liksyon 5 para sa ika- 5 ng mayo, 2018 - fustero.es matapos ang gawain ng kordero dito sa lupa ......

9
Liksyon 5 para sa ika- 5 ng Mayo, 2018

Upload: vuthien

Post on 28-Aug-2018

219 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Liksyon 5 para sa ika-5 ng Mayo, 2018

1. Kanyang gawain sa Panlabas na Patyo.

Ang handog dahil sa kasalanan.

Ang kordero ng Dios.

2. Kanyang gawain sa Banal na Dako.

Ang Mataas na Saserdote.

Ang tagapamagitan.

3. Kanyang gawain sa Kabanalbanalang Dako.

Ang paglilinis.

Inutusan ng Dios si Moses na gumawa ng modelo ng Sanctuaryo sa Langit. Gagamitin ito ng Dios upang ipaliwanag ang plano ng kaligtasan na hinanda na Nya bago pa itatag ang sanlibutan.

Habang pinag-aaralan natin ang sanctuaryo, natututunan natin ang tungkulin ni Hesus sa bawat bahagi ng planong iyon.

“Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.” (Luke 24:7)

Ang Panlabas na Patyo sa Sanctuaryo sa disyerto ay sumisimbulo sa ginawa ni Hesus dito sa lupa.

Hesus—ang walang hanggang Dios (Isaias 9:6)—ay naging tao at “nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili..” (Hebreo 9:26)

Handa Siyang ialay ang Kanyang buhay upang makamit ang ating kaligtasan. Iniwan Niya ang langit at ipinanganak bilang tao. Ipinanganak Siya upang mamatay.

Alam Niyang maghihirap Siya. Ganunpaman, pinili Niyang ituloy ang Kanyang pagliligtas dahil sa dakila Niyang pag-ibig.

Bawat hayop na hinandog sa Altar bago napunit ang tabing ay kumakatawan sa Kordero ng Dios na magbubuhos ng Kanyang dugo sa krus.

Si Hesus lang ang tanging nabuhay na walang kasalanan ditto sa mundo. Ang Kanyang kamatayan ang tanging daan upang mapatawad ang ating mga kasalanan (Gawa 4:12)

Matapos ang gawain ng Kordero dito sa lupa—ang Panlabas na Patyo—sa pagkamatay at muling pagkabuhay, Siya ay naging Mataas na Saserdote sa Makalangit na Sanctuaryo.

“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.” (Hebreo 7:26-27)

Si Hesus ay ginawang saserdote sa hanay ni Melchizedek. Ito ang hanay na hindi natatali sa iisang pamilya at hindi napapailalim sa kasalanan o kamatayan (Hebreo 7)

Ang pagkasaserdote ni Hesus ay permanente. Nakabase ito sa nag-iisang handog, ang ang handog na iyon ay kayang patawarin lahat ng lumalapit ng may pananampalataya sa Kanya.

Ang gawaing iyon ng Mataas na Saserdote ay kabahagi ng gawain ni Hesus sa Banal na Dako sa Makalangit na Sanctuaryo.

“Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.”

(Hebrews 7:25)

Ang Mataas na Saserdote ay pumapasok sa tabernakulo na nakasulat sa kanyang damit ang mga pangalan ng mga tribu. Kinakatawan niya ang bawat Israelita sa Dios at namamagitan para sa kanila.

Si Hesus ang ating Mataas na Saserdote at “humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin:” (Hebreo 9:24). Ipinapakilala Niya ang makasalanan sa Ama at inihahandog ang Kanyang dugo para sa kanila.Salamat kay Hesus at sigurado tayong tatanggapin ng Dios. “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid.” (1 Juan 2:1)

A N G PA G L I L I N I S “Kinakailangan nga na ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.” (Hebreo 9:23)

Ang siping iyon ay kinuha sa Leviticus 16. Sinabi ni Pablo na ang Makalangit na Sanctuaryo ay kailangang malinis kagaya ng sa lupa.

Sa Araw ng Pagtubos, ang Mataas na Saserdote ay pumapasok sa Kabanalbanalang Dako, at ang presensya ng Dios ay naihahayag sa Luklukan ng Awa. Iyon ang araw ng paghuhukom.

Ang gawain ni Hesus sa Kabanalbanalang Dako ay hinulaan sa Daniel 8:14. Ang propesiyang iyon ay nagpaliwanag na ang Paghuhukom ay nagsimula noong 1844, at ito’y magtatapos sa Pangalawang Pagdating ni Hesus.

Ang Kautusan

Ang pagkamartir ni Esteban

Ang Sanctuaryo ay nilinis

457 BC 34 AD 1844 AD

“Ang pamamagitan ni Kristo sa ngalan ng tao sa sanctuary sa langit ay

mahalaga sa plano ng kaligtasan kagaya ng kanyang kamatayan sa krus.

Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay sinimulan Niya ang gawain

na pagkabuhay na mag-uli Niya ay umakyat sa langit upang completuhin

ito. Kailangan nating pumasok sa tabing, „Na doo'y pumasok dahil sa

atin si Jesus, na gaya ng pangunahin.‟ Hebreo 6:20. Doon ang liwanag

mula sa krus ng Kalbaryo ay nakalarawan. Doon makakakita tayo ng

mas malinaw sa mga misteryo ng pagliligtas. Ang kaligtasan ng tao ay

magagawa sa walanghanggang gastos sa langit; ang alay ay itinumbas sa

malawak na kailangan sa nalabag na kautusan ng Dios. Binuksan ni

Hesus ang daan tungo sa trono ng Ama, at dahil sa Kanyang

pamamagitan, ang tapat na hangarin ng lahat na lumalapit sa Kanya sa

pananampalataya ay maipapahayag sa Dios.”

E.G.W. (The Great controversy, cp. 28, p. 489)