kasaysayan ng pambansang wika sa panahon ng pagsasarili

12
Kasaysayan ng Pambansang Wika saPanahon ngPagsasarili

Upload: scps

Post on 15-Apr-2017

16.608 views

Category:

Education


533 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

Kasaysayan ng Pambansang

Wika saPanahon ngPagsasarili

Page 2: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI
Page 3: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

• Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570.

• Sa panahong ito na balam na naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.

Page 4: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

• Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.

•Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.

Page 5: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsang Linggong Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19).

Page 6: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.

Page 7: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito.

•Lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino.

•Ang mga dokumentong pang gobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasapporte at visa ay nakasaad sa Pilipino.

Page 8: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Ginamit rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon sa panahong ito.

•Ginamit rin ang wikang Pilipino sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo.

Page 9: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.

•Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag tatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.

Page 10: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 nanag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyon ng pamahalaan.

•Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggong Wika.

Page 11: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Sakabila ng mga pagbabagong ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sektorang Pilipino ang wikang Pambansa.

•Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kombensyong Konstitusyunal

Page 12: Kasaysayan ng Pambansang Wika sa PANAHON NG PAGSASARILI

•Naging mainit na isyu ang probisyong pang wika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aaral ay ang probisyong Seksiyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas.

•Samantalang ang “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”