learning plan in v.e.iii june 4, 2012

36
Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga III SY 2013-2014 Paaralan: Pines City National High School Unang Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa papel ng lipunan sa pag-unlad ng tao. Petsa: Hunyo 03-07, 2013 I.Modyul: Oryentasyon II. Batayang Konsepto: Ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa patakaran ng paaralan o anumang institusyon ay nakatutulong sa pag-unlad ng tao. III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto: Istratehiya/ Gawain Paraan ng Pagtataya Petsa I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman Layunin: Gawain I: Oryentasyon. Pangkatang Talakayan Pagtalakay sa mga patakaran na nais ng guro na ipatupad at sundin ng mga mag-aaral sa asignaturang E.P. III. Mga Tanong: ( Question and Answer) 1. Anu-ano ang mga patakaran na dapat nating sundin dito sa silid- Aralan Sa asignaturang E.P.? 2. Bakit mahalaga na sundin ang mga ito? 3. Kailan dapat isagawa ang mga ito? Bakit? Repleksyon: Lk. 10:27 at Mt. 7:12 You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your strength, and with all your mind; and your neighbor as yourself. (Lk. 10:27) Golden Rule: Gawin mo sa iba ang nais mong gawin nila sa iyo. ( Mt. 7:12) Hunyo 3- 7, 2013 II. Paglinang Gawain I. Pagbibigay Ng Mga Araling saklaw ng E.P. III ( Unang Markahan )

Upload: l-dp-ferndz

Post on 03-Jan-2016

381 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2013-2014

Paaralan: Pines City National High SchoolUnang Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa papel ng lipunan sa pag-unlad ng tao.Petsa: Hunyo 03-07, 2013I.Modyul: OryentasyonII. Batayang Konsepto: Ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa patakaran ng paaralan o anumang institusyon ay nakatutulong sa pag-unlad ng tao.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Paraan ng Pagtataya Petsa

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Layunin:

Gawain I: Oryentasyon. Pangkatang Talakayan Pagtalakay sa mga patakaran na nais ng guro na ipatupad at sundin ng mga mag-aaral sa asignaturang E.P. III. Mga Tanong: ( Question and Answer)1. Anu-ano ang mga patakaran na dapat nating sundin dito sa silid- Aralan Sa asignaturang E.P.?2. Bakit mahalaga na sundin ang mga ito?3. Kailan dapat isagawa ang mga ito? Bakit?

Repleksyon: Lk. 10:27 at Mt. 7:12You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your strength, and with all your mind; and your neighbor as yourself. (Lk. 10:27)Golden Rule: Gawin mo sa iba ang nais mong gawin nila sa iyo. ( Mt. 7:12)

Hunyo 3-7, 2013

II. Paglinang Gawain I. Pagbibigay Ng Mga Araling saklaw ng E.P. III ( Unang Markahan )I. Lipunan: Kahulugan at kahalagahanII. Mga Institusyon ng Lipunan

a. Pamilyab. Paaralanc. Simbahand. Pamahalaane. Kalakalanf. Lipunang Sibil (Civil Society)

III. Kabutihang Panlahat

Page 2: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

a. Kahulugan b. Mga Elemento Nito

IV. Prinsipyo ng SolidarityV. Prinsipyo ng Subsidiarity

III. Pagpapalalim Gawain I. Pangkatang Talakayan. ( Question and answer)1. Ano ang napansin mong patutunguhan ng aralin sa E.P. III batay sa mga iba’t ibang paksa?2. Mahalaga ba ang mga ito sa pag-unlad ng tao sa kanyang pagkatao? Bakit?3. Bakit kailangang maunawaan ang kahalagahan ng lipunan?4. Paano mo pananatilihing maayos at mabuti ang lipunang iyong kinabibilangan?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Isahang Gawain. Ipasagot ito sa kanilang Journal 1. Gumawa ng isang kasunduan na dapat sundin ang mga patakaran na tinalakay

Isang kasunduan Ako,______________, isang mag-aaral na nabibilang sa ________ng PCNHS, ay taos pusong sumasang-ayon at kusang-loob na tutupad sa isang kasunduan sa harap ng aking Guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III na si Gng. SOLEDAD E. COPSIYAN. Ang kasunduang ito ay naglalayong makakatulong sa akin upang magkaroon ng matataas at pasadong marka sa lahat ng aking asignatura sa Taong Panuruan 2012-2013.

