loki the war of 8 vampire heirs

283
7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 1/283 This is a Soft Copy… please po don’t use it without any credits from me, the author. Thank you for understanding.  A/N: Welcome ^_^ handa ka na bang matangay sa kakaibang mundo ng mga bampirang Nordic? ito ang seryeng LOKI na umiikot sa pag-ibig at walang katapusang labanan at digmaan.  Ang nauna ang siyang pinakamalakas.. at ang pinakahuli ay ang pinakamahina.. Matira ang matibay. LOKI: The War of 8 Vampire Heirs **** Main Characters: LOKI- Isang forever 18-year old na bampirang assassin na walang kahit na anong maalala tungkol sa kanyang nakaraan. Hinahanap niya ang katotohanan sa likod n g kanyang existence sa pamamagitan ng pagtugis at pagpatay sa kanyang mga kauri sa utos na rin ng kanyang kinikilalang ama. Serenity- isang magandang dalaga na nakatira sa isang mansyon sa gitna ng kakahuyan. ni wala sa hinagap niya na makakatagpo siya ng totoong bampira.. at sa kasamaang palad, naging alipin siya nito dahil sa isang aksidenteng kontrata sa pagitan nila.

Upload: baltazar-marcos

Post on 19-Feb-2018

502 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 1/283

This is a Soft Copy… please po don’t use it without any credits from me, the author. Thank you for understanding.

 A/N:

Welcome ^_^ handa ka na bang matangay sa kakaibang mundo ng mga bampirang Nordic?

ito ang seryeng LOKI na umiikot sa pag-ibig at walang katapusang labanan at digmaan.

 Ang nauna ang siyang pinakamalakas.. at ang pinakahuli ay ang pinakamahina..

Matira ang matibay.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs 

****

Main Characters: 

LOKI- Isang forever 18-year old na bampirang assassin na walang kahit na anong maalala tungkol sa kanyang

nakaraan. Hinahanap niya ang katotohanan sa likod ng kanyang existence sa pamamagitan ng pagtugis at pagpatay

sa kanyang mga kauri sa utos na rin ng kanyang kinikilalang ama.

Serenity- isang magandang dalaga na nakatira sa isang mansyon sa gitna ng kakahuyan. ni wala sa hinagap niya na

makakatagpo siya ng totoong bampira.. at sa kasamaang palad, naging alipin siya nito dahil sa isang aksidenteng

kontrata sa pagitan nila.

Page 2: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 2/283

Loki's POV: 

Wala akong maalala na kahit ano tungkol sa aking pinagmulan. Kung pipilitin ko mang alalahanin, babalik at babalik

lamang ako sa kinagisnan ko'ng alaala.

Iyon ay dalawang taon na ang nakararaan.

Gumising ako na nasa isang malaking silid ng nasusunog na mansyon. Maalinsangan kung kaya't agad akong

bumangon. Inilibot ko ang aking paningin.

Malaimpyerno dito! Ang nagngangalit na apoy ay mabilis na nilalamon ang kisame, gayundin ang pintuan. Ang mga

salamin ng bintana ay nagsisibasag.

Natuon ang aking atensyon sa terasa. Doon na lamang ako maaaring makalabas. Agad ko iyong tinungo subalit

agad akong napaatras nang masipat ko ang bulto ng isang taong nakaabang sa aking lalabasan.

"S-sino ka?" tanong ko.

Binuksan niyang maigi ang glass double door ng terasa. Doon ko lamang namalas ang kanyang buong anyo. Middle-

aged na lalaki, pormal ang suot na kagaya sa isang maginoo. Ang mga mata niya ay asul at namumuti na ang ilang

piraso ng buhok niyang kahel. Ngumiti siya ng makahulugan.

"Loki.." aniya. "Ako ito, ang iyong ama.." 

Siya si Don Faust Helgarin, ang aking ama. Siya lamang ang tanging nakakakilala sa akin at lahat ng sinasabi niya

ay pinaniwalaan ko. Hanggang ngayon ay naroroon pa din ang tiwala na iyon dahil siya ang aking ama. Tama.

Natural lamang bilang anak niya na pagtuwalaan ko siya..

Pero kahit mag-ama kami, iba ako sa kanya. Hindi ako isang ordinaryong tao. Isa akong bampira.

 Ang sabi niya, may natatanging paraan upang maging bampira ang isang tao. Iyon ay kapag nakainom ka ng dugo

mula sa mga pureblood na bampira.

Page 3: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 3/283

 

Extinct na sila sa panahong ito subalit patuloy silang nabubuhay dahil lubha silang makapangyarihan.

Kung dati akong tao na naging bampira, sino ang nagbigay sa akin ng dugo kung ganun?

Una sa lahat, hindi ko hiniling na maging ganito ako. Isa itong sumpa.

 Ang pag-inom ng dugo ay hindi tinatanggap ng aking prinsipyo. Ngunit ano ang magagawa ko? Hindi ako maaaring

mamatay hanggat hindi ko nalalaman kung bakit nawala ang ibang alaala ko.

Si ama, malaki ang galit niya sa mga bampira. Ginagamit niya ako upang paslangin ang iba pang kauri ko.

Masugid akong sumusunod sa kanyang utos dahil na rin may gusto akong makamit. Kapag marami-rami na akong

napaslang na mga bampira, mabubulabog ang mga purebloods. Isa-isa na silang maglalabasan upang lupigin ang

lumalapastangan sa kalahi nila. Sa paglantad nila, madali kong mahahanap kung sino ang nagbigay sa akin ng dugo.

Kapag nakita ko siya, umaasa ako na maibabalik sakin ang nawala kong nakaraan.

Papatayin ko ba siya? Hindi ko pa alam. Maaaring oo, maaaring hindi.

Tumayo ako mula sa sanga ng puno kung saan ako nakaupo. Ramdam ko mula sa lagaslas ng hangin sa

kakahuyang ito ang aking target.

Kasing bilis ng hangin akong nagpalipat lipat sa mga puno hanggang huminto ako sa daraanan ng kalaban.

"Bakit mo ako tinutugis?!" aprehensibong tanong niya sakin.

Sinuri ng aking pulahang mga mata ang lalaking nasa harapan ko. Katamtaman ang kanyang tangkad, katamtaman

din ang hitsura subalit gulagulanit at gusgusin ang pananamit. Ang pangil niya ay nakasungaw mula sa kanyang

duguang bibig.

Page 4: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 4/283

 

"Kakatapos mo lang lumamon? Hindi ka man lang namigay?" tuya ko.

 Alam niya na magkauri kami. Ganun kalakas ang pangilatis ng mga bampira. "ULOL! Maghanap ka ng pagkain

mo!" 

Suminghot ako sa hangin. Naamoy ko ang matamis na halimuyak na kung sa mga tao ay itinuturing na 'malansa'

"Ang biniktima mo ay isang walang muwang na sanggol.. Halang ka!" usig ko sa kanya.

Wala nang halaga pa sakin ang iba pa niyang sasabihin. Binunot ko ang aking espada at agad na tinagpas ang

kanyang ulo.

Nag-apoy ang kanyang katawan kasabay ng pagkaabo niyon.

Ilang saglit lamang ang nakalipas, sumuka ako ng dugo. Mayroong patalim na nakatarak sa aking dibdib. Kaunti na

lamang at muntik nang matamaan ang aking puso. Kapag nangyari iyon, malamang ay abo na rin ako.

Hindi basta-bastang paslangin ang mga bampira. Lahat kasi ay may espesyal na abilidad.

 Ang bampirang pinatay ko kani-kanina lang ay may taglay na pambihirang liksi.

'Kulang pa ako sa pagsasanay'  naisip ko habang inaalis ang patalim. Sumuka na naman ako ng dugo.

Kahit pa wala sa sampung porsyento ang nagagamit kong kapangyarihan, hindi pa rin dapat ako maging kampante.

Kaunting butas lang at tapos ang aking buhay. Mamamaslang pa naman ako!

Nagconcentrate ako upang makapagpalit-anyo. Isa iyon sa mga pambihirang kakayahan ng mga kagaya ko. Kaya

naming magpalit-anyo bilang hayop, depende sa hinihingi ng sitwasyon.

Page 5: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 5/283

 

Unti unting lumiit ang katawan ko. Tinubuan din ako ng pakpak at mga balahibo. Nang isa na akong ganap na uwak,

dali dali kong ibinuka ang aking mga pakpak at ikinampay.

Lumipad ako sa kadiliman ng gabi na tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa aking direksyong tinatahak.

Subalit nagkamali yata ako ng kalkulasyon. Masyadong malalim ang sugat sa aking dibdib. Nawalan ako ng balanse

at mabilis na nahuhulog paibaba.

Sa di kalayuan, may natanaw akong nag-isang mansion. Bukas ang pinto ng isang veranda doon bagamat patay ang

ilaw.

Ibinuhos ko ang lakas ko upang makarating doon, bago ako tuluyang bumalik sa tunay kong anyo.

Padapa akong bumagsak sa marmol na sahig ng veranda. Di inaasahang nasagi ko ang isang paso ng bulaklak.

Nabasag iyon at lumikha ng ingay.

"S-sino yan?" nahihintatakutang tinig ng isang babae ang narinig ko.

Nakarinig ako ng yabag papalapit sa akin. Sapo ang aking sugatang dibdib, nagtago ako sa likod ng pinto.

May lumabas na babae. Bahagya itong humarap sa direksyon ko kaya't nakita ko ang maganda niyang mukha.

Mahaba ang kanyang buhok at nakasuot siya ng pantulog.

"D-dugo.." usal ng babae nang makita nito ang bakas ng dugo sa sahig.. Mukhang sisigaw ito!

 Agad akong lumabas sa aking pinagtataguan at tinakpan ang kanyang bibig.

Page 6: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 6/283

****

Serenity's POV: 

Mataman kong pinagmamasdan ang bilog na buwan mula sa bukas na pinto ng veranda.

Umihip ang banayad na hangin.. Masarap sa pakiramdam..

Ewan ko ba.. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nadama ang malamig na simoy ng kakahuyan.

Crash!  

 Ano yun?! May kabang bumundol sa aking dibdib.

"S-sino yan?!" dagli akong bumangon at tinungo ang veranda.

Wala namang tao. Natuon ang pansin ko sa basag na paso ng paborito kong orkidyas. Agad akong dumulog at baka

sakaling maisalba ko pa ang kawawang alaga ko.

Katabi ng mga bubog, napansin ko ang kung anong likido na nagkalat sa sahig. Malagkit. Malansa.

"D-dugo!" ngunit kanino iyon? Hindi ko alam ang gagawin! Kailangan malaman ito ng mayordoma o kung sino man!

Sisigaw na ako para humingi ng tulong. Subalit may lalaking bigla na lamang nagpakita at tinakpan ang aking bibig.

"Wag kang maingay." sabi niya. Madilim ang gabi ngunit kitang kita ko ang nakakatakot niyang mga mata. Ang isa

ay kulay dugo, at ang isa ay kulay ginto.

Page 7: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 7/283

 

Napaiyak ako sa sobrang gulat at takot na ngayon ko lang talaga naramdaman.

 Alam niya sigurong wala na ako sa sarili ko kaya't inalis niya ang kanyang kamay bago lumayong bahagya.

Saka ko lamang namansdan ang kanyang mukha. Gwapo siya. Sobra! Iyon nga lang ay nakakatakot ang kanyang

mga mata. At sa kanyang mga labi, mayroong bakas ng nanuyong dugo.

Lalo akong nanginig sa takot nang may binunot siyang espada na nakasukbit sa kanyang likuran at itinutok sa akin!

"Walang dapat makakita sa akin nang ganito. Kaya kailangan mong mamatay!" 

 Ako? Mamamatay?! Ayokooo!  

Halos maghalo ang luha at uhog ko pero hindi ko pinansin. Lumuhod ako at kumapit sa kanyang binti.

"Maawa ka naman kamatayan! Bata pa po ako! Marami pa akong pangarap--hindi ba pwedeng mag-extend?!" 

Kumalansing ang espada.

"Yiee--patawad po! Wag mo muna akong patayin! Hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga mahal ko sa

buhay!" 

Naramdaman ko'ng bumagsak si kamatayan. Nasalo ng likod ko ang kanyang timbang.

 Aray! Ambigat!  

Nabitawan niya ang hawak na espada. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Bumulwak ang dugo mula doon.

Page 8: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 8/283

 

Lord! Nagdudugo si kamatayan!  

"Wala na akong oras! Hindi na lang kita papatayin!" 

YES! Extended ang buhay ko!  

"--gagawin na lang kitang pagkain ko.." 

Ha? Come again?! PAGKAIN?!  

Yumapos siya sakin at pinaglayo ang ulo ko at balikat ko.

Mas lalo akong natakot. "A-anong gagawin m-m-mo? H-hindi ako masarap!" giit ko.

"Pwede na, lamang tyan ka din." bumuka ang bibig ni kamatayan. Nakita mismo ng mga mata ko ang paghaba ng

kanyang mga pangil. Pagkatapos ay hindi ko na alam ang ginawa niya.

Basta ang alam ko na lang, lumayo siya sakin. Doon ko na lang naramdaman yung sakit sa aking leeg. Medyo

umikot din ang paningin ko.

"Sinungaling ka.. Masarap ka naman pala, pahumble ka pa." sabi ni kamatayan habang pinapahid ang kanyang

mga labi.

Namula ako kahit parang nabawasan ako ng dugo. Hindi ako nakapagsalita. Katakut-takot na kasi ang trauma ko!

"Dahil nainuman kita ng dugo, dapat ay papatayin pa rin kita--" 

"SOBRA KA NA AH? Kanina mo pa ako pinag-iinitang patayin! Inaano ba kita?" 

Page 9: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 9/283

 

Umismid lang siya sakin. "Sige, napagdesisyonan ko na hindi na TALAGA kita papatayin." 

"Salamat kamatayan. Oh ngayon, pwede ka nang umalis!" 

"Hindi kamatayan ang pangalan ko. Ako si Loki." aw, may pangalan pala siya.

"--At hindi pa ako maaaring umalis. Kailangan pa nating mag-usap." 

Itinaas ko ang kilay ko. "Tungkol saan?" 

"Dahil binuhay kita, magiging alipin kita." 

 Aba susyal?! Senyorita ako! Mayaman ako! Bakit magiging alipin ako?!  

"Ayoko! Hinding hindi yan mangyayari kahit kailan!" 

Matamang tumitig sa akin si Loki. "Huli na. May kontrata na tayong dalawa." 

1st Night 

Loki's POV: 

'Kakatwa ang magandang babae na ito'  sa isip-isip ko. Tingin ko ay mas bata siya ng kaunti kaysa sa taglay kong

edad ng tao na labinwalong taong gulang.

"ANO?! KONTRATA?"  hindi makapaniwalang tanong niya sakin pagkatapos kong sabihing magiging alipin ko siya

dahil sa isang kontrata.

Page 10: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 10/283

 

"Oo. May mga batas kasi kaming mga bampira na mahirap baliin." paliwanag ko.

"B-bampira?!" may bakas na naman ng takot sa kanyang maamong mukha.

"Bampira ako. Pero sikreto lang nating dalawa yun. Alam mo kasi--hindi sa tinatakot kita. Pero kapag kinalat

mo ang sikreto ko, mapipilitan akong patayin ang mga taong kinausap mo at pati na ikaw mismo." 

"H-hindi naman ako mahilig magkalat ng sikreto. At saka wala namang maniniwala sakin kapag sinabi kong

nakakita ako ng isang bampira!" 

Tumango ako. "Mabuti at talagang pinahahalagahan mo ang buhay mo--" 

"--Yung tungkol sa kontrata? Ano ba yun?" 

Bago ako sumagot, pinulot ko ang aking espada at muling isinukbit sa aking likuran.

"Ang isang bampira at ang taong nainuman niya ng dugo ay nagkakaroon ng isang espesyal na koneksyon.

Halimbawa, tayong dalawa. May pagkakataong malalaman mo ang mga iniisip ko. Pero hanggang doon lang.

Ako, kaya na kitang kontrolin at pasunurin sa ayaw mo at sa gusto mo." 

"Totoo ba yan?" duda man siya sa sinabi ko, iyon ang katotohanan.

Tumango ako. Ang hirap magpaliwanang! "Simple lang naman talaga ang dahilan kung bakit pinapatay namin

kaagad ang mga taong iniinuman namin ng dugo. Kasi ayaw naming may nakakapasok na mababang uri ng

nilalang sa aming sistema." 

"Mababang uri ng nilalang?! Yabang mo! FYI, nag-iisang anak ako ng pinakamayamang magnate sa buong

bansa tapos lalaitin mo lang ako?! Excuse me!" 

"Lumuhod ka sa harap ko at humingi ng paumanhin." utos ko sa kanya.

Page 11: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 11/283

 

Saglit siyang nawala sa kanyang sarili at lumuhod sa aking harap.

"Paumanhin, hindi ko po sinasadya ang mga sinabi ko."  pagkatapos ng kanyang huling salita, nagbalik siya sa

kanyang kamalayan.

"Bakit ako--nakaluhod?!"  

Ngumisi ako. "Sinabi ko na sayo, master ako at ikaw ang alipin." 

"H-hindi maaari!" 

Tumayo siya at pumasok sa loob. Umupo siya sa gilid ng kama at tila umiiyak. Hindi ko na siya maaaring sundan pa

sa loob.

Isa rin sa mga hindi mababaling batas naming mga bampira ay ang ipinagbabawal na pagpasok sa pamamahay ng

kahit na sinong tao kung walang permiso mula dito.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya o hindi.

"S-Serenity.."  sagot naman niya sa pagitan ng mga hikbi.

"Papasukin mo ako." sabi ko.

"D'yan ka lang! Wag kang lalapit sakin!" tumigil siya sa paghikbi. Waring napaisip.

"Tama! Alam ko na! Dahil bampira ka nga, hindi ka pwedeng pumasok sa loob hanggat hindi ako

pumapayag!" akala siguro niya ay nakahanap na siya ng alas laban sakin.

Nagkibit-balikat lang ako.

Page 12: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 12/283

 

Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Dumila pa! "Bleaah! Ang gagawin ko lang ay magkulong dito sa loob ng

bahay, tapos hindi mo na ako maaano!" 

Tingnan natin.. Hinuli ko ang paningin niya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Papasukin mo ako.." 

"Pumasok ka.."  wala sa sariling sabi niya.

Pumasok ako sa loob at inilibot ko ang aking paningin. Maganda ang kwarto ni Serenity, maluwag at napapalamutian

ng mga mamahaling muwebles. Asahan na iyon dahil nag-iisang anak lang ito.

"Paano ka nakapasok?!" takang tanong sa akin ni Serenity.

"Sikreto." umupo ako sa kanyang malambot na kama. "Dahil nandito na ako sa loob, ang buhay ng lahat ng

taong naririto ay nasa aking mga kamay.. Kaya kung ako sayo, wag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko." 

Ngumiti ako dahil bumalik na naman ang takot sa mukha niya. Hindi niya naisip na maaari din naman niyang bawiin

ang permiso. Haha!

**** 

Serenity's POV: 

Oh Diyos ko! Kaya nga niya akong kontrolin kahit labag sa aking kalooban!  

Paano na lamang kapag nagutom uli siya at naisipan niyang imassacre ang mga kasambahay namin! Kawawa

naman kami!  

"L-Loki.." 

"Ano yun?" 

Page 13: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 13/283

 

"Hindi ka pa ba uuwi sainyo?" tanong ko. Inaantok na ako eh! Gusto ko nang magpahinga.

"Ayoko pang umuwi." sagot niya.

"Alam mo kasi, matutulog na ako." 

Tumayo si Loki mula sa pagkakaupo sa kama ko. "Oh matulog ka na." 

Hello?! Pahingi ng privacy!  

"Hindi naman ako makakatulog kasi nandito ka pa.. Nakakailang." 

Bumuntong hininga si Loki. "Hay ang arte mo.. Madali lang naman matulog." 

Snap!  Pumitik ang kanyang kanang kamay sa hangin.

Kasabay nun, unti-unting nagdilim ang aking paningin.

**** 

Loki's POV: 

Sinalo ko ang walang malay na si Serenity at inihiga sa kama. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Kay

amo niyang tingnan kapag natutulog.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng matinding paghanga para sa kanya. Marami na akong

pinaslang na mga kababaihan (mapabampira o tao) na di hamak na mas maganda pa kaysa sa kanya.

Page 14: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 14/283

 

Ngunit iba siya. Takot pero kayang magrebelde.

Sinipat ko ang orasan sa mesitang katabi ng kama. Alas tres na ng madaling araw.

Nag-inat ako at pagkatapos at lumabas ng veranda. Magaling na ang sugat na natamo ko dahil sa dugo ni Serenity.

Muli akong nagpalit-anyo sa isang uwak at lumipad.

~KINAUMAGAHAN~ 

Serenity's POV: 

"Senyorita, gising na po kayo, at baka mahuli kayo sa inyong klase!" ramdam ko ang mahinang yugyog sa akin

ni yaya Mameng.

Nagdilat ako ng paningin. Ang sarap ng tulog ko kahit ang sama ng panaginip ko.

"Aay ano yan?!" tanong sa akin ni yaya Mameng. Itinuro pa ang aking leeg na kinapa ko.

 Aray. Nanakit ang bahaging iyon nang dampian ng daliri ko.

Kaagad akong tumayo at nagpunta ng banyo. Humarap ako sa salamin.

Nakita ko ang dalawang magkahanay na sugat sa aking leeg. Namamaga pa ang mga ito.

 Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Ang inaasahan kong bangungot ay isa palang katotohanan!

OH HINDEE!!  

Page 15: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 15/283

 

"Senyorita, napano ka diyan?! Bakit ka sumisigaw?" 

Nilingon ko si yaya Mameng na sinundan ako sa banyo.

"Ay wala po, nagpapraktis lang ako para sa school play!" pagsisinungaling ko.

Pagkatapos kong mapagtanto ang mapait na katotohanan, nawalan ng gana ang buong araw ko.

Wala akong ganang mag almusal.

Wala akong ganang makinig sa mga lectures.

Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.

Pagdating ng breaktime, sinimulan ko nang isulat ang aking huling pamamaalam. Just in case na patayin ako ni Loki,

atleast handa na ako.

Binilang ko muna kung sinu-sino ang mga susulatan ko. Ang mama ko, ang papa ko, si yaya Mameng, ang bestfriend

kong si Coleen, ang crush kong si Rain.. Sila lang..

Teka nga, ano ba ang isusulat ko? Dear mama at papa, mahal na mahal ko po kayo, sinabi ko yan kasi any moment

ay pwede po akong mamatay. Alipin 'daw' po ako ng isang bampira at kapag nabadtrip siya sakin, papatayin daw

niya ako!  

Naisip niya si Loki. Ang mukha nito, ang mga labi nito na mukhang masarap halikan..

Waaaaaah!  

Sinabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat pinagnanasahan ang mamamatay-tao na yun!

Page 16: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 16/283

 

"Renie, nababaliw ka ba?" 

Nag-angat ako ng paningin. Si Coleen lang pala. Bestfriend ko siya simula elementary pa. Ngayong high school,

hindi kami pinalad na maging magkaklase. High achiever kasi si Coleen at nasa star section ito.

Hinablot niya ang letter na ginagawa ko.

"Nababaliw ka na nga!" inilapat niya ang papel sa pagmumukha ko.

Binasa ko ang sinulat ko at maging ako ay nagulat. Sinulat ko ang iniisip ko kanina! At ang masama niyan, nabasa ni

Coleen!

"Bakit ka naman naging alipin? At naniniwala ka talagang may bampira?" 

"Wag mo akong intindihin bezy! Sinusubukan ko lang kung pwede akong maging writer!" 

Umupo si Coleen sa isang chair sa harapan ko. "Alam mo na ngang wala kang talent sa pagsusulat,

pinagpipilitan mo pa!" 

Kita mo tong babae na to! Imbes na suportahan ako, siya pa ang unang nanlalaglag sakin!  

"Sobra ka naman. Parang sinabi mong wala akong kwenta." 

"Alam mo bez," aniya. "Kanya kanya kasing talent yan, kung hindi para sayo, wag mong ipilit! Magaling kang

mag-alaga ng mga bulaklak, bakit hindi iyon ang pag-ukulan mo ng pansin?" 

Sumimangot ako. "Bihira lang ang makakarecognize nun eh.." 

Page 17: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 17/283

 

"Ayun, gusto mo talaga yung sisikat ka, bat di ka kaya mag-artista? Tama, maganda ka naman. Basta ako

ang manager mo!" 

"Ewan ko sayo!" sabi ko. "Tara, kain na lang tayo sa canteen!" 

**** 

Loki's POV: 

"Ilan ang napatay mo kagabi?" iyon ang unang itinanong sa akin ng aking ama kaysa itanong kung maayos ba ang

kalagayan ko.

"Tatlumpu't tatlo." walang kagatol-gatol kong sagot.

Ngumiti ang aking ama at pagkatapos ay tinapik tapik ang aking balikat. "Magpahinga ka na. Mamayang gabi ay

magtatrabaho kang muli. Alalahanin mo ang mga bagay na gusto nating makamit." 

Tumango lamang ako. Umakyat ako sa itaas na palapag ng aming tinutuluyang mansyon. Tirik na ang sikat ng araw

subalit dito sa loob ay sobrang dilim at halos walang ipinagkaiba kung ididilat o ipipikit mo ang mga mata.

Dahil bampira ako, malinaw akong nakakakita sa kadiliman. Binagtas ko ang pasilyo at pumasok sa aking kwarto.

Hinubad ko ang duguang kasuotan at pagkatapos ay nahiga.

2nd Night: 

Loki's POV: 

Page 18: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 18/283

 

 Alas singko en punto na ng hapon. Awtomatikong nagising ang diwa ko. Ito kasi ang oras ng aking paggising araw-

araw.

Muli akong naglakbay sa kadiliman ng ikalawang palapag.

Naghihintay na sa akin si ama sa komedor. Nakaupo siya at nagbabasa ng pahayagan. Nagtama ang aming

paningin.

Sinalo ko ang ibinato niyang malamig na bloodpack.

"Kumain ka na at maghanda sa iyong tungkulin." sabi niya.

Tumango lang ako. Pinagmasdan ko ang kulubot niyang mukha. May bakas ng pagkainis doon. Bakit kaya? 

"Kanina habang tulog ka, nakita ko ang duguan mong damit. Kung hindi ko pa sinuri ay hindi ko malalaman!" 

Itim na leather ang suot ko kagabi, kaya't sa unang tingin ay hindi nga mapapansin kung may bahid man ng dugo

iyon.

"Ano pong problema?" tanong ko.

Padabog niyang inilapag sa mesa ang pahayagan. "Ikaw ang pinakamakapangyarihang bampira sa buong

mundo! Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na masugatan ng mga mahihinang bampira?!" 

Di yata't isang pagmamalabis na sabihing ako ang pinakamakapangyarihang bampira? Iniisip ko na lang na dahil

siguro ama ko siya kaya pinupuri niya ako.

Page 19: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 19/283

 

"Ama.. Kapag gumamit ako ng lakas na higit pa sa sampung porsyento, madali akong

magugutom." pagdadahilan ko.

"Pinakakain kita, kaya di uubra yang dahilan mo!" 

Iyon na nga eh! Ayokong uminom ng dugo hanggat maaari!

"Kung kinakailangan, gamitin mo ang kapangyarihan mo hanggang ikalimang antas! Pakitaan mo sila ng

tunay na takot!" 

Napasandal ako sa mesa. Ganito na pala kadesperado ang ama ko? 

 Ako mismo ay kinatatakutan ang ikalimang antas.

Para sa hindi nakakaalam, sa ikalimang antas ng isang bampirang kagaya ko nagsisimula ang aming pagsasa-

halimaw. Unti-unti ay mawawalan ng kontrol ang aming isip sa aming katawan; hanggang sa maging isang tunay na

halimaw na kumakain ng tao.

"Oh siya.." sabi ko. Lumabas ako ng komedor at umakyat pabalik sa aking silid. Binuksan ko ang bintana at initsa ko

ang hawak kong bloodpack na tumalsik sa bilis na limampung milya kada oras. Bahala na kung saan yun napadpad.

Pagkatapos ay naligo ako dahil punung-puno ng dugo ang katawan ko.

Pagkabihis ko, kinuha ko ang espada ko at isinabit sa aking likuran.

Sunod ay tumalon ako sa bintana at naglahong parang bula.

Sa pagsanib ko sa hangin, naririnig ko ang bawat yabag at kaluskos ng aking mga target, naaamoy ko sila at alam ko

kung may nabiktima sila o wala.

Page 20: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 20/283

 

Idinilat ko ang aking mga mata na sa oras na ito ay normal ang kulay. Dinala ako ng hangin sa isang lumang

simenteryo.

Takip-silim na at kulay kahel ang kalangitan. Sa di kalayuan ay may nakatayong isang matandang babae. Sa

kanyang amoy, sigurado akong tao siya.

Lumapit ako.

"Mas makabubuti para sa iyo ang umuwi na. Maraming masasamang loob ang naglilipana sa gabi." sinabi ko

sa kanya.

Napatingin siya sakin. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha.

"D-DANTE?! I-ikaw ba yan? Hindi ako maaaring magkamali--" bulalas niya.

Sino si Dante? Napagkamalan ba niya ako? 

"Hindi ho ako si Dante." 

Nasorpresa ako nang makitang bigla siyang napaluha. "Oh Dante! Ikaw ba ang sundo ko? Isama mo na ako.

Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko-- gusto ko nang lumigaya sa piling mo!" 

Wah? Bakit ba ako napagkakamalang si kamatayan?!  

 At anong lumigaya sa piling ko?!  Tantsa ko ay nasa tatlumpung taon ang agwat ng edad namin.. Bakit ganun?! Pang

senior citizen na ba ang datingan ko? 

Naramdaman kong umagaslas ang puno sa di kalayuan.

Page 21: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 21/283

 

Humarap ako sa matandang babae. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"Umuwi ka na." 

Mistula siyang nahipnotismo at sumagot. "Uuwi na ako." 

Tumalikod siya at naglakad palayo. Pinanood ko siyang sumakay ng kanyang kotse na ilang sandali lang ay

umarangkada na palayo.

May umakbay sa akin. "Bakit mo pinaalis ang pagkain?" tanong ng kung sino mang hudas iyon. Unti-unti niyang

binubunot ang espada sa likuran ko pero pinabayaan ko lang.

"Pagkatapos mong simutin ang tinapon kong bloodpack ay gutom ka pa?" sarkastikong tanong ko.

Lumayo siya nang makuha niya ang espada ko.

Pumikit ako. Pagdilat ko, iba na ang kulay ng mga mata ko. Berde na mangasul ngasul.

Mabilis akong naglaho sa kinatatayuan ko. Sa isang iglap ay nasa likod na ako ni loko.

Binawi ko ang espada ko at tinapyas ko ang kaliwa at kanan niyang braso na naging abo.

Nawala ang yabang niya sa katawan. Para siyang aso na nabahag ang buntot. "H-h-huwag mo akong

patayin!" pagsusumamo niya.

Ibinalik ko sa lalagyan ang espada ko. "Tsk.. tsk.. Kawawa ka naman.. Kung ako ay mawalan ng mga kamay,

mas gugustuhin ko pang mamatay.. Sige-- bubuhayin kita, humayo ka at ipahayag mo sa mga kauri natin na

ang gumawa sa iyo niyan ay si Loki!" 

Page 22: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 22/283

 

"L-Loki?!" tanong niya.

"Oo." sagot ko.

Mabilis na nagtatakbo si loko na parang nakarinig ng mabigat na sintensya.

Napalingon ako sa gawi ng isang puntod. Doon nakatunghay kanina ang matandang babae. Binasa ko ang nakaukit

na pangalan doon.

Dante H-- Hindi ko mabasa ang apelyido. Tinibag o kusang natibag ang bahaging iyon ng lapida.

Kapanganakan: Hunyo 29, 1957

Kamatayan: Enero 13, 1975

Sa kalkulasyon ko ay mahigit kumulang tatlumpu't pitong taon na ang nakalipas nang mamatay kung sino mang

Dante iyon.

Matagal na.. Kaya talagang nagkamali ang matandang babae.

 Awooooo!  

May umalulong. Aso o lobo? Hindi ko matukoy.

Pinaglaho kong muli ang aking sarili. Ayokong magsayang ng oras dahil marami pa akong target.

****

Serenity's POV: 

Page 23: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 23/283

 

Nagising ako bandang alas dos ng madaling araw.

Sinipat ko ang bukas na pinto ng veranda. May taong nakaupo sa barandilya at nakatitig sa akin.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko at kaagad naglaho ang antok sa aking sistema.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Bakit nandito ka na naman?" ayaw ko ba siyang makita o sabik akong makita siya? Pwedeng both?

"Heto.." kulang na lang ay isaksak niya sa baga ko ang isang maliit na paso ng orkidya. "Kapalit ng nabasag

ko." dagdag pa niya.

Natuwa ako hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa orkidyang binigay niya. "Cattleya!" kinuha ko kaagad iyon at inilapag

sa hilera ng mga inaalagaan kong bulaklak.

Nilingon ko siya. Hindi naman ako obligadong magpasalamat dahil replacement ang ibinigay niya.

Teka? Wala na siya sa barandilya!  

Baka umalis na?

Sa puso ko, nanghinayang akong bigla.

 Akma na akong papasok upang matulog na muli. Pag-ikot ko, nabunggo ako kay Loki. Muntik na akong mabuwal

kung hindi niya ako nahawakan sa beywang.

"Ay! Susmaryosep ka! Wag ka ngang manggugulat!" pakiramdam ko ay namumula ako. Hindi ako makatingin

nang diresto sa kanyang mukha na gusto kong gawin.

Page 24: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 24/283

 

"Hindi ka mawala sa isip ko. Alam mo ba kung bakit?" 

 Aba malay ko? Ako ba may ari ng isip mo? 

Natawa siya.

"Ano'ng nakakatawa?" 

"Kinakabahan ka. Ang lakas ng pintig ng puso mo. Nabibingi na nga ako eh." 

Ngayon ay nakaya ko nang tumingin sa kanyang mukha.

Haaay.. Ang gwapo niya lalo na at nakangiti siya. Iba ang kulay ng mata niya ngayon-- brown na kagaya ng sa

ordinaryong tao; wala rin ang wagas na pangil.

Subalit hindi ko nagustuhan ang bakas ng dugo sa kanyang mukha.

Bahagya kong hinila ang mahabang laylayan ng manggas ng aking pantulog saka pinahid ko sa kanya.

"Hindi bagay sayo ang may mantsa ng dugo." sabi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na huwag

siyang pumatay dahil masama ang pumatay.

Tao lang ako. Hindi ko lubos na naiintindihan ang tama at mali. Sumusunod lang ako sa kung ano ang kinalakihang

turo sa akin. Hindi naman ibig sabihin nun ay may karapatan na akong maghusga.

Pero sana.. 

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Sunod ay unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Page 25: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 25/283

 

Hahalikan ba niya ako?!  

Ganun-ganun na lang? 

Walang confrontations? 

Walang sabihan ng feelings? 

Walang romantic dialogue? 

Gahibla na lamang ang pagitan ng aming mga labi nang maglakas-loob akong magsalita.

"G-gusto kong maging mabuting magkaibigan tayo.." 

Natigilan siya. Hindi pa ako nahahalikan kahit kailan. At kapag dumating na nga ang unang halik na iyon, ang gusto

ko manggagaling iyon sa taong gustong-gusto kong mahalin at ganun din siya sa akin.

Kami kasi ni Loki, kagabi lamang nagkakilala. Tiyak na naglalaro lang siya.

"--Hindi ko kailangan ng kaibigan." anas niya.

Itinuloy niya ang kanyang nais. Naglapat ang aming mga labi.

Paano ko ba idedescribe ang nangyari. Napapikit ako, nakaramdam ako ng mataas na boltahe ng kuryente, kumanta

ang mga anghel sa langit, blah blah blah. 

Pagdilat ko.. Wala na siya. Oo, seryoso!

Page 26: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 26/283

 

Umalis si Loki nang hindi nagpapaalam.

Dinama ko ang mga labi kong nangangatal.

Inalala ko ang huling sinabi niya.. Hindi niya kailangan ng kaibigan..

Hindi na dapat ako umaasang pwede kaming maging magkaibigan..

'Alipin' nga lang talaga ang turing niya sa akin, at ang halik na ibinigay niya sa akin ay isa lamang katuwaan..

Umiling-iling ako. Bakit pa nga ba ako nag-iisip ng kung anu-ano? Eh ako nga mismo hindi sigurado kung ano ba siya

para sa akin.

Siguro.. natatakot lang talaga ako sa kanya..

Makatulog na nga!  

3rd Night: 

Fenrir's POV: 

 Ang pangalan ko ay Fenrir. Hindi ako bampira. Isa akong taong lobo. Nag-iisa na lamang ako sa buong mundo.

Naubos ang aming lahi dahil natalo kami sa isang digmaan laban sa mga bampira.

Wala naman akong galit kahit kanino. Kasi wala naman akong pakialam. Hindi ako sumali sa digmaan eh. Kung

namatay man silang mga kalahi ko, sarili na nilang kagustuhan yun hindi ba?

Page 27: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 27/283

 

Basta ako, kumportable akong namumuhay ngayon. Kinupkop ako ni Ymir nang matapos ang digmaan. Si Ymir ang

pinuno ng lahat ng mga bampira. Siya kasi ang pinakaunang bampira na nabuhay sa mundo.

Binigyan niya ako ng kanyang dugo, na sumisimbulo sa akin bilang isa sa kanyang walong anak. Kaming walo ang

pinakamalakas na nilalang sunod kay Ymir.

Sa kasalukuyan ay pito na lamang kami ngayon na nandirito sa aming tirahan na tinatawag na Asgard.

Nawawala ang bunso naming kapatid tatlumpu't dalawang taon na rin ang nagdaan.

Paborito siya ni Ymir. Paborito ko din siya. Katunayan ay paborito siya ng lahat maliban sa dalawang hunghang kong

mga kapatid na makikita ko na naman maya maya. Kaya't di ko sukat akalain na isang araw ay lilisanin niya ang

 Asgard.

Sa pagkawala ng bunso kong kapatid, nagdamdam nang husto si Ymir; hanggang sa pinili na lamang niyang

mahimlay. Magpahanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising. Wala ring nakakaalam kung kailan muling didilat ang

kanyang mga mata.

Sapagkat nakahimlay si Ymir, walang tagapamagitan sa aming magkakapatid. Syempre, dahil iba ang

pinanggalingan kong lahi, madalas akong pag-initan.

Gusto ko na uling makadaupang-palad si Ymir.

Marahil ay gigising siya kapag nahanap ko at naibalik na sa Asgard si Loki!

Nitong nagdaang gabi lamang ay may nasagap na sabi-sabi ang mga alaga kong lobo.

Mayroon daw nagtatatakbong bampira na putol ang dalawang kamay at parang baliw na isinisigaw na si Loki daw

ang gumawa noon sa kanya!

Page 28: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 28/283

 

Sa nagdaang dalawang taon, usap-usapan na nga ang pamamaslang sa lahing bampira. At marami ang nababahala

sa tumataas na bilang ng mga napapaslang.

Si Loki ba talaga ang nasa likod niyon?

"Hoy ungas! Tingnan mo nga yang dinadaanan mo?!" 

Umismid ako sa pinakakinaiinisan kong kapatid. Heimdall ang pangalan niya. "Tanga! Tinitingnan ko nga ang

dinadaanan ko kaya hindi ko napansing nandiyan ka pala!" 

 Aktong bubunot ng sandata si Heimdall pero may pumigil sa kanya.

"Dun kayo mag-away sa labas wag dito!" bulyaw sa amin ng panganay naming kapatid na si Odin. Nasa likod niya

ang pangalawang si Thor. Palagi silang magkasama at halos hindi mo makikita ang isa na wala ang isa.

"Odin, gusto kitang makausap." sabi ko.

Makahulugang tumingin si Odin kay Heimdall.

Nagsalubong man ang kilay niya, wala pa din siyang nagawa kundi ang umalis.

"Ano yun Fenrir?" 

"May balitang kumakalat na Loki daw ang pangalan ng nilalang na pumapaslang ng mga bampira!" 

"Hooh? Talaga?" nakisali sa usapan si Thor.

Tumango ako.

Page 29: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 29/283

 

"--Ang gusto mo ay tulungan ka naming maibalik dito si Loki tama ba?" diretsahang tanong ni Odin. Alam

naman niyang yun ang balak ko matagal na.

Tumango ulit ako.

"Pasensya na! Gusto din naming bumalik siya dito, pero hayaan na lang natin na tadhana ang gumawa nun!" 

Pagkasabi nun ay kaagad na silang naglaho pareho.

Mga tamad!

Mas gusto lang nilang panoorin ang mga pangyayari!

Hay sayang ang kapangyarihan ninyo!

Bahala kayo.. 

Lumabas ako at nagtungo sa Bifrost. Iyon ang tanging tulay na nagdudugtog sa Asgard at sa mundo ng mga tao.

Nakalubog sa ilalim ng karagatan ang pinakatulay ng Bifrost na gawa sa yelo; kaya naman kapag tumawid ka dito,

pihadong mababasa ng tubig ang paa mo.

Sa oras naman na lumagpas ka sa tulay at aksidenteng nahulog sa karagatan, kakainin ka ng higanteng isda na

tatlumpung talampakan ang laki.

Cool di'ba?

Pagtawid ko, binuksan ko kaagad ang tarangkahan patungo sa mundo ng mga tao.

Hantayin mo ako Loki!  

Page 30: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 30/283

 

****

Heimdall's POV: 

May araw din sa akin yung mayabang na Odin na yun! Lalung lalo na yung hinayupak na Fenrir na yun!  

"Brader! Bakit ka petix diyan?" 

Lumapit sa akin si Balder. Partners in crime kami ng ugok na yan. Parang sina Odin at Thor!

Ngumisi ako. "Balder, nagpaparamdam na si Loki! Naaayon ang lahat sa plano!" 

"Magaling brader!" pumalakpak pa siya. "Ano ang susunod nating hakbang?" 

"Syempre... WALA! Dahil pinapaslang ni Loki ang mga kalahi natin, siguradong tutugisin siya ni Tyr." 

Si Tyr ang pang-lima sa aming magkakapatid. Eksperto siya sa digmaan. Katumbas niya ang isandaang libong

kawal! Oha!

Tumawa ako nang sobrang lutong kahit wala namang nakakatawa.

Tumawa din si Balder para hindi ako muntanga.

Nagtawanan kame.

****

Serenity's POV: 

Page 31: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 31/283

 

Kung kahapon ay wala akong gana, ngayon naman ay wala akong kabuhay-buhay.

Simula nang dumating sa buhay ko si Loki, (two nights ago) Para nga akong namatay.

Pagbalik niya ay dun lang ako mabubuhay.

Mamamatay na naman ako pag alis niya.

Sana ay hindi na siya magpakita sa akin mamayang gabi at sa mga susunod pang gabi nang hindi ako

nagkakaganito!

Braaaag!  

Nagulat ako sa tambak ng makakapal na librong bumagsak sa desk ko.

"Nababaliw ka pa rin ba bez?" si Coleen. Dismiss na ang last period kaya nandito na naman siya.

"Oo eh." wala sa isip kong sagot.

"Mag-artista ka na kasi! Tas kunin mo akong manager ha?" 

Haha. Matagal na niya akong kinukulit na mag-artista daw ako. Yayaman daw kasi siya kapag naging talent manager

ko siya.

Ewan ko ba dito kay Coleen! Hindi naman naghihirap ang pamilya niya pero sobra ang pagka-obsess niya sa pera.

Pera daw kasi ang nagpapaikot sa mundo!

"Ayokong mag-artista.." sabi ko.

Page 32: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 32/283

 

"Kapag nag-artista ka, mas mahal kong maibebenta itong mga pictures mo." 

Nanlaki ang mga mata ko sa hawak niyang mga photopapers. Stolen shots ko lahat iyon!

Nang hahablutin ko ang mga pictures, umiwas siya. Sa sobrang bwelo ko, plakda ang mukha ko sa desk na nasa

kanan.

"Aray!" daing ko habang minamasahe ang ilong ko.

"May chika pala ako sayo! Sigurado akong matutuwa ka!" biglang sabi ni Coleen na para bang walang nangyari

sakin.

"Ano?" naiiyak kong tanong.

Sinahod niya ang kanyang palad. "Bayad muna." 

Dinukot ko ang wallet ko at inabot ko sa kanya.

"Bumili si Rain ng picture mo! Pinakyaw pa niya!" 

Natanga ako sabay namula. "Naku! NAKAKAHIYAAA! Iniisip niya siguro na nagpapapansin ako kaya

binebenta mo mga pictures kooo!" nagmaktol ako na parang bata.

