kule weekly feb 2nd week

4
KULE WEEKLY ONLINE www.facebook.com/CLSUCollegian.official Inilabas na ng Central Luzon State University ang resul- ta ng mga nakapas- ang mag-aaral sa College Admission Test (CLSUCAT) para sa akademikong taon 2015-2016, nitong nakaraang Lunes. Makikita ang opisyal na resulta ng mga nakapasa sa CLSUCAT sa CLSU Office of Admissions (OAd) at sa online website na clsu.edu. ph. Makatatanggap rin ng sulat mula sa unibersidad ang mga nakapasa bil- ang opisyal na noti- pikasyon. “CLSUCAT result is now available. Congrats new CLSU family,” ayon naman sa opisyal na face- book page ng Cen- tral Luzon State Uni- versity. Samantala, mag- kakaroon pa ng iskedyul para sa mga nahuling magpare- histro na gusto pang kumuha ng exam sa darating na Pebrero 21. Resulta ng CLSU-CAT inilabas na Ni: Philip Christian M. Cudal 50 SUCs sa bansa, lumahok sa START UP 2015 Nilalaman Ni: Rhyme Gerald Policarpio sundan sa pahina 2 Tomo I Blg. 1 (Maiden issue) Lingguhang Pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Nilahukan ng 50 State Universities and Colleges ang katata- pos lamang na Stu- dent Trustees and Regents Union of the Philippines (STARTUP) National Convention nitong Pebrero 13-15 na may temang “Lev- elling Group Presenta- tion up, Best Practices in Student Leadership” na ginanap sa Philip- pine Carabao Center (PCC), Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Nakapaloob sa pro- gramang ito ang mga paksang ; Fighting for Student Right and Welfare , Enhancing Best Practices and Norms and Conducts Nakakuha ng anim na parangal sa individ- ual category at tatlong group awards ang CLSU Collegian sa katatapos lamang na 8th Regional Student Press Congress (Ugnayan 2015) at 4th Gawad Jemalyn Lacadin na ginanap sa Nipa Hut Hotel and Sports Com- plex, San Leonardo ni- tong Pebrero 13-15. Nagwagi sina Marah G. del Rosario, unang pwesto sa Feature Writ- ing (FW); Glaiza Car- rera, ikatlong pwesto sa FW; Michaella G. Kule umangat sa UGNAYAN 2015 Ni: Marah G. Del Rosario sundan sa pahina 6 LATHALAIN pahina 4 Students’ Week: Litanya ng nakaraang Linggo DEVCOMM pahina 5 Nang harapin ni Juana ang tsansa ng ekwalidad ISPORTS pahina 7 Editoryal: Progresibo Kolumn: Lagalag UMABOT sa 134 student leaders ang nagtipun-tipon sa katatapos lamang na START UP 2015. kuha mula sa FB of Student Trustees and Regents during board meeting kung saan 134 student leaders ang sumali sa naganap na seminar. Pinangunahan naman ng CLSU Uni- versity Supreme Stu- dent Council (USSC). “Bilang isang stu- dent leader at chair- person ng USSC, na- pakalaki ng naitulong kuha mula sa FB PAGE NI MARIO GUSTILO JR. NAUNA nang inilabas ng Office of Admissions ang mga passers at waitlisters ng CLSU-CAT 2015 na kung saan in- aasahang madaragdagan pa ang bilang nito pagkaraan ng na- ka-iskedyul pang special exams sa February 21.

Upload: paul-john-pascual-villamor

Post on 07-Apr-2016

268 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

News for February 2nd week 2015

TRANSCRIPT

Page 1: Kule weekly feb 2nd week

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

1CLSU COLLEGIANMaiden issue

KULE WEEKLYO N L I N E

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

Inilabas na ng Central Luzon State University ang resul-ta ng mga nakapas-ang mag-aaral sa College Admission Test (CLSUCAT) para sa akademikong taon 2015-2016, nitong nakaraang Lunes.

Makikita ang opisyal na resulta ng mga nakapasa sa

CLSUCAT sa CLSU Office of Admissions (OAd) at sa online website na clsu.edu.ph. Makatatanggap rin ng sulat mula sa unibersidad ang mga nakapasa bil-ang opisyal na noti-pikasyon.