Mga Sanggunian at Kagamitan:1. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 2. Journals

Inihihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN MILAGROS T. ANCHETA V.E.III Teacher

Page 3: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolUnang Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa papel ng lipunan sa pag-unlad ng tao.Petsa: Hulyo 30, 2012 I.Modyul: ARALIN 4: Prinsipyo Ng SolidarityII. Batayang Konsepto: Ang Prinsipyo ng solidarity ay nakatutulong sa pagkamit ng tao ng kanyang kaganapan at ng matatag na lipunan.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkatang Gawain: Anim na pangkat1. Pagbuo ng tower gamit ang pahayagan.

a. Bawat pangkat ay bubuo ng tower na may gamit na tiglalabing limang pahina ng pahayagan sa loob ng 20 minuto.

b. Pagkatapos ay susuriin ang mga tower na ginawa ayon sa tibay at taas.Mga tanong:1. Ano ang ginawa niyo para makabuo ng isang tower?2. Lahat ba ng kapangkat mo ay tumulong sa inyong Gawain?3. Ano-ano ang mga katangiang taglay ng miyembro na nagbigay ng tagumpay sa

pagbuo ng inyong tower?4. Ano ang kaugnayan ng inyo ginawa sa prinsipyo ng solidarity?

Hulyo 30,2012

II. Paglinang Gawain I. Pangkalahatang Talakayan Brainstorming: Isulat sa pisara ang salitang “Solidarity” at ipasulat ang mga salitang may kaugnayan sa salita.

Mga tanong:1. Batay sa mga salitang isinulat, bumuo ng kahulugan ng “solidarity.2. Ano ang kahalagahan ng solidarity sa ginawa ninyong tower? Sa isang lipunan?3. Bakit mahalaga ang prinsipyong ito sa isang lipunan?

Page 4: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

III. Pagpapalalim Gawain I. Pangkatang Talakayan. A. Paglalahad ng mga panlipunang pangyayari na nagpapakita ng prinsipyo ng solidarity.

Hal. EDSA Revolution Mga Tanong:1. Anu-ano ang mga panlipunang pangyayari na nagpapakita ng prinsipyo ng solidarity?2. Tama ba lahat ang binanggit ng bawat pangkat? Ipaliwanag.3. Paano mo ipapakita ang prinsipyong ito sa paaralan? Sa ating lipunan?4. Ibigay ang kahulgan ng prinsipyong ito.5. Ano ang kaugnayan nito para makamit ng tao ang kanyang kaganapan at ang katatagan ng

lipunan?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Isahang Gawain. Ipasagot ito sa kanilang Journal 1. Sumulat ng mga hakbang kung paano maipamumuhay ang prinsipyo ng solidarity sa lipunang

kinabibilangan.

Mga Sanggunian at Kagamitan:3. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 4. Journals

Inihihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN MA. LOURDES B. DUMPAYAN V.E.III Teacher Head Teacher- V.E.

Page 5: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkalawang Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa tungkulin ng tao sa lipunan.Petsa: Agosto 22, 2012 I.Modyul: ARALIN 1: Karapatan at TungkulinII. Batayang Konsepto: Ang Tungkulin Ng Tao sa Lipunan.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkalahatang Gawain: A. Pagpapakita ng mga larawan na may kinalaman sa paggalang o paglabag sa mga likas na karapatan

ng tao.Mga Tanong:1. Anu-ano ang mga karapatang ginalang o nilabag sa mga larawan?2. Kailan masasabing ginagalang o nilalabag ang mga likas na karapatan ng tao?

Agosto 22, 2012

II. Paglinang Gawain I. Pangkatang Gawain:A. Paglinang ng dating kaalaman tungkol sa karapatan gamit ang “word webbing”.

Salita: Larawan: KARAPATAN --------

l

Etimolohiya:

Page 6: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Kahulugan: Ang Karapatan ay mga bagay na dapat taglayin ng bawatMamamayan upang maisakatuparan niya ang kaniyang mithiin.

l

Halimbawa: Karapatang mabuhay Karapatang makapag-aral

III. Pagpapalalim Gawain I. Pangkatang Talakayan. Case Analysis:A. Ipasuri ang mga sitwasyon tungkol sa paggalang o paglabag ng mga likas na karapatan ng tao.1. Papasok kayo ng kaibigan mo sa paaralan nang makita ninyo ang isang pulubi na tumilapon sa

kalsada. Nabundol siya ng kotse na lalong pinatakbo nang mabilis ng tsuper nito. Tinandaan mo ang bilang ng plaka ng kotse. Gusto mong tulungan ang pulubi ngunit sinabi ng kaibigan mo na “Hayaan na natin siya, kailangan nating makahabol sa Pagsusulit”.

