kultura ng mga tausog

48
http://www.slideshare.net/ MichelleFlorida/panitikan-ng-rehiyon 1. 2. MGA ALAMAT 1. In waktu kamaasan pa, in manga tau ha dunya nginuinu bang mainaguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘way makabya’. Sara hambuk adlaw , nakabuti in suysuy pa Tauhan. 1. Laung sin tau,”Jabrail, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya ‘ na hangkan magulan sabab namamagyu” in mga biraddali.” 1. Ni miyadu na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin pagulan ha awan atawn langit sabab in sanga biraddali sin tuhan namamagyu’ha surga’. Pagubugs sin pagbyata’minuwi na in Jabarail pa surga. 2. PANITIKAN NG REHIYON IX

Upload: saharaembin

Post on 27-Dec-2015

2.473 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kultura Ng Mga Tausog

http://www.slideshare.net/MichelleFlorida/panitikan-ng-rehiyon

1.

2. MGA ALAMAT

1. In waktu kamaasan pa, in manga tau ha dunya nginuinu bang mainaguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘way makabya’. Sara hambuk adlaw , nakabuti in suysuy pa Tauhan.

1. Laung sin tau,”Jabrail, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya ‘ na hangkan magulan sabab namamagyu” in mga biraddali.”

1. Ni miyadu na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin pagulan ha awan atawn langit sabab in sanga biraddali sin tuhan namamagyu’ha surga’. Pagubugs sin pagbyata’minuwi na in Jabarail pa surga.

2. PANITIKAN NG REHIYON IX

3.

4. ANGHEL SA KALANGITAN

Page 2: Kultura Ng Mga Tausog

1. Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos.

2. Sabin ng Bathala.” Gabriyel, magtungo k sa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga angel ay naliligo.

3. Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ag mga angel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.

5. IN DUWA BUD

1. In waktu sin kamaasan, awn duwa bagu ,matiyaun. Mabayan’ sila timibaw pa maas nila ha Sambuangan. Namaid na sila ha ina’ iba ama ‘ sin babai’ in tumulak sila , namus na sila sakayan sin ama’ sin babai’. Piyadayaw sin sakayan niya. Salta’ siyulayan niya kalampakan sin sakayan, liyuwan niya

Page 3: Kultura Ng Mga Tausog

subay sila tumulak sin adlaw jumaat. Sin adlaw Jumaat subusub, timulak. Sin ha laud na sila, awn na hangin ampa sila naglataran tudju pa laud sin lupa sug, sampy sila nakaabut pa daig sin pu’lampiningan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dimatung na sila pa Sambungan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ niya. In nakasakat sa sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa nagbalik in usug pa sakayan. Kiyawa’niya in lutu nila, diya niya pa bay. Landu’ makug ina’ iban ama’ sin usug ina ka asawa in anak nila usg pa marayawa dagbus iban marayaw addat.

6.1. Pagga tahun na in makalabay,

namaid daisad in babai’ ha manga ugangan nila, apmasila nasasaddiya in sila tumulak da ha adlaw Juamaat timulak na sila tudju pa Lupa’ sug Landu’ malanu’ in dagat Slai’ lana iban uway tuud kaalunalan. Tinatagad sila hangin. Bukun malugay timumbuk na in hangin utara’sa’ sadja’ nagpatuud

Page 4: Kultura Ng Mga Tausog

tudju pa liyu sin pu’Basilan. Sin malaum dum na, napintad na ni hangin. Timigidlum na in hula’ ampa naghunus. Yaun sila ha gi’ tung tawid: di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa taykud sin pu’ basilan.Bukun malugay dimatung na in hangin makusog inpagbabasahun na hunas na. Di’ nila na kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin dakula’ alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na malunod ampa sila patay.

7.1. “ Oh tuban ku’, laung sin usug,”

duli tuud akyti bang maabut na matay bang mayan kami mahinang duwa bud.

