kautusan mula sa opisyal ng kalusugan …...kautusan mula sa opisyal ng kalusugan ng county ng...

23
Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 1 of 23 KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN BLG. 20-14 KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN NG COUNTY NG ALAMEDA NA NAG-AATAS SA LAHAT NG TAO SA COUNTY NA IPAGPATULOY ANG PAGSUNOD SA IPINATUTUPAD NA MGA PAMAMARAAN NG PAGDIDISTANSYA SA KAPWA ( SOCIAL DISTANCING) AT IBA PANG KINAKAILANGANG PAGHIHIGPIT UPANG SUGPUIN ANG PAGKALAT NG SAKIT NA COVID-19 PETSA NG KAUTUSAN: IKA-5 NG HUNYO, 2020 Buod ng Kautusan: Ang Kautusang ito mula sa Opisyal ng Kalusugang Pampubliko ng County ng Alameda ay nagpapanatili sa mga ipinatutupad na paghihigpit sa pagkilos at mga pagtitipong pampubliko at pribado na itinakda ng Kautusang Manatili sa Sariling Lugar (Shelter in Place Order) mula sa Opisyal ng Kalusugan na inilabas noong Ika-18 ng Mayo, 2020. Gayunman, dahil sa patuloy na pagsulong tungo sa mabisang pagsugpo ng pagkalat ng sakit na COVID-19 sa County ng Alameda at sa mga karatig-bayan, pinahihintulutan ng Kautusang ito ang ilang karagdagang negosyo, mga gawaing pampaglilibang, panlipunan, at pangkultura na manumbalik sa kanilang mga gawain. Ang Kautusan ay: 1. Nagpapahintulot sa mga taong mula sa iba’t ibang tahanan/pamamahay o tirahan na magkaroon ng maliit na pagtitipong gagawin sa labas, sa ilalim ng ilang kondisyon; 2. Nagpapahintulot sa mga tagapag-alaga ng bata na makapagbigay ng serbisyo ng pangangalaga sa lahat ng bata, hindi lamang sa mga anak ng mga esensyal na manggagawa o essential worker, at nagtatakda ng mga kondisyong sumasakop sa panunumbalik ng ekstra-kurikular na mga gawaing pangkabataan o youth extracurricular activities; 3. Nagpapahintulot sa mga institusyong pang-edukasyon na makapagbigay ng mga internship para sa trabaho at mga programang pathways; 4. Nagpapahintulot sa mga aklatan na magbukas para sa pagkuha ng mga libro at iba pang media sa labas o sa tabi ng kalsada; 5. Pumapalit sa pagtatakda ng Dating Kautusan hinggil sa Pamamaraan ng Pagdidistanya sa Kapwa o Social Distancing Protocol na may Plano ng Pangangalagang Partikular sa Lugar o Site-Specific Protection Plan (Appendix A) para sa mga negosyong pinapayagang manatiling bukas sa ilalim ng Kautusan; at 6. Nagpapahintulot sa ilang negosyong nagbibigay ng serbisyong may limitadong kontak o pakikipaghalubilo sa kapwa-tao na makapagpanumbalik ng kanilang operasyon, kabilang na ang pag-aayos ng kagamitan o appliance at serbisyong pet grooming

Upload: others

Post on 14-Jul-2020

17 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 1 of 23

KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN BLG. 20-14

KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN NG COUNTY NG ALAMEDA NA NAG-AATAS SA LAHAT NG TAO SA COUNTY NA IPAGPATULOY ANG PAGSUNOD SA IPINATUTUPAD NA MGA PAMAMARAAN NG PAGDIDISTANSYA SA KAPWA ( SOCIAL

DISTANCING) AT IBA PANG KINAKAILANGANG PAGHIHIGPIT UPANG SUGPUIN ANG PAGKALAT NG SAKIT NA COVID-19

PETSA NG KAUTUSAN: IKA-5 NG HUNYO, 2020

Buod ng Kautusan: Ang Kautusang ito mula sa Opisyal ng Kalusugang Pampubliko ng County ng Alameda ay nagpapanatili sa mga ipinatutupad na paghihigpit sa pagkilos at mga pagtitipong pampubliko at pribado na itinakda ng Kautusang Manatili sa Sariling Lugar (Shelter in Place Order) mula sa Opisyal ng Kalusugan na inilabas noong Ika-18 ng Mayo, 2020. Gayunman, dahil sa patuloy na pagsulong tungo sa mabisang pagsugpo ng pagkalat ng sakit na COVID-19 sa County ng Alameda at sa mga karatig-bayan, pinahihintulutan ng Kautusang ito ang ilang karagdagang negosyo, mga gawaing pampaglilibang, panlipunan, at pangkultura na manumbalik sa kanilang mga gawain. Ang Kautusan ay:

1. Nagpapahintulot sa mga taong mula sa iba’t ibang tahanan/pamamahay o tirahan na magkaroon ng maliit na pagtitipong gagawin sa labas, sa ilalim ng ilang kondisyon;

2. Nagpapahintulot sa mga tagapag-alaga ng bata na makapagbigay ng serbisyo ng pangangalaga sa lahat ng bata, hindi lamang sa mga anak ng mga esensyal na manggagawa o essential worker, at nagtatakda ng mga kondisyong sumasakop sa panunumbalik ng ekstra-kurikular na mga gawaing pangkabataan o youth extracurricular activities;

3. Nagpapahintulot sa mga institusyong pang-edukasyon na makapagbigay ng mga internship para sa trabaho at mga programang pathways;

4. Nagpapahintulot sa mga aklatan na magbukas para sa pagkuha ng mga libro at iba pang media sa labas o sa tabi ng kalsada;

5. Pumapalit sa pagtatakda ng Dating Kautusan hinggil sa Pamamaraan ng Pagdidistanya sa Kapwa o Social Distancing Protocol na may Plano ng Pangangalagang Partikular sa Lugar o Site-Specific Protection Plan (Appendix A) para sa mga negosyong pinapayagang manatiling bukas sa ilalim ng Kautusan; at

6. Nagpapahintulot sa ilang negosyong nagbibigay ng serbisyong may limitadong kontak o pakikipaghalubilo sa kapwa-tao na makapagpanumbalik ng kanilang operasyon, kabilang na ang pag-aayos ng kagamitan o appliance at serbisyong pet grooming

Page 2: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 2 of 23

Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang paglabag o hindi pagsunod sa Kautusang ito ay isang misdemeanor na maaaring patawan ng parusang pagmumulta, pagkakulong, o pareho. (Mga Alituntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan ng California § 120295)

SA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NG MGA ALITUNTUNING PAGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN NG CALIFORNIA SEKSYON 101475 AT 120175, ANG OPISYAL NG KALUSUGAN NG LUNGSOD NG BERKELEY (“OPISYAL NG KALUSUGAN”) AY NAGBIBIGAY NG KAUTUSAN:

1. Ang Kautusang ito ay pumapalit sa Kautusan ng Opisyal ng Kalusugan na may petsang Ika-18 ng Mayo 2020 na nag-aatas sa lahat ng taong manatili sa kanilang lugar (“Dating Kautusan”). Ang Kautusang ito ay bumabago, naglilinaw, at nagtutuloy ng ilang kondisyon sa ilalim ng Dating Kautusan na tiyakin ang patuloy na pagdidistansya sa kapwa, at pagbawas sa kontak o pakikipaghalubilo sa kapwa-tao upang mabawasan ang bilang ng nahahawa o nagkakaroon ng Sakit mula sa Novel Coronavirus 2019 o Novel Coronavirus Disease 2019 (“COVID-19”). Ang Kautusang ito ay patuloy na naghihigpit sa mga gawain, paglalakbay, at mga serbisyo o operasyong pampamahalaan o pangnegosyo. Gayunman, dahil sa tagumpay na natamo sa pagsisikap na sugpuin ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa County ng Alameda (ang “County”) at mga karatig-bayan nito, ang Kautusang ito ay nagpapahintulot sa ilang karagdagang negosyo, mga gawaing pampaglilibang, panlipunan, at pangkultura na manumbalik sa kanilang mga gawain, ngunit alinsunod pa rin sa mga limitasyon o paghihigpit na itinatakda rito.

2. Ang pangunahing layunin ng Kautusang ito ay para pabagalin o sugpuin ng Alameda County ang pagkalat ng sakit na COVID-19 at pagaanin ang epekto nito sa kakayahang makapagbigay ng mga kritikal na serbisyong pangkalusugan. Nararapat na ang interpretasyon ng lahat ng pagtatakda o probisyon sa Kautusang ito ay nagtataguyod sa layuning ito. Gayunpaman, ang Kautusang ito ay nagpapahintulot sa limitadong bilang ng mga negosyo, mga gawaing pampaglilibang, panlipunan, at pangkultura na manumbalik sa kanilang mga gawain habang patuloy na pinag-aaralan ng Opisyal ng Kalusugan ang pagkalat, at kalubhaan ng mga kondisyon ng COVID-19 at patuloy ding minamatyagan ang mga palatandaan o indikasyong inilalarawan sa Seksyon 11. Ang hindi pagsunod sa anumang pagtatakda o probisyon sa Kautusang ito ay ituturing na isang direkta o nagbabadyang banta at panganib sa kalusugang pampubliko, ituturing na isang uri ng panggugulo sa publiko, at maaaring patawan ng parusang pagmumulta, pagkakulong, o pareho.