2. Inimbitahan si Hannah ng kanyang kaklse sa kanilang simbahan dahil magkakaroon sila g gawain para sa mga kabataan. Ngunit nang magpaalam siya sa kanyang mga magulang, hindi siya pinayagan. Iba raw ang relihiyon niya sa kanila. Gustung-gusto niyang sumama dahil wala naman siyang nakitang masama sa ginagawa nila at alam niya na ang gawaing iyon ay para sa ikabubuti ng mga kabataang tulad niya. Nang ipagpaalam siya ng kanyang kaklase sa kanyang mga magulang, nagalit ang mga ito at pinagsalitaan ang kaklase ng hindi maganda sa harap ng ibang kamag-aral.

3. May kaklase kang laging tinutukso dahil pangit daw siya. Bihira ang araw na hindi mo siya nakikitang umiiyak. Awang-awa ka sa kanya pero dahil takot kang lokohin ng mga kaklase mo, hindi mo na lang siya pinapansin. Isang tanghali, nagulat ka nang lapitan ka niya at yayaing magtanghalian sa kantina. Alam mong naroon din ang iba mong kaklase. Kaya lang, naramdaman mo na kailangan ng kaklase mo ng kasama. Ano ang gagawin mo?

Mga Tanong:1. Kung may karapatan tayo, ano ang kaakibat na Gawain upang ingatan ang mga ito?2. May Kaugnayan ba ang karapatan a tungkulin? Pangatwiranan.3. Ano ang kahulugan ng tungkulin?

Page 7: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

B. Pagbuo ng tsart ng anim na likas na karapatan at mga kaakibat na tungkulin:

Anim na Likas na karapatan Mga kaakibat na Tungkulin1.2.3.4.5.6.

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Isahang Gawain. Ipasagot ito sa kanilang Journa. Pagtukoy ng isang karapatan at mga tungkulin upang pangalagaan ito.

Piniling Karapatan Tungkulin sa sarili Tungkulin sa kapwa

Mga Sanggunian at Kagamitan:5. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 6. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

Page 8: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkalawang Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa tungkulin ng tao sa lipunan.Petsa: Setyembre 24, 2012 I.Modyul: ARALIN 2: Paggalang Sa Mga AwtoridadII. Batayang Konsepto: Ang paggalang sa mga itinalagang awtoridad ay salik sa pagkakaroon ng matatag na institusyon sa lipunan.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkalahatang Talakayan: “Question and Answer”1. Ipatukoy kung sino ang mga awtoridad.2. Bakit kailangan silang igalang?Ipalawanag.3. Itinuturing din bang awtoridad ang iyong mga magulang? Bakit?4. Kailan masasabing ang isang tao ay may awtoridad?5. Ano ang awtoridad?

Setyembre 24, 2012

II. Paglinang Gawain I. Pangkatang Gawain: “Dula-dulaan”1. Pangkatang pagsasadula ng mga sitwasyon tungkol sa paggalang sa iba’t ibang awtoridad.

Mga Tanong:1. Ano ang iyong naramdaman habang nagsasadula tungkol sa paksang ibinigay?2. Sinu-sino ang mga taong may awtoridad ang ipinakita ng bawat pangkat sa iyong dula-

dulaan?3. Bakit mahalaga na pairalin sa ating sarili ang paggalang sa mga

Awtoridad? II. Ano ang napansin mong binibigyang-diin ng mga Gawain sa araling ito? Sa tulong ng mga gabay na salita sa kahon sa ibaba, bumuo ng konsepto ukol sa natutunan mo sa araling ito.

PAGKAKAMIT AWTORIDAD LIPUNAN ITINALAGA

KAAYUSAN KAPAYAPAAN MAHALAGA

Page 9: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Konsepto: ___________________________________________________

___________________________________________________.

III. Pagpapalalim Gawain I. Isahang Gawain: Pagbuo ng “Acts of Respect Chart”

Mg utos ng mga awtoridad na

Nahihirapang Sundin o Igalang

Dahilan ng Di Pagsunod o Di

Paggalang

Damdamin sa Di Pagsunod o Paggalang

Posibleng solusyon o Hakbang

A. MagulangHal.Di pagsunod s autos ng magulang na gawin ang gawaing bahay

Abala sa pagtetext o sa panonood ng TV

Pagkalungkot Unahin muna ang pagsunod s autos ng magulang bago ang pagtetext o panonood ng TV.Magkaroon ng malasakit sa magulang

B. Guro

C. Pulis

D. Pinuno ng Simbahan

E. At iba pa

Page 10: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Mga Tanong:1. Nahirapan ka ba sa Gawain? Bakit?2. Ano ang maaaring mangyari kung walang itinalagang awtoridad sa lipunan? Ipaliwanag.3. Nanaisin mo bang manirahan sa isang lipunang walang awtoridad? Bakit?4. Paano maipakikita ang paggalang sa mga itinalagang awtoridad?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I.A. Panonood ng Video Clip tungkol sa Liham ng Magulang sa kanyang anak.Mga Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng sulat?2. Bakit siya sumulat sa kanyang anak?3. Paano mo masusuklian ang paggalang at pagmamahal ng iyong magulang sa iyo?

