langaw sa isang basong gatas2
TRANSCRIPT
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
1/13
LANGAW SA ISANG BASONG
GATAS
Group 1Carla Bato
Nikki FransiscoJernille GonzalesAnya RemonteDenise GoPaolo TorresKarl Paglicawan
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
2/13
Bandongpangunahing tauhan ng kwento. Ama ng isang
maralitang pamilya, pagmamay-ari ni Bandong ang isang malaking
lupaing pamana sa kanya galing pa sa kanyang mga ninuno
Ana asawa ni Bandong. Siya ay isang mabuting asawa na
pinakikinggan ni Bandong.
Mr. Pena katiwala sa subdibisyong ipinatayo malapit sa lupain ni
Bandong. Si Bandong ay lumapit sa kanya sa nais na magpakabit
ng tubig sa kanilang bahay.
MGA TAUHAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
3/13
BUOD NG KWENTO
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
4/13
Pinagmamasdan ni Bandong ang mga manggagawa sa kanilangpagsisimula sa pagtatayo ng subdibisyong nagngangalang Royal
Lanes. Ang asawa ni Bandong na si Ana ay ipinagluluto ang mga
manggagawa ng subdibisyon hanggatsilaymatapos. Habangpinapagawa ang subdibisyon, may nakausap si Bandong namanggagawa na nagpaliwanag kung sino ang nagpagawa ng
subdibisyon na iyon. Nasabi ng manggagawa na ang may-ari niyonay yumaman dulot ng mga illegal na negosyo sa Estados Unidos.
Doon ay napagpasyahan ni Bandong na ang may-ari ngsubdibisyon na iyon ay hindi mabuting tao, sapagkat si Bandongay naniniwala na ang taong mabuti ay namumuhay nang matapat.
SIMULA
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
5/13
Nang matapos na ang pagpapagawa ng subdibisyon, inimungkahi
ni Ana kay Bandong na sila ay magpakabit ng tubig sa Royal
Lanes. Sa unayhindi sang-ayon si Bandong, ngunit siya ay
nakumbinsi sa pagdiin ni Ana na mahirap ang pag-iigib ng tubig
galing sa ilog lalo na kapag tag-ulan. Sa ganun, pumunta si
Bandong sa subdibisyon at nakausap ang isang katiwala na si Mr.
Pena. Hindi lamang ito pumayag na ipakabitan ang bahay ni
Bandong ng tubig, kundi pati binantaan pa si Bandong napaaalisin sa kanilang lupain dahil walangtitulo torenssi Bandong.
Galit na umalis si Bandong pagkatapos noon.
SIMULA
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
6/13
Ang pangunahing tunggalian sa akda ay tao laban sa lipunan. Ang
pangunahing tauhang si Bandong ay nabubuhay nang matahimik
bago dumating ang mga mayayaman upang magpatayo ng
kanilang mga magagarbong mga bahay malapit sa lupain ni
Bandong. Masasabi na ang tunggalian ay tao laban sa lipunan
sapagkat sinira ang katahimikan ng buhay ni Bandong sa
pagdating ng mga estrangherong sa kasawiang-palad ay nasa
kanila ang hustisya. Kahit na ang lupain ni Bandong ay minana panya galing sa kanyang mga ninuno, walang kaabug-abog na
pinalayas si Bandong sa kanyang tirahan.
TUNGGALIAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
7/13
Sa pagkukwento ni Bandong sa kanyang asawa tungkol
sa nangyari sa kanyang pagpunta sa Royal Lanes,siniguro ni Ana sa kanyang asawa na walang masamang
mangyayari sa kanila sapagkat wala naman silang
masamang ginawa at dahil doon, hindi sila pababayaan
ng Diyos.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
8/13
Dumating ang isang ahente sa bahay ni Bandong habang
nagsasaya ang Royal Lanes sa inaugurasyon ng simbahan
nito. Kinumpirma ng ahente kung maytitulo torensatnagbabayad ng buwis si Bandong. Nang malaman ng
ahenteng walang maipakita si Bandong na titulo at hindi
nakapagbayad si Bandong ng dalawang taon, sinabi ng
ahente na kukunin ng gobyerno ang lupain ni Bandong.
KASUKDULAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
9/13
Habang ang Royal Lanes ang nagdiriwang sa kanilang
dream project, si Bandong ay binabasa ang isang bahagi
ng El Filibusterismo kung saan ang kanyang paboritongtauhan na si Kabesang Tales ay nasa isang kaparehong
sitwasyon ni Bandong. Matapos niyang basahin ito,
itinanong niya sa kanyang asawa kung nasaan ang
kanyang mga gulok. Nang itanong ni Ana kung aanihinniya ito, sinagot ni Bandong na kailangan niyang hasain
ang mga iyon.
KAKALASAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
10/13
Ang mensahe ng akda ay malupit ngunit may
katotohanan: ang mga mahihirap ay walang awang
pinagtatabuyan at inaapi ng mga mayayaman. Sa panignaman ng mga mahihirap, mayroon sa kanila na
naglalakas-loob na ipaglaban ang kanilang mga karapatan
at maghimagsik, kahit na ang hustisya ay nasa panig ng
mga mayayaman.
KAKINTALAN
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
11/13
TEORYANG MARXISMO
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
12/13
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag
sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa.
Sa kasamaang palad, hindi pinakita ng akda kung nagtagumpay si
Bandong sa kanyang paghihimagsik sa kawalang-hustisya na
ginawa ng mayamang lipunan sa kanya. Marahil ay nakaahon si
Bandong sa mental at sosyal na aspekto, ngunit kung sa pisikal na
aspekto ay nagwagi siya ay hindi masisiguro sa pagtatapos ng
akda.
-
8/3/2019 Langaw Sa Isang Basong Gatas2
13/13
Ang sitwasyon na ipinakita ng akda ay madaling makikita
sa totoong buhay. Ang mga mayayaman ay mabababa
ang tingin sa mga maralita. Makikita kaagad ito sa
sistema ng hustisya sa bansa. Halos palaging ang mgamayayaman ang nananalo sa korte, sa rason na walang
abogadong magtatanggol sa mga mahihirap, na kahit ang
kanilang panig ay tama ay hindi mabibigyan tamang
hustisya.
PAG-UUGNAY