konseptong may kaugnayang lohikal
TRANSCRIPT
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
Maricar Franciamanunulat
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.
• Dahilan at Bunga/ Resulta • Naghahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang
pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
• Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)kaya/kaya naman natutosiya nang husto.
Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hintodahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta)natuto siya nang husto.
Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may hintonag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)natuto siya nang husto.
Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)sapagkat/pagkat/kasi/ dahilnag-aral siyang mabuti
• Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.
Paraan at Layunin
• Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)
Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin +paraannag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos ng
Layunin)Nag-aaral siyang mabutiupang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)matuto nang husto.
• Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.
Paraan at ResultaNagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. • Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)nakatapos siya ng kanyang kurso.
• Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)kurso sa matiyagang pag-aaral.
• Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
Kondisyon at Bunga o Kinalabasan• Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o
salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.
• Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)sana’y natuto ka nang husto.
• Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)kung nag-aral kang mabuti.
• At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:
• Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga)nag-aral kang mabuti,matututo ka nang husto.
• Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)kapag/ sa sandaling/ bastatnag-aral kang mabuti.
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
BROADCAST MEDIA
RADYO TELEBISYON
nagbibigay ng impormasyonnagpapahayag ng mga pananaw at opinyonnagpapabatid ng mga pangunahing suliraninnaglalatag ng mga solusyon sa mga nangunahing suliraninaksiyong naisagawa/solusyon sa mga ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)