B.Gumawa ng Isang Liham na pasasalamat sa iyong Magulang na tanda o magpapatunay na pinapahalagahan at iginagalang mo ang kanyang pagiging awtoridad.

Mga Sanggunian at Kagamitan:7. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 8. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Page 11: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkatlong Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Mga Pagpapahalaga at Mabuting Ugali Kaugnay ng Paggawa.Petsa: I.Modyul: ARALIN 1: Mga katangian ng modelong manggagawa- kasipaganII. Batayang Konsepto: Ang kasipagan sa paggawa ay nakatutulong upang maging maayos, malikhain at produktibo.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkalahatang Talakayan: “Question and Answer1. Ano ang modelong manggagawa?2. Bakit sila tinawag na modelong manggagawa?3. Anu- ano ang taglay nilang katangian at tinawag silang modelong manggagawa?

II. Paglinang Gawain I. Pangkatang Gawain: Pangkatang Talakayan at pag-uulat pagkatapos:A. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga katangian ng mga manggagawa na binanggit sa unang

Gawain sa pagtuklas.Hal. Kasipagan- ipatukoy ang mga katangian ng taong masipag.

B. Pag-uulat pagkatapos ng kanilang pangkatang talakayanMga Tanong:1. Ano ang kahalagahan ng mga katangiang tinukoy mo sa iyong pang-araw-araw na Gawain

sa iyong tahanan? Paaralan?2. Bakit kailangan ang mga katangiang ito sa iyong paggawa ng mga gawaing bahay at

pampaaralan?3. Paano malilinang sa iyo ang mga ito?

Page 12: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

III. Pagpapalalim Gawain I. Isahang Gawain: Pagbuo ng tsart ng mga Katangian ng modelong manggagawa:

Mga Katangian ng Modelong Manggagawa

Dahilan ng Di Pagsunod

Damdamin sa Di Pagsunod

Posibleng solusyon o Hakbang Para

malinang sa iyo ang mga katangiang ito

1. Kasipagan Abala sa pagtetext o sa panonood ng TV

Pagkalungkot Unahin muna ang pagsunod sa utos ng magulang bago ang pagtetext o panonood ng TV.Magkaroon ng malasakit sa magulang

2. Tiyaga3. Pagkamasigasig4. Pagkamasinop

Mga Tanong:5. Nahirapan ka ba sa Gawain? Bakit?6. Ano ang maaaring mangyari kung ipagwalang bahala ang mga katangiang ito? Ipaliwanag.7. Nanaisin mo bang mabuhay na walang ginagawa? Bakit?8. Paano mo maipakikita ang kasipagan at mga iba pang katangian sa iyong pang-araw-araw na

Gawain?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I.A. Paggawa ng Poster batay sa tema ng Buwan ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ang guro ay Magmamasid sa mga mag-aaral kung taglay ang mga katangiang binanggit sa kanilang paggawa. Habang sila ay gumagawa magbibigay ang guro ng iskor ng bawat mag-aaral.Mga kriterya :1. Gumagawa ng may kasipagan -----------52. Gumagawa ng may tiyaga _________ 53. Pagkamasigasig -------------------------54. Pagkamasinop ----------------------------5

Page 13: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Kabuuan -------------------------------------20

Mga Sanggunian at Kagamitan:9. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 10. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Page 14: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkatlong Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Mga Pagpapahalaga at Mabuting Ugali Kaugnay ng Paggawa.Petsa: November 05, 2012 I.Modyul: ARALIN 2: Mabuting Ugali kaugnay ng Paggawa- Pagkukusa ( Initiatitve)II. Batayang Konsepto: Ang pagkukusa sa paggawa ay nakatutulong sa pagtatapos ng gawain sa takdang panahon, pagbibigay motibasyon sa iba na gumawa at pag-aangat sa kagalingan ng pangkat.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkalahatang Talakayan: Pagbabahagi ng karanasan tungkol sa pagkakataong nagkusa siyang tumulong sa isang Gawain at bakit niya ito nagawa. Mga tanong:

1. Ano ang naramdaman mo habang nakikinig sa karanasan ng kamag-aral? Bakit?2. Noong ikaw naman ang nagbabahagi , ano ang naramdaman mo? Bakit?3. May natutunan ka ba sa ibinahagi ng iba? Ano ito?4. Bakit mahalaga ang pagkukusa sa paggawa?

