kolehiyo ng mga wika at lingguistika

29
PAHINA 0 KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA: RISERTS TSANEL SA FILIPINOLOHIYA GAMIT ANG YOUTUBE __________________ Isang Akademikong Papel Na Iniharap sa mga Dalubguro ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kagawaran ng Filipinolohiya ________________________________________ Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik __________________ Ni Almarinez, Gladys A. Cañafranca, Gerhard Chino N. Labausa, Jhorly Jones C. Pacuribot, Erruel S. Pedreza, Jayson G Zaragoza, Erica Jane N

Upload: jhorly-labausa

Post on 15-Oct-2014

1.758 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 0

KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA: RISERTS TSANEL

SA FILIPINOLOHIYA GAMIT ANG YOUTUBE

__________________

Isang Akademikong Papel

Na Iniharap sa mga

Dalubguro ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kagawaran ng Filipinolohiya

________________________________________

Bilang Bahagi ng mga

Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal

na Marka sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

__________________

Ni

Almarinez, Gladys A.

Cañafranca, Gerhard Chino N.

Labausa, Jhorly Jones C.

Pacuribot, Erruel S.

Pedreza, Jayson G

Zaragoza, Erica Jane N

BSCS 1-3

Ika-12 ng Enero 2012

Page 2: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula

Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon, marami nang

pamamaraan ang ating magagamit para makahanap ng iba’t ibang

impormasyon sa isang kisap lamang ng mata. Isa sa maaari nating

magamit upang makakuha ng impormasyon ng mabilisan ay ang Riserts

Tsanel. Ngunit ano ba ang Riserts Tsanel? Ang Riserts Tsanel ay

isang network ng telebisyon na batay sa Unibersidad ng Seattle sa

Washington, at pinatatakbo sa pamamagitan ng isang kasunduan ng

mga nangungunang institusyong pananaliksik at pang-akademiko na

nag-aambag ng mga kaugnay na siyentipikong mga palabas na

pinapanood ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa

pamamagitan ng mga satellite at cable television. Dahil sa

makabagong teknolohiya na ito, mas mapapabilis ang paghahanap ng

mga impormasyon na nais nating malaman.

Nagsimula ang Riserts Tsanel noong taong 2004 sa Unibersidad

ng Seattle Washington. Ito rin ay isang kasunduan ng mga

unibersidad at mga institusyong panananaliksik, ito ay isang

intelektwal na komunidad na gumagawa ng mga kaalaman na magagamit

ng lahat sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang mga

Riserts, mga panananaw at mga natuklasan sa Global Audience. Si

G. Michael Welling ang direktor ng nasabing Riserts Tsanel.

Page 3: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 2

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang nasabing institusyon sa iba’t

ibang unibersidad na mayroon ng Riserts Tsanel.

Ayon kay Wellings(2005), ang Riserts Tsanel ay nagdudugtong

sa lumalaking populasyon ng mga manonood sa rebolusyonaryong pag-

unlad, kaalaman at mga tuklas ng nangunguna at nagpipitagang mga

institusyon sa pananaliksik sa pamamagitan ng on-line watching at

live streaming.

Isa sa mga unibersidad na naging katulong sa pagpapaunlad ng

Riserts Tsanel ay ang Unibersidad ng Vanderbilt. Kamakailan

lamang ay inilunsad nila ang kanilang Riserts News Tsannel. Ang

kanilang layunin sa pagtatatag ng Riserts Tsanel ay ang mailapit

sa kanilang mga estudyante ang agham, at maibahagi sa mga tao ang

mga riserts na kanilang naisagawa.

