kristine series
TRANSCRIPT
KRISTINE SERIES
PHOTO ALBUM
#1:THE DEVIL’S KISS
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay
makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa
lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva.
At eh, ano, kung si Marco ay may pinaka-seksing ngiti na nakita niya? At eh, ano
rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng
daddy niya.
#2: ANG SISIW AT ANG AGILA
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang
mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil
sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang
babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at
marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine.
Sa nangyayari’y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon
na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng
matanda.
#3: DAHIL IKAW
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may
kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake
bilang si Sandra.
Subali’t paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin
si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
#4: JEWEL, BLACK DIAMOND
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una.
Pinakasalan ni Bernard si Sandra at umalis si Jewel patungong America with a
broken heart.After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay
mahigit nang isang taong biyudo.
After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasiyang
magpakasal. Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng
dalawa.
Nagtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
#5: ANG LALAKE SA LARAWAN
Unang pagkakataong nakita ni Krizelda ang Hacienda Kristine nang
magbigay-galang ang pamilya ni Don Rafael Fortalejo sa labi ni Don Leon. Si Krizelda, na ang hilig ay kunan ng larawan ang magagandang tanawin
ay agad nabighani sa ganda ng hacienda.
But all paled in comparison sa matipunong lalakinnakasakay sa
stallion at di-sinasadya’y na-capture ng kamera niya!
#6: KAPIRASONG PAPEL
Anuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubuwag ang moog na kinakukulungan niya. At habang
inilalayo niya ang sarili’y lalo itong lumalapit, nanunukso.
Ano ba talaga ang gusto sa kanya ni Miguel Redoblado?
#7: ISABELLA
Si Isabella ang pumalit sa puwesto ng ama nang magkasakit ito. Ginawa
niya ang lahat ng paraan upang hindi makatanggi si Ismael Fortalejo.
Intrigued, tinanggap ng binata si Isabella upang hawakan ang yacht ng
mga Fortalejo. At hindi nito maisip kung paanong ang isang
napakagandang babae’y gugustuhin ang gayong trabaho.
Hanggang mabihag ni Isabella ang puso nito. At dukutin ang dalaga,
magpakasal lamang siya sa binatang Fortalejo.
#8: VILLA KRISTINE
(A Special Edition)
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng
maraming pera sa mga ito. Pero hindi pinahalagahan ni Diana iyon na
nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya
alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper.
Wala siyang maaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo
siya… but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim.
And Diana didn’t even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba
siya sa mga matang sing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga
labing nangangako ng langit?At paano ang literal na panganib na
nagbabadya sa kanya?
#9: AMORE (BELOVED STRANGER)
(A Special Edition)
“Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman
once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi
ko na gustong maranasan pa ang pangyayaring iyon. I will marry you
because I desire you at dahil kailangan ko ng asawa.” walang
emosyong sinabi ni Bernard. Hindi kailanman itinanggi ni Bernard na
hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal nito si Jewel. Pero inalok nito ng kasal si Diana ng dahil lang sa
physical na attraction ng dalaga sa kanya. Walang emotional attachment.
Ano ang gagawin ni Diana? Nahahati siya sa pagitan ng panganib na
nakabadya sa kanya at sa pag-ibig niya kay Bernard.
#10: FRANCO NAVARRO
Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung
taong gulang na si Franco Navarro sa ama niya na pakakasalan siya sa
pagsapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang
nakalampas matapos ang eighteenth birthday niya. At sa kauna-unahang
pagkakataon sa buhay ni Bea ay makakaharap niya si Franco Navarro upang ipatupad dito ang pangakong
binitiwan.
Si Franco Navarro ay walang balak na pakasal sa kahit na kaninong babae. Pero determinado si Bea and he was
holding on to his promise once upon a time.
#11: WILD ROSE
A virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad
sa kanya. Mula sa Houston, Texas, Kristine was swept into a savage
paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province.
Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome
devil na walang balak magpatali sa matrimonya ng kasal. Kristine suited
him. A sexy widow. Pero ang malamang virgin pa ito ay isang
bonus.