November 05,2012

II. Paglinang Gawain I. Isahang Gawain: 1. Magpasulat ng suliraning kinakaharap sa Gawain na kailangan ng tulong ng kamag-aral.2. Babasahin ng guro sa klase.3. Pagtukoy sa kailangang tulong ng kamg-aral at kahalagahan ng pagtugon ditto.4. Pagbibigay ng hamon ng guro sa panawagan ng tulong sa klase.5. Hahayaang magkusa ang mga mag-aaral ng kanilang mga tulong.6. Pagdokumento ng mga pagkukusa sa pagtulong sa suliranin o proyekto ng kamag-aral sa klase.

III. Pagpapalalim

Gawain I. Pangkalahatang Talakayan: 1. An0 ang kahulugan ng pagkukusa?2. Bakit mahalaga ang pagkukusa sa paggawa?

Page 15: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

3. Anu-ano ang mga katangian ng taong may pagkukusa?4. Paano mo lilinangin ang pagkukusa sa paggawa sa iyong sarili?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Pagsusulat ng pagninilay ukol sa mga nagawang pagkukusa sa ibat ibang Gawain batay sa mga ss:a. Pagkilala sa sarilib. Natutuhang Mensahec. Mga pagsasabuhay na gawain

Mga Sanggunian at Kagamitan:11. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 12. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Page 16: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkatlong Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Mga Pagpapahalaga at Mabuting Ugali Kaugnay ng Paggawa.Petsa: December 03, 2012 I.Modyul: ARALIN 3: Mabuting Ugali kaugnay ng Paggawa- Paggawa Nang may Kahusayan ( Excellence)II. Batayang Konsepto: Sa paggawa nang may kahusayan, naipahahayag ang sarili nang positibo at nalilinang ang pambansang pagkakakilanlan.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I: Pangkalahatang Talakayan: Pagsusuri sa ginawang “Trashion”1. Sinu-sino ang mga nanalo sa “trashion?”2. Sa palagay mo , bakit sila ang nanalo?3. Kapag ihambing mo ang Gawain ninyo sa ginawa ng mga nanalo, ano ang pagkakaiba ang

napansin mo? Bakit?4. Ano sa palagay mo ang kulang sa ginawa ninyo na mayroon sa iba ?5. Ano ang sanhi ng pagkapanalo nila?

Dec.03,2012

II. Paglinang Gawain I. Isahang Gawain: Paggawa ng proyekto at bibigyan nila ito ng marka batay sa Rubrics o pamantayan na ibibigay ng guro.1. Pagsusuri sa ginawang proyekto.2. Pagbibigay ng marka sa sinuring proyekto.3. Pagpapaliwanag ng mga binigay na marka sa proyekto at sa taong gumawa.4. Pag=-uugnay ng Gawain sa personal na karanasan.

III. Pagpapalalim

Gawain I. Pangkalahatang Talakayan: 1. An0 ang kahulugan ng paggawa nang may kahusayan (Excellence)?

5. Bakit mahalaga ang paggawa nang may kahusayan ?6. Anu-ano ang mga katangian ng taong may paggawa nang may kahusayan?7. Paano mo lilinangin ang paggawa nang may kahusayan sa iyong sarili?

Page 17: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Pagbuo ng “Work Assessment Sheet Plan.” Ito ay mga pagsusuri ng mga sariling Gawain o proyekto at gagawing aksyon sa mga karanasan sa paggawa.

Mga sariling proyekto o Gawaing susuriin

Pagsusuri sa sarilin proyekto Gagawin na hakbang

Hal. Research Paper Mababa ang marka

Mga Sanggunian at Kagamitan:13. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 14. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Page 18: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkatlong Markahan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Mga Pagpapahalaga at Mabuting Ugali Kaugnay ng Paggawa.Petsa: January 07, 2013 I.Modyul: ARALIN 6: Mabuting Ugali kaugnay ng Paggawa- Patriyotismo at nasyonalismo ( Patriotism and Nationalism)II. Batayang Konsepto: Ang pagtataglay ng birtud na patriyotismo /nasyonalismo sa paggawa ay nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at sa mataas na pagkilala at paggalang sa kapwa Mamamayan tungo sa pambansang pagkakaisa.III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto: Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng patriyotismo at nasyonalismo sa paggawa.2. Natutukoy ang mga Gawain na nagpapakita ng patriyotismo at nasyonalismo sa paggawa.3. Napahahalagahan ang mga birtud na ito sa paggawa.