"Oo! Yun nga ang iniisip niya!" lalo akong naiyak sa sinabing yan ni Coleen.

"Malapit na ang JS Prom, bakit hindi mo siya yayaing maging date mo?" nagmove on na naman si Coleen sa

next topic na para talagang hindi importante ang opinyon ko. Pero sanay na ako. Kahit binubully niya ako, siya lang

talaga ang gusto kong bestfriend sa buong mundo!

Page 33: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 33/283

 

"Kaya ko bang gawin yun bezy?" tanong ko habang nagpapahid ng luha.

"Sinabi ko na sa kanya na plano mo siyang yayaing maging date mo." kampante niyang sagot habang

binubuksan ang wallet ko.

Napanganga ako sa sinabi niya sabay iyak na naman. "Anong kasalanan kooo?! Bakit moko pinagkakanulo

bezyyyy huhuhu.." 

Walang kaemo-emosyon niya akong tiningnan. "Hwoy, ikaw na nga itong nilalakad sa crush mo.. May bayad yun

syempre!" nilimas muna niya ang wallet ko bago ibinalik sa akin.

Paglabas namin ng classroom, nandoon at nag-aabang si Rain. Magkaklase sila ni Coleen at lagi silang magkalaban

sa unang pwesto. Bukod dun, athletic pa siya!

"Una na ko." sabi ni Coleen sabay lakad. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit binawi niya at nagtuloy tuloy umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Rain.

"K-kanina ka pa ba nandiyan?" pauna kong tanong.

Ngumiti siya. Ang ganda ng mga ngipin niya! Yieee.. "Ayos lang." 

"Pasensya na kung hinarass ka ni Coleen para bumili ng pictures ko! Pero.. Pero hindi ako nagpapapansin!" 

"Wag kang mag-alala, hindi ko iniisip yun!" 

Tumingin ako sa sahig. Wala kasi akong maisip sabihin.

Naramdaman ko ang likod ng kamay niya sa pisngi ko.

Page 34: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 34/283

 

"Umiyak ka ba?" tanong niya.

Sunod sunod ang aking pag-iling. "Naku h-hindi!" 

"Ah ganun ba.." saglit siyang natigilan ngunit nagpatuloy. "Nga pala, sinabi sa akin ni Coleen na yayayain mo

akong date sa JS." 

Napakagat labi ako.

"Sorry pero may ibang babae kasi akong gustong ayain.. Sana hindi sumama ang loob mo." 

BOOM! Busted!  

Nasaktan ako. Sobra! Pero hindi ko ipinakita. "A-ayos lang! Paano, mauna na ako!" 

Nilagpasan ko siya. Tahimik akong lumabas ng building. Pagdating ko sa may gate, hindi ko inaasahan ang taong

nakita ko. Walang iba kundi si Loki!

Lumapit siya sa akin at hinaplos haplos an buhok ko. "Kawawa ka naman. Mukhang tinanggihan ka ng isang

lalake." 

Nang-asar pa?! Pag-untogin ko kaya kayo ni Coleen? 

Pasalamat kayo at sa isipan ko lang kayo kayang saktan!

Pero teka, mas mahalaga itong itatanong ko. "Anong ginagawa mo dito? Hindi pa gabi ah?" 

"Dapit-hapon na Serenity ko. Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw." 

Page 35: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 35/283

 

"Serenity ko?!" ulit ko.

"Bakit? Pag-aari naman kita diba?" 

Pagkurap ni Loki, nagbago ang kulay ng mga mata niya. Ang galing!

"Bakit paiba-iba ang kulay ng mata mo?" 

Pumikit siya. Pagdilat ay iba na naman. "Nagbabago ang kulay ng mata ko, depende sa nararamdaman ko." 

"Ahh.. Oh bakit ka NGA nandito?" ulit kong tanong. "Nakauniporme ka pa eh hindi ka naman totoong

estudyante." 

Ngumiti siya. Maganda rin ang mga ngipin niya katulad kay Rain.

"Gusto lang kitang makita nang hindi gabi. Tama nga ako.. Mas maganda ka ngayon." 

 At tama rin ako, mas gwapo ka kapag bihis-tao.

"Serenity, sino yang kausap mo?" 

Lumingon ako at nakita ko si Rain. Hindi maipinta ang mukha niya, na siyang ipinagtataka ko.

4th Night: 

Loki's POV:

Page 36: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 36/283

Nandito ang lalaking tumanggi kanina sa imbitasyon ni Serenity para s isang pasayaw. Narinig ko ang usapan nila

kanina. Hindi ko yun sadya. Lubhang matalas lang talaga ang aking pandinig.

Mabalik tayo. Tinatanong niya kung sino ako. Ako? Ako lang naman si--

"--Loki ang pangalan niya, Rain. Magkaibigan kami." ani Serenity.

"Ganun ba?" lumingon siya sa akin. "Ngayon lang kita nakita dito ah?" 

"Ikaw rin ngayon lang kita nakita." sagot ko naman. Sarkastiko at mabigat ang tinging ipinupukol niya sakin kahit

wala namang malinaw na rason.

Hinawakan ko ang kamay ni Serenity. Nagulat siya pero baliwala sakin. "Paano, mauna na kami." sabi ko.

Nakahakbang na kami palayo nang magsalita yung lalake. "Ah Serenity.. Yung tungkol sa JS--" 

Nilingon ko siya. "Ako ang magiging date ni Serenity sa prom." 

Gulat na napatingin sa akin si Serenity. Kinindatan ko lang siya.

Malayo na kami sa paaralan nang maglakas loob siyang tanungin ako.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo sa kanya?" 

"Oo naman. Hindi marunong magbiro ang mga kagaya ko." 

"Salamat. Wala talaga akong makakapartner dun kasi walang nag-aaya sa akin. Aasahan kita sa prom ha?" 

Tumango ako. Nagbungguan ang aming mga braso.

Page 37: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 37/283

 

"--ARAY!" daing ko. Pakiramdam ko ay napaso ako mula sa kung ano!

"Loki, baket?" tinanong niya ako.

Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Kitang kita ko na may bahagi ng aking braso na umuusok.

Tumingin ako sa kanyang braso. Kaya naman pala. May suot siyang pulseras na gawa sa pilak!

Kahinaan ng mga kagaya ko ang pilak. Iwinagayway ko ang aking braso hanggang sa napawi ang usok.

"Wala ito Serenity. Nadikit lang ako sa silver mong bracelet." 

"Nasasaktan din pala kayo.." komento niya.

"Sa kasamaang palad, oo." 

Hinubad niya ang kanyang pulseras at ibinulsa. Bakit pa? Gusto ba niyang muli kong hawakan ang kamay niya?

Sige. Hinawakan kong muli ang kanyang kamay na ang mga daliri ko ay nasa pagitan ng kanyang mga daliri.

Mainit ang kanyang palad. Kumportable.

"--Alam mo Loki, pagkatapos ng mga nangyari kagabi, ipinagdarasal ko na sana ay hindi ka na magpakita

ulit." 

"Bakit?" 

Page 38: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 38/283

 

"--Kapag kasi kasama kita, wala akong naiisip na kahit ano. Pero kapag umalis ka na, nahihirapan ako

kakaisip-- magulo." 

"Ano bang iniisip mo?" 

****

Serenity's POV: 

 Ano ang isasagot ko sa tanong niya?

 Alam ko kung ano. Ngayon lang ako naging sigurado nang muli siyang magpakita. Pero paano ko sasabihin? Paano

kung ako lang ang nakakaramdam nito?

It's now or never. 

"Sa tingin ko kasi-- mahal na kita." hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong courage sa buong buhay ko.

Kung kay Rain, hiyang hiya ako noon na ipahayag ang aking paghanga, bakit sa harap ni Loki ay nakaya kong

sabihing mahal ko na yata siya?

Hintay! Kailangan kong ipaliwanag ang sinabi ko! Mahirap na-- "Ahm.. Inaamin kong natatakot ako sayo nung

una. Pero nawala yung takot na yun na parang bula-- pagkatapos ng halik natin kagabi-- wag kang mag-alala,

wala akong inaasahan mula sayo. Naiintindihan ko naman kung alipin talaga ang turing mo sakin." 

Hay hindi ko na naipreno ang bibig ko. Napaiyak ako sa sobrang kaba ko sa paghihintay kung ano ang isasagot niya.

Siguro hahagulgol ako kapag nalaman kong may ibang babae siyang minamahal.

Humarap siya sakin at pinahid ang mga luha sa aking pisngi.

Page 39: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 39/283

 

"Mahal kita Serenity. Sigurado ako dun." 

****

Loki's POV: 

Totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Ang puso ng bampira ay iisa lang ang pagmamahal na itatangi habambuhay. At

naramdaman ko iyon sa babaeng nasa harap ko ngayon. Si Serenity lang. Wala nang iba.

Wala ito sa aking plano. Ngunit tadhana na ang nagbigay sa akin nito. Iyon nga lang, sa maling panahon; sa

kasagsagan pa ng paghahanap ko sa nawawalang bahagi ng aking pagkatao.

Mananahimik na lamang sana ako at itatago sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Subalit nagtapat siya

sa akin. Hindi ko kayang pahirapan ang kanyang kalooban. Lubhang mahina siya upang magdusa sa bilanggong

damdamin.

Sa aking kalagayan ngayon bilang isang bampira na mamamaslang, pipilitin kong itago siya. Kakayanin kong ingatan

siya gamit ang aking totoong lakas.

Hinawakan ko sa baba si Serenity at bahagyang iniangat ang kanyang mukha. "Tumingin ka sakin Serenity.

Posibleng malagay sa panganib ang buhay mo dahil sa akin. Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para

maprotektahan kita--"

Tinitigan niya ako ng kanyang mga inosenteng mata. "Basta nandiyan ka, alam kong wala akong dapat katakutan.

Wala nang mas nakakatakot pa kaysa sayo e--"

Saglit akong nakadama ng kakaibang presensya. Ito na nga ba ang sinasabi kong panganib!

"Bakit Loki?" naaalarmang taong sa akin ni Serenity.

Page 40: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 40/283

 

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa kanya. Ipinikit ko ang kanyang mga mata. Wala pang isang segundo ay wala

na siyang malay.

Nang mga panahong ito kasi ay nasa paahan na kami ng gubat malapit sa mansion nila Serenity. Kumagat na rin

ang dilim kaya't marami na ang naglalabasang panggabing nilalang.

Isinandal ko ang natutulog na si Serenity sa isang matandang puno ng mangga. Habang buhay ako, walang

makakalapit sa puno na iyon, lalung lalo na sa pinakamamahal ko.

Nagbago ang kulay ng mga mata ko. Kakulay ng mga mata ng sa pusa. "Magpakita ka nang pangahas ka!" hamon

ko sa kung sino mang nilalang ang nagtatago sa malapit.

Tila walang balak umatake ang nilalang na iyon dahil maayos itong nagpakita. Bumaba ito mula sa itaas ng puno.

 Anyong tao ito at nakasuot ng kaswal na pananamit. Subalit may kakaiba sa kanya--

"--Hindi ka tao, at mahina ang amoy ng isang bampira sa iyo. Anong uri ka ng nilalang?" 

"Loki, ako to!" aniya.

Nagulumihanan ako. Kung magsalita siya ay parang pamilyar ako sa kanya."

Humakbang siya palapit. Umatras ako ng bahagya.

"Ako ito! Si Fenrir!" 

Fenrir? 

****

Fenrir's POV: 

Page 41: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 41/283

 

Naglaho sa kinatatayuan si Loki. Pagkatapos ay biglang nasa likod ko na siya. Ang mga daliri niyang may matutulis

na kuko ay ramdam ko sa aking leeg.

"Hindi kita kilala kung kaya't habang maaga ay sabihin mo na ang pakay mo." narinig kong sinabi niya buhat sa

aking likuran.

Bumuntong hininga ako. "Loki.. Kung hindi mo na rin alam, ikaw ang bunso kung kaya't ikaw ang

pinakamahina sa ating lahat Nunca na matatakot mo ako. At lalong hindi mo ako mapapatay."

Ewan ko kung totoong mahina siya, pero kampante kong inialis ang kanyang kamay at umikot paharap sa kanya.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit hindi mo na ako makilala?" 

"Wala akong maalala--" 

Walang maalala? Anong nangyari kay Loki? 

"Buweno, paano ka nabubuhay kung wala kang maalala? May tumutulong ba sa'yo?" 

 Ayaw magsalita ng kapatid ko. Halatang wala pa siyang tiwala sa akin. O maaaring iniisip niya na kalaban talaga ako.

Nag-iba ang aura niya. Balak niyang itaas ang porsyento ng kanyang lakas.

Itinaas ko ang aking mga kamay at sinapo ang buo niyang mukha. Natigilan siya. "Wag kang padalos-dalos Loki!

Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, malalaman ko rin yun sa ibang paraan. Ito lang ang tatandaan mo.

Hindi ako ang kalaban mo." 

Ibinaba ko ang kamay ko at naghanda na upang lisanin ang lugar. May naalala pala ako. "Mag ingat ka sa

bampirang ang pangalan ay Tyr. Brutal siya at maraming ulit ang lakas kaysa sa iyo." 

Page 42: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 42/283

 

"Sagutin mo ang itinanong ko Fenrir. Anong uri ng nilalang ka?" 

Para sa ikatatahimik ng bunso kong kapatid, sasagutin ko na kahit nakakasawang sabihin. "Isa akong taong lobo

na may dugong bampira. Tuwing kabilugan ng buwan ay nagpapalit ako ng anyo." 

Kaagad akong lumisan. Hanggat hindi pa malinaw ang lahat, mas dapat kong unahin ang pag iimbestiga.

****

Serenity's POV: 

Parang tumigil ang oras ko at yung kay Loki ay hindi!

Isang minuto, nasa paahan kami ng gubat. Pagkurap ko, heto na ako at nakatayong mag-isa sa pinto ng aming

mansyon. Ang weird!

"Senyorita! Ginabi ka yata?"  sinalubong ako ni yaya Mameng pagkapasok na pagkapasok ko.

"Pasensya na po! Nagpasama lang sandali si Coleen sa bayan." pagsisinungaling ko.

Sa buong gabi ay walang laman ang isip ko kundi si Loki. Sana ay maayos man lang siyang nagpaalam bago

umalis..

Nagbalik-tanaw nang kusa ang isipan ko. Sa totoo lang ay pang-ilang ulit na to!

Parang nakatigil lang ako sa iisang memorya.. Nung sinabi ni Loki na mahal din niya ako!

Nangiti ako. Kinilig. Pero.. Wala siya. Walang kasiguraduhan kung kailan ulit siya magpapakita.

Page 43: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 43/283

 

 Ay teka, alam ko palang tuwing gabi lang siya nagpapakita. At tatlong sunod na dilim ko na siyang nakikita.

Nanlumo pa rin ako. Nabubuhay kasi kami sa magkaibang oras. Ako sa araw. Siya sa gabi. Dahil dun, limitado lang

ang oras naming nagkakasama.

Di bali na! Nakahanda na akong mapuyat!

Kahit walang pasok kinabukasan ay nakatulog ako nang maaga.

Paggising ko ay umaga na!

Loki? 

Waaaa!  

Napabalikwas ako ng bangon. Muntik pa akong mahulog sa kama. Sinampal sampal ko ang sarili ko.

Engots! Bat di ka gumising ng ala una?!

Natigilan ako nang makita ang isang piraso ng pulang rosas sa may paahan ko.

Nagpunta dito si Loki? Bakit hindi niya ako ginising?

Hinablot ko ang rosas at hinanapan ko ito ng vase. Inilagay ko siya sa bedside table para lagi kong makikita.

Magdamag akong tulala sa harap ng rosas hanggang sa pumasok sa silid si yaya Mameng ko at ibinalita ang isang

hindi inaasahang panyayari.

Page 44: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 44/283

5th Night:

Serenity's POV:

Pumanaw ang auntie Kristanna kagabi. Nakakatandang pinsan siya ng aking mama.

Limampu't limang taong gulang na si auntie ngunit dalaga pa rin ito at hindi binalak mag-asawa kahit kailan.Tumanda siyang nag-iisa; pumanaw nang nag-iisa.

 Ang sabi ay natural ang kanyang pagpanaw na sanhi ng depresyon. Naawa ako sa kanya kaya't agad akong

nagtungo sa kanyang tahanan.

Nakaburol ang kanyang bangkay sa kapilyang ipinatayo niya mismo noonsa loob ng lupaing pag-aari niya.

Pinagmasdan ko ang kanyang katawang walang buhay na nakahimlay sa mga rosas sa loob ng isang puting

kabaong.

Payapa ang kanyang mukha bagama't bakas ang kanyang edad.

Naluha ako para sa kanya. Sa mga pasakit na ni minsan ay hindi niya naibahagi kanino man.

Bakit, auntie Kristanna? Bakit pinili mo ang pag-iisa?

Tumuloy ako sa kanyang tahanan. Mistulang nagdadalamhati rin para sa kanya ang bahay na kumupkop sa kanya

sa loob ng maraming taong pag-iisa. Malamlam at mapanglaw ang liwanag sa kabahayan. Makakapal ang mga

kurtina kung kaya't may mga bahaging hindi naaabutan ng sikat ng araw.

Pinaghiwalay ko ang isang pares na kurtina. Sumungaw si haring araw.

Ngunit hindi pa rin iyon sapat para pawiin ang kalungkutan sa lugar na ito.

Sa silid ni auntie Kristanna mas higit kong nadama ang kanyang pighati. Di hamak na ito ang pinakamadilim na silid

sa lahat. Binuksan ko ang bintana. Hinawi ko ang mga kurtina. Pumasok ang banayad na hangin. Umupo ako sakama at dinama ang satin na tela sa aking mga daliri.

Saka ko napansin ang tila isang aklat na nakaipit sa isa sa mga unan ng kama. Kinuha ko iyon at sinuri.

Isang talaarawan iyon.

Nagsusulat sa talaarawan si Auntie?

Binuklat ko ang unang pahina at sinimulang basahin iyon.

Kristanna's POV [Diary Entry]: 

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Bisperas ng pasko. Nakilala ko si Dante. Disisyete anyos ako at siya aydisiotso. Sa idinaos na piging kami nagkadaupang-palad. Anak siya ng kumpare ng aking ama. Hindi ko

maipaliwanag kung bakit pero parang nahulog agad ang loob ko para sa kanya. Bakit nga ba hindi? Siya ay gwapo at

napakakisig, bukod pa doon, isa siyang maginoo, edukado, mabait, at higit sa lahat ay hindi mayabang.

Nang magtama ang aming paningin, lumapit siya sa akin at inaya akong sumayaw.

Hay.. Parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa. Ang bawat segundo ay katumbas ng walang hanggan.

Page 45: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 45/283

Ngunit syempre, natapos din ang gabi. Sana ay muli kaming magkita..

****

Serenity's POV: 

Hindi arawan ang petsa ng pagtatala ni Auntie Kristanna sa kanyang talaarawan. Nakasulat lamang ang mgaimportanteng nangyari sa kanyang buhay--partikular na umiikot ang mga tala sa binatang nagngangalang Dante..

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Nasundan pa ang pagkikita namin ni Dante. Kanina, araw ng kapaskuhan ay naglakas-loob siyang dalawin ako sa

aming bahay. Malugod siyang tinanggap ng aking mga magulang sapagkat kilala siya ng mga ito.

Nang mapag-isa kami, marami kaming napag-usapan tungkol sa aming buhay.

Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Nag-iisang anak lang siya. Ang kanyang ina ay pumanaw sa

 panganganak sa kanya. Imbes na muling mag-asawa ay iniukol na lamang ng ama niya ang oras sa pag-aaruga sa

kanya.

May napansin din ako kay Dante. Sa kabila ng kanyang sigla, hindi ko maiwasang mapaisip kung mayroon ba siyang

sakit na dinaramdam.

Maputla kasi siya na hindi ko napansin kagabi.

Inaya ko siya sa aming hardin upang mamasdan niya ang mga tanim kong iba't ibang kulay na rosas. Paborito niya

ang kulay pula.

Humingi siya ng pahintulot upang pumitas ng isa. Pumayag naman ako.

Isinabit niya iyon sa likod ng aking tainga. Abut abot ang kilig na naramdaman ko nang mga panahong iyon.

Kahit kailan, habang nabubuhay ako ay hindi ko kakalimutan ang araw na ito bukod pa sa pagsilang ni Jesus.

****

Serenity's POV: 

Nakaipit sa pahinang iyon ang ilang pirasong talulot ng natuyong rosas. Kulay tsokolate na ang dating pulang kulay

nito. Maselan na iyon dahil sa tagal na ng panahong nakaipit nito sa talaarawan.

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Ito ang araw na naghayag sa akin ng pagtangi si Dante. Nagpapasalamat ako sa Diyos at dumating na ang araw na

hinihintay kong sabihin niyang iniibig niya ako.

Inamin ko rin sa kanya na iniibig ko rin siya.

Sasaglit lang na panahon at kakakilala pa lamang namin. Ngunit papapigil ba ang tibok ng mga pusong sadyang

 pinagpares ng tadhana?

Nagyakap kami. Damang dama ko ang tibok ng kanyang puso at ang init ng kanyang pagmamahal. Matutuwa ang

aking mga magulang kapag nalaman nilang kami ay nag-iibigan!

Page 46: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 46/283

Di iilang beses kong narinig mula mismo sa kanila ang mga pahayag na botong boto sila kay Dante upang maging

kasintahan ko. At kung papalarin daw ay sana siya na nga ay maging aking asawa!

Salamat sa panginoong lumikha at ibinigay niya ang lahat ng  kaligayahang tinatamasa ko ngayon. Perpekto na ang

aking buhay, wala na akong mahihiling pang iba.

****

Serenity's POV:

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, hindi inaasahang mapaluha ako. Ang auntie Kristanna ko ay minsan palang

nakaranas ng walang kapantay na kaligayahan. Subalit bakit nauwi ang lahat sa kalungkutan?

Sino ang nag-alis ng kaligayahan sa auntie ko?

Si Dante, nasaan si Dante? Iniwan ba niya si Auntie? Pinagpalit sa iba?

Binuklat ko sa susunod na pahina ang talaarawan--

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Di na rin nagtagal ay ipinagkasundo na kami ng aming mga magulang. Kami ni Dante ay nakatakdang magsama

habambuhay bilang mag-asawa.

Ito na sana ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

Kung hindi lamang nangyari ang isang pangyayaring hindi inaasahan.

 Aksidente kong nakitang sumuka ng dugo si Dante habang patungo siya sa kasilyas ng aming bahay.

"May sakit ka?" tanong ko.

Umiling siya.

Nag-aalala na ako nang husto.

Nawalan siya ng malay sa harapan ko!

Ngayon ay isinugod siya sa hospital. O Diyos ko, sana ay walang masamang mangyari kay Dante..

****

Serenity's POV:

Nalungkot ako sa nangyari kay Dante. Sana ay ayos lamang siya at wala sanang nangyaring masama sa kanya!

Binuklat ko ang sumunod na pahina. May nakalagay na petsa subalit isang salita lang ang nakalagay. Ganun din sa

mga sumunod na ilan pang pahina.

Sa palagay ko ay gustong magsulat ni Auntie nang mga panahong iyon subalit hindi niya magawa. May nangyari

kaya?

 Ang sunod na pahina ay may tala na. Pero batid ko ang mga bakas ng luha na humalo sa tinta ng panulat niya..

Page 47: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 47/283

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Pumanaw na si Dante. Ang pinakamamahal ko, wala na siya!

Dumaan ang mga araw. Naiburol siya at ngayon ay galing kami mula sa paghatid sa kanya sa kanyang huling

hantungan.

Nang mga nakaraang araw ay gusto kong sumulat dito. Subalit hindi ko kaya.

Hindi ko kayang isulat ang paghihirap na dinanas ni Dante habang iginugupo siya ng kanyang sakit.

Narooroon lamang ako sa kanyang tabi. Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang kanyang paghihirap.

Naroroon din ako nang sumuko na siya sa kamatayan.

Naroroon pa rin ako sa kanyang tabi nang inaalayan ng pari ng misa ang kanyang bangkay.

Naroon din ako at isa sa mga unang nagtabon ng lupa sa kanyang ataul na anim na talampakan ang lalim mula sa

aking tinutuntungang lupa.

 Ang sakit. Bakit pa siya ibinigay sa akin kung mawawala din siya kaagad. Bakit hindi ko naisip na hindi siya laan para

sa akin? Bakit ang buong akala ko ay sa akin lamang siya?

Marami akong mga katanungan Panginoon ko. Bakit?

****

Serenity's POV:

Parang kinurot ang puso ko. Namatay ang pinakamamahal ni auntie!

Iyon ang pinakamasakit sa lahat bagaman hindi ko pa nararanasan.

Hindi na ba talaga nalimot ni Auntie si Dante at hanggang ngayon ay ito pa rin ang mahal niya?

Bakit ganun? Mabait naman ang auntie niya.

Kapag kapalaran ba talaga ang nagtakda ng isang trahedya, totoo bang wala na tayong pwedeng gawin para

maiwasan ang ayaw nating maganap?

Bumalong ang aking luha at napagtanto kong hiram lang natin ang lahat. Maging ang mga panandaliang ligaya sa

ating buhay.

Ngayon ay masaya na siguro si Auntie Kristanna, sa piling ng Panginoon at sa piling ng kanyang pinakamamahal na

si Dante.

Sigurado akong nagkita na sila ngayon at masaya na panghabambuhay.

Muling nadako ang aking pansin sa talaarawan. Hindi pa doon nagtatapos ang mga tala ni auntie. Marami-rami pa

siyang isinulat.

Bubuklatin ko na sana ang susunod na pahina nang biglang bumukas ang pinto.

"Serenity! Nandito ka lang palang bata ka! Halika na at pinapatawag ka na ng mga magulang mo! Uuwi na daw tayo!"

Page 48: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 48/283

si yaya Mameng iyon.

Kaagad kong isinara ang talaarawan ni auntie Kristanna at itinago sa aking likuran. Kipkip ko iyon hanggang sa aking

pag-uwi sa mansion.

Ngayon lamang ako nagkaroon ng interes sa buhay ng auntie ko na tumandang dalaga.

Inipit ko ang talaarawan sa ilalim ng aking unan.

Nandun lamang siya, nag-aabang ubang mabasa ang iba pa niyang iniingatang mga kwento at sikreto.

Kalaunan ay nawala sa isip ko ang talaarawan. Tambak kasi ang mga takdang aralin ko. At nagsusumiksik pa sa

malaking bahagi ng isipan ko si Loki.

Tama. Si Loki.

6th Night:

Loki's POV:

Laman pa rin ng aking isip ang mga sinabi ng nilalang na nagngangalang Fenrir.

Bunso ang tawag niya sa akin. Magkapatid kami kung ganun? Pero bakit sa tingin ko ay hindi niya kilala ang aking

ama?

Dapat ko bang ipabatid sa aking ama ang tungkol kay Fenrir?

Hay.. Puro ako tanong. Puro tanong.. Nakakasawa na.

Kasing nakakasawa ng pagpaslang ko sa mga bampirang wala namang direktang kasalanan sa akin.

Umayos ako ng higa.

Panibagong tanong na naman ang umibabaw sa aking isipan.

Paano na kami ni Serenity?

Tao si Serenity.

Pagkain ko ang dugo ng tao.

Tumatanda ang tao. Ang bampira, hindi.

Page 49: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 49/283

Ganoon pa rin ba ang mararamdaman kong pag-ibig sa kanya kapag nag-iba na ang pisikal niyang anyo?

Kakayanin ko bang panoorin siya sa kanyang pagpanaw kung sakali?

Bumangon ako at naupo sa kama.

Kailangang may magbago sa aming dalawa.

Hindi na ako maaaring maging tao.

Pero si Serenity.. maaari siyang maging isang bampira kagaya ko..

 At magsasama kami habambuhay..

Nailing ako.

Hindi masaya ang buhay bampira. Lahat kami ay madilim ang daang tinatahak, walang puso at walang kaluluwa ang

umiiral sa amin.

 Ang imortalidad ay hinihila kami pabagsak sa aming kapalaluhan.

 Ang gutom ay inihahadya kami sa kasamaan at kasakiman.

 Ayokong maranasan iyon ni Serenity..

Tumayo ako. Oras na muli ng aking paggising.

****

Serenity's POV:

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang bigat pa ng aking pakiramdam. Humarap ako sa gilid.

Kailangang dumilat na ako. Pag hindi, hindi ko maaabutan si Loki.

Pinilit kong dumilat.

Bahagya akong napabalikwas dahil namasdan ko ang mukha ni Loki.

Nakahiga siya sa aking tabi, may hawak na pulang rosas at mataman akong pinagmamasdan.

Page 50: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 50/283

Ipinatong ko ang aking pisngi sa likod ng aking palad. "Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Pinutol niya ang mahabang tangkay ng tangan niyang rosas at ang bulaklak ay inipit niya sa likod ng aking tainga.

May naalala akong bigla.. Si Auntie Kristanna at si Dante.

Nalungkot ako..

Natakot ako..

Kumapit ako sa kanyang braso at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Wag mo akong iiwan Loki. Wag kang mamamatay kagaya ni Dante. Kasi..

Kasi.. malulungkot ako..

Hahanap-hanapin kita..

Baka.. Katulad ni Auntie Kristanna ay piliin ko rin ang habambuhay na pag-iisa.

Humikbi ako. Napalakas. Narinig niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

"May naalala kasi ako.. Isang malungkot na kwento."

Inangat niya ang aking mukha. Pinahid ang aking mga luha.

Sa kabila ng kadiliman ng aming paligid, malinaw kong naaninag ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata.

Tumitig ako sa kanyang mga mata. Nakakahipnotismo ang mga iyon. Nakakawala ng lahat ng alalahanin.

 Ang mga daliri ko ay dumapo sa kanyang malambot na mga labi. Dinama ko iyon.

"Halikan mo ako." sabi ko.

Marahan siyang lumapit.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sumisikdo ang aking puso.

Page 51: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 51/283

 

 Ang pakiramdam na muling naglapat ang aming mga labi ay walang katulad. Mas taos sa puso kaysa nung una.

 Ayoko nang matapos ito.

Subalit wala akong kakayahan upang itigil ang pagpatak ng oras.

Pagmulat kong muli, umaga na. Mataas na ang sikat ng araw.

Wala na si Loki.

****

Fenrir's POV:

Palihim kong minamatyagan si Loki. Palihim ko rin siyang sinusundan.

Kagabi ay nasumpungan ko siyang tumungo sa loob ng isang mansion na nasa gitna ng kagubatan.

Doon din siya tumungo nang una kaming magkita.

 Ano ang pakay niya doon?

Ikinagulat ko ang malaya niyang pagpasok mula sa isang bukas na pinto ng isa sa mga veranda.

May permiso si Loki. Sino ang nagbigay nun?

Inalala ko ang babaeng kasama ni Loki sa kakahuyan.

Iniibig ba ni Loki ang babaeng yun?

 Ayoko ng puro tanong. Ang gusto ko ay sagot!

Kaya't heto, nasa tapat ako ng tarangkahan ng mansyong madalas puntahan ni Loki.

 Aabangan ko ang babae. Tatanungin ko siya ng tungkol sa aking bunsong kapatid.

Di katulad ng mga bampira, malaya akong nakakagala sa ilalim ng sikat ng araw. Pag-aari ko ang dalawampu't apat

na oras ng aking isang araw.

Bumukas ang tarangkahan.

Page 52: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 52/283

 

Lumabas ang babae na aking sadya. Napagtanto ko kung bakit interesado sa kanya si Loki.

Una sa lahat, mabango siya. Humahalimuyak. Idagdag pa ang kanyang nakabibighaning ganda. Mahinhin siyang

kumilos at mukhang di makabasag pinggan.

Nagtama ang aming paningin. Lumapit siya sa akin. "May kailangan ka ba?" 

"Naliligaw kasi ako. Mali ang nadaanan ko. Imbes na patungong kalsada ay lalo pa akong napasubo sa loob

ng kagubatan.”

Ngumiti siya. Maganda ang kanyang ngiti. Kasing ganda ng sikat ng araw sa umaga.

"Mabuti na lamang at nagawi ka dito. Ito lang ang bahay sa pusod ng kagubatan. At--kabisado ko ang daan

palabas. Papasok ako sa eskwela ngayon kaya't pupunta ako sa bayan."

Masayahin siya at mukhang positibo ang pananaw sa buhay.

"Kung ganun ay maaari ba akong sumabay sayo?" tanong ko.

"Halika na." yakag naman niya.

Naglakad kame. Ito na ang tamang panahon upang tanungin siya.

****

Serenity's POV:

Magaan ang loob ko sa estrangherong kasabay ko patungong bayan. Mas gusto ko talagang maglakad kapag

papasok ng eskwela; at ngayon lang ang unang beses na may kasabay ako.

May hitsura ang estranghero, mas matanda siya ng bahagya kaysa kay Loki, pero bahagya lang. Batam-bata siya at

puno ng buhay. Maganda ang kanyang tindig at matipuno. Nakasuot siya ng uniporme ng ibang eskwelahan at di ko

matukoy kung saan.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko.

"Ako si Fenrir. Ikaw?" kakaibang pangalan.

"Ang pangalan ko ay Serenity."

Page 53: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 53/283

"May gusto sana akong itanong sayo--" ani Fenrir.

"Sige.. Ano yun?"

"Ano mo si Loki?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kilala ng taong ito si Loki? Alam kaya niyang bampira si Loki?

"B-bakit?"

"Ang totoo niyan Serenity, bunsong kapatid ko siya."

Nagulat ako. Wala namang binabanggit si Loki tungkol sa pamilya niya.

"--Kung ganun, isa kang--"

Umiling iling siya sa akin.

"Nagkakamali ka. Pero hindi na mahalaga yun. Ang importante ay sagutin mo ang mga tanong ko."

Syempre hindi ko maaaring ibigay kaagad sa kanya ang tiwala ko. Paano kung kalaban pala siya ni Loki na

mapanlinlang?

"Ikinalulungkot ko ngunit wala akong maibabahaging kahit na ano.."

Hinarapan niya ako. Kinakabahan na tuloy ako. "Nawawala anga alaala ni Loki at tinutuklas ko ang misteryo sa

likod nun. Kailangan ko ng tulong mo. Ikaw lang ang may kakayahang makalapit sa kanyang damdamin."

Tinitigan ko siya sa mata. Nakita ko naman doon ang kanyang kaseryosohan at sinseridad.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

Umalis sa harap ko si Fenrir. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Magtanung tanong ka sa kanya. Ng tungkol sa

kanyang pamilya ngayon. Aasahan kita."

Tinapik niya ako sa aking balikat. Paglingon ko sa kanya, wala na siya.

****

Tyr's POV:

Page 54: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 54/283

Nakarating sa aking kaalaman ang kumakalat na balita tungkol sa mamamaslang na ang pangalan ay Loki.

 Agad akong kumilos upang kumpirmahin ang usap usapan.

Kahit pa delikado para sa akin ang direktang sikat ng araw, di ko alintana iyon. Mainam na gising ako kahit kailan.

Upang maprotektahan ang aking sarili mula sa sikat ng araw, binabalot ko ang aking katawan sa makapal na benda

at pagkatapos ay nagsusuot ako ng itim na roba.

Sinisigurado ko na walang sinong tao ang magagawi ang paningin sa akin.

Iyon bang tipong kahit nasa gitna ako ng lansangan na puno ng tao ay walang nakakapansin sa akin.

Isa iyong kakayahan ko bilang bampira.

Sa araw, tagamasid lamang ako.

Pagsapit ng gabi ay inaalis ko ang benda at saka ako sasabak sa labanan.

Matagal na akong lumalakad sa mundong ibabaw na iisa lang ang tungkulin-- Ang magbaba ng hatol sa mga

nagkasalang bampira.

 At si Loki-- kahit kapatid ko pa siya ay hindi ko siya patatawarin sa kanyang walang habas na pamamaslang sa

aming lahi.

Wala sa hinagap ko na darating ang lahat sa puntong ito.

Sa puntong kailangan kong hatulan ang sarili kong kapatid.

Si Loki pa? Mabait siyang bata at mahal siya ng lahat.

Pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Namighati kami, lalung lalo na si Ama.

Bumalik siya paglipas ng tatlong dekada. Ngunit hindi na iyon ang Loki na aming kapatid.

Isa na siyang kriminal. Isang salot na dapat patahimikin.

Inihanda ko na ang aking sarili upang tugisin siya.

Si Loki na akala ng lahat ay siyang pinakamahina.

Page 55: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 55/283

Walang nakakaalam na siya ang hinirang ni ama. Siya ang pinagkalooban ng natatanging puso ng panginoon ng

mga bampira.

Malaki pa ang potensyal niya at habang hindi pa niya iyon natutuklasan, mainam na ngayon pa lamang ay kumilos na

ako.

Lubhang mapanganib kung magising ang tunay na kapangyarihan ng minamahal naming bunsong kapatid.

7th Night

Serenity's POV:

Nasa isang silid ako at nakatunghay sa binatang natutulog sa kama. May kakatwa sa paligid ko. Nasusunog ang

unahang pader pati kisame!

Dumulog ako sa kama upang gisingin ang natutulog-- anong ginagawa niya dito?!

"Loki! Gumising ka! Nasusunog na ang silid!"

Hindi siya gumigising.

"Dante.." dinig ko mula sa kanan ko. May isang batang lalaki na nakapantulog ang lumapit sa amin.

"S-sino si Dante?" tanong ko.

Itinuro ng bata si Loki.

Siya s-si Dante?! Pero paano yun nangyari?

Humarap sa akin ang batang lalaki.

"Makinig ka Serenity, mahirap ipaliwanag dahil sa kakulangan sa oras.. Pero ikaw lang ang nakatawid sa

espasyong ito, at matagal na akong naghihintay.."

 A-anong sinasabi niya?

Nagpatuloy ang batang lalaki. "Isa itong panaginip. Pilitin mo'ng magising. Kapag nabigo ka, posibleng

ikamatay mo ito. At si Loki, hindi na niya muling maibabalik ang kanyang nawalang alaala-- kailangan mong

maipahayag sa kanya ang sinabi kong pangalan!"

Page 56: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 56/283

 

"Paano ako gigising?" natatakot na ako.. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa sitwasyong ito! Diyos

ko! Tulungan mo po ako! Pakiusap..

Lumalakas ang apoy. Malapit na iyon sa kama. Nagbabagsakan na ang mga natupok na kahoy mula sa kisame.

Pumikit ako nang mariin. Kailangang magconcentrate! Ayokong matapos lang dito ang lahat!

Gusto ko pang magpatuloy! Gusto ko pang mabuhay kapiling ang lalaking mahal ko..

Si Loki..

Loki, tulungan mo ako!

Sa aking desperasyon, sumigaw ako hanggang halos mapatid na ang mga litid ko. Sinigaw ko ang pangalan niya.

****

Loki's POV:

May masamang nangyayari kay Serenity pagkakita ko sa kanya kani-kanina lamang. Umuungol siya sa kanyang

pagtulog. Binabangungot yata siya. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit kataka-takang bigo ako.

Serenity, gumising ka! Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Niyugyog ko ang kanyang mga balikat.

Wala pa rin!

Pinakiramdaman ko ang pintig ng kanyang puso. Mahinang mahina iyon at halos hindi ko na marinig.

Serenity? Lumaban ka.. 

Bumuka ang bibig ni Serenity, waring gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses.

Wala na akong maisip gawin!

Pinahaba ko ang aking pangil at kinagat ang sulok ng aking labi hanggang sa magdugo iyon. Itinapat ko ang aking

bibig sa kanyang bibig at pinatulo ang aking dugo.

Umubo si Serenity.

Sunud-sunod.

Page 57: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 57/283

 

Mayamaya ay idinilat na rin niya ang kanyang mga mata.

Salamat naman..

****

Serenity's POV:

Pagdilat ko ay nasa aking tabi si Loki. May bakas ng dugo sa kanyang labi ngunit nang tingnan ko ay wala na iyong

sugat.

Teka.. May nalalasahan akong parang mapait?!

Sinalat ko ang malagkit na likido sa aking labi. Dugo.

Binigyan ako ni Loki ng kanyang dugo?!

Iniligtas niya ako?

Sandali! Saan nga ba ako nanggaling kanina?

Oo nga pala. Nabilanggo ako kanina sa isang kakaibang bangungot na ngayon ko lamang naranasan.

Sumagi sa akin ang batang lalake na kasama kong naroon sa aking bangungot. Sino siya?

 At yung sinabi niya--

"Dante!"

Kumunot ang noo ni Loki. "Dante?"

"--sa aking panaginip, may isang batang lalaki. Ang sabi niya'y banggitin ko sa iyo ang pangalang iyon. Kung

hindi ay hindi mo na daw mahahanap ang nawawala mong alaala.."

****

Loki's POV:

Nagulat ako sa mga ipinahayag ni Serenity ukol sa kanyang panaginip na muntik pa niyang ikapahamak.

Page 58: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 58/283

Sumailalim ba siya sa kapangyarihan ng isang makapangyarihang nilalang? Sino? Bakit?

 At bakit naengkwentro ko na naman ang pangalang 'Dante'?

"--Sa panaginip ko," pagpapatuloy ni Serenity. "Nasa loob ako ng isang nasusunog na silid--"

May tila kung anung bumundol sa aking dibdib. Hindi ako sigurado kung pangamba iyon o takot. Wala akong ideya.

"--naroroon ka at nakahiga sa kama. Ginigising kita ngunit ayaw mong magising. Biglang may lumapit sa

aking bata at tinawag ka sa pangalang Dante--"

 Ako si Dante?

Kailangan kong malaman ang totoo. Itatanong ko sa aking ama kung ako at si Dante ay iisa.

Marahil ay may alam si ama na ayaw niyang sabihin sa akin.

"Loki? Ayos ka lang ba?" si Serenity. Sapo niya ang aking pisngi.

"Malalim na ang gabi Serenity, magpahinga ka na.."

Pagkasabi ko niyon, pumikit na si Serenity. Ngunit sinigurado ko nang hindi na siya muling masasadlak sa isang

bangungot.

Imbis na maghanap ng target, umuwi ako sa aming mansyon.

Sinalubong ako ng galit ni ama. "Bakit ka umuwi Loki?!" 

"May gusto akong malaman mula sa iyo. Gusto ko'y maging tapat ka sa akin."

"Ano iyon?"

"Si Dante-- sino siya? Bakit may mga taong tinawag ako sa pangalang iyon? Ako ba siya?!"

Natigilan si ama sa mga sinabi ko. Ganunpaman, umaasa akong sasagutin niya ang aking katanungan.

"Parang awa mo na ama.."

****

Faust's POV:

Page 59: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 59/283

 

Natigilan ako sa katanungan ni Loki.

Kung siya daw ba si Dante.

Inaasahan ko'ng darating din ang araw na ito ngunit hindi sa madaling panahon.

Huminga ako ng malalim. "Oo. Iisa nga kayo ni Dante. Siya ay ang dating ikaw." 

Tumitig sa akin ang ininuturing ko pa ring anak. "Bakit wala kang naikwento sa akin tungkol sa nakaraan ko

bilang tao?"

Bakit pa? Ang katawan nga niya ay dating pag-aari ni Dante. Ngunit ibang nilalang na ang ngayo'y nananahan doon.

Isang halimaw na ang gumagamit ngayon sa katawan ng aking anak.

Makailang ulit kong pinagsisihan ang pagpayag ko na muling buhayin ang aking anak. Nang mga panahon kasing

yaon ay desperado pa ako at hindi ko talaga matanggap ang maagang pagpanaw niya. Padalus dalos ako.

Kung kaya't.. Naisilang ang isang halimaw.

"Ama!"

"Sa tingin mo ba ay importante pa na malaman mo ang tungkol sa nakaraan mo bilang tao? Loki, makinig ka-

- kahit ano pa ang gawin mo, hinding hindi mo na maibabalik ang dating damdamin mo bilang tao. Doon

nakabatay ang mga nawala mong alaala!"

Sumama bigla ang pakiramdam ko. Tahimik akong tumalikod sa kanya at tinungo ang sarili kong silid. Walang

mabuting ibubunga ang pagbubunton ko ng galit sa kanya. Maaaring maging sanhi pa iyon ng paglayo ng kanyang

loob.

Kailangang pagtiwalaan niya at kilalanin ako bilang nag-iisa niyang ama, hanggang sa huli.

Hindi na ako papayag na muli siyang agawin ng nilalang na iyon!

****

Freya's POV:

 Ako ang itinuturing na prinsesa sa walong anak ni Ymir. Labintatlong taong gulang ako nang kupkupin ako ng aming

ama.

Page 60: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 60/283

 

Labintatlong taong gulang pa rin ako magpahanggang ngayon.

Subalit hindi lamang ang edad ko ang tumigil kundi pati na rin ang takbo ng aking buhay.