2. Pagga sila simanga na pa tauhan iban nabi; pagubus nila sadja’ namissaraampa sila naggulgul. Sukun malugay dimatung sa kanila in duwa alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay na sila kaguwa’. Bukunan malugay gimuwa nain duwa bud a laud

Page 5: Kultura Ng Mga Tausog

ha gi’ ting sin tawid, ampa di’ masagda sin manga tau sa laud bang kita tudju pa Sambuangan atawa pa Lupa’ sug. Tila silaun kita. Amu ini in katakata sin duwa Bud atawa siway Bullud.

8. ANG DALAWANG BUNBOK

1. Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos naman..

9.1. Pagkatapos nila sa paghahanda ng

vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag.

2. Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng hangin ang kanilang

Page 6: Kultura Ng Mga Tausog

vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki . Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at magandang babae.

10.1. Isang araw, pagkalipas ng isang

taon, nagpaalam ana nag babae sa kanyang biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta sa lakas ng hagin.

11.

Page 7: Kultura Ng Mga Tausog

1. Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa Diyos.

2. “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki.

3. Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.

12. ANG MGA BUGTONG NG REHIYON IX

1. Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalang metapora, at ito ay resulta ng pangunahing prosesong metal ng pagsasama sama, at ito ay

Page 8: Kultura Ng Mga Tausog

pagkakahawig, at persepsiyong pakakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon. Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges, ang bugtong ay isang tradisyonal na ekpresyon na naglalaman ng isa o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaaring hulaan.

13.1. Ang bugtong ay isa sa pinakaunang

porma ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang nagsimula ng bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.

2. Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa

Page 9: Kultura Ng Mga Tausog

gabing Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng kamatayan o kahit kaylan basta may pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o kabataan. Ginagawa rin ito upang turuan ng mga matatanda ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng isip.

14.1. Ang tawag ng mga Tausug sa

bugtong ay “ tigumtigum o tukodtukod”( mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan). May dalawang uri ng bugtong ng Tausug: ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay inaawit sa isang okasyon. Subalit sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan. Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit nang bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.

15.

Page 10: Kultura Ng Mga Tausog

1. Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa o higit pang tao. Ang mga kalahok ay nagtatanong ng bugtong isa isa sa isang grupo na siya nilang kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay maghahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino mang bugtong ang hindi masagot na siyang tatanghaling panalo. Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay binibigyang ng maraming pagkakaton na mahulaan ito. At kung ang lahat ng kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung siya ay suko na, ibibigay na ng nagpapahula ang kasagutan sa bugtong. Ang nagpapahula ay kadalasang nagtatanung ng: “magapu’ na ang buwaya?” o “sirit na?” at ang kalaban ay sasagot ng: “uno kunu’? o” Ano iyon?”. At ibibigay na nagbubugtong ang kasagutan.

16. Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga taga-Rehiyon IX ay “ tigumtigum ” o “ tukodtokod” Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy

Page 11: Kultura Ng Mga Tausog

na maliit Kahuy batang baibid Na halaman na mayroong maliit na sanga Di’magtubu ha biid Hindi tumutubo sa burol Subya ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat Karbahal Itim na koral Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang dahon ang Di’kapakpakan dahon Pwedeng mahulog dito Butung Niyog Batu giyanteng ku Nagsabit ako g bato Tubig in nakawa’ ku subalit nakakuha ako ng tubig Butung Niyog In diyaak yattu pa Ang taong pinapunta ay nandun In kawaun yari na Pero nag bagay ay dumating na] Butung Niyog

17.1. Tiyanum buya’ ipun Ito ay tinanim

para ngipin, pero ito ay Nagbunga ng malaking

2. Nagbunga biya’ buktun Niyog

3. Butung

4. Ista’ ista ha lupa’ Ito ay isang maliit na isda sa Walna’ gaddung iban pula mundo. Ito ay berde at pula. Sisik niya kakitaan Ang kaliskis nito ay makikita