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain: A. Pag-awit ng Pilipinas Kong MahalMga Tanong:1. Ano ang iyong naramdaman habang inaawit ang awitin? Bakit?2. Bakit mahalagang mahalin natin an gating bansang Pilipinas?3. Ipinagmamalaki mo ba ang iyong pagiging Pilipino?

B.Pagbibigay Kahulugan sa mga salitang nasyonalismo at patriyotismo sa paggaawa sa pamamagitan ng “Word Network” Tapat sa paggamit ng oras Sa paggaawa

Tapat at pantay-pantay na Patriyotismo Pagsuporta sa mga makatwi paglilingkod ran at makabuluhang Gawain.

Paggalang sa mga simbolo ng Pambansang Pagkakakilanlan.

Hal. Watawat, Cultural heritage at iba pa.

Jan. 07,2013

Page 19: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

II. Paglinang Gawain I. Panonood ng video clipsng mga rally o demolisyon laban sa pamahalaan, ginagawang pagsuway sa mga batas ng pamahalaan, demolisyon at iba pa. Mga Tanong:

1. Ano ang naramdaman ninyo habang pinapanood ninyo ang video clips? Bakit?2. Sa inyong palagay, nagpapakita ba ang mga ito ng pagmamalasakit sa bayan? Pangatwiranan.3. Dapat bang isipin lamang natin ang mga bagay na dapat ibigay o itulong n gating pamahalaansa

atin? Pangatwiranan.4. Magbigay ng mga halimbawa na nagagawa mo para sa iyong bayan?5. Kailan natin masasabi na ang isang tao ay may pagmamahal sa bayan o nagtataglay ng

patriyotismo o nasyonalismo?

III. PagpapalalimGawain I. Pangkalahatang Talakayan: Pagtalakay sa mga sumusunod:

1. Tunay na kahulugan at indikasyon ng patriyotismo at nasyonalismo

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. Case Analysis. Panuto: Pagsusuri sa isang sitwsyon:

Si Edmond ay isang manggagawa sa isang pabrika. Madalas siyang pumasok nang maaga at sinisikap niyang makadalo sa Flag Ceremony tuwing Lunes. Sa tuwing kumukuha siya ng sedula, inilalagay niya ang tunay na halaga ng kanyang kinikita. Minsan, pumasok siyang masama ang loob dahil malapit na daw silang paalisin sa lupang tinatayuan ng kanilang bahay. Masama man ang loob sa pangyayari, hindi siya nagagalit sa pamahalaan,bagkus nauunawaan niya ang posisyon ng pamahalaan sa Suliraning ito.

Mga Tanong:1. Ano ang katangian ni Edmond bilang manggagawa?2. Sa iyong palagay, naipakita ba niya ang patriyotismo at nasyonalsimo sa paggawa?Patunayan.3. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng patriyotismo at nasyonalsimo?

Mga Sanggunian at Kagamitan:1.Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010

Page 20: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkaapat Markahan: Ang mag-aaral ay inaasahang mauunawaan ang konsepto tungkol sa pagpaplano ng kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyunal o Negosyo bilang tugon sa hamon Ng paggawa.Petsa: January 14, 2013 I.Modyul: ARALIN 1: Ang Paggawa Bilang PaglilingkodII. Batayang Konsepto: Ang paglilingkod ay mahalagang bahagi ng bokasyon ng bawat tao. III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I. Pangkatang Gawain. Pagtalakay sa isang Pilipinong propesyonal o technician na piniling manatili sa Pilipinas upang maglingkod. Gamitin ang kanilang kasunduan na “casellettes”na naglalaman ng balita sa pahayagan o “feature article” sa magasin o journal tungkol sa isang doctor, gurobo electrician na nagbibigay ng serbisyo sa pamayanan. Mga Tanong:

1. Ano ang nagbunsod sa kanila na manatili dito sa ating bansa upang maglingkod?2. Bakit nais nilang maglingkod sa dito kaysa sa ibang bansa na maaaring silang tumanggap ng mas

malaking sahod?3. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?

Jan. 14,2013

II. Paglinang Gawain I. Isahang Gawain: Pagbuo ng “Chart” ng Paghahambing Tungkol sa :1. Pagkakaiba ng Paggawa dahil sa Tungkulin o Obligasyon ito o Paggawa na may Paglilingkod.

Paggawa Dahil Sa:

Tungkulin o Obligasyon: May Paglilingkod:1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.