#12: MAGIC MOMENT
Alaina loved and adored Nick mula pa nang una niya itong makita. Pero
nanatiling isang panaginip lamang iyon. Isang trahedya ang dumating sa buhay ng mga Gascon and Nick didn’t
only take refuge in Sto. Cristo, he took her innocence as well.
Ang masakit, hindi alam ni Nick iyon. Ang higit pang masakit, ibang
pangalan ang tinatawag nito while he made love to her. At ang
pinakamasakit, sa mismong araw at oras na iyon ay binayaran siya ni Franco Navarro upang huwag ng
makipagkita pa sa binata.
#13: WILD HEART 1
Jenny Navarro. Socialite princess. Habang ang ibang anak ng
mayayaman ay nasa ballet ang piano lessons sa murang gulang, siya’y nasa ibabaw ng stallion. At nang
magdalaga, habang ang mga kasing-gulang niya’y nasa disco at social
functions, siya’y dalubhasa sa martial arts at pagpapalipad ng helicopter
and a markswoman.
Zandro Fortalejo – Sa kanyang palagay ay si Jenny ang kabuuan ng babaeng hindi nito type. Wild, rich
and spoiled. Pero bakit tinanggap nito ang suhestiyon ni Franco that he
tamed the wild heart?
#14: WILD HEART 2
May isang particular na babae sa isip ni Zandro para siyang kasamahin sa habang-buhay. At hindi si Jenny iyon. Napaso na ito ng dalawang beses sa mga kauri ni Jennifer Navarro. Hindi nito gustong maulit iyon. At hindi ito
nagkamali ng akala.
Jenny fell in love with the wrong man for the first time. Pero nang alukin
siya ni Zandro ng kasal out of honor ay tumanggi siya. She will only marry for love at sinabi ni Zandro na wala
itong damdamin sa kanya. Ang pagtanggi niya ay muling nagdulot ng
sakit kay Zandro. Ang ikatlong babaeng inalok nito ng pangalan ay halos iisa ang dahilan ng pagtanggi.
Isa na rito ang pagiging bastardo ng binata!
#15: ENDLESSLY 1
Bernard – Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died.
Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and thought that Diana could
bring back his sanity.
Diana – pinakasalan niya si Bernard dahil mahal niya ito, dahil akala niya’y kaya niyang tanggaping
kalahati ng puso nito’y hindi kanya. And she was so wrong.
Lance – He fell in love with a woman whose exotic beauty made the gods
swoon. She has a coal-darked eyes he thought held so many passionate
mysteries.
And The Black Diamond – Para sa kanya, iisa lang ang kahulugan ng
buhay, si Bernard. She died and live again for only one man.
Feel the pain, the heartaches, the anguish and the magical love that
defied time and death.
#16: ENDLESSLY
Sa pagbabalik ng kanyang memorya ay natuklasan ni Jewel na ang lalaking siyang lahat sa buhay niya’y pag-aari
na ng iba. Paano niya haharaping muli ang buhay, lalo at ang higit na
maaapektuhan ay si Lenny?
Kaya bang halinhan ng guwapong si Lance Navarro si Bernard sa puso
niya?
#17: ENDLESSLY 3
“This is your home, Jewel. You belonged here, kayo ni Lenny. At
huwag mong hamunin ang kakayahan kong pigilin kayo ng anak ko rito…”
kung and dahilan ni Bernard ng pagnanais nitong manatili sila sa Villa Kristine ay dahil lamang kay Lenny, bakit kailangang pati siya’y pigilin
nito? Paano niya pakikitunguhan na ang kaisa-isang lalaking minahal
niya’y pag-aari na ng iba? Magagawa ba niyang ipaglaban ang sariling
karapatan?
At ano ang gagawin ni Bernard sa naka-ambang panganib sa buhay ng
kanyang mag-ina dahil inakala ni Kenneth na nasa Villa Krisine si Diana? Mauulit bang muli ang nangyari may dalawang taong
mahigit na ang nakalipas? At sa mismong harapan nito?
