lagumang pagsusulit

17
Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino IV Ikalawang Markahan Pakikinig: Layunin: Naiaayos ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan. Panuto: Basahin ko ang kuwento. Pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga tagpong narinig. (TM-Hiyas pah. 159) Isulat sa patlang ang titik ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 1. a. Bawat batang iskawt ay lumahok sa mga Gawain. 2. b. Ang bawat paaralan ay nagpadala ng kani-kanilang batang skawt. 3. c. Nagdaos ng 8 th Council Jamborette sa maganda at tahimik na baranggay ng San Buenaventura. 4. d. Masayang Masaya ang lahat. 5. e. Gayon din ang mga nasa pribadong paaralan. Pagsasalita Layunin: Natutukoy ang panaguri at simuno sa pangungusap Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Guhitan nang minsan ang buong simuno at makalawa ang buong panaguri. 6. Ang pangulo ay piakamataas na pinuno ng bansa. 7. Hinabol ng pulis ang mga magnanakaw. 8. Ang pulang T-shirt ay pasalubong ni Inay. 9. Sina Rico at Marvin ay mga batang mapagkakatiwalaan. 10. Galling pa sa bansang Holland ang mga makukulay na bulaklak. Layunin: Natutukoy ang mga panaguri at ang gamit nito sa pangungusap.

Upload: dianartemiz-mata-valcoba

Post on 09-Feb-2016

1.687 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

summative test sa cha. ed

TRANSCRIPT

Page 1: lagumang pagsusulit

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino IV

Ikalawang Markahan

Pakikinig:

Layunin: Naiaayos ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.

Panuto: Basahin ko ang kuwento. Pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga tagpong narinig. (TM-Hiyas pah. 159)

Isulat sa patlang ang titik ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. a. Bawat batang iskawt ay lumahok sa mga Gawain.2. b. Ang bawat paaralan ay nagpadala ng kani-kanilang batang skawt.3. c. Nagdaos ng 8th Council Jamborette sa maganda at tahimik na baranggay ng San

Buenaventura.4. d. Masayang Masaya ang lahat.5. e. Gayon din ang mga nasa pribadong paaralan.

Pagsasalita

Layunin: Natutukoy ang panaguri at simuno sa pangungusap

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Guhitan nang minsan ang buong simuno at makalawa ang buong panaguri.

6. Ang pangulo ay piakamataas na pinuno ng bansa.7. Hinabol ng pulis ang mga magnanakaw.8. Ang pulang T-shirt ay pasalubong ni Inay.9. Sina Rico at Marvin ay mga batang mapagkakatiwalaan.10. Galling pa sa bansang Holland ang mga makukulay na bulaklak.

Layunin: Natutukoy ang mga panaguri at ang gamit nito sa pangungusap.

Panuto: Tukuyin kung ang mga panaguring may salungguhit ay pangngalan, pang-uri, pandiwa o pang-abay.

11. Naglalaba siya ng damit sa may likod ng bahay.12. Malulusog ang mga bata sa kanilang kalagayan.13. Dahan-dahan niyang tiniklop ang mga damit.14. Ang mga lumang gamit ay pang-museo.15. Nagbabasa si Wilson.

Page 2: lagumang pagsusulit

Layunin: Natutukoy ang simuno at ang gamit nito sa pangungusap:

Panuto: Salungguhitan ang simuno sa bawat bilang at isulat kung ito ay pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay:

16. Si Rina ay mahusay sumayaw.17. Sila ay nagwagi sa sabayang pagbigkas.18. Ang makupad ay nahuhuli.19. Ang sinungaling ay hindi pinagkakatiwalaan.20. Tayo ay matiisin.

Pagbasa

Layunin: Natutukoy ang paksang pangungusap.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata. Piliin at isulat ang paksang pangungusap na nararapat sa bawat bilang.

21. Maaga pa ay gising nang lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda pumunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang putting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

22. May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kuay ang may kahulugan.

23. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa maiming bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang kahalagahan ng aklat.

24. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng mga bata ay ang kapaskuhan. Ang lahay ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sakanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

25. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.

Layunin: Naaayos sa wastong pa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.

Panuto: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang (1-5) sa mga patlang upang mabuo nang wasto ang kaisipang inilalahad.

