lp 6-lc-4-paunlarin

5
BANGHAY ARALIN SA G10 ARALING PANLIPUNAN QUARTER 2 DLP No. 6 PAUNLARIN I. LAYUNIN A. Kasanayan sa Pagkatuto 1. Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon AP10GKA-IIc-4 Mga Layunin 4.1 Natutukoy ang mga solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig II. NILALAMAN B. Aralin/Paksa: Pagtugon sa iba't ibang Hamon ng Globalisasyon III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO A. Sanggunian Mga pahina sa Gabay ng Guro Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral Mga pahina sa Teksbuk Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR B. Iba pang Kagamitang Panturo IV. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain a. Balik-aral: Drill Card: Panuto: Nakasulat sa mga drill cards ang mahahalagang konsepto/terminolohiya na napag-aralan sa klase. Ipakita ito sa mag-aaral at hayaan silang magbigay ng kanilang kaalaman tungkol sa paksa b. Pagganyak : Sit-suri; Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyon na nangangailangan ng matalinong pagsusuri upang makapagbigay ng naaayong tugon. Ang tugon ay depende sa pgpapahalaga ng mag-aaral gamit ang mga kaalaman na natutunan sa mga aralin OUTSOURCING ONSHORING MNC / TNC GLOBALISASYON NEARSHORING OFFSHORING

Upload: edwin-planas-ada

Post on 21-Jan-2018

1.167 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lp 6-lc-4-paunlarin

BANGHAY ARALIN SA G10 ARALING PANLIPUNAN QUARTER 2

DLP No. 6 PAUNLARIN

I. LAYUNIN

A. Kasanayan sa Pagkatuto

1. Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon AP10GKA-IIc-4

Mga Layunin

4.1 Natutukoy ang mga solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

II. NILALAMAN B. Aralin/Paksa: Pagtugon sa iba't ibang Hamon ng Globalisasyon

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian

Mga pahina sa Gabay ng Guro Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral Mga pahina sa Teksbuk Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR

B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain

a. Balik-aral: Drill Card: Panuto: Nakasulat sa mga drill cards ang

mahahalagang konsepto/terminolohiya na napag-aralan sa klase. Ipakita ito sa mag-aaral at hayaan silang magbigay ng kanilang kaalaman tungkol sa paksa

b. Pagganyak : Sit-suri;

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyon na nangangailangan ng matalinong pagsusuri upang makapagbigay ng naaayong tugon. Ang tugon ay depende sa pgpapahalaga ng mag-aaral gamit ang mga kaalaman na natutunan sa mga aralin

OUTSOURCING

ONSHORING MNC / TNC

GLOBALISASYON

NEARSHORING OFFSHORING

Page 2: Lp 6-lc-4-paunlarin

IBJSDFBKSNH

------- Tanong: Bakit mahalaga ang tamang pagtugon sa isang sitwasyon?

c. Paglahad ng Layunin : Sa araling ito ay aalamin ang iba't ibang 't ibang

Tugon sa iba't ibang Hamon ng Globalisasyon B. Panlinang na Aralin: COLLABORATIVE APPROACH - Jigsaw method Gawain: TDAR -Think Discuss Act Reflect:

Panuto:Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksang kanilang pag-aaralan. Pag-usapan sa pangkat ang magiging paraan ng kanilang pag-uulat. Pumili ng pinuno ng pangkat na siyang mag-uulat sa klase. 20 minuto ang ibibigay sa klase upang talakayin ang paksa sa kanilang pangkat at 5 minuto para sa pag-uulat.

Kung ikaw ay ganap ng isang

Engineer, saan mo gustong

magtrabaho, sa Pilipinas o sa

ibang bansa?

Kung ikaw ay may sapat

napera,aling produkto ang bibilhin mo at bakit?

Kaya mo bang mag-aral na

hindi gumagamit ng alinmang

teknolohiya (cellphone etc.)

Page 3: Lp 6-lc-4-paunlarin

MGA PAKSANG ILALAHAD NG BAWAT PANGKAT

GUARDED GLOBALIZATION

PATAS O PANTAY NA KALAKALAN

PAGTULONG SA BOTTOM BILLION

SARILING PANANAW KUNG PAANO MATUTUGUNAN ANG

HAMON NG GLOBALISASYON

PAMPROSESONG TANONG 1.Ano ang guarded globalization? 2. Ano ang mga halimbawa ng mga polisiya ng pamahalaan upang mahikayat ang mga lokal na namumuhunan? 3. Bakit mahalaga ang fair trade? Magbigay ng halimbawa. 4. Sino ang tinutukoy na bottom billion?

1

2

3

4

PAGHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON

Guarded Globalization Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:

ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at

pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong-pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.

Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag -alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulong-pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.

Page 4: Lp 6-lc-4-paunlarin

3. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat:

b. Paglalapat:

Paano tutugunan ang mga Hamon ng Globalisasyon?

Sapat ba ang ginagawang hakbang ng Pamahalaan upang tugonan ang

Hamon ng Globalisasyon sa kasalukuyan?

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa

pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng

maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair

trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang

sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga

produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga

bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes

ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at

panlipunan. Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensiyon ng

kalakalan tulad ng pangangalaga ng karapatan ng mga

manggagawa (hal.pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan.

ng kape. Humigit-kumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad na bansa (developing nations) kasama ang Brazil ang nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. Upang maging kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay makasunod sa mga alituntunin sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa. Sa kabilang banda, hindi lahat ng mga bansa ay napakikinabangan ito tulad ng Columbia, Guatemala at Ethiopia. Malaki ang kinikita ng Starbucks mula sa mataas na uri ng kape mula sa Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape. Sa katunayan, isang sentimo lamang mula sa limang dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks ang natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya naman, malayo pa ang lalakbayin ng programa o proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa.

Page 5: Lp 6-lc-4-paunlarin

c. Pagtataya

Gamit ang thumbs-up at thumbs down tanungin ang mag-aaral kung naintindihan ang paksang tinalakay o hindi.

d. Pagpapahalaga

V. 1. MGA TALA

_______________________________________________________________ 2. PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

_______________ B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa

remediation _________________________________________________________

C. Nakatulong ba ang remedial?_______ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa

sa aralin______________________________________________________

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa

remediation?________________ E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang

lubos?_________ ___________________Paano ito nakatulong? _______________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking

punong- guro at superbisor?______________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa

mga kapwa ko guro?_________________________________________