“CLSUCAT result is now available. Congrats new CLSU

family,” ayon naman sa opisyal na face-book page ng Cen-tral Luzon State Uni-versity.

Samantala, mag-kakaroon pa ng iskedyul para sa mga nahuling magpare-histro na gusto pang kumuha ng exam sa darating na Pebrero 21.

Resulta ng CLSU-CAT inilabas naNi: Philip Christian M. Cudal

50 SUCs sa bansa, lumahok sa START UP 2015

Nilalaman

Ni: Rhyme Gerald Policarpio

sundan sa pahina 2

Tomo I Blg. 1 (Maiden issue)Lingguhang Pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University

Nilahukan ng 50 State Universities and Colleges ang katata-pos lamang na Stu-dent Trustees and Regents Union of the Philippines (STARTUP) National Convention nitong Pebrero 13-15 na may temang “Lev-elling Group Presenta-tion up, Best Practices in Student Leadership” na ginanap sa Philip-pine Carabao Center (PCC), Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Nakapaloob sa pro-gramang ito ang mga paksang ; Fighting for Student Right and Welfare , Enhancing Best Practices and Norms and Conducts

Nakakuha ng anim na parangal sa individ-ual category at tatlong group awards ang CLSU Collegian sa katatapos lamang na 8th Regional Student Press Congress (Ugnayan 2015) at 4th Gawad Jemalyn Lacadin na ginanap sa Nipa Hut Hotel and Sports Com-plex, San Leonardo ni-tong Pebrero 13-15.

Nagwagi sina Marah G. del Rosario, unang pwesto sa Feature Writ-ing (FW); Glaiza Car-rera, ikatlong pwesto sa FW; Michaella G.

K u l e u m a n g a t sa UGNAYAN 2015Ni: Marah G. Del Rosario

sundan sa pahina 6

LATHALAIN

pahina 4

Students’ Week:Litanya ng nakaraangLinggo

DEVCOMM

pahina 5

Nang harapin ni Juana ang tsansa ng ekwalidad

ISPORTS

pahina 7

Editoryal: ProgresiboKolumn: Lagalag

UMABOT sa 134 student leaders ang nagtipun-tipon sa katatapos lamang na START UP 2015.

kuha mula sa FB

of Student Trustees and Regents during board meeting kung saan 134 student leaders ang sumali sa

naganap na seminar.P i n a n g u n a h a n

naman ng CLSU Uni-versity Supreme Stu-dent Council (USSC).

“Bilang isang stu-dent leader at chair-person ng USSC, na-pakalaki ng naitulong

kuha mula sa FB PAGE NI MARIO GUSTILO JR.

NAUNA nang inilabas ng Office of Admissions ang mga passers at waitlisters ng CLSU-CAT 2015 na kung saan in-aasahang madaragdagan pa ang bilang nito pagkaraan ng na-ka-iskedyul pang special exams sa February 21.

Page 2: Kule weekly feb 2nd week

CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

2Maiden issue

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

3CLSU COLLEGIANMaiden issue

Philip Christian M. [email protected]

Nalalapit na ang halalan kung kaya’t hindi na magkan-da-ugaga ang mga politiko sa pagpa-plano kung paa-no nila makukuha ang boto ng taong bayan. Mahaba pa naman ang pana-hon ng paghah-anda pero bakit ngayon ay may mga pasimple nang nangangampanya? – concert kuno na kamakailan nga la-mang ay isinagawa sa CLSU. Nag-iim-bita pa ng mga ar-tista para mapag-takpan ang tunay na agenda.

Nitong na-karaang Huwebes ay nakisabay ang tinaguriang TEAM PAG-ASA sa sel-ebrasyon ng stu-dents’ week sa unibersidad – nag-karoon ng raffle at tugtugan na pina-ngunahan nina Jimmy Bondoc at Sheng Belmonte. Talaga nga namang

alam ng mga politiko ang tamang timpla upang mahikayat ang masa.