_____ Kaarawan ng Nanay ni Ben.

Page 3: lagumang pagsusulit

_____ Naalala niya ang ginawa niyang proyekto sa klase na isang abanikong anahaw.

_____ Binalot niya ang abaniko at ibinigay sa Ina kasabay ng pagbati ng “Maligayang kaarawan”.

_____ Iniisip ni Ben kung ano ang ihahandog niya sa Ina.

_____ Kinuha niya ang abanikong anahaw at dinagdagan niya ang dekorasyon.

Layunin: Natutukoy ang mga salita na nagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng ibang salita sa pangungusap.

Panuto: Salungguhitan ang mga salitang nagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng ibang salita sa pangungusap.

31. Nagkunwari akong galit sa aking kapatid dahil nagpanggap siyang isang minute sa aking silid.

32. Matagal na minamanmanan ng mga pulis sa kanyang mga gawain si Ben kasabay ng pagsubaybay ng mga magulang.

33. Naghahanap ako ng panghimagas pagkatapos kumain at nakakita ako ng matamis na saging.

34. Magili siya sa kanyang kaibigan kaya ang akala nila, ito ay mapagmahal.35. Tamad siyang gumawa ng mga aralin kaya siya ay binansagang batugan.

Pagsulat

Layunin: naisusulat nang wasto ang idiniktang talata

Panuto: Padikta (36-40) Isulat nang wasto ang ididiktang talata. Tandaan ang mga paraan ng pagsulat ng talata (5pts.)

Naanyayahan kaming magpiknik sa isang resort sa Batangas. Maghapon kaming naligo sa maluwang na beach. Hindi naming namalayan ang paglipas ng oras. Halos lahat ay ayaw nang umahon. Hindi naming malilimutan ang pook na iyon.

Page 4: lagumang pagsusulit

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino IV

Ikalawang Markahan

Pakikinig:

Layunin: natutukoy/nahihinuha ang mga pangunahing diwa na napapaloob sa isang kuwento/seleksyon/talata na napakinggan.

Panuto: pakinggan at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Isulat sa patlang ang titik ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Araw ng Sabado at walang pasok si Letty. Maaga siyang gumising at patakbong kinuha ang walis at basahan.1. A. maglaro C. magbibihis

B. maglilinis D. kakanta2. Bakit niya ito gagawin?

A. tutulungan ang kalaro C. upang siya ay lumakasB. tutulungan si Inay D. upang makahingi ng pera.

3. Sa pagmamadali ni Rita ay hindi napansin ang balat ng saging na nakakalat. Maya maya ay napasigaw siya at narinig ang malakas na “Bog, bog”Ano ang nangyari sa kanya?A. Siya ay napasayawB. Siya ay nakakita ng peraC. Siya ay nadulasD. Siya ay napalundag

4. Pauwi na ng bahay si Rafael. Binibilang niya ang natirang pera sa baon. May lumapit na isang matandang (babae) pulubi at inlahad nito ang kanyang kamay sa bata.Ano ang ginawa niya?A. Nagbigay ng peraB. TumakboC. Inaway ang matandaD. Umiyak

5. Tuwang-tuwa si Dong nang matanggap niya ang kanyang kard mula sa guro. Nanlaki ang kanyang mata sa nasabing “Hindi nasayang ang pagod ko sa pag-aaral.” Dali-dali niya itong ipinakita sa kanyang magulang.Ano ang nakasulat sa kard niya?A. Mababang makaB. Matataas sa markaC. Isang kanta

Page 5: lagumang pagsusulit

D. Larawan niya

Pagsasalita

Layunin: natutukoy ang posisyon na panaguri at simuno sa karaniwan ayos at di-karaniwang ayos ng pangungusap.

Panuto: basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang mga simuno at ikahon ang panaguri. Isulat ang posisyon kung nauuna o nahuhuli ang simuno at panaguri.

6. Si Lady at Jr. ay magkapatid7. Sina Ester at Letty ay mga magagaling na mag-aaral.8. Malambing magsalita at umawit si Lara.9. Malarosas ang kutis ng aking pinsan10. Si Jessie ay mahusay sumayaw.

POSISYON NG

Layunin: Nakikilala ang pangungusap na nasa karaniwan at di karaniwang ayos

Panuto: Isulat ang K kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos at DK kung nasa Di-karaniwang Ayos.

_______11. Maraming pasalubong na prutas si Delfin._______12. Ang bahay kubo ay maipagmamalaki nating mga Pilipino._______13. Siya ay natusok ng matulis na lapis._______14. Mahalaga ang aklat kaya ito ay dapat mahalin._______15. Ang aking suot na damit ay ginawa ni Inay.