Ang Filipinolohiya naman ay unang nabuo sa Unibersidad ng

Pilipinas, Diliman, at naging bahagi ng kurikulum sa ilang mga

kolehiyo at unibersidad sa loob at labas ng bansa. Ang

Filipinolohiya ay naglalayon na isama ang pag-unawa,

pagpapahalaga at kritikal na pagsusuri ng Pilipinas sa

pamamagitan ng kasaysayan ng Pilipinas, at mga napapanahong isyu

sa komunidad sa Pilipinas. Ang Kolehiyo ng mga Wika at

Lingguwistika (CLL) naman ay isa sa mga propesyonal sa pagtuturo

ng Filipinolohiya na umiiral sa higit sa dalawampung taon sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagmula pa sa Kolehiyo ng

Page 4: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 3

mga Wika at Mass Communication, ang Kolehiyo ng mga Wika at

Linggwistika ay umusbong bilang isang malayang kolehiyo noong

taong 2001. Itinatag nito ang mga kagawaran katulad na lamang ng

Kagawaran ng Filipinolohiya, Kagawaran ng Ingles, Foreign

Languages, at Lingguwistika. Ang kolehiyo ay patuloy na

nagbibigay ng kahusayan, disiplina at komprehensibong kurso ng

pag-aaral na nagbibigay ng daan para sa pagpapabuti sa pagtuturo

ng wika at pag-aaral ng wika.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang gumawa ng

pagsusuri upang malaman kung isa nga bang epektibong instrumento

ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon.

Sinagot din ng pag-aaral nito ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:

1. Paano makakatulong ang Riserts Tsanel sa mga sumusunod:

a. sa unibersidad, kolehiyo at kagawaran;

b. sa mga mag-aaral at dalubguro;

c. sa mga susunod na komunidad.

2. Gaano katotoo ang mga impormasyong inilalahad ng Riserts

Tsanel upang makamit ang istandard ng kataasan (standard of

excellency)?

Page 5: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 4

3. Anu-anong dagdag na imbensyong teknolohikal ang

maaaring idulog ng mga mananaliksik?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ito’y makakatulong sa

mga sumusunod:

a. Mga Mag-aaral at dalubguro

Higit itong makatutulong sa praktikal na presentasyon ng sa

hinaharap. At higit sa lahat, nakikita ang aktwal na kagandahan

at kamalian ng tesis o akademikong papel pampananaliksik, na

magiging daan sa mabilisang transisyong teknolohikal.

b. Sa mga Unibersidad, kolehiyo at Kagawaran

Higit itong makatutulong sa pangangalap ng mga impormasyon

na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Maaari rin itong

makatulong sa pagkadagdag ng kanilang karunungan ukol sa Riserts

Tsanel.

c. Sa mga susunod na komunidad

Maaari itong maging batayan ng kanilang mga riserts na

gagawin pa lamang sa mga susunod na saling-aral. Maaari rin nila

itong gamitin na kaugnay na pag-aaral kung kahalintulad lamang ng

kanilang paksa ang mga paksang matutunghayan.

Page 6: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 5

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang alamin kung talaga bang

epektibo ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon.

Bagamat ito ay isang pagsuring pag-aaral, nararapat na

isinaalang-alang dito ang mga bagay na maaaring makatulong sa

pagpapaunlad ng Riserts Tsanel.

Kahulugan ng mga Katawagan

Upang maging madali sa pagkaunawa ng mga babasa ang mga

salitang ginamit, binigyang katuturan ang ilang mga salita ayon

sa gamit nito. Binigyang halaga ang mga sumusunod na katawagan:

Filipinolohiya. Sa hanay ng karunungang pangkadalubguruan ng

Unibersidad ng Pilipinas (19--), binigyang pakahulugan ang

Filipinolohiya na sa pangkalahatan, ito ay tumatalakay sa pag-

aaral ng Pilipinas. Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng Filipino sa

kasaysayan, Filipino sa kultura, Filipino sa lipunan, Filipino sa

buhay, Filipino sa pag-iisip, Filipino sa sikolohiya, Filipino sa

pulitika at Filipino sa pamahalaan.

Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Sa isinagawang pag-

aaral ng mga mananaliksik (1987), binigyang pakahulugan ang

terminong CLL o ang Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika bilang

isang kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na

Page 7: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 6

nagtuturo ng iba’t ibang lenggwahe at linggwistika ng bansang

Pilipinas, at ang pagiging pamilyar sa mga bagay-bagay na

makakapagpabuti sa pagtuturo ng wika at pag-aaral ng wika.

Riserts Tsanel. Inilahad ni G. Wellings (2006) na ang

Riserts Tsanel ay isang teknolohiya na nagbibigay ng kaalaman sa

pamamagitan ng mga bidyo ukol sa mga iba’t ibang paksa na

makakatulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga tao.

Youtube. Matutunghayan sa Wikipedia (2004) na ang kahulugan

ng Youtube ay isang pahina sa internet na nagbabahagi ng mga

bidyo na nilikha ng dating tatlong empleyado ng PayPal noong

Pebrero 2005, na kung saan ang mga gumagamit ay maaaring

magbahagi at mag-upload, tumingin at ibahagi ang mga bidyo.

Page 8: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 7

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa ginawang pananaliksik, natagpuang kakaunti lamang ang

nagbalak na gumawa ng artikulo ukol sa Riserts Tsanel at

karamihan lamang sa mga pag-aaral na ito ang pinagtuunan ng

pansin. Sa mga nakalap na datos, karamihan ay sinasaad na ang

Riserts Tsanel ay mas nakakaayang panoorin kaysa sa mga dokumento

sa telebisyon. Isa pa sa mga pinagtuunan din ng pansin ay ang

paggawa ng bidyo na maaring masabing halimbawa ng Riserts Tsanel

na naglalayon sa mabilis na pagkatuto ng mga manunuod sa

pamamaraan ng pagsasalita at pagtatalakay na tinukoy sa bidyo.

Sapagkat sa pamamaraang ito, sa halip na magbabasa ay manonood at

makikinig na lamang ang mga iba pang mananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa ginawang pagsasaliksik ni Deroest (2007), naging malaki

ang kontribusyon ng Riserts Tsanel para sa mga naghahanap ng mga

datos ng iba’t ibang mga media presentators. Napagtagumpayan din

nito na makagawa ng iba’t ibang mga bidyo para naman sa

akademikong komunidad ng mga mag-aaral.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Kassover (2008), nang

sumikat ang Riserts Tsanel, umabot sa dalawampung porsyento (20%)

ng mga internet users ang nanunuod ng telebisyon on-line.

Page 9: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 8

Karamihan dito ay ang mga palabas na kasalukuyan pa lamang

kinukuha.

Sa pag-aaral na ginawa ni O’Bryant (2007), sinabi niya na

ang Riserts Tsanel ay matagumpay na nakapamahagi ng kaalaman at

mga likas na riserts sa mga iba’t ibang institusyon sa iba’t

ibang bahagi ng mundo. Nilalayon nila sa ngayon na lalo pang

mapaunlad ang kanilang naisagawang pag-aaral.

Tinuran ni Philipson (2007) sa kanyang komento sa isang

magazine na ang Riserts Tsanel ay mas nakakaayang panoorin kaysa

sa mga telebisyon sa bahay. Tinuran din niya na ang Riserts

Tsanel ay isa sa mga magagandang naiambag sa larangan ng

broadcasting.

Ayon sa isang pahayag ni Yang (2006), ang Riserts Tsanel,

kasama iba’t ibang teknolohiya, ay naglalayong matulungan ang mga

manunuod sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang magkalapit-lapit at

magkaroon din ito ng kontribusyon sa larangan ng riserts.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sinabi ni Belmonte (2011) sa dyaryong “Manila Bulletin” na

ang Youtube, kung saan ay isang pag-aari ng Google, ay mga gawi

ng bidyo ng mga Pilipino sa dahilan na sila ay sumali sa

inilunsad na naisalokal na serbisyo. Ayon sa isang palabas ng

"Unang Hirit," noong Oktubre 14, dito sa Pilipinas ay may

Page 10: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 9

pinakamaraming bilang ng mga rehistradong gumagamit ng YouTube na

halos 30 milyong sa rehiyong Southeast Asian.