Ang mga ganitong Gawain ay isang ma-tibay na ibedensya sa paglabag ng batas patungkol sa pangan-gampanya. Nakasaad sa R.A. 7166, seksyon 5 na ang simula ng pangangampanya ng mga Tatakbo sa mga Pamprobinsyang Posisyon(Governor, Vice-Governor, Dis-trict Representatives, at iba pa) ay mag-sisimula apat-na-pong araw bago ang eleksyon at ang lahat ng mga hindi susu-nod dito ay ikokon-siderang paglabag sa naturang batas. Ngunit bakit may mga nakakalusot parin? Bagama’t hindi tu-wirang nabanggit ang halalan sa aktibidad, hindi ba’t ang Con-cert na iyon ay isang ibedensya ng pan-gangampanya? Porke ba may mga artistang kasama lusot na sa

Batas?Maganda ang in-

tensyon ng TEAM PAG-ASA, ngunit mali na ipangalan-dakan nila ang pangalan ng kanil-ang grupo at ang mga personalidad sa likod ng concert na iyon – isang pa-tunay ay ang mga truck at naglalaki-hang mga tarpaulin na may pangalan ng kanilang parti-do na nag-organisa sa naturang pro-grama.

Hindi naman masama ang pa-ghingi ng tulong para sa eleksyon basta’t ilagay la-mang sa lugar at sa tamang panahon – nakasisilaw ang mga politiko, lalo na’t nalalapit na ang eleksyon. Na-kalulungkot kung nakuha na ng mga trapo ang iyong boto dahil nasiyah-an ka na sa kanil-ang ‘concert for their own cause’.

Ilugar

Masaya ba tayong nagdiwang ng Student Week? Ito ba ay Student Week o Student Day? Isang linggo o isa ito sa mga linggo na hinihintay o inaabangan ng mga estudy-ante ng ating unibersidad. Kapaki-pakinabang nga ba na nagkaroon ng Student Week? Iilan lang ang mga yaan na natatanong ng isip ko.

Nagkaroon naman daw ng saysay ang Student Week ng iba ngunit sa iba hindi daw nila naramdaman na may pinagdiriwang pala na ganito sa kadahilanan na may mga late exams sila o hindi kaya may mga special projects sila na gagawin. Sa mga nagdaang taon na pamamalagi ko dito sa Central Luzon State University (CLSU) taon-taon na lang ba ganito? Halos ito din ang mga nararanasan ng ibang estudyante. Ang bawat kolehiyo ay naghahanda para sa Student Week na kung saan nagsasagawa sila ng mga aktibidad na magpapaaliw at magpapangiti sa bawat estudyante. Subalit bakit ganoon?

Iniisip tuloy ng marahil ng iba bakit nagkakaroon pa ng pagdiriwang ito? Bakit may nakalapat na Student Week sa ating school calendar kung ang mangyayari din naman ay walang saysay. Student Day nga kung tawagin dahil halos isang araw lang nila pinagdiriwang ang Student Week, subalit para saan ba ito? - parang hangin lang na dumaan at parang langgam lang na kumagat at matapos lamang ang ilang segundo ay wala ng kati.

Sagabal nga lang sa iba o dagdag gastos lang daw yaan. Hangad din naman ng estudyante ang sumaya pero bakit may mga taong pumipigil ng kasiyahang ito? Kara-mahin ang tanong sa atin. May pasok ba? May memo na ba? Kaya nga Student Week. Isang linggo para sa mga estudyante. Mapa first year man o graduating man.

Nakakapagtaka dahil para saan pa ang mga ginagawa ng bawat opisyal ng bawat kolehiyo kung wala din naman nakikilahok sa mga activities na ginagawa nila. Nasasay-ang ang pondo at hirap at pagsasakripisyo na ginagawa nila mapasaya lang tayo at maaliw. Hindi lingid sa kaala-man ng iba ang pondong ginagastos ay mga magulang natin nang-gagaling. Na kung saan pinagpapawisan din ng mga nanay at tatay natin. Paano na lang kung walang attendance? Wala na rin siguro ang pupunta o lalahok sa mga activities.