Page 12: Kultura Ng Mga Tausog

Langka sa loob ng katawan nito Langka

5. Jambangan hi sinyura Ang halamanan ng ng Diringding senyora, Ang dingding nito palda ay palda.

18.1. Nagdahun nagkampilan Ang dahon

nito ay Nagbunga iyukkian katulad ng kampilan Lara Namumunga ng kurbang prutas

2. Paminta

3. Awn tau Mayroon tao na Taga mata, way u maraming mata Kungkung in siku Pero walang tao

4. Katilibut si baran Nababaliko ang siko

5. Taga mata ang katawan nito ay puno ng mata

19.1. Nagbunga manikmanik Namunga

ito ng maliit na buto

2. Sid adlaw alban tuwing miyerkules

3. Pisang Pinya

Page 13: Kultura Ng Mga Tausog

4. Tubig ha lahi’ lahi’ Tubig sa maliit na kawayang pwedeng isalin Pero ang tubig ay hindi tuwangun di matuwang pwedeng isalin lalagyan

5. gamay Halamang Dagat

6. Kahuy dangawdangaw Maliit na punong isang dipa

7. Kukuhan iban bukuhan Na mayroong maraming buhol

8. Sumulig lahi hangpu’ Tutubo hangang sampung dipa

9. dangaw, iban at sa sanga nito ay puno ng jambuhan in tuku guhit guhit

10. Tubo Tubo

20.1. Sumpingha taasa kahuy Bulaklak

sa tuktok ng puno

2. Nahulog magtuy mabilis na mahulog

3. Duyan Durian

4. Isakalang iklugon Matigas na tinapay na

Page 14: Kultura Ng Mga Tausog

5. J in pamugaran maraming itlog

6. J ang pugad nito

7. Ha lawn pa sin ina Habang sa sinapunpunan ng Asal na piyupusa ina, ito ay napisa na

8. Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loob

9. Asal na taga iklug Mayroon na itong buntot

10. Bawang Bawang

21. KWENTO BAYAN mula sa Zamboanga MANIK BUANGSI

1. Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya

Page 15: Kultura Ng Mga Tausog

ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.

2. Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.

22.1. Si manik Buangsi ay nag-anyong

isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.” “ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”.

2. Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.

Page 16: Kultura Ng Mga Tausog

3. Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.

23.1. Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika

niya. At narito ako upang pakasalan ka!.

2. Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik Buangsi.

3. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako,

Page 17: Kultura Ng Mga Tausog

naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.

4. “ Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.

5. “ Maaring isa lamang siyang masamang espirito!”

6. “ Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?”

7. “ Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”

24.1. Dahil sa patuloy sa paninira ng

kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang

Page 18: Kultura Ng Mga Tausog

pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi.

2. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.

25.1. Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa

baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit ako!.”

2. Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang

Page 19: Kultura Ng Mga Tausog

nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina!

3. Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman.

4. Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.

26. AWITING BAYAN INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)

1. Inaku duringding

2. Umaga na yata

3. Nagtitilaukan na

4. Ang manok sa lupa.

5. Kayat ang sabi ko

6. Sa matanda’t bata

7. Matulog n ngayon

Page 20: Kultura Ng Mga Tausog

8. Bukas ay gawa.

27. DORI-DORI SINGKIL

1. Dori-Dori Singkil

2. Mang Manuel Dagil

3. Mang Iskong Kolikoy

4. At mang Juan Bambo.

5.

28. MGA MANUNULAT NG REHIYON IX

1. Tulad ng ibangmga rehiyon, mayroon ding mga kilalang manunulat ang Rehiyon IX. Ilan sa kanilang ang mga sumusunod.

2. Descallar, Antonio

3. Isinilang si Antonio Descallar sa Sindangan Zambaoanga noong Hunyo 15, 1952. Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of Law sa AU. Nagwagi siya ng unang gamtimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginaganap noong 1949.

Page 21: Kultura Ng Mga Tausog

4. Kauna-unahang niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.

29. Enrique, Antonio

1.