3. Maliban kung itinatakda ng Kautusang ito, bawal ang anumang pampubliko o pribadong pagtitipon ng mga taong hindi nakatirang magkasama sa iisang bahay o tirahan. Ang mga taong kasalukuyang hindi nakatira sa County ay dapat na sumunod sa lahat ng aplikableng pagtatakda ng Kautusan kapag sila ay nasa County. Ang mga taong walang permanenteng tirahan o homeless ay hindi saklaw ng Seksyong ito, ngunit mariing hinihikayat na pumunta sa isang shelter. Mahigpit na inirerekomenda sa pampamahalaang ahensya at iba pang organisasyong tumutulong sa mga homeless na

Page 3: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 3 of 23

agarang magbukas o magtayo ng tirahan o shelter at maglaan ng mga lugar para sa paghuhugas ng kamay o mga pasilidad para sa paglilinis ng kamay na maaaring gamitin o puntahan ng mga taong walang permanenteng tirahan o homeless.

4. Kung kailangang lumabas ng mga tao mula sa kanilang tirahan para gawin ang ilang limitadong bagay na pinapayagan ng Kautusang ito, dapat silang sumunod nang mahigpit sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa (Social Distancing Requirements) na tinutukoy sa Seksyon 15.k, maliban sa mga bagay na pinahihintulutan ng Kautusang ito, at dapat na magsuot ng Proteksyon sa Mukha (Face Coverings) na itinatakda, at sakop ng limitadong eksepsyon, sa Kautusan ng Opisyal ng Kalusugan 20-13 na may petsang Ika-5 ng Hunyo, 2020 (Kautusan ukol sa Proteksyon sa Mukha o “Face Covering Order”).

5. Ang sumusunod na mg negosyo at gawain o aktibidad ay pinapayagan sa loob ng County ng Alameda at maaaring magbukas ng operasyon o isagawa alinsunod sa mga pagtatakda ng Kautusang ito:

a. Kailangan o Esensyal na mga Gawain, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.a.

b. Mga Serbisyong Pangkalusugan, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.b.

c. Kailangan o esensyal na mga Imprastruktura, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.c.

d. Kailangan o esensyal na mga Gawaing Pampahalaan, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.d

e. Kailangan o esensyal na mga Negosyo, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.f.

f. Kailangan o esensyal na Paglalakbay o Biyahe, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.i.

g. Mga Negosyong nasa Labas, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.l.

h. Mga Gawain o Aktibidad sa Labas, ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.m.

i. Karagdagang mga Negosyo at mga Aktibidad, ayon sa pagtatakda sa Section 15.n-15.o at Appendix C.

Walang nakasaad sa Kautusang ito na pumipigil sa mga empleyado, boluntaryo, o kontratista na gawin ang mga aktibidad nila sa kanilang mga tirahan (ibig sabihin, pagtatrabaho sa bahay). Gayundin, ang mga negosyong maaaring hindi pinhihintulutang magbukas ng operasyon sa ilalim ng Kautusang ito ay pinapayagang gumawa ng mga Minimum na Batayang Operasyon (Minimum Basic Operations) ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 15.g. Lahat ng negosyo, kabilang na ang mga Kailangan o esensyal na Negosyo, ay dapat na lubusin ang bilang ng mga empleyadong nagtatrabaho sa kanilang

Page 4: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 4 of 23

tirahan, at pagtrabahuhin lamang sa opisina o sa labas ng kanilang tirahan ang mga empleyadong hindi makakagawa ng kanilang trabaho sa mga tirahan nila.

6. Lahat ng negosyong may operasyong sakop ng Kautusang ito ay dapat na maghanda, magpaskel, magpatupad, at mamahagi sa kanilang mga empleyado ng Plano ng Pangangalagang Partikular sa Lugar (Site-Specific Protection Plan) para sa bawat pasilidad nila sa County na karaniwang puntahan o pinamamalagian ng mga empleyado, ng mga tao sa publiko, alinsunod sa pagtatkda sa Seksyon 15.h. Dagdag pa sa Plano ng Pangangalagang Partikular sa Lugar, lahat ng negosyong pinapayagang magbukas-operasyon sa ilalim ng Kautusang ito ay dapat na sumunod sa anumang patnubay para sa ispesipikong industriya (industry-specific guidance) na inilabas ng Opisyal ng Kalusugan kaugnay ng sakit na COVID-19 at anumang kondisyon sa operasyong itinatakda sa Kautusang ito, kabilang na ang mga pagtatakda sa Appendix C, o sa patnubay sa industriyang inilabas ng Kagawaran ng Kalusugang Pampubliko ng California (Department of Public Health) at Kagawaran ng Ugnayang Pang-industriya (Department of Industrial Relations) (https://covid19.ca.gov/industry-guidance/). Maliban kung hindi itinatakda ng Kautusang ito, ang mga negosyong kinabibilangan ng mga Esensyal na Negosyo (Essential Business) o Negosyong Nasa Labas (Outdoor Business) bilang bahagi ng kanilang mga pasilidad na kasama o katabi ng iba pang bahagi nito hangga’t maaari ay dapat na magbawas ng kanilang operasyon at buksan o patakbuhin ang kanilang Esensyal na Negosyo at Negosyong Nasa Labas lamang; gayunpaman, sa ilalim ng kondisyon na ang mga halong negosyo ng mga tindahang hindi man pinapayagang magbukas ng kanilang operasyon sa ilalim ng Kautusang ito ay makakapagpatuloy ng pag-iimbak at pagbebenta ng di-esensyal na mga produkto.

7. Sa kabila ng mga kailanganing itinatakda ng Seksyon 3, ang mga maliliit na pampubliko at pribadong pagtitipon na kinabibilangan ng mga taong kasapi ng isa Karaniwang Katipunan o Social Bubble, o kinabibilangan ng mga bata at nakatatandang taong kasapi ng iisang Yunit ng Serbisyo ng Pag-aalaga ng Bata o mga Gawaing Ekstra-kurikular na Pangkabataan (Childcare or Youth Extracurricular Activity Unit) ay pinahihintulutan alinsunod sa mga kailanganing itinatakda ng Kautusang ito. Para sa layunin ng Seksyong ito:

a. Ang kahulugan ng salitang “Social Bubble” ay isang pirmihan o palagiang grupo ng hindi hihigit sa 12 tao, na maaaring dumalo nang magkakasama sa isang pagtitipon sa labas o iba pang aktibidad o kaganapan. Ang isang Social Bubble ay maaaring kinabibilangan ng kombinasyon o pagsasama ng ilang tahanan o tirahan, ngunit hindi maaaring makilahok ang isang tahanan o indibidwal na tao sa higit pa sa isang Social Bubble, maliban sa mga itinatakdang eksepsyon sa Talata 7.

b. Ang kahulugan ng Childcare or Youth Extracurricular Activity Unit ay isang grupo ng hindi hihigit sa 12 tao (kabilang ang mga bata at nakatatandang tao) na binuo para sa layuning makapagbigay ng serbisyong pag-aalaga ng bata o para sa

Page 5: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 5 of 23

layuning bigyan ng pagkakataon ang mga bata at kabataang sumali sa mga gawaing ekstra-kurikular. Kung mahigit sa isang grupo ng mga bata o kabataan ang nasa isang pasilidad, dapat na nasa magkahiwalay na silid o kuwarto sila. Hindi dapat makipaghalubilo sa isat-isa ang mga grupo.

c. Walang sinumang maaaring maging kasapi o miyembro ng higit pa sa isang Social Bubble sa loob ng tatlong linggong takdang panahon, maliban kung ang isang anak ay nakatira sa higit sa isang tirahan bilang kondisyon ng kasunduan ng magkatuwang na pangangalaga (shared custody arrangement) na nagpapahintulot na maging kasapi ang anak ng Social Bubble ng bawat magulang o katiwalang tagapag-alaga.

d. Walang sinumang maaaring maging kasapi o miyembro ng higit pa sa isang Childcare or Youth Extracurricular Activity Unit sa loob ng tatlong linggong takdang panahon.

e. Mariing hinihikayat ang mga kasapi ng isang Social Bubble o Childcare or Youth Extracurricular Activity Unit na sumunod sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa (Social Distancing Requirements) at magsuot ng proteksyon sa mukha hangga’t maaari. Hindi dapat na magsuot ng proteksyon sa mukha ang mga batang 2 taong gulang pababa, at ang paggamit ng proteksyon sa mukha ng mga batang 12 taong gulang pababa at dapat na nasa pangangalaga ng taong nasa tamang edad o nakatatanda.