#18: ROSE TATTOO 1
When Lance Navarro whispered “I do…,” Erika Rose saw hatred and
contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lforced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her horror, Lance
branded her for life. At bago siya nawalan ng malay, she saw cruelty
imprinted in his eyes. Iyon ang huling pagkakita niya dito for he left her on
the same alaki ni Franco Navarro, minutes after the day he married her.
At sa loob ng tatlong taon, tinaglay ni Erika Rose sa tapat ng puso ang tatak
ng kalupitang iyon.
#19: ROSE TATTOO 2
(A Special Edition)
Before Lance knew what hit him, he was falling in love with his wife. At
hindi niya kayang tanggaping inaalagaan ni Billie Rose mula pagkabata ang isang lihim na pagmamahal para kay Franco
Navarro.
At maraming pagkakataong nahuhuli niya ang ama at asawa sa isang
kahina-hinalang tagpo. And he was mad with jealously! Paano niya
ipagsasanggalang ang ina at sarili sa hinihinalang affair ni Franco at Billie
Rose?
#20: ROMANO
“… I have a better idea, sweetheart,” ani Romano sa nanunudyong mga mata sa masungit na estranghera.
“Ditch your lover and take up with me instead…” Sa ikalawang araw
matapos gawing pormal ni Derick ang engagement nila’y natuklasan ni Bobbie ang kataksilan nito. At sa
mismong araw din na iyon, she met the most irritating but exceedingly handsome man. Pero wala siyang
intensiyong makipagkilala dito. Hindi niya type ang mga lalaking nagtataglay ng lahat ng R.
Romano. Rugged. Rough. Rude. Rich. In that order. Oh, well, may isang R na gusto niya. Romantic. At hindi si Romano iyon who was so brutal in
telling her na iisa lang ang gusto sa kanya – bed partner.
#21: KAPENG BARAKO AT KREMA 1
Kurt La Pierre – Ex-CIA. Ruthless, crude and vulgar. He is literally and
figuratively dangerous. Lahat ng katangiang kinasusuklaman ng isang babae’y taglay nito. Except that this mysterious man had hypnotic eyes
and lethal attraction. Para dito’y basahan lamang ang mga babae at
dekorasyon sa kama para sa bayolohikong pangangailangan niya.
At hindi naiiba rito ang socialite na si Jade Ann Fortalejo de Silva. What made him hate women? Kapeng
barako at krema. Iyon ang comparison ni Jade at ng bodyguard niya. Kurt is totally out of her league.
Ang kagaspangan nito’y nagpapanindig ng mga balahibo niya,
lalo na sa mga sexual explicits ng lalaki.
But she loved him… she loved him. Kaya ba niyang tunawin ang yelong
nakapalibot sa puso ni Kurt?
#22: KAPENG BARAKO AT KREMA #2
“I wouldn’t change overnight, Jade. I could still be crude, rough, and –”
“I never meant you to,” putoll ng dalaga sa sasabihin nito. “I love you because…” itinaas niya sa ere ang mga kamay at tumingala na tila ba iniisip ang mga dahilan kung bakit
mahal niya si Kurt. “…just because.”
Mahigpit na niyakap ni Kurt ang dalaga. “Thank you so much for
loving me…thank you…” he buried his face in her hair. Hinayaan ni Jade
nang matagal na sandali ang pagyugyog ng mga balikat ni Kurt. Hinayaan niyang lumaya mula rito
ang masasakit na akahapon at alaala. She wants him to welcome the new
day with hope and love. Titiyakin niya iyon.
#23: ROMANO 2
“I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I
want.”Halos ikamatay niya nang itanggi ni Romano na anak nito ang dinadala niya and accused her of having an
affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Kendal Quidd, isang
negosyante, at isinama sa isang isla sa Carribean, ang La Crouix.
When she thought she was almost over him, muli silang nagkaharap ni Romano, threatening to take away
her son.
#24: HASTA LA PROXIMA VEZ 1
Dana Isabella – Diana and Joshua’s daughter – was curiously reading her dead grandmother’s diary nang sa
pag-angat niya ng ulo’y kaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the
same house… the same room and the same bed… tamang oras at araw at
buwan. Subalit hindi ang tamang taon. She ws in her grandmother’s house in Binondo in the year 1928.