2. Siya ay sumulat ng mga maikling kuwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsiya, bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng salita, ang kanyang istilo na madaling maintindhan ng mga katangian kinagigiliwan ng kanyang mambabasa.

30.1.

2. Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpung maikling kuwento at ang isang akda na

Page 22: Kultura Ng Mga Tausog

isinalin niya sa ibang wika ay lumabas sa Korean Magazine Playmate.

3.

4. Tumangap siya ng dalawang gamtimpala sa Palanca sa kanyang maikling kuwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973. Pinalimbag ng Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.

31. Enrique, Ignacio Alvarez

1. Ipinanagnak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa AU, kung saan niya natapos ang AB degree(1951)at5 matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar narating niya ang University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala. Mula noong sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “The House Juan” na hindi naipalimbag.

32.

Page 23: Kultura Ng Mga Tausog

1. Noong 1956, sinimulan niyang sulatin ang kanyang kauna-unahang nobela, “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Saragota, Srings, New York ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writers’ Workshop sa State University of IOWA. At natapos niya iyon sa isang six- month fellowship sa Huntington Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagwag sa Philippine Free Press Short Story Contest. “Death of a House”, ikalawang gantimpala, 1951 at “ The Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditurium ang dulang “ As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang ibang pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic, Plays at House of Images” (1953), at ang The White House of Alia at Other Stories” (1985).

33. Acas, Olivia

Page 24: Kultura Ng Mga Tausog

1. Baguhan pa lamangsiya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang

2. mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.

34. Jubair, Ibrahim A.

1. Siya ang kauna-unahang fictionist sa Zamboanga na ginamtimplaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang panahon. Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamahayag, si Jbair ay isag kolumnista sa isang pahayag sa Zamboanga City at editor ng Cresent Review. Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly (South Korea) at ng The Times of Ceylon.

35. Villa, Gonzalo

1. Isang manunulat ng maikling kuwento at mananalaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang may kaya sa buhay. Naging interesado sa pagsulat ng mga

Page 25: Kultura Ng Mga Tausog

tula at maikling kuwento nang siya’y nasa high school pa lang. Naging news editor siya ng Atenean, isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathaan ng ilang mga akda niya. Una niyang kuwento ang “ When Death Struck”.

36.1. Nagwagi siya sa Pambansang

Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito’y pinamagatan niyang “ The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”.

2.

3. Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A voice in Rama”.

4.

5. Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasiya subalit muling susulat kung hinihingi muli ng pagkakataon

Page 26: Kultura Ng Mga Tausog

6. http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-magandang-daigdig-ng-ating-mga-katutubong-kapatid.pdf

Mga Tausug (mga tao ng agos)

Ang mga Tausug ay makikita sa

Zamboanga, Palawan, at Sulu. Tinatawag nila

ang kanilang sarili na mga tao ng agos, na

nagpapakita ng kanilang ugnayan sa dagat.

Nakatira sila malapit sa dagat at pangingisda

ang kanilang ikinabubuhay. Mahuhusay din

silang magsasaka at mangangalakal. Sa

nakaraan, ang kanilang lipunan ay binubuo ng

tatlong uri: aristokrasya, malayang tao, at

alipin. Ipinagmamalaki ng mga Tausug ang

kanilang identidad na pangkultura at

nilalabanan nila ang impluwensiya ng iba.

Napakahalaga para sa isang Tausug ang

pangalan ng kanyang pamilya.