Page 21: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Mga Tanong:1. Anu- ano ang pagkakaiba na nakita o nabuo niniyo?2. Alin sa dalawa ang may kabuluhan sa paggawa? Bakit?3. Para sa iyo, Ano ang nais mong gawin sa iyong paggawa? Bakit?4. Paano mo lilinagin sa iyon sarili ang paggawa na may layuning maglingkod

III. PagpapalalimGawain I. Isahang Gawain: Pagtatala ng bawat mag-aaral ng sampung Gawain na gusto nila at madalas Gawin at pag-uuri ng mga ito batay sa motibasyon. Sundan ang “legend” A – upang sundin ang awtoridad B – upang ma-impress ang kaibigan o barkada K – upang malinang ang sariling kakayahan at kasanayan L – upang maglibang M – upang maglingkod o tulungan ang kapwa P – upang tumanggap ng gantimpala T – tungkulin ko ito Halimbawa:

Mga Gawaing Gusto at Madalas kong gawin Motibasyon sa Paggawa1.Mag-download ng mga babasahin sa internet. A, M, K2.3.4.5.6.7.8.9.10.

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

Gawain I. A. Pagbubuod ng mga nahinuhang konsepto tungkol sa paggawa bilang paglilingkod. Inaasahang mabuong Konsepto: Kapag ginawa ng tao ang isang Gawain o trabaho nang may layuning maglingkod o makapagbigay

Page 22: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

ng serbisyo, nag-iiwan siya ng pamana (legacy) na makatutulong sa pagpapabuti at pag-unlad ng sarili, kapwa at lipunan.

B.Pagbuo ng “Chart ng Motibasyon ko sa Paggawa” sa isang linggo.Mga Pamantayan: ( Rubrics )1. Pagkakumpleto ng entry sa bawat araw--------------- 102. May kalakip na pagninilay na natukoy: ---------------- 10

a. Ang mga dapat baguhin sa motibasyon sa paggawa -------- ( 5 )b. Mga epekto ng paggawa na may paglilingkod --------------- ( 5 )

Mga Sanggunian at Kagamitan:1. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 2010 2. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Page 23: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

Paaralan: Pines City National High SchoolIkaapat Markahan: Ang mag-aaral ay inaasahang mauunawaan ang konsepto tungkol sa pagpaplano ng kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyunal o Negosyo bilang tugon sa hamon Ng paggawa.Petsa: January 28, 2013 I.Modyul: ARALIN 2: Propesyon ko, Pipiliin ko Nang MatalinoII. Batayang Konsepto: Kailangan ang matalinong pag-iisip upang makapagdesisyon nang tama ukol sa kurso o propesyon na pipilin sa hinaharap. III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain I. Pangkalahatang talakayan: Naisip mo na ang kursong kukunin mo? Ibigay ang reaksyon sa mga sumusunod:

1. Ano naman kaya ang dahilan ng pagpili mo ng iyong magiging kurso o propesyon?

January28,2013

II. Paglinang: Gawain I. Pangkatang Gawain : Paggawa ng sarbey sa loob ng klase. A.Magtanong ng sa mga kamag-aral kung ano ang batayan nila sa pagpili ng kurso o propesyon na kukunin sa hinaharap. B. Ibahagi ito sa klase. Mga Tanong:

1. Ano ang mga dahilan na lumabas sa pagpili ng iyong kamag-aral ng kursong kukunin? 2. Alin ang pinakamaraming dahilan?3. Tama ba ang mga dahilan na binanggit? Ipaliwanag.

C. Kasunduan: Mag-imbita ng mga kakilala ninyo na maaaring magbahagi o magbigay lektyur sa loob ng klase ukol sa “Mga Salik o Batayan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo o propesyon.

Nais kong maging doctor…

Ako, abogado…. Wala yata akong gusto….

Ang kukunin ko namang kurso ay….

Gusto kong maging isang titser…..

Sa hinaharap, ako ay magiging…..

Page 24: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

III. Pagpapalalim

Gawain I. Pangkalahatang Talakayan: Pakikinig sa tagapagsalita na inimbitahan ng mga mag-aaral. Mga Tanong:

1. Ano ang natutunan mo sa pakikinig mo sa tagapagsalita?2. Bakit Mahalaga ang mga salik o batayan sa pagpili ng kurso?3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat salik sa pagpili ng kurso?4. Paano mo lilinangin ang mga ito?

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay

.

