kawalan ng tirahan sa buong fairview [pananaliksik]
TRANSCRIPT
DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay
pinamagatang, “Kawalan ng Tirahan sa Buong Fairview”. Inihanda at
iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si
Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus
ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011
Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at
inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.
Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan
sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:
_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)
_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMATPASASALAMAT
Ako ang estudyante ng Flos Carmeli Institute of Quezon City na nanaliksik ng
paksang ito ay nagpapasalamat sa mga sumusunod:
Una sa lahat sa pagbibigay suprta ng Diyos sa aking paggagawa ng aking
proyekto. Ang pagbibigay suporta lalong lalo na sa aking guro na
nagsubaybay at nagpagawa samin nito na si Bb. Jessilyn Ranges at ng aking
mga magulang. Pagbibigay impormasyon sa akin ng aking mga kaklase, pati
narin sa aking mga pinsan at mga kaklase nila na sumagot sa aking sarbey
naibigay sa kanila.
TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT
KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
D. SAKLAW NG LIMITASYON
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
F. PARADIGM
KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”
KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. MGA RESPONDENT
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
D. TRITMENT NG DATOS
KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”
KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”
A. LAGOM
B. KONKLUSYON
C. REKOMENDASYON
PATUNGKOL SA AWTOR
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON
Sa panahon ngayon ang bahay ay materyal na bagay na kailangan ng
tao para mabuhay ng maayos. Ang bahay rin ay pang proteksyon sa ating
katawan para hindi magkasakit. Karaniwan na iniuugnay ang tirahan sa
tahahnan subalit ito ay katanggap- tanggap sa kanyang mga kasama. Ang
pag- ibig, pag-aaruga at pagkalinga ay naroon na. Ang tirahan naman ay
kung saan nakikita lahat na ito.
Ang kawalan ng tirahan ay isa sa mga malalaking problema ng ating
bansa na hanggang ngayon ay hindi parin masolusyunan ng ating
pamahalaan. Ito rin ay isang sitwasyon na kung saan ang tao ay walang
permanenteng tirahan o walang tirahan o walang tirahan na masasabi. Sa
panahon ngayon parami na ng parami ang mga taong walang tirahan ay
palaboy-laboy lamang sa lansangan o kung minsan ay sa gilid na lamang ng
kalsada natutulog at naglalatag sila ng karton o sako para mahigaan. Ang
mga biktima ng problemang ito ay nagkalat sa buong mundo buhat sa iba’t-
ibang kadahilanan. Natural nakalamidad, problemang politikal, giyera at
sakit ang ilan sa mga kadahilanan ng mga tao.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Upang maikalat sa bawat tao ang problema ng ating bansa na
dumadami ang mga tao na nawawalan ng tirahan. Sinaliksik ko ito
paramalaman rin ng bawat isa na angmawalan ng tahanan ay mahirap at
hindi lamang isang biro. Ang layunin ng aking pag-aaral ay para
maimpluwensyahan ang mga tao na magpursige sa buhay dahil mahirap
kapag walang trabaho at baka mapunta pa sa pagkawalang tahanan.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Mahalaga ang pag-aaral na ito para malaman ng bawat tao na
dumarami na ang mga taong walang tirahan sa ating komunidad at patuloy
sa paghirap ng buhay ng bawat tao dito sa fairview. Para narin mamulat tayo
nadumarami na ang taong naghihirap sa ating lugar. Mahalaga ito
paramalaman rin nating lahat kung gaano at paano kahirap ang walang
tirahan at ang buhay narin sa kalye. Ang problemang ito ay dapat nating
isaalang- alang para mabawasan ang mga taong walang tirahan at
magkaroon ng tirahan.