Walang nakasaad sa Kautusang ito na pumipigil sa sinumang tao na maging kasapi o miyembro ng isang Social Bubble at isang Childcare or Youth Extracurricular Activity Unit nang magkasabay sa loob ng tatlong linggong takdang panahon. Dagdag pa rito, walang nakasaad sa Kautusan na nagbabawal sa mga kasapi ng isang Social Bubble na magkasamang gumawa ng mga gawaing tulad ng Esensyal na Biyahe o Paglalakbay, Esensyal na mga Gawain, mga Gawain sa Labas, o iba pang Karagdagang Gawain.

8. Lahat ng uri ng pagbibiyahe o paglalakbay, maliban sa Esensyal na Paglalakbay, ayon sa depinisyon sa Seksyon 15.i sa ibaba, ay ipinagbabawal. Pinapayagan lamang ang mga taong gumamit ng pampublikong transportasyon upang gawin ang mga gawaing pinahihintulutan sa ilalim ng Kautusang ito. Ang mga ahensya ng transportasyon at ang mga taong sumasakay sa pampublikong transportasyon ay dapat na sumunod sa Mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa, alinsunod sa depinisyong nasa Seksyon 15.k, sa abot ng kanilang makakaya, at ang mga empleyado at pasahero ay dapat na magsuot ng Proteksyon sa Mukha (Face Coverings) alinsunod sa pagtatakda ng Kautusan Hinggil sa Paggamit ng Proteksyon sa Mukha (Face Covering Order). Anumang paglalakbay papunta o papalabas ng County na walang itinakdang pahintulot sa ilaim ng Kauusang ito ay ipinagbabawal.

Page 6: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 6 of 23

9. Ang pagpapalabas ng Kautusang ito ay nakabatay sa mga ebidensya ng patuloy na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa loob ng County at sa buong Bay Area; ang patuloy na kawalang- katiyakan tungkol sa antas ng bilang ng mga di-natutukoy na kaso ng pagkahawa ng sakit sa mga taong di-kinakikitaan ng sintomas; siyentipikong ebidensya at pinakamahusay na mga gawain hinggil sa pinakamabisang mga pamamaraan ng pagsugpo ng pagkalat ng nakakahawang mga sakit sa pangkalahatan at ng partikular na sakit na COVID-19; ebidensyang nagpapatunay na ang edad, kondisyon, at kalusugan ng malaking bahagdan ng populasyon ng County ay nagsasapanganib sa lugar na makaranas ng malubhang pangkalusugang komplikasyon, kabilang dito ang kamatayan, dahil sa COVID-19; at karagdagang ebidensya na ang ibang tao, kabilang na ang mga taong mas nakababata at may mabuting kalusugan, ay nasa panganib din na magkasakit nang malubha. Dahil sa pagsiklab ng pagkalat sa publiko ng sakit na COVID-19, na isang pandemya ayon sa World Health Organization, mayroong emerhensya sa pampublikong kalusugan sa buong County. Nagpapalubha pa sa problemang ito, may mga taong kinakapitan ng virus at nagkakasakit ng COVID-19 na hindi nakakaranas ng anumang sintomas o nakakaranas lamang ng kainamang sintomas kung kaya maaaring hindi nila alam na dala nila ang virus at nakakahawa sila ng ibang tao. Dagdag pa rito, may ebidensyang nagpapakita na ang virus ay nanatiling buhay nang ilang oras hanggang ilang araw sa ibabaw ng ibat-ibang bagay at dahil dito ay hindi direktang mahawaan ng isang tao ang iba. Dahil may mga taong walang nararanasang sintomas na maaaring makahawa sa iba, at dahil may ebidensyang nagpapakita na mabilis kumalat ang impeksyong ito, ang anumang pagtitipon o direktang pakikihalubilo sa kapwa ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng virus na maaari din namang iwasan.

10. Ang sama-samang pagsisikap na ginagawa hanggang ngayon para tumugon sa emerhensyang ito sa kalusugang pampubliko ay nakatulong na pabagalin ang pagkalat ng virus, ngunit patuloy itong nagbabanta ng panganib sa kalusugang pampubliko. Noong Ika-5 ng Hunyo 2020, may naitalang 3,626 bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit na COVID-19 at 100 bilang ng mga namatay sa sakit na ito sa County. Ipinahihiwatig ng nakalap na mga ebidensya na ang mga paghihigpit sa pagkilos at patakaran ng pagdidistansya sa kapwa na ipinatupad ng Dating Kautusan (Prior Order) ay nanatiling isang kailanganing patakaran upang lalong pabagalin ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa o nagkakasakit at mga kumpirmadong kaso ng sakit sa komunidad sa pamamagitan ng patuloy na paghihigpit sa pakikipaghalubilo o interaksyon ng mga tao, na umaayon sa mga siyentipikong ebidensya ng pagiging mabisa ng mga patakarang tulad nito sa ibang bahagi ng bansa at ng mundo.

11. Patuloy na susubaybayan ng Opisyal ng Kalusugan ang ilang mahalagang indikasyon (“COVID-19 Indicators”) na gagabay sa pagpapasiya o pagdedesisyon kung dapat nang baguhin ang mga patakaran ng paghihigpit sa Kautusang ito. Patuloy na pag-aaralan ng Opisyal ng Kalusugan kung ang mga pagbabago sa Kautusan ay kinakailangan batay sa (1) pagbuti ng COVID-19 Indicators; (2) pagsulong ng pagsisikap tungo sa mabisang pamamaraan ng pang-epidemya at pampagsusuring paraan ng pagsubaybay, pagsisiyasat,

Page 7: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 7 of 23

paggamot, o pagsusuri para sa sakit na COVID-19; at (3) siyentipikong pag-aaral at pag-unawa sa paraan ng pagkalat at epektong klinikal ng sakit na COVID-19. Kabilang sa mga COVID-19 Indicators, ngunit hindi limitado sa listahang ito, ang sumusunod:

a. Ang trend o direksyon ng bilang ng mga bagong kaso ng sakit na COVID-19 at bilang ng mga pasyenteng naoospital dahil sa sakit na ito.

b. Ang kakayahan ng mga ospital at ng sistemang pagkalusugan sa County at sa rehiyon, kabilang na ang pagkakaroon ng lugar para sa mga malubhang kondisyon (acute care beds) at lugar sa mga Intensive Care Unit, na makapagbigay ng karampatang pangangalaga sa mga pasyenteng may sakit na COVID-19 at iba pang pasyente, pati na sa panahon ng biglaang mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

c. Ang pagkakaroon ng sapat na personal protective equipment (PPE) para sa mga empleyado sa ospital at iba pang tapagbigay ng serbisyong pangkalusugan at mga manggagawang nangangailangan ng PPE upang ligtas na matugunan at mabigyan ng karampatang paggamot ang mga pasyenteng may COVID-19.

d. Ang kakayahan at kapasidad na makapagsuri ng mga tao nang agaran at wasto upang malaman kung sila ay positibo sa sakit na COVID-19, lalo na ang mga taong itinuturing na kabilang sa populasyong may mas mataas na panganib na magkasakit nito o nasa lugar o trabahong nagsasapanganib sa kanila sa sakit na ito.

e. Ang kakayahang gumawa ng masusing pagsisiyasat ng mga kaso ng sakit at pagsubaybay sa mga taong nagkaroon ng kontak sa mga nagpositibo sa sakit na angkop sa dami ng kaso at mga kaugnay na pakikihalubilong patuloy na magaganap, ibubukod (isolate) ang mga taong may kumirmadong kaso ng sakit at ihihiwalay (quarantine) ang mga taong nagkaroon ng kontak sa mga taong kumpirmadong nagkaroon ng sakit na COVID-19.

