lalaki - honorio de dios

11
Lalaki m. Lumakad palabas ng kuwarto si Arnold, mabigat ang mga hakbang. Hinawakan niya ang door knob. Dumulas ang pal ad niya sa metal dahil sa dugong naiwan sa kanyang kamay. Tinitigan niya sandali ang duguang palad. Nanuot sa kanyang Hong ang lansa. Nanindig ang kanyang mga balahibo dahil sa pandidiri. Hindi niya dugo ang dugo ng lalaki. Alas-tres ng umaga. Nagulat ang buong presinto nang bumulaga sa front desk si Arnold. Hindi sila kaagad nakakibo. Sinipat mula ulo hanggang paa ang duguang lalaki na nakatayo sa kanilang harapan. Walang makaunawa sa mahinang bulong ni Arnold. Napaano ka? Bakit duguan ka? Tumigil sa pagbulong si Arnold. Ano ba'ng pangalan mo? Arnold, Arnold Sarmiento po. Napaano ka ba, Arnold? Bakit ganyan ang 'itsura mo? Naholdap ka ba? Pumatay po. Natulala ang nagtatanong na pulis. Ngumiti si Arnold. Patay na ang lalaki. Pinatay ko ang lalaki. - Kaopisina ko ang lalaki. Unang araw pa lamang sa trabaho ay naramdaman ko nang ganito ang kahihinatnan ng mga pangyayari. Subalit kahit alam ko nang ganito ang mangyayari, nagpatuloy pa rin ako. Umasa pa rin ako. Sumugal ako. Tutal, naisip ko, wala naman akong pagpipiliang masyado. 75

Upload: michael-calma

Post on 21-Dec-2015

386 views

Category:

Documents


129 download

DESCRIPTION

Pan Pil 19

TRANSCRIPT

Lalaki

m.

Lumakad palabas ng kuwarto si Arnold, mabigat ang mgahakbang. Hinawakan niya ang door knob. Dumulas ang pal adniya sa metal dahil sa dugong naiwan sa kanyang kamay.Tinitigan niya sandali ang duguang palad. Nanuot sa kanyangHong ang lansa. Nanindig ang kanyang mga balahibo dahilsa pandidiri. Hindi niya dugo ang dugo ng lalaki.

Alas-tres ng umaga. Nagulat ang buong presinto nangbumulaga sa front desk si Arnold. Hindi sila kaagad nakakibo.Sinipat mula ulo hanggang paa ang duguang lalaki nanakatayo sa kanilang harapan. Walang makaunawa samahinang bulong ni Arnold.

Napaano ka? Bakit duguan ka?Tumigil sa pagbulong si Arnold.Ano ba'ng pangalan mo?Arnold, Arnold Sarmiento po.Napaano ka ba, Arnold? Bakit ganyan ang 'itsura mo?

Naholdap ka ba?Pumatay po.Natulala ang nagtatanong na pulis. Ngumiti si Arnold.Patay na ang lalaki. Pinatay ko ang lalaki.-Kaopisina ko ang lalaki. Unang araw pa lamang sa trabaho

ay naramdaman ko nang ganito ang kahihinatnan ng mgapangyayari. Subalit kahit alam ko nang ganito angmangyayari, nagpatuloy pa rin ako. Umasa pa rin ako.Sumugal ako. Tutal, naisip ko, wala naman akong pagpipiliangmasyado.

75

Sa Labas Ilg Parlor

Magkaharap ang atning mesa sa accounting department.Namukhaan ko nga siya kaagad noong unang araw na iyon.Pangiti-ngiti siya sa akin. Napangiti rin ako. Wala namangmasama kung ngitian ko rin ang lalaki. Tapos, lumapit si Edna,ang office secretary at ipinakilala ako sa mga kadepartmentko. Hindi siya lumapit, panay lamang ang ngiti sa akin.

Tanghalian, nagulat ako nang bigla na lamang bumulagasa harap ko ang lalaki, hawak ang tray ng pagkain, nakangiti.Lumibot ang tingin ko sa kantina. Marami pa namangbakanteng mesa, bakit ba dito pa napiling umupo ng lalakingito? Baka mapansin kami ng mga tao. Pero busy ang lahat sakanilang kuwentuhan at tsismisan habang kumakain.Sinusulit ang sasandaling panahong puwede munangkalimutan ang mga trabaho sa kanya-kanyang mesa. Ngayo'ydulang ng pagkain, kuwento at tsismis ang inaatupag.

Pare, natatandaan mo ba ako?Ha?

Ako yung pinagtanungan mo sa elevator. N'ung aplikanteka pa lang.

A, 00. Natatandaan nga kita ...pare.Sorry nga pala, Arnold ano? 00, Arnold nga. Sorry kung

medyo pasinghal ang sagot ko sa itinatanong mo noon. Mayproblema kasi ako n'ung araw na iyon. Pasensiya ka na, Arnold.