Ayon sa: http://mgapamilyangwalngtirahan.blogspot.com/2008/03/halaga.html
Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat tinalkay nito ang isa sa
pinakamalaking problema na kinahaharap ng ating bansa ngayon. Ang
pananaliksik na aking ginawa ay mahalaga upang mamulat ang
sambayanang Pilipino at ang ating gobyerno na hindi simpleng suliranin ang
kawlan ng tirahan. Ito ay hindi dapat baliwalain sapagkat malaki ang
negatibong epekto nito sa ating bansa. Pinapakita rin nito kung gaano
karami o ilang porsyento ng mamamayang Pilipino sa Metro Manila ang
nakararanas ng suliraning ito. Maraming solusyon ang maaring gawin upang
mabawasan ang ganitong uri ng suliranin. Ang solusyon na ito ay makakamit
lamang kung lahat tayo’y aaksyon.
D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Maraming maging pwedeng suliranin sa problemang ito, katulad na
lang ng pagiging tamad sa buhay hindi nagtatrabaho, walang sapat na
kaalaman, wala ring sapat na pera para sa pag-aaral, at higit sa lahat
umaasa sila sa mga taong kanilang malilimusan pero pagkakaunti lang ang
kanilang naipong limos halos hindi sila makakain dahil kulang ito. Ang iba
naman ay nawawalan na lamang ng tirahan dahil sa mga kalamidad tulad ng
bagyo, lindol, baha at iba pa. Wala na silang matuluyan pang iba kaya sa
kalye na lang sila tumitira.
Mga Taong Walang Tirahan sa buong Fairview
E. PARADIGM
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Mga Teoryang may kaugnayan sa Pananaliksik na ito
Teoryang Realismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng
kanyang sinulat.
Teoryang Formalismo/Formalistiko. Ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Sosyolohikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Ginamit ang teoryang Realismo dito sa aking pananaliksik dahil ang
mga ganitong pangyayari ay talanggang nangyayari sa ating lipunan
at nasasaksihan nang bawat isa sa atin. Lahat ng ito ay
makatotohanan hindi kathang isip.
Ginamit ko rin dito ang teoryang formalismo dahil gusto kong iparating
sa lahat ng mangbabasa na ito ay isang malaking problema na dapat
nating solusyonan ng maayos. Akin itong isinaliksik dahil gusto ko rin
malaman ng bawat sambayanan na maraming na ang mga tao sa
ating bansa ay wala ng tirahan na matutuluyan at para agad itong
masolusyonan.
Kasama rin dito ang teoryang markismo dahil pinaparating nito na
kaya ng bawat isa sa atin ang umaangat sa buhay na tayo ay
magtitiyaga, kung tayo ay magpupursigi sa buhay natin. Kahit na sa
kalsada ka nalang nakatira, kaya yang masolusyonan kung ikaw ay
mautak at pinapairal ang kasipagan sa buhay.
Narito rin ang teoryang sosyolohikal dahil ang teoryang ito ay tungkol
sa suliranin ng ating lipunan katulad na nga lang nitong aking paksa
“Kawalan ng tirahan sa buong Fairview”. Pinapakita rin dito ang
pagsugpo ng tao sa kahirapan sa buhay at kung paano nila ito
kinahaharap.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang ginamit kong mga instrumento ay ang paggamit ng kompyuter sa
paghahanap sa internet. Paggamit ng sarbey at nagtanung-tanong sa mga
tao. Gumamit ng libro para makakuha pa ng dagdag na ipormasyon tungkol
sa aking paksa.
B. TRITMENT NG MGA DATOS
Sa aking pananaliksik natulungan ako ng aking mga pinsan sa
pagsasagot sa aking sarbey at ang kanilang mga kaklase. Bawat sagot ng
bawat isa sa kanila ay makabuluhan kaya mabilis akong nakapag-isip at
naksagap ng mga sagot ng ibang tao. Ang bawat isa sa kanila ay
magkakaiba ang sagot pero karamihan dito ay halos magkakalapit narin.
C. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang saklaw ng aking pananaliksik ay tungkol sa mga taong palaboy
lamang sa kalye o kalsada at mga walang tirahan na masasabi. Mga taong
palaboy dahil mayroong sakit sa pag-iisp kaya sila nagiging palaboy at sa
kalye nakatira. Sakop rin nito ang pagreresolba ng problemang ito o ang
pag-aaral kung paano at kung bakit ito nangyayari sa ating lipunan ang kung
paano ito mareresulba. Tinutukoy o sinasabi rin dito kung bakit lubos nalang
ang paghihirap ng karamihan ng mga tao dito sa ating lugar.