Layunin: Naisasalin ang pangungusap sa karaniwan at di-karaniwang ayos at vice-versa

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Kung ito ay nasa karaniwang ayos, isulat sa di-karaniwang ayos at kung nasa di-karaniwang ayos, isulat sa karaniwang ayos.

16. Inaawit nila ang Lupang Hinirang nang may damdamin.17. Ibinigay ni Lenie ang magarang kahon sa kapitbahay.18. Sina Margie at Ding ay naglilinis ng bakuran.19. Ang Makati ay isang maunlad na lungsod.20. Nabasag ni Nene ang mga bagong pinggan.

SIMUNO PANAGURI

Page 6: lagumang pagsusulit

Pagbasa

Layunin: Natutukoy ang detalye ng mga katangian ng tauhan sa kuwento

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa hulihan nito.

21. Anong katangian ng apat na kapatid ni Billy?a. Masipagb. Mahirapc. Matalinod. Masunurin

22. Sa madalas na paalala ni Delia, anong katangian ang mayroon siya?a. Matalino at masunurinb. Mahaba ang pasensiyac. Mapagmalakid. Medaling mainis

23. Sa ugali ni Elda na gusting manipa, anong katangian mayroon siya?a. Medaling mainisb. Mapagmahalc. Mapagpasensyad. Maunawain

24. Ano naman ang katangian ni Cloty?a. Masipag mag-aralb. Pasensyosa c. Mahiyaind. Medaling mainis

25. Sa huling sinabi ni Billy, ito ay nagpapakita ng anong ugali niya?a. Tamadb. Komekeroc. Mapang-inisd. malambing

Limang magkakapatid sina Elda at Pong. Tuwing araw ng Sabado, ang lahat ay may kanya-kanyang gawain maliban lang kay Billi Gene.

“Tingnan mo yan si Billy, palagi lang nakahiga at ayaw gumawa,” ang inis na wika ni Pong.

“Bayaan mo na lang at baka naman inaantok pa,” ang paalala ni Delia.

“naku, baka masipa ko iyan, makalayo nga,” ang sabi ni Elda. Maya-maya ay kumuha na ng aklat si Coty. Umupo sa isang tabi at sinimulan na ang pag-aaral.

“Oh, tapos na ba kayong maglinis? Puwes magluto na kayo at nagugutom na ang Hari,” sabay turo sa sarili ni Billy at kindat sa mga kapatid.

Page 7: lagumang pagsusulit

Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng katuturan o ibig sabihin.

Panuto: Ibigay ang katuturan o ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon

26. Kumikinang ang alahas na suot ni Ginoong Robles at ____ kapag nakatapat sa araw.

27. Hingal at _____ ang kanyang nadarama sa dami ng kanyang ginawa sa maghapon.

28. Nakita nila ang mga kayamanan sa pusod ng karagatan dahil sila ay nasa _____ nito.

29. Ang taong batugan ay ayaw gumawa ng mga gawaing bahay, siya ay isang _____.

30. Ayaw niyang magpakilala kaya siya ay _____ na isang balikbayan.

Layunin: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa paksa/talata

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talataan at piliin ang titik ng angkop na pamagat.

31. May tatlong kulay ang ating watawat- puti, pula at bughaw. Ang bawat kulay ay sumasagisag ng isang kahulugan. Ang puti ay kalinisan. Ang pula ay katapangan at ang bughaw ay kapayapaan.a. Ang Ating Watawatb. Ang Tatlong Kulay ng Watawatc. Sagisag ng Bawat Kulayd. Ang mga Kahulugan

32. Mabango ang bulaklak ng Ilang-ilang. Ito ay kulay berde. Isinasama ito sa sampaguita upang gawingkuwintas. Ginagamit din itong alas sa mga Poon.a. Mabangong Bulaklakb. Ang Bulaklak ng Ilang-ilangc. Ang Sampaguitad. Alay sa Poon

33. Ang Ibalon ay isang epikong Pilipino. Ito ay mahalagang tula tungkol sa buhay at kabayanihan ni Baltog, ang bayani ng liping Ibalon at ng haring ama na si Hidiong. Si Kadugnung, isang matandang makata ang umawit nito sa wikang Bicol.

gitna tamad kumikislap

nagbabalakayo pagod kinakampanyahan

Page 8: lagumang pagsusulit

a. Epikong Pilipinob. Ibalon, Isang Epikoc. Ang Kabayanihan ni Baltogd. Ang Bayani ng Liping Ibalong

