kasaysayan ng dulang pilipino
TRANSCRIPT
KASAYSAYAN_NG_DULANG_PILIPINO
ANO NGA BA ANG DULA O DRAMA?
DULA
Ito ay nag- ugat sa salitang GRIYEGO na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan
UNA…Ayon kay SEBASTIAN ay nagsimula
noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano.
Idinagdag pa ni TIONGSON na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterization", at "internal conflict."
Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan
IKALAWA…
Sa kabilang dako, ayon sa mga libro, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.
Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino.
MEMISES ay ang pagbibigay buhay ng aktor o aktres sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula
PILIPINONG DULA Dito ipinapakita ang mga katutubong
kultura, paniniwala, at tradisyon.
Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.
Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop.
Ayon kay CASANOVA, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.
Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katututbo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.
Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, atbp.
Bago dumating ang mga dayuhang mamnanakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.
MGA URI NG DULANG PILIPINO
MGA KATUTUBONG DULA
Bikal at Balak Karilyo Bayok at Embayoka Kasayatan Dallot Pamanhikan Dung-aw Hugas Kalawang Dalling-Daling
MGA DULA SA PANAHON NG KASTILA
Moro-Moro Senakulo Karagatan Duplo Salubong Paglakad ng Estrella at ng Birhen Pinetencia Carillo
Puteje Juego de Prenda Bulaklakan Pananapatan Moriones Dalit Alay (Flores de Mayo) Pangangaluluwa Panunuluyan Tibag Santacrusan Papuri/Putong
Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng panankop ng mga Amerikano.
Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon.
Ang Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas bagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula.
Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolikismo sa kapuluan.
TAKDANG ARALIN1. Ano ang Dula?2. Ano ang tatlong Uri ng Dula3. Ano ang Tatlong bahagi ng Dula?4. Ano ang mga Uri ng Dula?5. Ano ang mga Sangkap ng Dula?6. Ano ang mga Elemento ng Dula?