D. MGA RESPONDENT
Nagsarbey ako sa mga ikaunang antas ng hayskul sa eskwelahan ng
North North Fairview High School.
Sa mga iika-anim na grado sa eskwelahan ng Good Shepehered
Cathedral School.
Sa mga aking pinsan at iba pang kamag- ananak at mga kaklase.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Una, ayon sa aking nasarbey sa 25 kataong aking nasarbeyan 2 lang
ang walang bahay. Nagpapatunay ito na marami parin sa atin ang mayroong
bahay. Ikalawa, 25 katao na aking napagsarbeyan 11 ang nagsasabi na
mayroon silang bahay na tinutuluyan. Ikatlo, sa 25 na katao na aking
napagsarbeyan 5 ang mayroong bahay subalit hindi sakania ang bahay na
kanilang tinutuluyan. Ikaapat, sa 25 na aking nasarbeyan 7 ang nagsasabing
talagang sakanila ang bahay na kanilang tinutuluyan.
MGA MADALAS NA KATANUNGAN (FREQUENTLY ASKED QUESTIONS / FAQ)
SA KAWALAN NG TIRAHAN AT MGA KARAPATAN SA EDUKASYON NG WALANG TIRAHANG MGA BATA AT KABATAAN
Ang FAQ na ito ay nagbibigay ng mga sagot sa madalas na mga
katanungan sa Batas McKinney-Vento sa Tulong sa Walang Tirahan
(McKinney-Vento Homeless Assistance Act ) at ang mga karapatan sa
edukasyon ng mga bata at kabataan na nasa sitwasyon ng kawalan ng
tirahan. Ang mga sagot ay mga pangkalahatang tugon batay sa batas. Ang
dokumentong ito ay inilaan upang magbigay ng pangunahing impormasyon
at mga paraan upang tulungan ang mga magulang, kabataan, nagtuturo at
mga nagtataguyod sa pag - iintindi sa Batas McKinney-Vento.
Sa dokumentong ito, ang salitang “distrito ng eskuwelahan” ay
ginagamit upang tukuyin ang mga lokal na ahensiya ng edukasyon. Ang
salitang “Batas McKinney -Vento” (“McKinney-Vento Act”) ay tumutukoy
lamang sa Subtitle VII -B ng Batas, ang programang Edukasyon para sa
Walang Tirahang mga Bata at Kabataan (Education for Homeless Children
and Youths ) (42 U.S.C. §§11431-11435). Ang Batas McKinneyVento ay batas
pederal na pumapalit sa sumasalungat na mga batas ng estado at lokal na
mga patakaran.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga naghihihrap sa buhay at
walang matirahan. Ano ba ang kanilang nararamdaman at kung paano sila
mamumuhay sa ganugn klaseng lugar kung kaya ba nilang matiis tumira
doon. Mga pangyayari sa kanilang buhay kung bakit doon sila nakatira. Ang
paggamit ng sarbey ay aking naging puhunan kung bakit nagkaroon ako ng
mga ideya sa aking paksa.
B. KONKLUSYON
Ang kawalan ng tirahan ay dulot ng mga bagay na hindi kaagad
naaksyonan o mga maling desisyon na nakasasama sa kanila. Pangunahing
sanhi nito ay ang kawalan ng murang pabahay para sa mga mahihirap.