Makabuluhan ang Student Week dahil isa ito sa mga mahahalagang araw para sa ating mga estudyante. Dito natin mararanasan ang makahalobilo sa ibang tao. Dito may mga activities na ginagawa na kung saan may mga karerahan pa ng ubusan ng pagkain ang nagaganap at marami pang iba. Dito rin natin mararanasan ang buhay estudyante. Dahil bilang isang tao may karapatan tayong gawin kung ano ang gusto nating gawin.

Student Day nga kung tawagin dahil halos isang araw lang nila pinagdiriwang ang Stu-dent Week, subalit para saan ba ito? - parang hangin lang na dumaan at parang langgam lang na kumagat at matapos lamang ang il-ang segundo ay wala ng kati.

Rhyme Gerald S. [email protected]

Grinder[ ]Hangin

“Happy Valenkain’s day o kaya Valentu-log’s Day.”

Tila marami na naman akong naririnig na bit-terness o sinasabi nilang ‘ampalaya’ dahil sa paparating na Valentine’s Day. Hindi maikakailang marami ngang nag-sasabing Febru-ary 15 na bukas o kaya nama’y March na. Single forever. Walang forever!

M a g b i b i l a n g na naman ako ng mga naka-couple shirt, nagde-date sa lagoon, nakau-po sa Rizal Park, bleachers, at lalo na sa Lingap. Ka-pansin-pansin rin ang agaw aten-syon na nagha-ha-ranahan sa tabi ng mga puno at mga babaeng may ha-wak na mga tsoko-late at bulaklak.

Ngunit, kailan-

gan nga ba talag-ang may ka-date o ka-partner tuwing Araw ng mga Puso? Paano na ang mga single? Ang mga walang girlfriend o boyfriend?

“Ikakain ko na lang to, matutulog na lang ako. Wala naman akong ka-date. Ampalaya Festival 2015 na. Sila luma-lovelife ako nganga!” Ito ang linya ng mga bitter sa tabi-ta-bi. ‘Yong mga dra-mang ganyan ba. Masakit sa pandin-ig ‘di ba?, pero ang katotohanan, hindi naman talaga ‘re-quired’ na may ka-date sa February 14. Nakikiuso na lang rin ang iba.

Minsan, kung ano ‘yong uso, nan-doon tayo. Kung ano ‘yong ginaga-wa ng karamihan, ginagawa na rin

natin. Sa pagdaan ng panahon, nag-iging tradisyon na lamang ito, maging sa mga wala pa sa tamang edad.

Naisip ‘nyo na ba ang inyong pag-aaral? Naha-hati ng pag-ibig ang atensyon sa pag-aaral kaya’t hindi natin alam kung ano ang ating uunahin, kung puso ba o isipan. Malaki ang kahad-langan nito upa-ng tayo ay malito. Kung saan ba tayo magseseryoso, o ano ang ipapriority natin.

Subalit, kail-angan din nating intindihin ang sit-wasyon ng iba. Sig-uro nga’y ine-en-joy lang nila ang mga bagay-bagay, at nagpo-pokus la-mang sila sa mga bagay na gusto nila.

Puso o Isip

Rage[ ]

Sa pagdaan ng panahon, nagiging tradisyon na lamang ito, maging sa mga wala pa sa tamang edad.

KULE WeeklyPatnugutan ng ikalawang semestre, A.Y. 2014 - 2015

Rhyme Gerald Pol icarpio, John Joseph L igero, Phi l ip Chr is t ian Cudal , Eval ine Fai th B lanco, Arel i Joy Esguerra

Mga Manunulat Jemeriah Gabao, Mark Joseph Mapatac

Mga Tagaguhi t Paul John Villamor: Konsultant/Taga-anyo ng pahina

Idaraos ng College of Arts and Sciences (CAS) ang taunan ni-tong Sinag Festival sa Pebrero 16-20 bilang pakikiisa sa Students’ week.

Magkakaroon ng ibat’t-ibang aktibidad na binuo ng bawat departamento sa na-turang kolehiyo ang nalalapit na isang linggong selebrasyon.