12. Ipinapakita ng mga siyentipikong ebidensya na sa puntong ito ng emerhensya, nananatiling mahalaga na ipagpatuloy ang pagsugpo o pagpapabagal sa pagkalat ng virus upang makatulong na (a) bigyang proteksyong ang mga pinakamahina; (b) iwasan ang labis na pagdagsa ng mga kaso ng sakit sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan; (c) iwasan ang mga pangmatagalang problemang pangkalusugan, tulad ng mga pinsalang cardiovascular, pinsala sa bato, at sistema ng paghinga at pagkasira ng mga biyas bunga pamumuo ng dugo o blood clotting; at (d) iwasan ang kamatayan. Sadyang kinakailangan ang Kautusang ito upang masugpo o pabagalin ang pagkalat ng sakit na COVID-19, mapanatili ang kakayahang makapaglaan ng kritikal at limitadong pangangalagang pangkalusugan sa loob ng County, at kumilos tungo sa kalagayan ng emerhensyang ito ng kalusugang pampubliko na mayroon nang mabisang paraan ng pagsugpo o kontrol sa pagkalat ng sakit. Kasabay nito, mula nang ilabas ang Dating Kautusan, patuloy ang

Page 8: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 8 of 23

pagsulong ng County tungo sa pagpapalawak ng kapasidad ng sistemang pangkalusugan at mga sangguniang pangkalusugan at ang pagkontrol ng pagkalat ng sakit na COVID-19 sa komunidad. Sa harap ng pagbuti ng mga indikasyong ito, at alinsunod sa patuloy na pagsubaybay at potensyal na mga tugon o lunas na nakabatay sa kalusugang pampubliko, tinukoy ng Opisyal ng Kalusugan ang karagdagang negosyo at aktibidad na maaari nang manumbalik sa kanilang normal na operasyon sa ilalim ng Kautusang ito, na may karampatang atensyong ibinibigay sa mga konsiderasyon hinggil sa usaping pangkalusugan, mga salik na nakakaapekto sa pagkalat ng sakit kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga ito lamang, ang sidhi at dami ng pakikipaghalubilo sa kapwa at ang kakayahang bawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit na kaugnay ng kanilang operasyon.

13. Ang Kautusang ito ay inilabas alinsunod, at isinasama sa pamamagitan ng pagtukoy nito, sa Proklamasyon ng Kalagayan ng Emerhensya (Proclamation of State of Emergency) na ipinalabas ni Gobernador Gavin Newsom noong Ika-4 ng Marso 2020, ang Deklarasyon ng Lokal na Emerhensyang Pangkalusugan (Declarations of Local Health Emergency) na inilabas ng Opisyal ng Kalusugan noong ika-1 at ika-5 ng Marso 2020, ang Resolusyon ng Koseho ng mga Superbisor ng County ng Alameda na Nagpapatibay sa Deklarasyon ng Lokal na Emerhensyang Pagkalusugan (Resolution of the Board of Supervisors of the County of Alameda Ratifying the Declarations of Local Health Emergency) noong ika-10 ng Marso 2020, at ang Resolusyon ng Koseho ng mga Superbisor na Nagpapatibay sa Deklarasyon ng Lokal na Emerhensya (Resolution of the Board of Supervisors Ratifying the Declaration of Local Emergency) noong ika-17 ng Marso 2020.

14. Ang Kautusang ito ay inilabas alinsunod sa Kautusan ng Opisyal ng Estado para sa Kalusugang Pampubliko noon Ika-19 ng Marso 2020 (ang “State Shelter Order”), na nagtatakda ng batayang pang-estadong paghihigpit sa mga pangnegosyong mga gawain sa labas ng tirahan, at kasunod pang mga kautusan at patnubay na inilabas ng Gobernador, ng Opisyal ng Kalusugan ng Estado (State Health Officer), at ng Kagawaran ng Kalusugang Pampubliko at Kagawaran ng Ugnayang Pang-industriya ng California (California Department of Public Health and Department of Industrial Relations). Pinagtitibay ng Kautusang ito, sa ilang pagkakataon ang mas mahigpit na mga restriksyon bilang tugon sa mga partikular na katotohanan at kalagayan sa County na ito, na sadyang kinakailangan upang agapan ang emerhensya sa kalusugang pampubliko na patuloy na nagbabago sa loob ng County at sa Bay Area. Ayon sa mga siyentipikong ebidensya, kung hindi magpapatupad ng naangkop na mga paghihigpit para bawasan ang interaksyon ng mga tao sa isat-isa, ang krisis sa kalusugang pampubliko sa County ay magiging mas malala hanggang umabot sa puntong hindi na ito kakayanin ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng County at magbubunga ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay. Kung may salungatan o kontradiksyon sa pagitan ng Kautusang ito at iba pang kautusan ng estado sa kalusugang pampubliko hinggil sa pandemyang COVID-19, mananaig ang pinakamahigpit na restriksyon.

Page 9: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 9 of 23

15. Mga depinisyon at eksepsyon.

a. Pinapayagan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan upang gawin ang sumusunod na “Esensyal na mga Gawain” (Essential Activities). Gayunpaman, ang mga taong may kondisyong nagsasapanganib sa kanilang mahawa ng sakit na COVID-19 at mga taong maysakit ay mariing pinapayuhan na manatili sa kanilang tirahan hangga’t maaari, maliban kung kailangan nilang kumuha o magbigay ng serbisyong medikal o ng Esensyal na Serbisyo ng Pamahalaan. Ang Esensyal na mga Gawain ay ang sumusunod:

i. Paglahok sa mga gawain o paggawa ng mga trabahong mahalaga sa kanilang kalusugan at kaligtasan, o sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang pamilya o mga kasama sa bahay (pati na mga alagang hayop), tulad ng, binabanggit lamang dito bilang halimbawa at hindi limitasyon, pagkuha ng mga suplay na medikal o mga gamot, o pagkonsulta sa doktor at iba pang propesyunal na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

ii. Pagkuha ng kinakailangang mga serbisyo o suplay para sa sarili at pamilya o mga kasama sa bahay, o paghahatid ng mga serbisyo o suplay na ito sa ibang tao, tulad ng, binabanggit lamang dito bilang halimbawa at hindi limitasyon, de-latang pagkain, iba pang-imbak na pagkain, sariwang prutas at gulay, mga suplay para sa alagang hayop, hilaw na karne, isda, at manok, at iba pang mga produktong karaniwang ginagamit sa bahay, o mga produktong kinakailangan upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at mabisang pangangasiwa ng mga tahanan.

iii. Paglahok sa mga libangang ginagawa sa labas, kabilang na ang, binabanggit lamang dito bilang halimbawa at hindi limitasyon, paglakad, pagha-hiking, pagbibisikleta, at pagtakbo, alinsunod sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa (Social Distancing Requirements) at ayon sa sumusunod na mga paghihigpit o limitasyon:

1. Ang mga libangang ginagawa sa mga parke, tabing-dagat, at iba pang bukas o pampublikong lugar ay kinakailangang sumusunod sa anumang ipinag-uutos na mga restriksyon sa pag-aakses at paggamit ng mga lugar na ito na itinakda ng Opisyal ng Kalusugan, pamahalaan, o iba pang ahensyang nangangasiwa sa lugar upang maiwasan ang pagsisiksikan at panganib ng pagkalat ng sakit na COVID-19. Maaaring kabilang sa mga paghihigpit na ito, ngunit hindi limitado sa mga ito lamang, ang restriksyon sa bilang ng mga taong pumapasok, pagbabawal sa pagpasok at pagparada ng mga sasakyan sa lugar.

Page 10: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 10 of 23

2. Ang paggamit ng mga bukas na lugar sa labas para sa mga gawaing pampaglilibang na may mga madalas hipuin o hawakang gamit o kaya naman ay humihikayat na magtipon-tipon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga palaruan ng bata, gamit sa dyim, pader para sa wall-climbing, lugar para magpiknik, parke para sa aso, swimming pool, spa, at lugar para sa ihaw-ihaw, ay ipinagbabawal kung ang mga ito ay nasa labas ng tirahan, at lahat ng ganitong uri ng lugar ay dapat na sarado sa publiko sa pamamagitan ng paglalagay ng karatula o pahatid-publikong nagpapabatid sa publiko tungkol sa pagbabawal na ito, at kung kailangan, sa pamamagitan ng paglalagay ng bakod upang isara ang lugar sa publiko.

3. Maliban kung malinaw na pinapayagan sa ilalim ng Kautusang ito, ang mga gawaing pang-isport o mga aktibidad na may gamit na ginagamit ng lahat o may kontak sa pagitan ng mga kalahok ay maaari lamang salihan ng mga miyembro ng iisang tahanan o tirahan.

4. Ang paggamit ng mga pasilidad sa labas na bukas sa maraming tao para sa mga gawaing pampaglilibang na maaaring gawin sa labas ng tirahan nang naaayon sa mga restriksyong nakasaad sa sub-seksyon 1, 2, at 3 na binabanggit sa itaas, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, parkeng pang-skating, palaruang pang-isport, at mga court ng tennis at pickleball, bago simulan ay nararapat na siguraduhing sumusunod sa mga takdang pamamaraan ng pagdidistansya sa kapwa (social distancing) at patnubay na pangkalusugan/pangkaligtasan na nakapaskel sa lugar at iba pang mga paghihigpit, kabilang na ang mga pagbabawal hinggil sa pag-akses at paggamit ng lugar na itinakda ng Opisyal ng Kalusugan, pamahalaan, o anumang ahensyang nangangasiwa sa lugar upang maiwasan ang pagsisiksikan at panganib ng pagkalat ng sakit na COVID-19. Ang mga courst ng tennis at pickleball ay maaaring gamiting ng mga taong nagmula sa ibat-ibang tahanan o tirahan basta’t hindi lalampas sa dalawang tao ang nakikilahok (ibig sabihin, singles tennis o pickleball lang ang pinapayagan).

iv. Pagtatrabaho sa, o pagkuha ng serbisyo ng Esensyal na Negosyo (Essential Business), Negosyong nasa Labas (Outdoor Business), o Karagdagang Negosyo (Additional Business); o kung hindi man ay pagsasagawa ng mga aktibidad na pinahihintulutan ng Kautusang ito, kabilang na ang mga Minimum na Batayang Operasyon (Minimum Basic Operations), ayon sa depinisyon sa Seksyong ito.

