lp in ap 1st grading

51
I. Nailalarawan ang pamahalaang barangay II. Paksang Aralin A. Ang Pamahalaang Barangay B. Sanggunian : BEC – PELC 1.A.1.1 Pilipinas Bansang Malaya p. 19-20 Makabayan : Kasaysayang Pilipino p. 4-5 C. Kagamitan : task kard , tsart D. Pagpapahalaga : Paggalang sa namumuno E. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino III. Pamamaraan : A. Panimulang Gawain 1. Balitaan Magbalitaan ang mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kani-kanilang barangay. 2. Pagsasanay PANUTO : Ipaayos ang mga titik upang makabuo ng salita. Pagbigayin ang mga bata ng mga kabatiran tungkol ditto. a. N O U N I N ( ninuno) b. I P O N L I P I ( Pilipino) 3. Balik-aral Magbigay ng mga konseptong natutunan ng mga bata nang sila ay nasa ika apat na baiting 4. Pagganyak a. Ipakita ang salitang PAMAHALAAN nanakasulat sa plaskard. Ipabigay ang kahulugan nito. b. Ipakita ang larawan ng balangay. Magtanong ng ilang bagay tungkol dito. c. Iugnay ito sa pamahalaang barangay. B. Panlinang na Gawain a. Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat 2. Bigyan ng kard ang bawat pangkat PANGKAT 1- Buuin mo ako PANGKAT 2 – Bilangin mo ako PANGKAT 3 – Balitaan PANGKAT 4 – News Reporting

Upload: ma-victoria-teleb

Post on 28-Oct-2015

948 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

lesson plan in araling panlipunan 5

TRANSCRIPT

Page 1: Lp in AP 1st Grading

I. Nailalarawan ang pamahalaang barangayII. Paksang Aralin

A. Ang Pamahalaang BarangayB. Sanggunian : BEC – PELC 1.A.1.1

Pilipinas Bansang Malaya p. 19-20 Makabayan : Kasaysayang Pilipino p. 4-5

C. Kagamitan : task kard , tsartD. Pagpapahalaga : Paggalang sa namumuno E. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino

III. Pamamaraan :A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Magbalitaan ang mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kani-kanilang barangay.

2. PagsasanayPANUTO : Ipaayos ang mga titik upang makabuo ng salita. Pagbigayin ang mga bata ng mga kabatiran tungkol ditto.a. N O U N I N ( ninuno)b. I P O N L I P I ( Pilipino)

3. Balik-aralMagbigay ng mga konseptong natutunan ng mga bata nang sila ay nasa ika apat na baiting

4. Pagganyaka. Ipakita ang salitang PAMAHALAAN nanakasulat sa plaskard. Ipabigay ang

kahulugan nito.b. Ipakita ang larawan ng balangay. Magtanong ng ilang bagay tungkol dito.c. Iugnay ito sa pamahalaang barangay.

B. Panlinang na Gawaina. Gawain

1. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat2. Bigyan ng kard ang bawat pangkat

PANGKAT 1- Buuin mo ako PANGKAT 2 – Bilangin mo akoPANGKAT 3 – BalitaanPANGKAT 4 – News Reporting

b. Pagsusuri

1. Sino ang namumuno ang pamahalaang barangay? ( Pangkat 1)2. Ilan ang bilang ng mga kasapi sa bawat barangay? ( Pangkat 2)3. Anu-ano ang mga tungkulin ng isang Namumuno? (Pangkat 3)4. Paano ang paraan ng pamamahala ng mga Namumuno? (Pangkat 4)

Page 2: Lp in AP 1st Grading

c. Paghahawan Paano ang sistemang pamumuno ng mga Sinaunang Pilipino sa pamahalaang

barangay?d. Paglalapat

Sabihin sa mga bata na magdalawahan (diads). Ibahagi sa isa’t isa ang kanilang sagot sa sumusunod na mga tanong.

a. Saang barangay ka kabilang?b. Kung ikaw ay isang datu, anu-ano ang iyong gagawin para sa ikabubuti ng

inyong barangay?IV. Pagtataya

PANUTO : Punan ng wastong sago tang bawat patlang.1. Pinamumunuan ang pamahalaang barangay ng isang ___________.2. Gumaganap siya ng mga tungkuling ______, _______, at _____________.3. Mag tagahatid ng balita sa barangay na tinatawag nilang ________________.4. Binubuo ang isang barangay ng mga _________mag-anak.5. Mula sa salitang balangay ang barangay na ang ibig sabihin ay _________.

V. Kasunduan Basahin sa inyong batayang aklat ang tungkol sa pamagahalaang sultanato. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

a. Ilarawan ang pamahalaang sultanato.b. Saang panig ng PIlipinas may pamahalaang sultanato?

Page 3: Lp in AP 1st Grading

I. Nailalarawan ang pamahalaang SultanatoII. Paksang Aralin

A. Ang pamahalaang SultanatoB. Sanggunian : BEC – PELC I.A. 1.2

Makabayan : Kasaysayang Pilipino p. 8-9Pilipinas Bansang Malaya p. 24-25

C. Kagamitan : Larawan ng Sultan, mga ginupit na titik, task kard , tsartD. Pagpapahalaga : Pakikibahagi nang maayosE. Ugnayang Pangkurikulum : Pilipino , sining

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan TV Patrol

2. Pagsasanay Alam Mo Ba?a. Ano ang tawag sa namumuno ng isang balangay? Sagot : DATUb. Ano ang tawag sa malaking bangkang may layag na sinakyan ng mga Malay nang

magpunta sila sa Pilipinas? Sagot : balangayc. Ano ang tawag sa tagapagbalita ng Datu sa balangay ? Sagot : Umalohokan

3. Balik-aralGamitin ang mapa ng Pilipinas. Muling pag-aralan ang kinalalagyang lugar kung saan karaniwang matatagpuan ang mga Muslim.