Mahigit tatlumpu't dalawang taon na akong nakaupo rito at nagbabantay.

Nagbabantay nang hindi alam kung hanggang kailan magbabantay.

 At ano ba ang binabantayan ko?

 Ang paggising ni Ymir.

Heto siya sa kalagitnaan ng isang silid; nakapikit, natutulog, nahihimbing.

Naririto lamang ako. Hindi ako aalis sa iyong tabi, ama ko.

Napatda ako. Sapagkat hindi ko inaasahan ang tagpong aking nasisilayan!

Si Ymir-- si ama! Unti-unting nagbubukas ang talukap ng kanyang mga mata!

Totoo nga ba o guni guni ko lamang gaya ng mga nakaraan?

"Freya.." mahinang usal niya.

Wala akong inaksayang panahon at agad kong nilapitan ang batang lalaki na siyang aking ama.

Yumakap ako sa kanyang maliit na katawan na habambuhay ay walong taong gulang.

"Maligayang paggising! Maligayang pagbabalik mula sa inyong paglalakbay! Inaalay ko ang aking dugo--"

Inilayo niya ako mula sa kanya. "Hindi Freya.." 

Tumungo ako bilang paghingi ng paumanhin.

"Siya nga pala ama, kamusta po ang inyong misyon? Nagtagumpay ka ba?" bulong ko.

Sa aming lahat na magkakapatid, ako lamang ang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nahimbing ng

mahabang panahon si ama.

Mayroon siyang isinagawang importanteng bagay.

Page 61: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 61/283

 

Tinulungan ko siya upang makapaglakbay ang kanyang diwa sa mga panaginip ng kahit na sino. Iyon ang

natatanging kapangyarihan ko bilang prinsesa ng mga bampira.

Pero lubhang napakatagal ng paglalakbay na ginawa ni ama. Nasaid ang kalahati ng aking lakas at may mga

pagkakataong muntik na akong mamatay.

Kaya't importante sa akin na malaman kung may bunga ba ang aming mga sakripisyo at paghihirap.

Ngumiti sa akin si ama. Sapat na iyong palatandaan na nagtagumpay nga siya.

"Wala sa kalingkingan ng inaasahan nating resulta-- subalit umaasa ako na may nabago ako kahit na kaunti

lamang. Ganun talaga ang buhay. Hindi natin hawak ang mga nakatakdang mangyari." aniya.

Ngumiti ako. Alam kong dismayado pa rin si ama kung kaya't kailangan ko siyang bigyan ng simpatya.

"Nakasisiguro akong ang maliit na bagay na iyon ay magbubunga ng malaki. Parang buto na paglipas ng

maraming taon ay nagiging puno."

Tinapik tapik niya ang aking balikat bago siya tumayo nang tuluyan.

"Ngayong nagbalik na ako, gusto kong makita ang aking mga anak nang magkakasama. Humayo ka Freya.

Ipatawag mo ang bawat isa sa kanila at tayo ay magsama-samang muli. Matagal tagal na ring panahon ang

nakalipas hindi ba?"

Marahan akong tumango. Humalik ako sa likod ng kanyang palad bilang paggalang sa aking dakilang ama.

8th Night:

Serenity's POV:

Kinabukasan ay ang itinakdang libing ni auntie Kristanna. Dumalo ako kasama ang aking mga magulang. Nag-alay

ang aming pamilya ng pamisa para sa mapayapang paglalakbay ng kanyang kaluluwa sa pangunguna ng kura

paroko ng aming bayan.

Nagprosisyon kami tungo sa kanyang huling hantungan; doon sa tabi ng puntod na lagi niyang binibisita.

 Ang puntod ni Dante.

Page 62: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 62/283

Umuwi ako ng aming bahay na mabigat ang kalooban.

Gusto kong malaman ang katotohanan tungkol kay Dante pero natatakot naman ako.

Takot akong malaman na ang taong iniibig ko at ang taong iniibig ni Auntie Kristanna ay--

Tinakbo ko ang aking kwarto at kaagad kong binuklat ang talaarawan pagkahawak ko niyon.

Sinimulan kong basahin ang nalalabing mga pahina.

****

Kristanna's POV [Diary Entry]:

 Ang akala ko ay tapos na ang lahat sa amin.

Nagkamali ako.

Si Dante.. Buhay siya!

Kinagabihan pagkatapos ng kanyang libing, tulala ako sa isang sulok ng aking silid at kusang lumuluha ang aking

mga mata.

Hindi ko matanggap. Kailangang makita kong muli ang puntod ni Dante upang mapaniwala ko ang sarili ko na wala

na talaga siya habambuhay.

Kapag hindi ko gawin iyon ay hindi na ako makakapagpatuloy sa aking buhay. Makukulong ako sa alaala ni Dante.

Pagkagat ng hatinggabi, nakiramdam ako kung tulog na ang lahat. Pasimple akong lumabas ng mansiyon at

tumungo sa simenteryo.

Lumuhod ako sa harap ng puntod ni Dante--

Nagulat ako at hindi maipaliwanag ang nangyari. May kamay na lumitaw mula sa ilalim ng lupa at waring gusto nitong

makaahon.

Imbes na matakot ako, dagli akong naghukay.

Tumambad sa akin si Dante, na hinahabol ang kanyang hininga.

"Dante?"

Page 63: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 63/283

 

"Kristanna.. Nagugutom ako.." iyon ang una niyang sabi kaysa itanong kung ano ang ginagawa niya sa ilalim ng

lupa. Marahil ay nagkamali ang mga doktor. Pansamantala lamang sigurong nawalan ng ulirat si Dante ngunit

naideklara nilang patay na.

Yinapos ako ni Dante. Mahigpit. Saka niya ibinaba ang mukha sa aking leeg. Isa iyong kapangahasan pero hindi ako

tumutol. Gusto ko ang ginagawa niya.

May tila bumaon sa aking leeg at kasunod noon ay namanhid ang buo kong katawan. Nang lumayo siya sa akin,

kitang kita ko ang duguan niyang bibig. Nag-aalab ang nakakatakot niyang mga mata.

Doon ako nakaramdam ng matinding takot. Tumakbo ako palayo sa kanya. Habol-hininga ako hanggang sa makauwi

sa aming mansion. Abut abot ang aking dasal.

Oh Diyos ko! Ano po ang nangyari kay Dante?!

Inakala ko na isang panaginip lang ang lahat. Ngunit kinabukasan naroroon ang sugat na ginawad niya sa aking

leeg; maging ang bakas ng sarili kong dugo sa aking blusa ay nagpapatotoo sa mga nangyari.

Sinunog ko ang blusa na iyon.

Wala akong pinagsabihan tungkol dito.

****

Serenity's POV:

Nanginginig ang aking mga daliri. Ang puso ko na kanina ay nakikipagkarerahan sa pagpintig, ngayon ay para nang

isang namatay na ilog.

Gusto ko nang ihinto ang pagbabasa dahil alam kong ikamamatay ko lalo ang mga susunod ko pang malalaman.

Ngunit hindi ko alam kung paano ako titigil.

****

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Ilang buwan din bago muling nagpakita sa akin si Dante. Hindi na siya ganun kapangahas gaya noong umahon siya

sa lupa. Mahinahon siya ngunit batid ko ang lungkot sa mukha niya.

Page 64: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 64/283

Katunayan niyan, sikreto lamang ang pagpapakita niyang ito sa akin. Hindi na daw kasi siya maaaring magpakita pa

sa mga taong nakasalamuha niya noon.

Ibang nilalang na si Dante. Magkaganun man, siya pa rin ang nag-iisang itinatangi ng puso ko mula pa nang una

kaming magkita.

Tatanggapin ko siya kahit pa ngayong isa na siyang bampira.

Wala akong pakialam kung bakit at paano nangyari yun. Ang mahalaga ay hindi siya nawala.

****

Serenity's POV:

Sumasakit ang puso ko. Ginawa ba ni Loki kay Auntie ang mga ginawa niya sa akin?

Bakit ako nakakaramdam ng pagseselos?

****

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Nabubuhay kami ni Dante sa magkaibang oras. Ako sa umaga, siya sa gabi. Nahihirapan ako subalit kailangan kong

magsakripisyo para sa aking pag-ibig.

Nakumbinsi ko ang aking ama na gawing isang kapilya ang hardin kung saan ako nagtatanim ng mga rosas.

Nagsinungaling ako sa kanya. Ang sabi ko ay ayoko nang magtanim ng mga rosas dahil nagpapaalala iyon kay

Dante. Sa halip, gusto ko ng isang lugar kung saan ko taimtim na maipagdarasal ang kaluluwa ng mahal ko.

 Awang awa sa akin ang aking mga magulang kung kaya't di ako nakadalawang salita at pinagbigyan nila ako sa

aking hiling.

Lingid sa kanila na kailangan ko ng isang lugar kung saan magiging tipanan namin ng bampirang si Dante.

****

Serenity's POV:

Naging makasarili si auntie dahil sa pag-ibig.

Page 65: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 65/283

Ganun din ako marahil. Ang gusto ko ay para sa akin lamang si Loki..

Malayo ang petsa ng sumunod na tala. Sa tantsa ko ay may limang buwan din.

**** 

Kristanna's POV [Diary Entry]:

Sabik na ako dahil nakumpleto na ang maliit na kapilyang inaalay ko para kay Dante.

Ito ang unang gabi na dinala ko siya doon. Mangha siya sa napakagandang istruktura ng lugar.

Gumawa kami ng sarili naming seremonya ng pag-iisang dibdib.

Nangako kami na poprotektahan ang isa't isa.

 Aalagaan..

 At mamahalin habambuhay.

Sa hirap o sa ginhawa.

Sa buhay at kamatayan.

Bago siya umalis, winika niyang gusto niyang maging taong muli. Para sa akin.. Para sa amin.

****

Serenity's POV:

Naiyak na naman ako. Nainggit sa mga nakayang sakripisyo ni auntie para kay Dante. Marami din akong

makakayang gawin para kay Loki!

 At yung pag-iisang dibdib.. Gagawin din namin ni Loki yun! Pangako ko yan sa sarili ko!

****

Kristanna's POV [Diary Entry]: 

Hindi ko na nakita pang muli si Dante. Diyos ko? Nasaan na siya? Ilang gabi na siyang hindi nagpapakita..

Page 66: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 66/283

Pero maghihintay ako.. Hihintayin ko siya sa kanyang pagbabalik. Aasa ako hanggat alam kong patuloy pa siyang

nabubuhay.

Mahal na mahal ko siya. At alam kong ganun din siya sa akin.

Tama.. Babalikan niya ako.

****

Serenity's POV:

Hindi na nagbalik si Dante? Bakit?!  

Pagkalipat ko sa pinakahuling pahina ng tala ni Auntie, bumulusok ang tibok ng aking puso.

May nahulog na lumang litrato na nakaipit sa pahina. Sepia iyon.

Pinulot ko ang litrato at panibagong gulat ang sumalubong sa akin. Kasabay ng pagkakita ko sa petsa ng

pinakahuling tala.. Iyon ang petsa ng pangalawang gabi naming pagkikita ni Loki!

Tatlumpu't dalawang taon ang lumipas bago naitala ito ni auntie:

****

Kristanna's Last Diary Entry:

Limampu't limang taong gulang na ako. Matanda, kulubot, pangit.

Bakit ko isinusulat ito? Pagkat nakita ko nang muli ang nag-iisang tao na aking minamahal.

Walang wala siyang pinagbago. Ganun pa rin ang kanyang edad at anyo.

Nasasaktan ako sapagkat hindi na niya ako maalala. Hindi na niya ako makilala.

Dante..

Dahil ba sa anyo ko kaya't ayaw na niya akong makapiling?

Pero ako pa rin ito.. Si Kristanna..

Kapag ipinakita ko ba ang litratong ito sa kanya ay posibleng maalala niya?

Page 67: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 67/283

 

Pero paano ko siya hahanaping muli..

****

Serenity's POV:

Bumuntong hininga ako. Nagkitang muli si Loki at auntie Kristanna subalit hindi na siya nito nakilala.

Ganun din ba ang mangyayari sa akin kapag tumanda na ako?

Hindi na ba ako mamahalin ni Loki kung kumulubot ang balat ko at pumuti na ang mga buhok ko?

Sinipat ko ang lumang larawang hawak ko. Pinagmasdan.

Napatitig ako sa dalawang tao na nasa larawan.

Wala pa akong nakikitang kahit na isang larawan ni auntie Kristanna noong dalaga pa ito.

Totoo ding karamihan sa aming mga kamag-anak ang nagsasabing magkamukha kami ni auntie.

Pero wala akong ideya na ganito kalaki ang aming pagkakamukha. Mistulang parang ako mismo ang nasa litrato na

iyon. Ang kaibahan nga lang, kulot ang buhok ni aunti na hanggang balikat nga lang at ang suot niya ay makaluma.

Katabi ni auntie Kristanna sa larawan ay walang iba kundi si Dante.

Siyang siya nga ang kilala kong Loki ngayon.

Natutop ko ang aking bibig. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

 Ano ang gagawin ko kung sakaling bumalik ang alaala ni Loki bilang si Dante noon?

Sino ang pipiliin ng kanyang puso?

 Ako, na kailan lamang niya nakilala sa kasagsagan ng paghahanap niya ng kanyang mga nawalang memorya?

O si auntie Kristanna na siyang una niyang pag-ibig?

Paano nga ba kung mas pinili niya ang auntie Kristanna ko?

Patay na siya.. Pipiliin ba ni Loki ang mamatay upang magkapiling na sila?

Page 68: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 68/283

 Ayoko..

 Aminado akong mahirap ang makipagkumpetensya kay auntie Kristanna. Subalit kailangan ko namang ipaglaban

ang nararamdaman ko.

Gusto kong lumigaya. At may karapatan akong maging maligaya. Ayokong maging biktima ng tadhana kagaya ni

auntie at ni Dante.

Sisikapin kong maging tama ang lahat sa panahong ito. Ako ang gagawa ng tadhana ko..

Namin ni Loki. 

9th Night:

Loki's POV:

Napapaligiran ako ng nagliliyab na damuhan. Ang dahilan ng sunog ay ang mga natirang abo ng pinaslang kong

grupo ng mga bampira. Nagsiklab ang kanilang abo nang umihip ang hangin.

Ipinagpag ko ang espada ko upang maalis ang dugo bago ko ibinalik sa kaha nito.

Paalis na ako nang makaramdam ako ng matinding presensya. Hindi iyon galing sa isang ordinaryong bampira

lamang.

Hindi ko siya nakitang lumapit ngunit nandirito na siya sa aking tabi.

"Ako si Tyr." aniya. Marahil ay alam niyang itatanong ko rin iyon mamaya.

Hindi na namin kailangang pag-usapan kung ano ang pakay niya.

Iisa lang ang alam kong dahilan ng kanyang pagparito. Upang patayin ako.

Bubunutin ko pa lamang ang aking espada ay nasaksak na niya ako sa tagiliran.

Gumawa ako ng paraan upang makalayo sa kanya.

Pambihira ang kanyang bilis. Pero nasasalag ko pa rin ang kanyang pag-atake.

****

Tyr's POV:

Noong una ang akala ko ay madali kong mapapatay ang aking bunsong kapatid.

Nasaksak ko siya dahil sa kanyang hindi kahandaan. Dapat ay hindi ko na siya binigyan ng pag-asang makalayo at

Page 69: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 69/283

magamit ang kanyang espada.

Magaling ang kanyang pamamaraan sa pakikipaglaban. Gumagamit lang siya ng natural na lakas kaya't

nangingibabaw ang aking aura sa kapaligiran.

Dahil dun ay napapakiramdaman niya kung saan ako aatake.

Hasa na siya sa pisikal na pakikipaglaban. Malayo sa iniisip kong umaasa lang siya sa kapangyarihang ng pagiging

bampira.

Lumayo ako sa kanya. Humahanga ako sa kanyang husay bilang kapatid ko. Subalit bilang tagahatol ng mga

palalong bampira, mayroon akong tungkulin na dapat kong isakatuparan ngayong gabi maging buhay ko man ang

maging kapalit.

Kailangang matapos na ang gabi ni Loki upang hindi na siya makapaminsala pa sa mga kalahi namin.

Hinubad ko ang itim na roba. Kasabay nun ay pinagtatanggal ko ang makapal na benda sa aking mukha at katawan.

Humanda ako para muling umatake sa kanya.

****

Loki's POV:

Pinipilit ako ni Tyr na gumamit ng mas mataas na antas ng lakas. Hindi niya ako tatantanan hangga't wala sa aming

dalawa ang naaabo katulad ng mga naunang bampirang nandirito kanina.

Hinubad niya ang kanyang itim na roba at pinutol ang benda na bumabalot sa kanya.

Napatda ako ng bahagya. Halos magkaedad lamang kami. Napakaamo ng kanyang mukha bagamat walang

emosyon. Wala sa hitsura niya ang pagiging berdugo ng mga nagkakasalang bampira.

Iwinasiwas niya mula sa malayo ang kanyang espada. Nagulat ako dahil may naipon doong hangin na ngayon aypapunta sa direksyon ko.

Hindi ko nailagan ang tirang iyon.

Malamig itong dumaan sa aking katawan. Pagkawala nun ay saka ko naramdaman ang hapdi na para bang hiniwa

ako ng isang libong beses. Sumirit ang dugo sa kahit saang parte ng aking katawan.

Mabilis namang nawala ang pananakit dahil nga bampira ako. Pero kung paulit ulit akong matatamaan ng kanyang

atake gamit ang hangin, posibleng manghina ako katagalan.

Nahuli na naman ako ng kanyang atake. Lubhang mahirap kalaban ang hangin. Kung sana ay may magagawa

lamang ako--

May magagawa ba ako kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko bilang bampira?

Umatake na naman si Tyr. Napaluhod ako.

Kailangang subukan ko ang lahat ng paraan upang makaligtas mula kay Tyr.

Tumayo ako at tumalon ng ubod ng taas. Susugurin ko siya mula sa itaas.

Page 70: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 70/283

Nasangga niya ang espada ko ng espada niya. Bigla na lamang akong nakulon sa napakalaking bola ng hangin.

Ilang ulit ang sakit na naramdaman ko kaysa sa mga nauna niyang atake.

"Masakit ba Loki? Ang katawan ng mga bampirang gaya natin ay nasasaktan din ng mga piling elemento ng

mundong ito. Mabuti nang malaman mo yan bago ka tuluyang mamaalam sa mundong ito--"

Hinihingal ba siya? Humina rin ang presyon ng hanging nagkukulong sa akin.

 Ayoko pang mamatay. May pangako ako kay Serenity na poprotektahan ko siya. Kapag hindi ko natalo si Tyr, paano

ko pa magagawa yun?

Kung sana.. Kung sana ay may kapangyarihan din ako kagaya ng kay Tyr..

"A-anong--" ani Try.

Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Ang bola ng hangin ay unti unting naiipon sa paligit ng aking espada.

Paano? Bakit?

Mamaya na ang tanong.

Ibinato ko kay Tyr ang hangin. Sa gulat niya marahil kung bakit hindi siya nakailag.

 Ang galing! Kaya ko bang gayahin ang kapangyarihan niya?

Sinubukan ko ang atakeng ginawa niya sa akin kanina. Paulit ulit. Hanggang sa malasog ang kanyang katawan.

May nararamdaman akong kakatwa habang ginagawa iyon. Nahuhumaling ako. Gusto ko pa ng dahas.. At..

Nagugutom ako.

****

Tyr's POV:

Nakita kong nag-iba ng hitsura ang pulang mga mata ni Loki. May kabangisan doon ng isang halang na nilalang.

Masama ito!  Hindi niya alam kung paano gagamitin ang kanyang kapangyarihan. Subalit aksidenteng nadiskubre

niya kung paano habang inaatake ko siya.

Wala na akong nagawa nang agawin niya ang kakayahan kong manipulahin ang hangin upang gawing libo libong

punyal na nakakasugat ng katawan.

Ibinalik niya sa akin ang mga ginawa kong atake at sobra pa!

 Ang ipinagtataka ko ay ang hindi paghilom ng mga sugat na aking natatamo.

Katapusan ko na nga marahil ito. Nagkamali ako sa pagmamaliit kay Loki. Patawad ama. Patawad mga kalahi kong

bampira.

Ipagtanggol ninyo ang mga sarili ninyo mula sa halimaw na nakatakdang magising.

May naramdaman akong malamig na kamay sa aking balikat. Ilang sandali lang at wala na ang mabagsik na bugso

ng hanging bumabayo sa akin.

Page 71: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 71/283

****

 Ymir's POV:

Dumating ako sa tamang oras upang mamagitan sa paglalaban ng aking mga anak.

Hindi ko inakalalang darating sa puntong magpapatayan na sila.

"--Ama.." gulilat at hindi makapaniwala si Tyr nang mapagsino niya ako.

"Ano ang ginawa mo kay Loki? Nagising na siya sa kanyang unang antas!"

"--Patawad ama. Minarapat ko na siya'y paslangin sapagkat lubha siyang mapanganib--"

Bumugso ang aking galit sa kanyang sinabi. Si Loki ang pinakamamahal kong anak sa lahat.

Maraming taon akong nagsakripisyo para muli ko siyang mabawi.

"--Pangahas ka Tyr.. Kapag muli mong sinubukang kantihin ang kapatid mo, ako na ang makakalaban mo!"

Yumuko siya. "Patawarin mo ako ama. Hindi ko sinasadya ang kapangahasang aking nagawa."

Tinadyakan ko siya. "Lumayas ka sa harap ko ngayon din!"

 Agad naglaho si Tyr.

Nilibot ko ang aking paningin. Wala sa paligid si Loki.

Sinamantala niya ang pag-uusap namin ni Tyr at tumakas.

****

Serenity's POV:

Nasa kalaliman na ang gabi nang dumating si Loki. Hindi ako natulog. Hinintay ko siya.

May kakaiba kay Loki nang siya ay masilayan ko. Mabalasik ang kanyang mga mata. Walang emosyon ang kanyang

mukha.

 At..

Naroroon na naman ang takot na ibinigay niya sa akin noong unang gabi kaming magkita.

Nakatayo kami nang nakaharap sa isa't isa. Nagpapakiramdaman.

Tingin ko, hindi ito ang tamang panahon upang sabihin ang tungkol sa talaarawan gaya ng balak ko kanina.

Lubhang nanunuot sa aking kaibuturan ang takot.

Tatakbo ba akong palayo? O lalapit sa kanya upang yakapin siya at itanong kung ano ang nangyari?

Mas pinili kong lumapit sa kanya. Yumakap ako.

"Loki, ano'ng problema?"

Page 72: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 72/283

 

"S-serenity, habang kaya ko pa.. Bawiin mo ang permiso. At pagkatapos, wag na wag kang lalabas at wag

kang titingin sa mga mata ko."

 Ano ang sinasabi ni Loki? Nagpunta siya ngayon dito para makita ako hindi ba?

"Ayoko.." sagot ko. "Dito ka lang sa tabi ko hanggang makatulog ako--"

Naramdaman ko ang bagay na gustong bumaong muli sa aking leeg. Ang mga pangil niya.

Pagaling pa lang ang sugat na ginawa niya noong unang gabi naming magkita.

Nahintatakutan ako. Sasaktan ba akong muli ni Loki? Papatayin na ba niya ako?

Naisip ko ang mga tao sa loob ng mansion. Hindi sila maaaring madamay.

Tumatangis ako. "B-binabawi ko ang permiso mo.. Loki." 

Parang isang makapangyarihang salita ang sinabi ko. Nawala si Loki.

Napunta siya sa may veranda. Kitang-kita ko na nabuwal siya at nanghihina.

Tutungo ako sa kanyang tabi.

"Wag kang lalabas ng bahay!" utos niya sakin.

"Bakit ka pa pumunta dito kung ganyan ang gagawin mo?" tanong ko naman.

Matagal bago siya sumagot. "Gusto kitang makita.. Tuwing gabi.. Bago ako ako matulog.."

Sumaya ako sa aking narinig at naibsan ang takot ko. Humakbang ako palapit.

"Diyan ka lang Serenity. Aalis na ako--"

Nagmatigas ako. Tinawid ko ang protektadong bahagi ng mansion at lumabas sa veranda.

Kung mapapahamak man ako sa mga kamay ni Loki, sarili kong desisyon iyon. Walang kahit sinong madadamay sa

mga taong nasa loob.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at niyakap siya.

"Nagugutom ka hindi ba? Bibigyan kita ng dugo."

"Ayoko." pagmamatigas pa niya.

Kinapa ko ang pahilom kong sugat. Ibinaon ko doon ang aking mga kuko hanggang sa muli itong magdugo.

Masakit. Namilipit ako sa sakit. Pero alam kong wala ito kumpara sa sakit na pinaglalabanan ngayon ni Loki.

"Inumin mo. Kung hindi, lalo kong paduduguin ang sugat ko--" 

Tumalima siya dahil alam niyang gagawin ko ang banta ko.

"Ahh.." napasinghap ako nang muling bumaon ang matatalas niyang pangil sa aking balat.

Page 73: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 73/283

 

Ito ang sakit na kailangan kong maranasan. Dahil ayokong magbago si Loki.

Dahil mahal ko siya.

10th Night:

 Ymir's POV:

Ngayong gabi ay tinipon ko ang pito kong anak sa harap ng dakilang puno na sentro ng buhay ng lahat ng nilalang sa

mundo; ang Yggdrasil. 

Lubhang napakalaki ng punong ito na tatatlo lamang ang ugat. Ang unang ugat ay tumatawid sa Asgard, ang aking

tahanan. Ang pangalawa ay nasa mundo ng mga tao. At ang huli ay tungo sa kailalimang mundo, ang Hel.

Tatlumpu't dalawang taon na ang nakakaraan nang huli kong magisnan ang mayabong na mga dahon nito. Ngayon

ay halos wala nang natitirang dahon sa mga sanga sanga nito.

"Magandang gabi sa iyo aming ama, maligayang pagbabalik sa Asgard." sabay-sabay nilang bati sa akin.

Isa-isa ko silang pinagmasdan. Lahat sila ay may paggiliw sa kanilang mga mata. Hinahangad ng bawat isa sa kanila

ang aking pagpapala at atensyon.

Nalungkot ako. Sapagkat hindi sila kumpleto. Ang paborito kong anak na siyang inaasahan ko na titingnan ako nang

may paggiliw, ngayon ay ni hindi alam ang aking pangalan.

"Ang puno ng Yggdrasil.." wika ko. "Ay nabubuhay sa pagsasama-sama ng ating mga lakas. Subalit ngayon

ay tila nawalan ito ng sigla."

Nagbaba silang lahat ng paningin. Alam nilang hindi ko ikinatutuwa ang nangyari sa Yggdrasil.

Nagpatuloy ako. "Mahigpit kong ipinagbabawal ang pagpitas ng dahon ng Yggdrasil dahil iyon ay simbulo ng

muling pagkabuhay.

Isa iyong elixir na maaaring bumuhay ng isang namayapa; ngunit lason iyon para sa mga nabubuhay na.

Ang pagpitas ng isang dahon nito ay nangangahulugan ng limampung taong pagkalagas ng puno." 

"Ang ibig ninyong sabihin Ama, ay mayroong pangahas na pumitas ng dahon ng Yggdrasil?" si Fenrir.

Marahan akong tumango.

"Ngunit bakit ngayon niyo lamang sa amin sinabi ito? Nakalipas na ang tatlumpu't dalawang taon! At ni

walang nakakaalam na magiging ganyan ang epekto ng pagkawaglit ng isang pirasong dahon." si Odin namaniyon.

"Hindi ba't ang tungkulin ninyo bilang mga anak ko ay ang pagsunod sa akin ng walang pag-aalinlangan?

Wala kayong karapatang humingi ng dahilan kung hindi ko iyon kusang ibigay." pinagtaasan ko sila ng boses.

"--Nakasisiguro akong si Loki ang gumawa ng kapangahasang iyon! Naglaho siya dito sa Asgard sakto

matapos magsimulang maglagas ang dakilang puno. Di nga ba at tinatraydor niya ngayon ang ating lahi?"

Page 74: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 74/283

"TUMAHIMIK KA HEIMDALL!" hindi ko napigilan ang aking galit.

Yumanig ang paligid. Nagbitak bitak ang kalupaan.

Sinapo ko ang aking sentido.

"Ama.." lumapit sa akin si Freya. "Kumalma po kayo, pakiusap. Baka masira ninyo ang Yggdrasil nang hindisinasadya."

Itinuon ko ang aking konsentrasyon sa pagpapakalma ng aking galit.

Pumayapa naman ang lugar.

"TAMPALASAN KA HEIMDALL!"  narinig kong bulyaw ni Tyr sa kapatid. Humarap siya sa akin. "Ama, ipag-utos

mong parusahan ko siya!"

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Ang gusto ko ay iwan na ninyo kami ni Freya. May importante kaming pag-

uusapan."

Yumuko sila upang magbigay galang at isa-isa na ngang nagsialis.

Bumaling ako kay Freya. "Makakaya mo ba ang ipinagagawa ko?" 

****

Freya's POV:

Tumango ako sa aking ama. Lumapit ako sa isang bahagi ng Yggdrasil at inilagay doon ang isang kamay.

Nakagawa na kami ng maliit na koneksyon sa diwa ni Loki na pinaghirapang gawin ni ama sa loob ng tatlumpu't

dalawang taon.

Ilang panaginip na rin ang aming nilakbay upang matunton ang kinaroroonan ni Loki. Hanggang sa maarok naminang panaginip ng isang babae. Tao siya ngunit kakatwang mayroon siyang koneksyon sa aking kapatid.

Sa aming nabuong teorya ni ama, nalason ng dahon ng Yggdrasil si Loki. Ang bampira kasing nalason sa dahon ng

Yggdrasil ay nababalot sa isang malakas at hindi nakikitang mahika. Mahirap na siya ay madama kahit na ng

pinakamakapangyarihang si Ymir.

Nagsalita si ama. "Ang puno ng Yggdrasil ay nabuhay kasingtanda ng paglikha ng mundo. Mula sa kanyang

tatlong ugat na nakatanim sa tatlong bahagi ng mundo, siya ay nagsilbing saksi sa lahat ng naganap na

pangyayari." 

"--Gusto mong tuntunin ang isipan ng Yggdrasil tama?" tanong ko. Isipin ko pa lang, wala akong ideya kung

paano iyon gagawin. Subalit wala sa bokabularyo ni Ymir ang salitang ‘imposible’.

"Hindi Freya. Ang dahon at ang sanga ay may ispesyal na koneksyon sapagkat ang dahon ay tumubo mula

sa sanga. Maaari nating gawing catalyst ang puno upang maibalik kay Loki ang kanyang alaala." 

Napaisip ako. Madali lamang gawin iyon. Subalit magtatagumpay ba kami?

Hindi ko pa rin inaalis ang aking kamay sa puno.

Pumikit ako.

Page 75: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 75/283

 

Si Loki, sana kung nasaan man siya ay mahimbing ang kanyang tulog.

****

Heimdall's POV: 

 ASAAAAAAAR!  

Nagngingitngit ang kalooban ko! Pati ba naman si Tyr?! Ang gago na yun gusto akong parusahan?!

Neknek niya!  

"Brader! Paano yan? Nalaman ni Ama na may pumitas ng dahon sa Yggdrasil? Paano na tayo niyan?!"

Pinandilatan ko ang tanga kong kapatid. Lintek! Magkakaroon lang ako ng kakampi yung bobo pa!  

"TONTO! Tumahimik ka! Malalaman talaga nila yan kapag sinabi mo! Hindi tayo sasabit dahil si Loki mismo

ang pumitas nun at hindi tayo!" 

Tila nahimasmasan naman si Balder. Sa lahat talaga ng tanga, siya ang pinakatanga. Ano pa ba ang kinatatakot

niya? Walang kapangyarihan o talim ang makakasugat sa kanya. Kahit pa si Ymir.

Imortal siya!  

Iyon ay kung walang makakadiskubre ng kahinaan niya na iisang tao lang ang nakakaalam.

Tinapik ko ang kanyang balikat. Dapat din ay pinapalakas ko ang loob niya.

"Wag kang mag-alala. Kapag nagsanib pwersa tayong dalawa, tayo ang pinakamalakas!" 

****

Fenrir's POV:

Ikinagulat ko ang pagpapatawag sa amin ni Freya upang kitain si Ymir.

 Akalain ko bang sa tinagal tagal kong hinihintay ang kanyang paggising, heto at nangyari na!

Wala talaga siyang kasing astig, lalo na nang mabulyawan niya si Heimdall. Haha!  

Mabuti nga sa ungas na yun. Masyado kasing mapapel. Siguro ay siya talaga ang puno at dulo ng kaguluhang ito eh!

 Alam ko namang nagseselos siya sa atensyong ibinibigay ni ama kay Loki.

Siya na maging bunso!  

 Ako, kung may kaiinggitan man ako sa aming mga kapatid, si Odin na yun.

Isa siyang salamangkero at namamangha ako sa kanyang kakayahan. Pero syempre dismayado ako dahil isa siyang

dakilang tamad. Manang mana sa kanya ang hari ng mga kidlat na si Thor.

 Ay ewan ko sa kanila. Ano nga ba ang magandang gawin gawin ngayong gising na si Ama?

Itutuloy ko pa nga ba ang imbestigasyon ko? 

Page 76: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 76/283

 

Wag na siguro. Nandiyan naman si Freya. Narinig ko ang pag uusap nila kanina ni Ama.

Dito sa Asgard, ako lang ang malayang nakakarinig ng mga usapan o mga bulungan dahil walang nakakadama sa

presensya ko.

May mga magagandang dulot din ang pagiging isang taong lobo sa tahanan ng mga bampira.

Nakapagdesisyon na ako kung ano ang magandang gawin ngayon. Dadalawin ko si Serenity. Wala lang.

Dumaan akong muli sa Bifrost at sa tarangkahan.

****

Serenity's POV:

Walang pasok kung kaya't wala akong maisipang gawin kundi ang maupo sa harap ng verenda habang nasa

kandungan ko ang talaarawan ng namayapa kong Auntie.

Maya't maya kung sipatin ko ang orasan. Ang huling basa ko sa oras ay alas dos ng hapon.

Ilang oras pa ba ang dapat kong hintayin bago kami muling magkita ni Loki? Ang bagal ng takbo ng oras. Eh kung

lumabas kaya ako ng bahay?

Bigla akong nagulat nang may sumuwang na kamay at kumapit sa balustrahe ng aking veranda. Naging dalawa ang

kamay.

Sumunod ay may sumuwang na ulo. Hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat sa veranda.

Hindi ako sumigaw o naghysteria kasi namukhaan ko siya. Kung tama ang pagkakaalala ko, kapatid siya ni Loki.

"Kamusta na Fenrir?" 

Hindi yata niya inaasahan ang magiliw kong pagbati. Umayos siya ng upo nang nakaharap sakin. Kung isang

ordinaryong tao ang maupo nang kagaya sa kanya, may posibilidad na mahulog iyon na una ang ulo. "Kung

makabati ka parang close tayo ah?" aniya.

 Aba'y suplado. 

"Eh ikaw, kung maka-trespass ka nga sa mansyon ko parang ikaw ang feeling close."

"Tss, mas maganda ng isandaang ulit ang tinitirahan ko kesa dito kaya di ko maintindihan kung bakit bawal

pumasok nang walang paalam."

"May gusto ka bang malaman kaya mo ako pinuntahan?"

"Ah wala. Kalimutan mo na yung ipinakiusap ko dati. Nagbago na ang isip ko eh."

"Eh ano ba talaga ang sadya mo dito? Wala ka lang magawa, ganun?"

Ngumiti siya. "Ganun na nga." 

Magandang past time ba talaga ng mga kakaibang nilalang ang pag istambay sa veranda ko?

Page 77: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 77/283

"Hindi naman sa ipinagtatabuyan kita, pero gusto kasing mapag-isa. Marami akong iniisip. At ano na lang

ang sasabihin ng mga kasambahay namin kapag may naabutan silang binata na nakaupo sa balustrahe ng

veranda ko?"

Naconcious yata siya at tumayo. Pinuntahan niya ang hilera ng mga tanim kong halaman.

"Bukod sa maganda ang iyong pagkatao, magaan pa ang iyong mga kamay. May kakayahan kangmagpabukadkad ng mga bulaklak."

Namula ako ng husto. Di ako sanay na may pumupuri sa pag aalaga ko ng halaman eh.

Binuhat niya ang munting paso ng Cattleya na ibinigay sa akin ni Loki.

"--Kuntento ka na sa nangyayari sa buhay mo?" tanong niya di kalaunan.

Hindi ko kayang sagutin. Oo kuntento ako. Pero pakiramdam ko lagi ay puro panandalian lang ang tinatamasa kong

pagkakuntento.

Nang inilapag niya ang paso, lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang buhok sa aking pisngi.

"Sana ay maging magkaibigan tayo." aniya.

Seryoso? Si Fenrir? Gustong makipagfriendship sakin?!  

May kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Senyorita? Gusto mo bang magmeryenda?" 

Nilingon ko ang pintuan. "A-ayoko. Salamat na lang yaya Mameng--" 

Paglingon ko pabalik, hindi ko na nakita si Fenrir.

Hay.. Ugali talaga nila ang umalis nang walang paalam.

11th Night

Faust's POV:

Mataman kong pinagmamasdan ang aking anak habang mahimbing siyang natutulog.

Hawak ko ang isang lampara at ang liwanag niyon ay tumatama sa kanyang namamahingang katawan.

Sa kadiliman ko na lamang siya namamasdan ngayon; hindi na kagaya ng dati.

Inilapag ko ang lampara sa isang mesita at naupo ako sa sofa.

Sa mga ganitong sandali ay naaalala ko ang aking mahal na anak.

Naaalala ko si Dante. 

Hindi lingid sa akin na mayroon siyang sakit na kanyang namana mula sa aking namayapang asawa.

Ginawa ko ang lahat upang mapangalagaan ang nag-iisa kong anak. Ni ang pag-aasawang muli ay hindi na sumagi

pa sa aking isip.

Page 78: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 78/283

 

Sa awa naman ng poong Maykapal ay lumaki si Dante na isang perpektong maginoo. Naging paborito siya ng lahat.

 Ang mga kumpadre ko ay inilalapit sa akin ang kani kanilang mga anak na babae at nagbabakasakaling maibigan

ang mga iyon ni Dante.

Pero binigyang laya ko siya sa aspeto ng pag-ibig dahil nakita ko naman ang saya sa kanyang mga mata nangipagtapat niya sa akin na mayroon na siyang napupusuan.

 Akala ko ay nasa tama na ang lahat.

Sinira iyon ng kanyang karamdaman. Napakabilis at nakagugulat.

Nang malaman kong mamamatay si Dante ay halos magunaw ang mundo ko sa pighati.

Ngunit isang batang lalake ang lumapit sa akin at nag-alok ng tulong.

Kaya daw niyang iligtas ang aking anak.

Noong mga panahong yun ay wala na akong pakialam kung paano niya magagawa iyon. Ang mahalaga ay gumalingang anak ko.

Binigyan niya ng dugo si Dante. Kaming dalawa lamang ang saksi doon dahil pinalabas ko sandali ng silid ang

kasintahan ng anak ko.

Pagkatapos niyon ay huminto sa pagtibok ang puso ni Dante.

"HAYUP KA! Ang sabi mo ay pagagalingin mo ang anak ko! PERO LALO MO'NG MINADALI ANG PAGPANAW

NIYA!"  galit na galit ako sa ginawa niya.

Pero ngumiti lang siya na parang sigurado siya sa kanyang ginawa. "Kaagad mo siyang ipalibing ngayon, bago

sumapit ang gabi. Pagsapit ng hatinggabi, muling babalik sa pagkabuhay ang iyong mahal na anak."

Nahiwagaan ako sa kanyang sinabi. At lalo akong nahiwagaan na sa pagkurap ko ng mata ay naglaho siya.

Nagdalamhati kami sa pagkawala ng aking anak. Sinisi ko ang aking sarili dahil nagtiwala ako sa isang batang paslit.

Sa kabila nun ay sinunod ko pa rin ang gusto niyang mangyari. Bago sumapit ang takipsilim ay ipinalibing ko ang

aking anak.

Nagdaan ang mga araw..

Patuloy ako sa aking pangungulila.

Hanggang isang gabi, nasumpungan ko si Dante sa tapat ng aming pintuan.

Buhay na buhay siya!  

Sabik ako na makita siya ngunit kinilabutan akong bigla lalo na nang masipat ko ang tumutulong dugo sa kanyang

bibig.

"Ama, papasukin mo ako.." aniya.

Nakapagtataka.. 

Page 79: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 79/283

 

"Bahay mo rin ito, bakit hindi ka na lang tuloy tuloy na pumasok?" tanong ko.

Mula sa likuran niya ay may nagpakitang batang lalake. "Nakita rin kita. Wag kang pumasok Loki. Dapat ay

putulin mo na ang kahit na anong koneksyon mo sa taong yan." 

"Anong sinasabi mo?! Dante ang kanyang pangalan!" lumapit ako sa pintuan.

"DIYAN KA LANG!" sigaw ng batang lalake. "Si Loki ay mapanganib dahil siya ay bagong silang pa lamang

bilang isang bampira. Hindi pa niya kayang kontrolin ang kanyang gutom!" 

"B-BAMPIRA?!"

Nakita kong lumuha si Dante. Hindi ko mapigil ang awa ko.

"Ama, ayokong maging--halimaw.. Parang awa mo na, tulungan mo ako. IBALIK MO AKO SA DATI--"  

"P-pero anak, hindi ko alam kung paano--" napatingin ako sa batang lalaki. Nakangiti siya habang umiiling.

"Loki, siya ang nagbigay pahintulot para ikaw ay maging bampira." 

Kitang-kita ko ang biglang pagpapalit ng kulay ng mga mata ni Dante. Kulay pula. Singpula ng dugo.

Sinakmal niya ako sa leeg at pagkatapos ay nilantakan ang sumasagong dugo sa aking sugat.

Nawalan ako ng ulirat. Akala ko ay katapusan ko na.

Subalit dumilat pa rin ako. Nasumpungan ko ang sarili ko sa isang silid ng ospital.

Simula ng araw na iyon, isinumpa ko na ang mga bampira.

Isinumpa ko ang hayup na lumapastangan sa aking anak.

 At isinumpa ko rin ang halimaw na ngayon ay nananahan sa katawan ni Dante.

****

 Ymir's POV:

"Ama ko, malapit na po akong matapos sa preparasyon." ani Freya.

Sisimulan na niya ang aming planong mapasok ang diwa ni Loki.

Nagliwanag ang buong katawan ni Freya. Unti unti itong sumasanib sa puno ng Yggdrasil. Ilang saglit pa ay wala na

siya.

Umupo lang ako sa damuhan upang maghintay ng resulta.

Totoong ako nga ang pinakaunang bampirang nabuhay sa mundo at siyang pinakamakapangyarihan. Kaakibat

naman niyon ang isang malaking responsibilidad. Gaya na lang ng pangangalaga sa Yggdrasil na siyang sentro ng

buhay sa mundong ito.

Ngunit sa tagal na ng aking eksistensya ay rumurupok na ang aking katawan.

Page 80: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 80/283

Kalaunan ay hindi ko na kinakaya ang sobra-sobrang enerhiya na nananalaytay sa akin.

Napagdesisyunan kong ibahagi sa pitong nilalang ang lumabis sa aking kapangyarihan.

 At ang pitong nakatanggap niyon ay ang aking mga anak: si Odin, Thor, Tyr, Heimdall, Balder, Freya, at Fenrir.

Habang lumilipas ang panahon ay patuloy pa ring humihina ang aking katawan. Kinailangan ko ulit na mag-ampon ngpanibagong pagpapasahan ko ng kapangyarihan.

 At dumating sa aking landas ang binatilyong si Dante tatlumpu't pitong taon na ang nakakaraan.

Una ko siyang nakita noon sa isang pagtitipon, bisperas iyon ng pasko.

May mag-asawa akong nahipnotismo. Nagpanggap ako bilang kanilang anak.

Saka ko siya nilapitan.

"Kuya, ano'ng pangalan mo?"  

Magiliw siya at mabait na tao. "Ako si Dante Helgarin. Ikaw?" 

"Ang pangalan ko ay Ymir." 

"Kakaibang pangalan." komento niya.

Nang mga sandaling yaon ay pinag iisipan ko na kung ano ang ipapangalan ko sa kanya sa sandaling maging anak

ko na siya.

Meron na talaga. Loki ang bagay sa kanya at hindi Dante.

"Kuya, napapansin kong panay ang sulyap mo sa dalagang nakaupo sa may di kalayuan. Napupusuan mo ba

siya?" 

Magaling siyang pumili ng babae. Maging ako ay humanga sa kariktan ng binibining kanyang nililigawan ng tingin.