Page 27: Kultura Ng Mga Tausog

http://quizlet.com/6163021/mga-maliliit-na-pangkat-etniko-flash-cards/

TausugNasa Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Zamboanga, kilala sila sa pagiging mahuhusay at matatapang na mandirigma. Nahahati sila sa dalawang uri: tao giniba (nakatira sa burol) at tao higad (nakatira sa dalampasigan)

http://rehiyonixzamboangapeninsula.blogspot.com/2014/04/ang-panitikan-ng-rehiyon-ix.html

Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain ng mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga Muslim.Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung tawagin ay Hariraya Hadji.Mayroon pa rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-aanak

Page 28: Kultura Ng Mga Tausog

ay sabay-sabay na maliligo sa dagat.Ang tawagdito ay Tulak BalaMay paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang lalakbayin nito.Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi.Dito rin matatagpuan ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ayVintas.Itinuturing silang matatapang na mandirigma sa dagat.Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa paggawa ng tanso.Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga magulang ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak kahit na hindi pa nila halos kilala ang bawat isa.Dapat na magbigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae na maaring alahas,pera,lupa o mga ani.Nararapat na magsuot ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas  at ang tabas ng damit sa leeg ay makipot o “closed neck”.Ang kanilang

Page 29: Kultura Ng Mga Tausog

palda ay sarong.Ang mayamang muslim  ay nagsususuot ng sedang sarong na magaganda ang kulay at disenyo  na may palamuting perlas.Sa mga lalaki naman ang mahigpit na jacket  at mahigpit na manggas.Ang pantalon ay koton,may mahabang sash na nakapalibot sa kanilang baywang.At kapag sila ay nagtatrabaho sa init ng araw ay nagsusuot sila ng sarong na sumbrerong kahawig ng salakot.

SiningKung sining ang pag-uusapan ang Rehiyon IX ay may natatanging sayaw tulad:* SUA-SUA- isang sayaw sa pag-iisang dibdib,*SINGKIL- ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan.Halos katulad ito ng Tinikling; at ang *KOPARANGKAMANIS-ay sayaw panghukuman.

http://www.scribd.com/doc/22880831/17297191-Kasaysayan-ng-Pilipinas

Page 30: Kultura Ng Mga Tausog

 

Mahilig magnga-nga at magbihis ng magaraang mgaTausug, lalo na kung may pagdiriwang - may nakasulsi pang ginto-ginto sa damit. Ang mga babae ay nagsusuotng pantalong maluwag, tinatawag na sawal [ salawal sa Tagalog] at balot ng patadyong 

Page 31: Kultura Ng Mga Tausog

na maaaring gamiting balabal, kumot okung kinakailangan, duyan. Ang mga lalaki ay nagpapantalon ng makipot, tinatawagna salway kuput [makipot na salawal ] na hanggang binti lamang ang haba. May balot na malaking panyo sa ulo, ang putong,na maaaring gamiting sisidlan o supot.Ang

Page 32: Kultura Ng Mga Tausog

tinitignan nilang kayamanan ay ginto at alahas. Karaniwang nagmamana ngmga alahas ang mga babae; alahas din ang inaasahang handog ng mga lalaki sakanilang asawa paminsan-minsan. Ang mga lalaki ay mapagmahal sa kanilang mgasandata, lalo na ang mga bari

Page 33: Kultura Ng Mga Tausog

Sa mga naging Muslim, ang mg SAMAL,ang pinakahirap, sunud-sunuran sa ibang tribo sa paligid. Kumpol-kumpol sila sa mgakubong nakapatong sa mga tukod na nakatarak sa dalampasiganng dagat o tabing ilog. Isda at gulay lamang ang kinakain nila;madumi ang tingin nila sa karne ng mgahayop sa lupa. Madalas silang makihalo samga

Page 34: Kultura Ng Mga Tausog

espiritistaat naniniwala sila sa mga bathala at diwani ng mga ilog, batu-bato atmalalaking punung-kahoy

http://www.slideshare.net/Untroshlich/panitikan-ng-armm

1. Lumapitngayon ang babae sa sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha anggantimpala para sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabiniyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo namatataguan sa Sulu. Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssamga banal at

Page 35: Kultura Ng Mga Tausog

sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.

