lorlessa's project in civics

7
(Apan) Submitted by: Lorlessa S. Zulueta Submitted to: Mr. Manzon

Upload: vergiezulueta

Post on 02-Feb-2016

267 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lorlessa's Project in Civics

(Apan)

Submitted by:

Lorlessa S. Zulueta

Submitted to:

Mr. Manzon

Emilio Aguinaldo

Page 2: Lorlessa's Project in Civics

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre

6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng

Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng

mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak

nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya

ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob.

Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang

Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at

itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng

mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan

niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya

bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni

Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng

atake sa puso at istrok.

Manuel L. QuezonSi Manuel Luis Quezon y Molina[1] (19 Agosto 1878 – 1 Agosto

1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15

Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya ang kinilala bilang

ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na

ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga

panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga

kapisanang internasyunal).

Jose P. LaurelSi José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan.

Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Sergio Osmena

Page 3: Lorlessa's Project in Civics

Si Sergio Osmeña (9 Setyembre 1878 – 19 Oktubre 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.

Manuel RoxasSi Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948).

Elpidio QuirinoSi Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero

1956) ay isang politiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika

ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre

1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng

abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the

Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng

Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng

"Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya

ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo

pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino

ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang

kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa,

pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Ramon Magsaysay

Page 4: Lorlessa's Project in Civics

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching"

Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang

ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-

17 Marso 1957).

Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong 31

Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-

aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago

magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang

"Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang

Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng

Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang

panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.

Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang

kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang

pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis

Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa

kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas

dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.

Carlos P. GarciaSi Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971)

ay isang Pilipinong makata at politiko at ang

ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30

Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng

gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya

bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia

kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino

First").

Diosdado MacapagalSi Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21

Abril 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (30

Disyembre 1961 - 30 Disyembre 1965) at ay ang ikasiyam

na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30

Disyembre 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na

naging pangulo rin.

Page 5: Lorlessa's Project in Civics

Ferdinand MarcosSi Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela.

Corazon AquinoSi María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isangPangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak niBenigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986

at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.

Fidel V. RamosSi Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang

ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30

Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging

pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe

ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang

pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.

Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng

Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng

Pambansang Pagtatanggol.

Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Page 6: Lorlessa's Project in Civics

Joseph EstradaSi Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na

mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang ika-

13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay

nahalal na Mayor o Alkalde ngMaynila noong 13 Mayo 2013.

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San

Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo

ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo

noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong

sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag

na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso

ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya

ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria

Arroyo noong 2007.

Gloria Macapagal Arroyo Si Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak

bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5

Abril 1947) ay ang ikalabing-apat

na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero

2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng

pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong

si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok

sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang

pangalawang kalihim

at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at

Industriya sa pag-talaga sa kanya ni

Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang

1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit

na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon,

nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang

Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo,

na humarap sa paglilitis.

Benigno “Noynoy” Aquino

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino,

III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960) higit na kilala

sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-

Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng

Pilipinas (30 Hunyo 2010 hanggang kasulukuyan).