"Parang--ganoon na nga. Pagkita ko pa lang sa kanya ay talagang tinamaan na ako."

"Kung ganoon ay wag ka na mag-aksaya ng panahon at lapitan mo na siya. Ikaw rin, baka maunahan ka pa

ng iba."

Napagtanto niya ang sinabi ko. Hindi siya torpe at malakas ang kanyang loob.

Pinagmasdan ko siya nang lapitan niya ang dalaga.

Nagkakilala sila. At di kalaunan ay nag-ibigan.

Batid kong may malubhang sakit si Dante na mabilis siyang iginupo.

Doon na ako kumilos. Nakipagkasunduan ako sa kanyang amang desperado na.

Binigyan ko ng dugo ko si Dante. Ang epekto niyon ay sa hatinggabi pa kung kaya't tumigil ang pagtibok ng puso ni

Dante.

Galit na galit sa akin ang kanyang ama pero wala na akong pakialam.

Page 81: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 81/283

 

Inabangan ko ang pagsapit ng hatinggabi.

 Ang panahon ng pagsilang ng aking bagong anak. Loki ang pangalan niya.

****

Loki's POV: 

Madilim. Masikip. Mabaho. Gusto kong huminga. Hangin!!  

Sinikap kong igalaw ang aking kamay at itinulak ko pataas. Nadampian ng hangin ang kamay ko na iyon.

 Agad kong ikinilos iyon upang alisin ang nakatabon sa akin.

Napabilis ang ginagawa ko. May tumutulong sa akin.. Sino?

Nang makaahon ako, ang una kong nakagisnan ay ang babaeng mahal ko.

"Kristanna, nagugutom ako.." sabi ko habang humihingal.

Eh, sino si Kristanna?!  

Hindi ba ang pangalan niya ay-- 

Natigilan ako nang madako ang paningin ko sa kanyang malusog na leeg. Napalunok ako.

Bago ko pa man din maisip ay niyapos ko na siya at kinagat sa leeg.

Masarap. Matamis. Iyon ang lasa ng kanyang dugo.

Natakot siya sa ginawa ko. Dali dali siyang tumakbo palayo.

Nagugutom pa rin ako. Gusto ko pa.

"Maligayang pagsilang, Loki." boses bata ang nagsabi noon.

Nilingon ko siya. Kilala ko siya. Ang bata sa piging noong bisperas ng Pasko. Si Ymir.

Lalo akong nagutom. Mukhang mas malasa ang dugo niya.

Inilahad niya ang kanyang braso.

Sinunggaban ko iyon at kumagat ako sa pulso.

Mapait ang kanyang dugo. Nakakasuka ang lasa!  

 Ang isa niyang kamay ay lalong idinukdok ang ulo ko upang patuloy kong mainom ang kanyang dugo.

"Loki, sige pa. Kulang pa ang naiinom mong dugo. Sige pa. Huwag kang tumigil hanggat hindi ko sinasabi." 

 Ayoko na! Tama na Ymir! Bakit ba napakalakas niya? Wala akong magawa laban sa kanya!

Patuloy ako sa paglagok ng kasumpa sumpang dugo.

Page 82: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 82/283

 

Sa wakas ay nilubayan din ako ni Ymir.

Sobrang sama ng pakiramdam ko pagkatapos nun. Nanginig ang buo kong katawan at namilipit ako sa sakit-- 

"Ikaw ang bukod kong pinagpala sa lahat ng iyong mga kapatid, huwag mong kakalimutan yan Loki."

"Sandali!" daing ko. 

Nanlabo ang aking paningin at saka sinundan ng kadiliman.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay may isang batang babae na nakatunghay sa akin.

"Ako si Freya." pagpapakilala niya. "Isa akong bampira na naglalakbay sa mga panaginip ng kahit sino at

tagapaghatid ng bangungot."

"Bakit ka naririto?"

"Loki, ito ay isang uri ng bangungot. Kaya't kailangan mo'ng magising kundi ay mamamatay ka." 

Namamatay din pala ang mga bampira sa bangungot? 

"Eh bakit mo ako binigyan ng bangungot kung nais mo naman akong magising?" 

"Ito lang ang tanging paraan para maibalik sa iyo ang nawala mong alaala pero--" may tumulong dugo sa mga

mata ni Freya.

"--WALA NA AKO'NG ORAS! MASYADONG MALAKAS HUMIGOP NG KAPANGYARIHAN ANG YGGDRASIL!

GUMISING KA NA!"  

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya. Ganito din yata ang nangyari kay Serenity. Siya kaya ang may

gawa nun?

Nagunaw na lang bigla ang paligid. Nagliwanag ang buong katawan ni Freya.

"GUMISING KA LOKIIII!"  

Katahimikan pagkatapos ng unos. Iyon ang masasabi ko sa nangyaring bangungot.

Pasalamat na lamang ako at namulat pa rin ako sa totoong mundo.

 Alas singko na naman ng hapon.

12th Night 

Odin's POV: 

Page 83: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 83/283

 

Nandirito ako ngayon sa tahanan ng tatlong propeta ng panahon. Si Urd, ang propeta ng nakaraan; Si Verdandi, ang

propeta ng kasalukuyan; at si Skuld, ang propeta ng hinaharap.

Mga bampira din sila na nakatira sa isang bukal sa Asgard. Magkakambal ang tatlong ito at hindi mapaghihiwalay

kailanman.

Subalit ngayon, ang tanging sadya ko ay si Skuld lamang.

Nakatayo ako sa gitna ng napakalawak na bulwagan kaharap si Skuld. Para sa akin, siya ang pinaka-

kapakipakinabang sa kanilang tatlo. Si Verdandi naman ang pinakawalang kwenta; ang tanging silbi lamang niya ay

mamagitan sa nakaraan at hinaharap.

"Malinaw na ba ang nakita mong premonisyon?" tanong ko.

Nakikita ni Skuld ang hinaharap subalit hindi niya ito maipahayag ng diretsahan. Gumagamit pa siya ng talinhaga at

mga simbolo.

"Nakatakda na ang isang kamatayan. Subalit ito ang tatandaan mo, ang Ragnarok ay siguradong

mangyayari; at walang sinuman ang makapipigil dito." 

Ragnarok.. Ang kaguluhan na susundan ng kapayapaan.

"Skuld, nagbibiro ka ba? Wala akong nakikitang dahilan para mag--" 

"Bakit ka nag-aalinlangan Odin? Hindi ba't ikaw ang pinakamalakas na Aesir?" 

"--Bampira man ako, alam kong dati akong tao. Hangga't maaari ay hindi ako pabor sa digmaan--" 

Tumikhim si Skuld. "--Tapos na ang oras ng ating paghaharap. Magandang araw sa iyo." 

Page 84: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 84/283

 

Tinalikuran niya ako pagkasabi niya nun. Pero hindi pa man din siya nakakalayo ay bigla siyang natigilan. Humarap

siyang muli sa akin.

Blangko ang kanyang mga matang nagkulay ginto.

****

Skuld's POV: 

Isang beses sa isang araw lamang ang limitasyon ng kakayahan kong makasilip sa hinaharap subalit pagtalikod ko

kay Odin, isang premonisyon ang dumalaw sa aking isipan.

Maling tiwala sa sariling kakayanan, malagim na katapusan.

Iyon ang aking naging interpretasyon.

Pumihit akong muli paharap kay Odin.

"May problema ba Skuld?" aniya.

Dapat ko pa bang ipabatid ang aking nakita? 

 Ayokong mapahamak si Odin. 

"Mag-iingat ka. May isang pares ng pangil ang babaon sa iyong balat. At ang malalakas na kuko ay sasakmal

sa iyo." 

Kitang kita kong napaisip si Odin.

Page 85: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 85/283

 

"Sino, Skuld?!" 

Umiling ako. "Hindi ko matutukoy. Ngunit tila hindi natin siya kauri. Hindi rin siya isang tao--" 

"--Maraming salamat." 

Siya naman ang tumalikod sa akin. Itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ang kanyang balikat. Bago pa man

makadampi ang aking palad ay naglaho na siya.

Kayhirap abutin ni Odin. 

Masaya na lang akong isipin na mayroon pang dahilan upang makipagkita siya sa akin.

 Alam kong may puso siya sapagkat hindi niya dinadala sa ulo ang kanyang posisyon bilang makapangyarihang

bampira sunod kay Ymir.

Gusto kong malaman kung sino ang nilalaman ng pusong iyon, matagal na.

 At nalulungkot ako dahil hindi iyon sakop ng aking kapangyarihan. 

****

Serenity's POV: 

Waaaaaah!  

Tinakpan niya ang aking bibig upang mapatahimik ako.

Page 86: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 86/283

 

"Shhhh! Wag kang maingay!" saway ng kung sino na pumasok nang walang paalam sa aking silid mula sa

veranda.

Kahit pa madilim, nalalaman ko kung si Loki ang kasama ko sa silid.

Subalit ngayon ay nakasisiguro ako na ibang tao nga ang nandirito.

 Abut abot ang aking kaba lalu na nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha.

"Serenity, ako ito, si Fenrir!" 

Natanga ako.

Fenrir?!  

Sa wakas ay pinawalan na niya ang kanyang kamay sa aking bibig.

"B-bakit ka nandito?" hinihingal ako, sobra.

Binuksan ko ang lampshade. Bagay na hindi ko ginagawa kapag si Loki ang dumadalaw sa akin.

Kitang-kita ko ang kanyang ngiti sa malamlam na liwanag.

 Alam ko kung bakit..

NAKAKAHIYAAAAA!  

Kanina kasi pagmulat ko ng mga mata ko, nasumpungan ko siyang nakatayo sa gilid ng kama.

Page 87: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 87/283

 

Bigla ko na lang siyang nayakap sa bewang kasi akala ko nga si Loki siya.

"Mukhang dismayado ka Serenity. Ibang tao ba ang inaasahan mo ngayong gabi?" 

Nakakahiya talagaaaa!  

Tumingin na lang ako sa orasan na nasa bedside table ko.

 Alas onse y medya ng gabi.

 Alas dos lagi kung bisitahin ako ng mahal ko.

"Bakit ka nga nandito?" ulit kong muli.

"Hindi ba magkaibigan na tayo?" 

 Ah yun ba yun? Ang alam kong instant ay noodles at kape. Pauso ata ni Fenrir ang instant friendship.

Okay go, magkaibigan na kame. "Eh bakit ka nga nandito?" pauso ko naman ang Unli na 'BAKIT KA NGA

NANDITO?'. 

Nakulitan na yata siya kaya lumabas siya ng veranda.

Goodnight Fenrir!

Teka, bakit stay put lang siya dun? 

Page 88: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 88/283

 

Mayamaya ay nakita kong isa-isang tinatanggal ni Fenrir ang kanyang suot na damit. Nauna ang jacket, sumunod

ang T-shirt.

Wow abs-- 

HOLY KAMOTE!  

Tinakpan ko na ang mga mata ko nang hinuhubad na niya ang kanyang pang-ibaba.

Tumalikod ako ng pagkakaupo para sure ako na hindi ko siya masisilipan.

Lord, wag namang may maglive-show sa harap ko PLEASE?! With cherries on top?

Menor de edad pa po ako!  

"Serenity, tumingin ka sakin." sigurado akong si Fenrir yun. Pero bakit boses ng galing sa ilalim ng hukay?

"A-ayokong tumingin!" sabi ko.

Loki dumating ka na, iligtas mo ako sa exhibitionist mong kuyaaa. Huhuhu. 

Nakarinig ako ng yabag. Papalapit iyon. Umikot sa kama at huminto sa harap ko.

"Ayaw mong humarap eh di ako ang haharap." 

NAGSALITA ANG MALAKING HAYOP NA NASA HARAP KOO!  

Page 89: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 89/283

 

 Aatakihin na talaga ako sa puso.

Napaatras ako palayo, wala sa isip kong nasa gilid pala ako ng kama.

Blag!  

Tog!  

Bumalentong ako at nagpagulong gulong sa lapag.

Nakakahiyaaaaa!  

'Bwahahahaha' tumawa yung malaking hayop. Ang cute ah.

Umikot uli siya ng kama at nilapitan ako.

"Ito ang anyo ko kapag kabilugan ng buwan." sabi niya.

Pinagmasdan ko siya. Isa siyang malaking lobo na kasingputi ng nyebe ang balahibo. Asul ang kanyang mata.

Sa mga paa niya ay may kumukutitap na kung ano. Parang fairy dust.

Napakagandang nilalang.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong haplusin ang kanyang likuran. May lumabas ding fairy dust na nagsayaw sa

hangin.

Makutitap.

Page 90: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 90/283

 

"Sa iyo ko pa lang ipinakita ang anyo kong ito." 

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Basta tuwang tuwa ako sa nilalang na nasa aking harapan.

Bigla akong nakaramdam ng pagkaantok. Wala na akong nagawa ng manlabo na ang paningin ko at ako ay

nahimbing.

****

Fenrir's POV: 

Nakatulog si Serenity dahil sa kumukutitap na pulbos sa aking katawan.

Tama ang impresyon ko sa kanya na isa siyang mabuting tao. Hindi siya nanghuhusga bagkus ay nagbibigay pa siya

ng kasiyahan sa mga kagaya kong iwinawaksi ng sangkatauhan simula pa ng unang panahon.

Si Loki ang unang nakatagpo sa kanya. Subalit itinadhana rin na kami ay magkakilala.

 Ano ang nadarama ko para kay Serenity? Hindi ko pa kayang sabihin. Ang malinaw lang ay ang kakaibang

nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

May pagkakataong nakakatuwa ang kanyang katangahan.

 Ang nakasanayan ko kasing katangahan ay yung tipong nakakapang inis. Partikular na nagmula sa ungas na si

Heimdall.

Nagbalik anyo ako bilang tao. Nagsiwalaan ang aking mapuputing balahibo. Masakit ang ganitong transpormasyon

noong ako ay isa pang ganap na taong lobo.

Page 91: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 91/283

 

Nang mabigyan ako ng dugo ni Ymir, painless na ang lahat. May laya akong magtransporma kaagad sa pagiging

anyong tao tuwing kabilugan ng buwan; dati kasi ay kailangan ko pang hintayin ang bukang liwayway.

Nakaramdam ako ng presensya. Pagtingin ko sa veranda, naroroon si Loki.

****

Loki's POV: 

Di ko inaasahan ang tagpong maaabutan ko pagpunta ko sa mansyon nila Serenity.

Sa veranda ay may nagkalat na mga damit. Pagtingin ko sa loob ng kwarto, nakita ko si Serenity na nakadapa sa

sahig. Nasa harap niya si Fenrir na hubo't hubad.

"ANONG GINAWA MO KAY SERENITY?!"  singhal ko.

Pangiti ngiti lang ang loko. "Huwag kang maingay Loki, gusto mo bang may makarinig sa iyo?" 

"Wala akong pakialam!"  

Pero MAS walang pakialam si Fenrir. Binuhat pa niya si Serenity ko at inihiga sa kama habang WALA siyang damit!

 Ang sagwa niya tingnan. Kumukulo ang dugo ko sa inis!  

Pinulot ko ang mga damit niya at hinagis lahat sa kanyang pagmumukha.

"Anong problema Loki? Hindi ka yata makapasok sa pamamahay ng kasintahan mo? Wala ka bang

permiso?" sige mang-asar ka pa Fenrir!

Page 92: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 92/283

 

"Lumabas ka lang dito, talagang sasamain ka sakin!" banta ko.

"Eh paano kung hindi ako lumabas?" 

WALA NA! PATID NA ANG PASENSYA KO!

Binunot ko ang espada ko. Kung kinakailangang sirain ko ang buong mansyon na ito, gagawin ko na!

Lumapit bigla sa akin si Fenrir. At WALA talaga siyang balak magsuot ng damit.

Lumabas siya sa veranda. Pagkakataon ko na upang bugbugin siya.

Pero hindi ko nagawa.

May sumagi sa aking isipan..

"Kuya.." para akong nakatanaw sa kawalan.

"Tama. Ako ang kuya mo." sagot naman ni Fenrir. Wala naman siyang alam kung ano ang nangyayari saken.

Maraming alaala ang bigla na lamang bumabalik.

Naaalala ko na kung sino si Fenrir.

Siya nga--- 

Isang malaking puting lobo ang tumalon mula sa balustrahe.

Page 93: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 93/283

 

Nag-iwan siya ng libo libong kumukutitap na pulbos na tila mga alitaptap.

Siya nga. 

Siya nga ang nilalang na gusto kong maging alipin. 

---- 

A/N: Hi hello! kunting explanations lang po bago tayo magtapos ng ating pot session.. Ang Aesir (sa kwentong ito ay

ang tawag sa walong tagapagmana ni Ymir) Sa totoong mythology, ang Aesir ay ang mga principal Gods at ang

counterpart nila ay ang mga Vanir.. Si Freya ay kabilang sa Vanir pero dito sa kwento ko ay isinama ko siya sa Aesir.

Sa totoong mythology din, ang pagsilip sa hiaharap ng Odin ay tinawag na Voluspa kung saan hiningi niya sa

orakulong si Volva na sabihin kung ano ang mangyayari sa hinaharap.. Dito sa kwento ko, si Skuld na lang ang

kinunsulta niya.

13th Night

Serenity's POV: 

Umaga na pagmulat ko. Ang sarap ng tulog ko ah. Nang may bigla akong naalala--

WAAAAA LOKIIII!!  

Hindi ko na naman siya naabutan! Nagpalinga linga ako sa paligid para sa mga senyales kung nagpunta nga ba siya

kagabi.

Nakita ko ang mga damit panlalaki sa sahig.

Naku po!  

Page 94: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 94/283

 

Halos magdive ako para kunin ang mga iyon. Ano na lang ang iisipin ni yaya Mameng kapag nakita niya ang mga

ito?!

Saan? Saan ko ba itatago to?

Nagbukas bukas akn ng mga tokador. Sa pinakailalim na ilalim ko isiniksik ang mga iniwang damit ni Fenrir.

Phew. 

Si Loki, nagpunta ba siya rito kagabi? Nako paano na yung JS Prom ko mamaya? Ni hindi pa kami nakapag usap

masyado tungkol dun!

Nagtungo ako sa may veranda at sumagap ng sariwang hangin. Kinuha ko ang sprinkler. May laman pa iyon.

"Magandang umaga mga munti kong alaga!" isa isa kong diniligan ang mga tanim kong halaman.

Napatigil ako sa maliit na paso ng Cattleya. May nakaipit na papel sa ilalin nun. Inilapag ko muna ang sprinkler at

kinuha ang papel.

 Ang ganda ng penmanship, dikit-dikit, maayos at malinis.

Serenity, 

Patawad kung hindi tayo nagkausap kagabi. Wala nga pala akong permiso mula sa'yo. Dadalo ako mamaya

sa pasayaw. Magkita tayo. 

Page 95: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 95/283

 

Loki. 

Yiee. Kinilig ako. 

Inilapit ko ang sulat sa aking puso. Ito ang una niyang sulat na ibinigay sa akin.

Tinapos ko ang pagdidilig at saka muling pumasok sa aking silid. Magpapaganda ako ng husto para sa prom

mamaya.

****

Loki's POV: 

Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata, sari-saring alaala ang pumupuno sa aking isipan.

 Ang masaklap pa doon, animo'y nangyayari pa rin ang mga iyon.

Inasam ko at hiniling na maibalik ang alaala ko. Noong ako ay tao.

Gusto kong maalala kung sinu sino ang mga naging kalaro ko, kung sino ang mga naging kamag-aral ko, kung sino

ang mga naging kaibigan ko.

Gusto kong balik tanawin kung ano ang pinakamasayang araw ng buhay ko, kung ano ang paborito kong pagkain, at

kung ano ang mga hilig ko.

Page 96: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 96/283

 

Ngunit ang mga alaalang bumalik sa akin ay nagsimula pagkaahon ko sa lupa, tatlumpu't pitong taon ang nakaraan.

Noong naging bampira ako.

Masalimuot ang mga naganap.

Limang taon akong nanirahan sa Asgard at pagala gala sa mundo ng mga tao kapag ako'y nababagot.

May ipinakilala sa akin si Ymir. Pito sila. Mga kapatid ko daw sila.

Lahat sila ay may kanya-kanya nang mga tungkulin liban sa akin.

Isang beses sa isang buwan kung magtipon-tipon kami nang nakapalibot sa isang napakalaking puno na tinatawag

nilang Yggdrasil.

Kung tutuusin ay wala na akong hihilingin pang iba sapagkat nasa paraiso na ako--

Paraiso. 

 Ang sabi ni Ymir, upang mapanatili ang paraiso ng mga bampira, kailangang magsakripisyo.

Tama. Maging dati pala ay isa na rin akong mamamaslang. Kahanay ako ng kapatid kong si Tyr. Bagaman

kakasilang ko pa lamang bilang bampira, agad na akong isinabak sa labanan.

Bumabalik sa akin ang pakiramdam noong unang beses akong nakapatay. Nakakapangilabot. Nakakapagbaligtad ng

sikmura.

 Ano nga ba ang alam ko sa pakikipaglaban noon? Wala. 

Page 97: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 97/283

 

Ngunit kung hindi ako papatay, ako naman ang mapapatay.

Intuwisyon ang nagturo sa akin upang patuloy na mabuhay.

Dumating rin ako sa puntong gusto ko na umayaw.

Gusto kong bumalik sa pagiging tao.

"Ang dahon ng Yggdrasil, may kakayahan daw iyon na gawing taong muli ang isang naging bampira." si

Heimdall ang nagbigay sa akin ng impormasyon na iyon.

Walang bahid ng pagdududa kong sinunod ang suhestiyon niya. Pumitas ako ng isang dahon.

Nagliwanag ang napakalaking puno. Nilamon ako ng liwanag na iyon.

 At pagkatapos ay tatlumpung taon na ang nakalipas.

Nagdilat ako ng mata. Alam ko at napapakiramdaman kong oras na ng pagbangon.

Subalit hindi ako makatayo.

Mahapdi at umuusok ang aking leeg, dalawang braso at dalawang binti.

May mga kadenang gawa sa pilak ang nkapatong sa mga iyon.

"AMA, PAKAWALAN MO AKO."  

Page 98: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 98/283

 

Nasa gilid ang aking ama. Pinagmamasdan lamang niya ang paghihirap ko.

Lumalalim ang mga sugat at lumalakas ang usok sa bawat sandaling nagtatagal ang kadena sa aking katawan.

Kailangan ko nang umalis! Nangako ako kay Serenity!

"AMA!" 

“Kung gusto mong makawala, kinakailangang itaas mo pa ang antas ng iyong kapangyarihan!" 

Sinasabi ko na at may binabalak siya. "AYOKO!" 

"Hindi na ako makakapaghintay pa Loki, matanda na ako. Nararamdaman ko na si kamatayan. Ang gusto ko

ay lipulin mo na ang mga bampira bago pa maubos ang aking huling hininga!" lumabas siya ng silid ko

pagkasabi niya nun.

Nababaliw na nga siya!  

 Arrrgh!  

Lalong tumitindi ang hapdi na nararamdaman ko.

Kayang tiisin ng diwa ko ang sakit. Pero ang mismong katawan ko, sumuko na.

Kusang lumabas ang itim na aura sa aking katawan. Pakiramdam ko, napakalakas ko.

 At walang sinuman ang hihigit pa sa akin.

Page 99: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 99/283

 

****

Serenity's POV: 

Kaninang kanina pa ako nagmumukmok dito sa isang sulok. Hindi pa dumarating si Loki.

Si Coleen, hayun, kausap yung mga kaklase niyang lalake na kung ituring niya ay bilang mga 'subordinates'.

Si Raine, kasayaw niya ang pinakamaarte este pinakamagandang estudyante dito sa school. Pero sabi ni Coleen

ako daw ang pinakamaganda hindi daw yun.

Haiszt. Umuwi na lang kaya ako? 

Eh paano kapag dumating si Loki pagkaalis ko? Sayang naman.

Eh si Fenrir kaya? Baka bigla na naman siyang sumulpot.

Waaaaa! Erase Erase!  --Bakit naman kaya yun nasagi sa isip ko!

May isang taong nahagip ng aking paningin. Kanina ko pa talaga siya nakita mula nang dumating kami dito ni Coleen

sa bulwagan. Ngayon ko lang siya napagtuunan ng pansin.

Guwapo siya, matangkad, bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na tuxedo. Pero mukhang suplado.

 Ang ipinagtataka ko lang ay kanina pa siya hindi umaalis sa kanyang pwesto. Mas nakakapagtaka rin na walang

pumupuna sa kanya.

Page 100: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 100/283

 

Duh?! Nasa gitna lang naman siya ng bulwagan!  

Dinadaanan lang siya. Walang kahit sino ang lumalapit at kumakausap sa kanya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Mas gwapo siya sa malapitan kaso ang putla niya.

"Hello. Kanina pa kita napapansin. Nakatayo ka lang diyan. Hindi ka ba nangangalay?" 

Nagulat yata siya.

"Nakikita mo ako?!" 

Tumango ako at ako naman ang nagtaka. "Bakit hindi ka ba dapat nakikita?" 

Don't tell me na isa siyang MULTO?!  

"Imposible, hindi ako dapat makita ng isang ordinaryong tao." aniya pa.

Parang tinakasan yata ako ng dugo sa mukha.

MAY THIRD EYE AKO?!  

Napaatras ako. Handa na ako tumakbo palayo sa kanya. Pinigil niya ako.

Page 101: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 101/283

 

"Huwag kang lalayo sa liwanag, may panganib na nagbabadya ngayong gabi." 

 Ano bang sinasabi niya? 

"Lima. Apat. Tatlo. Dalawa. Isa."

****

Tyr's POV: 

Pagkasabi ko ng huling bilang, tumigil ang lahat ng mga tao na nasa bulwagan. Kabilang na ang dalagang nakakita

sa akin.

Sa tinagal tagal kong nagmamasid sa karagatan ng mga ordinaryong tao, ngayon lang nangyari na may nakapansin

sa akin.

Isa ba siyang espesyal na tao? 

Mamaya na ang mga haka haka. Nandirito ako ngayon upang tugisin ang isang mapanganib na bampira.

Lumalakas ang isang ordinaryong bampira kapag nakainom siya ng dugo ng isa pang bampira.

Nagkakaroon ng pagsasalin ng kapangyarihan.

 Ang bampirang target ko ay nakainom na ng dugo ng hindi bababa sa isandaang bampira.

Page 102: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 102/283

 

 Alam kong hindi pa siya kuntento doon. Iba nga naman kung ang dugong mainom niya ay magmula sa isa sa mga

tagapagmana ni Ymir.

Si Loki ang target niya.

Bumunot ako ng espada. Nakiramdam saglit.

Hindi ako binigo ng hangin. Naroroon siya malapit sa malaking bintana.

Crash!  

Crash!  

Nahagip ng espada ko ang salamin ng bintana at nabasag iyon.

Nakailag ang target.

"Huwag ka nang magtangka pang tumakas--" 

Nahila ko ang mahaba niyang buhok.

Oo babae siya. Pero wala akong sinisino basta dapat patawan ng parusa.

Nakasuot din siya ng bestida gaya ng mga tao sa bulwagan. May kulorete sa mukha at nakaayos ang buhok.

Page 103: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 103/283

 

Magandang maganda siya kung tutuusin.

 At ang kariktan niya ang ginagamit niya upang makapangbiktima ng mga lalaking bampira. Lumakas siya dahil siya

ay mautak.

"BITAWAN MO AKO." 

"Kahit gaano ka pa kalakas, wala ka pa rin kumpara sa aming mga direktang nakatanggap ng dugo ni Ymir--" 

"Tyr.. Nakalimutan mo na ba? Hindi ba't wala kang ipinagkaiba sa akin noon? Umiinom ka rin ng dugo ng

kapwa natin dahil naghahangad ka ng mas higit na kapangyarihan?" 

"TUMAHIMIK KA!" 

"Napili ka lang ni Ymir, kung makaasta ka na akala mo sinong pantas!" 

Naibalibag ko siya sa pader. Pagkatapos ay hinila ko ulit ang kanyang buhok.

Itatarak ko na lang ang espada sa kanyang puso nang may kumagat sa kanyang leeg mula sa likuran niya.

Pumalahaw siya habang may sumisipsip sa kanyang dugo.

"LOKI, ANO'NG GINAGAWA MO?" huminto siya sa kanyang pagsipsip at tinitigan niya ako.

Pula ang kulay ng kanyang mga mata habang blangko ang kanyang ekspresyon.

 Ang palahaw ng babaeng bampira ay napalitan ng marahas na panaghoy.

Page 104: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 104/283

 

Napagtanto ko kung bakit siya namimilipit sa sakit.

Bumakat ang dugo sa dibdib na bahagi ng kanyang bestida, mula doon, may tumagos na kamay na hawak ang

kanyang puso.

Dinurog ng kamay ang puso.

Unti unti siyang naging abo at sumanib sa hangin.

Dinilaan ni Loki ang dugo sa kanyang labi. Alam kong may nagbago na naman sa kanya; bukod pa sa pagkagising

niya sa unang antas nung huli kaming naglaban.

"Tamang tama at nandito ka Tyr, nagugutom pa ako. Gusto ko ang dugo mo." 

A/N: ------Maraming maraming salamat po sa pagtangkilik sa LOKI >_<kilig much ako! Ahm... kung napapansin po

ninyo, may mga characters na malalim kung magtagalog at mayroon ding mga kolokyal lang o yung mga taga-kalye

[hehe].. SINADYA ko po yun kasi iba iba ang personality nila..boring kapag puro tayo pa-deep...

So ngayong dumarami na ang mga revelations, asahan po ninyong meron pang parating.. papag-isipin ko pa kayo

lalo at guguluhin ko ang inyong imahinasyon.. Sino nga ba talaga ang bida sa seryeng ito? At ang mga kalaban ba

talaga ay talaga nga bang kaaway?

-----------Abangan!

----

14th Night 

Loki's POV: 

Page 105: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 105/283

 

Iba ang pakiramdam ko ngayong gabi.

 Ang lakas ng loob ko. 

Si Tyr na naging tagapagsanay ko dati, na tinitingala ko dahil napakahusay niyang mandirigma, parang kayang-kaya

ko na siyang paslangin ano mang oras ko naisin.

Hindi siya kakikitaan ng takot. Pero hindi rin siya tanga upang sagupain ako.

Nagpalinga-linga ako. Sagabal ang mga tao. Ano kaya kung isa isa ko silang patayin?

Nakakaaliw. Hindi nila alam na tumigil ang oras nila, at kung mamamatay sila, lalong wala silang malalaman.

Sandali..

Tumigil ang oras ng mga taong nandirito? 

Hindi iyon saklaw ng kapangyarihan ni Tyr!  

May iba pa bang Aesir na nandirito ngayon? 

Sino--

Naitulak ko ang tao sa kaliwa ko dahil inilagan ko ang surpresang atake ni Tyr.

Hinawi niya ang mga taong nasa gitna ng bulwagan sa pamamagitan ng malakas na hangin.

Page 106: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 106/283

**** 

Tyr's POV: 

May mangyayaring hindi maganda kapag hindi ako kumilos.

Nakita kong pinagmamasdan ni Loki ang mga tao dito sa bulwagan. Wala siya sa tamang huwisyo kaya malamang

ay balak niyang isa isang patayin ang mga nandirito.

Mahirap kumilos sa ganitong sitwasyon lalo na at hindi inaasahan.

Hinawi ko ang mga tao upang hindi sila matamaan sa gagawin kong mga pag-atake mula ngayon.

"Humanda ka." 

Sa aking mga palad, naipon ang malakas na presyon ng hangin. Nag-anyong sibat iyon at ipinukol ko kay Loki.

Bago iyon tumama sa kanya ay naghiwa-hiwalay sa isanglibo pang maliliit na talim.

Sinangga niya iyon gamit din ang hangin.

Tapos ay bigla na lamang siyang nawala.

"Hanggang diyan ka na lang ba talaga Tyr?" 

Nasa likuran ko na siya. Isinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Sa naaalala ko, hindi ka ganyan kahina." 

Page 107: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 107/283

 

Hindi ako sumagot. Sa ngayon ay iniisip ko kung ano ang gagawin kong pag-atake dahil hindi ko na magagamit ang

hangin laban sa kanya.

Si Loki ang maestro ng pagbabalatkayo. May kakayahan siyang gayahin ang kapangyarihan ng kahit na sino.

May ilang beses ko na rin siyang nakita noon na nanggagaya ng anyo.

Para siyang hunyango.

Pumikit ako at sa pagdilat ko ay kulay pula na ang aking mga mata.

Bumubulwak ang mga ugat sa aking mga braso at--

"HUWAG MO'NG GAGAWIN YAN TYR."  

Nagpakita sa harap ko si Odin. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakasama sa aking misyon.

Siya ang pinakaunang prinsipe ng mga bampira. Walang nakakaalam kung gaano siya kalakas. Kung mayroon man,

matagal na niyang pinatay.

Sa ngayon ay hindi na siya aktibo sa pakikipaglaban sa hindi matukoy na dahilan. Ang pinakahuli niyang misyon ay

patungkol sa mga lahi ng taong-lobo.

Isa daw digmaan ang naganap ayon sa bali-balita.

Kung ako ang tatanungin, hindi digmaan ang tawag sa iisang bampira laban sa isandaang libong taong-lobo.

Nilipol niya ang isang buong nasyon sa loob lang ng tatlong araw na walang pahinga.

Page 108: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 108/283

 

Sigurado akong may nangyari pagkatapos noon dahil agad niyang hiniling kay Ymir na alisin na siya sa hanay ng

mga bampirang aktibo sa pakikipaglaban.

Subalit ngayong gabi, nagpursigi siyang samahan ako.

"Bakit Odin?" 

Tahimik yata si Loki at tila ba hindi makakilos. May ginawa marahil si Odin.

"Nahuli ko na si Loki. Wala nang rason para gumamit ka pa ng kapangyarihan. Nasa ikatlong antas ka na

hindi ba?" aniya.

"Oo." 

"May dalawang antas ka na lang Tyr." 

"Wala namang kaso kung tutuntong ako sa ikaapat." katwiran ko.

Dumilim ang anyo ni Odin. "Ito ang tatandaan mo Tyr, sa oras na tumuntong ka ng ikalimang antas, hindi mo

na makokontrol pa ang sarili mong katawan at hindi mo na maibabalik sa dati ang pag-iisip mo. Asahan

mong papatayin kita kapag dumating ang sandaling iyon--MALIWANAG BA?"  

Tumango ako ng marahan.

"Umalis ka riyan." 

 Agad akong tumalima.

**** 

Page 109: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 109/283

 

Odin's POV: 

Pinagmasdan ko si Loki.

Hindi siya makagalaw ngayon sapagkat binigyan ko siya ng isang sumpa.

"Seselyohan ko ang kapangyarihan ni Loki." sabi ko kay Tyr.

"Bakit hindi mo na lang siya patayin bago pa mahuli ang lahat?" tanong niya naman.

"Magagalit si Ymir kapag ginawa ko iyon. At kapag nagalit siya, walang sinuman sa atin ang kayang pumigil

sa kanya." 

"Kahit ikaw, hindi mo kaya?" 

"Oo." 

 Ang totoo ay sirang sira na ang aking katawan. Narating ko na ang huling antas ng pagiging bampira kagaya ni Ymir.

Walang pinipiling oras ang pagkalaban ko sa aking sarili. Pilit kong pinapalakas ang aking isipan at pinaglalabanan

ang matinding daloy ng kapangyarihan na nais kumawala sa akin.

Para akong isang banga na maraming lamat ngunit puno ng tubig. Di katagalan ay sisirit din ang tubig sa mga lamat

hanggang sa tuluyan nang masira ang banga.

Wala nang lunas sa aking kalbaryo kundi ang matinding meditasyon at ibayong pag-iingat. Mahalaga sa akin ang

pagiging kalmado sa lahat ng oras.

Page 110: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 110/283

 

Pareho na kami ng kalbaryo ni Ymir. Pero iba ang paraang naiisip niya upang mas mapatagal pa ang kanyang

eksistensya.

Gusto ni Ymir na magkaroon ng panibagong sisidlan, o sa madaling salita, bagong katawan. Ako ang unang napili

niya.

 At dahil sa nasira na din ang aking katawan kaya naririto ngayon si Loki.

Si Loki ang pinili niya. 

Sa aming walo, kaming dalawa lang ni Loki ang nagmula sa pagiging tao. Kaya't hindi ako maaaring magkamali sa

mga binabalak ni Ymir.

Mahalagang manatili si Loki sa pinakamababang antas para kay Ymir kaya't pabor sa kanya kung selyohan ko ang

kapangyarihan nito.

Wala akong magagawa. Wala akong mapagpipilian.

Papatayin ko si Ymir. Maghihiganti ako dahil hinila niya ako paibaba sa karimlan kung saan siya mismo ay

nakalublob.

Kung magtagumpay man ako o hindi, siguradong bibigay na ng tuluyan ang katawan kong ito. Kailangan kong

masigurado na may kahit isa na makakapatay sa akin kapag nangyari yun.

Wala nang dapat sumunod sa yapak naming dalawa ni Ymir.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa gitna ng noo ni Loki.

May tumakas na liwanag sa daliri ko at sumalin sa kanya.

Page 111: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 111/283

 

Sa ilalim ng kanyang mga paa lumabas ang isang pentagram.

Nang mawala ang liwanag, pinakawalan ko na rin si Loki mula sa pagkakaestatwa niya.

"Selyado na ang kapangyarihan mo. Maaaring makawala ka, maaaring hindi. Depende yan sa'yo. Ngunit isa

lang ang sigurado, ikaw ngayon ang pinakamahina sa ating walong magkakapatid." 

Lumingon ako kay Tyr. "Umalis na tayo." 

Nakatalikod na kami ni Tyr nang magsalita si Loki.

"--Salamat."  

Hindi ko siya tinugon.

"Lima. Apat. Tatlo. Dalawa. Isa."  

Kasabay ng huling bilang, naglaho kami ni Tyr. At kasabay din niyon, naglaho ang mahika ng oras.

Tumulak kami ni Tyr sa tarangkahan ng Asgard.

Bigla ko nang naramdaman ang epekto ng muling paggamit ng mahika.

Nanginig ang mga kalamman ko. Aktibo na namang dumadaloy ang malakas na kapangyarihan sa aking katawan.

"ODIN!" 

Page 112: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 112/283

 

"Huwag kang lalapit Tyr. Mauna ka na sa Bifrost." 

Wala siyang lakas para suwayin ako. Nauna nga siyang pumasok.

Sumandal ako sa tarangkahan at pinaglabanan ang sakit.

Kung sana ay hindi na lang ako naging bampira..

**** 

Loki's POV: 

Kumurap kurap si Serenity habang nasa harap ko siya. Kanina ay nasumpungan ko ang kamay ko na balot ng

malansang dugo. Palihim kong pinahid iyon sa aking panyolito.

 Ayoko nang muli pa niya akong makita nang may bahid ng dugo.

"L-LOKI?!" 

Ngumiti ako. "Bakit, hindi ka ba naniniwalang darating ako?" 

Mangiyak ngiyak na naman siya. Napakaiyakin niyang bata.

Ginagap ko ang kanyang kamay at humalik doon habang ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa kanyang mukha.

"A-ano ka ba, pinagtitinginan nila tayo! Nakakahiya." 

Hindi ko binitiwan ang kamay niya o mas tamang sabihin na wala akong balak bitawan iyon.

Page 113: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 113/283

 

Parang ang tagal naming hindi nagkita. Marami ang nangyari sakin pero mas maigi nang sarilinin ko na lang.

Pagkatapos ng gabing ito, hindi na ako babalik sa aking ama. Hindi na rin ako papaslang ng mga bampira dahil sa

utos.

Bahala na kung saan ako dalhin ng bagong tadhana na ibinigay sa akin ni Odin.

Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong kalayaan kahit kailan. Sarili ko na ang buhay ko.

"Halika, sumayaw tayo." yaya ko sa kanya.

Nagtungo kami sa gitna ng bulwagan kung saan marami rami na rin ang mga pares na nagsasayaw.

Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat at ang mga kamay ko naman ay nasa kanyang bewang.

Sumabay kami sa saliw ng malamyos na musika.

"--Kristana, alam mo--" 

"K--Kristanna?" nalungkot siya pagkasabi nun.

Hindi ko alam kung bakit lumabas mula sa bibig ko ang pangalan na iyon. Ni hindi ko kilala kung sino si Kristanna--

Kumalas na lang si Serenity sa pagkakaakbay sa akin.

"Sandali lang!"  

Page 114: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 114/283

 

Humarap siya sa akin. Nagsimula na siyang umiyak. "Loki, hindi ako si-- Kristanna!"  

Iniwan niya ako sa gitna ng bulwagan.

**** 

Thor's POV: 

Naabutan ko si Odin na nagdedeliryo na yata sa tarangkahan patungong Bifrost.

"Huwag mong sabihing padadaig ka sa halimaw diyan sa loob mo?" sabi ko. Pinapalakas ko lang ang loob niya.

Matagal na kaming pakners niyang si Odin, at gusto ko pa siyang makasama nang mas mahabang panahon.

"Tarantado!" 

"Kapag nakaraos ka na diyan, punta naman tayo sa bahay-aliwan, mag-inuman tayo." 

"Puro ka talaga good time, Thor." 

 Ang galing din ni Odin ah? Biruin mo, nakakangiti pa kahit namimilipit na sa sakit. 

Sabagay sanay na siya dun. Masokista na eh.

Siya po ang nagturo sa akin na uminom ng alak. Wala talaga akong alam sa mga happy happy. Laking Asgard kaya

ako.

Tagal makamove on ni Odin ah.

"Ano Odin, kukuryentihin na ba kita?" 

Page 115: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 115/283

 

Sakto namang tumayo na siya at para bang walang nangyari. "Tara na nga!" 

A/N: Ang akala ko ay hindi ako makakapag update ngayon... nawili ako sa kakaedit >_< piniga ko na lang ang utak

ko para makapagproduce ng chapter 15.. sana po ay magustuhan ninyo. *bow*

----

15th Night

Serenity's POV: 

Iniwan ko si Loki sa gitna ng mga pares na nagsasayaw sa bulwagan.

Biglaan lang. Ang sakit sakit kasi.

Yung pakiramdam na ako ang nasa harapan niya, pero ibang tao pala ang laman laman ng isipan niya.

Si Kristanna. 

Umawang ang pintuan. Nandito kasi ako sa may comfort room. Alam kong ito ang safest place dito at hindi

magtatangka si Loki na sundan ako dito.

Dagli kong pinahid ang aking luha.

Tatlong babae ang pumasok, nagtatawanan sila. Kabilang sa tatlo ang kapareha ni Rain, si Aliyah.

Nauna siyang pumasok at sa pagdaan niya, sinadya niyang bungguin ang balikat ko.

 Ang isa naman niyang kasama ay hinawi ako gamit ang siko.

Page 116: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 116/283

 

Masakit ah!  

"Ano ba? Bakit ka nanunulak?" 

Tinaasan lang nila ako ng kilay.

"Sino yung kasama mo? First time ko lang yata siya nakita. Kung student siya ng school natin, I'm sure na

he's gonna be famous." si Aliyah ang nagsalita.

"Boyfriend ko siya!" proud kong sagot. Ha! Mamatay kayo sa inggit. Biruin mo, ang wallflower na kagaya ko ay may

super gwapong boyfriend. Beat that it-girls!  

"Sayang talaga ano girls?"  sabi ng kasama ni Aliyah. Obvious na dineadma ako.

"--Gwapo nga, pero wala namang taste!" 

"Yeah right.. Parang kahit tsimay ko papatulan!" nagtawanan pa sika.

Nagpanting ang tenga ko. Wala silang karapatan na laitin ako ha! LALUNG LALO NA ANG MAHAL KO!  

Eh ano ba'ng gagawin ko? Sasabunutan ko ba sila? Sasampalin? Sino ang uunahin ko?

Paano kapag pinagtulungan nila ako? Eh ngayon pa nga lang tino-troll na nila ako.

"W-wala kayong karapatang sabihin ang mga ganyang bagay!" sabi ko na lang.

"Loser--" 

Page 117: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 117/283

 

BRAGADAAAAG!  

Yayks!  

Napailag kaming apat sa kabila ng sobrang gulat.

Paano naman kasi, may dos por dos na tubo ang bigla na lang humampas at tumama sa lababo.

"HOY KAYONG TATLONG PANGET, TIGILAN NINYO ANG BESTFRIEND KO!"  

"Coleeeeen!" Sa tuwa ko ay mayayakap ko na siya. Kaso umilag siya.

Bog!  

 Aray!  

Tumama ako sa pinto ng isang cubicle.