Okay lang 'yon, pare.Guwapo ang lalaki. Pantay-pantay ang mapuputing ngipin

kaya maganda ang kanyang ngiti. Bagay ang arko ng bigotengnakahulma sa mapupula niyang labi. Lalong lumitaw angganda ng kanyang mga mata dahil sa mabilog na noo,Bahagyang bilugan ang kanyang pangangatawan, sukat nasukat sa kanyang tangkad. Nakaumbok ang kanyang harapankaya tiyak ko, bagay sa kanya ang Levis 50 I.

Inom tayo mamaya, Arnold.Ha?

Mag-blow-out ka naman. First day mo sa office, e.Sige, saan tayo, pare?Sa Farmers, sa basement.Umasa nga ako kaagad. Akala ko, kami lang dalawa ang

tinutukoy niya. Akala ko, friendly lang siya sa akin. Nagulattalaga ako nang pati sina Butch at Raul ay isinama ng lalakisa aking blow-out. Buti na lang hindi puwede 'yung tatlopang barako sa accounting. Buti na lang, may pera ako. Pero,Diyos ko, bakit naman sa Farmers pa? Dalawa singko angaway doon, Iibre pa ang basag na eardrum. At paano kayaako uuwi? 'Tang-ina, magta-taksi na naman ako para iwas-holdap. Pero okay lang. First day ko naman. Kahit alam kona ang katapusan ng mga ganitong inuman, okay lang. Sanayna ako. At hindi ko ita first time.

Kahit sinong bakla ay aasahan na ang ganitong developmentng aking istorya: na naging regular ang paglabas-Iabas naminng lalaki; sa mga inuman at panonood ng mga banda sa maykanto ng Kamuning at Edsa at sa People's Park (noong hindipa ito binubuwag), sa panonood ng mga X-rated kapag week-end, paminsan-minsan sa bolingan. paminsan-minsan sasinehan. Madalas din akong maaya sa kanyang pagmamadyong.Pero kahit sinong bading ay maniniwalang "a gay's way to aman's heart is through bottles of beer." Sa mga inuman nganabuo nang husto ang aming pagiging magkaibigan.

Arnold, birthday ni Pareng Louie sa Biyernes. Nag-aayangmag-inuman.

May gagawin ako. Hindi ako puwede.Pare, inaasahan ka ni Louie.Pupunta ka ba?Aba siyempre! Malaki ang utang na loob ko kay Pareng

Louie. Siya ang nagpasok sa akin sa opisina. Sumama ka na.

76 77

Sa Labas ng Parlor

Makisama ka naman.Sige.

Ngumiti ang lalaki at saka ako inakbayan.Wala naman akong malaking utang na loob kay Louie

pero malaki ang ginastos ko sa inumang iyon. Beer, yelo,pulutan, sigarilyo. Pati sa entertainment, ako ang taya.Namaos ako sa pagkanta ng minus one. Ganoon yata talaga.Kahit naman noong nasa boarding house pa ako at doon samga nauna kong trabaho, ako palagi ang taya. Pero okay lang.Kasama ko naman ang lalaki. At higit sa lahat, nang gabingiyon, naging open siya sa akin.

Alam mo Arnold, mabait ka.Pare, lasing ka na.

Totoo nga, mabait kang tao. Maalalahanin.Mabait rin naman kayo sa akin.Noong first day mo pa lang sa office, tapos nag-inuman

tayo sa Farmers n'ung gabi, pare, alam ko na noon na magalingkang makisama. Hindi ako nagkamali. Magaling ka talaga.

Basta ikaw, pare. At basta kaya ko.Pare, sa bahay ka na matulog. Maluwag pa naman sa

kuwarto ko, 'Yun nga lang medyo mainit.Hindi, uuwi na lang ako. Makakasakay pa ako.Pare, nasa Baclaran tayo. Malayo pa ang Sangandaan,

wala nang LRT. E, ang bahay nand'yan lang sa Recto.Maharang ka pa ng mga adik sa kalye.

Ikaw ang bahala.Taxi.

Inisip ko na lang na talagang gusto niya akong makasamanang gabing 'yon. Na nagiging friendly na talaga siya sa akin.Kaya okay lang kung ako ang nagbayad ng taxi. Hinayaan kona lang na nakahilig ang ulo niya sa balikat ko habangnatutulog siya. Pakiramdam ko, close na close na kamingdalawa bHang magkaibigan. Idinantay ko ang kaliwa kong

78

Lalaki

braso sa kanyang hita at pinagmasdan ko siya habangnatutulog.

"Day, huwag dito sa taxi ko," mahinang utos ng driver.Nagulat ako. Nagtama ang mata ko at ng driver sa salamin.

Napansin ko ang pag-iling ng driver bago pinaharurot ang taxi.Maluwag pa nga sa kuwarto niya pero sobra ang init.