Back in time, she met the young Leon Fortalejo, bilang si Isabelita. And she
fell in love with the handsome Spaniard. Pag-ibig na hindi nagkaroon
ng katuparan kahit noong panahon ng kanyang Lola Isabelita. At nasa 1928 siya upang maisakatuparan iyon. Could she change history?
#25: HASTA LA PROXIMA VEZ 2
“Gusto mong pakawalan ko si Cielo para kay Charles. Fine. And you’re right, I don’t love her. Pero inalisan
mo ako ng fiancée kaya anakop lang na palitan mo…”
“Palitan ko!” manghang sagot ni Dana. “ S-saan ako kukuha ng
ipapalit? Mas marami kang kilalang babae at kaya mong pumili mula sa
mga iyon…”
“Don’t be so naïve, Dana,” Lenny said in a mocking amusement. “ Really, if I
want of those women you were referring to then we wouldn’t have
this conversations…”
Nanlaki ang mga mata ni Dana. Hindi niya gustong ipasok sa isip ang ibig sabihin ni Lenny. It was outrageous!
#26: HASTA LA PROXIMA VEZ 3
Inianunsiyo ni Lenny sa gabi ng anibersaryo ng mga magulang ang
formal engagement nila ni Dana Isabella sa matinding pagkamangha
ng dalaga. She took her cousin’s place. Siya na ngayon ang fiancée ni Lenny Fortalejo. Bagaman nabigla’y
hindi niya pinagsisisihang magkasintahan na silang dalawa sa
napakabilis na pangyayari. She loved Lenny, higit kaysa damdaming iniukol niya kay Leon noong 1928. And she
had never been happier.
Subalit hindi iyon ang damdamin ng kanyang ama. Gagawin ni Joshua ang magagawa nito upang paglayuin sila.
#27: PANTHER WALKS 1
Muntik nang mabundol ng sasakyan ni Aidan ang isang babaing basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito sa ospital and found out that she couldn’t remember anything about her, maliban sa sariling pangalan –
Samantha.
She was a looker even without makeup, and gorgeous kahit roba ng ospital ang suot. And Aidan had this unwanted feeling of protecting her
and hated himself for that. Dahil kung ang karanasan niya sa mga babae ang pag-uusapan, he was a lousy
judge of character. He easily fell for a vulnerable act.
At si Samantha’y gayon. Fragile, vulnerable… and very much terrified.
#28: PANTHER WALKS 2
(A Special Edition)
He hated helpless and fragile-looking women. Nadaya na siyang minsan ng
ganoong uri ng babae. He lived by simple rules: Never get involved.
Never play a hero. Never ever fall in love.
But a helpless yet gorgeous woman na hindi makaalala maliban sa sarili
nitong pangalan took him by surprise. Danielle aroused his protective,
heroic, and carnal instincts. Inihagis niya sa bintana ang rules Number
One at Number Two. Number Three was in serious danger.
#29: ONE WISH 1
“There’s a falling star!” bulalas ni Lorabelle at mabilis na tumayo at
mula sa likod ni Karl ay ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts
nito.
“Ano’ng ginagawa mo?” Karl was stunned. “Making a wish,” she
answered softly, her cheeks on his back, her eyes closed. Hindi makuhang magsalita ni Karl.
Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing
his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang kamay nito sa loob ng bulsa ng shorts niya ay ilang
pulgada na lang ula sa hindi nararapat.
And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on
her fishing boat!
#30: ONE WISH 2
(A Special Edition)
A MAN ON HER DREAMS – Sa isang mabituing gabi, Lora made a wish. Just one wish. At kahit alam niyang mapanganib si Karl – an arrogant charmer with an athlete’s body,
itinapon niya sa hangin ang anumang babalang idinidikta ng matino niyang
kaisapan.
Ipinagkatiwala niya rito ang puso niya, and rode with him on the winds
of forever.