“Inaasahan nam-ing magiging magan-da ang mga activities ng CAS next week”, anii Joshua L. Na-valez, presidente ng CFY Council ng kole-

hiyo.“Sobrang excit-ed na kami sa mga mangyayari next week, puspusan ang paghahanda namin sa mga activities at palagi kaming naki-kipagcoordinate sa CASCC.”

Nauna ng idinaos ang “Strings Un-plugged” na pinan-gunahan ng Radyo CLSU nitong Pebrero 12 kung saan binig-yang parangal ang 10 finalist ng MusiCAS 2015 at nagtanghal din ang iba’t-ibang banda sa unibersi-dad.

2nd Sinag fest idinaos ng CASNi: John Joseph Ligero

nito sa ming mga stu-dent leaders hindi lang ito basta-bastang sem-inar na makikinig ka at manonod ka lang. Best experience ito lalo na naging host pa tayo ng STARTUP at naranasan namin dito ang pakiki-panayam sa ibang mga student leaders,” sabi ni Devin Carl Sagun, Presidente ng USSC.

Tinalakay din sa seminar na ito ang tungkol sa eleksyon at emergency response o paghahanda sa kalami-dad.

Pinagtitibay ng Republic Act 7722 o “Higher Education Act of 1994” ang seminar na ito na kung saan nilagdaan ng Commis-ion on Higher Education ang programang ito ni-tong Enero 8.

Naging pangunah-ing tagapag-salita sina Senador Allan Cayeta-

no kung saan tinalakay niya ang tema ng pro-grama, Congressman Roman Romulo, na nagbahagi patungkol sa “Fighting for Stu-dent Right and Wel-fare”, N.Y.C Executive Director Sherwin Taay sa “Enhancing Best Practices”, CHED Com-missioner Nex Brillan-tes Jr. sa “Norms and Conducts of Student Trustees and Regents during board meeting, Vice Mayor Tekila Dl. Alvarez, at si Philippine Association of State Universities and Col-leges Atty. Hilario Ortiz ay nagpaabot din ng kanilang mga mensahe sa mga student lead-ers.

Nagkaroon din ang programa ng soliditary night kung saan na-kuha ng Ifugao State University (ISU) ang unang parangal.

50 SUCs sa bansa lumahok...mula sa pahina 1

Page 3: Kule weekly feb 2nd week

CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

4Maiden issue

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

5CLSU COLLEGIANMaiden issue

Kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng kababaihan. Hindi maikakaila na makahulugan at malaki ang papel nila sa paghubog at pagpapaunlad ng bansa. Sa pamilyang Pilipino, mahalaga ang gampanin ng ina, asawa, kapatid, anak at lola. Higit pa rito, may kakayahan silang maihahandog sa pagbabago at ikabubuti ng lipunan na kanilang ginagalawan at ng buong bansa.

Kabilang sa hakbang ng pamahalaan at ng RA 9710 o Magna Carta of Women ang pagdaragdag ng mga babaeng tauhan ng mga ahensya ng gobyerno upang tumulong sa pagpapaunlad ng bansa. Inaasahang 50% ng mga babaeng tauhan ang dapat mailagay sa pwesto upang agarang matugunan ang mga sitwasyon ng pang-aabuso at karahasan sa mga kababaihan.

[ [

Dalawang sal-itang binubuo ng 12 na letra. Mga salitang sa unang bigkas ay parang walang gaanong kabuuan ngunit ang katotohanan ay napakahalaga ng bawat kataga nito sa bawat estudyante ng ating unibersidad.

Noong Pebrero 9 hanggang Pebrero 13 ay nakatakda ang tinatawag na students’ week o ang linggo ng mga estudyante. Isa ito sa pinaka-inaaban-gan ng mga es-tudyante ng Central Luzon State University (CLSU) sapagkat nakagawian na na wala gaanong klase o Gawain sa mga panahong ito.

Kasiyahan. Kalungkutan. Inis. Pagkabagot. Pag-daramdam. Hindi mawaring pakiram-dam na bumabalot sa aking katauhan. Pilit kong tinatanto kung ano ito ngunit masasabi kong ito ay parang isang ha-lo-halo. Iyong tipong

ganito ako ngayon, ganyan ako mama-ya at hindi ko alam kung ano ako bukas.