Naisip ko, bakit ba 'ko nagtitiis sa kuwartong ito. Balak kopa namang magtulog kinabukasan dahil Linggo naman. Pero,okay lang. Makalat ang kuwarto ng lalaki. Nakasampay kungsaan-saan ang tuwalya, t-shirt, pantalon, brief. Hindi mo alamkung alin ang malinis at ang marumi. Pero kompleto siya sagamit. May maliit na refrigerator, TV at VHS player, electricfan at stereo component. Nagpatugtog siya ng tape, Bon [ovi,mahina lang. May kinuha ang lalaki sa loob ng kabinet, iniabotsa akin. Mga kopya ng Playboy magazine at bombang komiks.

Marami n'yan kapag gabi, sa underpass sa Quiapo at saRecto. 'Yang mga komiks, sa ilalim ng LRT station sa Tayuman.Magbasa ka muna, maghahanap lang ako ng malinis na kumot.

Salamat.Nagpapalitan kami nina Raul ng mga kopya. Malilibog

din ang mga ulol na 'yon. Minsan nga sumama ka sa happen-ing naming tatlo. Sa Quezon Avenue, may magaganda ringbabae d'yan, may mura, may mahal. Oepende sa type mo.Ano bang type mo, pare?

Ha?Ako, hindi ako masyadong mahilig sa malalaking boobs at

puwet. Parang nabibigatan ako. Gusto ko lang, makinis anglegs. Kung limitado ang pera mo, huwag ka nang masyadongmapili. Ikawpare, paano ka nagpaparaos? Huwag mong sabihinghanggang ngayon panay pa rin ang dyakol mo?

Mas safe yun 'di ba?Nakakarindi ang tawa ng lalaki. Tawang alam mong hindi

dahil sa natutuwa siya sa iyo kundi simpleng pinagtatawanan

79

Sa Labas IIg Parlor

ka dahil may sinabi kang isang bagay na nakakatawa.Hang taon ka na ba, pareng Arnold?Bente nuwebe. Bakit?Wala. Tulog na tayo. Dito ka sa kama. Ako na diyan sa

sahig.Pinatay niya ang ilaw at pumas ok ang liwanag ng ilaw na

galing sa poste sa labas. Naka-brief lang ang lalaki. Naghubadako ng t-shirt at pantalon. Hindi nagtagal ay ang mahinaniyang hilik na lamang ang tanging naririnig ko sa buongkwarto. Muli kong pinagmasdan ang natutulog na lalaki. Angkanyang noo, ang labing bahagyang nakabuka, ang kanyangdibdib, ang umbok sa kaniyang harapan, ang mga balahiboniya sa hita. Ipinikit ko ang aking mata at nagbilang ngkanyang mga hilik upang makatulog. Babahagya pa lamangsiguro akong naiidlip nang muli akong gisingin ng sunud-sunodna ungol. 'Tang-ina binabangungot ang lalaki! Kinalog ko siya,tinapik-tapik sa pisngi. Nang hindi pa rin magi sing ay sinampalko ang lalaki. Habol pa rin ang hininga niya nang magising.

'Tang-inang baklang 'yon.Ha? Parang ako ang sinampal.'Yung kapatid kong bakla, hanggang panaginip, ayaw

akong tantanan.May kapatid kang bakla?Dalawa lang kaming magkapatid. Nagbiro pa ang

tadhana, binabae yung isa. Archie ang pangalan niya. Ayun,nakakulong pa rin hanggang ngayon.

Bakit?Shabu. Ginawang front 'yung parlor niya. Isinuplong

n'ung isang binatilyong durugista na pilit niyang kinakatalo.Na-buy-bust yung durugista, naipit, nagturo. Laya 'yungdurugista, kulong 'yung bakla.

Kumusta na siya ngayon?Ewan ko.

80

Lalaki

Kailan mo siya huling dinalaw?Marami akong ginagawa, hindi ko siya nadadalaw. 'Yung

mga pinsan kong bakla, sila ang dumadalaw sa kanya.Hindi na ako nakatulog pagkaraan ng bangungot na 'yon.

••As usual, puno na naman ang bus papuntang Monumento.Aircon ang bus pero mainit sa loob. Maingay din ang mgaturnilyo at bakal, parang anumang oras ay malalansag angmga kasukasuan ng sasakyan. Nagkukumpulang paranglangaw sa may unahan ng bus ang mga pasahero gayungnapakaluwag naman sa may likuran. Parang uod na ginapangni. Arnold ang likuran at umupo sa nag-iisang bakantengupuan. Ni hindi tuminag ang lalaking tinabihan niya.Malapad ang katawan ng lalaki, malalaki ang braso at halosokupado na nito ang buong upuan. Kalahati lang ng puwitanni Arnold ang nakaupo. Mabilis siyang nangalay. Marahansiyang umusod pagitna upang makaupo nang mahusay ngunitparang wala pa ring naramdaman ang lalaki. Ibinuka pa nitoang mga maskuladong hita na ipinagyayabang ng hapit nahapit na maong. Parang nananadya. Tumingin si Arnold salalaki. "Excuse me." Mahina nitong bulong sa lalaki.Tiningnan siya ng lalaki, matalim. Inulit ni Arnold ang pag-usod sabay sabing "excuse me." Noon lamang umusad ang lalaki.Nakaupo nang mahusay si Arnold at napangiti na lamang sasarili. Pati sa loob ng bus ay gulangan na ang patakaran, saloob-loob niya. Kung hindi ka kikibo, ikaw ang magugulangan.