"Hah, ang top notcher ng school ay Miss Warfreak pala! Paano ka nakapagdala niyan dito? Isusumbong ka

namin sa principal!" 

BRAAAG!  

Muling hinambalos ni Coleen ang lababo.

"Sige, subukan ninyong magsumbong na butas ang mga bungo ninyo!" 

Takot ang rumehistro sa mukha ng tatlong bruha.

Page 118: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 118/283

 

"ALIS NA!" utos sa kanila ni Coleen.

Dahan dahan nila kaming nilagpasan at takot na takot madikit ang kahit na sino sa amin.

Nakahinga ako ng maluwang pagkaalis nila.

"Bakit ka may dalang tubo Coleen?" 

"Ah eto?” hinagis niya iyon sa bukas na pintuan sakto namang may dumaan na lalaking kaeskwela. Natamaan siya

sa paa.

"P*TANG INA SINO NAGBATO NITO?!"  galit na galit na nag-aamok ang lalake!

Naku, patay na kami nito!

Tinitigan siya ng masama ni Coleen.

Laking gulat ko at biglang bumait hitsura ng lalake. "M-master ikaw pala! S-sorry! Alis na ako--" 

"Oh? Ano'ng nangyari dun?" mangha kong tanong.

Nagkibit lang ng balikat ang aking best friend.

"Bakit ka nga may dalang ganun? Ayan nakatama ka pa tuloy." 

"Hinahunting ko yung lalaking kasayaw mo kanina. Eh- nakita kong pinaiyak ka niya. Dapat sa lalaking yun,

pinupulbos ang mga buto buto." 

Page 119: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 119/283

 

Waaa! Ang brutal naman nito! Siguro pag nagging bampira siya, patay na!  

"N-naku, nagkakamali ka Coleen!" 

"Kasi naman, ang hilig mo sa mga gwapo, pinapaiyak ka naman nila! Una si Rain, tas ngayon-- Sino ba yung

lalake na yun? Kakaiba siya eh." 

Paano ko ba sasagutin ito.. Waa?!  

"Ayos lang kung ayaw mong magkwento sakin. Naiintindihan ko. At isa pa, wala kang maaasahan sa akin

basta tungkol sa pag-ibig." 

 Ang bait talaga ni Coleen kahit may lahing sadista. Pahug nga. 

Umiwas na naman siya kaya muntik na akong madulas. Pero nahawakan naman niya ang kamay ko.

"Patanga-tanga ka kasi kaya ka binubully ng mga panget na yun. Kung nag-artista ka na kasi, eh di sana ikaw

ang sikat at-- blah blah blah.." 

Heto na naman tayo sa pagpupursige niyang maging manager ko. Nailing na lang ako.

"Tara na nga Coleen bumalik na tayo sa bulwagan!" 

****

Heimdall's POV: 

Hay nako, kumikilos LAHAT ng mga kapatid ko ah.

Page 120: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 120/283

 

Kunwari pa si Odin pero nakikisawsaw din pala sa isyu tungkol kay Loki.

 Alam kong iba iba kami ng modus, kanya kanyang paraan, at may mga kakampi o kaaway sa aming landas.

Ganunpaman, natitiyak ko na lahat kame ay iisa lang ang minimithi.

Well, paunahan na lang! Speaking of kakampi, mayroon akong kasapakat na isang tao. Matagal na. Hindi lang

halata.

Pero sira na ang ulo ng matandang hukluban na iyon kaya dapat na siyang manahimik. Tutal ay malapit na rin

naman siyang kunin ng Maykapal sa tanda niyang iyon. Iaadvance ko lang ang kanyang paglalakbay sa kabilang

buhay.

Wala na siyang silbi pa ngayong nabigo ang aming plano.

Katumbas iyon ng pagtatagumpay ni Odin.

Dahil diyan, posibleng hindi na umuwi pa ng bahay nila ang kanyang sutil na anak.

 Ako ang nagbalik ng anak niya sa kanyang kustodiya tatlumpu't dalawang taon na ang nakakaraan.

Si Loki ang anak niya na tinutukoy ko.

 Ang pagkalason ni Loki mula sa dahon ng Yggdrasil ay nangangahulugan ng tatlumpung taon na pagkakahimbing at

pagkawala ng lahat ng alaala.

Lima, dagdagan pa ng tatlumpu't dalawa..

Labintatlong taon na lamang ang natitira bago mabuhay muli ang puno ng Yggdrasil.

Page 121: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 121/283

 

Hindi ko pa rin alam kung ano ang sunod kong gagawin. Ang hirap kayang magplano.

Sa ngayon, gusto kong kumilos ng malinis at tahimik. Ganun lang.

Kumatok ako sa pinto ng isang lumang mansion. Pinagbuksan ako ni tanda.

"Ikaw pala. Ang tagal na nating hindi nagkita ah? Walang wala kang ipinagbago. Tuloy ka." 

Oo bihira lang akong magawi sa mundo ng mga tao. Ako kasi ang tagapagbantay ng Bifrost eh.

Pumasok ako ng tahimik. Napakalaking pagkakamali niya ang magpatuloy ng isang bampira sa kanyang tahanan na

balak pala siyang patayin. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" 

Umiling siya. "Ang totoo ay natatakot na akong matulog. Baka kasi kapag nahimbing ako ng husto ay hindi na

ako magising!" 

"Ganun ba?" pagdating namin sa silid-tanggapan ay agad akong umupo sa isang magarang sofa.

Inilabas ko ang aking plawta.

"Maupo ka rin at may ipaparinig ako sa iyong musika." 

Umupo naman si tanda sa silya sa gilid ng sofa.

Tumugtog ako. 

 Akala ng marami ay isa akong brutal na bampira dahil mukha akong astigin. Pero hindi talaga ako humahawak ng

patalim.

Page 122: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 122/283

 

 Ang aking tanging sandata ay ang plawtang ito. Ang musika ang aking kapangyarihan.

Maraming nagagawa ang bawat notang aking nalilikha.

Mapanlinlang ang bawat himig.

Kayang kumontrol ng mga hayop at nilalang ang aking musika.

Maaaring malamyos ito sa pandinig, ngunit kaya pala nitong wasakin ang isang kaluluwang nahumaling.

Higit sa lahat, ito ay may kakayahang bumawi ng buhay.

Nakita kong napasandig ang ulo ni tanda sa sandalan ng kanyang silyang kinauupuan.

Pikit ang kanyang mga mata at nasa mukha niya ang kapayapaang hinahangad ng kahit na sinong handa na para sa

kabilang buhay.

Itinigil ko na ang pagtugtog ng aking plawta.

Walang sinuman ang nabuhay pa sa saliw ng aking musika ng kamatayan.

****

Fenrir's POV: 

Hindi naman ako dapat pupunta dito kung hindi umalis si Loki.

 Ako na ang stalker!  

Page 123: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 123/283

 

Pero hindi kay Loki ah?

Kay Serenity. 

Ewan ko nga ba. Lagi ko na siyang sinusundan at laging dinadama. Pakiramdam ko lagi ay dapat ko siyang

protektahan. Hindi nga lang ako palaging lumalapit.

Mas maganda magmasid mula sa malayo. Trust me.

Pansin kong hindi naman siya pinapahalagahan ni Loki. Gaya ngayon. Malalim na ang gabi pero iniwan siyang mag-

isa nun.

Iritable ang pakiramdam ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong may maraming tao. Mas kabisado ko ang pag-iisa.

Lalong nakakairita ay ang walang kakurap-kurap na mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kababaihang naririto.

Nakakaasiwa.

Tiis tiis na lang . Anong magagawa ko kung sadyang napakagandang lalake ko? Kung panget ako, ganun din,

pagtitinginan din ako. Patas lang.

"--Ay oo Coleen, ayos lang ako. Nandiyan na ang sundo ko. Ikaw ba? Hindi ka ba sasabay?" si Serenity iyon.

Hindi ko na napansin na dumaan na pala siya sa harap ko.

'HINDI KO NAPANSIN'  bago sakin yun ah? Ako pa naman ang pinakamatinik pagdating sa surveillance.

Tiningnan ko siya.

Napahanga ako sa kanyang ganda.

Page 124: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 124/283

 

Pagmamalabis ba kung sasabihin kong siya ang reyna ng gabi?

"--Ah hindi na, may sundo rin ako. Mag-ingat ka na lang." 

Naghiwalay na sila ng kanyang kaibigan pagkatapos mamaalam.

Sinundan ko si Serenity nang tahimik.

Huminto siya sa tapat ng isang itim na kotse.

"Manong Danny, kanina pa po ba kayo?" aniya.

"Hindi naman iha. Oh paano, sumakay ka na at uuwi na tayo." 

Pasakay na siya ng kotse nang pigilan ko siya. Hawak ko siya sa kanyang braso.

Kita kong may takot sa mukha ni Serenity subalit nanatili siyang tahimik.

Natrauma ba siya sa katawan ko kaya ganto ang reaksyon niya pagkakita naming muli?

"Sino ka?" tanong ng may edad na tsuper.

Tinitigan ko siya sa mga mata. Unti-unti siyang nawala sa kanyang sarili.

"Mauna ka na. Ako na ang maghahatid kay Serenity pauwi." 

"Uuwi na ako. Ikaw na ang maghatid kay Serenity." binuhay ng tsuper ang makina ng sasakyan at pagkatapos ay

mabilis na pinaandar iyon.

Page 125: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 125/283

 

Naiwan na lang kaming dalawa ni Serenity.

"K-kaya mong pasunurin ang kahit na sino?"  tanong niya.

"Hindi naman. Hipnotismo ang tawag doon. Basic na kakayahan ng mga bampira. Hindi eepekto yun kapag

walang eye-contact." 

"Ah ganun ba." 

"Halika na, maglakad tayo pauwi." 

"Ano pa nga ba? Wala na yung sundo ko eh, pinaalis mo." 

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay. Basta bigla ko na lang naisipang gawin yun. Hindi naman siya tumanggi at

hindi naman niya binawi ang kamay niya.

Sinimulan na namin ang paglalakad.

A/N: Magandang gabi bayan! Usapang animal naman po tayo xD sana po ay magustuhan ninyo--- by the way po....

ang tagalog ng Squirrel ay Ardilya at ang English ng Ulupong ay Viper.. Serpent po talaga dapat kaso ang tagalog ay

 Ahas... mas gusto kong gamitin ang Ulupong. >_<

*bow*

----

16th Night

Serenity's POV: 

Page 126: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 126/283

 

Kalaliman ng gabi at kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Kasama si Fenrir.

Magkahawak ang aming kamay.

Wala naman akong nakikitang masama doon. Magkaibigan kame.

Pero sana nagsasalita siya di ba? 

"Fenrir.." okay, ako na lang ang babasag ng katahimikan.

"Ano yun?" 

Hala, binawi niya ang kanyang kamay. Naconcious yata?

This time ako naman ang humawak sa kamay niya. Aba mahirap na! Mamaya niyan bigla na lang siyang umalis

habang nasa gitna kame ng madilim na daan. Kawawa naman ako. Mabuti na yung dama ko na magkasama kami.

Hindi ko talaga siya bibitawan hangga't hindi kami nakakarating sa mansyon ko.

"Magkwento ka naman tungkol kay Loki. Noong magkasama pa kayo." 

****

Fenrir's POV: 

Tinawag ni Serenity ang pangalan ko. Ang akala ko ay sasabihin niyang bitawan ko siya.

 Agad agad akong nagbawi ng kamay.

Page 127: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 127/283

 

Hinawakan naman niya uli iyon. Mahigpit.

Natatakot ba siya? Nandito naman ako. Hinding-hindi ko siya pababayaan. Ego ko lang.

 At pagkatapos ay humiling siya na magkwento ako tungkol kay Loki noong magkasama pa kami.

Parang hindi naman niya maiintindihan.

Si Loki ay ibang-iba sa nakaraang tatlumpu't pitong taon.

Sariwa pa sa alaala ko ang hitsura niya noong unang beses na dinala siya ni Ymir sa Asgard.

Nanginginig ang kanyang buong katawan. Takot na takot ang kanyang mga mata.

Subalit hindi maikakaila sa kanya ang pagiging isang halang na halimaw. Punung-puno ng dugo ang kanyang bibig

pati mga kamay.

Mistula siyang isang bata na gumawa ng kasalanan at huli na ng mapagtanto niya ang kanyang kamalian.

"Siya si Loki, ang bago ninyong kapatid." masigla si Ymir nang sabihin niya iyon.

Sa una ay palagi siyang tulala sa harap ng puno ng Yggdrasil. Hindi rin siya iniiwan ni Ymir.

Minsan ay nakita ko rin siyang lumuluha. Ngunit kahit kailan ay hindi siya nagwala. Tahimik lang talaga siya at hindi

nagsasalita.

Lumaon din at nasanay na siya sa Asgard. Binigyan siya ng tungkulin sa ilalim ng pamumuno ni Tyr.

Page 128: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 128/283

 

Mabait siya at magalang. Kaya hindi mo aakalain na nagtataglay siya ng pambihirang kapangyarihan.

Hindi ako naniniwalang siya ang pinakamahina dahil siya ang bunso.

Sa tingin ko pa nga ay magiging kasinglakas siya ni Odin balang araw.

Sa kanyang unang taon bilang bampira, nagkaroon siya ng kontrata sa isang napakamakapangyarihang nilalang:

Kay Hel, ang reyna ng Helheim. May kapangyarihan siyang buhaying muli ang isang namayapang bampira kung

matutupad ang lahat ng hingiin niyang kondisyon.

Sa ikalawang taon ay napaamo ni Loki at naging alipin ang Jormungand, na isang higanteng ulupong ng dagat.

Sa ikaapat na taon ay may napaamo na naman siya: ang Sleipnir, ang kabayong may walong binti at paa.

Subalit ang Sleipnir ay ibinigay niya kay Odin bilang regalo.

Kamangha-mangha talaga si Loki noon.

Pero isang araw ay nagsawa siya at naglaho na lang bigla.

"--Ayos lang kung ayaw mong magkwento. Pasensya na." 

 Ah, ang tagal ko sigurong idle. Gusto yata talaga ni Serenity na may pag-usapan kami.

Paano ba yan, tinatamad kasi akong magkwento.

Ganito na lang. 

Page 129: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 129/283

 

Ikinumpas ko ang aking kamay. Gumalaw ang mga anino na nasa paligid at nagsama-sama sa isang lugar.

Napakapit sa braso ko si Serenity. "A-anong nangyayari?" 

May pigura na unti-unting lumalabas sa naipong anino. Dalawang malalaking lobo. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay

kulay itim.

Lumapit sa akin ang mga iyon. Hinimas ko ang kanilang ulo.

"Summoning ang tawag doon. Gumagamit ako ng anino para tawagin ang mga alagad kong lobo. At silang

dalawa ang paborito ko-- sina Geri at Freki." 

Ngumiti si Serenity. Nakihimas din sa ulo ng mga alaga ko.

May naisip akong ideya.. Wala lang, lutang lang.. Kung may nagtatanong na Coke ba daw ang iniinom ko?

Nagkakamali siya. Laking Royal ako eh! Di ba nga ang motto nila : Ilabas ang kulit!

"Sumakay ka kay Freki." utos ko.

Namilog ang mga mata ni Serenity. "S-sasakay ako sa kanya?!" 

Umupo si Freki.

"Sige na." Binuhat ko si Serenity at isinakay sa likod ni Freki.

"Aaaaah!"  

Page 130: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 130/283

 

Nakakatawa ang tili niya.

Sumakay naman ako kay Geri.

"Doon tayo tutungo sa mansyon na nasa kakahuyan-- Serenity kumapit ka ng maigi ha?" 

"AYOKOOOO!"  sigaw niya pero kita ko namang halos sabunutan na niya si Freki sa higpit ng pagkakakapit niya.

Hyaaa.

Kumaripas ng takbo ang mga lobo. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dulot ng mabilis na mosyon.

****

Serenity's POV: 

Waaaaaaah! Ayokoooo!  

Hihiwalay na yata ang kaluluwa ko sa aking katawan sa bilis ng takbo ni Freki.

Yumakap na lang ako sa kanyang leeg. Takot talaga akong mahulog!

"Serenity, idilat mo ang mga mata mo." si Fenrir.

"AYOKOOOO!"  lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa leeg ni Freki.

"Nandito na tayo sa tapat ng gate ninyo." 

Page 131: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 131/283

 

Ha? Talaga?

Blink. Blink.

OO NGA ANO?

"Halika." itinaas ni Fenrir ang dalawa niyang braso ready para saluhin ako.

Duh?! Hindi ako tatalon ano? 

Nangawit si Fenrir. "Bababa ka ba o hindi?" 

Whatever kuya!  

Humawak ako sa kanyang mga balikat. Siya naman ay humawak sa aking bewang.

"--Isa.. Dalawa.. Tatlo--" 

Binuhat niya ako at kumapit ako sa kanya. Iyon nga lang, hindi namin tantsa ang distance. Ang tangkad niya kasi eh.

 Ang pandak ko naman.

 At pagkatapos---

Di sinasadyang nadampian ng labi ko ang labi niya.

HAAAAAAAH!  

Page 132: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 132/283

 

 Ano ba?!  Puro nakakahiya na lang ba talaga ang moments ko pag magkasama kami ni Fenrir?

Nagbaba ako ng paningin.

Itinaas niya ang aking mukha. At pagkatapos?

Hinalikan niya ako.

Mapusok. 

Three words lang yata ang nagcicirculate sa utak ko in the process.

OH MY GOD!  

Itinulak ko siya at nagtatakbo ako ng gate.

Binayo ko ang kawawang gate o mas tamang sabihing pinagbuntunan ko ng hindi mawaring sama ng loob ang

nananahimik naming gate.

Pinagbuksan ako ni yaya Mameng. Ibinalabal niya sa akin ang dala niyang pangginaw.

First time kong isinara ang pinto sa aking balkonahe ngayong gabi.

 Ayoko munang makakita ng mga hindi tao.

Partikular na sina Loki at Fenrir.

****

Page 133: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 133/283

 

Odin's POV: 

"Freki, Geri, saan na naman kayo nagtungo?" sinalubong ko sila sa labas ng aking templo na tinawag kong

Valhalla.

Espesyal para sa akin ang templo na ito at walang nakakapasok nang hindi ko binibigyan ng pahintulot.

"Nakipaglaro kami kay Fenrir." sagot ni Freki. Siya ang puting lobo at ang kasarian ay babae.

"--At sa kasama niyang chicks!" sabat naman ni Geri. Kabaligtaran siya ni Freki.

May kasamang babae si Fenrir? 

"Kasintahan?" tanong ko agad. Kilala ko si Fenrir. Inalagaan ko siya ng matagal na panahon. Hindi siya yung tipong

nakikipag kaibigan o nakikihalubilo sa mga babae.

"Oo!" walang kagatol-gatol na sagot ni Freki. "Hmp! Pinasakay pa sa likod ko. Sinakal ako master! At kitang kita

namin na hinalikan ni Fenrir yung babae na yun!" 

Bumuntong hininga ako. Hindi ko na papangaralan si Fenrir matanda na siya. Alam naman na siguro niya ang

magiging kumplikasyon ng pag-ibig naming mga bampira sa hindi namin kauri. Mas lalo na siya na isang taong lobo

at may dugong bampira..

"Sige na, magpahinga na kayo." 

"Opo master Odin." 

Naglaho sila na parang usok.

Page 134: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 134/283

 

Walang alipin na maaaring magsilbi sa dalawang master.

 Ako ang unang master nila Freki at Geri. Sa utos ko ay sumusunod sila kay Fenrir. Dahil doon ay nalalaman ko kung

anu ano ang mga kabalbalang pinaggagawa ni Fenrir.

 Ang orihinal na master nila ay ang pinuno ng mga taong lobo. Kaya't tiwala akong sila ang pinakamalakas.

Nakipagkontrata sa akin ang dalawang lobo matapos kong mapatay ang pinuno nila matagal na panahon na ang

nakalilipas.

May narinig akong lagaslas ng pakpak. Kasunod niyon ay may dalawang itim na uwak ang dumapo sa isang sanga

ng puno malapit sa akin.

"Huginn, Muninn, may iuulat ba kayo sa akin?" 

 Ang ibig sabihin ng Huginn ay kaisipan.

 Ang Muninn naman ay memorya.

Silang dalawa ang mata ko sa mundo ng mga tao.

Pinakinggan ko sila.

Bago matapos ang kanilang huling sasabihin, humahangos na lumapit sa akin ang aking ardilya.

Si Ratatosk.

"EPAL EPAL!" ani Huginn.

 Ang mga alaga ko talaga, nagpapaligsahan din para sa aking atensyon.

Page 135: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 135/283

 

Si Ratatosk ay napakaimportanteng nilalang para sa akin. Siya lamang ang tanging nakakagapang sa puno ng

Yggdrasil.

"May sasabihin ka din ba Ratatosk?" 

"Master, may nangyari." 

"At ano iyon?" 

"Si Mistress Freya, sumanib siya sa puno ng Yggdrasil, at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakalaya!" 

Bakit iyon ginawa ni Freya? Tinatangka ba niyang arukin ang diwa ng dakilang puno?

"Si Ymir? Ano ang ginawa niya?" 

"Umalis siya. Iniwan niya si Mistress Freya at ang puno!" 

Hindi maaari!  

"--K-kailangang may sumagip sa kanya—ang puno ng Yggdrasil, unti-unting nagkukulay dugo na po!” 

Bakit nangyayari ito?!  

Inilabas ko ang aking setro at itunukod iyon sa lupa. Nagliwanag ang pulang bato na nasa tuktok niyon.

Page 136: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 136/283

 

“Tinatawagan ko ang aking labindalawang Valkyrie—Lumapit kayo sa akin ngayon din!”  

 Ang mga Valkyrie ay ang mga bampirang binigyan ko ng dugo. Masugid silang sumusunod sa akin bilang mga alipin.

Isa-isang nagmanipesto ang mga ito.

Yumuko sila upang magbigay galang. Sila ay pawang mga kababaihang may ipinamamalas ng hindi matatawarang

ganda. Mga Diyosa sila ayon sa mga tao. “Ano po ang aming maipaglilingkod Panginoong Odin.” 

“Madali kayo, hanapin ninyo ang aking mga kapatid at iparating sa kanila na nais ko silang makita sa lalong

madaling panahon! Ngunit kapag una ninyong natagpuan si Thor ay huwag niyo nang hanapin pa ang iba.

Maliwanag ba?” 

Muli silang yumuko at saka isa-isang nagsialisan.

Page 137: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 137/283

Wala naman akong inaksayang panahon at dagli akong lumabas ng Valhalla. Tinungo ko ang Yggdrasil. Tama nga si

Ratatosk. Ngunit mas kagimbal-gimbal ang hitsura ng Yggdrasil kumpara sa kanyang naisalarawan.

----

 A/N:

Magbibigay na ako ng kaunting insights tungkol po sa totoong Scandinavian/Norse mythology kung saan ko ibinase

ang seryeng ito..para makita po ninyo ang pagkakaiba kasi hindi po 100% na parallel ang story sa myth.

Sa mitolohiya, ang Jarmungand at si Hel na isang jotunn (giantess) pati si Sleipnir ay mga anak ni Loki.

 Ang mga nabanggit kong animals, Freki at Geri, Huginn at Munnin, pati si Ratatosk ay pag-aari ni Odin--sa kanya din

talaga nagsisilbi si Sleipnir.

 Ang Valkyries ay ang mga deities na pumipili sa digmaan kung sino ang mamamatay at mapuputa sa Valhalla.

Nagiging ispirito ang mga mandirigmang napupunta sa Valhalla na pumapanig sa mga Gods sa oras ng digmaan o

Ragnarok.

17th Night

Loki's POV: 

Naupo ako sa katabing silya ng kinauupuan ng aking walang buhay na ama.

Ito na ang tumambad sa akin pagbalik ko dito sa kanyang mansion.

Wala akong naramdamang kahit na ano. Kasabay ng pagbalik ng aking alaala ay siya ring panunumbalik ng

pagkamuhi ko sa kanya..

Dahil ibinenta niya ang aking kaluluwa sa dimonyong si Ymir.

Kumuha ako ng sulo at sinindihan. Nang mag-apoy ay inihagis ko iyon sa carpet.

Page 138: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 138/283

 

Mabilis na kumalat ang apoy.

"Ganito ang ginawa mo sa akin dati hindi ba?" sabi ko.

Tinangka niyang sunugin ang aking katawan habang ako ay natutulog. Subalit nagkamali siya dahil hindi malapitan

ng apoy ang aking katawan.

Dahil iyon sa proteksyong dulot ng sumpa ng Yggdrasil.

 Ayoko nang isipin pa ang mga detalye.

Tapos na. 

Wala na ang taong pinagmulan ng aking buhay.

Wala na ang taong nagdala sa akin sa kailaliman ng impyerno.

Umalis lang ako nang lubhang malakas na ang apoy at nasimulang tupukin ang unang palapag ng mansyon.

Saka ako nagtungo sa isang tagong lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.

Sa lugar na walang hanggan ang kadiliman kung saan matagal nang patay ang ilog na pinamumugaran ng mga

kakaibang nilalang.

"Jarmungand.."  naaalala pa nga ba niya ako?

Sssssss.. 

Page 139: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 139/283

 

Isang higanteng anino ang papalapit sa akin.

Ssssssss.. 

Walang kakurap-kurap akong pinagmasdan ng mga matang nanlilisik.

Sssssss.. 

Itinaas ko ang aking kamay. Dinama ang kanyang makaliskis na mukha.

 Ang kanyang mahabang dila ay pumulupot sa aking braso.

 Alam kong wala akong dapat ikatakot. Kahit gustong gusto pa niya akong patayin o lunukin ng buhay ay hindi niya

magagawa.

Nakatali na siya sa aming kontrata. Siya bilang alipin ko.

"Loki, anak ko.." 

Hinila ko kaagad ang braso ko mula sa nakapulupot na dila ng Jarmungand.

Lumapit sa akin si Ymir at yumapos sa aking bewang.

"Nagawa mo na ba?" tanong ko.

"Oo--" napangisi siya. "Sigurado akong mamamatay si Freya."  

Page 140: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 140/283

 

Hinimas ko ang ulo ni Ymir. "Magaling.." 

Kailangang mamatay ni Freya sa lalong madaling panahon.

May nalaman siyang lihim.

 At ayokong may pagsabihan siya tungkol doon.

****

Tyr's POV: 

Dinalaw ako ng isang Valkyrie na nagsasabing kailangan ko daw puntahan si Odin.

Hindi basta-basta tinatawag ni Odin ang mga Valkyrie nang walang dahilan. Hula ko ay may nangyayari sa Asgard.

"Sige dalhin mo ako kay Odin."  sabi ko sa Valkyrie.

Inilahad niya ang kanyang mga kamay na agad kong hinawakan.

May kakaibang sensasyon akong nadama na para akong nakalutang sa ere at mabilis na umaangat.

Pagmulat ko ng mata, nasa harapan ko na ang puno ng Yggdrasil.

May kakaiba sa puno. Kulay dugo na ang mga sanga nito at nagsisimula nang tumubo ang mga kulay pulang dahon.

Nandirito rin si Odin. Nakatalikod siya sa akin.

Page 141: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 141/283

 

"Panginoon, akin pong natagpuan si Master Tyr." ang ulat ng Valkyrie.

Pumihit paharap sa akin si Odin.

"Ano'ng nangyari Odin?" 

"Si Freya-- kinukuha ng Yggdrasil ang kanyang kapangyarihan!" 

Paano nangyari iyon?

"--Wala nang oras Tyr, gamitin mo ang kakayahan mo, hugutin mo si Freya malapit sa ugat ng Asgard!" 

Umiling ako. "Odin, kailangan ko ng eksaktong posisyon kung nasaan si Freya!" 

Masyadong malaki at mahaba ang ugat. Mahirap magbakasakali at baka pati ako ay makulong sa loob.

Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking sentido.

Nagliwanag. 

Nakita ko sa aking isipan ang mga palatandaan kung nasaan si Freya.

Pinagalaw ko ang hangin sa bahaging iyon.

Dininig ko ang kanyang bawat paghinga at pagpintig ng puso.

"Sapat na ba ang nalaman mo Tyr?" 

Page 142: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 142/283

 

"Oo." 

Nagpokus ako. Mayamaya ay nagbago ang aking katawan. Naging asul na usok.

Buong bilis kong nilipad ang lokasyon ni Freya.

Nakapasok ako sa ugat. Malayo-layo rin ang tinagusan ko bago ko nakita ang aming kapatid.

Ibinalot ko siya sa aking katawang usok at tumagos kami sa likod ng Yggdrasil.

Bumalik ako sa solidong anyo. Saka ako nanlumo pagkakita kay Freya.

Naibagsak ko siya sa damuhan ng hindi ko sinasadya.

Lubog ang kanyang mga laman at ang kanyang balat ay nakadikit na sa kanyang buto. Mistula siyang bangkay.

Subalit ang kanyang mga mata ay nagngangalit at puno ng paghihimagsik.

"LUMAYO KA KAY FREYA!" sigaw ni Odin sa kabila.

Sumunod ako sa kanya. Tumakbo ako pabalik sa tabi ni Odin.

"Ano'ng problema Odin?" 

Seryoso ang mukha ni Odin.

Hindi nakalagpas sa aking pansin ang markang guhit na lumabas sa kanyang kaliwang pisngi maging ang pagpapalit

ng kulay ng kanyang mga mata.

Page 143: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 143/283

 

Nagulat ako nang tumayo si Freya. Para talaga siyang bangkay na dilat na dilat.

"Mga taksil-- ipinain ako sa puno ng kasalanan.. Mga makasarili.. Sumpain--"  wala na yata sa sarili si Freyang

kalansay. Nagsasalita siya na parang nag-oorasyon. Puro galit ang kanyang bukambibig subalit wala naman siyang

mailabas na emosyon.

"Humanda ka Tyr." si Odin ulit.

"BAKIT NGA?!"  di ko sadyang pagtaasan ng boses si Odin. Ang kulit niya kasi, ayaw pang sabihin kung napapano

ba si Freya.

"Sa pagtatangka niyang kumawala mula sa puno, umabot na siya sa ikalimang antas-- ano mang sandali

mula ngayon ay magiging Jotunn na siya!" 

Natigagal ako. "Mukhang hindi naman--" 

 Aaaaaaaaaaahhhhh!  

Sumigaw ng pagkalakas lakas si Freya.

 Ang mga ugat niya sa loob ng katawan ay nagsisilabasan at ibinabalot siya na parang suman.

"HINDI NA BA NATIN YAN MAPIPIGILAN?" 

Umiling si Odin. "Huli na ang lahat. Ang mabuti pa, simulan mo nang umatake habang hindi pa nakukumpleto

ang pagpapalit-anyo niya." 

Si Freya..

Page 144: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 144/283

 

Magiging Jotunn na?!  

Hindi sumagi sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat.

 Ang Jotunn.. 

Isang bampira na naging halimaw dahil hindi nakontrol ang kapangyarihan.

Kusang hahanap ng lalabasan ang sobrang kapangyarihan at aangkinin ang katawan ng bampira.

Marami na rin akong napatay na Jotunn. Ngungit mga mahihina lamang sila dahil mahina ang dugong kanilang

pinanggalingan.

 Ang Jotunn na galing sa walong tagapagmana ni Ymir ay hindi ko pa tantsado ang lakas.

Unti-unting lumalaki ang katawan ni Freya--- tinutubuan siya ng pakpak. Nag-iiba ang hugis ng kanyang mga paa at

kamay.

"YELO." sigaw ni Odin.

Biglang may tumubong sandamukal na yelong patusok sa ilalim ng Jotunn.

Pagkatapos ay may nagliliparan pang mas maliliit na yelong nakasusugat.

Whraaaaaaaawrrrh!  

Page 145: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 145/283

Nagwala ang Jotunn. Lumipad ito sa ere at nagbuga ng itim na usok. Lahat ng matamaan noon ay nalalanta at

nawawalan ng buhay.

"ODIN, ANG YGGDRASIL!" paalala ko.

Iwinasiwas niya ang kanyang setro sa ere.

Nakita ko na lamang na unti-unting nagbabago ang lugar. Kumukupas ang imahe ng malaking Yggdrasil pati na ang

 Asgard. Pinakiramdaman ko ang paa ko. Buhangin ang tinatapakan ko. Itim na buhangin.

Dinala kami ni Odin sa ibang lugar nang hindi dumadaan sa Bifrost?!  

Ibang klase!  

Ngayon lang yata naging galante si Odin sa paggamit niya ng kanyang mahika!

"ANO BANG TINATANGA-TANGA MO DIYAN TYR? KILOS NA!"  

****

Odin's POV: 

Kung hindi ko pa sinigawan si Tyr ay hindi pa talaga siya kikilos!  

Sasandali pa naman ang oras na pwede kong gamitin ang aking kapangyarihan.

Page 146: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 146/283

 

Gumawa ako ng isang tatak na sumpa upang magkaroon ako kahit papaano ng layang gumamit ng mahika sa loob

ng limitadong oras.

Nagsausok muli si Tyr at tinagusan ang Jotunn. Pagdating niya sa likod, muli siyang nagbalik sa dating anyo.

Nagpalabas siya ng mahaba ngunit maliit na buhawi at i tinutok iyon sa batok ng Jotunn.

"Matigas ang katawan niya, pero dito banta ay malambot!" sigaw ni Tyr habang nasa ere.

Gyaaaaaahhhrgg!  

Pumalahaw ang halimaw na waring nasaktan. Nahampas ng buntot nito si Tyr na agad namang tumilapon.

Itinukod ko ang aking setro sa lupa.

"Lumapit kayo, aking mga Valkyrie!" 

Isa-isa silang nagdatingan.

Inilapag ko ang aking retro at itinaas ang dalawang kamay.

Sa bawat daliri ko ay may bumabagtas na isang malasinulid ng kapangyarihan. Isa-isang kumabit ang mga iyon sa

likod ng aking mga Valkyrie. May dalawang hindi nalagyan.

"Kayong sampu, ipagkatiwala ninyo sa akin ang inyong mga katawan. Kayong dalawa naman, protektahan

ninyo ako." 

"Masusunod po." 

Page 147: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 147/283

 

Pinakilos ko ang sampung Valkyrie gamit ang aking isipan.

Inatake nila ang Jotunn.

Kinakailangang magapi ko ang halimaw na ito.

Kung hindi, paano pa kaya si Ymir? 

Bumagsak ang Jotunn. Nasa likuran niya ang isang Valkyrie na matagumpay na nakapagtarak ng patalim sa batok.

Pinagagalaw siya ng aking hintuturo.

Sige pa, ibaon mo hanggang marating mo ang kanyang puso.

Kuyaaaaaaahh!  

Boses iyon ni Freya. Kahalo ng boses ng Jotunn. Ngayong humina na ang impluwensya ng Jotunn, nangibabaw ang

diwa niya.

"Kuya tulungan mo ako! H-hindi ko k-kayang ibalik ang sarili k-ko s-sa dati---" 

 Argh.. Nararamdaman ko na.. Pawala na ang epekto ng sumpa.

Kapag hindi pa ako tumigil, baka-- 

"Kuya, t-tulong" 

Page 148: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 148/283

 

Hindi tama ito. Baka maulit muli ang ayaw ko nang mangyari pa.

Pinatid ko ang mga sinulid.

"MGA VALKYRIE, UMALIS NA KAYO NGAYON DIN!" 

"Masusunod po." 

Lalapit ako kay Freya. Susubukan ko kung may magagawa pa ako para---

Kumidlat ng napakalakas.

 Aaaaarggggh!  

Si Freya lamang ang tinamaan niyon.

Naulit iyon. Nagsisigaw si Freya.

Natigil lamang ang pagkidlat nang maabo na ang Jotunn na dating nag-iisang prinsesa ng mga bampira.

"Thor.."  hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling ito habang tinitingnan ko siya at

ang hawak niyang martilyo.

"Parang hindi ikaw yan Odin.. Ang Jotunn ay Jotunn. Kahit kailan ay hindi na siya magiging si Freya pa!" 

A/N: Magandang gabi bayan ^_^ heto naaaaaa ang kwentong patungong highway!!! tentenenen!

Page 149: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 149/283

 Add niyo po ako sa facebook...epal lang to... back to 1hr a day online po eh...but always online through mobile fb...

heres my fb ----->>>> [email protected]

----

18th Night

Thor's POV: 

 Ano'ng nangyayari kay Odin? Bakit siya nagdalawang isip na wasakin ang Jotunn?

Matagal na naming inihanda ang aming mga sarili na maaaring isang araw ay papatay kami ng isa sa aming walo.

 At wala na nga si Freya. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi siya naging abo.

Sinalubong ko ang blangkong titig ni Odin.

 Ano Odin? Magagalit ka dahil sa ginawa ko? 

Masisira na lang ang maganda nating samahan dahil sa emosyon mo, ganun ba?

Hindi ikaw ang boss dito. 

Ito ang tatandaan mo, dahil nasa limitasyon ka na, pigil ang paggamit mo ng kapangyarihan.

Samakatuwid, ako na ang pinakamalakas na Aesir ngayon.

Page 150: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 150/283

 

"Salamat.." biglang sabi niya kasabay ng kanyang paglalaho.

Salamat? Para saan? 

Salamat dahil nilitson ko si Freya?

O salamat dahil dumating ako bago siya naman ang maging Jotunn?

 Ang labo niya ngayon ah!  

****

Loki's POV: 

Inilapag ko ang isang pulang rosas sa altar.

Nandirito ako sa lumang kapilya na naipatayo pagkatapos kong maging bampira noon.

Ng isang babaeng hibang sa pagmamahal sa akin.

Pumanaw na siya.

Mabuti naman. 

Hindi ko masisikmura ang kanyang hitsura kung iisipin kong magsasama kami. Matanda na siya. Uugod-ugod at

alagain.

Page 151: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 151/283

 

Tama na yung naging nakaraan namin. Pero hindi ko na rin maalala ang mga bagay na nangyari sa amin noong ako

ay tao pa.

Kilala ko lamang ang kanyang pangalan at ang kanyang mukha.

Nakakatawang isipin na sa panahong ito ay may magmamana ng kanyang kagandahan.

Si Serenity ang tinutukoy ko.

Nagkamali na ako noon kay Kristanna. Ngayon ay hindi ko na dapat pang sayangin ang panibagong pagkakataon.

Nagpalit anyo ako bilang isang uwak.

Nilipad ko ang karimlan.

Marahan akong dumapo sa balustrahe ng balkonahe ni Serenity.

Sarado ang pintuan.

Nagbalik ako sa dati kong anyo.

Sa kumpas ng aking kamay, bumukas ang pinto.

Pinakiramdaman ko si Serenity na nakahiga sa kanyang kama.

"Gising ka hindi ba?" nagkunwari akong malungkot.

Page 152: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 152/283

 

Bumangon siya. "Bakit ka nandito Loki?" 

Inilahad ko ang aking kamay. "Lumapit ka sa akin Serenity.." 

Tama. Lumapit ka sa akin. Kapag nagkamali ka at binigyan mo ako ng permiso, papatayin ko lahat ng tao sa

mansyon na ito..

Hindi mo sila kailangan kapag naging akin ka na.

"Ayoko." nagmamatigas pa siya.

 Asar. Hindi siya tumitingin sa aking mga mata!  

Bumuntong-hininga ako. "Serenity, mag-usap tayo.. Parang awa mo na--" 

****

Serenity's POV: 

Tila nasanay na akong gising ng ganitong oras.

Bumukas ang pinto ng veranda. Alam kong dumating si Loki.

Subalit hindi ako natinag.

Hanggang sa nagsalita siya.

Bumangon ako at naupo. Nakatingin ako sa kanya ngunit sadya kong iniwasang tingnan ang kanyang mga mata.

Page 153: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 153/283

 

Pagkatapos ng huli niyang sinabi, naawa na ako sa kanya.

Siguro ay dapat ko na siyang kausapin ng matino. Ako rin naman ang mahihirapan kapag patuloy ko siyang tinikis

eh.

Binagtas ko ang pintuan ng veranda.

Napatigil ako pansumandali sapagkat may lumipad na dalawang itim na uwak at dumapo sa kable ng kuryente.

Bigla akong kinilabutan ngunit ininda ko na lang.

Kasama na yun sa mga tipikal na nararamdaman ko tuwing gabi kasama ang minamahal kong bampira.

 Alam ko namang hindi niya ako pababayaan.

Nagtuloy akong lumabas. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

Natakot ako. 

Pero bakit? 

Sinasabi sa akin ng isipan ko na bumalik ako ngayon din sa loob.

Paano naman ang sinasabi ng puso ko? 

Kumilos si Loki at yumakap sa akin.

Page 154: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 154/283

 

Niyakap ko din siya, syempre.

****

Loki's POV: 

Napangiti ako. Sinasabi ko na nga ba at hindi niya ako kayang tiisin.

Habang magkayakap kami, dahan dahan kong binubunot ang espada ko.

Bahagya ko iyong inilayo at itinutok sa kanyang likuran.

Saan banda ko kaya siya sasaksakin? 

Kahit saan, basta ang mahalaga ay hindi matamaan ang kanyang puso.

Heto na. 

Inundayan ko siya ng saksak pero----

Ting!  

May sumangga sa talim ng aking espada!

"ANO'NG GAGAWIN MO SA KANYA LOKI?!" 

Page 155: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 155/283

 

"Ah, ikaw pala Odin.." bati ko. Lalo kong hinigit ang paghawak sa espada upang maitulak ang kanyang setro.

Hindi lamang siya ang pangahas na dumating.

Nagpakita rin si Fenrir.

Hinila niya palayo sa akin si Serenity ko.

"Hahahaha.."  tumawa ako. "Seryoso ba kayong dalawa? Bakit kayo nanghihimasok sa personal kong

buhay?!" 

"Bakit ka nagkakaganyan Loki?" yun na ata ang pinakawalang kwentang tanong na nanggaling kay Fenrir.

Hindi ako obligadong sumagot.

Nagsausok ako at tinagusan ko si Odin. Pumaroon ako sa harap nila Fenrir.

May pakinabang naman kahit paano ang kapangyarihan ni Tyr.

"Ibigay mo sa akin si Serenity." sabi ko.

 Ahhh!  

Itinulak niya papasok ng kwarto si Serenity.

Page 156: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 156/283

 

"HUWAG KANG LALABAS SERENITY, AT WAG MO SIYANG TITITIGAN SA MGA MATA!" 

Nagkibit balikat ako.

Oh sige. Kung gusto niyo talagang magkasubukan tayo, hindi ko kayo aatrasan.

 At kapag inabo ko na kayo, isinusumpa kong gigibain ko itong mansyon na ito at kukunin ko ng sapilitan ang babae

ko!

Bumunot ng espada si Fenrir.

Isang beses sa isang buwan lang niya napapakinabangan ang kanyang kapangyarihan kaya't nasisiguro akong

bihasa siya sa paggamit ng espada.

Tumingin ako kay Odin.

Nakaupo lang siya sa balustrahe!

Ngumiti siya na nakakainis. "Bahala ka na Fenrir, susuportahan na lang kita." 

Umusal siya ng ilang ingkantasyon at itinuro ang setro kay Fenrir.

 Ang mga maliliit na liwanag na lumabas sa setro ay pumalibot sa buong katawan ni Fenrir.

"BANAT NA FENRIR!" aniya.

Page 157: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 157/283

 

Hindi ko na nakita si Fenrir sa kanyang kinatatayuan. Basta biglang nasa harapan ko na siya.

Sinalag ko ang atake niya. Pero nasipa niya ako. Napakalakas niya. Tumilapon ako sa kakahuyan.

****

Serenity's POV: 

Diyos ko ano po ang nangyayari?!  

Maluha-luha ako habang naka-crouch sa sahig. Ang mga braso ko ay nakatakip sa aking mukha.

Yung postura kapag may lindol!  

Naghahalo ang takot at lungkot ngayon sa aking sistema eh.

Si Loki.. B-bakit niya ako sasaksakin? Badtrip na ba siya sa akin? 

Iyon ang plano niya simula pa lang nung unang gabi kaming nagkita.

Pero bakit?

BAKIT? 

BAKEEEEET?!  

Page 158: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 158/283

 

"Bakit ka niya pinagtangkaan ng masama? Iyon ba ang tinatanong mo sa sarili mo?" 

Wah? 

Napatingala ako. Yung bagong dating kanina, nakaupo pala siya sa balustrahe ng veranda ko.

Umayos ako ng upo.

"S-s-sino ka?" malamang bampira din siya hindi ba? 

Batambata pa siya sa paningin. Ang tantsa ko ay mas matanda lang siya kay Loki ng ilang taon.

"Ako si Odin, panganay na kapatid ako ni Loki." hay boses mabait.

Huwaaat?! KAPATID NI LOKI?!  

Bakit ang gagwapo ng mga kapatid ni Loki? Ang ganda ng lahi nila in fairness.