Page 11: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 11 of 23

v. Pagbibigay ng karampatang pangangalaga sa isang kapamilya o alagang hayop na nasa ibang tirahan at walang ibang makakapag-alaga sa kanila.

vi. Pagdalo sa isang libing na hindi lalampas sa 10 tao ang dadalo.

vii. Paglipat ng tirahan. Kung lilipat papunta sa o palabas ng rehiyon ng Bay Area, mariing pinapayuhan ang bawat indibidwal na mag-quarantine nang 14 na araw. Sa pagka-quarantine, mangyaring sundin ang patnubay mula sa United States Centers for Disease Control and Prevention.

b. Pinapayagan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan upang magtrabaho, magboluntaryo, o kumuha ng mga serbisyo mula sa mga “Operasyon ng Pangangalagang Pangkalusugan” (Healthcare Operations), kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga ospital, klinika, lugar ng pagpapasuri para sa COVID-19, dentista, botika, blood bank at blood drive, kumpanyang pharmaceutical at biotechnology, iba pang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, tagasuplay ng pangangalagang pangkalusugan, tapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, tagapagbigay ng serbisyong pangangalagang pangkaisipan, o anumang kaugnay at/o katuwang na serbisyong pangkalusugan. Kabilang din sa Operasyon ng Pangangalagang Pangkalusugan ang mga serbisyong pangkalusugan mula sa mga beterinaryo at iba pang serbisyong pangkalusugang nakalaan sa mga hayop. Ang eksepsyong ito para sa mga Operasyon ng Pangangalagang Pangkalusugan ay dapat bigyan ng malawak na interpretasyon upang maiwasan and anumabng hadlang sa pagbibigay ng karampatang serbisyong pangkalusugan na may malawak ring depinisyon. Hindi kabilang sa Operasyon ng Pangangalagang Pangkalusugan ang mga dyim (fitness and exercise gyms) at iba pang pasilidad na katulad nito.

c. Pinapayagan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan upang magbigay ng anumang serbisyo o gumawa ng anumang trabahong kinakailangan para sa maayos na operasyon at pagpapatakbo ng “Esensyal na Imprastruktura” (Essential Infrastructure) kabilang na ang mga paliparan, palingkurang-bayan o utilities (kasama rito ang tubig, alkantarilya, gas, at kuryente), pagpoproseso ng krudo, mga kalsada at lansangan, pampublikong transportasyon, mga pasislidad na nagpoproseso ng basura (kasama rito ang pagkokolekta, pagtanggal, paglilinis, paggamit-muli, at mga pasilidad ng pagpoproseso), mga sementeryo, mga morge, mga krematoryo, at mga sistema ng telekomunikasyon (kabilang na ang mga esensyal na serbisyong pandaigdig, pambansa at lokal na imprastruktura para sa serbisyo ng internet, serbisyong pang-computing, imprastrukturang pangnegosyo, pangkomunikasyon, at mga serbisyong nakabase sa internet).

d. Pinapayagan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan upang gumawa o mag-akses ng mga “Esensyal na Gawaing Pampamahalaan” (Essential Governmental Functions) ayon sa pagtatakda ng ahensya ng gobyernong gumagawa ng mga

Page 12: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 12 of 23

operasyong ito sa County, kabilang na ang mga gawaing may kinalaman sa halalan o eleksyon tulad ng pagkalap ng mga lagda. Bawat sangay o ahensya ng gobyerno ay tutukoy at magtatalaga ng mga empleyado, boluntaryo, o kontratista na patuloy na magbibigay at magsasagawa ng anumang Esensyal na Gawaing Pampamahalaan, kabilang ang pagkuha o pag-upa at pagpapanatili ng bagong mga empleyado o kontratistang gagawa ng mga gawain o opersayon ng ahensya. Bawat ahensyang pampamahalaan at ang mga kontratista nito ay dapat na sumunod sa lahat ng mga itinakdang pang-emerhensyang panukalang proteksyon para makaiwas sa, makapagpabuti ng, makatugon sa, at makaahon mula sa, mga problemang dala ng pandemyang COVID-19, at lahat ng Esensyal na Gawaing Pampamahalaan ay nararapat na gawin nang naaayon sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa (Social Distancing Requirements) hangga’t maaari. Sa ilaim ng Kautusang ito, ang lahat ng mga lingkod-bayang pang-emerhensya, mga empleyadong nangangasiwa ng emerhensya, mga dispatser ng serbisyong pang-emerhensya, mga kawani ng hukuman, at mga alagad ng batas, at iba pang kawani o empleyadong nagsasagawa ng mga esensyal na serbisyo-publiko ay malinaw na hindi saklaw o mayroong eksepsyon sa Kautusang ito habang sila ay nagtatrabaho at nagbibigay ng mga esensyal na serbisyo.

e. Sa ilalim ng Kautusang ito, kabilang sa kategoryang “negosyo” (business) ang anumang organisasyong pangkalakal, di-pangkalakal, o pang-edukasyon, na maaaring pangkorporasyon, pang-samahan, pang-magkasosyo, o solong pagmamay-ari, at anuman ang uri ng serbisyo, gawain, o istruktura ng organisasyon o kumpanya.

f. Ang mga Esensyal na Negosyo ay pinapayangang magbukas sa County ng Alameda. Sa ilalim ng Kautusang ito, itinuturing na “Esensyal na Negosyo” ang mga sumusunod:

i. Mga Pasilidad ng Pangangalagang Pangkalusugan at mga negosyong nangangasiwa, nagpapatakbo, at nagsasaayos ng mga Esensyal na Imprastruktura.

ii. Mga tindahan ng groseri, mga palengke o farmers’ market na may katibayan ng pahintulot ng kanilang operasyon, maliliit na mga tindahan ng gulay, prutas at produktong agrikultural, mga supermarket, food bank, maliliit na tindahan, at iba pang negosyong nagbebenta ng mga pagkaing panluto, de-lata, pang-imbak na pagkain, inuming di-nakakalasing, sariwang prutas at gulay, mga suplay para sa alagang hayop, hilaw na karne, isda, at manok, at pati na rin mga produktong para sa pangangalaga ng personal na kalinisan at iba pang mga produktong karaniwang ginagamit sa bahay, o mga produktong kinakailangan upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at mabisang pangangasiwa ng mga tahanan, o para makapagtrabaho sa bahay. Ang mga negosyong tinutukoy sa talatang

Page 13: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 13 of 23

ito (ii) ay kinabibilangan ng mg negosyong nagbebenta ng sarisaring kategorya ng mga produkto ngunit kinakailangan lang na magbenta sila ng sapat na dami ng mga esensyal na produktong tinutukoy sa talatang ito, tulad halimbawa ng tindahan ng alak na nagbebenta rin ng maraming pagkain.

iii. Negosyong may kinalaman sa paglilinang ng pagkain, kabilang na ang pagsasaka o pagtatanim, pag-aalaga ng hayop na para sa pagkain, at pangingisda.

iv. Mga negosyong naghahanda o nagbibigay ng pagkain, tirahan, at serbisyong panlipunan, at iba pang mga pangangailangan ng mga mahihirap o naghihikahos na mamamayan.

v. Konstruksyon, ngunit alinsunod lamang sa State Shelter Order at alinsunod lamang sa Pamamaraang Pangkaligtasang Pangkonstruksyon (Construction Safety Protocols) na nakasaad sa Appendix B at nakapaloob sa Kautusang ito Order sa pamamagitan ng pagtukoy dito. Ang mga pampublikong proyektong konstruksyon at sakop ng mga pagtatakda o tuntunin sa Appendix B, maliban kung may ibang pagtatakda mula sa Opisyal ng Kalusugan.

vi. Pahayagan, telebisyon, radyo, at iba pang serbisyong pang-midya.

vii. Mga gasolinahan at tindahan ng auto-supply, talyer na nag-aayos ng sasakyan (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga kotse, trak, motorsiklo, at motor), at bilihan ng sasakyan, ngunit limitado lamang sa paglalaan ng auto-supply at serbisyo ng pag-aayos ng sasakyan. Ang talatang ito (vii) ay hindi nagbabawal sa pagbili ng sasakyan on-line kung ito ay direktang ipapadala sa tirahan ng kostumer o lokasyon ng Esensyal na Negosyo.

