liham sa magulang-abril 2011

1
Abril 2011 Minamahal naming mga magulang, Ang aming pagbati mula sa Panginoon! Noong nakaraang buwan nagbigay kami ng ilang mga halimbawa sa inyo kung paano maituturo sa inyong mga anak ang kagandahang loob; umaasa kami na nakatulong ito sa inyo upang himukin ang inyong anak upang gumawa ng kabutihan sa kapwa. Para sa buwang ito itinuro namin sa kanila ang kahalagahan ng kahinahunan. Sa panahon ngayon na kung saan ang kultura ng karahasan ay isang tanggap na paraan upang malutas ang mga di pag kakaunawaan. Nababasa natin ito sa mga pahayagan, maririnig sa raydyo, at napapanood sa telebisyon. Sa gitna ng lahat ng ito hindi nakapagtatakang maraming mga kabataan ang lumalaking marahas at agresibo sa halip na maging mahinahon. Ngunit bilang mga magulang maari ninyong maituro sa inyong mga anak ang kahalagahan ng kahinahunan. Narito ang ilang mga paraan kung paano maaaring ituro sa inyong mga anak ang halaga ng kahinahunan: 1. Maging Mahinahon. Ang isa sa pinakamahusay na paraan upang maituro sa inyong mga anak ang kahinahunan ay ang pagiging mahinahon .Kung makita ninyo ang inyong anak na nakikipag away, kausapin sila tungkol dito. Ipaliwanag sa kanila kung papaano nila maayos ang isang problema sa isang mahinahong paraan at hindi nagkakasakitan. 2. Iwasan ang sobrang pananakit kung nagdidisiplina. Kung minsan, kapag tayo ay nagagalit sa ating mga anak, ang isang paraan ng pagdidisiplina sa kanila ang pagpalo o pananakit. ngunit hanggat maaari, umisip ng ibang pamamaraan ng pagdidisiplina na di gumagamit ng dahas halimbawa nito ay ang paghihigpit sa ilang prebilehiyo tuwing sila ay nakagawa ng kamalian. Kung di maiiwasan na paluin ang mga anak, siguraduhin natin na maipapaliwanag natin sa kanila ng mabuti ang dahilan kung bakit natin sila pinalo. Mas mainam kung pagtuunan natin ng pansin ang kanilang maling inasal sa kanilang ginawa. 3. Maging mahinahon sa pag sasalita. Maging mahinahon sa inyong pananlita at pumili ng mga salitang banayad, halimbawa sa halip na gamitin ang salitang “ huwag hawakan” gamitin ang salitang “dahan-dahan sa pag hawak” sa pakikipag-usap sa inyong mga anak. Isali rin sila sa pag gawa ng maganda sa kapwa. 4. Sabihin ng tapat sa inyong mga anak na dapat nilang pahalagahan ang kanilang mga gamit. Sabihin sa kanila kung gaano ito kahalagaat kung paano ito mapangangalagaan. 5. Purihin sila kapag sila ay nakagawa ng kabutihan. Ilan lamang ito sa mga halimbawa kung paano ninyo maituturo ang kabutihan at kahinahunan sa inyong mga anak. Umaasa kami na sila ay patuloy na maging mahinahon at magpakita ng at pagpagmamahal at paggalang sa kapwa. Maraming salamat po. Ang Inyong Kapatid kay Kristo sa pamamagitan ni Maria, KFL Team

Upload: kflmedia

Post on 28-Mar-2015

2.567 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

This is the Tagalog version of the Letter for the Parents for the KFL Monthly Assembly Topic for April 2011

TRANSCRIPT

Page 1: Liham Sa Magulang-Abril 2011

Abril 2011

Minamahal naming mga magulang,

Ang aming pagbati mula sa Panginoon!

Noong nakaraang buwan nagbigay kami ng ilang mga halimbawa sa inyo kung paano maituturo sa inyong mga anak ang kagandahang loob; umaasa kami na nakatulong ito sa inyo upang himukin ang inyong anak upang gumawa ng kabutihan sa kapwa. Para sa buwang ito itinuro namin sa kanila ang kahalagahan ng kahinahunan.

Sa panahon ngayon na kung saan ang kultura ng karahasan ay isang tanggap na paraan upang malutas ang mga di pag kakaunawaan. Nababasa natin ito sa mga pahayagan, maririnig sa raydyo, at napapanood sa telebisyon. Sa gitna ng lahat ng ito hindi nakapagtatakang maraming mga kabataan ang lumalaking marahas at agresibo sa halip na maging mahinahon. Ngunit bilang mga magulang maari ninyong maituro sa inyong mga anak ang kahalagahan ng kahinahunan. Narito ang ilang mga paraan kung paano maaaring ituro sa inyong mga anak ang halaga ng kahinahunan:

1. Maging Mahinahon. Ang isa sa pinakamahusay na paraan upang maituro sa inyong mga anak ang kahinahunan ay ang pagiging mahinahon .Kung makita ninyo ang inyong anak na nakikipag away, kausapin sila tungkol dito. Ipaliwanag sa kanila kung papaano nila maayos ang isang problema sa isang mahinahong paraan at hindi nagkakasakitan.

2. Iwasan ang sobrang pananakit kung nagdidisiplina. Kung minsan, kapag tayo ay nagagalit sa ating mga anak, ang isang paraan ng pagdidisiplina sa kanila ang pagpalo o pananakit. ngunit hanggat maaari, umisip ng ibang pamamaraan ng pagdidisiplina na di gumagamit ng dahas halimbawa nito ay ang paghihigpit sa ilang prebilehiyo tuwing sila ay nakagawa ng kamalian. Kung di maiiwasan na paluin ang mga anak, siguraduhin natin na maipapaliwanag natin sa kanila ng mabuti ang dahilan kung bakit natin sila pinalo. Mas mainam kung pagtuunan natin ng pansin ang kanilang maling inasal sa kanilang ginawa.

3. Maging mahinahon sa pag sasalita. Maging mahinahon sa inyong pananlita at pumili ng mga salitang banayad, halimbawa sa halip na gamitin ang salitang “ huwag hawakan” gamitin ang salitang “dahan-dahan sa pag hawak” sa pakikipag-usap sa inyong mga anak. Isali rin sila sa pag gawa ng maganda sa kapwa.

4. Sabihin ng tapat sa inyong mga anak na dapat nilang pahalagahan ang kanilang mga gamit. Sabihin sa kanila kung gaano ito kahalagaat kung paano ito mapangangalagaan.

5. Purihin sila kapag sila ay nakagawa ng kabutihan.

Ilan lamang ito sa mga halimbawa kung paano ninyo maituturo ang kabutihan at kahinahunan sa inyong mga anak. Umaasa kami na sila ay patuloy na maging mahinahon at magpakita ng at pagpagmamahal at paggalang sa kapwa. Maraming salamat po. Ang Inyong Kapatid kay Kristo sa pamamagitan ni Maria, KFL Team