Pero hindi naman sila magkakamukha.

Sige. Welcome to the club. May bagong tambay na naman sa aking pamosong balkonahe.

"Bakit ka pala nagpunta dito?" 

 Ano bang tanong yan Serenity?! Syempre para iligtas ka! Ang haba ng hair mo eh!  

Page 159: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 159/283

 

Yun ba, Mr. Odin? 

"Sinusubaybayan ko si Loki. Nito kasing mga nagdaang araw, kakaiba na ang mga kinikilos niya.." 

Bumalik ako sa aking dreary mood. "May nangyari ba sakanya? P-papatayin niyo ba siya?"  

Huwag naman sana.. 

Pero si Loki..

Papatayin niya ako..

Hindi niya ako mahal? 

Tumulo na naman ang masaganang luha sa aking mga mata.

"--Sa tingin ko ay mahal ka din naman niya.. Desidido nga siyang gawin kang isang bampira." 

Natanga ako.

Kasunod ay kinabahan.

 Ako? Magiging.. Bampira? 

Tumayo si Odin mula sa kanyang kinauupuan.

Page 160: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 160/283

 

"Wala kaming balak patayin si Loki. At dahil doon, nakasisiguro akong babalik at babalikan ka niya para

gawing isa sa amin. Ngayon-- nasa iyong mga kamay ang pagdedesisyon kung gusto mong manatiling tao o

maging kaisa namin." 

"--P-paano kung ayokong maging bampira?" 

"Bibigyan kita ng isang sumpa kung saan hinding hindi ka na makikita ni Loki kahit pa nasa harapan ka niya.

Pero huwag kang mag-alala, maaaring mabali ang sumpa anumang oras na gustuhin mo." 

Si Loki.. Hindi na niya ako makikita..

KAYA KO BA YUN? 

"--Oo makakaya mo rin yun." 

Teka nga.. 

"Kuya, napapansin kong kanina ka pa naka-side comment diyan ah? NABABASA MO BA ISIP KO?!"  

"Oo." agad niyang sagot.

Namula ako. Pulang pula.

NAKAKAHIYAA!  

****

Odin's POV: 

Page 161: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 161/283

 

Sige, ako na lang ang magdedesisyon sa usaping ito.

Tinapik ko ang kanyang noo. May nabuong marka ng pentagram doon na agad namang naglaho.

"--Ano pong ginawa ninyo?"  

"Magandang gabi. Matulog ka na." 

Nawala siya sa kanyang sarili. Naglakad siya patungong kama at saka nahiga.

Nakakatuwa siyang nilalang at gusto ko siyang makita na isang bampira. Naaalala ko sa kanya si Freya..

Subalit nakikita ko naman na hindi siya handa.

Tama ang naging desisyon ko. 

****

Fenrir's POV: 

"PAPATAYIN KITA FENRIR!"  nanggagalaiting sigaw ni Loki pagtayo niya.

Sa lakas ng sipa ko, naararo niya ang pila-pilang puno dito sa kagubatan.

Page 162: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 162/283

 

Nabulabog tuloy ang mga ibon.

Okay din ang mahika ni Odin ah? 

Hindi ko talaga inaasahan ang pagpapakita ni Odin kanina. Bigla na lang siyang sumulpot.

Minamatyagan niya siguro si Loki.

"HAH! LUMABAS DIN ANG TUNAY MO'NG KULAY. BAIT-BAITAN KA PA KUNWARI! MAS UNGAS KA PA

PALA KAYSA KAY HEIMDALL!!" sigaw ko rin. Bakit yun ang nasabi ko? Pero totoo naman di ba?

Susugod na lang si Loki, may pumigil pa.

 At nakakagulat. Dahil si Ymir iyon.

"Tama na yan Loki. Halika na." 

Nawalan ng malay si Loki at sinalo siya ni Ymir.

Tapos nawala silang dalawa.

Wala akong ideya sa nangyayari. Kailangan ko ng paliwanag!

A/N: Mula sa highway, daan naman tayo sa gas station O_o sana ay maliwanagan tayong lahat kahit ako'y

naguguluhan pa rin sa aking kinukwento..

Page 163: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 163/283

Salamat po sa mga diwata ni BlacknWhiteAssassin dahil dinalaw nila ako sa panaginip. Ako rin penge ng Fafa!

May nakalimutan akong idagdag.. Ang mga Alfar  ay elves okey!

----

Chapter 19

Odin's POV: 

"May nagpalaya kay Loki mula sa selyo na ibinigay ko. Yan ang paunang ulat sa akin nina Huginn at

Munnin." paliwanag ko kay Fenrir.

"Si Ymir ba yon?" 

"Siguro. At hindi ko pa alam ang dahilan. Nakita naman natin na masama ang epekto kay Loki ng pagtaas ng

kanyang antas. Nagiging negatibo ang kanyang pag-iisip--" 

"Wooo, kalokohan. Ang sabihin mo, talagang masama na siya noon pa. Magaling siyang magpanggap!" 

"Ikaw ang bahala sa gusto mong isipin. Hindi ka pa ba aalis?" 

Nanlaki ang mga mata ni Fenrir tapos ay napasulyap siya sa salaming pinto ng verandang ito. "Bakit ako ang aalis?

Hindi ba dapat ikaw ang umalis?" 

"Alis na Fenrir." utos ko.

"Ayoko." pagmamatigas niya.

 Ayaw mo ha? 

Page 164: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 164/283

 

Itinuro ko ang ulo ng setro sa paahan ni Fenrir. Nabutas ang bahaging yun at pagkatapos ay nahulog doon si Fenrir.

"Waaaaaaahhhh!"  

"Diretso yan patungong Asgard. Paalam." 

Pinaalis ko si Fenrir upang mapag-aralan ko ang lugar na ito.

Iba ang daloy ng enerhiya na nadama ko simula pa kanina pagtungo ko dito.

Positibong enerhiya. Ang enerhiya ng buhay.

Nagamit ko ng malaya ang aking mahika nang wala akong naramdamang kahit na ano.

Posible kayang ito na ang matagal ko nang hinahanap?

Itinukod ko ang aking setro.

"Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Kapangyarihang bumabalot sa lugar na ito, hanggang saan ang

sinasakop?" 

Nagliwanag ang aking tinatapakan. Lumawak ang liwanag hanggang tumigil sa balustrahe.

Namangha ako, sapagkat ang tanging sakop ng positibong enerhiya ay ang buong balkonahe lang na ito.

Napakaliit.

Page 165: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 165/283

 

 At sino ang mag-aakalang ito na nga..

 Ang huling santuwaryo ng mga lahing Alfar..

****

Serenity's POV: 

Tok!  

Tok !

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng veranda.

Sino? 

Nakakatakot!  

Sinabi ko na nga ba at di dapat ako pumayag na dito na tumira..

Sa ngalan ng ama..

Ng anak..

 At ng ispirito Santo..

Nagdasal ako..

Page 166: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 166/283

 

 Amen. 

Tok!  

Tok!  

Sinipat ko ang pigura sa mga salamit ng pinto.

Gusto kong sumigaw pero wala akong boses.

Tok!  

Tok!  

Naiyak na ako sa sobrang takot.

Mama ko!  

“B-Buksan mo ang pinto.. bilis.. parang awa mo na.." 

Wala akong narinig!  

Guni guni ko lang yun!  

"Madali ka.." boses iyon ng isang lalake na parang hirap na hirap.

Page 167: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 167/283

 

Kitang kita kong dumausdos ang pigura sa may pinto.

Paano kung kailangan nga niya ng tulong?

Bumangon ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng veranda.

Dahan dahan kong binuksan ang seradura.

Sa pagbukas ng pinto, napasalampak sa carpet ng kwarto ko ang kalahati ng katawan ng isang misteryosong tao.

Pinagmasdan ko siya. Ginintuan ang kanyang buhok na hanggang talampakan ang haba.. Ang kanyang tainga ay

mahaba at patusok. Ang suot niya ay mahabang roba.

 At duguan siya!  

Diyos ko!

Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi ako mapasigaw.

Parang nakikipagkarerahan ang puso ko sa bilis ng tibok.

"T-tubig.. Nauuhaw ako.." pagsusumamo niya.

Dagli kong tinungo ang mesita kung saan may iniiwang pitsel ng tubig si yaya Mameng bago ako matulog.

Page 168: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 168/283

 

Nanginginig ang kamay ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Tumabi ako sa estranghero. Tinulungan ko siyang maupo at pinainom ng tubig.

"--M-M-may sugat ka po kuya.." 

Napapikit siya.

"Wag mo akong intindihin. Malalim na ang mga sugat at malapit na rin akong mawala--" 

HA?!  

Nagbibiro lang siya hindi ba? Nakainom siya ng tubig, ibig sabihin ayos lang siya hindi ba?

Hinawakan niya bigla ang magkabilang balikat ko.

"Tao, anong pangalan mo?"  

"S-serenity p-po.. S-sampung taong g-gulang n-na ako." nasanay na kasi ako, kapag tinatanong ang pangalan,

kasunod na itatanong ang edad.

"Wala na akong oras.. Kailangan ko ng tagapagmana.. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag isang

tao ang pinili ko." 

Tagapagmana? 

Kayamanan? 

Page 169: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 169/283

 

Magkano? 

Bakit? 

"--Pero susugal ako.. Ang kapangyarihang nagpasalin salin sa mga lahing Alfar ay nagmula sa mundo, at sa

aking pagpanaw, marapat lamang na iwanan ko ito rito." 

"K-kuya, ano po ang mga sinasabi mo?" mangiyak ngiyak na ako. Nararamdaman ko kasi ang kalungkutan niya

kahit wala naman akong maintindihan.

Niyakap ako ni kuya. Nagliwanag ang buo niyang katawan.

"Serenity. Ikaw ang pinili ko. Tanggapin mo ang biyaya ng mga Alfar!" 

Naging maliliit na bola ng liwanag ang katawan ni kuya.

Tapos.. 

Tapos.. 

Pumasok lahat sa dibdib ko.

Mainit sa pakiramdam.

Masakit!  

 Ahhhhhhhhhhh!  

Page 170: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 170/283

 

Blagadag!  

 ARAY!  

Nahulog NA NAMAN ako sa NAPAKALAKING kama ko.

Umaga na.

Inis na ako ha? Lagi na lang ako pinapatulog ng mga bampira na yan.

Naalala ko ang panaginip ko.

Matagal-tagal na rin simula nang huling beses ko yun napanaginipan.

Nagsimula yun noong sampung taong gulang ako. Tapos gabi gabi, yun na lang lagi ang panaginip ko.

Ikinukwento ko iyon sa mga kaibigan ko. Palagi pa nga, gumagawa ako ng storya tungkol dun.

Nawalan ako ng kaibigan. Masyado daw kasi akong kwentong barbero.

Baliw daw ako. 

Kaya sinarili ko na lang. Nang lumaon ay hindi na rin ako dinalaw ng kakatwang panaginip na yun.

Ngayon na lamang ulit.

Page 171: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 171/283

 

****

 Ymir's POV: 

Nakinig ako sa plano ng napakatalinong si Loki.

Hindi ko inaasahan na may madidiskubre siyang napakainteresanteng bagay.

 Ang napiling tagapagmana ng lahing Alfar lang naman iyon.

 Ang mga Alfar ay nabibilang din sa mga sinaunang nilalang na namumuhay sa isang tagong bahagi ng mundo na

kung tawagin ay Svartalfaheim.

May kakayahan silang magpagaling ng kahit na anong sakit at magpatubo ng kahit na anong halaman.

Subalit sa kasamaang palad, hindi nila maaaring gamitin ang kanilang kakayahan para sa sarili o para sa kanilang

kalahi.

Sadyang napakahina nila. Inatasan ko noon sina Vili at Ve-- na pawang mga anak ko rin dati at kabilang sa mga

 Aesir-- na protektahan ang tribo ng Alfar.

Subalit, mabilis pa sa alas kwatro na naging Jotunn ang dalawa.

Nalipol sa loob lamang ng isang gabi ang lahing Alfar.

Bagama't nagapi nina Odin at Thor sina Vili at Ve, huli na ang lahat.

"--Hindi lalabas ang tunay niyang kapangyarihan hangga't nananatili siyang tao." si Loki.

Page 172: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 172/283

 

"May iba pa bang nakakaalam nito?" tanong ko.

"Hindi ko alam at wala akong pakialam. Ang mahalaga ay alam mo na kung paano bubuhaying muli ang

 Yggdrasil sa lalong madaling panahon." 

 Aba, natututo na ng pagkatampalasan ang anak kong ito.

Nakalimutan na ba niyang siya ang dahilan kung bakit naglagas ang Yggdrasil?

Tinapik tapik ni Loki ang aking ulo.

Yan ang gusto ko sa kanya, tinitingnan niya ako na para bang kasing bata lang ng katawan ko ang utak ko.

 Ang tingin niya sakin ay nakababatang kapatid at hindi ama.

Lalong kahanga hanga. Ibig sabihin, wala talaga siyang kinatatakutan.

****

Loki's POV: 

Sige lang Ymir, matuwa ka sa mga ginagawa ko.

Bilangin mo na ang masasayang araw mong bata ka.

Ilan ba sa aming mga Aesir ang gustong kunin at wasakin ang puso mo?

Page 173: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 173/283

 

Gusto mo bang malaman? 

Huwag na.

Sikreto iyon eh.

Sikreto.. 

Nakakainis. Nabuking na ako ni Odin. Malamang ay nalaman na niya, na ako mismo ang nagtanggal ng selyong

ibinigay niya sa akin.

Ganito talaga ako bago pa mawala ang alaala ko.

Nabuhay akong muli at nagbago ang pananaw ko sa mundo.

 Ang mga tao ay makasarili ngunit hindi nila laging nakukuha kung ano ang kanilang gusto.

 Ang mga bampira naman ay nakukuha ang lahat ng naisin subalit panandalian lamang.

Nabuhay akong muli na may mapaghiganting puso.

Pero sabi ko nga, panandalian lang ang sayang mararamdaman mo kapag nakuha mo na ang lahat ng gusto mo

nang walang kahirap hirap.

Pinili ko ang mahimlay at umasang hindi na magigising pang muli ang puso kong lubog sa kasamaan.

Kung hindi na ako pwedeng maging taong muli, gusto kong makalimot

Page 174: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 174/283

 

Natupad ba iyon? 

Oo.

Pero sa maiksing panahon lang.

Dahil ibinalik sa akin ni Ymir ang dati kong puso, kadikit ng mga alaala ko sa Asgard.

****

Fenrir's POV: 

Siraulong Odin yun, sukat bang ihulog ako pabalik ng Asgard?!

Hayun, tumawid na naman ako ng Bifrost para lang makabalik sa mundo ng mga tao.

 Alam kong may ginawa si Odin. Papaalisin ba niya ako kung wala? Ah ano naman kaya? May ginawa siya kay

Serenity? Subukan lang niya!  

Lumabas si Serenity sa kanilang tarangkahan.

Oo nga pala, nandito na naman ako sa tapat ng kanilang mansyon. Inaabangan ko talaga siya.

Gusto ko siyang makausap.

Matagal kong pinag-isipan kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Lumapit siya pagkakita niya sa akin.

Page 175: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 175/283

 

"Nasaan na si Loki? Ayos lang ba siya?" tanong niya kaagad.

Wow . Hindi man lang siya nagpasalamat MUNA sa pagliligtas ko sa kanya?

"Nakatakas kagabi ang siraulo na yun." 

Bumuntong hininga si Serenity na parang naalisan siya ng tinik sa lalamunan. "Salamat naman."

 Ako, hindi mo ba tatanungin kung ayos lang ako?

"--Eh si kuya ninyo kamusta na?" 

Nananadya ba siya?

Pakelam ko ba kay Odin!  

"BAKIT SILA LANG ANG KINAKAMUSTA MO?!" 

"Ha? Bakit, Fenrir? Nandito ka naman ah. Nakikita ko na ayos ka lang." 

Kahit na!  

"--Teka, bakit ka na naman ba nandito? Wala naman tayong--" 

"May sasabihin ako sa iyo Serenity at kapag sinabi ko na, hindi ko na uulitin." 

"Ano ba yun?" 

Page 176: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 176/283

 

"--Mahal kita, Serenity." lakas loob kong pag-amin sa kanya.

 Ayan sinabi ko na, at hindi ko na talaga yan uulitin muli.

A/N: Byaheng highway uli.. salamat sa mga fairy dust ng mga diwata ni Laura at ako ay nakapagproduce ng *ano ba

tawag dito?!* bow... enjoy reading kasi ako nag-enjoy nung ginawa ko to.. TEAM FENRIR gora go!!!!!

P.S. LAMANG... Hindi ko po siya kinakampihan PRAMIS po..

Pinalitan ko pala ang November ng February...NAALALA ko lang na kakatapos lang ng JS prom nila XD

----

20th Night

Serenity's POV: 

Nyaah!  

Tama ba ako ng dinig?!  

MAHAL AKO NI FENRIR?!  

O.. M.. G.. 

Pak!  

Natisod pa ako sa isang maliit na bato.

Napakapit tuloy ako sa kanyang braso.

Page 177: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 177/283

 

Pinahiya ko na naman ang sarili ko.

"Ayos ka lang? Wala ka yata sa sarili mo?" tanong niya.

 Alam mo pala eh!  Kasalanan mo 'to! Ginulo mo lalo ang isip ko.

 Ano ngayon ang sasabihin ko?

Maghihintay ka ng isasagot ko hindi ba?

Wag muna ngayon. 

Mag-iisip muna ako.

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya. Binilisan ko ang lakad para maunahan ko siya.

"Hoy Serenity!" 

 Angas naman makatawag nito, FC lang.

"HOY SERENITY!" 

"BAKET?!" 

"Sabay tayong maglakad!" 

Natanga ako. "Bakit ka sasabay, papasok ka rin ba sa school ko?!" 

Page 178: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 178/283

 

"Oo. Hindi mo ba napapansin, nakauniporme ako." 

Di ko nga napansin, ngayon lang---

 ANO?!  

NAKA-UNIFORM NGA SIYA NG SCHOOL NAMIN! 

Saang sampayan niya sinungkit ang uniform?!  

Wait lang.. Lahat ng mga polo at blouses ay may nakaburdang pangalan ng estudyante sa dibdib.

Heh. Magkakaalaman na Fenrir!  

Hinawi ko ang darkblue overcoat na suot niya at binasa ang pangalang nakaburda.

Fenrir A.

OH?! As in? 

"Ano bang ginagawa mo?" hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila niya ako palakad.

Kung makaasta siya parang hindi siya nagconfess sa akin kanina.

"Bitawan mo ako Fenrir. Ayaw muna kitang makita o makausap ngayon."  

Tinitigan niya ako. "BAKIT?" 

Page 179: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 179/283

 

"Eh di ba--" parang natutunaw yata ako sa titig niya. "--kanina sinabi mo--" 

Ngumiti siya. Alam niyo yun, yung ngiting nang-iinis?

"--Kung wala kang nararamdaman para sakin, madali lang sabihin na mahal mo si Loki, TAMA BA?"  

Namula ang aking mga pisngi.

TAMA NGA SIYA..

Eh pero.. 

 Ayoko lang naman saktan ang damdamin niya kung---

"Wala naman akong pakealam sa nararamdaman mo. Basta ako, sinusunod ko kung ano ang nararamdaman

ko." 

 Ang yabang talaga niya. Somebody kick him please? 

"--Siya nga pala, simula ngayon, lagi na kitang susunduin pagpasok at ihahatid pauwi. Bukod pa sa lagi

kitang sasamahan sa loob ng paaralan mo." 

Nganga ako. Wow. Fantastic.

****

Fenrir's POV: 

Page 180: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 180/283

 

Namangha siguro si Serenity kung paano ako naging estudyante ng kanilang paaralan sa isang iglap.

Buweno, isa iyong uri ng simpleng mahika at may kaunting hipnotismo. Nakakagawa iyon ng isang eksistensya sa

mundo ng mga tao ngunit sa limitadong lugar lamang.

Halimbawa na lang ay ako; binigyan ko ang sarili ko ng eksistensya bilang ang estudyanteng si Fenrir.

Sa loob ng paaralan, kilala ako ng mga kamag-aral ko at ng mga kaibigan ko, o kung sino pa.

Paglabas nila ng paaralan, wala na ulit silang alam. Hindi nila ako mababanggit o mapag-uusapan.

Natutunan ko ang mahikang iyon mula kay Odin.

Gaganun-ganun yun, pero master yun ng kalokohan.

Noong baguhan pa lamang ako sa Asgard, siya ang pumoprotekta at nag-aalaga sa akin. Syempre ngayong kaya ko

na ang sarili ko, hindi na ako umaasa sa kanya.

Eh ang tamad na din niya. Baka mahawa pa ako. Si Thor nga nahawa eh.

Hindi ko naman basta ginamit ang mahika na ito ng wala lang. Ginamit ko ito dahil gusto kong masiguro ang

kaligtasan ni Serenity.

 Ah, nandito na pala kami. 

"Magandang umaga Fenrir!" may kaagad na bumati sa akin pagpasok namin sa tarangkahan. Umalis din yun

kaagad.

Page 181: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 181/283

 

****

Serenity's POV: 

"K-kilala ka nun?!" tanong ko kay Fenrir kasi may bumati sa kanyang schoolmate.

"Ka-myembro ko sa varsity." 

Varsity?!  

 Ayoko na ngang magulat! Sige na, tatanggapin ko nang estudyante na dito si Fenrir.

Umakyat ako ng hagdanan. Umakyat din siya.

Lumiko ako, lumiko din siya.

Dumiretso ako hanggang dulo, ganun din siya.

Huminto ako sa pintuan ng classroom ko---

"BAKIT KA SUMUSUNOD HANGGANG DITO SA CLASSROOM KO---" 

Nilagpasan niya ako at nauna siyang pumasok.

"Good morning classmates!"  pacute niyang bati.

Kinilig ang mga kaklase kong babae.

Page 182: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 182/283

 

Wag kang magulat Serenity. 

WAG KANG MAGULAT SERENITY!  

Phew!  

Pumasok na ako ng kwarto. Umupo sa harap ng desk ko. Paglingon ko sa kanan ko--

"KATABI KITA?!"  

Nagtinginan sa amin ang mga kaklase ko.

"Ano'ng problema mo Serenity? Eh magkatabi naman talaga kayo ni Fenrir since June." 

June?!

Eh February na!  

Bakit ako lang yata ang hindi nakakaalam na kaklase ko pala si Fenrir?! Samantalang kilala ko na siya bago pa nila

siya makita!

Isa na naman ba itong panaginip? 

Sinampal sampal ko ang pisngi ko.

Pak!  

Page 183: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 183/283

 

Pak!  

Masakit naman.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang panaginip sa katotohanan.

Pinaglalaruan ako ng mga bampira. Huhu.

****

Loki's POV: 

Serenity.. 

Sapo ko ang dibdib ko habang iniisip ko siya.

Nasa puso ko ba ang problema o nasa pag-isip na talaga?

Hindi na ako makapaghintay. Ang tagal sumapit ng gabi.

Gagawin ko siyang bampira sa lalong madaling panahon sa ayaw niya at sa gusto niya..

Siya ang bubuhay muli sa Yggdrasil.

Pagkatapos.. 

Page 184: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 184/283

 

Pagkatapos.. 

Sasakupin ko ang buong Asgard.

Papatayin ko silang lahat na mga Aesir.

Hanggang sa huli, kaming dalawa na lang ni Serenity ang matitira.

Iyon ang pinapangarap kong kapayapaan.

Sssssss.. 

Nakakainis. 

Ssssssss.. 

 Ang Jarmungand lang talaga ang nakakasama ko sa kadilimang ito.

Malas lang at hindi siya marunong makipagtalastasan sa hindi ahas na kagaya niya.

Wala man lang utak!  

Malaki lang talaga siya, makamandag at mapanglingkis. Bukod dun, wala na.

"Sabihin mo Loki, paano mo napaamo ang Jarmungand?" 

"Bakit nandito ka na naman Ymir? Hindi ka na ba makabalik sa Asgard dahil malilintikan ka kay Odin?" 

Page 185: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 185/283

 

"Hahahahaha.."  

Tumawa siya ng tumawa.

Hanggang sa parang lumilindol na dito sa lungga ko.

Umangat ang lupang tinutuntungan ko kaya't nabuwal ako.

Bumagsak ako.

Sa isang kisap mata, nakadagan na sa akin si Ymir at sakal ang aking leeg.

Pinabayaan ko lang siya.

Natatawa ako sa hitsura niya.

Inuugat ang bawat sulok ng kanyang maliit na katawan.

"Sige pa Ymir.. Konti na lang, isa ka na ring Jotunn-- Ang dakilang si Ymir na pinanggalingan ng lahing

bampira---" 

Lalo niyang hinigpitan ang pagsakal sa aking leeg.

Inilapit niya ang kanyang mukha. "Loki, napakasutil mo'ng bata.. Akala mo siguro ay hindi ko alam kung ano

ang lihim mo.." 

Tama na ang paglalaro.

Page 186: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 186/283

 

Ganyan na ba talaga aasta ang mga haring naagawan na ng trono?

Inalis ko ang kanyang kamay sa aking leeg.

"Tama na ang satsat mo Ymir.. Huwag mo akong gagalitin dahil may paglalagyan ka." 

Itinulak ko siya saka ako tumayo.

Tinalon ko ang ulo ng Jarmungand at naupo roon na para iyong trono.

Sssssss.. 

Naiinis siguro ang ahas na ito pero wala namang magawa laban sakin.

Wala siyang pinagkaiba kay Ymir.

Tumingin ako kay Ymir na nasa ibaba.

Nasa huli ang pagsisisi, hindi ba Ymir?

Ikaw na lumikha ng isang halimaw. 

****

Serenity's POV: 

Page 187: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 187/283

 

Hindi talaga ako makapagconcentrate sa buhay ko dahil sa may nakabantay sa aking gwapong hindi tao.

Sumama pa yata lalo ang tingin sa akin ng mga babae kong kaeskwela.

Kung may laser beam ang mga mata ng tao, marahil kanina pa ako nasunog.

Gusto nila si Fenrir? Eh di sakanila na!  

Naku.

Umupo kami ni Fenrir nang magkaharap sa isang table sa cafeteria. Lunchbreak ano pa!

Flash!  

Flash!  

"Coleen?!" himala! Dati ako ang pinipicturan niya. Ngayon, si Fenrir na.

Kala ko ay maiinis si Fenrir.

HINDI!  

I was wrong.

Nagproject pa siya sa camera.

Page 188: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 188/283

 

Kinalabit ko si Fenrir.

"Huy, ibebenta yan ni Coleen, kung makaposing ka diyan, wagas na wagas." 

BOOM!  

Dineadma ako.

"Sino na ba ang best selling?" tanong niya sa besy ko.

Best selling talaga? 

May dinukot si Coleen na nakatuping papel sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay inilatag iyon sa aming lamesa.

'Profit Chart'  

May mga pangalang nakalista at may mga bars sa tapat nila.

Hiwalay ang mga babae sa lalake.

 Ano'ng kalokohan na naman kaya ito?

"Sa mga lalake, number two, Fenrir. Number one, si Odin--"  

TAMA BA ANG DINIG KO?!  

Odin? 

Page 189: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 189/283

 

"SINO KAMO? ODIN?!"  chorus pa talaga kami ni Fenrir.

"Oo. Bakit, may kagulat-gulat ba doon? Marami talagang bumibili ng pictures niya." 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Fenrir.

Hindi common name ang Odin ha. At isang Odin lang naman ang naiisip namin.

"--Sa girls, number two, Serenity. Number one, Aliyah--" 

BAM! 

Nagulat ako sa paghampas ni Coleen sa table.

"Kailangang madaig mo sa sales ang Aliyah na yun! Kaya dapat--" 

Naku, heto na, kinakabahan na ako. Alam ko na to!  

 Akma na akong tatayo--

"SAAN KA PUPUNTA BESY?!" ngiting ngiti si Coleen, hawak na niya ang camera. Ready to shoot.

Ngingiti ngiti rin ako, pero nanginginig ang mga labi ko.

"Sa-- C.R. sana..." 

BAM! 

Page 190: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 190/283

 

Nagulat na naman ako.

"Hindi pwede! Kailangang makuhanan kita ng litrato ngayon din! Marami akong pending order! NGITI!"  

Flash!  

Flash!  

Nakakahiyaaaa. 

Nakatingin pa naman si Fenrir!

Halatang amuse na amuse siyang panoorin ako.

"Oh, ganito namang pose--" inayos ni Coleen ang mga braso ko.

Flash!  

Flash!  

"Flying kiss naman!" suggestion ni Fenrir.

"Good idea! Oh Serenity, GAWIN MO NA." 

Huhu.. Saklolo. Pinagtitripan nila ako!  

Page 191: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 191/283

A/N: Isang balik-tanaw sa pinakamalakas na Aesir! Alamin kung ano ang kanyang nakaraan... wooohooo... Go

TEAM ODIN! *spoiler ba A/N ko?!*

Sa mga tumatangkilik ng LOKI **Mahal ko kayo!!

----

21st Night

Odin's POV: 

 Ako ang pinakamalakas na Aesir at nakahanda ako upang muli iyong patunayan.

Higit sa lahat, hindi ako papatalo sa aking sariling katawan.

Mahalaga ang puno ng Yggdrasil subalit may itinakdang panahon na kung kailan ito muling mabubuhay.

Labintatlong taon mula ngayon. 

Subalit may mga atat yata upang pabilisin ang pagyabong muli ng mga dahon ng puno ng buhay.

Dalawa lang ang kilala kong makakapagpanumbalik sa Yggdrasil.

 Ako, gamit ang kapangyarihan ng oras.

 At ang tagapagmana ng mga Alfar  gamit ang kapangyarihan ng kalikasan.

Hindi na ako maaari pang gamitin ni Ymir. Isang kaaway na ang turing ko sa kanya at alam na alam na niya iyon.

Page 192: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 192/283

 

Dati, inaamin kong mataas ang pagtingin ko sa kanya; dahil siya ang nagligtas sa akin limandaang taon na ang

nakakaraan.

Isa akong tagapagtanghal sa korte ng isang kilalang hari noon.

Dahil sa aking husay sa pagtatanghal ng mga ilusyon, naging tanyag ako sa aking murang edad. Natakot ang

simbahan sapagkat mas pinipili ng mga tao ang manood sa aking mga palabas kaysa magsimba. Di naglaon ay

itinuring akong kampon ng dimonyo.

Naekskomulgado ako. Kasunod ay ang pag-aresto nila sa akin at ang walang habas na pagpapahirap.

Sumuko ang katawan ko sa strappado. Nagkabali bali ang aking mga kasu-kasuan.

Halos patay na ako, sa puntong inakala nilang patay na nga ako.

Itinapon nila ang aking katawan sa isang lupain kasama ang iba pang bangkay.

Nakakarimarim. 

 Ang akala ko ay impyerno na iyon.

Maraming hayop ang nagpiyesta na kumakain ng laman ng mga bangkay. Ibon, aso at---

"Hay.. Kawawang mga nilalang. Pinili ko ang huwag uminom ng dugo ng mga tao upang maging payapa ang

mundo. Subalit sinasayang niyo lang ang buhay ng isa't isa na wala man lang pakinabang." 

"S-sino ka?" pinilit kong magsalita dahil kita ko namang sakin siya nakatitig.

Page 193: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 193/283

 

 Alam niyang buhay ako.

"Ako? Ako ang Diyos ng mundong ito." sagot niya.

Kalokohan. 

Isang paslit ba ang Diyos?

Tiningnan ko siya. Kontra siya sa liwanag ng buwan kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Kung ikaw ang Diyos, bakit mo hinayaan na gawin nila ito sa akin?" 

"Ang tao ay walang karapatang kwestiyonin ang itinadhana para sa kanya. Tandaan mo yan." 

Kinuyom ko ang isang dakot na lupa. Nagagalit ako at naaawa sa sarili ko.

"Ayoko nang maging tao dahil ayoko sa naging tadhana ko. Pero ayoko pang mamatay! PAGBABAYARIN KO

SILA--- MGA HAYUP SILA!"  

Pagkatapos ng ilang masakit na gabi sa loob ng bilangguan, hindi ko akalaing may mailuluha pa pala ako.

Narinig ko siyang tumawa.

Inilahad niya ang kanyang braso at pagkatapos ay sinugatan niya iyon gamit ang sarili niyang kuko.

Umagos ang kanyang dugo.

Ipinatak niya sa aking mukha, nagtuloy sa aking mga nanunuyong labi. Nalasahan ko ang mapait na dugo.

Page 194: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 194/283

 

Marami-rami din akong nainom.

 Ang akala ko ay bubuti ang aking pakiramdam pagkatapos.

Hindi pala. 

Nag-init ang aking pakiramdam. Kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Mabilis na mabilis.

Hanggang sa nagdilim ang aking paningin.

Paggising ko, mabigat. Para bang nakabaon ako sa kung saan.

"Tutal ay gising ka na, Odin, ibangon mo na yang sarili mo para hindi na ako maghukay pa." boses iyon ng

bata.

"Odin?"  

"Odin ang napili kong pangalan para sayo." 

Tumayo ako. Nagbagsakan ang tipak ng lupa.

Naigagalaw ko na ang aking buong katawan kagaya ng dati.

Isang himala iyon. 

 At simula nga noon, isinumpa ko na ang aking katapatan para sa aking amang si Ymir.

Page 195: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 195/283

 

Binalikan ko ang kahariang lumapastangan sa akin. Nagpakalat ako ng epidemya sa kanilang bayan at marami ang

namatay.

Kagagawan ko rin kung bakit sila natalo sa digmaan at nabura sa kasaysayan.

Pakiramdam ko, naging Diyos ako sa loob ng ilang dantaon. Pinarusahan ko ang mga taong mapang-api.

Isang araw, nakatanggap ako ng utos mula kay Ymir.

"Lipulin mo ang lahing taong-lobo." 

"Sa ano'ng dahilan?" ang tanong ko. Payapang nabubuhay ang mga taong-lobo. Hindi sila nananakit ng tao at hindi

sila basta-bastang nakikipag-away.

"Sila ay banta sa ating lahi." 

Tutol pa rin ako. "Hindi yan tamang rason." 

"Ang muling pagsilang ni Fenrir--" 

"Fenrir? Ang Diyos ng mga lobo?" 

Tumango si Ymir. "Ang gusto ko ay sa atin mapunta ang tagapagmanang iyon." 

"Hindi ako makikialam. Wala iyan sa prinsipyo ko." 

Hindi ko maintindihan si Ymir kung bakit kailangan naming angkinin ang Diyos ng iba.

Page 196: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 196/283

 

Pero nang mga panahon na iyon, nakatingin ako sa kanyang mga mata. Nahuli niya ako.

Sa huli, napahinuhod din ako.

Tatlong araw na walang puknat, pumaslang ako ng daang libong nananahimik na mga nilalang.

Kusang lumalabas ang kapangyarihan sa akin kahit sukong-suko na ang katawan ko.

Unang antas.. 

Ikalawang antas.. 

Ikatlong antas.. 

Ikaapat na antas.. 

Ikalima-- 

"AHHHHHHRGGH!"  

Hindi maaari. Umabot na ako sa limitasyon.

Unti unti na ngang nagbibitak bitak ang aking balat--

Malapit na talaga akong maging isang Jotunn--

Habang kaya pa ng diwa ko--

Page 197: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 197/283

 

"--MGA VALKYRIE DINGGIN NINYO ANG INYONG MASTER!" 

Lumapit sila.

"PATAYIN NINYO AKO NGAYON DIN! YAN ANG UTOS KO!"  

Walang pag-aalinlangan sa kanilang mukha. Inamba nila sa akin ang kani-kanilang mga sandata.

Katapusan ko na-- 

Biglang may isang bola ng liwanag ang nagpaikot-ikot sa amin.

Inaninag ko kung ano iyon. Isang munting puting lobo na may makinang na balahibo.

Napakaganda. 

Huminto siya sa aking harap. Nagbago ang kanyang anyo.

 Anyo ng isang batang lalake.

Hinaplos niya ang aking pisngi. Nabalot ako ng nakasisilaw na liwanang.

Kamangha-manghang tumigil sa pag-aalburoto ang aking katawan sa pagkawala ng liwanag na yun. Natigil ang

aking pagsasahalimaw.

"Anong pangalan mo?" tinanong ko siya.

Page 198: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 198/283

 

Ngumiti siya at umiling.

May problema ba? Bakit ayaw niya magsalita?

"--Hindi siya nakakaintindi ng salita ng mundong ito." si Ymir iyon.

Diyaske!  Ngayon lang siya nagpakita pagkatapos niyang ipagawa sa akin ang bagay na labag sa aking kalooban!

Sinugatan ni Ymir ang kanyang sariling braso at saka ipinilit ipainom sa paslit ang dugo niya.

Nawalan ng malay ang bata.

"Ilibing mo si Fenrir ngayon din. At hukayin mo pagsapit ng hatinggabi--" 

Nanlaki ang mga mata ko. "--Ang batang iyan-- SI FENRIR?!"  

Masayang masaya si Ymir noon dahil nasa panig na namin si Fenrir.

Dahil espesyal na nilalang si Fenrir, iba ang naging epekto sa kanya ng dugo ng bampira.

Naselyohan ang kanyang tunay na kapangyarihan at tumatanda siya.

Pero sobrang bagal ng pagtanda niya kumpara sa normal na pagtanda ng ordinaryong tao.

Nakunsensya ako ng husto sa naging tadhana ni Fenrir. Minabuti kong gabayan siya hanggang lumaki na nga siya.

Lihim akong nagdamdam at napoot kay Ymir. Kahit kailan, hindi na ako nakitang gumamit ng kapangyarihan.

Page 199: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 199/283

 

Sa mga kwento na lamang nabubuhay ang aking pakikipagsapalaran bilang pinakamalakas na Aesir.

"ODIN!"  

****

Fenrir's POV: 

Tinawag ko si Odin. Napansin namin kaagad siya pagpasok niya dito sa cafeteria.

Napatingin tuloy kami ni Serenity sa orasan.

 Alas dose ng tanghali.

WAH?!  

Bakit hindi siya-- NAAAPEKTOHAN NG SIKAT NG ARAW? 

 ANG BANGIS TALAGA!

"Kamusta na Fenrir?" painosenteng ngumiti si Odin.

"MAG-USAP TAYO!" 

Ipinitik ni Odin ang kanyang daliri.

Huminto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa.

Page 200: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 200/283

 

"Ano ang pag-uusapan natin?" 

"Ah wala naman. Gusto ko lang itanong kung-- bakit ka gumagamit ng-- MAHIKA?!" 

Nilagpasan niya ako at huminto sa likod ni Serenity.

"Dahil nakita ko na siya." nilagay pa niya ang kanyang kamay sa tuktok ng ulo ni Serenity.

Hindi ko yata naintindihan yun ah.

"ANO?" 

"Mahirap ipaliwanag Fenrir, pero kapag malapit ako sa batang ito, gumaganda ang pakiramdam ko. Malaya

akong nakakagamit ng salamangka." 

Hoy, Odin, para-paraan ka ah? Wag mong sabihing may BALAK kang agawin sakin si Serenity?!

"--Ah talaga? Siya ang babaeng napupusuan mo?"  

LANGYA!  Nakalimutan ko palang kayang makabasa ni Odin ng isipan.

"--Parang, hindi yata kayo bagay?" 

Ibinaba niya ang kanyang ulo at ang mga braso niya ay iniyayakap niya kay Serenity.

Grrr.. 

Page 201: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 201/283

 

Tutal ay nababasa naman niya ang isip ko, hindi na ako magsasalita!

 ANO BA GUSTO MO ODIN?! SUNTUKAN NA LANG!  

Idle pa rin siya sa ganung posisyon. Nag-eenjoy yata ang lolo.

"Makinig ka sakin Fenrir. Tanggalin mo na siya sa damdamin mo dahil kukunin ko siya kalaunan. Kailangan

ko siya sa aking tabi--" 

"WAG KA NGANG EPAL ODIN! Sigurado akong hinding hindi siya magkakagusto sa'yo." 

"Gusto? Hindi mahalaga ang nararamdaman niya. Basta kailangan ko siya. Tapos." 

Kinuyom ko ang palad ko.

Tapos inundayan ko ng suntok si Odin.

Natigilan ako dahil gumalaw na ulit bigla ang mga estudyante.

Tumakbo na ang oras nang GANOON ang posisyon namin.

 Ako, pasuntok kay Odin.

Si Odin, nakayakap kay Serenity mula sa likod.

"Ahhhhh!"  tumili si Serenity.

Page 202: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 202/283

 

Flash!  

Flash!  

"Isyu to!"  Dinig kong sabi ni Coleen. "Sigurado akong marami ang bibili ng kopya ng picture na to para

sunugin o para ipakulam ka Besy!" 

"S-sino b-ba tong--"  mahinang usal ni Serenity.

Tumili na naman siya nang mapagsino kung sino ang nasa kanyang likuran.

Pinagtinginan kami ng lahat. 

A/N: Palapit na tayo sa puso ng gyera!!! wooo.. expect brutality..

yours truly >_<

---- 

22nd Night

Serenity’s POV: 

WAAAAAAH!!!  

Ito na talaga ang pinakashocking sa lahat ng shocking na pinagdaanan ko sa piling ng mga bampira.

Page 203: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 203/283

 

May yumakap sa akin mula sa likuran. At pagtingin ko—SI ODIN LANG NAMAN YUN!  

 Ang ganda ko teh? 

WAIT! Bakit nandito na bigla si Odin? Kanina kakapasok lang niya ng cafeteria ah?! DON”T TELL ME AKO LANG NA

NAMAN ANG NAKAPANSIN NUN?!!!  

Pero hindi ako mapalagay. Ang sama ng tingin sa akin ng karamihan sa mga nandirito ngayon sa loob ng cafeteria.

Parang kasalanan ko pa ang eksenang ito----

Inalis ko ang mga braso ni kuya Odin at tumayo ako.

“Saan ka pupunta Serenity?” si Coleen yung nagtanong. First time ko siyang dineadma at diretso akong lumabas.

Naiiyak na naman ako. Bakit ba nila ako pinagkakatuwaan? Akala nila okay lang sakin yung mga ginagawa nila.

 Akala nila hindi ako nasasaktan.

Mabait ako at gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan. Pero namimisunderstood nila ako. Binubully.

Haysss.. 

Saan ako pupunta ngayon? Saan ba nila ako hindi masusundan?

Nakakapagtampo talaga sila.. Nagtatampo ako! Kailangang marealize nila yun!

Sa rooftop ako dinala ng mga paa ko.

Page 204: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 204/283

 

"--Serenity ang pangalan mo tama?" kilala ko yung may-ari ng boses.

Jusko! Wala pang 1 second akong nandito, nasundan na ko!

Dapat siguro dun ako nagpunta sa C.R. ng girls!

"--Kahit pa magtago ka sa C.R. ng mga babae, susundan pa rin kita--" 

 Ay ibang klase. Ikaw na ang stalker kuya Odin!

Naramdaman kong may kamay sa aking balikat.

"Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay Serenity, sasama ka na sakin sa lalong madaling panahon." 

MAGTATANAN TAYO?!  

Di nakatakas sa aking pandinig ang pigil niyang tawa.

 Aw! Nakalimutan kong nakakabasa nga pala siya ng isip! Kakahiyaaaaa!  

"--Parang ganun na nga?" 

Hweeeh? Di ko expected na marunong din palang makisakay tong si kuya!

Ginugood time na naman ako!  

"--Bakit ko kailangang sumama sayo?"  nice question. Sige sagutin mo nga yan!

Page 205: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 205/283

 

Humigpit yata ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Wala kang maiintindihan sa ngayon. Basta ang tanging masasabi ko lang sa ngayon ay hindi kita

hahayaang mapunta sa kanila--" 

Mabigat na ang pananalita niya. Walang halong pagbibiro. Di ko tuloy maiwasang kabahan. "--Sino sila?" 

"Mga nilalang na halang ang kalooban. Gagawin nila ang lahat para umanib ka sa kanila." 

Bakit ako? Ano ang kailangan nila sa isang tulad ko? Isa lang naman akong hamak na tao di ba?

"Paano kapag hindi ako sumama sa'yo?" 

"--Maaaring hindi lang ikaw ang manganib. Pati na rin ang mga pinahahalagahan mong mahal sa buhay." 

Natutop ko ang aking bibig. Bakit kailangang mangyari ang ganito?

"--Tadhana, Serenity. Iyon ang bagay na bumubuhay at sumisira sa isang tao. Hindi mo ito maiiwasan." 

Tadhana.. 

Tayo ba talaga ang gumagawa nito o may ibang nagtatakda nito para sa atin?

****

Coleen's POV: 

Hinanap ko si Serenity sa campus. Pati mga alagad ko, inutusan ko ding hanapin siya.