viii. Paayusan ng bisikleta at bilihan ng suplay para sa bisikleta.

ix. Mga bangko at negosyong nagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa pagpapadala ng pera o remittance, serbisyo ng financing o sanlaaan, serbisyo ng pagpapapalit ng tseke, negosyo ng pagpapautang, at iba pang katulad na serbisyong pinansyal. Para sa mga negosyong mayroong magkahalong serbisyong pinansyal at tindahan o iba pang uri ng negosyo bilang bahagi nito, ang pinansyal na serbisyo lamang ang maaaring buksan.

x. Ang mga negosyong nagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa mga transaksyon ng real estate (kasama rito ang mga paupahan, pag-aarkila, at

Page 14: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 14 of 23

pagbebenta ng bahay), kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga ahente ng real estate, mga ahente ng escrow, mga taganotaryo, at mga kumpanyang gumagawa ng titulo, basta’t kinakailangan lamang na ang mga pagkikita o apoyntment at iba pang gawaing may kaugnayan sa pagpapakita ng lugar ay gawin sa virtual na paraan, o kung hindi ito magagawa ay gawin ang pagkikita sa lugar nang hindi lalampas sa dalawa ang bisitang nagmula sa iisang tahanan o tirahan at isang taong magpapakita ng lugar o yunit (ngunit hindi maaaring gawin ang personal na pagbisita kung nasa bahay ang may-ari ng tahanan).

xi. Tindahan ng hardware.

xii. Tubero, elektrisyan, tagalipol ng peste, at iba pang mga tagapagbigay ng serbisyong kinakailangan para panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at maayos na pangangasiwa ng tirahan at mga Esensyal na Negosyo.

xiii. Mga negosyong may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyo ng koreo o pagpapadala ng sulat at mga pakete, kasama na mga kahong ginagamit sa koreo.

xiv. Mga institusyong pang-edukasyon—kabilang ang mga pampubliko at pribadong K-12 na mga eskuwelahan, kolehiyo, unibersidad—para sa layuning pangasiwaan ang malayuang pag-aaral (distance learning) o pantrabahong internship at daan (career internship and pathways), pagsasagawa ng, at pakikilahok sa pananaliksik na may kaugnayan sa COVID-19, o paggawa ng esensyal na mga gawain, o alinsunod sa mga pagtatakda o tuntuning nakasaad sa talata xxvi, kailangan lamang ay patuloy na sumunod sa mga patnubay ukol sa pagdidistansya sa kapwa nang anim na piye (social distancing of 6 ft.) ang bawat tao hangga’t maaari.

xv. Mga negosyong may kinalaman sa paglalabada, tulad ng labahan, serbisyo ng paglalaba, drycleaning, at iba pang negosyong nagbibigay ng ganitong uri ng serbisyo.

xvi. Mga restoran at iba pang pasilidad na naghahanda at naghahain ng pagkain, ngunit limitado ito sa delivery o take-out. Ang mga eskuwelahan at iba pang ahensyang karaniwang nagpapamahagi ng libreng pagkain para sa mga mag-aaral o iba pang miyembro ng publiko ay makakapagpatuloy sa kanilang pagbibigay-serbisyo sa ilalim ng Kautusang ito sa kondisyong ang pagkaing ibinibigay nila sa mga estudyante o sa publiko ay maaari lamang ipamahagi sa pamamagitan ng pagkuha o pick-up at take-out. Hindi dapat payagan ng eskuwelahan at iba pang ahensyang namamahagi ng libreng pagkain na ang mga pagkaing

Page 15: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 15 of 23

ipinamamahagi nila ay kainin sa lugar ng pick-up at take-out o saan mang lugar ng pagtitipon.

xvii. Mga punerarya, morge, sementeryo, at krematoryo, hangga’t kinakailangan ang kanilang serbisyo para sa transportasyon, paghahanda, pagpoproseso ng mga bangkay at labi ng mga taong namatay.

xviii. Mga negosyong nagbibigay ng serbisyong suporta o nagsusuplay ng mga bagay o kagamitang kinakailangan ng ibang mga Esensyal na Negosyo, Negosyong Nasa Labas, o Karagdagang Negosyo upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga gawain o operasyon, ngunit hangga’t kinakailangan lamang sila ng mga negosyong ito. Hindi maaaring gamitin ang eksepsyong ito para magbukas ng kanilang negosyo ng pagbebenta sa publiko bilang mga tindahang hindi pinahihintulutang magbukas sa ilalim ng Kautusang ito.

xix. Mga negosyong ang pangunahing gawain ay direktang magpadala at maghatid sa mga tirahan at negosyo ng mga panindang galing sa groseri, pagkain, at iba pang bagay. Ang eksepsyong ito ay hindi maaaring gamitin para gawin ang iba pang gawaing walang direktang kaugnayan sa operasyon ng pagdedeliber o paghahatid ng pinamili.

xx. Mga airline, taksi, kumpanyang nagpapaupa ng sasakyan, serbisyong rideshare (kabilang din ang mga rideshare na bisikleta at motor), at iba pang pribadong negosyong nag-aalok ng serbisyong transportasyon na kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga Esensyal na Gawain at iba pang layuning malinaw na pinahihintulutan ng Kautusang ito.

xxi. Mga nakabase sa bahay na negosyong may kinalaman sa pangangalaga sa mga matatnda, mga tao ng nasa tamang edad, mga bata, at mga alagang hayop.

xxii. Mga pasilidad ng paninirahang laan para sa mga matatanda, mga taong nasa tamang edad, at mga bata.

xxiii. Mga propesyunal na serbisyo, katulad ng serbisyong legal, pagnonotaryo, o akawnting, kung kinakailangan ang tulong para tumupad sa mga kinakailangang legal na tungkuling gawain o kaugnay ng kamatayan o pagkabaldado.

xxiv. Serbisyong nagbibigay ng tulong sa mga taong naghahanap ng trabaho sa mga Esensyal na Negosyo.

Page 16: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 16 of 23

xxv. Serbisyo para sa paglipat ng tirahan ng mga tao o mga negosyong pinapayagan sa ilalim ng Kautusang ito.

xxvi. Mga negosyong may kinalaman sa pag-aalaga ng bata, mga summer camp, at iba pang pang-edukasyon at pampaglilibang na institusyon o mga programa ng pangangalaga o pagbabantay sa mga bata anuman ang kanilang edad, alinsunod sa mga patakarang nakasaad sa Seksyon 7. Ang mga negosyong may kinalaman sa pag-aalaga ng bata ay maaaring may dapat ring sunding iba pang patakarang pederal, pang-estado, at lokal. Kung may pagkakaiba sa mga patakarang ito, dapat sundin ang patakarang pinakamahigpit. Para sa karagdagang patnubay mula sa estado hinggil sa pagkuha ng lisensya para sa mga serbisyong may kinalaman sa pag-aalaga ng bata, mangyaring tingnan ang websit na ito: https://www.cdss.ca.gov/Portals/9/CCLD/PINs/2020/CCP/PIN_20-06-CCP.pdf.

xxvii. Ang operasyon ng mga pampublikong aklatan para sa pagkuha o pick-up ng mga libro at iba pang midya sa tabi ng kalsada sa labas ng gusali.

g. Ang mga negosyong hindi pinahihintulutang magbukas sa ilalim ng Kautusang ito ay maaari ring magsagawa ng mga Minimum na Batayang Operasyon (Minimum Basic Operations). Sa ilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Minimum Basic Operations” ay ang sumusunod na mga aktibidad o gawain para sa mga negosyo, kailangan lamang na ang mga may-ari, empleyado, at kontratista ay sumunod sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa (Social Distancing Requirements) ayon sa depinisyon sa Seksyong ito, hangga’t maaari, habang ginagawa nila ang mga trabaho para sa operasyon ng kanilang negosyo:

i. Ang minimum na kailangang gawin upang mapanatili at bigyang proteksyon ang halaga ng imbentaryo at mga pasilidad ng negosyo; tiyakin ang seguridad, kaligtasan, at kalinisan; isagawa ang pagpoproseso ng payroll at mga benepisyo ng empleyado; bigyang daan ang paghahatid nang direkta sa mga tirahan o negosyo ng mga produktong kasalukuyang nasa imbentaryo; at iba pang kaugnay na gawain. Ang pagkuha o pick-up sa tabi ng kalsada ay pinapayagan lamang ayon sa mga kondisyong nakasaad sa Appendix C.

ii. Ang minimum na kailangang gawin upang patuloy na makapagtrabaho ang mga may-ari, empleyado, at kontratista ng negosyo sa kani-kanilang tirahan, at tiyaking maisasagawa pa rin ng negosyo ang kanilang serbisyo nang hindi pumapasok sa kanilang opisina o lugar ng trabaho.