Nagulangan si Archie. Ito ang hinala niya nang marinigang kuwento mula sa lalaki. Kumusta na kaya si Archie? Anokaya't dalawin ko si Archie? Pero bakit ko siya dadalawin atpaano? Mas madaling sagutin ang paano. May kakilala akosa Crame. Pero kung bakit ko dadalawin ang isang taongnakakulong dahil sa drugs, hindi ko naman kaano-ano, ni

81

,Ir

Sa Labas lIg Parlor

hindi ko pa nakikita sa tanangbuhay ko ...? Nakatulog siArnold sa loob ng mainit na aircon bus dahil sa tagal ng trapik.At dahil sa pagod.

•Arnold.

Alam ni Arnold na nakarating na sa kanyang ama angbalita. Usap-usapan iyon sa buong high school department.Hindi malaman ni Arnold ang gagawin, kung paanongpapapaniwalain ang mga guro at estudyante na siya angbiktima. Na hindi siya ang nangbiktima.

Ano po 'yon, Dad?Putok ang labi niya nang abutan ng bigwas ng ama.Putang-ina mo! Tumigil ka na sa pag-aaral kung kahihiyan

din lang ang iaakyat mo sa bahay ko.Parang eksena sa pelikula. Kompleto pati sa tulo ng dugo

na umaagos sa putok niyang labi.Dad, magpapaliwanag ako. Tulo na rin ang luha niya.Isinalya siya ng ama sa silya.Ano pa ang ipaliliwanag mo? Balita na sa buong baryo

ang kahalayang pinaggagawa mo. Hindi ka na nahiya!Nanggapang daw siya sa camping ng Citizens' Army

Training, ang araw na pinakahihintay ni Arnold. Sa campingna iyon mapapatunayan niya sa ama na magaling siyangestudyante at mahusay na kadete. Kandidato siya sa Kadeteng Taon at alam niyang kung mananalo siya, lalambot angpuso ng kanyang ama. Huling gabi ng camping. Natutulogna si Arnold nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya.N apabalikwas siya sa gulat. Tulog na ang lahat ng kadetengkasama niya sa loob ng tent. Namukhaan kaagad niya anglalaking tumabi sa kanya. Si Jaime, ang kanilang companycommander. Oinantayan siya ng commander. Tumagilid siArnold. Kinuha ng commander ang kanyang kamay at

82

Lalaki

ipinatong sa kanyang harapan. Bukas na ang zipper ngpantalon ng commander.

Batihin mo ako.Hindi kumikibo si Arnold .Idiniin ng commander ang palad ni Arnold sa matigas

nitong titi.Sige na.Pinigilan ng commander ang pag-angat ng kanyang palad.

Noon din ay may pumasok na ilaw ng lente at sabay nanapabalikwas si Arnold at ang commander.

Mabilis na kumalat ang balita na nanggapang ng com-mander si Arnold. Wala siyang nagawa. Isang malakingkahihiyan ang iniuwi niya sa kanilang bahay Hindi na rinsiya nanalo ng medalyang kanyang inasam.

Lumipat ng eskuwelahan si Arnold noong sumunod napasukan.

•Absent ka na naman kahapon, pare.

Puta, ang aga-aga Arnold, tumahimik ka d'yan. H'wagmo akong buwisitin.

Tumahimik ako.0, bakit hindi ka na kumibo d'yan?Sabi mo tumahimik ako ...Puta pare, ang laki ng natalo sa akin kagabi.Sino'ng nanalo?Si Reggie na naman. Me sa demonyo yata ang mga daliri

ng gagong 'yun, e. 'Di bale, mamaya babawi ako.Pare, lalagnatin ka ba kapag hindi nakakahaplos ng baraha

o pits a yang mga palad mo?E ana ang gusto mong mangyari, hindi ko na mabawi

'yung tres mil na umalagwa kagabi?Baka madagdagan pa yon.

83

r [

Ganoon talaga, kaya nga sugal e.Pare, sayang ang pera, puyat ka pa. Tapos a-absent ka sa

trabaho ...Arnold, pera ko ang nilulustay ko kaya wala kang

pakialam. Tsaka, hindi naman kita asawa 0 siyota parapakialaman mo ako.

Nasa kantina kami noon. Napatingin sa direksiyon naminang mga empleyadong kumakain sa kalapit na mesa nangpadabog na tumayo ang kausap kong lalaki. Pero hindi pasiya nagkasya.

Tandaan mo pare, tigilan mo ako!Dilat na dilat ang mga mata ko pero wala akong nakikita.

