihetuan o ’Society of Rghteousness and Harmony’; pinasiumalan ng mga konserbatibo na taliwas ang mga paniniwala sa Kristiyanismo. Dahil dito, pinagsusunog nila ang mga misyonaryo at pinagpapatay ang mga Kristyanong Tsino.

-Rebolusyong Burgis-Demokrata (1911)*ang tumapos sa dinastiyang Manchu: pinamunuan ni Yuan Shih K’ai ; nag-umpisa ito bilang insureksyon sa Wuchang ngunit hindi nakayanan ang pagtatatag ng sentralisadong pamahalaan dahilan sa paglakas ng mga warlord (Tuchun) sa mga probinsya, na nakikipagkuntsaba sa mga dayuhang imperyalista. Kaya naging mahirap para sa Republika na matatag o mapalakas ang pagkakaisa ng mga tao sa ilalim nito.

● Mula 1919 Hanggang sa Kumperensiya ng Bandung

*6 na Piryod Batay sa mga Pulitikal na Pangyayari na nakasentro sa Digmaang Sibil ng Tsina:

1. Kilusang Mayo Kuwatro (1919-1921)- nang maglaon ay nakilala bilang ’New Culture Movement’, pag-aaklas ng mga estudyante sa laban sa gobyerno ng Beijing at ng Japan kung saan ang mga estudyanteng nagbalik mula sa ibang bansa ay ipinaglaban ang sosyalismo sa tuluyang westernisasyon ng Tsina. Nagkaroon ng pag-aaral sa mga pilosopiya nina Bergson, Kant at Mrx; kinumbida sa Tsina sina Bertrand Rsell, rabindranath Tagore, at John Dewey.

2. Unang Digmaang Sibil at Rebolusyon (1921-1926)- magbabagong tatag ang Kuomintang (KMT) ng naaayon sa istruktura ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet sa pamamagitan ng mga ahenteng nagmula sa Komintern, ang pandaigdig na organisasyon ng Komunismo. Ang mga komunista ay uubusin ng KMT sa masaker sa Shanghai (1927) dahil sa pag-ayaw ni Sun Yat Sen na siyang tagapangulo ng KMT.

3. Himagsikang Agraryo (1927-1937)- pagpapaligid sa mga siyudad mula sa mga kabukiran at bundok. Nangangahulugan ito ng paglaban sa mga panginoong may-lupa sa isang rebolusyong agraryo (reporma sa lupa).

4. Digmaan laban sa Hapon (1938-1945)- paglusob ng mga Hapon sa Tsina sa pagnanais nito ng mga hilaw na materyales at paglaki ng kanilang populasyon sa Manchuria. Nagtatag ang KMT muli ng isang nagkakaisang hanay o United Front.Mahalagang bahagi ng kaisipang Mao Tse Tung ang: pagtingin sa imperyalismo bilang pangunahing kalaban sa isang bansang kolonyal at mala-kolonyal; ang mga kalaban: imperyalista, komprador o ahenteng negosyante ng mga imperyalista at burukrata kapitalista o mga opisyal ng pamahalaang ginagamit ang kanilang tungkulin upang yumaman.

5. Digmaan Para Liberasyon (1946-1949)- nabigyan ng kabuuan ang teorya ni Mao Tse Tung ukol sa kung paanong mararating ang sosyalismo- ito ay dadaan muna sa isang antas na tatawaging Bago o Pambansang Demokrasya, upang patatagin ang sistema, magkakaroon ng Rebolusyong Pangagrikultura.

6. Pagtatatag ng Sosyalismo, unang baitang (1950-1955)- ang Tsina ay nag-eeksperimento pa rin ng tamang paraan upang marating ang sosyalismo at ito ang dahilan ng labanan ukol sa kawastuhan ng Rebolusyong Kultural nuong 1966 at ang paglaban dito ng kasalukuyang liderato- ang paglilitis sa ”Gang ng Apat” mula noong 1976.

Page 4: Kas2 Outline

K. KOREA

● Mahahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Korea:

1. Paghina ng Dinastiyang Yi-panghihimasok ng mga Manchu na nuon ay kumuha sa Tsina-patakaran ng paghiwalay (isolation) na nagsara sa kanyang mga mata upang matuklasan

ang pag-unlad sa labas ng Korea-oposisyon at rebelyon laban sa Dinastiya na kinakatawan ng Rebelyong Tonghak

2. Pagsakop ng Hapon at paggamit sa Korea bilang kolonya at Base Militar sa operasyon sa Mainland

3. Ang Kilusang Marso Uno, 1919-umpisa ng kilusang nasyonalista laban sa Imperyalismo*ang mga Koreanong nasa Manchuria at Shanghai ay nag-organisa at kumuha ng inspirasyon sa gayun ding kilusan ng Tsina at Rusya. Ito ang ugat ng kilusang Komunista na pinamunuan ni Kim II Sungat kilusang nasyonalista liberal na pinamunuan ni Syngman Rhee. Patuloy ang paligsahan ng Timog at Hilagang Korea. Gayun pa man, may ilang mga pagtatangka ng mga kabataang lider Koreano na pag-isahing muli ang kanilang bansa.

D. TAIWAN

● Mahahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Taiwan:

1. Paglusob ni Cheng Cheng-kung ng Dinastiyang Ming sa mga Dutch (1662)- sa panahong ito, hindi pa sakop ng Tsina ang Taiwan, dahil sa obserbasyon ng ng Dutch East Indies Company na walang administratibong istrukutura ng Chinese Imperial Government sa bansa.

2. Pag-aangkin ng mga Pranses sa hilagang bahagi ng Taiwan (1884-1885)- "Every three years an uprising, every five years a rebellion."

3. Pagdeklara sa Taiwan bilang ’probinsya’ ng Tsina (1887)- dineklara ng imperyo ng Manchu na probinsya nito ang Taiwan dahil sa takot na pag-aangin ditto ng mga Hapon na kasalukuyang pinapalawig ang kanilang impluwensiya sa Timog.

4. Pagkatalo ng Tsina sa Sino-Japanese War at pag-angkin ng Hapon sa Taiwan- dahil ditto nagawa ang Treaty of Shimonoseki, kung saan ibinigay na ng Tsin ang Taiwan sa ilalim ng pamumuno ng mga Hapon nang tuluyan.

5. Ang Republika ng Taiwan- ang unang malayang republika sa Asya (May 25, 1895)

6. Paglusob ng Hapon sa Tainan, pagbagsak ng republika (May 29, 1895)

7. February 28 Incident of 1947- Holocaust ng Taiwan-pamumuno ni Chiang Kai shek sa Taiwan matapos ang WWII- lihim na pagpapadala ng

Kuomintang ng mga troops mula Tsina-pagkamatay ng humigit-kumulang 28,000 Taiwanese, kabilang na ang mga iskolar,

abogado, at doktor

8. Pagdeklara ni Chiang Kai shek ng Martial Law (1949)

9. San Francisco Peace Treaty (1952)

Sanggunian:Salazar, et. al. Kabihasnang Asyano (1990)Cordier, et. al. History of World Peoples (1954)Sui-fei Yen, Sophia. Taiwan in China’s Foreign Relations (1965)Ballantine, Joseph. Formosa (1952)