h. Sa ilalim ng Kautusang ito, lahat ng negosyo sa County na may operasyon sa mga pasilidad na pinupuntahan o ginagamit ng publiko, bilang kondisyon ng kanilang

Page 17: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 17 of 23

patuloy na operasyon, ay dapat na maghanda at magpaskel na “Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar” (Site-Specific Protection Plan) para sa bawat pasilidad; gayunmpaman, ang mga negosyong pangkonstruksyon ay dapat na sumunod sa mga Patakarang Pangkaligtasan para sa mga Proyektong Pangkonstruksyon (Construction Project Safety Protocols) na nakasaad sa Appendix B sa halip na sundin ang “Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar” (Site-Specific Protection Plan). Ang Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar ay dapat na halos katulad ng pormularyo o form na nakalakip sa Kautusang ito bilang Appendix A, at dapat ay pinakabagong bersyon ito para tiyaking tumutugon ito sa mga bagong kailanganin at patakarang nakasaad sa Kautusang ito o sa kaugnay na patnubay o direktiba mula sa Opisyal ng Kalusugan. Ang Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar ay dapat na nakapaskel sa o malapit sa pasukan ng bawat pasilidad, at makikita ng publiko at ng mga empleyado. Dapat ding bigyan ng kopya ng Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar ang bawat taong nagtatrabaho sa pasilidad. Lahat ng negosyong sakop ng talatang ito ay dapat na magpatupad ng Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar at magpakita ng katunayan o ebidensya ng implementasyon nito sa ahensyang nagpapatupad ng Kautusang ito kung ito ay hihilingin. Dapat na nagpapaliwanag ang Planong Pangkaligtasang Ispesipiko sa Lugar kung paano naipatutupad ng negosyo ang sumusunod, kung aplikable ito:

i. Nililimitahan ang bilang ng mga taong nakakapasok sa pasilidad sa anumang oras para tiyaking laging mapapanatili ng mga tao sa loob ng pasilidad ang anim na piyeng layo sa isat-isa, maliban kung may mga gawain para sa Esensyal na Negosyo.

ii. Inaatasang magsuot ng proteksyon sa mukha ang lahat ng taong pumapasok sa pasilidad, maliban sa mga eksepsyon sa patakarang ito (hal., mga batang maliit pa).

iii. Kung nagkakaroon ng pila sa pasilidad, minamarkahan ng minimum na anim na piyeng layo ang mga lugar sa pila para ipaalam sa mga tao kung saan sila tatayo sa pila para mapanatili ang sapat na layo para sa pagdidistansya sa kapwa.

iv. Naglalaan ng panlinis ng kamay o hand sanitizer, sabon at tubig, o mabisang pang-disimpekta sa, o malapit sa pasukan ng pasilidad at sa iba pang angkop na lugar para magamit ng publiko at mga empleyado, at sa mga lokasyong malimit magkaroon ng interaksyon ang mga empleyado at miyembro ng publiko (hal., kahera).

v. Naglalaan ng walang-kontak na paraan ng pagbabayad o, kung hindi ito magagawa, tinitiyak na nadisimpekta ang lahat ng mga lugar at gamit sa

Page 18: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 18 of 23

pagbabayad, tulad ng portal, bolpen, at stylus pagkatapos ng bawat paggamit nito.

vi. Palagiang nililinis o dinidisimpekta ang mga madalas hawakan o hipuing bagay.

vii. Inilalagay ang karatula o anunsyo sa pasukan ng pasilidad upang ipaalam sa lahat ng empleyado at kostumer na dapat nilang tandaan na: huwag pumasok sa pasilidad kung nakakaranas sila ng anumang sintomas ng COVID-19; panatilihin ang minimum na anim na piyeng layo sa isat-isa; bumahing at umubo lamang sa loob ng sariling siko; huwag makipagkamay o magkaroon ng anumang di-kinakailangang pisikal na kontak sa kapwa.

viii. Ipinatutupad ang anumang karagdagang pagtatakda hinggil sa pagdidistansya sa kapwa (tingnan ang patnubay mula sa Centers for Disease Control and Prevention sa website na ito: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/guidance-business-response.html).

i. Pinahihintulutan ang Esensyal na Biyahe o Paglalakbay sa loob, papunta, o galing sa County ng Alameda. Sa ilaim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Esensyal na Biyahe” (Essential Travel) ay alinman sa mga sumusunod na layunin:

i. Biyaheng may kinalaman sa pagbibigay o pagkuha ng akses sa Esensyal na mga Gawain, Esensyal na mga Gawaing Pampamahalaan, Esensyal na mga Negosyo, Minimum na mga Batayang Operasyon, Mga Aktibidad sa Labas, Mga Negosyong nasa Labas, Karagdagang mga Gawain, at Karagdagang mga Negosyo.

ii. Biyahe para mag-alaga ng sinumang matanda, menor de edad, mga taong umaasa sa tulong ng iba, o taong may kapansanan.

iii. Biyahe papunta o galing sa mga institusyong pang-edukasyon para kumuha ng mga materyal na kailangan para sa malayuang pag-aaral o distance learning, para tumanggap ng pagkain, at iba pang kaugnay na mga serbisyo.

iv. Biyahe para umuwi sa permanenteng tirahan sa labas ng County.

v. Biyaheng ipinag-uutos ng batas o ng isang kautusan mula sa hukuman.

vi. Biyaheng ipanag-uutos sa mga di-residente ng County na umuwi sa kanilang permanenteng tirahang nasa labas ng County. Maariing

Page 19: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 19 of 23

pinapayuhan ang bawat taong maglalakbay na tiyaking mayroon silang sigurado at maaasahang transportasyon sa labas ng County bago simulan ang kanilang paglalakbay.

vii. Biyahe para pamahalaan ang pag-aayos ng libing.

viii. Biyahe para ayusin ang kalagayan ng pabahay para maiwasan ang kawalan ng tirahan.

ix. Biyahe para iwasan o takasan ang domestikong karahasan at pang-aabuso ng bata.

x. Biyaheng may kaugnayan sa pakikipag-ayos tungkol sa kustodiya o pangangalaga ng anak.

xi. Biyahe para pumunta sa pansamantalang tirahan o ibang pasilidad upang iwasan ang posibilidad na makahawa ng sakit na COVID-19 sa iba, tulad ng hotel o ibang pasilidad na inilaan ng isang ahensyang pampamahalaan para sa ganitong layunin.

j. Sa ilalim na Kautusang ito, ang “mga tirahan” (residences) ay kinabibilangan ng mga hotel, motel, paupahang yunit na panggrupo, at iba pang pasilidad na katulad nito. Kabilang din sa mga itinuturing na mga tirahan ang mga gusaling pampaninirahan at mga espasyo sa labas na kaugnay ng mga gusaling ito, tulad ng patyo, balkonahe, likod-bahay, at bakuran sa harap ng bahay na maari lamang puntahan ng mga miyembro ng isang pamilya o grupo ng taong nakatira sa iisang pamamahay o tirahan.

k. Sa ilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa” (Social Distancing Requirements) ay:

i. Pagpapanatili ng hindi bababa sa anim na piyeng (6 ft.) layo o distansya sa ibang taong hindi miyembro o kasapi ng isang tahanan o yunit ng pamamahay o tirahan.

ii. Palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi kukulangin sa 20 segundo, o gamit ang panlinis ng kamay o hand sanitizer na inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention bilang mabisang panlaban sa COVID-19.

iii. Paggamit ng tisyu o panyo tuwing umuubo o bumabahing o, kung hindi ito magagawa, pagbahing at pag-ubo sa loob ng siko (ngunit hindi sa kamay).

Page 20: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 20 of 23

iv. Pagsusuot ng proteksyon sa mukha tuwing lumalabas ng bahay, alinsunod sa kautusan at patnubay na inilabas ng Opisyal ng Kalusugan.

v. Pag-iwas sa lahat ng interaksyon o pakikihalubilo sa ibang taong hindi kasama sa sariling tirahan o tahanan kapag may dinaramdam na lagnat, ubo, o iba pang sintomas ng COVID-19.