1. kastila na yakapin ang relihiyong Cristianismo. Ang Maling Paratang Ang sinomang ay hindi maaaring pilitin kung ano ang kanyang dapat paniwalaan o sampalatayanan, ngunit isang kahihiyan din naman sa isang may sapat nang kaisipan kung hindi niya ginagawang magsaliksik at hanapin ang katotohanang ipinangaral ng mga Propeta.. Sinabi ng Qur'an ( Ang Banal Na Kasulatan ng Islam ) ang ganito : Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin: O kayong mga taong binigyan ng Kasulatan ( Mga Hudyo at Cristiano), halina kayo at mag-usap tayo, Na sumamba tayo tanging kay Allah lamang, Na tayo ay huwag magkakaroon na iba pang dapat sambahin maliban sa Kanya lamang, Na tayo ay huwag magtatatag sa ating mga sarili ng mga panginoon at Kahaliling sinasamba maliban sa Allah. At kung sila ay magbalik - loob, sabihin ninyo : " Magpatotoo na tayo ay Mga Muslim ( isang tao na tumutupad sa mga kalooban ng Diyos)." Si Abraham ay hindi isang Hudyo o naging Cristiano; Datapwat siya'y isang matapat na Muslim. ( Qur'an 3:64 ) Sa ating bansa ang pagkakakilala ng ating mga kababayang Pilipino kapag sinabing Muslim ay kakaiba, may nagsasabing hindi binyagan, matatapang o mamamatay -tao, rebelde, tulisan o pirata at marami pang ibang masasamang salita na ikinakapit. Sa bahaging ito, hindi ko bibigyan pansin o mahabang paliwanag ang mga maling paratang na ito. Ang isang tunay na Muslim ay hindi maaaring ikapit ang masasamang bagay na ito sapagkat salungat ito sa itinuturo ng relihiyong Islam at hindi matatawag na tunay na Muslim ang isang tao kung ang mga masasamang gawaing ito ay kanyang ginagawa ( Allah lamang ang tunay na nakakaalam). Narito ang sinabi ng isang dalubhasang mananalaysay na si na Gregorio F. Zaide at Sonia Zaide Pritchard, sa kanilang aklat na History of the Republic of the Philippines mga pahina 124,125 ay sinabi ang ganito: " Salungat sa popular na maling pananaw, ang mga Muslim na Pilipino ay hindi masasamang pirata ang mabangis na juramentado. Sila ay mapagkaibigan, mapagkupkop, matulungin, matapang at 36