34. Si Tagpi ay isang alagang aso. Napakadali niyang turuan ng iba`t ibang trik. Palagi siyang nasa tabi ko kung walang pasok. Natutuwa ang lahat tuwing siya ay magyayabang.a. Iba`t ibang Trikb. Si Tagpi, Isang Alagang Asoc. Isang Alagang Asod. Siya ay Mayabang

35. Nasa isang tabi lamang si Lance ng kanilang paaralan. Wala pa siyang kilala dahil siya ay bagong mag-aaral pa laman. Nanginginig at nini-nerbiyos siya tuwing may tatabi sa kanya.a. Ang Paaralanb. Bagong Mag-aaralc. Mahiyaing Mag-aarald. Masayang Mag-aaral

Pagsulat

Layunin: Nagagamit ang kuwit sa:

- Paghihiwalay ng salita- Paghihiwalay ng bayan sa lalawigan- Tuwirang sinabi ng tauhan- Katapusan ng bating panimula at bating pangwakas ng liham pangkaibigan

36. Mahal kong Bella37. Napakaganda pala ng Puerto Prinsesa sa Palawan.38. Maraming lansones, bayabas pinya at guyabano sa aming probinsya39. Nagsalita si Arman “Bakit ito ang nangyari sa atin?”40. Lubos na gumagalang

Page 9: lagumang pagsusulit

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Filipino IV

Ikalawang Markahan

Pakikinig:

Layunin: Natutukoy ang pangunahing diwa/ideya sa talata/balitang narinig.

Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing talata ng guro. Isulat ang pangunahing diwa/ideya ng talata

1. Ang Barong Tagalog ay hinahangaan saan mang dako ng mundo. Ito ay yari sa jusi o pinya at pinag-ukulan ng oras sa pagbuburda. Ito ang napiling pambansang kasuotan ng mga kalalakihan.

2. Magalang na bata si Nini. Kahit sino pa ang kanyang kausap na matanda ay palagi siyang gumagamit ng po at opo. Hindi rin niya nakalilimutan ang humalik sa kamay o magmano sa mga nakatatanda.

3. Araw at gabi ay palaging laman ng kalye si Margie. Hindi niya alintana ang init ng araw na tumatama sa kanyang balat. Pilit niyang inuubos ang mga panindang bulaklak upang makapag-ipon ng pera. Siya ay isang masipag na bata.

4. Ang kulturang material ay binubuo ng mga bagay-bagay na nakikita at nahahawakan. Ang kulturang di-materyal ay tumutukoy sa pagpapahalaga, kaugalian, paniniwala, saloobin, kinagawian at kuru-kuro. Nauuri sa dalawa ang kultura ng isang bansa, material at di-materyal.

5. Ang ating pamahalaan ay may mga pagbabagong isinasagawa sa sistema ng ating edukasyon. Bunga ng pagbabago sa kurikulum, itinuturo ngayon sa mga paaralan ang wastong pagpapahalaga sa ating pamanang kultura, kaugalian at tradisyon. Ang pamahalaan ay may iba`t ibang programa para sa pagpapaunlad ng kultura.

Pagsasalita

Layunin: Nakapag-uuri ng pangngalan

Page 10: lagumang pagsusulit

Panuto: Kilalanin kung ang mga pangngalang may salungguhit ay konkreto o di-konkreto at isulat ang mga pangngalan sa tamang hanay

6. Sina Vivian at Olive ay dadalo sa programa.7. Dahil sa sipag at tiyaga siya ay tinanghal na isang huwaran.8. Si Jose Rizal ay nagging bayani dahil sa kanyang katalinuhan.9. Mahal na mahal siya ng kanyang guro.10. Ang nagging hagdan niya sa tagumpay ay talino at kabaitan.

Konkreto Di-konkreto_________ __________________ __________________ _________

Layunin: Natutukoy ang pangngalang ginagamit bilang paksa/simuno at panaguri

Panuto: Lagyan ng ♥ sa ibabaw ang pangngalang ginamit na simuno at ng ang pangngalang ginamit na paaguri sa pangungusap:

11. Nars ang tita ko.12. Isang guro si Bb. Ruiz sa Filipino.13. Si Myrna ay sang estudyante.14. Si Amy ang pangulo n gaming organisasyon.15. Nagbabasa ako ng aklat araw-araw.

Layunin: Nagagamit ang angkop na panghalip sa pangangalang hinahalinhinan:

Panuto: Palitan ng nararapat na panghalip ang salitang nasa loob ng panaklong:

16. (Sina Lourdes at Billy) ay napiling pinuno ng klase. _____ ang kalahok sa mga pagpupulong.