Lahat ng tao ay inaatasang sumunod sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa, maliban sa ilang limitadong pagkakataong kinakailangang lapitan ang iba para alagaan sila (kabilang ang pag-aalaga ng bata, pangangalaga sa mga taong nasa tamang edad na o matatanda, pag-aalaga sa mga taong may espesyal na pangangailangan, pag-aalaga sa pasyenteng maysakit); kung kinakailangan para isagawa ang mga trabaho ng Esensyal na mga Negosyo, Esensyal na mga Gawaing Pampamahalaan, o para maglaan ng Minimum na mga Batayang Operasyon; o kung hindi man ay hayagang iniaatas ng Kautusang ito. Ang Mga Gawain sa Labas, mga Negosyong Nasa Labas, Karagdagang mga Gawain, at Karagdagang mga Negosyo ay dapat na mahigpit na sumunod sa mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa, maliban sa mga pagkakataong pinapayagan ng Kautusang ito.

l. Ang mga Negosyong Nasa Labas ay pinahihintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon sa County ng Alameda nang naaayon sa mga patakaran ng Kautusang ito. Sa nilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Mga Negosyong Nasa Labas” (Outdoor Businesses) ay mga negosyong karaniwang nasa labas ang operasyon noong, o bago ang petsang Ika-16 ng Marso 2020 at kung saan walang hadlang sa pagpapanatili ng pagdidistansya sa kapwa nang hindi bababa sa anim na piyeng layo ng bawat tao sa ibang tao, at kabilang ang mga sumusunod:

i. Mga negosyong ang pangunahing operasyon ay ginagawa sa labas, tulad ng pakyawan o tingiang tindahan ng halaman, operasyong agrikultural, at mga harding nagbebenta ng mga halamang panghardin.

ii. Negosyong nagbibigay ng serbisyong karaniwang ginagawa sa labas, tulad ng pag-aalaga ng hardin at paglilinis ng bakuran, at mga serbisyo ng pag-aalaga o paglilinis ng kapaligiran.

Hindi kabilang sa “Mga Negosyong Nasa Labas” (Outdoor Businesses) ang mga restoran, kapihan at bar na may kainan o inuman sa labas. Maliban kung nakasaad sa Appendix C, hindi rin kasama sa mga Mga Negosyong Nasa Labas ang mga negosyong nagtataguyod ng malalaki, organisado at matagalang pagtitipon, katulad ng mga konsiyertong nasa bukas na mga lugar at mga parkeng pampaglilibang.

Page 21: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 21 of 23

m. Pinahihintulutan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan para makilahok sa mga Gawain sa Labas nang naaayon sa mga pagtatakda ng Kautusang ito. Sa ilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Mga Gawain sa Labas” (Outdoor Activities) ay:

i. Pagkuha ng mga bagay, serbisyo, o suplay mula, o gumawa ng trabaho para sa isang Negosyong Nasa Labas.

ii. Pakikilahok sa mga aktibidad o gawaing nakakalibang na pinapayagan sa Seksyon 15.a.iii.

iii. Mga gawain sa labas para makilahok sa isang pagtitipon, mag-aalaga ng bata, o sumali sa mga pangkabataang ekstra-kurikular na mga aktibidad na pinapayagan sa Seksyon 7.

n. Ang Mga Karagdagang Negosyo ay pinahihintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon sa County ng Alameda alinsunod sa mga pagtatakda ng Kautusang ito. Sa ilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Karagdagang Negosyo” (Additional Business) ay anumang negosyo, organisasyon, o iba pang samahang tinutukoy na Karagdagang Negosyo sa Appendix C, na babaguhin batay sa patuloy na ginagawang pag-aaral at pagsusuri ng Opisyal ng Kalusugan ng mga datos at indikasyong may kinalamang sa sakit na COVID-19. Bilang karagdagan sa mga pagtatakda ng Kautusang ito, ang operasyon ng mga Karagdagang Negosyo ay sakop ng anumang kondisyon at patakarang pangkalusugan at pangkaligtasan na nakasaad sa Appendix C at sa anumang patnubay para sa mga ispesipikong industriya mula sa Opisyal ng Kalusugan o sa Kagawaran ng Kalusugang Pampubliko ng California at/o ng Kagawaran ng Ugnayang Pang-industriya (California Department of Public Health and/or the Department of Industrial Relations).

o. Pinahihintulutan ang mga taong lumabas ng kanilang tirahan para makilahok sa Mga Karagdagang Gawain alinsunod sa mga pagtatakda ng Kautusang ito. Sa ilalim ng Kautusang ito, ang ibig sabihin ng “Mga Karagdagang Gawain” (Additional Activities) ay pagkuha ng mga bagay, serbisyo, o suplay mula, o gumawa ng trabaho para sa Mga Karagdagang Negosyong tinutukoy sa Appendix C, alinsunod sa mga pagtatakda ng Kautusang ito, at anumang kondisyon at patakarang pagkalusugan at pangkaligtasan na nakasaad sa Kautusang ito o sa anumang patnubay para sa mga ispesipikong industriya mula sa Opisyal ng Kalusugan o sa Kagawaran ng Kalusugang Pampubliko ng California at/o ng Kagawaran ng Ugnayang Pang-industriya (California Department of Public Health and/or the Department of Industrial Relations)..

16. Ang mga ahensya ng pamahalaan at iba pang ahensyang nangangasiwa ng mga kanlungan o shelter at iba pang pasilidad na kumakanlong at nagpapakain o nagbibigay

Page 22: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 22 of 23

ng mga pang-araw-araw na pangangailangan sa mga taong nakakaranans ng kawalan ng tirahan ay dapat na gumawa ng karampatang mga hakbang upang tiyakin ang pagpapatupad ng mga Patakaran ng Pagdidistansya sa Kapwa, kabilang na ang paglalaan ng sapat na panlinis ng kamay o hand sanitizer. Gayundin, ang mga taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan na walang mapuntahang kanlungan at nakatira sa mga pansamantalang silungan o kampo ng mga tolda, hangga’t maaari, ay dapat na magkaroon ng12 ft. x 12 ft. na layo o distansya sa pagtatayo ng kanilang mga tolda, at dapat maglaan ang mga ahensya ng pamahalaan ng mga banyo at lababo para sa paghuhugas ng kamay para sa mga taong nakatira sa mga kampong ito alinsunod sa Pansamantalang Patnubay sa Pagtugon sa Suliranin ng Coronavirus 2019 (COVD -19) sa Populasyon ng mga Taong Nakakaranas ng Kawalan ng Tirahan mula sa Sentro ng Pamamahala at Pagsugpo ng Pagkalat ng mga Sakit (Centers for Disease Control and Prevention Interim Guidance Responding to Coronavirus 2019 (COVID-19) Among People Experiencing Unsheltered Homelessness), (https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/need-extra-precautions/unsheltered-homelessness.html).

17. Batay sa mga Alituntunin ng Pamahalaan (Government Code) Seksyon 26602 at 41601 at Alituntunin hinggil sa Kalusugan at Kaligtasan (Health and Safety Code) Seksyon 101029, hinihiling ng Opisyal ng Kalusugan na tiyakin ng Sheriff at ng lahat ng mga Hepe ng Pulisya (Chiefs of Police) sa County ang pagsunod at pagpapatupad sa Kautusang ito. Ang paglabag sa anumang pagtatakda ng Kautusang ito ay dapat ituring na isang kagyat na pagbabanta at panganib sa kalusugang pampubliko, panggugulo sa publiko, at may karampatang parusang pagmumulta, pagkakulong, o pareho.

18. Ang Kautusang ito ay magkakabisa simula 11:59 ng gabi sa ika-7 ng Hunyo 2020 at mananatili hanggang ito ay pawalambisa, palitan o baguhin sa pamamagitan ng pasulat na patnubay mula sa Opisyal ng Kalusugan.

19. Ang mga kopya ng Kautusang ito ay kaagad na: (1) maaaring makuha sa County Administration Building sa 1221 Oak Street, Oakland, California 94612; (2) nakalagay sa website ng County Public Health Department (acphd.org); at (3) ibibigay sa sinumang miyembro ng publiko na humiling ng kopya ng Kautusang ito.

20. Kung mayroong anumang probisyon o pagtatakda sa Kautusang ito o ang aplikasyon nito sa sinumang tao o anumang kalagayan na mapatutunayang walang bisa, ang iba pang bahagi ng Kautusan, kabilang na ang aplikasyon ng bahagi o probisyon sa ibang tao o kalagayan persons or circumstances, ay hindi maaapektuhan at magpapatuloy nang buong lakas at epekto. Dahil dito, ang bawat pagtatakda sa Kautusang ito ay maaaring ihiwalay o putulin.

Page 23: KAUTUSAN MULA SA OPISYAL NG KALUSUGAN …...Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020) Page 2 of 23 Basahin nang mabuti ang Kautusang ito. Ang

Kautusan mula sa Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda (Ika-5 ng Hunyo, 2020)

Page 23 of 23

ITO AY IPINAG-UUTOS:

Dr. Erica Pan Dated: June 5, 2020 Interim na Opisyal ng Kalusugan ng County ng Alameda

Nakalakip:

Appendix A – Planong Pangkaligtasan sa Ispesipikong Lugar

Appendix B-1 – Patakarang Pangkaligtasan para sa Maliliit na Proyektong Pangkonstruksyon

Appendix B-2 – Patakarang Pangkaligtasan para sa Malalaking Proyektong Pangkonstruksyon

Appendix C – Karagdagang mga Negosyo