Tinalakay ni Ramos (2011) na ang YouTube ay matagumpay na

nakapagpasikat, lalo na sina Justin Bieber, Charice Pempengco at

Arnel Pineda sa ginawa nilang marka para sa bansa sa pamamagitan

ng kanilang talento. Sinabi din niya na mas marami ngayon ang

dumadating na mga papasikat pa lamang, at ang bawat isa ay sabik

na maipakita ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng parehong

platform at sa mas marami pang mga paraan.

Winika naman ni Sabroso (2010), isang dating estudyante ng

UP Diliman, na pinili ng grupo nila ang Youtube bilang

instrumento sa pagpapahayag ng kanilang mga layunin at saloobin

para makabahagi sa Global Warming. Naging maganda ang resulta

sapagkat ito’y maaaring mapanuod sa iba’t ibang bahagi ng mundo,

sa tulong ni Dr. Melinda Bandalaria, faculty member-in-charge ng

DEVCOM 208.

Tinuran sa pagsasaliksik nila Alvaran (2009) na ang Youtube

ay nagdudulot ng mga iba’t ibang epekto sa mga manunuod nito.

Sila ay nagpokus sa mga negatibong epekto nito, at ang mga

halimbawa nalamang nito ay ang pagkakaroon iba’t ibang uri ng

sakit sa matagalang panunuod ng mga bidyo at nagkakaroon din ng

mga problema sa akademikong kakayahan sa eskwelahan.

Page 11: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 10

Winika naman sa pag-aaral nila Roxas (2009) na ang Youtube

ay malaki ang naiambag sa akademikong pag-aaral ng mga

estudyante. Nagagamit nila ang Youtube sa paghahanap ng mga

impormasyon para sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral,

halimbawa na lamang ang paggawa ng iba’t ibang mga eksperimento

kagaya na lamang sa pagluluto.

Balangkas Teoritikal

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa teoritikong pananaw sa

maitutulong ng Riserts Tsanel para sa mga estudyante,

dalubguruan, at mga mananaliksik hindi lamang sa Kolehiyo ng mga

Wika at Linggwistika, pati na rin sa iba pang mga kolehiyo.

Page 12: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 11

Figura 1

Modelo ng Daloy ng Pag-aaral

RISERTS TSANEL

KOLEHIYO NG MGA RISERTS AT

WIKA AT LINGGWISTIKA IMBENSYON

FILIPINOLOHIYA INGLES DALUBGURO MAG-AARAL

MGA PANANALIKSIK KOMUNIDAD

IMBENSYON

ISTANDARD NG

KATAASAN

Sinikap ng mga mananaliksik na maibahagi ang mga magagandang

artikulo sa pamamagitan lamang ng isang Riserts Tsanel.

Hipotesis

Page 13: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 12

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa mga sumusunod na mga

palagay:

1. Malaki ang magiging epekto nito sa pag-aaral ng mga

estudyante ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika.

2. Isa itong epektibong instrumento para makahanap ng tamang

impormasyon sa pamamagitan lamang ng panunuod ng mga

bidyo.

3. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga

mag-aaral at mga dalubguro.

4. Mas mapapabilis pa nito ang pananaliksik ng mga dalubguro

sa kanilang gagawing riserts.

5. Matutulungan nito ang mga dalubguro na mas mapadali pa

ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante.

6. Mapapaunlad nito ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang

pananaliksik dahil sa paggamit ng teknolohiya.

7. Maipapakita nito na kahit limitado ang natuklasan ay

mailalahad pa rin ang kabuuan nito sa pananaliksik.

8. Madali nitong maipapakita ang antas ng bilang o bahagdan

sa pananaliksik kung ito man ay may pagkakatulad at

pagkakaiba.