#31: JAMES NAVARRO 1
“My brother excels in everything, Chantal. He’s a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman… and he just didn’t inherit my grandfather’s looks but also Franco’s business acumen and ambition. And women run after him
as if he was the only man on earth…”
Chantal indulged Quinn when she listened to his story about his
superhero brother. Subalit hindi siya naniniwala rito. Ang James Navarro
na ikinukuwento ni Quinn sa kanya’y produkto lamang ng
imahinasyon nito… dahil naniniwala siyang ang ikinukuwento nito’y ang pagkataong gusto nitong maging.
But never in her wildest dreams that she would soon meet the man himself. Subalit may nakaligtaang
ikuwento si Quinn sa kanya – James Navarro was also arrogant, rough, a
bully and the devil personified.
#32: JAMES NAVARRO 2
(A Special Edition)
Natuklasan ni Chantal na alam ni Alvaro na hindi siya maaaring
magdalang-tao at ginamit lang ang dahilang iyon upang hindi
makatanggi si James na pakasalan siya. At nang malaman ni James na
hindi siya nagdadalang-tao, he became obsessed in making her
pregnant to please his father.
“I’ll make you pregnant, Chantal… with my own seed. And soon…” And so they made love, passionately…
savagely… under the sun, under the moonlight, sadagat man o sa parang.
At para kay James, it was just a husbandly duty to make her
pregnant. Just sex. Though it wasn’t pure and simple for Chantal. Her
emotions were involved… deeply. She was falling for her gorgeous husband.
#33: MY WILD HEIRESS 1
“And did you think I want to marry someone like you?” ani Jace.
“Heaven’s sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled
brats!”Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay
Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa
man lang niya nakikilala.
At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya at inalok
niya ang substitute pilot ng Lear jet, hunk and gorgeous Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito
sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang
pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at
ang mamanahin lamang niya ang hangad nito.
Upang malaman lamang na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran
upang pakasalan siya’y iisang tao.
#34: MY WILD HEIRESS 2
(A Special Edition)
“You may now kiss the bride,” wika ng wedding celebrant. “That’s not necessary,”
mabilis niyang sabi. “Let’s have that documents now and be done with it.” She attached her signature on the marriage
contract at pagkatapos ay ibinigay niya iyon kay Jace. Ni hindi niya ito hinintay na
matapos pumirma at mabilis na lumakad patungo sa exit.
Subalit bago niya nabuksan ang pinto’y naabutan siya nito. “Hey… hey… hey!” Inabot
nito ang braso niya at hnila siya pabalik.“Ano ba?!” singhal niya, sinikap pakawalan ang brasong hawak nito, but he drew her even closer, na bahagyang ikinatama ng noon niya sa mga labi nito. “Sa kauna-
unahang pagkakataon ay nagpakasal ako, my dear wife, so let’s follow tradition.”
At sa pagkamangha niya ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya. Ang unang pumasok sa isip niya’ itulak ito. But she
couldn’t have done.
#35: THE BLUE-EYED DEVIL 1
Madaling-araw na subalit nasa deck pa rin ng yate niya si Renz Navarro,
tired and bored to death. He had just made love to his current girlfriend
and found no satisfaction. Nang mula sa kung saan ay nakita niyang
sumampa sa railings ng yate ang isang… babae!
His yacht was more than a thousand yards from Manila Bay. Ang
magkaroon ng hindi inaasahang panauhin mula sa madilim na
karagatan sa ganoong oras ay bahagi lamang ng pagkamangha niya. What drew his breath was the fact that the woman who climbed up to his deck was wearing nothing but – seawater
dripping from all over her body!
#36: THE BLUE-EYED DEVIL 2
(A Special Edition)
The sexual tension between Renz and Shannon was too strong to ignore. At natitiyak ni Renz na kung maaangkin niya minsan si Shannon ay maglalaho
ang nararamdaman niya para dito. The world was full of beautiful
women, and Shannon was one of them. There was nothing extraordinary about her.
His wish was granted. He had a whole night with her. Then Shannon
vanished. Pero paanong tila may pinilas sa dibdib niya nang
matuklasang umalis ito? It was too painful he could hardly breathe. It
was as if his very life had been taken away from him.