I. Isahang Gawain: Pagsusulat sa kanilang journal.A. Umisip ng 10 bagay na mahalaga sa iyo. Matapos maisagawa ang talaan, iranggo ang mga ito mula 1 bilang

pinakamahalaga hanggang 10 bilang di gaanong mahalaga. Mga Pinahahalagahan Ko Ranggo

Mga Sanggunian at Kagamitan:

1. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 20102. Edukasyon sa Pagpapahalaga III 3. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IIISY 2012-2013

Paaralan: Pines City National High SchoolIkaapat Markahan: Ang mag-aaral ay inaasahang mauunawaan ang konsepto tungkol sa pagpaplano ng kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyunal o Negosyo bilang tugon sa hamon Ng paggawa.Petsa: February 4, 2013 I.Modyul: ARALIN 3: Imbentaryo Ng sariling Interes at potensyalII. Batayang Konsepto: Mahalagang malaman ang mga potensyal o talento at interes ng isang tao dahil ang mga ito ay mahalagang impormasyon na magagamit niya sa pagpili ng propesyon na maaari niyang gawin nang may kasiyahan at kahusayan.

Page 25: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

III. Plano sa Pagtuturo at Pagkatuto:

Istratehiya/ Gawain Petsa Puna

I.Pagtuklas ng Dating KaalamanLayunin:

1. Napupunan ng tamang sagot ang mga pangungusap batay sa sariling karanasan.

Gawain I. Isahang Gawain: ( Sentence Completion) Kumpletuhin ang Pangungusap sa ibaba:1. Ako ay kadalasang napupuri sa _______________________.2. Interesado akong mangolekta ng _____________________.3. Ang paboritong libangan ay _________________________.4. Magaling akong gumawa ng _________________________.5. Sa paaralan, mahusay ako sa _________________________.6. Kapag maraming tao , ako ay _________________________.7. Sa tingin ko ang talent ko ay __________________________.8. Sa palakasan ako ay ________________________________.9. Nasisiyahan akong gawin ang _________________________.10. Kapag ako ay nasa bahay, gusto kong ginagawa ang _________.

Mga tanong:1. Nasagot mo ba lahat ng aytem? Ano ang ibig sabihin nito?2. Aling aytem ang nahirapan kang sagutin? Bakit?3. Batay dito, alam mo ba ang iyong sariling interes at potensya?

Feb.04,2013

II. Paglinang:Layunin:1. Nakagagawa ng

imbentaryo ng kakayahan o potensyal at hilig o interes.

2. Natutuklasan ang sariling kakayahan at interes.

Gawain I. Isahang Gawain: Pagsagot sa Imbentaryo ng Kakayahan ( Separate worksheet) Mga Tanong:

4. Aling grupo ang pinakamataas mo?5. Saang pangkat o kategorya napapabilang ang resulta ng iyong gawain?6.

III. Pagpapalalim Layunin:1.Natutukoy ang mga

Gawain I. Pangkatang Gawain: Pagtalakay sa mga Anim na Pangkat o Grupo ng mga propesyon batay sa hilig, kakayahan at interes ayon kay Dr. John Holland.

Pangkat ng mga propesyon Mga Hilg Mga maaaring Propesyon

Page 26: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

hilig at maaaring propesyon/kurso na napapaloob sa bawat pangkat ng propesyon.2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga salik sa pagpili ng kurso.3. Nakagagawa ng paraan para lilinangin ang sariling hilig at kakayahan.

A. Artistic Interest - Creators

B. Social Interest - HelpersC. Interprising Interest -

Persuaders

D. Conventional Interest - Organizers

E. Realistic Interest - Doers

F. Investigative Interest - Thinkers

Mga Tanong:1. Naging makabuluhan ba para sa inyo ang gawaing ito? Bakit?2. Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang gawain? Bakit? 3. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso?4. Bakit mahalagang tukuyin ang mga ito sa pagpili ng kurso?5. Ano ang saloobin mo ukol sa propesyon na iyong nais piliin matapos ang gawaing ito?6. Paano mo lilinangin ang iyong mga kakayahan o potensyal at interes ? Magbigay ng

halimbawa.

IV. Pagsasabuhay, Pagganap at Pagninilay Layunin:1. Naipahahayag ang

saloobin ukol sa sariling talent at interes.

2. Nagagamit ang sariling interes at potensyal sa pagpili ng kursong

I. Ipasagot ang tanong na ito sa kanilang journal:1. Ano ang saloobin mo ukol sa mga sumusunod:

a. Sariling Talentob. Sariling Interes

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtutugma ng sariling interes at potensyal at ng pipiliing propesyon.

Page 27: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012

kukunin.

Mga Sanggunian at Kagamitan:4. Edukasyon sa Pagpapahalaga III “Instructional Materials” na ginamit sa pagsasanay sa mga guro sa kurikulum 20105. Edukasyon sa Pagpapahalaga III 6. Journals

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:

SOLEDAD E. COPSIYAN Ma. LOURDES B. DUMPAYANV.E. III Teacher Head Teacher VI- V.E.

Page 28: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012
Page 29: Learning Plan in v.E.iii JUne 4, 2012