9. Magiging batayan ito ng mga impormasyong makakalap.

Page 14: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 13

10. Magiging tulay ito sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at

mga impormasyong may kinalaman sa pang-araw-araw na

buhay.

11. Makakatulong ito sa paghahanap ng mga pinanggalingan ng

mas malawak na impormasyon.

12. Matutulungan nitong mapaikli ang mga datos na lubhang

mahaba sa pagiging maikli ngunit detalyadong

paraan.

13. Makakatulong ito na maging batayan ng mga impormasyohng

makakalap.

14. Ang imbensyong nagawa ay maaaring maabot ang mga

pangangailangan upang makamtan nito ang istandard ng

kataasan.

15. Ang imbensyong nagawa ay magiging isang paraan para

makagawa pa ng mga susunod sa saling-aral na

kahalintulad ng sa isang Riserts Tsanel.

Page 15: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 14

Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito inilahad ang mga pamamaraan at metodong

ginamit ng mga mananaliksik sa pagsasakatuparang magawa ang isang

Riserts Tsanel gamit ang Youtube at mailagay ito sa pahina ng

Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Matatagpuan dito ang

disenyo ng pananaliksik at ang mga hakbang sa pagsasagawa nito.

Paraan ng Pananaliksik

Upang maisagawa ang paglalagay ng Riserts Tsanel sa pahina

ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika, ginamit sa pag-aaral na

ito ang eksperimental na metodo. Tinuran ni Cruz(1992) na ang

eksperimental na metodo ay naghahangad na makita kung “ano ang

kalalabasan” kapag ang mga datos na nakalap ay nakuha sa isang

kontroladong kondisyon. Sa pagsusuring ito makikita kung paano

nagawa ang isang Riserts Tsanel at ipinaliwanag dito ang mga

hakbang kung paano naisagawa ang pag-uugnay ng Riserts Tsanel sa

tulong ng Youtube at ang pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at

Linggwistika.

Instrumento

Sa ginawang pagsusuri ng mga mananaliksik, may mga nakahanda

nang mga impormasyon o mga artikulo at mga programa sa kompyuter

at gagamitin ang mga ito sa pagsasakatuparang magawa ang pag-

Page 16: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 15

uugnay ng Riserts Tsanel at ang pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at

Linggwistika.

Paraan ng Pagsasagawa

Ginamit sa pananaliksik ang mga sumusunod na mga paraan:

1. Naghanap ng iba’t ibang mga artikulo ukol sa iba’t ibang

dimension sa wika ng bansa. Ang mga dimension na ito ay ang

dimensyong cultural, sosyal, teknolohikal, politikal at

ekonomikal.

2. Mula sa mga nakalap na artikulo, bumuo ang mga

mananaliksik ng iba’t ibang konsepto na maaaring maging sentro ng

pananaliksik.

3. Mula sa dalubguro, ibinahagi ang iba’t ibang mga Riserts

Topic at napili ang paggawa ng Riserts Tsanel at mailagay ito sa

pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika.

4. Nagbasa ng mga artikulo, tesis at proyekto ng iba pang

mga mananaliksik kaugnay sa paksang napili. Nangalap din ng mga

impormasyon sa internet.

5. Komunsulta sa iba’t ibang pahina ng mga naglalakihang

unibersidad na mayroon at nagsasagawa din ng mga Riserts Tsanel.

6. Sinuring mabuti at tinala ang mga impormasyong nakalap

ukol sa pagsasagawa at mga layunin ng isang Riserts Tsanel at

Page 17: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 16

binigyang linaw ito sa pagkakaiba ng iba pang mga paraan ng

pagbabahagi ng impormasyon.

7. Nanuod ng mga bidyo na halimbawa ng Riserts Tsanel at mga

kaugnay na halimbawa katulad ng sa Youtube Tsanel.

8. Paulit-ulit na binasa at sinuri ang mga nakalap na

impormasyon at pinag-aralan din ang mga pag-aaral ukol sa paksa.