“May exam pa ako bukas”, sabi ng nasa aking kaliwa.

“Yes, wala na akong klase!”, sabi ng nasa aking kanan.

“May research pa ako pero wala akong pasok sa Miyerkules pero may klase pa kami sa Huwebes hanggang sa Sabado”, ani ng aking pagkatao.

Sa mga pana-hong ito, hindi ko maiaalis sa aking isipan ang inggit sa mga estudyanteng paeasy easy na lamang sa linggong iyon. Hindi ko maialis sa aking damdamin ang lungkot na aking nadarama. Hindi ko mailahad ng maayos ang aking saloobin hinggil sa mga pang-yayari sapagkat alam ko na kailan-gan naming iyon upang mahubog pa kami ng husto.

Students’ Week ika nga ang pana-

hon kung saan ang mga estudyante ang bida at nabibigyan ng karanasan at dagdag kaalaman na siyang nagha-handa sa kanilang akademiko at so-syal na buhay. Dito rin nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante ng bawat kolehiyo na maglibang at magpahinga mula sa mga gawaing pampaaralan.

Gayun pa man, hindi puro lungkot at inis ang pumalibot sa akin sa buong linggo, naroon parin ang kasiyahan. Ito marahil ay bunga ng maayos na tak-bo ng mga gawain sa linggong iyon.

Sa kabuuan, marami mang gawain ang maia-tang sa atin, ginus-to man natin ito o hindi, dapat pa rin manatili sa atin ang tiyaga, sipag, pasensiya sa kasiya-han na makakatu-long sa atin upang maisaayos natin lahat ng ito.

STUDENTS’

WEEK:Litanya

ng nakaraang Linggo

Isinulat ni: Evaline Faith Blanco

Students’ Week ika nga ang panahon kung saan ang mga estudyante ang bida at nabibigyan ng karanasan at dagdag kaalaman na siyang nagha-handa sa kanilang akademiko at sosyal na buhay.

Bawat babae ay may karapatang magkaroon nang lahat ng pribilehiyo at oportunidad.DEVCOMM

Security GuardSi Melba Corona, tapos ng kursong Criminology, miyembro ng CLSU University Security Force (USF). Hindi hadlang sa kanya kung babae man o lalaki ang magiging security guard, pulis o sundalo kung kaya rin naman niyang gampanan ang kaya ng kalalakihan. Binabalikat ni-yang magtrabaho bilang kanyang responsibilidad at tungkulin para sa seguridad ng CLSU. Sa larangan ng edukasyon, nagkakaroon naman ng pagbabago sa pagtingin sa pagkakapantay-pantay para sa mga oportunidad ng babae at lalaki. “Mas angat pa rin ang lalaki, syem-pre. Pero, kaya naman naming mga babae na higitan sila, kung may pinag-aralan,” sabi ni Corona.

Babaeng AtletaAng sports o palakasan ay isa pang larangan na kayang pasukan at pagtagumpayan ng mga kababaihan. Ayon kay Dominique Elaine Tintero, varsity player ng women’s volleyball ng CLSU, “pina-prioritize naman ang mga athlete, babae man o lalaki, pantay lang lalo na pag malapit na yung SCUAA. Pati sa tuition, may ‘athletic scholarship’ na natatanggap.”Karapat-dapat na makatanggap ng benepisyo ang mga babaeng atleta. Nagiging dahilan ito upang masanay ang kanilang lakas, kakayahan at maipakita ang kanilang galing upang manalo sa mga paligsahan at makatanggap ng karangalan gaya ng mga kalalaki-han.