Page 206: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 206/283

 

Nako malalagot talaga siya pag nakita ko siya.

Sa totoo lang, ayoko siyang hinahayaang mag-isa dahil tatanga-tanga talaga ang babaeng yun.

May kaeskwelang lumapit sa akin. Hingal na hingal si loko. "Eh master, wala po talaga! Inikot na namin ang

buong school, nakailang laps pa nga--" 

Pak!  

Hinampas ko siya sa ulo ng hawak kong binilot na dyaryo. "MAY SINABI BA AKONG TUMIGIL KAYO?!" 

"W-wala po.. Sige ulitin po namin ulet." tumalikod na siya sakin at tumakbo papasok ng main building.

Marami na siguro ang nagtataka kung bakit marami ang tumatawag sa akin dito sa school ng 'master'. Well hindi

naman ako lider ng isang gang whatsoever.

 Ang totoo niyan, lahat ng tumatawag sakin nun ay nagulpi ko lang naman. Sa madaling salita, ako ang

pinakamalaking BULLY dito sa paaralang ito.

Noong nasa elementarya kami ni Serenity, madalas kami ang napagtitripan ng mga bully. Siya ay ubod ng lampa at

ako naman ay ubod ng pagka-nerd.

Dumating ako sa point na naawa ako sa standing namin.

Kung wala akong babaguhin sa sarili ko, baka sa kangkungan na lang kami pupulutin isang araw.

Wala akong maaasahan kay Serenity. Masyado kasi siyang mabait at matatakutin.

Ginawa ko na lang siyang inspirasyon.

Page 207: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 207/283

 

Nag-aral ako ng iba't ibang klase ng martial arts. Sa una, nahirapan din ako. Pero nagpursigi ako.

Kaya pagtuntong namin ng high school, nabago ang takbo ng lahat.

Wala nang nang-aapi dahil hindi ako pumapayag na apihin kami.

 Ang mga haters, hanggang tingin na lang sila sa amin.

"Coleen--" 

Bumuntong hininga ako. Haysalamat, hindi ko na kailangang hanapin pa si Serenity. Siya na mismo ang pumunta sa

akin.

Pak!  

"Aray!" 

Hinampas ko din siya sa ulo gaya ng ginawa ko sa lalake kanina.

"Kung saan-saan ka pumupunta eh alam mong marami ang naiinis sayo!" pagalit kong sermon sa kanya.

"--pati rin ba ikaw naiinis sa akin?" 

Siyempre hindi ano.

Niyakap niya ako. Hindi ako nakailag gaya ng dati kong ginagawa. Naaalibadbaran ako sa ganitong mga gestures

talaga.

Page 208: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 208/283

 

Parang may kakaiba sa kanya ngayon.

Humikbi siya. Narinig ko yun!

"Bakit ka umiiyak? May nang-away sayo? Sabihin mo lang at ng magu--" 

"Besy aalis na ako. Baka hindi na tayo magkita pa-- iingatan mo ang sarili mo ha?" 

 Anung pinagsasabi ng babaeng to? Magmamigrate ba ang pamilya niya sa ibang bansa?

Why so sudden?

"M-mahirap ipaliwanag besy eh-- kahit ako naguguluhan. Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.

Hindi kita makakalimutan at--"  

Punyemas!  

Tinulak ko siya palayo. "ANO BA'NG NANGYAYARI SAYO SERENITY?!" 

 As expected, lampa talaga siya as in mabubuwal siya kahit mahina lang ang pagkakatulak ko sa kanya.

Hindi ko na nahabol ang kanyang braso kaya mabuti na lang at may taong dumating na nasa likod niya. Napasandal

siya doon.

"Odin.." 

Siya yung pinakapopular na guy dito sa campus. Basta yun na lang ang alam ko.

Page 209: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 209/283

 

May gusto ba siya kay Serenity? I can tell, pinopormahan niya ang besy ko.

Tiningnan ko ang kanyang mukha. Gwapo na naman. Sigurado akong iiyak na naman si Serenity.

Sa mga mata niya ako napatitig ng husto. May kung anong magnet ang kanyang mga tinging nanunuot.

Napakamisteryoso.

Ha? Nagpalit ang kulay ng kanyang mga mata?!  

Paano'ng--? 

Parang tumigil ang mundo ko. Natulala ng wala sa lugar.

May naramdamang kakaibang sensasyon.

Pagkatapos, biglang may naintindihan akong isang bagay kahit walang nakapagsabi niyon sa akin.

****

Loki's POV: 

 Alas tres ng hapon. Tama na iyon. Hindi na ako maghihintay pa na sumapit ang dilim.

Maraming paraan para harangin ang sikat ng araw.

Page 210: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 210/283

 

Handang makipagtulungan sa akin si Ymir sa aking binabalak sa kundisyong ibabahagi ko sa kanya ang tungkol sa

isang importanteng bagay.

"Simulan mo na Ymir." utos ko.

Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Bughaw.

Mula sa kadilimang aming pinagkukublian, dinig ko ang dagundong nga sunod sunod na pagkulog.

"Maaari na ba tayong lumabas?" 

"Maaari na." sagot niya.

Paglabas ko sa lihim na lugar, wala na nga ang araw.

 Aakalain mong sasapit na ang gabi. Ang kalangitan ay nasasakop ng makakapal at madidilim na ulap.

"Paano kung kontrahin ni Odin ang ginawa mo?" iyon kaagad ang tanong ko kay Ymir paglabas niya.

Umiling iling siya. "Hindi sakop ng kapangyarihan ni Odin ang pagmamanipula ng kalikasan ng langit at lupa--

nalalaman mo ba kung ano ang kanyang kakayahan?" 

"Bukod sa kaya niyang kontrolin ang oras at gumawa ng mga engkantasyon, ano pa?" 

"--Kaya niyang manipulahin ang mga elemento ng tubig, hangin, lupa at apoy." 

"Kung ganun ay walang laban sa kanya ang kapangyarihan ni Tyr." 

Page 211: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 211/283

 

"--May hawak din siyang mga Valkyrie. Sila ang pinakamagagaling na mga Diyosa ng pakikidigma. At ang

bagay na huwag mong kalilimutan ay nakakabasa ng isipan si Odin. Kailangan mong isara ang iyong isipan

sa lahat ng pagkakataon."

Nagsimulang pumatak ang ulan.

Nakita kong lumukot ang mukha ni Ymir.

"Anong problema?" 

"Umuulan. Nakasisiguro akong si Odin ang may gawa." 

"Hindi tayo masasaktan kahit bumaha pa." 

"Tsk.. Huwag mong kalimutang kaanib niya si Thor. Mas lumalakas ng ilang ulit ang kapangyarihan ni Thor

kapag may tubig." 

Saka ko na lamang poproblemahin iyon. Ang mahalaga, makakalapit na ako sa aking pakay.

Kay Serenity. 

Iniwan ko na si Ymir at naglakbay na simbilis ng hangin.

Sa may gilid ng kalsada kung saan walang gaanong dumaraang sasakyan, nasumpungan ko ang isang dalagang

naglalakad mag-isa. May tangan siyang payong.

Huminto ako sa kanyang likuran. Kinalabit ko siya.

Page 212: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 212/283

 

"Miss, maaari bang makisukob?" 

Natulala siya pagkakita sa akin. Bakit, ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?

Nahulog siya sa aking hipnotismo. Dinala ko siya sa loob ng gubat.

"Ano'ng gagawin natin?" kinakabahan siya pero sabik na malaman kung ano ang gagawin namin. Ngumiti ako.

"Birhen ka pa hindi ba?"  namula siya sa tanong ko.

Isinandal ko siya sa puno at nadako ang aking labi sa kanyang leeg. Dinilaan ko siya doon.

Humagikhik siya. "Nakikiliti ako anu ka ba!" 

Matagal ko nang iniisip kung bakit wala akong panlasa para sa dugo. Ang akala ko ay prinsipyo ang tawag doon.

Hindi pala. 

Iba lang talaga kasi ang aking preperensya.

"Ahh.." suminghap siya. Nasaktan yata siya sa ginawa ko.

"--Nakikita mo ba kung ano itong hawak ko?" 

Nahintatakutan siya. "P-puso!"  

Page 213: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 213/283

 

Tama. Ang puso mo. 

Kinagat ko. Nginuya. Nilunok. Namatay siya habang pinapanood niya akong kumakain.

Hindi pa ako busog. Binuksan ko ang kanyang tiyan at isa-isang kinain ang kanyang mga laman-loob.

Pagkatapos kumain, mas lalo kong naramdaman na ako ang pinakamalakas na nilalang.

Na dapat sana ay wala na noon pa.

A/N: -------------------BAKBAKAN NAAAAAA!!!! (--,)\m/ sige ibibigay ko na ang tinatagong lihim ni sir Loki!

----

23rd Night

Loki's POV: 

Napagmasdan ko ang walang buhay na katawan ng babae sa aking harapan.

Duguan at hungkag ang katawan niya.

 Aakalain mong isang mabangis na hayop ang gumawa niyon sa kanya.

Pinahid ko ang dugo sa aking bibig.

Kapaki-pakinabang ang ulan dahil inaanod nito ang mga bakas ng dugo na nasa akin.

Page 214: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 214/283

 

Sana ay anurin din nito ang aking nagbalik na nakaraan.

Kasama ang aking lihim. 

 Ang lihim na pinakatatago ko ay simple lang.

Matagal na akong hindi bampira.

Isa na akong Jotunn. 

Iyon ang bagay na natuklasan ni Freya habang nakikipagsapalaran siya upang maibalik ang aking alaala.

Iyon din ang dahilan kung bakit ko pinitas ang dahon ng Yggdrasil.

Gusto kong makalimutan kung ano ako.

Sa panahong inilagi ko sa Asgard, bawat taon ay tumataas ang aking antas at hindi ko yun binibigyang pansin.

Dumating ang araw na umabot na ako sa aking limitasyon.

Walang tamang salita upang isalarawan ko kung ano ang sakit na pinagdaanan ko habang ako ay sumailalim sa

pagpapalit-anyo sa isang napakalaking halimaw.

Masuwerte ako dahil walang nakasaksi sa aking pagsasa-Jotunn. Tiyak na tatapusin ako ng isa sa aking mga kapatid

kung nagkataon.

"--GUSTO KONG MAGING TAO! GUSTO KONG BUMALIK SA DATI KONG BUHAY!" paulit ulit ko iyong sinisigaw

sa kasagsagan ng aking paghihirap na parang isang dasal.

Page 215: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 215/283

 

Nakumpleto ang aking transpormasyon subalit buo pa rin ang aking diwa.

Marahil ay dahil malakas pa rin ang damdamin ko bilang tao at talagang gusto ko na muling maging tao.

Kahindik-hindik ang aking hitsura.

Napilitan akong magtago sa isang balat-kayo na dati kong katawan.

Nalansi ko man si Ymir at aking mga kapatid, hindi ko maloloko ang aking sarili.

 Alam ko kung ano ang tunay kong anyo.

"Ang dahon ng Yggdrasil ay may kakayahan upang gawing taong muli ang isang bampira." isang katangahan

ang narinig ko kay Heimdall isang araw.

Matagal ko na kasing alam kung ano ang mangyayari kapag pumitas ako ng dahon sa puno ng Yggdrasil.

Subalit nabuhayan ako dahil sa isang ideyang nabuo sa aking isip.

Gamit ang kapangyarihan ng Yggdrasil; mabubuhay akong muli simula sa umpisa; blangko ang isipan na tulad sa

isang bagong silang na sanggol.

Ngunit poproblemahin ko kung saan mapupunta ang aking katawan habang ako ay nakahimlay.

Sinakyan ko ang pang-uuto ni Heimdall. Dahil dun, naibalik sa aking taong ama ang katawan ko.

Paggising ko, wala na nga akong nalalaman tungkol sa aking nakaraan.

Page 216: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 216/283

 

Natural sa isang nilalang na nawalan ng alaala na hanapin ang kanyang nakaraan.

Sa loob ng dalawang taon, walang makapagsabi sa akin ng kahit ano.

Maayos na sana. 

Ibinalik lang muli ni Ymir sa dati ang lahat.

****

Fenrir's POV: 

Maingat kaming naglalakad sa kakahuyan habang umuulan.

Sa unahan, si Odin. Sa gitna, si Serenity. Sa hulihan, ako.

Nanginginig na sa ginaw si Serenity. Hinubad ko na ang overcoat ko na basa na rin at ibinalabal sa kanya.

"Odin, saan ba tayo pupunta?" basta ang alam ko, wala sa pagpipilian ang Asgard dahil hindi maaaring

makapasok doon si Serenity.

"Basta. Tumahimik ka at makiramdam sa ngayon. Dapat maging alerto tayo!" 

Pagkasabi niya nun, saktong nakaramdam ako ng kakaibang presensya.

Brag!  

Page 217: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 217/283

 

May natumbang puno sa di kalayuan.

Ewk! Ewk!  

Nabulabog ang mga ibon.

"--Ano yun?" tanong ni Serenity.

"Wag kang matakot Serenity, kasama mo kami---" paninigurado ko.

"Humanda ka Fenrir, natagpuan na nila tayo--"  

Hay nako parang tanga tong si Odin. Kahit saan naman siguro kami magpunta ay makikita din kami ng kalaban.

Nandito kami sa kagubatan dahil walang tao.

 Ang gusto ni Odin ay tapusin na ang laban para wala nang eksenang takbuhan at habulan sa susunod.

"--Pahingi ng sandata Odin." seryoso na akong lalaban. Kung si Tyr ay katumbas ng isang libong mandirigma, ako

naman ay katumbas ng isang libong talim.

Itinaas ni odin ang kanyang setro. Umilaw ang pulang bato.

Umulan ng daan daang espada at bahagyang natusok sa basang lupa.

Bihira ko lang magamit ang kakayahan ko sa isanlibong espada.

Page 218: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 218/283

 

Common sense. Ang hirap magdala ng napakaraming sandata hindi ba?

Hindi pa yata tapos si Odin. All-out eh.

Gamit ang dulo ng kanyang setro, gumuhit siya ng bilog sa lupa paikot kay Serenity.

"Tinatawagan ko ang mga sagradong sandata." 

Nagpakita ang limang uri ng sandata na nanatiling nakalutang sa ere. Pumalibot ang mga ito kay Serenity.

"Huwag kang lalabas sa ginuhit kong bilog ha?" paalala ni Odin sa kanya.

"Handa na ba tayo Odin? Baka gusto mong tawagin pati si Tyr at Thor?" 

"Tayong dalawa lang ang tatapos ng gulong ito. Kaya pagbutihan natin--" 

Lumagaslas ang mga sanga. Nagtutumbahan na ang mga puno palapit dito.

Muling itinaas ni Odin ang kanyang setro.

May apat na puting balahibo ng isang ibon ang lumutang sa tuktok nh Serenity.

Panukat ng hangin.

Hindi gumagalaw ang mga iyon.

Page 219: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 219/283

 

"Titigan mong mabuti ang mga balahibo Fenrir. Wag kang magkakamali." 

Ganito ba katindi ang kakalabanin namin? 

Teka.. Nag-iiba ng kulay ang isang balahibo. Umiitim!

Sinunggaban ko ang isa sa mga sagradong sandata. Ang pana.

Huhugot ito ng kapangyarihan sa gumagamit upang maging palaso.

Hinigit ko ang pisi at umasinta ako sa itaas.

Isa. Dalawa. Tatlo!  

Pinakawalan ko ang daan daang talim sa ere.

Tswik!  

Marami ang tinamaan, mga aninong may buhay at nagkukubli sa ulap.

Hindi maaari. 

"ODIN, MGA ALAGAD NI YMIR ANG MGA ITO AH?!"  

Kinakabahan ako para sa aming buhay.

"Huwag kang panghinaan ng loob Fenrir! Tandaan mo, wala ka pang nagagamit na lakas. Basta ibigay mo

lahat ng kaya mo sa labang ito--" 

Page 220: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 220/283

 

Sige magtitiwala ako sa kanya.

Bumunot ako ng mga espada sa lupa. Ibinato ko sa pinakamataas na puno. Sunod-sunod. Parang naging hagdan.

"Odin, wala ka na bang mahika para mas mabilis kong magamit yang mga yan?" 

"Dami mong arte."  sabi niya. Pero tinutok niya sakin ang kanyang setro.

Nawala sa lupa ang mga espada.

Eh.. Nasaan? 

"--Sa kamay mo. Kapag naisip mong kailangan mo silang gamitin, saka sila lalabas ng kusa." 

 Astig ah. 

Inakyat ko ang puno sa pamamagitan ng pagtuntong sa mga espadang nakatarak doon.

Nang makarating ako sa tuktok, ang mga anino ay nagtipon tipon at pasugod na sa akin. Nagconcentrate ako.

Pinalabas ko ng sabay-sabay ang higit sa isandaang espada.

Liwanag ang nakakapuksa sa mga anino kaya't binasbasan ko ang mga espada hanggang sa lahat sila ay nag-ilaw.

Handa na ba kayo mga creeps? 

Page 221: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 221/283

 

Tsook!  

Tsook!  

Tinaga ko ang mga malalapit. Ang mga nasa malayo, binato ko naman.

May mga sumugod pababa. Tinalon ko ang puno habang patuloy akong nagpupukol ng mga espada sa anggulong

tatlong daan at animnapu.

Hoy Odin, kilos kilos rin!

Saktong pagbaba ko, nahablot ko ang sibat na nakalutang.

Ibinato ko iyon. Habang nasa ere, dumami ito ng ilang beses. Wala namang partikular na tinamaan ang mga iyon

pero pagbagsak nila sa lupa, sumabog ang nakakasilaw na liwanag.

Sa ngayon, masasabi kong marami ang nabawas sa mga kalabang anino.

 Ang plano marahil ni Ymir ay pilitin kaming gumamit ng kapangyarihan at itulak kami sa aming limitasyon.

Mabuti na lamang ay eksperto ako sa paggamit ng mga sandata.

Hindi mangyayari ang gusto niya.

Ilang puno na naman ang bumagsak.

Sinong talipandas ba na yun ang naninira ng kalikasan? 

Page 222: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 222/283

 

"Nandito na siya Fenrir. Ihanda mo na ang sarili mo sa makikita mo." babala sa akin ni Odin.

****

Serenity's POV: 

Nakakatakot. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na magawang ikilos ang buo kong katawan.

Para akong nanonood ng isang nakakatakot na pelikula.

 Ang hirap ipaliwanag ng mga nangyayari.

Basta ibinigay ko na lang ang tiwala ko kanila Fenrir at Odin. Sana ay makaligtas kaming tatlo!

Natumba ang pinakamalapit na puno sa aking kaliwa.

Napatili ako sa gulat lalo na ng may napakaraming parang galamay ang lumabas mula doon.

"YUKO SERENITY!"  utos ni Odin.

Masyado talagang namamanhid ang aking utak at katawan para gawin yun.

Humarang si Fenrir at hiniwa niya ang mga galamay na patungo sa akin.

"Masakit ang ginawa mo kuya Fenrir."  anang pamilyar na boses.

Page 223: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 223/283

 

Loki? 

Hindi ako sigurado kung siya nga ang nagsalita.

"LOKI?! Paano---" may pagkamangha sa tinig ni Fenrir.

Humarang naman si Odin kay Fenrir. Nakaharap siya sa huling pinanggalingan ng mga galamay. "Gaya nga ng

naiisip ko pagkatapos kitang bigyan ng selyo. Wala nang epekto sa iyo ang ganung uri ng mahika sapagkat

isa ka na ngang ganap na Jotunn--" 

"ANONG SINABI MO ODIN?! SI LOKI AY--"  

Hahahahahah!  

May tawa akong narinig. Nakakapangilabot yun.

May nakita akong parang lumundag ng sobrang taas--

SI LOKI NGA!  

Subalit wala siya sa kanyang sarili. Mas malala pa ngayon kaysa noong gabing pinagtangkaan niya ang buhay ko.

"ILABAS NIYO SI SERENITY!" giit niya. Hindi niya ako makita pero nararamdaman niyang nasa paligid lamang ako

at alam niyang kasama ako nina Odin at Fenrir.

May napakaraming galamay ang tumubo mula sa kanyang likuran at paikot na aatake sa amin.

Page 224: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 224/283

 

Bahagyang lumindol nang tumama ang mga galamay sa lupa.

"--Manahimik ka Loki! Tigilan mo na ang pagbabalat-kayo mo! Ipakita mo ang tunay mong anyo!" sigaw sa

kanya ni Odin.

Muling tumawa si Loki.

"Sino ka para utusan ang natatanging panginoon ng mga bampira?!" 

A/N: Magandang gabi bayan! Kung napasabak na kayo sa laban.... heps! Di pa tapos ang laban! Maraming salamat

pong muli sa pagtutok sa Loki.. mahal ko kayo!

----

24th Night

Odin's POV: 

Si Loki ang pinakaayaw kong makaharap sa laban ngunit heto siya.

Siya pa naman ang inaasahan kong liligpit sa akin sa oras na maging Jotunn ako.

"--Odin, may gumugulo ba sa isip mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Fenrir.

Umiling ako. "Hindi ako maaaring gumamit ng kapangyarihan laban kay Loki. Mahirap na kapag nagaya niya

ang isa sa aking mga salamangka." 

"--Eh ang mahika ng oras?" 

Page 225: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 225/283

 

Muli akong umiling. "Kung hindi mo pa napansin, kanina ko pa yun sinusubukang gamitin subalit may hindi

nakikitang pwersa ang pumipigil para magamit ko yun." 

"Magdadaldalan na lang ba kayo diyan mga mahal kong kapatid?" ani Loki.

Muli akong bumaling kay Fenrir. "Ikaw ang maaaring umatake sa kanya. Gaya ng dati, susuportahan kita." 

Nagkaintindihan kami. 

Naghikab si Loki; hindi sa inaantok siya, gusto lang niyang ipakita kung gaano siya kayabang. Naglakbay ang isa sa

kanyang mga galamay at pinuluputan ang isang espada na naiwan sa putikan. Nang mahawakan iyon ng kanyang

kanang kamay, nag-iba ang anyo nito.

Lumaki, humaba, at tinubuan ng napakaraming tinik at mga parang mata.

Itinaas niya ang kakaibang espada at humiwa sa harapan niya.

Walang natamaan sa aming tatlo. Pero namangha ako sa nangyari.

Nahiwa ang espasyo sa harapan niya at nagkaroon ng parang pahabang maitim na butas. Dalawa iyon. Ang isa ay

nasa harapan ko mismo.

Inilusot ni Loki sa loob ng itim na butas sa kanyang harap ang kaliwang kamay niya.

"NAHIHIWA NIYA ANG DIMENSYON. MAG-IINGAT KA FEN---"

Tumagos ang kamay niya doon naman sa butas na nasa harap ko. Nahablot niya ang aking leeg.

"ODIN!"  sabay na sigaw nina Fenrir at Serenity.

Page 226: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 226/283

 

Sinenyasan ko si Fenrir na huwag lalapit.

****

Fenrir's POV: 

"BAKIT NAMAN KASI HINDI KA KUMIKILOS DIYAN?!" bulyaw ko kay Odin.

Hayun, hindi na siya makapagsalita dahil pinisa na yata ni Loki ang lalamunan niya.

Tumingin sa ibaba si Odin kaya napatingin na rin ako. May nakapulupot sa dalawang paa niya. Mga galamay ni Loki

na nanggaling sa ilalim ng lupa.

 Ah kaya naman pala. Okay.

Nagpalabas ako ng maraming espada, isa lang ang hawak ko, ang iba ay nakalutang sa paligid ko.

Bano talaga si Odin sa mga malapitan at pisikal na atake. Yan kasi TAMAD. Ipapasok na sana ni Loki ang espada

niya sa butas..

Inasinta ko naman ang kamay niya bago ko pinukol ng espadang hawak ko.

Lumagpas lang yung espada, tumama sa puno. Binawi kasi ni Loki yung kamay niya. Pero atleast malaya na ang

leeg ni Odin.

"Hehe, mabagal ka talaga Fenrir!" itinaas na muli ni Loki ang nakakatawang espada na hawak niya.

"AKO MABAGAL?! LUL ASA!" naglalaban ba kami o nag-aasaran lang?

Page 227: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 227/283

 

"Tingnan natin ang angas mo. Pupusta akong hindi mo ako mapapaalis dito sa kinatatayuan ko." 

Paghiwa niya, may mahabang itim na butas ang bumulaga sa harap ko.

Sabay may lumabas na kamay!

Whoops! Ilag!  

Paglipat ko ng pwesto, humiwa na naman siya, may itim na butas na naman at nandun na naman ang kamay niya!

Kung nasaan ako, nandun din ang itim na pahabang butas.

Hindi lang yan, may bonus pa, nakiki-jamming din pati mga galamay niya!

Binato ko siya ng binato ng mga espada habang umiilag ako.

"YELO!" si Odin yung sumigaw.

Nagbiyak biyak ang lupa sa harap niya at tinubuan ng mga nakakatusok na tipak ng yelo, gumapang yun patungo sa

kinatatayuan ni Loki.

Pagdating dun, mas malalaki ang naglabasang yelo.

Napaalis din sa pwesto ang magaling naming bunso.

"Yelo." marahang usal ni Loki.

Page 228: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 228/283

 

Nakaramdam ako ng pagyanig ng lupa. Syempre, kaagad kong pinuntahan si Serenity. Pagkakita ko, sunog na ang

ikalawang balahibo.

Pinigilan ako ni Odin na kunin si Serenity. "Nasa loob siya ng pinakamatibay na proteksyon na kaya kong

ibigay. Tinitiyak kong ligtas siya habang nasa loob ng bilog---" 

Pero kami hindi. Muntikan na kaming madagit ng napakalaking tore ng yelo na nanggaling sa ilalim ng tinatapakan

namin. Bumalik itong muli pailalim at pagkatapos ay umangat na naman, paiba iba ng posisyon. Para itong bulag na

uod.

Hayan, nadagdagan na ang iniiwasan namin: ang mga nahiwang dimensiyon, ang mga galamay ni Loki, at ang tore

ng yelo.

Todo na ba yan Loki? 

"Fenrir kumilos ka na! Limitado ang proteksyon ni Serenity! Kapag nasunog ang ikaapat na balahibo--" 

 Anak ng tokwa ka Odin! BAT NGAYON MO LANG SINABI?!  

Muling naglipana ang mga aninong alagad ni Ymir sa himpapawid.

 Ano ba ang uunahin namin?!  Sa totoo lang, mas nakakapagod mag-isip kesa kumilos.

Naaawa na ako kay Serenity. Halatang takot na takot na siya. Sa sobrang takot na niya ay naupo na siya sa putikan

at ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mga mata.

Itinutok sa akin ni Odin ang kanyang setro.

Yan ang hinahantay ko!  

Page 229: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 229/283

 

****

Loki's POV: 

Hahaha! Nakakatawa silang paglaruan. 

Para silang mga daga na hinahabol ng pusa.

Nakakabagot na rin. Dapat siguro ay tapusin ko na ang larong ito.

Itinapat ni Odin ang hawak niyang setro sa kanyang asong si Fenrir.

Nagliwanag ang katawan ni loko.

Tapos ay tinukod niya sa putikan ang setro. "TINATAWAGAN KO ANG AKING MGA VALKYRIE!" 

Naglitawan ang mga babaeng bampira ni Odin. Labindalawa silang lahat.

Sampu sa kanila ay may nakakabit na manipis na pisi sa likuran; ang dalawa ay pumuwesto sa harap niya.

 Ano kaya ang binabalak nila? 

Pinagalaw ko ang aking mga galamay, lahat ay pinasugod ko sa direksyon ni Odin.

Kumilos ang mga Valkyrie. Inaatake nila ang mga galamay ko.

Binilisan ko ang atake. Bumilis din sila.

Page 230: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 230/283

 

Sa sobrang bilis ng aming mga kilos, hangin na lang ang nararamdamang gumagalaw. Nagsisitumbahan ang mga

punong nadadamay sa mga pagtatangka nilang hiwain ang aking mga galamay.

Nakakasabay sila.

Kung ganun, sa ilalim ako aatake--

Sandali lang, nasaan na ang mga anino?! Hindi ko yata sila nakiki---

Tsaaak!  

Sa isang iglap, sumuka ako ng dugo. Pagtingin ko sa aking dibdib, may tumagos na dulo ng patalim.

Nasaksak ako mula sa likuran nang hindi ko namamalayan?!  

"Huli ka Loki." 

"Hah. Hindi mo ako basta-basta mapapaslang---"

Thud!

Thud!  

Mula sa aking itaas, umulan ng napakaraming patalim. Nasalo yun lahat ng aking katawan.

Nanatili pa rin akong nakatayo. Inilapat ni Fenrir ang kanyang paa sa aking likuran at marahas niya akong itinulak

pabagsak sa putikan.

Nahugot niya ang espada sa aking dibdib.

Unti-unting umuurong pabalik sa aking likuran ang mga galamay.

Page 231: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 231/283

 

"--Katapusan mo na Loki.." 

Ramdam kong sinaksak akong muli ni Fenrir.

 At inulit niya ulit. Paulit-ulit. Naglawa na nga ang dugo ko at humalo na sa putik.

"Bakit hindi ka pa nagiging abo?"  

Nang magsawa siya kakasaksak, diniinan niya ang aking ulo. "Odin, akina yung itak! Pupugutan ko siya ng ulo!" 

Kinuha ni Odin ang isa sa tatlong sandata na nakalutang sa loob ng bilog na guhit at ibinato kay Fenrir.

Itataas na niya ang itak para pugutan ako subalit bigla siyang napatigil.

Bakit kaya? 

****

Serenity's POV: 

"TAMA NA FENRIR!"  sumigaw ako kaya hindi natuloy ang balak niyang pugutan ng ulo si Loki.

Hindi ko kinaya na makitang nakahandusay si Loki at paulit ulit na sinasaksak.

"Serenity! Wag kang lalabas ng bilog!" hindi ko pinansin ang utos ni Odin.

Page 232: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 232/283

 

Tumayo ako. "Gusto kong makita na akong muli ni Loki! Paano?" baka kapag nakita niya ako, magbago na ang

kanyang disposisyon at marealize niya na mali ang ginagawa niya.

"PAANO?!"  sigaw ko na. Nagtapang-tapangan ako.

"Nasabi mo na ang mga katagang babali sa sumpa Serenity." tiim-bagang na sabi ni Odin.

Gusto kong makita na akong muli ni Loki . Iyon ang mga katagang pambali sa sumpa?

"S-Se-renity.." kahit marami na siyang natamong saksak ay nagawa pa niyang tawagin ang pangalan ko. Naiiyak

ako.

"Loki.." 

Humakbang ako.

"SERENITY, WAG MATIGAS ANG ULO! SINABING WAG KANG LALABAS NG BILOG!"  sigaw yun galing kay

Fenrir.

Wala akong pakialam, kailangan ako ni Loki!

Nagsalita si kuya Odin. "Fenrir! Tapusin mo na si Loki!" 

Lalo kong binilisan ang paghakbang sa labas ng bilog.

Pagtapak ko sa linya, may batang lalaki na tumalon mula sa kung saan at hinigit ako sa aking bewang. Namalayan

ko na lang na itinalon niya ako pataas!

 Aaaaaahhhh!  

Page 233: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 233/283

 

Nalula ako at halos mahilo. Dumapo kami sa isang sanga ng matangkad na puno.

Tinapik niya ang aking noo at nagblangko ang aking paningin.

****

Odin's POV: 

NALINTIKAN NA!  Nakuha ni Ymir si Serenity!

"Haha! Magaling ang iyong pag-arte Loki. Napapaniwala mo ang babaeng ito na mamamatay ka na!" 

"ANONG IBIG MONG SABIHIN YMIR?!" napatayo si Fenrir.

Lumapit sa akin ang isa sa aking mga Valkyrie at walang anu-ano'y bigla akong sinaksak ng hawak niyang espada.

"Ang ibig niyang sabihin, nalinlang ko kayo!" 

Nagpalit anyo ang inakala kong Valkyrie ko. Si Loki pala iyon.

Pero sino ang sinaksak ni Fenrir--- 

Pagkita namin sa duguang si Loki na nakahandusay, nagpalit anyo din iyon. Siya ang tunay kong Valkyrie.

"M-master.. Patawad.." ang kawawa kong Valkyrie ay umiiyak. Humalo na ang kanyang luha sa kanyang dugo.

Tssshk!  

Page 234: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 234/283

 

Muli akong sinaksak ni Loki. "Kaya hindi siya naging abo kanina ay dahil nabalot siya ng aking kapangyarihan.

Ngayon, pagmasdan mo siya--" hinatak ni Loki ang buhok ko at idinerekta ang aking paningin upang makita ko ang

pagsasaabo ng isa sa aking masugid na alagad.

Sasaksakin niya ulit ako-- pero lumayo siya dahil binato siya ni Fenrir ng napakaraming patalim.

"Mga walang kwenta."  sinabi iyon ni Loki nang nakangiti. Bumaling naman siya kay Ymir.

Inilabas ni Loki ang kanyang mga galamay at kinalawit si Serenity palayo kay Ymir.

"LOKI!"  sa tono ni Ymir, mukhang sila naman yata ang mag-aaway.

"Paalam Ymir!" dagling tumakas palayo si Loki tangay si Serenity.

Susunod sana si Ymir pero hindi siya makagalaw.

"FENRIR, SUNDAN MO SI LOKI. DITO LANG AKO. MAGTUTUOS KAMI NI YMIR." 

A/N: Nigrinder ko po ang utak ko para makapagproduce ng 2 chaps T_T go violence!!!!!

----

25th Night

Odin's POV: 

"HAHAHA!  Anong sabi mo? Tayo, magtutuos?!" tinawanan ni Ymir ang sinabi ko.

Page 235: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 235/283

 

Tumawa din ako. "Bago ka magsalita diyan, kumawala ka muna sa patibong ko!" 

"TAMPALASAN!" 

Wala na si Serenity kung kaya't ito na ang huling laban ko.

Dadalawa lang ang posibleng mangyari: Ang mapatay ako ni Ymir o ang mapatay ko siya.

Kasama na dun ang hindi maiiwasang pagsasa-Jotunn namin.

Kinapa ko ang mga sugat ko na kagagawan ni Loki; hindi na naghihilom pa ang mga iyon.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking setro.

Tumitig ako kay Ymir. Pagod na ako. 

Tama na ang limandaang taon. Handa na akong mamahinga pagkatapos nito.

"HANGIN!"  ang nakahihiwang bugso ng hangin ay sumugat sa magkabilang braso ni Ymir.

Tumalsik ang kanyang dugo pero nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon.

Bigla akong may naramdaman sa aking katawan-- ang matinding daloy ng kapangyarihan.

Humahagikhik si Ymir. "Nararamdaman mo na ba Odin? Malapit ka nang mawala sa mundong ito, at isisilang

naman ang isang halimaw--" 

"Tumahimik ka Ymir. Kahit maging Jotunn pa ako, hinding-hindi kita pakakawalan." 

Page 236: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 236/283

 

Napansin na ba niyang hirap na ako na ikulong siya sa kanyang kinatutuntungan? 

"--Heh. Paano kaya kung gawin ko ito.. Makakaya mo pa kayang panatilihin ako dito sa pwesto ko?" 

Ramdam kong lumakas ang aura ni Ymir.

Imposible!  

Binabalak ba niyang sadyain na maging isang Jotunn na?!

 Arrgh.. 

Napaluhod ako sa putikan. Masakit. Hindi ko na siya kayang kontrolin!  

Tuluyan na nga siyang nakakawala mula sa aking mahika at nakakilos na ng malaya.

Inubos niya ang halos lahat ng anino sa buong paligid. Pinalibutan nila ako.

Itinutok ko ang aking setro sa itaas. "Tinatawagan kita, mahiwagang nilalang-- SLEIPNIR!"  

Nagpakita mula sa manipis na hangin ang itim na kabayong walo ang paa. Ibinigay ito noon sa akin ni Loki.

Kumakain ito ng anino.

Hinabol niya ang mga anino at isa-isang kinain ang mga yun. Inubos ni Sleipnir ang mga alagad ni Ymir bago siya

naglaho.

Bumagsak si Ymir.

Page 237: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 237/283

 

Nagbibitak-bitak ang kanyang balat; parang nababasag.

Sumunod din akong bumagsak. Ang nangyayari kay Ymir ay nangyayari na din sa akin. Pero siya-- halos nadudurog

na ang kanyang katawan.

"--Nagkakamali ka kung iniisip mong magiging Jotunn pa ako." 

"Hindi ba?" tanong ko. Kung sana ay nababasa ko kung ano ang iniisip niya ngayon.

"Ang mga saling-lahi kagaya ninyo lamang ang sumasailalim sa proseso ng pagiging Jotunn. Iyon ay

depekto ng aking dugo na patuloy na pinaglalabanan ng inyong katawan. At ako---" 

Napahiyaw siya sa tindi ng sakit na bigla niyang naramdaman. Inulan siya ng napakaraming matutulis na yelo.

 Alam ko na kung ano ang nangyayari kay Ymir.

Literal na ubos na ang kanyang kapangyarihan kaya't pagkakataon ko na.

Umilaw ang pulang bato ng setro.

 Ang mga baging sa mga karatig na puno ay pumulupot sa kanyang batang katawan at gumapos sa kanyang mga

kamay at binti.

Pinilit kong lumapit kahit nahihirapan na ako.

"Magpahinga ka na Ymir." usal ko. Itinapat ko ang aking mga kamay na may matatalas na kuko sa kanyang dibdib.

"Oo." pumikit siya at ngumiti.

Page 238: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 238/283

 

Unti-unti kong ibinaon ang aking kamay. Tinalsikan ako ng kanyang kasumpa-sumpang dugo na siyang pinagmulan

ng lahat ng kaguluhan.

Naisip ko rin ang isang hindi maitatangging katotohanan kay Ymir: mahal niya ang mundong ito. At mahal niya ang

mga tao. Sila lang ang bukod tanging lahi ng mga nilalang na hindi niya kinanti kahit kailan.

Kung minahal ba niya o kinamuhian ang kanyang sarili, hindi ko na alam; at lalong hindi ko na malalaman.

Hinugot ko mula sa kanya ang bagay na nagbibigay buhay sa kanya. Ang kanyang puso.

Sinipat ko ang munting bata na minsan kong itinuring na ama. Nag-aabo na siya.

 Ang kanyang abo ay kumikinang habang papaitaas at binabaybay ang langit.

Saka ako napatingin sa puso na nasa aking kamay.

Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom.

ZzzzZzzt.. 

Sinuwag ako ng kidlat.

****

Fenrir:

Nakarinig ako ng dagundong ng kidlat. Napalingon ako sa direksyong aking pinanggalingan.

Dumating na siguro si Thor at malamang ay pinagtutulungan na nila ni Odin si Ymir.

Page 239: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 239/283

 

Teka.. Saan ba dumaan si Loki? Bat ang bilis nawala ng octopus na yun?

Binilisan ko ang pagsunod kay Loki.

Sa isang banda, may humila sa braso ko at saka itinulak ako ng ilang metro pabalik.

"--Huwag mo akong lalagpasan Fenrir!"  ani Tyr.

Kalaban na rin ba itong engot na to? 

"NAGMAMADALI AKO TYR, LUMAYAS LAYAS KA DIYAN!" 

"Papuntang Asgard si Loki, nasisiguro ko yun. Lalapit at lalapit siya sa puno ng Yggdrasil. Nakabantay na sa

Bifrost sina Balder at Heimdall. Ako na ang susunod sa kanya--" cool magsalita si Tyr, kala mo walang

nangyayari.

"EH PAANO AKO?!" ayokong maging missing in action nu!

"Balikan mo si Odin, kung gusto mo pa siyang makita-- Alam kong matalik na magkaibigan ang turingan nila

ni Thor. Pero mas dama ko na may espesyal kang koneksyon kay Odin, higit kaninuman--" 

Nabatid ko ang sinabi ni Tyr.

Si Thor.. Papatayin niya si Odin? 

Malala na to! Nagpapatayan na kaming magkakapatid!

Page 240: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 240/283

 

Minabuti kong sundin si Tyr. Kapag napatunayan kong ginugood time niya lang ako, kami namang dalawa ang

magpapatayan!

****

Thor's POV:

"Thor.."

Sinapo ko ang nagbibitak-bitak na pisngi ni Odin. Ang mga pulang mata niya ay blangkong nakatitig sa akin.

Wala na talaga siyang pag-asa.

"Tanggapin mo na ang katapusan mo Odin habang maaga. Isipin mo ang mapipinsala mo sa oras na

makumpleto ang transpormasyon mo-- Hanggang dito ka na lang---" 

"SANDALI!" may ungas na sumigaw. Si Fenrir lang pala.

Ibinagsak ko ang aking mahiwagang martilyo at gumapang sa lupa ang libu-libong boltahe ng kuryente patungo sa

kanya.

Tumubo na ang ikalawang pakpak sa likod ni Odin. Kailangan ko na ngang magmadali.

Nagpalabas ako ng bola ng kidlat sa aking kanang kamay. Ang isa ko namang kamay ay nasa kanyang balikat.

Ibabaon ko sa kanyang dibdib ang---

Tsssak!

IMPOSIBLENG HINDI KO NAPANSIN ANG PAGLAPIT NI FENRIR!

"Thor, mas mabilis maglakbay ang liwanag kaysa sa boltahe ng kuryente."

Page 241: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 241/283

 

Natamaan niya-- ang puso ko?!  

Hrrrggh.. 

Dama ko ang pagtulo ng dugo sa aking ilong at sa aking bibig.

Sayang. Nakakakapanghinayang. Ni hindi man lang ako umabot sa ikaapat na antas.

"--Masyado ka kasing tiwala sa sarili mo. Nakalimutan mong may kanya-kanya pa rin tayong kahinaan." 

Heh. Kung makapagsermon si Fenrir.. Akala mo.. 

Itinulak ko nang patagilid si Odin kaya napahiga siya sa lapag. "--Pagsisisihan mo ang desisyon mong iligtas ang

Jotunn na yan--" 

"--HINDI SIYA KUNG SINO LANG THOR! SIYA SI ODIN! NAKALIMUTAN MO?! LAGI KAYONG MAGKASAMA

DI'BA?!"  

Oo nga pala.. Kasama. 

Marami kaming hirap na pinagdaanan nang magkasama.

Sa dami ng mga iyon, naging bato na ang puso ko. Habang ang sa kanya, nanatiling malambot.

Iba kasi siya. Dati siyang tao.

Minsan sa buhay niya, nakaranas siya ng pagmamahal ng mga magulang, kaibigan at kung sino pa.

Page 242: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 242/283

 

Habang ako, isinilang at namulat sa mundo na puno ng pasakit at karahasan; kung saan kailangan mong maghasik

ng takot upang igalang ka.

Kusang bumagsak ang katawan ko sa putikan. Magkaharap kami ni Odin. Payapa siya. Alam kong nilalabanan niya

ang matinding sakit.

"Odin.. patawad. Ito na ang huli nating pagkikita. Sana-- sana--"  nagiging makikinang na pulbos na nga ang ilang

bahagi ng aking katawan.

Sana ay nandirito si Tyr upang gabayan ang aking abo na makarating sa karagatan. Doon ko gustong mahimlay.

Nakakatawa.. Saka ko lamang naisip na pagod na ako ngayong nasa bingit na ako ng kamatayan.

 Apat na dantaon na ang lumipas buhat ng tanggapin ako ni Ymir bilang kanyang ikalawang anak. Maraming alaala

akong babaunin. Tama na sakin iyon..

****

Fenrir's POV: 

Napatay ko si Thor.. 

Pero hindi ako masaya sa nagawa ko.

Nakulong na kami sa isang sitwasyon na kailangang mamili at magsakripisyo.

Nanginginig ang kamay kong may hawak ng espadang kumitil kay Thor.

Sino pa ang susunod? 

Page 243: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 243/283

 

Napatingin ako sa nakahigang si Odin.

Tumutubo na ang pangatlo at pang-apat niyang pakpak.

"--Odin, bumalik ka na. Paglabanan mo yan!" 

Sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako, nito ko lang nakitang ibinuka ni Odin ang kanyang bibig para

magsalita. "Fen-rir.. H-hindi ko na-- talaga kaya.. Pakiusap-- tapusin mo na ang paghihirap k-ko.." 

Umiling ako. "Ayoko Odin. Kayanin mo! Paano na ang Asgard?!" 

"--Bakit hindi mo pa ako hinayaang mapatay ni Thor.. Tama siya-- kalaunan ay--" 

"--AYOKO! Gusto pa kitang makasama kuya--"  

BLAGGG!  

Nahampas ako ng mahabang pakpak galing sa likuran ni Odin. Tumalsik ako sa isang puno.