#37: WILD PASSION 1
“Now what shall it be? Go home or have a drink with me?” tanong ni
Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the
challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggpa ng maliit na
insekto sa paanyaya ng gagamba na gumapang sa sapot niyo. And this man wasn’t an ordinary spider. He was a wolf spider. A predator. But
come to think of it, she didn’t have anything against wolf spiders.
“Okay… I’ll have one or two shots,” she said boldly, wise or foolish, so let it be. Benedict grinned devastatingly.
And she stopped breathing.
#38: WILD PASSION 2
(A Special Edition)
“Quiero… quiero que hagamos las cosas sin apresurarnos, Benedict. Ay, por favor,” she said breathlessly, ang
mga kamay niya ay mahigpit na nakayakap sa leeg nito. Benedict
chuckled against her neck. Bagaman ang naiintindihan lang niya roon ay
ang por favor, Julianne’s habit of lapsing into Spanish whenever she was aroused was adorable… and
erotic.
The passion they shared was as intense as the love they had for each
other. Pero sapat ba ang mga iyon upang mapagtagumpayan ang mga
suliraning kinakaharap nila?
#39: WILD ENCHANTMENT 1
Adriana’s new stepmother considered her an excess baggage. Through
cunning manipulation, ipinaubaya siya nito sa pinsan nito – filthy rich
Jordan Atienza. He was tall, dark, and definitely – No, hindi niya ia-apply rito
ang salitang “handsome.” “Handsome” was for movie stars and
too tame to be applied to Jordan.
And Jordan was anything but tame. He was a beast. Hitler personified. At kinasusuklaman niya ito sa akusasyon
nitong sisirain niya ang pagsasama ng daddy niya at ng bagong asawa
nito.
Now she considered herself Cinderella with a wicked stepmother, one wicked
stepsister (sa katauhan ng pinsan niya). At ang bahay ni Jordan bilang
prison tower niya. (Oh, that’s Rapunzel’s!). Anyway, would Jordan
qualify as her Prince Charming? Hmp. Duda siya roon. Beast, baka pa. (Oh, dear, she was really mixing up her
fairy tales!)
#40: WILD ENCHANTMENT 2
“Puno ng schedule ang buong lingo ko. Sa Biyernes ay patungo tayo sa Batangas. Nabanggit ko na sa iyong
may meeting ako sa labor union doon. At magiging abala na ako… So
the wedding could be set on Wednesday next week,” patuloy nito na tila ba ang pinag-uusapan ay ang pagbaba at pagtaas ng stock market.
“Yes. Wednesday next week is perfect.”
Jordan proposed to marry her to keep her from doing any more mischiefs –
at upang huwag na niyang habulin pa si Rowel. Proposed? No, he didn’t
propose. Ipinaaalam nito sa kanya na magpapakasal sila – sa ayaw at sa
gusto niya.
#41: IVAN HENRICK
(A Special Edition)
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya - all of them international agents of high caliber - ay iniligtas si Nayumi
Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong nagligtas sa kanya. Subalit
nanatili sa isip at puso niya ang pinuno ng mga ito, kahit na hindi man
lang niya nasilayan ang anyo nito.
She was not fatalistic. Subalit isang araw ay nagtagpo sila. Muli ay
iniligtas siya ni Ivan sa muntik nang pagkapahamak. Now her fantasy … her knight in shining armour had a face - a handsome, hardened man, with no interest in loving a woman.
And if there was one thing he wanted from her - it was sex in capital S.
“Don’t fall in love with me, Nayumi. Trust me, I always say good-bye.”
#42: HAVE YOU LOOKED INTO MY HEART 1
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan
sa kanya ng namayapang mga magulang niya. Jared Atienza was
filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasanla ng asyenda nila.
That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit
niya ito sa anumang paraan.
Jared couldn’t care less about his grandfather’s codicil. He had come to
value his independence. Marriage meant giving up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung
hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena
Manzanares. Though she wasn’t his type, he desired her. Kailangang
mapapayag niya ito sa marriage of convenience—sa anumang paraan.