2. makabayan katulad ng kanilang mga kapatid na Kristiano. Upang maunawaan at maintindihan ang mga Muslim na Pilipino, kinakailangan nating malaman ang kanilang relihiyon at mga kaugalian. Ang kanilang relihiyon ay tinatawag na Islam, na ang ibig sabihin ay pagpapasakop sa kalooban ng Dios. Ang kanilang Dios ay tinatawag na Allah, at si Muhammad ay Kaniyang Sugo. Isang kamalian na tawagin ang Islamikong relihiyon na Mohammedanism sapagkat si Muhammad ay hindi nag-angkin na siya ay nagtayo ng isang bagong relihiyon. " Ano ang Islam? Ang Islam ay isang kompletang pamantayan sa buhay ng isang tao. Ang sinomang tao na kusang isinunuko ang kanyang sarili at sinusunod ang kaloooban ng Dios ay tinatawag na Muslim. Ang Muslim ay yaong taong tunay na nagpapasakop sa kalooban ng Dios at hindi masamang tao at ang kanyang relihiyon ay tinatawag na Islam ( Pagsunod sa kalooban ng Poong Maykapal.) Ang mga Muslim ay lubos na naniniwala na may Tangi at nag-iisang Tunay na Poong Maykapal na lumikha ng buong sanlibutan, walang iba kundi ang Allah. Dapat ding maniwala na ang Allah ay lumikha ng mga angel upang sumunod lamang sa Kanya, nagpahayag Siya ng mga Kasulatan sa Kanyang mga Propeta at mga Sugo upang anyayahan ang mga tao na tanging sumamba lamang sa Kanya, at hindi dapat na sumamba kanino man at sa mga nilikha. Pinaniniwalaan din ng mga Muslim ang Kabilang buhay o sa araw ng paghuhuhkom. Sa panhuli, ang mga Muslim ay naniniwala na ang Allah ay may itinakdang kapalaran sa lahat ng Kanyang nilikha. Bukod pa rito ang Islam ay salitang Arabic at nanggaling sa ugat na salitang " Salaam " (sa Hebreo ay Salem ) na ang ibig sabihin sa literal na kahulugan ay Kapayapaan. Ang salitang ito ay nagpapakita na ang isang tao ay makakaranas ng kapayapaan sa kanyang puso at kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapasakop sa batas, o kalooban ng Diyos. Maliban pa rito ang Biblia ( ang Kasulatan ng mga Cristiano) ay nagtuturo na ang bawat tao ay dapat na pasakop sa Diyos ( Santiago 4:7 Ihambing sa Duet 10:12-13;6:4- 9; Joshua 24:22-24; Matthew 7:21; John 4:34;5:30; Matthew 12:50;Matthew 19:16-19). Sa karagdagan ang Banal Na Qur'an ay nagsabi pa rin: Kahulugan sa Pilipino:" Kung sila ay magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam,ito ay hindi Niya tatanggapin at sa kabilang buhay siyaay mabibilang doon sa mga nakahanay na talunan. "[ 3:83,85] Sino ang Allah ? Ang Allah ay ang personal na pangalan ng Pinakamakapangyarihang lumalanag ng mga langit at lupa o ng buong sanlibutan. Siya ang nagpadala ng mga mensahero at sugo sa 37

Page 36: Kultura Ng Mga Tausog

3. mga tao upang mag-balik loob at siya lamang ang dapat na sasambahin. Ang Propeta ay ipinakilala siya bilang nag-iisa ( walang ibat-ibang persona), at tanging Poong Maykapal, at hindi nangangailangan ng kaniyang kasama at walang ibang kasama sa kanyang kalikasan bilang Diyos. Ipinahayag Niya sa kanyang huling Propeta na si Muhammad ( ang Kapayapaan at Pagpapalala ng Allah ay sumakanya) na ituro sa mga tao kung sino at ano ang Allah. Sinabi sa Qur’an ang ganito :Kahulugan sa Pilipino:" Sabihin mo O! Muhammad sa kanila :Siya ang Allah, Tangi at Nag-Iisa.Siya ang Allah na hindi nangangailangan. Hindi Siya nanganganak,o kaya'y ipinanganak. At wala siyang kapantay at walang anomanang maihahambing sa Kaniya” [Kapitulo AngKaisahan 112] Sino si Muhammad? Maaaring hindi ka naniniwla na may Diyos, o maaaring hindi mo alam na may Diyos, maaari ding kabilang ka sa ibat-ibang sekta o dominasyon ng relihiyon. Maaaring ang iba ay nagtitiwala sa ibang idelohiya katulad ng demokrasya, kumonismo, o malayang pamayanan o simpleng tao lamang at walang pakialam sa kapaligiran. Ano man ang iyong paniniwala , kinakailangan mong makilala at malaman ang taong ito, siya si Muhammad (Ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay sumakanya ). Ipinanganak sa Arabia noong taong 570 CE, at nagpasimulang mangaral ng Katotohanan ng relihiyong Islam sa gulang na 40. Sa loob ng 20 taong ng kanyang pangangaral na iniatas sa kanya ng Poong Maykapal, siya ay matagumpay sa kanyang misyon at nagtagumpay siya na mabago ang Buong Pinensula ng Arabia sa tulong ng Allah. Nagawa niyang baguhin ang pananampalatayang Paganismo at pag-samba sa mga diyos-diyosan upang sambahin lamang ang Tangi at Nag- iisang Tunay na Diyos na ipinangaral ng mga naunang Propeta. Nagawa niyang maging payapa at masunurin ang mga patayan at pag-aaway ng ibat-iabang tribo ng Arabia at naging isang bansa na nagkakaisa at matatag. Nagawa niyang baguhin ang kaugalian ng talamak na paglalasing, patayan, pagbagsak ng moralidad patungo sa mataas na kaugalian at moral. Siya ay nangaral ng panunumbalik sa Diyos ang Islam, nagtatag ng Estadong Makadiyos at bansa, nagpatupad ng mga kautusang pagkakapantay-pantay sa lahat ng uri ng tao. Kung pagbabatayan ang mga taong dalubhasa sa pagsulat ng kasaysayan, sinasabi nila na siya pa lamang ang taong nakagawa ng pinakamataas na antas ng pagbabago sa buhay ng mga tao. Ganito ang sinabi sa isang aklat na isinulat dalubhasa na kabilang sa pananampalatayang Hindu : “Hindi siya nag-aral ng pilosopiya sa paaralan ng Persia, Atheniya, Roma, India o kaya'y Tsina, ngunit kaya niyang ipahayag ang pinakamataas na mga katotohanang walang hanggan para sa lahat ng tao. Siya sa kanyang sarili ay hindi nakapag-aral,ngunit magagawa niya na magsalita ng isang matatas na mga wika at kaalaman na nakapapapakilos sa kalooban ng mga tao.Isang ulila nang ipinangaank at walang kayamanan, siya ay minahal ng lahat ng mga tao. Siya ay hindi nag-aral sa anomang akademya ng militar; ngunit nagagawa niyang pagtipunin ang kanyang puwersa laban sa mga umuusig sa kanila at nagwagi sa pakikipagdigma [Muhammad Prophet of Islam , Prof. K.S. Ramakrishna Rao pp. 17,18] 38