"--NAKALIMUTAN MO NA BA FENRIR? AKO ANG PUMASLANG SA LAHAT NG MGA KALAHI MO?!"  

 Alam ko yun. Pero mas tinuring pa ako ni Odin bilang kapamilya kaysa sa kanila.

Lahat kasi sila ay takot sa akin at wala silang ginawa kundi sambahin ako.

Hindi sumagi sa kanila na ako ay isang ligaw na hayop na naghahanap ng pagkalinga.

Page 244: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 244/283

 

"Odin.." 

Wala si Odin sa kaninang pwesto niya.

May pagaspas akong narinig.

Sa itaas!  

"--Kung hindi mo ako kayang patayin, hahanapin ko ang iba nating kapatid para sila ang gumawa nun--"  

Iba na ang boses ni Odin, napakabigat at garalgal. Halos kalahati na lamang ang kontrolado niya sa kanyang

kognisyon.

"--May balak kang.. PUMUNTA NG ASGARD?!" 

Hindi siya sumagot at ngumisi lang. Itinapon niya ang hawak na setro.

Nagpakawala siya ng malaking itim na bola ng bilog, sakto lang para lukubin ang kanyang katawan.

Lumiit ng lumiit ang bola hanggang nawala ito sa aking paningin.

 Ano ang mangyayari kapag nasa Asgard na ang dalawang makapangyarihang Jotunn?!

NALOKO NA!  

A/N: Kaalaman galing sa baul... ang English po ng LIGAS ay MISTLETOE.... enjoy reading ^^

Page 245: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 245/283

26th Night

Loki's POV: 

Muli akong tumuntong sa kabilang dulo ng tulay na kung tawagin ay Bifrost. Iyon lang ang tanging daanan upang

makarating sa tahanan ng Yggdrasil.

Nasumpungan ko ang dalawa sa aking mga kapatid.

Si Balder na nasa kalagitnaan ng tulay, at si Heimdall na nasa kabilang dulo naman.

"Hindi ka maaaring pumasok ng Asgard." babala ni Heimdall. May hawak siyang plawta at kanyang pinatugtog.

Sa saliw ng kanyang himig, bumula ang tubig sa magkabilang gilid ng Bifrost.

Tumalon ang dalawang higanteng isda na matatalim ang mga ngipin. Pasugod ang mga iyon sa akin.

Wala akong inaksayang panahon; lumundag ako at gamit ang aking espada, humiwa ako ng napakalaking espasyo.

Sumiwang ang isang lagusan na nakadugtong sa pinaglulunggaan ng aking alagang ulupong.

"JORMUNGAND, LUMABAS KA!"

Sinunggaban kaagad ng Jormungand ang isa sa mga higanteng isda. Pareho silang lumubog sa karagatan pero

nakalitaw pa rin ang kanyang buntot. Nagpambuno ang dalawang nilalang sa ilalim ng tubig.

Binirahan ko naman ng aking mga galamay si Balder na nagpakawala na ng napakaraming kadena at tumatama

kung saan saan.

Hindi ko matamaan si Balder kahit ilang beses ko pang ulitin ang pag-atake.

Page 246: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 246/283

 

Oo nga pala. Mayroong kakaibang imunidad si Balder para sa lahat ng atake laban sa kanya.

Noong bago pa lamang ako sa Asgard, pinagkakatuwaan nila si Balder; binabato siya ng lahat ng klase ng patalim at

kakatwang hindi siya natatamaan.

Nagkaroon ako ng kuryosidad sa hindi maipaliwanag na penomena.

Tinuklas ko ang kanyang sikreto. Hinanap ko ang kanyang mga kamag-anakan. Buhay pa noon ang kanyang ina na

ang pangalan ay Frigg.

Kabilang sila sa mababang uri ng mga bampira subalit tanyag si Frigg sa kanyang galing sa pangungulam at iba

pang itim na mahika. Napahanga niya si Ymir kaya't bilang gantimpala ay ginawa nitong isa sa mga tagapagmana ng

kanyang dugo si Balder.

Pinaslang ko ang katiwalang si Thokk at nagpanggap ako bilang siya upang makalapit kay Frigg.

"Kahanga-hanga ang imortalidad ng iyong anak na si Balder, naisip ko tuloy kung anak nga ba siya ng isang

Diyos!" 

Natawa si Frigg. "Nagkakamali ka Thokk. Ang totoo ay sadyang mahina ang pangangatawan ng aking anak.

Gumawa ako ng isang engkantasyon at sumumpa sa lahat ng bagay na maaring makapanakit sa kanya--" 

"Kung ganun, wala nga talagang anumang bagay na maaaring sumugat kay Balder?" 

"--Sa kasamaang palad, mayroon; at iyon ang kinatatakot ko na matuklasan nila.." 

"Ano ang bagay na iyon?"  

Sinabi iyon sa akin ni Frigg at pagkatapos ay pinaslang ko siya kaagad.

Page 247: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 247/283

 

Hindi ko pa alam kung totoo ang sinabi niya o isang kasinungalingan. Kung halimbawa mang kasinungalingan yun,

mananatili ang imortalidad kay Balder dahil binaon na ni Frigg sa kanyang pagkaabo ang sikreto nilang mag-ina.

Humiwa ulit ako ng espasyo at inilusot ang aking kamay sa butas.

Kinapa ko ang halaman na nasa kabilang dimensyon at pumitas ng dahon dito.

Ang ligas. 

Ito daw ang kahinaan ni Balder ayon na mismo sa matabil niyang ina.

Nilakad ko ang tulay na yelo upang salubungin si Balder sa gitna.

Sinalag ng aking mga galamay ang kanyang mga kadena.

Umuga ang tulay. Lumitaw ang ulo ng Jormungand kasabay ng pagbulwak ng dugo sa tubig.

Lumundag siya sa kabila upang tugisin ang isa pang higanteng isda.

Itinuloy ko ang paglalakad at huminto ako sa tapat ni Balder.

Kalmado siya dahil alam niyang walang bagay ang uubra sa kanya.

Inilahad ko ang kamay ko na hawak ang mga dahon ng ligas. Hinipan ko ang mga iyon.

Namangha ako dahil nung oras na nadikitan ng mga dahon si Balder, kaagad siyang naging abo at naglaho na

panghabangbuhay.

Page 248: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 248/283

 

****

Heimdall's POV: 

Paanong nalaman ni Loki ang lihim ni Balder?!  

 Asar!  

Lumutang ang higanteng ulupon mula sa tubig. Nakalawit sa kanyang bibig ang buntot ng higanteng isda na naliligo

sa sariling dugo.

Itinigil ko ang pagtugtog. Wala na si Balder; wala nang poprotekta sa akin.

Kailangang mapapanig ko sa akin ang higanteng ulupong!

Muli akong tumugtog ngunit iniba ko ang piyesa.

Nag-angat ng ulo ng Jormungand.

Ganyan nga, makinig ka sa aking musika.

Nang maramdaman kong kaya ko na siyang kontrolin, muli kong iniba ang himig.

Sinugod ng Jormungand ang kanyang master.

Inararo nito ang tulay na yelo subalit maagap si Loki. Nakailag siya.

Page 249: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 249/283

 

Kanina ko pa napapansin na may babae siyang dala na pinuluputan ng isa sa kanyang mga kalamay. At sino naman

iyon? 

Balak ba niyang magpasok ng tao sa loob ng Asgard?! Hindi ko yun pahihintulutan!

Nanigas ng bahagya ang aking mga daliri. Lumalaban ang Jormungand sa aking pagkontrol sa kanya.

Nagpaikot-ikot siya na parang trumpo sa gitna ng nawasak na tulay.

Umulan ng sandamakmak na patalim sa ere at nagsipagbagsakan lahat sa Jormungand.

****

Fenrir's POV: 

Pinaulanan ko ng napakaraming patalim ang Jormungand pagkakita ko dito. Alagad yun ni Loki kaya't dapat sa

kanya ay pinupuksa!

Ssssssss.. 

Ssssssss.. 

Lalong nagwala ang malaking ahas.

"UGOK KA TALAGA FENRIR! KAILANGAN KO ANG ULUPONG NA YUN PARA MAKAATAKE!" sinigawan ako

ni Heimdall sa kabilang dulo.

Bakit siya na lang ang nandito?! Nasaan si Balder at Tyr?!  

Page 250: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 250/283

 

Wala nang oras sa mga tanong. Nakita kong humiwa si Loki sa espasyo.

Mabilis akong lumipat ng pwesto. Pero hindi saakin dumugtong ang itim na butas kundi sa harap ni Heimdall.

Ipinasok ni Loki sa butas ang kanyang sandata.

Huli na noong binuhat ko at inilayo si Heimdall. Naputol ang kanyang kaliwang kamay.

Sunod na nagmanipesto ang itim na butas sa harap ko. Naitulak ko si Heimdall at tumalon naman ako.

"--WALANGYA KAYONG DALAWA! PAPATAYIN KO NA KAYONG LAHAAAAT!" galit na galit si Heimdall.

Siya na nga itong tinulungan ko, siya pa galit!  

"--Hahaha.. Makakaya ko pa ring tugtugin ang musika ng kamatayan kahit iisa lang ang kamay na gagamitin

ko! HUMANDA KAYO MGA UNGAS!"  

"SINO BA TALAGA KALABAN MO HEIMDALL?!" tanong ko. Namemersonal na siya eh.

Hinipan niya ang kanyang plawta.

Seryoso nga siya. Tutugtugin niya ang nakakamatay na musika!  

Kesa ako ang mamatay, siya na lang!  

Pinukol ko siya ng isandaang mahahabang patalim. Tumalsik ang kanyang plawta habang siya naman ay duguang

nakahiga sa lupa.

Page 251: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 251/283

 

"HAYOP KA FENRIR!" oo na! Alam naman nating lahat na HAYOP naman talaga ako! Hindi na kailangang

ipangalandakan yun!

Buhay pa naman si Heimdall. Di ko naman pinatamaan ang puso niya.

 Aaaaaaarrgghhh!  

Naglabas ng napakalaking aura si Heimdall na ikinagulat ko. Nahagip tuloy ako ng galamay ni Loki.

Thud!  

Bog!  

Tumama ako sa batuhan.

Takte, masakit ah!  

Pag-angat ko ng paningin, nakita ko si Tyr. Nakatunghay siya kay Heimdall.

****

Tyr's POV: 

"--Sa wakas Tyr, dumating ka rin!" ani Fenrir na kasalukuyang nasa may batuhan.

"Tumahimik ka Fenrir!" singhal ko sa kanya. Sa puntong ito, dapat ay vigilante kami sa isa't isa dahil nakarating na

kaming magkakapatid sa sitwasyon kung saan nagpapatayan na kami.

Page 252: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 252/283

 

 At ngayon, nilalayon ko namang paslangin na itong si Heimdall.

Sa bugso ng kanyang damdamin ay itinataas na niya ang kanyang antas.

Habang nakakakilos pa ako, wala nang susunod na magiging Jotunn!

Itinarak ko kay Heimdall ang aking espada.

Humiyaw si Heimdall. "--TYR ISINUSUMPA KITAAAA!" 

Hinigit ko lalo ang espada na binasbasan ko ng malamig na hangin upang mapabilis ang pag-aabo niya.

Hinarap ko si Loki matapos nawala ng tuluyan ni Heimdall.

Nasa kanya pa rin ang babae na sinasabing posibleng tagapagmana ng mga Alfar. Kailangang mailayo ko siya kay

Loki!

Inabangan ko ang paghampas ng galamay ni Loki. Nahawakan ko ang isa.

Nagsausok ako at binaybay ko ang galamay patungo sa kanyang katawan.

Ibinalot ko siya sa asul na usok.

"Hindi mo ako masasaktan sa ganyan Tyr." aniya.

Hindi pag-atake ang pakay ko. Nang mabalot ko sa usok ko ang babae, nahila ko siya mula sa galamay ni Loki.

Nagbalik ako sa dati kong anyo at tumalon palayo sa kanya.

Page 253: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 253/283

 

Tumawa lang si Loki sa ginawa ko. Hindi man lamang siya nagsabing ibalik ko sa kanya ang--

Nabitawan ko ang babae dahil napaupo ako. Biglang nanakit ang buo kong katawan.

Lalong lumakas ang tawa ni Loki. "--Kung nakakalimutan mo, alam ko na ng lubusan ang kalikasan ng iyong

kapangyarihan. Nilason kita Tyr. Ilang saglit na lamang at katapusan mo na!" 

****

Fenrir's POV: 

"Tyr! Serenity!"  Nilapitan ko silang pareho. Kinalong ko si Serenity.

Humawak si Tyr sa aking binti, para siyang pagod na hingal na hingal.

"Tama siya, maging ako, nararamdaman ko na hindi na magtatagal ang katawan ko--" 

Mukhang ako na lang yata ang natitira para kalabaning mag-isa si Loki.

Hay.. Ano ba itong naging kapalaran namin.

"--Dalhin mo ang babaeng yan sa Asgard-- pipigilan kong makapasok ng tarangkahan si Loki.. Hangga't kaya

ko pa--" 

Sumingit si Loki. "--Nagpapatawa ka ba Tyr? Mamamatay ka nang hindi mo man lang ako

magagalusan. Maniwala ka.."  

Napatingin kaming lahat bigla sa itaas. May nagpakitang bolang itim na palaki ng palaki.

Page 254: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 254/283

 

Lumitaw si Odin. 

Ganun pa rin naman ang hitsura niya liban sa kanyang anim na pakpak, inuugat at nagbibitak na balat, at mapulang

mata. Hindi pa rin nakukumpleto ang kanyang transpormasyon kaya't umaasa akong may kontrol pa siya kahit konti.

Tumingin siya sa direksyon namin.

Bigla siyang nawala sa paningin ko.

 At lumitaw sa harapan ni Tyr. Sinakal niya si Tyr at itinaas sa ere.

"Mahina.."  

Tapos, dinukot niya ang puso ni Tyr at nilamutak.

Ibinato niya si Tyr pero bago pa sumadsad ang katawan sa karagatan ay naging abo na.

Bumaling sakin si Odin.

"Isusunod ko kayong dalawa.." 

Yari na!  

Nagmadali ako patungo sa tarangkahan ng Asgard.

Prenteng nakasunod sa amin si Odin pero may galamay ang pumulupot sa kanyang leeg.

Page 255: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 255/283

 

"Saan ka pupunta Odin? Hindi ako papayag na saktan mo kahit dulo ng daliri ni Serenity!"  

27th Night:

Fenrir's POV: 

Sa pagsasara ko ng tarangkahan ng Asgard, nakita ko kung paano hatakin ni Odin ang mga galamay, kasama na si

Loki at ibinalibag sa tulay na yelo na lalo pang nasira.

Mas malakas yata si Odin kapag naging Jotunn siya.

Kailangan kong mag-isip-isip.

Tinungo namin ang dakilang puno.

 At nakakagulat nang bigla na lamang nagliwanag.

Nakasisilaw.. 

****

Serenity's POV: 

"Serenity.. Imulat mo ang iyong mga mata.." 

May tumatawag sa akin. Napakaganda ng kanyang boses. Malumanay at malamyos, parang isang awitin.

 Anghel ka ba? 

Page 256: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 256/283

 

"Basta imulat mo ang iyong mga mata.." 

Sinunod ko ang kanyang utos. Nasumpungan ko ang sarili ko na nakahiga sa malawak na damuhan. Nalililiman ako

ng isang napakalaking puno. Nagsasayaw sa palibot nito ang napakaraming mumunting bola ng ilaw.

May naglahad sa akin ng kamay. Isang batang babae. Busilak ang kanyang pananamit at ginintuan ang kanyang

buhok.

Ginintuan.. 

Napatingin ako sa kulay ng mahaba kong buhok. NAPAKAHABANG BUHOK--

Baka wig.

Hinila ko nga.

 Araaaay!  

 Ay Diyos ko po!  Sinong bakla ang nagkulay at naghair-extension sakin habang ako ay tulog?!

Kinapa-kapa ko ang ulo ko. Nasagi ng kamay ko ang-- PATUSOK KONG TENGA?!  

 Aaaaaaaah!  

Page 257: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 257/283

 

Naloloka na ako! Panaginip! Tama! Panaginip ito!  

Gising Serenity!  

Natawa ang batang babae sa ginagawa kong pagkurot ko sa sarili kong mga pisngi.

"Halika, sumama ka sa akin." inabot niya ang aking kamay at iginiya ako sa tabi ng isang ilog na malapit sa

higanteng puno.

"Tingnan mo ang sarili mong repleksyon." sabi niya.

Tiningnan ko naman.

OH MY GULAY!  Sino yang napakagandang diwata na katabi ng batang babae?! Di, joke lang.

Nagulat lang talaga ako.

Bakit? 

Paano? 

Saan? 

Page 258: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 258/283

 

Kailan? 

"--Kaisa ka ng lahing Alfar binibining Serenity." 

Namangha ako. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"  

Ngumiti siya ng makahulugan. Inaya niya ako pabalik sa tapat ng puno. "--alam ko ang lahat." 

"Bakit ako nandito? Wala kasi akong maalala--" 

"Nandito ka, dahil nakalaan ka para mamalagi dito. Kailangan ko ang kapangyarihan mo upang magbigay ng

liwanag sa kumalat na kadiliman. Halika--" 

Inilubog ng batang babae ang kanyang kamay at braso sa katawan ng puno. Halos lumuwa ang mata ko sa

pagkagilalas.

Patuloy siyang lumubog hanggang mukha na lamang niya ang nakikita ko.

Yiee.. Nakalubog na rin ang kamay ko na hawak niya!  

Natatakot ako! Maligno ba siya o duwende? Diba sila yung mga nakatira sa puno?

Hinahatak niya ako.

Page 259: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 259/283

 

"Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan.." 

"Ayoko.."  sabi ko. Nanlalaban ako sa patuloy niyang paghila sa akin.

Napansin kong lumuha siya.

"Bakit?"  

"--Iniwan na niya ako.. Ayokong mag-isa.. Kaya't sumama ka sakin." 

Sino ang tinutukoy niya? 

"SERENITY! Huwag kang sasama sa kanya!" pamilyar ang boses ng tumawag sa akin.

Boses yun ng isang lobo na narinig ko kailan lang.

"Fenrir?"  hindi naman kabilugan ng buwan pero isa siyang napakalaking puting lobo na maraming kutitap ngayon.

"--Nagising natin ang diwa ng Yggdrasil kaya't lumabas ang ating tunay na anyo!-- Alam na niyang wala na si

 Ymir kaya naghahanap siya ng kasama!" 

"H-HA?!"  Ano bey, di ko ma-gets!  

Nainis yata si Fenrir. "--SA MADALING SALITA, KAPAG NAKUHA KA NIYA, HINDI KA NA MAKAKALAYA SA

LOOB NG PUNO KAHIT KAILAN!" 

Page 260: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 260/283

 

Natameme ako sa sinabi niya.

Tumalon si Fenrir at kinagat ang laylayan ng suot ko.

Malakas ang pwersang humihila sakin papasok sa puno. Hindi namin kinaya ni Fenrir na hilahin ang sarili ko.

Nagtagumpay ang batang babae.

Namulat ako na magaan ang pakiramdam.

Nasa tabi ako ng higanteng puno at nasa gawing kaliwa ko si Fenrir.

Kumakahol siya at kinakalmot niya ang bahaging iyon.

Lumapit ako.

"Fenrir, nandito ako!" hindi yata niya ako narinig.

Tumapat ako sa tenga niya at sumigaw. "FENRIR!"  

Imposible!  

Sinubukan kong hawakan siya subalit tumaos lang ang kamay ko.

Bakit? Ano'ng nangyari sakin? Patay na ako?

Page 261: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 261/283

 

"Isa ka nang ispirito ng Yggdrasil kagaya ko--mula dito, maaari mo lamang tanawin ang buong mundo.

Subalit wala kang maaaring kausapin o mahawakan man lang. Kung napapansin mo, tatlo lamang ang ugat

ng punong ito, at nandito tayo ngayon sa ugat na tumatawid sa Asgard." 

Parang.. Nanghihina ako.. 

Napaluhod ako hanggang sa tuluyan na akong mahiga sa damuhan.

Humiga rin ang batang babae katapat ko. "Kinukuha ng puno ang lakas mo Serenity. Gusto niyang patuloy na

mabuhay para sa kapakanan ng buong mundo.." 

Tumingala ako at nakita kong tinutubuan ng dahon ang puno.

"--Hindi ko na kaya.." daing ko.

"Masasanay ka rin.." 

**** 

Ang Diwa ng Yggdrasil: 

Lubos akong nalulungkot dahil nawala na ang taong itinatangi ko.

 Ako ang liwanag at siya naman ang dilim.

Hindi kami maaaring magkita at kahit kailan ay hindi pa kami nagkikita.

Page 262: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 262/283

 

Subalit nararamdaman namin ang isa't isa.

Nang sa palagay niya ay napakalakas na niya, ninakaw niya ako mula sa mga Diyos at ikinulong sa Yggdrasil.

Doon nahimlay ang aking damdamin habang siya naman ay kuntento na sa pagbabantay sa akin.

Hanggang sa kamatayan ay hindi kami pinalad na magkita.

 Ang kanyang pagkawala ay siya namang aking paglaya.

 Ang iniwan niyang kadiliman ay papalitan ko ng liwanag.

 Ang tanging bagay lang ngayon na nakakapagpasakit sa aking damdamin ay ang malaman na nag-iisa na lamang

ako.

Kaya't isinama ko sa aking kanlungan ang nag-iisang Alfar sa mundo.

Maiintindihan niya ako dahil alam kong pareho kami ng pinagdadaanan. Siya ang magiging katuwang ko

habangbuhay.

****

Loki's POV: 

Liwanag. 

Pagkatapos akong lukubin ng nakasisilaw na liwanag, pakiramdam ko ay nawala lahat ng aking lakas.

Page 263: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 263/283

 

Nanghihina ang buong katawan ko na nagsimula nang magkadurog-durog.

Tanggap ko na ang ganitong katapusan---

Sa gitna ng katahimikan ay narinig ko ang boses ni Serenity. Nasa Asgard siya.

Pinilit kong maglakad. Ang una kong napansin ay ang puno ng Yggdrasil. Mayabong na ito at puno ng buhay katulad

ng dati.

Hindi ba gusto kong yumabong muli ang Yggdrasil? Pero hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit.

Natumba ako sa harap ng puno. Naroroon si Fenrir. Humarap siya sakin.

"Nasaan si Odin?!" hindi pa ako nakakasagot ay nilampasan na niya ako.

Sunod kong nakita si Serenity. Nakahiga siya ng nakatagilid.

Humiga ako sa tabi niya, gaya ng ginagawa ko dati kapag dinadalaw ko siya sa kanyang silid.

"Serenity.."  

Kumurap kurap siya. "Nakikita mo ako?" tanong niya.

Tumango ako. Nang ginawa ko yun, bumagsak sa damuhan ang ilang bahagi ng aking pisngi.

Tinangka niya akong hawakan pero nabigo siya.

Page 264: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 264/283

 

"Loki, ano'ng nangyayari sayo. Bakit nagkakaganyan ang katawan mo?" umiiyak na naman siya.

"--Mamamatay na ako Serenity. Wala na akong natitirang lakas--"  

"--AYOKO! WAG KANG MAMAMATAY! WAG MOKONG IIWAN!" 

Hindi ko kayang iwan ka. Pero hindi ko rin kaya ang hindi mamatay.

"Hindi ka galit sa akin? Marami akong ginawang pagkakamali--" 

"--Hindi mo ginusto ang mga ginawa mo, hindi ikaw yun. Ang mahalaga, bumalik ka sa dati!" 

 Ako yun Serenity. Ginusto ko ang mga nagawa kong pagkakamali. Ito na marahil ang kabayaran.

Konting panahon na lang ang nalalabi..

"--Serenity, tandaan mo ito. Hindi ko na maalala ang nakaraan ko noong tao ako kahit ano pang pilit ko. Ang

alam ko lang, masama akong nilalang at gumawa ang ng napakaraming kamalian. Noong minahal kita, iyon

lang ang unang beses na naramdaman kong may tama akong nagawa sa buong buhay ko bilang bampira." 

"--Wag ka nang magsalita.. Gagawa ako ng paraan.. Hihingi ako ng tulong sa ispirito ng Yggdrasil! Hindi ka

mamamatay---" 

Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na inintindi.

Binuhos ko ang nalalabing minuto upang pagmasdan ang kanyang magandang mukha. Salamat at sa aking

pagkawala, siya ang huli kong nasilayan.

Page 265: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 265/283

 

"LOKIIIII!"  

****

Odin's POV: 

Salamat at nakarating ako dito sa Valhalla bago ang takdang oras.

Dito ko gustong mahimlay; itinatag ko ang mga haligi nito dahil nga dito ko gustong mahimlay.

Nakapalibot sa akin ang aking mga alagad at silang lahat ay nag-iiyakan.

Ganito ang eksena noong unang panahon. Iniiyakan nila ang hari kapag malapit na itong pumanaw.

 Ambisyoso akong tao dati. Nangarap akong maging hari noong bata pa ako.

Habang tumatanda ako ay lumalabo ang pangarap na iyon. Salin-lahi lang kasi ang pagiging hari, at isa pa, galing

lang akong anak ng maralitang mag-asawa.

Hinubog ko ang aking talento sa teatro dahil takot akong humawak ng sandata at lalong takot akong mamatay sa

gyera.

Wala sa hinagap ko na mas mahirap pa pala ang akala kong madaling landas na pinili ko.

Magkagayunpaman, nagpapasalamat ako dahil naranasan ko kung paano maging prinsipe ng Asgard. O hari na rin

kaya.

"Odin.." 

Page 266: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 266/283

 

"--Fenrir, mamamahinga na ako. Siguro naman ay pababayaan mo na ako?"  

Tumalon siya sa aking harap.

"Ayoko.." 

Hinimas ko ang kanyang ulo kahit pa nalalaglag na ang mga piraso ng nadudurog kong mga daliri. "Isip bata kang

talaga. Katawan mo lang ang tumanda at naiwan ang pag-iisip." 

Hindi siya sumagot.

"Bilang hari ng Asgard, ipapamana ko sa iyo ang titulo at ang pag-iingat sa lugar na ito." 

"Hindi ako bampira kung kaya't walang susunod sa akin." 

"--Pero.."  

Ibinuka niya ang kanyang bibig at ibinaon ang kanyang pangil sa aking leeg.

Pagkatapos, hindi ko na nalaman kung namayapa na nga ba ako.

****

Fenrir's POV: 

Page 267: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 267/283

 

Pinatakan ko ng sarili kong dugo si Odin pagkatapos niyang mawalan ng malay. Kung tama ako, naglaho na sa

liwanag ang lahat ng kadilimang naiwan ni Ymir, kasama na ang kanyang dugo.

Nahinto ang pagkaagnas ni Odin subalit walang ipinagbabago ang kanyang katawan.

Isinakay ko siya sa aking likuran at bumalik ako sa harap ng puno.

 Alam kong pareho ang pinagmulan namin ng ispirito ng Yggdrasil.

Nagpalit-anyo ako. Inilagay ko ang aking kamay sa katawan ng puno at itinuon ang aking buong konsentrasyon.

"Ispirito ng Yggdrasil, dinggin mo ang aking panawagan."  

Epilogue

Fenrir's POV: 

Unti-unting lumulubog ang aking kamay, braso, hanggang naipasok ko sa loob ng puno ang aking sarili.

 Ano to? Bat nasa tabi ulit ako ng puno?!  

Nakapasok ba talaga ako?!  

Nasumpungan ko agad si Serenity. Nakahiga siya, hinang-hina at umiiyak.

Inaalo siya ng batang babae na nakayakap sa kanya.

Page 268: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 268/283

 

"Mag-usap tayo mahal na Yggdrasil!" 

Nag-angat ng ulo ang batang babae. "Paano ka nakarating dito?!" 

"Mahirap ipaliwanag. Ang alam ko lang, pareho tayo ng pinanggalingan." 

"--At?" 

"Gusto kong makipagkasundo sayo." 

"Ipahayag mo ang iyong kondisyon." 

"Ako ang siyang mananatili dito, kapalit ng tatlong bagay." 

"Masyadong marami ang tatlo--" angal ng batang babae.

"--Kapalit ng kapangyarihan ko? Kulang pa nga ang hinihiling ko kung tutuusin." 

"Sige, gusto kong malaman kung anog ang tatlong bagay na iyong hiling." 

"Una, palayain mo si Serenity. Pangalawa, tuparin mo ang isa niyang kahilingan. Pangatlo, bibigyan mo ng

proteksyon ang kapatid kong si Odin habang siya ay natutulog." 

Ito na ang pinakamagandang gagawin ko para sa dalawang taong pinahalagahan ko sa buhay ko.

Tumango-tango ang batang babae. "Napakasimple lamang. Sige, pumapayag ako." 

Page 269: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 269/283

 

Nilapitan niya si Serenity.

"Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin Serenity?"  

Lumapit ako kay Serenity. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniupo ko siya.

"Paalam Serenity. Hindi mo na ako makikita at maaalala kahit kailan. Pero kahit nasaan ka man, babantayan

kita, pangako. Mabuhay ka sa landas na gusto mo. Pag-isipan mo ang iyong kahilingan." yumakap ako sa

kanya.

"Sabihin mo ang iyong kahilingan Serenity." anang ispirito ng Yggdrasil.

"--Pakiusap, buhayin mo si Loki!"  

Umiling-iling ang batang babae. "Patawad pero hindi na maaaring buhayin pa ang bampirang wala na." 

"--Pero.. Pero sabi mo, kahit ano'ng hilingin ko--" humagulgol si Serenity. 

Tinapik ko ang balikat ng batang babae. "--Gumawa ka na lang ng paraan." 

"Sige. Gagawin ko ang makakaya ko." 

****

Serenity's POV: 

Page 270: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 270/283

 

Whaaaaarhhh!  

Wagas ang aking hikab. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at kumurap kurap.

Haaay ang ganda ng panaginip ko, parang pangsine. Siguro kapag isinulat ko yun, magiging sikat ako, magiging best

selling.. Tapos.. Tapos gagawing pelikula, kakabugin ang sales ng Avatar at The Hunger Games!

 Ay bongga!  

May hawak pa pala akong pambungkal ng lupa!

Hala? Nakatulog ako?-- HABANG NAGTATANIM?!  

Hapon na pala. Kulay kahel na ang langit na tanaw mula sa glass roof nitong greenhouse.

Tumayo na ako at pinagpag ang puro lupa kong uniporme.

"Hoy besyyyy! Di ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo at kukuhanan pa kita ng picture!" tawag ako ni Coleen.

Nakasungaw siya sa may pinto.

"Susunod na ako, ililigpit ko lang tong mga ginamit ko!" pagkasabi ko nun, iniwan na niya ako.

Bago ako nakatulog, itinanim ko pala yung pulang rosas na galing sa mga koleksyon ko ng bulaklak sa veranda ko.

Wala kash nun dito. Hopefully, sana maparami ko sila bago kami maggraduate next year.

Kinuha ko ang paso ng rosas at tingnan tingnan ko.

Page 271: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 271/283

 

Nawala yata ako sa isip at bigla kong nabitawan ang paso.

"Aaay!" 

"Safe!"  mabuti na lang at may sumalo ng paso. Nakahinga ako ng maluwang.

"Heto. Sa susunod kasi mag-iingat ka. Sayang naman yang rosas. Mukhang nag-iisa lang yan dito sa

greenhouse." 

Hindi ako sa rosas nakatingin kundi sa lalaking nasa harap ko.

Parang kilala ko siya na parang hindi. Ewan!  

Pero iba ang pintig ng puso ko. Mas intense pa kesa sa nararamdaman ko kapag kaharap si Rain.

"Paborito mo ba ang pulang rosas?" tanong ko.

Tumango siya sabay ngiti.

Yieee kinikilig ako.. 

"Parang ngayon lang kita nakita?" 

"Ah, oo nga pala. Transfer student ako. Kanina pa nga ako nandito sa school pero ngayon lang tayo

nagkita." 

Page 272: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 272/283

 

Nayong alam ko na ang favorite flower niya… Kailangan malaman ko naman ang pangalan niya, ang favorite food

niya, favorite color-- LAHAT!  

"Ako nga pala si Serenity. Ikaw, anong pangalan mo?" 

"Ako pangalan ko ay---"  

Parang alam ko na ang pangalan niya kahit di pa niya sinasabi. Wild guess lang.

 At namangha ako nang marinig ko nga kung ano iyon.

Wakas. 

A/N: You want WAR?!!!! I'll give you RAAAAAWRRRR!!!! hehehhee... enjoy ^^ isingit niyo na lang po siya sa

inyong imagination kung saang parte siya ng story nangyari >_< love you guys! Alam niyo na kung sino kayong lahat!

----

Special Chapter:

Ang Una At Ang Huli.

Page 273: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 273/283

 

Loki's POV: 

Tumilapon ako sa karagatan matapos akong ibalibag ni Odin gamit ang sarili kong galamay.

Kaasar. Mukhang nagkaroon siya ng karagdagang lakas!

Umahon ako at hinanap ko ang kanyang lokasyon.

Shhhhh!  

Tumataas ang tubig?!  

Patuloy nga ang pagtaas niyon hanggang sa makulong ako sa loob.

Hindi ako makahinga-- pati ang mga galamay ko ay ayaw makalabas ng kulungang gawa sa tubig.

Lumipad sa harap ko si Odin. "--Ang elemento ng tubig Loki, ay aking alipin. Ibig sabihin, hindi lang ako ang

kalaban mo kundi pati na ang buong karagatan na nasasakop ng Bifrost!" 

Heh. Eh di ikaw na ang Nawasa!  

Kumalma ako at sinulit ang natitirang hangin sa aking baga.

Gamit ang aking espada, gumawa ako ng itim na butas, sakto lang para magkasya ako. Pumasok ako dun at

matagumpay na lumusot sa kadugtong nitong butas na sinakto ko sa likod ni Odin.

Sasaksakin ko siya sa likod—

Page 274: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 274/283

 

Nawala!  

Saan na nagpunta yung paniki na yun?!

SA TAAS!  

Nasa mga tatlumpung metro din ang layo niya.

May nakahanda na siyang panira para sakin. Napakalaking bola ng apoy.

Naghiwahiwalay iyon sa mas maliliit pang bilog. Tapos ay sabay-sabay ang mga iyon na nagsipagbagsakan sa aking

direksyon.

Kakatwang hindi na niya kailangan ng setro para gumamit ng salamangka.

 Ang akala ko ay madali lang ilagan ang maliliit na santelmo.

Tumawag si Odin ng hangin. Dahil dun, kumalat ang apoy sa hangin at nagmistula iyong napakalaking lambat ng

apoy na babagsak sa akin.

Syempre wala akong balak magpahuli sa kanya.

Kaya kong gayahin ang kahit anong uri ng pag-atake basta nakita ko iyon ng isang beses.

Pinakilos ko ang tubig sa karagatan at ginawa kong pananggalang.

Nagbanggaan ang pader ng apoy at ang pader ng tubig.

Page 275: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 275/283

 

Nahirapan ako sapagkat parang walang katapusan ang kapal ng apoy.

Sa bandang huli napilitan akong gumawa ng dimension at lumusot uli upang makatakas.

"Hanggang pagtakas na lang ba ang kaya mong gawin Loki?" tuya ni Odin.

Tinubuan lang siya ng pakpak naging mayabang na siya.

"--Wag kang masyadong kampante Odin. Kaya kong pantayan lahat ng mga nagagawa mo--" 

Umihip ang napakalakas na hangin sa direksyon ko. Masyado iyong mabilis.

Pinananggalang ko ang aking mga galamay.

Paglipas ng hangin, isa-isang nagbagsakan sa karagatan ang daan daang natadtad na piraso ng mga galamay ko.

May napansin akong kakaiba.

Kainis!  

"Anong problema Loki? Ayaw na bang tumubo ng mga galamay mo?" pang-aasar pa ni Odin.

Di bale na. Ang mahalaga ay walang nahiwa sa mga mahahalagang bahagi ng aking katawan.

Inayos ko ang hawak sa aking espada. Dalawang kamay na.

Page 276: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 276/283

 

"--Mukhang wala ka talagang kadala-dala. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayong hindi kita titigilan

hanggang hindi mo inilalabas ang tunay mong anyo!" 

Pasensyahan tayo Odin dahil wala talaga akong balak ipakita sayo kung ano talaga ang totoo kong hitsura. Kahit

anong pilit pa ang gawin mo, hinding hindi ako lalabas mula sa balat-kayo kong ito!

Nagpakiramdaman kami. Ako ba ang unang aatake o hihintayin ko na siya ang mauna?

 Ako na lang.

Hindi ordinaryong hiwa sa espasyo ang ginawa ng sandata ko.

Lumikha iyon ng sampung karugtong at sala-salabid na lagusan palibot kay Odin.

Tinangka niyang magpalipat lipat pwesto subalit nandoon pa rin ang mga butas.

"--Ano ka na ngayon Odin? Hindi mo sila matatakasan dahil ang mismong dimensyon na ng katawan mo ang

hiniwa ko!" 

Wahahaha!  Tingnan natin ang yabang mo!

Inilusot ko sa butas ang aking espada habang nakatingin ako kay Odin.

Sumungaw ang dulo ng talim ng espada ko sa lahat ng butas na nakapalibot sa kanya.

Parang salamin na binibigyang ng repleksyon ang bawat isa.

Page 277: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 277/283

 

Pinakilos ko ng ubod ng bilis ang aking kamay at tumaga kung saan saan. Tatadtarin ko siya gaya ng ginawa niya sa

mga galamay ko; O mas malala pa dun ang matitikman niya!  

Bago yun, naibalot niya ang kanyang sarili sa mga pakpak niya.

Masyadong matigas ang kanyang pakpak. Halos bumabanda lang ang espada ko.

 Alam ko na.

Inilusot ko ang isa kong kamay at nagpadala ako sa kanya ng mga bola ng apoy.

Saglit akong naghintay. Natupok ang mga pakpak subalit hindi ko nakita ang katawan ni Odin.

Naging alerto ako sa aking paligid. Posibleng nagtatago lamang siya at nag-aabang ng pagkakataon para umatake.

Krgggh.. 

Gumalaw ang lupang kinatutuntungan ko. Nabiyak iyon at nahulog ako.

Malas!  Muntik na mawala sa isip ko na ang elemento ng lupa ay kontrolado din ni Odin!

Bago ako tuluyang bumulusok pababa, sinadsad ko ang mga kamay ko at kumapit sa kung ang pwede kong

makapitan. Itinusok ko ang aking espada sa isang bahagi ng lupa.

Inayon ko ang aking sentro ng grabidad upang makatakbo palabas sa bitak dahil nagsasara na iyon.

Sakto lang paglabas ko, nag-umpugan ang dalawang nabiyak na lupa.

Page 278: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 278/283

 

Lumindol ng napakalakas at umurong ang tubig sa karagatan.

Hayun si Odin! Wala na ang kanyang mga pakpak. Nagpasa siyang isakripisyo ang bahagi ng kanyang katawan

upang makatakas sakin kanina. Patas na kami.

Hindi ko alam kung kumpleto na ang pagiging Jotunn niya basta ang iniisip ko lang ay burahin siya sa mundong ito.

"--ODIN!"  inimbay ko sa kanya ang espada ko. Hindi siya kumikilos.

Nahawakan niya iyon gamit ang isang kamay.

Binawi ko ang espada pero napitik niya ako sa noo.

Napatalsik niya ako ng sampung metro.

Mayamaya ay narinig ko ang sigaw ni Odin.

****

Odin's POV: 

Hindi ko na kayang pigilan. Dumating na ang sandaling kinukumpleto na ng aking katawan ang transpormasyon.

Napaluhod ako at sinusubukan ko pa ring sumalungat sa mga pagbabagong nagaganap sa aking katawan.

Habang pinipigil ko, lalong masakit.

Page 279: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 279/283

 

Sumabay pa ang pagbalik ng malaking alon na dulot ng lindol kanina.

Splaaaaaaashhh!  

Bumulusok ang higanteng alon ng tubig at natabunan kami.

Tahimik at wala akong maramdaman.

Tapos na ba ang laban? 

Natalo na ba ako? 

O... Patay na ba ako? 

Hindi pala. Nasa gitna lang ako ng karagatan.

Umahon ako sa tulong ng aking pakpak.

Pakpak? 

Sa aking pag-ahon, namataan ko kaagad si Loki. Nakatayo siya sa ibabaw ng tubig. Kitang kita ko ang ngiti sa

kanyang mukha.

"--Hindi na ako nag-iisa."  ang sabi niya.

Di sinasadyang napatingin ako sa aking katawan.

Page 280: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 280/283

 

Hindi!  

Sumunod ay nasumpungan ko ang sarili kong repleksyon sa tubig.

HINDI!  

Tumawa si Loki. "Anong gagawin mo ngayon Odin? Tatapusin mo na ba ang sarili mo ngayong isang ganap

ka nang HALIMAW?" 

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

Nararamdaman kong lubha akong makapangyarihan kaya't magagawa kong maibalik ang dati kong anyo!

Sinugod ko siya at winakwak ko ang kanyang katawan. Natanggal ang kanyang kanang braso na may hawak ng

espada.

Sumigaw siya hindi dahil masakit kundi dahil galit na galit siya.

Hindi pa ako tapos. Pinutol ko din ang kabila. Sumunod ay hinatak ko ang kanyang ulo kaya't napugot iyon.

Natumba ang kanyang katawan na naliligo sa itim na dugo.

Hawak hawak ko ang kanyang ulo. Nakapikit ang kanyang mga mata.

 Ang ganda tingnan. Maamo ang kanyang mukha sa kamatayan.

Ibinalibag ko yun sa lupa at tinapakan ko hanggang mapisa kasama ang kanyang utak.

Page 281: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 281/283

 

"Talagang nasaid na ang pasensya ko Odin!" 

Saan galing ang boses na yun?! Buhay pa si Loki? 

Tumayo na lang bigla ang nakahandusay niyang katawan. Naglabasan ang napakaraming galamay; may maliit at

malaki. Walang katapusan hanggang mawasak na pati ang katawan.

Nagbuo ang bulto ng isang higanteng halimaw sa aking harapan. Dalawang beses siyang mas malaki kaysa sakin.

"Dahil nakita mo ang tunay kong anyo, ipapadala na kita sa Hel!" dumadagundong ang kanyang boses.

 Ang mga galamay niya ay gumuhit ng kung ano sa gitna ng karagatan.

Nabutas ang bahaging iyon. Bumagsak ang tubig ngunit parang hindi iyon napupuno.

Sinubukan kong gumamit ng salamangka. Ayaw gumana.

Ubos na ang aking lakas dahil kanina pa ako walang tigil sa paggamit ng kapangyarihan.

Lumabas mula sa napakalaking bilog ang isang parang napakalaki ring bibig. Pagbuka nun, napakaraming ngiping

patulis sa loob at sa ginta ay may isang ga-higanteng mata. Lumabas sa bibig ang napakaraming mahahaban parang

galamay na may napakalagkit na laway. Dila siguro ang mga yun.

"Inubos ko na ang lahat ng aking lakas upang tawagin ang tarangkahan ng Hel! Wala ka nang takas Odin!"  

Sinimulan akong habulin mga dila ng Hel.

Tinangka kong lumipad palayo subalit nahuli ang isa kong paa.

Page 282: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 282/283

 

Sumunod na napuluputan ang aking mga pakpak hanggang halos lahat na ng parte ng katawan ko ay nakapitan na.

Mabilis akong hinihila pababa sa napakalaking bibig.

Pumasok ang aking mga paa. Patuloy pa rin ako sa pagbaba.

Katapusan ko na nga talaga. 

Lubhang napakalakas ni Loki upang ariin ang Hel.

Ulo ko na lamang ang hindi nalululon ng malaking bibig nang sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag.

Nakasisiguro akong galing yun sa loob ng Asgard.

Author’s Final Note:

Thank you guys sa pagsuporta sa LOKI hanggang sa huli.

I am overwhelmed because it was destiny that you found me, the ferryman; and I found you, the travellers. Together,

we took this journey and discovered something.

 Akala ko hindi na ako mabibigyan ng chance. Sa wattpad kasi, naiiba na ang writing style ng mga writers. Shortcut na

kumbaga. Para sakin, nawawala na yung feeling na 'naiimagine mong nasa loob ka ng kwento'.

I am not a pro writer but I somehow gave all I've got to made you feel what was happening inside LOKI and not just

read it plainly. Kung nagawa ko man yun, it'll be one of the biggest epic in my life.

Page 283: LOKI the War of 8 Vampire Heirs

7/23/2019 LOKI the War of 8 Vampire Heirs

http://slidepdf.com/reader/full/loki-the-war-of-8-vampire-heirs 283/283

 

A d l tl d hil l lif k (k k i i f f N Mi W th t' ll d