Napatungo ako para hindi makita ng iba ang pagtulo ng luhako at ang pagliliyab ng mga pisngi ko sa hiya. Isang linggongako at ang lalaki ang topic ng mga empleyado. Hindi lang sadepartamento namin kundi sa buong kompanya. Mag-anoraw ba kami ng lalaki? Inano ko raw ba ang lalaki? Bakit dawako nakikialam sa lalaki? Kabago-bago ko pa lang daw saopisina, gumagawa na ako ng gulo. Si Edna lang angnagtangkang kumausap sa akin tungkol sa isyung iyonkinabukasan.

Hoy Arnold, ana ba ang ipinakain sa iyo ng lalaking 'yun,ha?

Bakit?Bakit ka nagpapauto? Bakit pumayag kang lait-laitin ka

nang ganoon sa harap ng maraming tao?Upset lang 'yung tao.Tanga talaga nito.Mabait kamo ako.Baka duwag?Takot ako sa gulo.Bakla ka ba?Sabi ko takot ako sa gulo. Pero, hindi ako duwag.

Sa Labas IIg Parlor

84

Lalaki

Bakla ka ba?Kung sasagutin kita nang totoo, baka bukas, wala na

akong trabaho.Ngumiti si Edna. Puwes, magdoble-ingat ka sa

pakikitungo sa ulol na iyon. Baka mamaya, kung ana pa angkahantungan ng away nyo.

Lilipas din iyon. Upset lang yung tao.Hindi nag-sorry ang lalaki sa akin makaraan ang drama

sa kantina. Tinanggap ko na isang simpleng bagay lang angnangyari at hindi ko na kailangang palakihin pa. Kinabukasanay parang walang nangyari sa amin ng lalaki.

••Archie, ako si Arnold.

Hi, Arnold. Magkakilala ba tayo?Hindi. Pero office mate ko ang kapatid mo.Bakit may nangyari ba sa kuya? Kumusta siya?Walang nangyari sa kuya mo. Mabuti ang lagay niya. Ikaw,

kumusta ka?May sigarilyo ka ba, Arnold?Hindi ako naninigarilyo, Archie. Pasensiya ka na.Okay lang. Bakit ka napadalaw? Buti pinapasok ka?May ilang kakilala. Naikuwento ka sa akin ng kuya mo.S'ya ba ang nagpapunta sa iyo dito?A...Okay lang. Kahit naman minsan, hindi niya ako dinalaw.

Mabuti naman ang lagay ko dito. I mean, I could bebetter ...Pakisabi na lang kay kuya.

00.Nagsusugal pa ba ang kuyai-Sabihln mo nga pala sa

kanya, 'yung pangako ko sa kanyang CD player, baka hindiko na matupad. Iyon ang pinakahuling hiling niya sa akin.bago ako nakulong.

85

Sa Labas ng Parlor

Ikaw ang bumili ng lahat ng gamit niya sa kuwarto?Noong malakas pa ang kita ng parlor ko.Bal<it, Archie?Bakit ano?

Bal<it mo ginagawa sa kanya ang lahat ng ito?Kapatid ko siya. Dadalawa na lang karni sa mundo. Siya

na lang ang pamilya ko. Mahal ko ang kapatid ko, kahit gan'unsiya sa akin.

(Wala akong masabi.)

And besides, mas malaki ang kita ko sa kanya noon.Saba gay.Arnold, gusto mo ba ang kuya ko?Ha?

Naaamoy ko ang matres mo, 'wag ka nang magkaila. Maygusto ka sa kuya ko?

Ewan ko. Siguro.

Lapitin naman talaga ng mga bakla ang kapatid kung'yun. Mag-ingat ka na lang.

Bal<it?

Wala. Kahit sinong bakla, dapat nag-iingat sa pal<il<itungosa kahit na sinong Ialaki.

Ano'ng nangyari sa binatilyo, do on sa nagsuplong sa iyo?Laya.Nagl<ita na ba kayo?

Ang huli naming pagkil<ita ay n'ung ituro niya ako sapulis. Ayun, ginawa siyang kabit n'ung arresting officer nalumusob sa parlor ko.

Aalis na ako, Archie. Nice meeting you.Same here. Salamat dito sa dala mo. At pal<isabi sa kuya,

ingatan niya ang ulcer niya. Huwag kamo siyang magpapaIipasng gutom.

Pareho kaming nagulangan ni Archie. Pareho lang kamingbiktima.

86

Lalaki

•Lumagapak sa mesa ko ang card. Nakatayo sa harapan koang lalal<i.

Ano'to?Buksan mo."To a dear friend, happy birthday." Kulay lila ang card at

pula ang lettering. May kabaduyan lang talaga minsan anglalal<i. Pero okay na rin.