17. Namimili ng mga sariwang gulay (si Inay) Maghahanda _____ para sa mga panauhin.

18. (Si Jose at ako) ay naimbita sa malaking pagtitipon sa Tagaytay. _____ ay aalis nang maaga sa susunod na araw.

19. (Siya at ikaw) ay magpapakita ng isang natatanging bilang sa palatuntunan. _____ ay may talent na dapat makita ng mga kamag-aral.

20. (Ako, si Mar at si Noel) ay maaaring magtanim sa ibang bakuran. _____ ay lalaban sa pagandahan ng bakuran.

Pagbasa

Layunin: Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan ng iba`t ibang salita sa parirala

Page 11: lagumang pagsusulit

Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga pangungusap at lagyan ng tsek ( / ) ang tamang sagot:

21. Nakita ni Arnel ang lalaking may dalang kahon at pinatutunog ang isang kuliling. Sino ang lalaking iyon? Siya ay isang ____a. Drayber c. Pulisb. Sorbetero d. Tinder

22. Sakay ng isang nagmamadaling sasakyan na may hose at tubig, nakadyakit ng mahabang itim at nakasumbrero. Sino ang lalaking iyon?a. Pulis c. Bumberob. Doctor d. Drayber

23. Madaling araw pa lamang ay nasa bukid na si Mang Neno hila ang kanyang kalabaw. Sino siya?a. Magsasaka c. Trabahadorb. Mangingisda d. Drayber

24. Manibela araw-araw ang kanyang hawak sa kanyang gawain. Sino ang lalaking ito?a. Dentist c. Mangingisdab. Drayber d. Karpentero

25. Plais, martilyo, pako at lagare ang dala ni Mang Juan sa pagtungo sa gawain. Sino siya?a. Karpentero c. Basurerob. Magsasaka d. Doktor

Layunin: Natutukoy ang detalyeng walang kaugnayan sa pangunahing diwa.

Panuto: Isulat ang sa mga pariralang walang kaugnayan sa karamihan

26. _____ pagbabayad ng buwis_____ pagsunod sa batas trapiko_____ pangangalaga n gating kapaligiran_____ pagsisimba araw-araw

27. _____ pagdidilig ng halaman_____ pagtanggal ng mga tuyong dahon_____ pagpitas ng mga bulaklak_____ paglalagay ng pataba sa halaman

28. _____ pagpasok sa paaralan_____ pagsasagawa ng mga takdang aralin_____ paglalaba kung araw ng sabado_____ pag-aaral ng aralin bago matulog

29. _____ pag-aayos ng Krismas Tri_____ paglalagay ng parol_____ paggawa ng tula_____ pagpapatugtog ng awiting pamasko

Page 12: lagumang pagsusulit

30. _____ Ang puto bumbong at bibingka ay mga pagkaing Pinoy_____ Dito lamang matitikman ang mga ito sa Pilipinas_____ Masarap itong kainin kung kasabay ang mainit na tsaa_____ Masyadong matamis ang inhaling asukal

Layunin: Natutukoy ang mga pangyayari na pinag-uugnay ng sanhi at bunga

Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ang bahaging may salungguhit ay sanhi o bunga

_______31. Kinagat siya ng pusa dahil ito ay kanyang natapakan_______32. Napaso siya ng mantika dahil sa pagmamadali._______33. Mailap siyang ngumiti kaya wala siyang kaibigan._______34. _Lumalago at medaling lumaki ang mga halaman sapagkat dinidilid ito

araw-araw._______35. Masama ang panahon kaya siya umuwi nang maaga.

Pagsulat

Layunin: Nagagamit ang angkop na bantas sa pagsusulat ng idiniktang talata.

Panuto: Makinig sa ididiktang talata. Gumamit ng iba`t ibang bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, tandang pandamdam at kuwit sa talata.

Sa Kapayapaan, Pag-ibig ang Kailangan

Nagging tahimik at payapa ang alinmang pook na pinaghahanan ng pag-ibig at pag-unawa, kahit na ito ay isang dukhang tahanan, malaking pamayanan, maunlad na bansa o buong sandaigdigan.

Masaya ang isang tahanan na ang mga kasapi ng mag-anak ay nagmamahalan. Sa ganitong kundisyon, medaling matatamo ang pagkakaunawaan sapagkat ang isang taong marunong umunawa ay medaling magmahal sa kapwa. At kung marunong magmahal ang sinuman, madali rin siyang mahalin.