#43: HAVE YOU LOOKED INTO MY HEART 2
(A Special Edition)
“You saw me as your meal ticket!” Iyon ang akusasyon ni Jared kay Serena at hindi niya makuhang
itanggi iyon subalit hindi sa paraang gusto nitong paniwalaan. That the
reason she married him was because she truly loved him. Though his money was important, it was
secondary.
They were bound together in a marriage of convenience. Subalit
walang isa man sa kanila ang makapagkakaila sa nagngangalit na silakbo ng damdamin nila para sa
isa’t isa.
#44: TRACE LAVIGNE 1
(A Special Edition)
Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A
Hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of love… of tenderness. He
was angry and bitter. Tulad ng dalawang kasamahan niya — ex-SEAL
Ivan and Brad — nakikipaghamok siya na tila ba wala nang bukas.
Until an exotic stranger proposed to him. Walang dalawang tao na noon lang nagkita ay magpapakasal sa
isa’t isa. But the lady was desperate to marry anyone available. And he would rather be the one. Ano ang mawawala sa kanya kung sasang-
ayunan niya ang alok ng estrangherang pakasalan niya ito?
In one moment of madness, he gave his name to a dark beauty but a
stranger. Only that stanger happened to be Jessica Fortalejo — the youngest
heir of the Fortalejo Empire.
#45: TRACE LAVIGNE 2
(A Special Edition)
Bago pa man maka-recover si Jessica sa mga pangyayari sa nakalipas na halos tatlong buwan mula sa plane
crash ng kanyang mga magulang, sa nilalaman ng mga habilin ni Bernard Fortalejo, ay heto at bumulusok ang puso niya sa pagkahulog kay Trace
Lavigne.
And when she thought that Trace might love her too, came blasting the
woman from her husband’s past — Brenda Gamboa, stunning as ever. At may hawak itong alas na hindi niya
kayang labanan — si Rodge, ang walong taong gulang na anak ng mga ito. A son he didn’t even know, a son
he had wanted so much.
Si Trace, si Brenda, si Rodge. Isang Pamilya. Pamilyang noon pa man ay pinakamimithi na ni Trace at siyang kahinaan nito. Would his name on a
piece of paper called marriage contract stand a chance.
#46: THE WARRIOR: BRAD DE STA. LEONES 1
His identity has been erased. Wala siyang pamilya. Wala siyang
nakaraan. Brad Santa de Leones did not exist. The agency had also erased the scar on the left side of his face to complete the new identity that was to
be Gabriel Stone. He resented the forced retirement from his job. But
when he had the chance to meet his comrade’s ( Ivan and Trace) wives, he
suddenly found his life was a big, empty, gaping hole.
Ang paglitaw ni Cameron sa buhay niya ay isang pagkakamali. Lalong
malaking pagkakamali ang masidhing damdaming pinukaw nito sa kanya —
a feeling that he believed had long been dead and buried. He did’nt
believe on Mr. Fate. But how come she was always irritatingly there at
every turn — beautiful, tempting, and deadly?
#47: THE WARRIOR: BRAD DE STA. LEONES 2
Brad was steel.Cameron was pearl.
He was savage.She was a lady.
He was the scum of this world.She belonged to the creme dela
crème of society.He was the sun.
She was the moon.
But maybe they had some things in common. One — they both had no
identities. Ang panganib ay nakalaan na kay Cameron simula pa ng isilang
siya. Danger was Brad’s pillow for years. No one had seen his face.
Subalit ang pangalan pa lang niya “The Warrior”, ay sapat na para manginig ang mga kaaway niya.
Two — ang masidhing atraksiyon nila sa isa’t isa na pilit nilang nilalabanan.
Would it survive the dangers that seemed to be hounding them?
#48: THE WARRIOR: BRAD DE STA. LEONES 3
“I have never been in love, Cam. So I don’t really know if what I feel for you is love.”
She tensed but she persevered. It was her life, her happiness that was on a stake. “So okay.
Analisahin natin kung ano iyang nararamdaman mo para sa akin. Lets start it with you getting a hard on every time I am near. So, what’s next?”