4. Paanyaya sa ating mga kababayan Sa pananampalatayang Islam, itinuturo ng Banal na Qur'an na hindi dapat na ipilit ang relihiyon sa isang tao, ngunit ito ay nagbibigay din ng babala na ang katotohanan ay maliwanag at malinaw para maunawaaan ng isang tao, kahit na sa may simpleng kaisipan. Higit pa nga sa isang tao kung siya ay may lubos na talino, ngunit walang panahon na unawaain ang katotohanan lalo na ang Islam ay kahiya-hiya . Ang Islam ay dapat nating saliksikin at pag-aralan, ito naunang pananampalataya ng mga ninuno natin bago pa dumating ang mga Kastila at ipinilit ang relihiyong Cristianismo. Isang kahihiyan sa atin na hindi man lamang natin nasuri o napag-aralan ang pananampalatayang ito , na ang ating mga ninuno ay nagbuwis ng buhay dahil sa pagtatangol sa ating mga kababayan, kalayaan at relihiyon. Balik Islam Ang mga Pilipinong Muslim ay nag-aanyaya sa inyo na balikan ang pananampalataya ng ating mga ninuno sapagkat ang Islam ay ang likas na pananampalataya ng lahat ng mga tao. Sinabi ng huling Propeta Muhammad ang ganito: " Ang isang sanggol sa kanyang pagkapanganak ay Islam ang kanyang likas na relihiyon. Ang kanyang mga magulang lamang ang gumawa sa kanya upang maging Cristiano,Hudyo, o Pagano." Walang sinoman ang maaaring pumilit sa isang tao, ngunit hindi siya makakaligtas sa katotohanan, alamin man niya ito o hindi dapat tayong pumili ng ating pananampalataya para sa kaligtasan sa darating na paghuhukom. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pananampalataya ng Islam, malugod naming kayong inaanyayahan na dumalo at makinig sa mga pagtitipon sa aming tanggapan. Tumawag sa Telepono bilang (0974) 5359210. Nagbibigay din kami ng libreng babasahin ukol sa Islam. Maligayang Pagbabalik sa Islam. Ang katotohanan at Kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. 39

Follow us on LinkedIn