lkessonplan

Upload: zeeoi-eflix

Post on 01-Jun-2018

225 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/9/2019 lkessonplan

    1/5

    Banghay-Aralin sa Filipino IVPanunuring Pampanitikan

    I. LayuninA. Nakikilala ang maikling kwentong sa Teoryang Humanismo.B. Naibabahagi ang pagmamahal ng isang Ina.C. Nabibigyang kahulugan ang mga makabagong salita.

    II. Paksang AralinA. Si PinkawMaiking kwentong HiligaynonIsabelo S. SobrevegaB. Kagamitan:larawan ng mag-ina, larawan ng isang inang kinukutya, papel,ballpen,manila paper,pentel pen,pirasa,yeso.C. Sanggunian:Pluma Wika at Panitikan IVDayag, A.M., Marasigan, E.V., Pp. 3-7.

    III. Pamamaraan

    Gawaing Guro Gawaing Mag-aaralA. Panimulang Gawaina. Panalanginb. Pagtetsek ng liban at hindi liban,pagsasaayos ng loob ng silid-aralan.c. Pagbati.

    1. PagganyakMagpapakita ng larawan ng mag-ina)Ano ang nahihinuha nyo sa unang larawan?

    Mahusay! E itong ating pangalawang larawan?

    Sa inyo bang palagay, may ugnayan ang dalawang larawang aking pinakita?

    Ano itong ugnayan na ito?Avah?

    Magaling Avah! Ang ating aralin sa araw na ito ay may kaugnay sa mga larawang aking pinakita.handa na bang makinig ang lahat?

    B. PaglalahadBabasahin ang akda ng piling mag-aaral.

    C. Pagtalakay sa AralinAng ating gagawin ay pangkatang Gawain.magsama-sama ang mga magkakapangkat at bibigyan ko kayo ng ilang minuto para gawin ito.

    Ngayon, ang gagawin ng unang pangkat ay pagsusuring Teoryang Humanismo.Ikalawang pangkat-Sanhi at Bunga

    Ikatlong pangkat- pagkakapareho at pagkakaiba ng nanay nyo at ni Pinkaw.Ika-apat na pangkat- Sulat para sa mga nanay.

    D. PaglalapatPresentasyon ng bawat grupo

    Unang pangkat

    Ikalawang pangkat

  • 8/9/2019 lkessonplan

    2/5

    Ikatlong pangkat

    Ika-apat na pangkat

    E. PaglalahatNasaksihan natin ang presentasyon ng bawat grupo.magaling ang inyong ipinakitangpresentasyon. Ngayon, ating mas paikliin ang kanilang mga sinabi upang mas lalong maintindihan.

    Kung kayo ay nakinig, ang maikling kwento ay napapaloob sa teoryang Humanismo.Bakit ito ang teoryang ginamit sa sa akda?Lance?

    Mahusay Lance! Tama iyon. Kung ba ga sa pelikula si Pinkaw ang bida at walang makakagaw nito sa kanyan.Yung spot light nasa kanya lang kaya ito ay nasa teoryanghumanismo.

    At kung mapapansin nyo syempre sa buhay ng tao hindi mawawala ang problema. Kungbakit ito nangyari at kung ano ang naging epekto nito sa kanila.

    Pwede ba kayong magbigay ng isang sitwasyon ni Pinkaw na nagpapakita ng sanhiat bunga.Miyuki?

    Mahusay Miyuki! Yun nga, dapat ang ating kinakain ay yung siguradong malinis angpagkakahanda. Pero hindi naman natin masisisi si Pinkaw dahil yun lamang ang kanyang nakayanan niyang ibigay sa kanyang mga anak.

    Ngayon naman, maari nyo bang ibahagi pagkakaiba ng inyong Ina kay Pinkaw?gaya ngginawa ng pangkat ikatlo? Kevin?

    Mahusay Kevin! Nailahad mo ng mabuti at nailarawan mo ng ayos ang iyong nanay.Kaya siguro puro pulot ang ginagawa ni Pinkaw sa mga binibigay nya sa kanyang mga anak ay dahil sa yung kita niya sa pagbabasura ay inilalaan nya sa ibang bagay pero para pa din ito sa kanyang mga anak. Di ba nga si Pinkaw ay isang maprinsipyong tao. Ayaw nyang umaasa sa gobyerno. Kung kaya nya pa magtrabaho, magtatrabaho talaga sya at wala syang bilib sa gobyerno.Ganyan si Pinkaw.