Paano mo nalaman na birthday ko?Importante pa ba 'yon? Happy birthday.Salamat. (Edna nasaan ka? Sana makita mo ang eksenang

ito.)Labas tayo mamaya, ako ang taya.Sige. Pero, ako ang taya.Hindi. Birthday mo at nakabawi ako noong isang gabi,

kaya ako ang bahala. Saan mo gusto?lkaw ang bahala.Pareho kaming lasing na lasing nang gabing iyon. Para

talaga kaming magsiyota. Kumain muna kami sa Max's dahilpaborito ko raw ang fried chicken. Nakatatlong beer kaagadang laIal<i, sa restaurant pa lang. Pagkaraan, pinilit niya akongpumunta sa isang beer house. Nang hindi niya magustuhanang show, nag-ayang umuwi. Nanood kami ng bomba sa bahayniya at tumira ng damo. Dati na rin naman akong tumitira.Nag-umpisa ako sa cough syrup, tapos damo. High school palang ako nagdadamo na ako, karni ng mga kaklase kong bakla.Kapag nagsusumbungan kami ng mga panlalait sa amin ngmga tao at ng sarili naming mga pamilya, tumitira kami, samay sementeryo. Si Dennis nga, minsan, umuwi sa bahaynila nang bangag. Galing sa party, naka-make-up pa ang puta.Wala. Katuwaan lang ng magkakaibigang bakla. Ang pula nglipistik ni Dennis. Huling-huli ng tatay niya. Bugbog nanaman ang inabot. E, kaso nga bangag, tinutukan ba naman

87

Lalaki

Sa Labas JIg Parlor

•ng kutsilyo ang sariling ama. Tuluyang pinalayas ng pamilyaniya. Nakitira sandali sa amin, pero pinalayas din ng tatayko. 'Asan na kaya si Dennis?

Pare, bakit wala ka pang siyota? Natigilan ang lalaki satanong ko.

Hindi pa ako sawa sa pagiging binata. Sakit lang sa uloang siyota. E, ikaw, bakit wala ka pang siyota?

Wala lang.Hindi mo type? Nakangiti ang lalaki.Sabi mo nga, sakit lang sa ulo ang siyota.Pero, sawa ka na sa pag-iisa, 'di ba Arnold?Ewan ko. Siguro.Sinindihan ng lalaki ang ikatlong stick ng marijuana.

Mapungay na mapungay na ang mata niya. At pangatlongbeses na rin niyang naitumba ang electric fan dahil paekis-ekis na siya kung lumakad.

Bombahin kita, Arnold.Sige.Humitit siya at ipinatong ang kaliwang palad sa ibabaw ng

ilong ko. Halos durnikit ang labi niya sa labi ko nang ibuganiya ang usok diretso sa aking ilong. Bahagya akong napaurongpalayo sa lalaki. Pero, idineretso niya sa labi ko ang labi niya.Hinalikan ako ng lalaki, matagal, mariin. Nasarnid ako sa usok.

Happy birthday, Arnold.Pare, tulog na tayo, bangag ka na.Hinubad ng lalaki ang sando. Nakatitig lang ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin. Naamoy ko ang mainit at amoy beerniyang hininga. Ipinatong niya ang dalawang palad ko sadibdib niya. Muli niya akong hinalikan. Ibinaba ko ang haliksa kanyang mga utong at noon ko naramdaman ang bigat ngdalawa niyang palad sa aking mga balikat, itinutulak :mg akingulo pababa.

Happy birthday, pare.

Gumagapang sa dalawang braso ni Arnold ang sariwang dugomula sa mahigpit na pagkakatali ng lubid. Nakatitig lang siyasa mukha ng amang nanlilisik ang mga mata. Bumaba angungin niya sa sinturong hawak ng ama. Pumikit siya atsinamyo ang bangong nanggagaling sa sariwang dugongbumabalong sa mga tin among sugat. Nabuhay ang lubid nanakabuhol sa kanyang mga braso. Gumapang paibaba sabaldosa hanggang tuluyang makalag ang pagkakabuhol.

Lumatay ang hagupit ng sinturon sa kanyang hita. Ngunitmadali itong nabura nang gapangan ng kanyang dugo. Mulinglumatay ang isa pang hagupit.

Lalaki kaArnold. Tandaan mo 'yan. Lalaki ka. Hindi babae!Kailan man ho, Itay, hindi ko inisip na babae ako.Tama, titi 'yang nasa harapan mo. Hindi kepyas.

Lumapit ang ama sa anak. Hinubad ang brief ni Arnold.Hinawakan ang kanyang ari.

Titi ang tawag dito. At ang gamit nito ay sa babae lamang.At muling humagupit ang isa pa.Napaluha si Arnold. Nagising si Arnold, pawisan at basa

ang harapan.

•Lunes.

Buwisit talaga ang putang-inang trapik sa EDSA, bulongni Arnold sa sarili habang naghihintay ng elevator kasamaang sampu pang empleyado. Ang aga ko na ngang gumisingat umalis ng bahay; late pa rin. Gusot pa ang suot ko sapakikipaggitgitan sa dyip at bus. 'Tang-ina talaga.

Hi, Edna.Wala ni imik si Edna. Sumulyap lang sa kanya.Edna, may ipakikita ako sa 'yo.

8988

Sa Labas IIg Parlor

Busyako.