May kalituhang nagdaan sa mga mata nito. Then he brought her hand to his lips. “I have dreamed of you always since I first saw you. I want to see
your face next to my pillow each and every morning, I want to laugh with you, cry with you,
grow old with. I have this age-old feeling on wanting to protect you, and-“
Tinakpan niya ang bibig nito ng mga daliri niya. “That’s enough for now” Her smile was wide. She felt like jumping into the bed of this stupid man and hug him and kiss him until he saw sense.
Then she wrinkled her nose.
“Maybe you don’t love me enough, Brad. But don’t worry..” She shrugged, grinning silly, “we
can work it out. Baka madagdagan pa yang mga sinasabi mo. I’ll keep a list. So. Lets marry and
live one day at a time.”
#49: ALESSANDRO LEON 1
Sa bilyaran unang nakita ni Xander ang isang estudyante na nagsisikap maipanalo ang laro sa kadahilanang
ito at ang mga classmates nito’y nangangailangan ng pera para sa project. She was thin and small-
breasted. But a beauty in a different sort. And with forest-green eyes.
Bukod sa hindi na niya type ang mga skinny women, hindi siya ang uring
pumapatol sa estudyante. It would be like taking a baby in its cradle.
Little did he know that young, model-thin and small-breasted mestiza
wasn’t as innocent as she looked. The woman was a tramp, for crying out
loud! ito mismo ang babaeng lumabas sa cardboard cake na
iniregalo para kay Cash Santa de Leones–isang kasamahang race car
driver!
#50: ALESSANDRO LEON 1
Ang pagkakaligtas nina Xander at Cameron mula sa mga kamay ni
Hestercita ay siyang pagtatapos ng ilang taong paghahanap ni Xander sa tunay niyang mga magulang. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang buong
angkan sa muling pagbabalik ni Alessandro Leon sa piling ng mga
Fortalejo at Navarro.
And Xander was undoubtedly happy, He had a family. A real family. Subalit
kung mayroon mang bahid ng lambong sa kaligayahang nadarama
niya, iyon ang pagkawala ni Yelena sa buhay niya — na siya na rin mismo ang may kagagawan. Xander had never let any woman in his life the
way he had let Yelena in. And he had paid dearly for it.
#51: ALESSANDRO LEON 3
Sa kasal ng pinsan ng kaibigan ni Yelena na si La Tigra ay muli niyang nakatagpo si Xander. Three years
ago, he dropped her like a hot potato.
She also realized, painfully, that Xander was an assumed name - perhaps to fool gullible, naive
nineteen-year-old virgins like her. He was, in truth, Alessandro Leon
Fortalejo, Cameron’s brother and the long-lost heir. No wonder he didn’t even say goodbye. Yelena was as
poor as he was super wealthy. Hindi siya nabibilang sa sirkulong
ginagalawan nito. At hindi nag-aksaya ng panahon si Xander na ipamukha
sa kanya iyon.
#52 : Leon Fortalejo (Ang Simula Ng Wakas)
Pagkatapos barilin si Leon ng kinikilalang ama ay walang malay siyang inanod ng ilog patungo sa dagat hanggang sa mapadpad sa isang isla. A young and beautiful
woman nursed him back to life. Ni hindi nito pinagmithian ang
kayamanang dala niya. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya kay
Esmeralda. Nais niya itong makita suot ang mamahalin at magagandang
baro at saya. Nais niyang isuot dito ang kuwintas na esmeralda ng
kanyang mama.
Lahat ng iyon ay pinagtakhan niya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay sariwa pa rin ang sugat na
dulot ng paghihiwalay nila ni Isabelita. At paano ang panganib na nakaamba sa kanya mula sa ama-
amahang si Don Genaro?
# 53: I Have Kept You In My Heart (Magic Moment 2)
Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of
her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na
nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa
aksidente.
Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang
maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa
ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?
THANK YOU FOR WATCHING THIS VIDEO
I HOPE YOU WILL LIKE IT!!!
CREATOR:
DELIANE P.
ANTOLIN