    Okay. Dumako tayo sa huli. Pwede ba kayong magbahagi ng karanasan na kasama nyoang nanay nyo at kayo ay masaya? Haley?

  • 8/9/2019 lkessonplan

    3/5

    Magaling Haley! Tama yun. Yung hirap ng mga magulang natin, lalong lalo na ng mga mama natin kailangan nating suklian yun kahit na sa simpleng bagay lang. gayang ginagawa ni Haley. Dahil kahit ito ay simpleng bagay lang malaking bagay naito para sa ating mga magulang.

    Okay. May natutunan bas a kwento ni Pinkaw?

    May mga katanungan ba kayo bago tayo pumunta sa pagtataya?

    Mahusay kung ganun! Sana may natutunan talaga kayo. Mamaya pag-uwi nyo yakapin at halikan nyo ang inyong mga nanay maging ang inyong tatay. Magpasalamat at sabihan nyo sila ng mahal nyo sila. Malaking bagay na sa kanila yun.

    Ngayon naman, maghanda ng papel at ballpen para sa ating pagtataya.

    Nagpapakita po ng pagmamahal ang isang ina sa kanyang anak.

    Pagkutya po sa isang kawawang ina.

    Opo!

    Sa tingin ko po,sa sobrang pagmamahal nya sa kanyang mga anak, kahit anong Gawain gagawin nya para lang sa kanyang mga anak.Kaya lang po,meronsiyang naranasan na kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay kaya siya nawala sa katinuan.

    Opo!

    (pupunta sa kanya kanyang pangkat)

  • 8/9/2019 lkessonplan

    4/5

    Papalakpak ang mag-aaral pagkatapos ng presentasyon

    Kasi po kaya ito teoryang humanismo dahil sinasabing ang tao ang sentro ng daidig,siya ang sentro ng lahat ng bagay at ang panginoo ang kanyang kapalaran.Kung kayat sa kwento po, kay Pinkaw lang po umiikot ang buong istorya.Sa kanyang nakasentro ang buong pangyayari kaya ito nasa teoryang humanismo.

    Yun pong kinain ng mga anak ni Pinkaw na mga pagpag na pagkain. Ang sanhi po noon dahil po sa basurahan niya ito kinuha at ito ang pinapakain niya sa kanyang mga anak. Hindi niya alintana kung madumi ba ito o hindi. Dahil po dito ang nagging bunga po nito ay nagkasakit at namatay ang kanyang mga anak.

    Sa tingin ko po ang pagkakapareho ng nanay ko at ni pinkaw, ay pareho po silangmapagmahal,ginagawa po nila ang lahat para lang sa kanilang anak,inaalagaan at binibigay ang mga mga bagay na kaya nilang ibigay. Ang pagkakaiba naman po nila,yung nanay kop o nagtatrabaho sa palengke at yung kita nya po doon ang pinapantustus nya sa samen at sa iba pang bagay. Si Pinkaw naman po, yung ibang bagay nabinibigay nya sa kanyang anak ay puro pulot po sa basura,maprinsipyo din po sya

    ng tao.

  • 8/9/2019 lkessonplan

    5/5

    Ako po siguro yung pinakamaganda at masaya na pangyayari sa buhay ko kasama angmama ko ay yun pong, pag po lagging kasali ako sa mga patimpalak andyan po siyapalagi at todo suporta po sya saken. Proud po saken ang mama ko sa lahat po ng gagawin ko. Hindi lang po mama ko ang andun kundi ang hong pamilya ko po. Kaya pobilang ganti sa kanila lalong lalo na po sa mama ko,pinagbubutihan ko po ang aking pag-aaral at pinapakita ko din po kung gaano ko sya kamahal.

    Opo!

    Wala po!

    IV. PagtatayaPiliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa bilog.

    1. Pag-idlip2. Gula-gulanit3. Itinatawing-tawing

    4. Nakakorton5. Patagulaylay

    V. Takdang-AralinMagdala ng larawan ng inyong inyong Ina at isulat sa likod nito ang limang (5) magandang katangian nya na wala sa ibang Ina.