Sandali lang. Inilabas ni Arnold ang card at ipinakita kayEdna. Noon nakita ni Arnold na nakasilip ang lalaki,pinagmamasdan silang dalawa ni Edna. Malinaw ang utos nananggagaling sa mga mata ng Ialaki. Dali-dali niyang binawiang card mula kay Edna at mabilis siyang burnalik sa kanyangmesa.

Tanghalian. Hinihintay kong saluhan ako ng lalaki sapagkain. Anyway, nangyari na ang dapat mangyari sa amingdalawa, wala na siyang dapat ikahiya pa. Yun na yata angpinakamasaya kong birthday. Pero, baka libog lang ang laharsa kanya at wala namang kahulugan? Okay lang. Lalaki siyaat hindi ako dapat umasang maramdaman din niya angnararamdaman ko sa kanya. Ang mahalaga, okay ako sa kanya.Na alam niyang kaya ko rin siyang paligayahin.

Padabog na umupo sa harap ko ang lalaki. Wala ang ngtusa mga labi.

Pare, 'tang-ina. Huwag mo naman akong ilagay sakahihiyan.

Ha.

Huwag mong insultuhin ang pagkatao ko.Pero, gusto mo rin ang nangyari 'di ba.Arnold, 'tang-ina, lasing ako nang gabing yon.Ako rin, lasing nang gabing yon.Hindi ko alam ang ginagawa ko. Curious lang ako.'Yung card na bigay mo. Ano ang ibig sabihin nung card?Ano bang pinagsasabi mo, Arnold? Birthday card lang

'yun. Walang ibang kahulugan 'yon. At tandaan mo, walangnangyari n'ung gabing 'yon.

Pero, mahalaga sa akin ang card at ang araw na 'yon.'Tang-ina. Tigilan mo ako, pare. Mula ngayon, layuan

mo na ako, okay!H uwag kang sumigaw.

90

Lalaki

Pero nakasigaw na ang lalaki at narinig na ng lahat.Anong tinitingin-tingin ninyo?-

Ano'ng sabi sa personnel?Binigyan ako ng warning.Bakit daw?Misconduct daw in company premises. 'Tang-ina.Sabi naman sa 'yo, ipapahamak ka lang ng lalaking 'yun,Bakit ako? E, siya?Tanga ka ba talaga 0 nagtatanga-tangahan? Kumpare n'ya

ang personnel manager, si Louie.Kaibigan ko rin naman si Louie, a.'Yun ang akala mo. -'Yun nga ang inakala ko. Pero hindi pala sapat ang Hang

gabing inuman para ituring na bahagi ako ng barkada nila.Kaya pala sinabihan ako ni Louie na tigilan ang kumpareniya.

Okay kang makisama, Arnold. Pero, hanggang doon nalang 'yun.

Ano'ng ibig mong sabihin, Louie?Alam mo na, 'pag nalalasing ang kumpare kong 'yan, kung

ano-anong nagagawa. Libog lang 'yon. Siguro nga napapayagmo siya, pero, nilasing mo 'yung tao, e.

Hindi ko siya nilasing. Pareho kaming lasing n'ung gabing'yun.

Arnold, kilala ko 'ang kumpare ko. Matagal na kamingmagkasama niyan, Ang trip talaga niyan 'pag lasing, sex. Pero,hanggang doon lang 'yon. Barako, e. Ngayon, may I remindyou that you are still under probation. Next month ka pa

91

Sa Labas IIg Parlor Lalaki

mareregular, kung ire-rekomenda ko ang regularization mo.If I were you, manahimik ka na lang at layuan mo ang kumpareko,okay?

•Okey ka na Arnold?

Okey lang.0, bato ka na naman?Okey lang.Sundutin mo ng beer, pare.Okey lang.Pare, sex trip tayo .Okey lang.Pare, tsupain mo 'ko.Okey lang.'Yan pare, ganyan, 'subo mo, supsupin mo pare, dilaan

mo, pare dito sa utong ko, yan pare, sa kilikili, 'van ganyan,idiin mo pa pare, kagatin mo pa pare, ang galing mo pala,pare. Arnold, pare, tirahin kita sa puwit.

'Wag.Pare, bad trip ka naman, sige na. Sex trip lang.Hindi puwede. Hindi ko pa nasubukan.Subukan lang natin. Sige na.Ayawko.Puta pare, bad trip ka naman. Sige, dapa! Gusto mo pa

pinupuwersa. Huwag kang mag-alala, lalagyan natin ngpampadulas.

Pilit na idinapa ng lalaki si Arnold. Nanlaban si Arnoldngunit umiikot pa rin ang paningin niya. Walang lakas angtuhod at braso niya para manlaban. Determinado ang lalakingpasukin siya mula sa likod. Nagmakaawa si Arnold.Nagpaubaya si Arnold. Naramdaman niya ang sakit, anghapdi, parang lalabas ang tae niya. Muling nagmakaawa siArnold. Sinubukang tumayo pero mabigat ang pagkakapatongng lalaki sa likuran niya, Wari'y nagising mula sa bangungotsi Arnold nang maramdaman niya ang batok. Noong una'ymahina. Maya-maya, sinundan ito ng suntok sa kanyang

••Ako ang biktima at ako ang may kasalanan. Parang si Den-nis. Parang si Archie.

