konseptong papel sa filipino
TRANSCRIPT
Paggawa ng Konseptong Papel
Matapos na aprubahan ang inyong paksa para sa pampanahong papel,
ANO NA?
Bago ang pagsusulat, gumawa muna ng
KONSEPTONG PAPEL
Ano ang KONSEPTONG PAPEL?
Ito ang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang framework ng paksang tatalakayin. Ano naman ang framework?
Ito ang pinakaistruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin, o tukuyin.
May apat na bahagi ang konseptong papel:
RasyunalLayuninMetodolohiyaInaasahang awtput
Rasyunal
-- ipinapahayag nito ang “kasaysayan” o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili ang partikular na paksa.
-- tinutukoy din nito ang kahalagahan at kabuluhan ng naturang paksa
Rasyunal
Itinuturing na tagalinis ng tubig ang mga janitor fish. Kaya hindi mawawala sa mga aquarium, malalaki man o maliliit, ang nasabing isda. Subalit, ilang taon na ring problema ng mga mangingisda sa Laguna de Bai ang pagdami ng mga janitor fish. Imbes na makatulong sa paglilinis ng lawa, kabaligtaran pa ang nangyayari. Mahalagang malaman ang usaping ito upang mabigyan ng solusyon ang lumalalang suliranin sa pagdami ng mga janitor fish.
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Layunin
-- tumutukoy ang layunin sa pakay o gustong matamo sa pananaliksik.
-- maaaring pangkalahatan o tiyak ang layunin.
Pangkalahatan kung ipinapahayag ang kabuuang layon, gustong gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik.
Tiyak kung ipinapahayag ang mga ispesipikong pakay.
Layunin
Pangkalahatang Layunin: Alamin at suriin ang sakop ng pinsala sa pagdami ng janitor fish, ang epekto nito sa pamumuhay ng mga mangingisda sa Laguna de Bai, at makapagmungkahi ng mga posibleng kalutasan sa pesteng ito.
Mga tiyak na layunin:Alamin ang sakop ng janitor fish sa Laguna de
Bai.Suriin ang kapaligiran ng nasabing lawa na
kinahiyangan na ng mga janitor fish.Alamin ang naging pinsala ng mga ito sa
pamumuhay ng mga mangingisda sa lawa.Makapagmungkahi ng mga hakbang sa
pagbawas at pagsupil sa mga pesteng isda.
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Metodolohiya
-- tumutukoy ito sa pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri sa napiling paksa sa pananaliksik.
-- maraming paraang ginagamit sa pagkuha ng datos gaya ng sarbey, panayam, questionnaire, case study, obserbasyon, at iba pa.
-- sa pagsusuri naman, ginagamit ang empirikal na paraan, komparatibo, hermenyutika (interpretasyon), semiotika (pagkuha ng kahulugan), at iba pa.
-- malalaman ng mag-aaral ang mga partikular na paraan o metodolohiya na ginagamit sa larangan at maging sa mga kaugnay nito kapag siya’y nasa larangan na.
Metodolohiya
Kukuha ng mga datos ukol sa pagdami ng janitor fish sa Laguna de Bai mula sa mga artikulo nasulat dito sa mga diyaryo at magasin. Kukuha rin sa mga science, agriculture, at aquaculture journals na mayroon nito. Kukuha rin ng impormasyon mula sa DENR at DA. Maaari ring kumuha mula sa mga internasyunal na magasin gaya ng National Geographic at sa mga bidyong gawa ng NG at ng Discovery Channel. Kapapanayamin din ang mga mangingisda sa lawa at ang mga eksperto sa fisheries.
Mula rito, susuriin ang naging lawak ng problema at sisikaping makapagbigay ng mga rekomendasyon ukol sa pagbawas at pagsugpo ng pesteng isda.
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng janitor fish sa Laguna de Bai
Inaasahang Awtput
-- ito ang magiging resulta ng pananaliksik.
Ang pagdami at pagsugpo sa pesteng Janitor Fish sa Laguna de Bai
Isang pampanahong papel ang gagawin na may tentatibong haba na 12 hanggang 15 pahina.
Sa paggawa ng konseptong papel:
• dalawang pahina ng short bond,
• font size ay Arial 12,• double spaced• isumite ang
kompyuterisadong kopya sa MARTES, Pebrero 2