9. Itinala ang mga akda sa mga nakalap na datos at sinimulan

ang paghahanda ng mga gagamitin sa paggawa ng isang Riserts

Tsanel.

10. Gumawa ng sariling imbensyon sa mga pampraktikal na

pagsasabuhay ng isang Riserts Tsanel. Matutunghayan sa mga

susunod na hakbang ang proseso ng pagsasagawa ng Riserts Tsanel.

11.

PROSESO SA PAGSASAGAWA NG ISANG RISERTS TSANEL

20.

21. Matapos maisagawa ang lahat, sinuring panglinggwistika

ang mga datos at ang nagawang bidyo.

22. Matapos suriin, handa nang sagutin ang mga tiyak na

katanungang pang-akademiko gamit ang naisagawang pagsusuri sa

Page 18: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 17

mga datos at ang nagawang bidyo bilang batayan sa pagtuklas sa

suliranin.

Page 19: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 18

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT EBALWASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang epekto ng Riserts

Tsanel sa mga manunuod, magawa ang isang Riserts Tsanel gamit ang

Youtube at mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika at

Linggwistika. Layunin ng pag-aaral na ito na makagawa ng

pagsusuri upang malaman kung isa nga bang epektibong instrumento

ang Riserts Tsanel sa paghahanap ng tamang impormasyon.

Matatagpuan din sa kabanatang ito ang linggwistikang sinagot

sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan o

suliranin:

1. Paano makakatulong ang Riserts Tsanel sa mga sumusunod:

a. sa unibersidad, kolehiyo at kagawaran,

b. sa mga mag-aaral at dalubguro, at

c. sa mga susunod na saling-aral pang mag-aaral.

2. Gaano katotoo ang mga impormasyong inilalahad ng Riserts

Tsanel upang makamit ang istandard ng kataasan (standard of

excellency)?

3. Anu-anong dagdag na imbensyong teknolohikal ang

maaaring idulog ng mga mananaliksik?

Page 20: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 19

TALAHANAYAN I

PAGSASABUHAY NG ISANG RISERTS TSANEL

Ipinapakita sa talahanayan I ang halimbawang imbensyon o ang

pagsasabuhay ng isang Riserts Tsanel. Ang imbensyong ito ay

nagpapakita ng tamang pagsulat sa alpabeto ng Pilipino. Kasama na

rin ang proseso at ang mga dagdag na letra sa alpabetikong

Pilipino. Matapos magawa ang bidyo ay binigyang pansin naman ang

pagsasakatuparang mailagay ito sa pahina ng Kolehiyo ng mga Wika

at Linggwistika.

TALAHANAYAN II

ANG RISERTS TSANEL AT ANG MGA NAGING RESULTA NITO

(KASALUKUYANG PINAG-IISIPAN)

Page 21: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 20

TALAHANAYAN III

ANG RISERTS TSANEL AT ANG BATAYAN NG ISTANDARD NG KATAASAN

(STANDARD OF EXCELLENCY)

(KASALUKUYANG PINAGIISIAPN)

Page 22: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 21

Kabanata V

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad ng huling kabanatang ito ang tungkol sa buod,

kongklusyon at mga rekomendasyon ng pag-aaral.

BUOD

Ang isinagawang na ito ay umiikot sa maaaring maging epekto

ng isang Riserts Tsanel para sa mga manunuod nito, lalo na sa mga

estudyante at daubguruan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika,

pati na rin sa mga susunod na saling-aral na may kaugnayan sa

nasabing paksa. Nilalayon din ng pag-aaral na ito ang madagdagan

ang mga impormasyon at makapagbahagi ng imbensyon na nakakatulong

sa pagpapa-unlad ng kaisipan ng isang tao.