••Kahit na sinong bakla ay aasang magigising na ako sa pagigingbiktima ko. Pero, masarap ding maging biktima. Dahil tangingang biktima lang ang puwedeng maghiganti.

••Arnold, may pera ka ba?

Bakit?May kompromiso ako e. Pahiram naman.Magkano?Limang libo lang.Ang laki naman yata.Babayaran kita agad.Kailan?Sa suweldo. Kung gusto mo, kunin mo muna ang VHS

player ko sa bahay.Hindi na kailangan 'yon.Kung ayaw mo naman, punta ka na lang sa bahay

mamayang gabi.Ha?'Wag kang mag-alala, okay lang ako.Hindi kita maintindihan.Basta, pahiramin mo na lang ako ngayon ng limang libo,

tapos, punta ka sa bahay mamayang gabi. May bago akongtape.

92 93

Sa Lahas llg Parlor Lalaki

tagiliran, sampal sa magkabila niyang pisngi. Mabilis nasumirit ang dugo sa kanyang labi. Hinablot ng lalaki angbuhok niya at iniangat ang kanyang ulo. Suntok, sampal,batok, sakal, kadyot sa kanyang puwitan. Duguan na angmukha at likuran ni Arnold. Hindi na niya kaya. Nangmakakuha ng buwelo'y siniko niya ang lalaki sa tagiliran nito.Nawalan ng panimbang ang lalaki at humulagpos angpagkakakapit nito sa likuran ni Arnold. Tumayo ang lalaki.'Tang-ina mong bakla ka. Aayaw-ayaw ka pa. Ang galing monamang tsumupa! Halika na, tuloy na natin. 'Wag ka nangmagkunwari.

Nasaktan ako. Sinaktan mo ako.Masarap naman 'di ba? 'Yan naman ang gusto ninyong

mga bakla 'di ba? Kunyari ka pang 'tang-ina molSinapak siya ng lalaki sa mukha. Tumilapon ang ngipin

niya, kasama ang tilamsik ng dugo. Naramdaman din niyaang agos ng dugo mula sa kanyang puwitan. Lumuhod siArnold sa harap ng lalaki. Napatigil ang lalaki, nakatinginkay Arnold, nakangiti.

'IOta mo na. 'Baklang 'to, gusto rin pala.Muling isinubo ni Arnold ang titi ng lalaki, hawak ang

kutsilyong pangtadtad ng yelo. Nakatitig si Arnold sa lalakihabang nakaluhod. Sige, pare, magpakasasa ka. Sige pa. 'Yan,pare. Malapit na ... malapit ka na ba ...pero hindi ka nalalabasan. Ipinapangako ko. Hindi ka na lalabasan ngayonggabi. Pare, masarap maging biktima. Ang biktima lang angnaghihiganti. Ako ang biktima, ako ang maghihiganti. Bagopa man labasan ang lalaki ay itinarak ni Arnold sa tagilirannito ang kutsilyo.

niya sa metal dahil sa dugong naiwan sa kanyang kamay.Tinitigan niya sandali ang duguang palad. Nanuot sa kanyangHong ang lansa. Nanindig ang kanyang mga balahibo dahilsa pandidiri. Hindi niya dugo ang dugo ng lalaki.

Hinugot ni Arnold ang kutsilyo sa tagiliran ng lalaki.Umagos ang dugo sa tiyan. Maitim. Kulay burak. Singlapotng putik. Mabaho. Tumayo si Arnold, nakatarak ang mata sabangkay ng lalaki. Sa buhok na pinakintab ng suave. Sa dilatnitong mga mata, namumula sa pagkabangag. Sa maputlangpisngi, markado ng mariin niyang halik at kagat. Binilangniya ang mga marka sa leeg, sa dibdib, sa korona ng utong nanangingitim pa dahil sa pagkakatsupa niya. Pinanlabo ngmahapding luha ang mga mata ni Arnold.

Minasdan niya ang puting brief na nakababa hanggangtuhod, nakamapa ang dugo, naninilaw ang harapan, Carterang tatak, maluwag na ang garter. Hinayaan niyanghumulagpos ang kutsilyo sa kanyang palad. Kumalansing itonang bumagsak sa baldosa.

Patay na ang lalaki, pinatay ko ang lalaki, patay na anglalaki.

•Inumpisahan ko ang "Lalaki" noong Enero 1993 sa Baguio at

natapos noong Nobyembre-1995 sa Bulacan. Pautay-utay kong binuoang kuwento sa pagitan ng mga biyahe sa loob at labas ng Maynila,pagkakaipit sa trapik habang sakay ng bus, pagpila sa ATM,paghihintay sa mga ka-meeting na palaging late kung dumating.

••Lumakad palabas ng kuwarto si Arnold, mabigat ang mgahakbang. Hinawakan niya ang door knob. Dumulas ang palad

94 95