ROTC LieutenantLakas sa paggawa, talino, at lakas ng loob ang susi ni Mary Ann Dela Cruz upang maging 3rd class, 1st lieutenant ng ROTC na kadalasan ay nakaayon para sa kakayahan lamang ng mga lalaki dahil matindi ang mga training dito. Ngunit kinaya niya ang mga training na ito upang mahubog ang kanyang kakayahan at lakas at upang maipaki-ta na kaya ring gawin ng mga kababaihan ang kakayahan ng kalalakihan.Bawat babae ay may karapatang magkaroon ng lahat ng pribilehiyo at oportunidad. Sa pagdaan ng dekada, unti-unti ng nababawasan ang lahat ng uri ng diskriminasyon at hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan sa lipunan.Maraming mga tao, babae man o hindi, ang lubusan ng tanggap na nakamit na ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Natang-gap na rin ng pamahalaan na hindi lang lalaki ang may silbi sa isang lipunan. Walang lamangan, mapababae man o lalaki. Kaya, ang pagtataguy-od nito ay magdudulot bilang isang motibasyon sa mas higit na kaunlarang pang-ekonomiya.

Lathalain Nang harapin ni Juana ang tsansa ng ekwalidad

Isinulat ni: Philip Christian M. Cudal

kuha mula sa google.com

kuha

mul

a sa

goo

gle.

com

kuha mula sa FB

Page 4: Kule weekly feb 2nd week

CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

6Maiden issue

www.facebook.com/CLSUCollegian.official

7CLSU COLLEGIANMaiden issue

Isa sa mga pinakaunang prob-lema ng mga at-leta ay ang tira-han. Hindi sapat ang Osmeña dorm para mabigyan ng maayos na tirahan ang mga atleta da-hil bukod sa malayo sa kabihasnan, hin-di nito nabibigyan ng masisilungan ang lahat ng mga atletang naghahan-gad ng libreng ma-tutuluyan sa CLSU.Bukod sa libreng matrikula, ang ti-rahan ay isang mahalagang bene-pisyong ibinibigay ng unibersidad sa mga atleta. Na-kaaawang isipin na ang ibang mga manlalaro ay nag-mumukhang “care-taker” ng grand-stand kung saan sila naninirahan. Hindi rin nasisiguro

ang kanilang kalig-tasan sa naturang lu-gar sa kadahilanang hindi ito masyadong nababantayan ng awtoridad lalung-lalo na tuwing hating-ga-bi.

Maging ang mga atleta sa Osmeña dorm ay nagmu-mukhang itinatago sa publiko. Hindi naman yata tama na patirahin ang mga atleta sa isang malayong – ma-layo sa kanilang mga pangunah-ing matatakbuhan kagaya ng palengke at hospital. Hindi ba’t masakit isipin na sa sobrang hirap ng mga treyning na dinaraan ng mga atleta ay tila mga NPA pa ang dating sa nila sa ibang mga mag-aaral dahil kung saan-saan la-mang sila tumitira?

Hindi nga ba’t mas magiging mainam ang bu-hay ng mga atleta kung madali nil-ang naaabot ang kanilang mga pan-gunahing pangan-gailangan tulad ng palengke, hos-pital, paaralan at iba pa? hindi nga ba’t mas magiging komportable ang pamumuhay nila kung sapat ang kanilang tirahan?

Huwag naman sana nating ha-yaang masayang ang paghihirap ng mga atleta dito sa CLSU dahil sila ang mga taong nasa likod ng un-ti-unting pag-an-gat ng unibersi-dad sa larangan ng isports. Kung ano ang natata-masa ng isa ay ip-aranas sa lahat.

John Joseph [email protected]

Scraper[ ]Lagalag

Sa paglipas ng mga taon, mas naging progresi-bo ang kampanya ng CLSU para sa ginto sa Na-tional SCUAA. Isa itong magandang indikasyon ng pagkakaroon ng mas maraming atensyon ng unibersidad para sa mga pangangailangan ng mga atleta.

Nagpamalas ng gilas at galing ang mga atleta ng unibersidad na siyang nagpaangat sa bahagdan ng naibahaging medalya ng CLSU sa National SCUAA. Isa sa mga lubusang nagpaangat sa mga medaly-ang nahakot ng unibersidad ay ang Archery Team na nagbulsa ng 10 ginto, 1 pilak, at 2 bronze. Ito ang pinakaunang pagsabak ng kuponan sa Nation-al SCUAA.

Nag-ambag ang bagong hubog na Arnis team ng 2 pilak at 1 bronze. Ito rin ang pinakunang paglahok ng kuponan sa paligsahan mula noong ito’y buksan sa unibersidad noong nakaraang taon.