Matutunghayan sa Talahanayan I sa Kabanata IV ang

naisagawang Riserts Tsanel at kung paano ito maiuugnay sa pahina

ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Sa Talahanayan II naman

matatagpuan ang mga posibleng maging epekto nito batay sa

isinagawang masinsinang pagsusuri sa mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik. At sa Talahanayan III naman ipinakita ang mga

nagging batayan ng istandard ng kataasan (standard of excellency)

para mapatunayang ang mga impormasyon sa Riserts Tsanel ay

garantisadong pawang tiyak at totoo.

Page 23: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 22

KONGKLUSYON

Pagkatapos ng masinsinan at maingat na pagtalakay at pagsuri

sa mga impormasyong nakalap, inilahad ang mga sumusunod na

kongklusyon:

1. Makaktulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

a. Sa unibersidad, kolehiyo at mga kagawaran, ang

Riserts Tsanel na ito ay higit na makakatulong sa

pagpapalabas ng aktwal na presentasyon na maaaring magamit

sa mga susunod na batayan. Ito rin ay makakatulong sa

pagpapataas ng kanilang antas pangkolehiyo.

b. Sa nga mag-aaral, at dalubguruan, ito’y higit na

makakatulong sa pagpapalawak ng kanilang kaisipan at ang

pagbubukas ng kanilang diwa na makakatulong sa iba’t ibang pang-

akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Para sa dalubguruan,

higit itong makakatulong bilang instrumento sa pagtuturo na

maaaring makapagbigay ng kawilihan sa mga mag-aaral nito.

c. Sa mga susunod na komunidad, higit itong makakatulong

upang maging batayan ng mga tiyak na kasagutan sa kanilang mga

katanungan sa isang Riserts Tsanel na maisasagawa pa lamang sa

mga susunod na saling-aral.

2. Marami nang mga impormasyong inilahad ng Riserts Tsanel

na nakamit ang sinasabing istandard ng kataasan (standard of

Page 24: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 23

Excellency), bagamat ito ay dumaan na sa maraming paghuhusga at

pagsusuring pang-akademiko, lalo na sa Youtube Tsanel. Isa sa mga

dalubhasang sumusiri nito ay ang ---------------------------at

tiniyak pa nitong ang mga impormasyong inilalahad sa Riserts

Tsanel ay maaaring mapanuod sa buong mundo o ang Global Audience.

Ninanais din ng mga mananaliksik na ang ginawa nitong Riserts

Tsanel ay makamit din ang ganitong karangalan.

3. Bagamat mga simpleng programa lamang ang ginamit sa

pagbuo ng isang Riserts Tsanel, maaari din itong gawin ng mga

susunod na komunidad bilang pagsasagawa na rin sa kanilang

imbensyon kagaya ng Riserts Tsanel. Ang mga programang ito ay

matutunghayan sa paraan ng pagsasagawa sa Kabanata III at maaari

pa itong mapayabong at lubhang mapaganda.

REKOMENDASYON

Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa

ikauunlad ng pananaliksik pang-akademiko, iminumungkahi ang mga

sumusunod na rekomendasyon:

1. Nararapat lamang na ang mga datos na nakalap ay

garantisadong tiyak at totoo sapagkat ang Global Audience ang

maaaring makapanuod nito na magiging batayan ng kanilang pang-

akademikong pag-aaral at siguraduhing makakapasa ito sa istandard

ng kataasan (standard of excellency).

Page 25: Kolehiyo Ng Mga Wika at Lingguistika

PAHINA 24

2. Ang Riserts Tsanel, sapagkat ito’y isang imbensyong

teknolohikal ay dapat isinasaalang-alang pa rin ang mga maaaring

negatibong epekto nito sa mga tao na maaaring makaapekto sa kani-

kanilang kalusugan kagaya na lamang ng panunuod nito ng sobrang

pangmatagalan na makakapagdulot sa panlalabo ng mga mata.

3. Ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mga mag-aaral at

muling isagawa ito sa pag-aaral sa napiling paksa upang

mapatunayan at mapalawak ang natuklasan.