Pangalawa rito ay ang pagkasira ng ulo, sakit, pag-abuso sa mga ipinagbabawal
na gamot, kakulangan sa determinasyon sa paghahanapbuhay, at iba pa. Ang
National Law Center for Homelessness and Poverty ay naghayag na mahigit 3
milyong lalaki, babae, at mga bata ang walang tirahan noong nakaraang taon –
mga 30% lamang sa kanila ang pansamantala lamang. Dahil dito ginawa nilang
pansamantalang tirahan at matutuluyan ang mga ospital, simbahan, kalye pati
na ang madilim na silid sa likuran ng mga rehas na bakal. Liban sa 3 milyong
walang tirahan, mayroong ding 5 milyong mga mahihirap na taong inilalaan ang
kalahati ng kanilang kinikita para sa upa sa tinutuluyan, na nauuwi rin naman sa
wala at nanganganib na ring mapabilang sa mga taong walang sariling tirahan.
Isang disgrasya, maliit na pagkautang o sa isang simpleng karamdaman
lamang, ay maaari nang maging dahilan ng tiyak na pagkawala ng kanilang
tirahan.
Ayon sa nakalap naming impormasyon, ang pinakamainam na tulong para
sa mga taong ito ay trabahong tutugon sa kanilang mga pangangailangan,
tulungan sa paghahanap ng tirahan na kung saan ito’y sapat sa kanilang bilang
at siyempre sa antas ng kanilang kikitain. Samantala, ang kanilang natatanggap
ay mga damit, at tulong-benepisyo, sabihin nating makatutulong ang mga ito,
subalit ‘di naman ito ang naturang lunas sa pangunahing problema na kanilang
kinakaharap. Iilan lamang ang nakakatanggap ng suwerte na mabigyan o
matulungan man lamang sa paghahanap ng matitirhan, marahil na rin siguro, sa
antas ng ating ekonomiya sa ngayon, ay malayong magkaroon nga sila ng
bahay. Bahay na dapat sana’y isa, para sa isang pamilya.
Matapos ang mahaba at nakakapagod na obra, masasabi naming ang
mapabilang sa mga taong walang tiraharan ay tila isang sisiw na nabasagan ng
kanyang saplot na itlog at lumabas sa mundong salat sa pag-aaruga ng
magulang na inahin. Hindi namin maubos maisip kung paano nila tinatawid ang
araw-araw na buhay sa ganitong sitwasyon. Napakahirap mawalan ng tirahan.
At sa bihis ng kanilang mga mukha ay masasalamin ‘di lang ang lungkot na dala
ng kawalan ng tirahan, pati na rin ang pait ng pagiging salat sa atensyon at pag-
unawa nating mas angat sa kanila. Napatunayan ng pagsususuring ito na ang
kawalan ng tirahan ng mga tao ay hindi dapat sinisisi sa kanila. Hindi nila
ginusto ang buhay na ganoon. Mga kalamidad tulad ng lindol, pagguho ng lupa,
bagyo at iba pang mga hindi inaasahang bagay ang minsan di’y dahilan ng mga
ito. Sa mga kabataang palaboy-laboy sa lansangan, kalupitan ng magulang ang
kadalasang dahilan. Wala tayong karapatan upang sisihin sila sa kanilang
kinahinatnan. Pagtanggap at pag-unawa na lamang sana kung ‘di man tayo
makatutulong sa kanila.
C. REKOMENDASYON
Dapat silang magsikap at kailangan rin nilang dumiskarte sa buhay para
hindi sila maghirap. Kailangan din nilang isipin yong mga magagandang
bagay na darating sa kanilang buhay kapag nagsikap silang magkatrabaho
at magtrabaho.
PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTORI. Contact Information
Pangalan : Girlie Marie G. MartirezTirahan : #04 Oak Ext. West Faurview Q.C.Telepono/Cellphone Number : 9714472/09226317910E-mail Address : [email protected]
II. Personal na Datos Edad: 15Kapanganakan : Marso 31, 1995Lugar ng Kapanganakan : Intramuros, Quezon CityLahi : FilipinoKasarian : BabaePangalan ng Ama : Virgilio P. MartirezPangalan ng Ina : Nympha G. Martirez
III. Educational BackgroundPaaralan :
Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City
IV. Mga Interes at Pangarap
Gusto ko maging sikat na interior designer o kung hindi naman
maging sikat na Chef dahil mahilig rin akong magluto. Mahilig rin
akong mag-ayos ng bahay.