Mas nangibabaw ang performances ng in-dividual sport kaysa sa mga team sport kung ating pagbabatayan ang mga naiambag ng bawat kuponan at manlalaro sa paligsahan. Ngunit, malaki ang inaasahan ng unibersidad sa Baseball Team na nakuha ang ikalawang pwesto sa 2012 National SCUAA.

Mas lalakas tayo sa mga susunod na taon kung mananatiling nasa itaas tayo ng talaan ng bawat individual sports at di kalauna’y nasa tuktok na rin ng mga ball games –malakiang ang pag-asa ng unibersidad na mailuklok ang CLSU bilang isa sa mga pinakamagagaling sa buong bansa pagdating sa isports.

EditoryalProgresibo

Humakot ng 10 gin-to, 1 pilak, at 2 tanso ang Archery Team ng CLSU sa kanilang unang pagsabak sa ginanap na National SCUAA sa Cagayan State Univer-sity, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakaasinta ng pi-tong gintong medalya

si Christal Joy Palilio; Rhoyanie Roselyn Ann Ramos sa 30m dis-tance at isa pang gin-to sa 40m distance; at nakuha rin ni Franky Alcatara ang unang pu-westo sa 30m distance.

M a t a t a n d a a n g , binuhat rin ni Palilio ang kanyang koponan

matapos kumopo ng li-mang ginto sa SCUAA-III noong 2013 sa Nue-va Ecija University of Science and Technolo-gy.

Nahirang din ang nasa ikalawang taon nang si Palilio bilang 2014 Best Female Ath-lete ng CLSU.

Archery team humakot ng ginto sa NSCUAANi: John Joseph Ligero

del Rosario, ikatlong pwesto sa Editorial Writing; Ian Claire Sal-vador, ikatlong pwesto sa Creative Non-fic-tion writing; Kristine Joyce Teves, ikaapat na pwesto sa FW; at Ma. Cristina P. Villam-or, ikalimang pwesto sa FW.

Nag-uwi naman ng unang pwesto sa News Page, ikalawang pwesto sa DevComm Page at ikatlong pwesto sa Opinion

Page ang Magazine is-sue ng naturang pub-likasyon.

Samantala, nahalal naman bilang chair-person si Albert Tolin; Kristine Joyce Teves, deputy secretary gen-eral; Glaiza Carerra, education committee head; at finance com-mittee head si Marah G. del Rosario sa Col-lege Editors’ Guild of the Philippines – Nue-va Ecija chapter elec-tion of new officers.

Ang nasabing taunang aktibidad ng College Editors’ Guild of the Philippines – Central Luzon na pina-ngunahan ng host publications kabilang ang Genre ng Wesley-an University – Phil-ippines, Viewpoint ng Araullo University at CLSU Collegian ay di-naluhan ng 82 delega-do mula sa iba’t-ibang probinsya sa Gitnang Luzon kabilang ang Pangasinan.

Kule umangat sa UGNAYAN...mula sa pahina 1 Kule Weekly?

Pasasaan pa’t malalaman mo rin ang tunay na kahalagahan ng campus journalism at kung paano tumatagaktak ang pawis ng isang student journalist tuwing iisipin niya kung paano na naman magpapa-lusot sa kanyang titser tungkol sa kanyang pagliban sa klase.

Bilang parte ng publikasyong naglalayong mailathala ang lahat ng mga kaganapang magpa-paliwanag sa mga estudyante kung bakit mayroong CLSU?, bakit naririto sila?, bakit ganito na ang ihip ng hangin dito? - kailangan ng tapang, dedikasyon, at paninindigan ng bawat miyembro ng CLSU Collegian

Upang tumugon sa hamon, ang bawat magiging bagong staff ng Kule ay awtomatikong mapapabil-ang sa Kule Weekly - ito ang kanilang pahayagan at magiging tungtungan sa paglasap sa kultura ng Kule.

Mal

ing A

kala

Jem

eria

h B.

Gab

aoAm

pala

ya d

ayJe

mer

iah

B. G

abao