4. Pagganyaka. Ipakita ang larawan ng sultan. Pag-usapan ito. b. Ipabuo ang suliranin :

Paano ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang sultanato?B. Panlinang na Gawain

a. Gawain1. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat2. Bigyan sila ng task kard

PANGKAT 1 – Bakas ng lumipasPANGKAT 2 – Buuin mo akoPANGKAT 3 - TV PatrolPANGAKT 4 –

b. Pagsusuri1. Paano lumaganap ang pamahalaang sultanato sa bansa? (Pangkat 1)2. Paano pinamamahalaan ang sultanato ?( Pangkat 2)3. Ano ang kinalaman ng paglaganap ng Islam sa pagtatatag ng sultanato?

( Pangkat 3) 4.Paano lumaganap ang Islam sa ibang pook sa bansa? (Pangkat 4)

c. PaghahawanPaano ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang sultanato?

d. PaglalapatPangkatin ang mga bata sa apat. Ipalarawan ang pamahalaang sultanato sa

pamamagitan ng ibat ibang Gawain tulad ng dula-dulaan, pagguhit ng larawan at paggawa ng akrostik.

Page 4: Lp in AP 1st Grading

IV. Pagtataya PANUTO : Basahin ang talatang naglalarawan sa pamahalaang sultanato. Punan ng wastong salita ang mga patlang upang makabuo ng diwa ng pangungusap.

Ang pamahalaang sultanato ay pinamunuan ng ______(1)____. Ito ang uri ng pamahalaan ng mga __(2)___. Ang paraan ng pamamahala sa kanilang nasasakupan ay batay sa relihiyong ____(3)____. Tinatayang taong ____(4)____ nang itatag ang kauna-unahang kahariang sultanato sa _____(5)_____.

V. KasunduanHanapin sa mapa ng Pilipinas ang mga pook na may pamahalaang sultanato.

Page 5: Lp in AP 1st Grading

I. Naihahambing ang pamahalaang sultanato sa pamahalaang barangayII. Paksang Aralin

A. Paghahambing ng Pamahalaang Sultanato sa Pamahalaang BarangayB. Sanggunian : BEC-PELC I.A.1.3

Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 1-9C. Kagamitan : mga plaskard , show me drill boardD. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino , siningE. Pagpapahalaga : Maingat na paggamit ng mga kagamitan

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Magandang Umaga Bayan Pumili ng mga balitang may kaugnayan sa paksa

2. PagsasanayPANUTO : Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa Show Me Drill Board. Bawat tanong ay ipakita ang kanilang sagot upang maiwasto. Ididikta ng guro ang bawat bilang nang isa-isa.

a. Pinuno ng barangayb. Tagapagbalita sa barangayc. Pinuno sa pamahalaang sultanatod. Katulong ng datu sa paglilitis ng mga nagkasalae. Lupong tagapayo ng sultan

3. Balik-arala. Paano ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang sultanato?

4. Pagganyaka. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Ipaturo sa mga bata ang mga lugar na kung saan

umiral ang pamahalaang sultanato.b. Ipahanap din sa mapa ang ilang mga lalawigan sa Luzon at Visayas.c. Ilahad ang paksang –aralin

B. Panlinang na Gawain1. Ipabuo ang suliranin

Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato?

2. Pagtatalakayan Pag-usapang muli ang paraan ng pamamahala sa pamahalaan sultanato at pamahalaang barangay. Gamitin ang network tree.

Uri ng Pamamahala ng mga Sinaunang Pilipino

Pamahalaang Barangay Pamahalaang Sultanato

Pinamumunuan ng Datu Pinamumunuan ng Sultan

Tagapag-paganap

Tagapag-batas

Taga-hukomMay tungkuling pansibil at

panrelihiyonKinatawan ng

propeta

May mga batas na ipinasusunod May mga batas na ipinasusunod

Page 6: Lp in AP 1st Grading

3. Sa paghahambing, gamitin ang Venn diagram.

4. PaghahawanPaano nagkaiba at nagkatulad ang pamahalaang barangay sa pamahalaang

sultanato?5. Paglalapat

a. Gawaing Pansining : Pagguhit ng larawan ng pamahalaang barangayb. Gawaing Pansining : Paggawa ng Collage – larawan ng pamahalaang sultanato

IV. PagtatayaPANUTO : Buuin ang tsart sa paghahambing ng pamahalaang barangay at sultanato.

Barangay Sultanato1. Pinuno2. Gawain ng Pinuno3. Katangian ng Pinuno

V. Kasunduan :Sagutin ang mga sumusunod:1. Anu-anong mga batas ang itinakda ng ating mga ninuno?2. Ano ang kahalagahan ng mga batas sa kanilang pakikipag-ugnayan?

Pamahalaang barangay

Pamahalaang Sultanato

Pagkakatulad

Page 7: Lp in AP 1st Grading

I. Natatalakay ang kahalagahan ng batas sa pag-uugnayan ng mga PilipinoII. Paksang-aralin

A. Kahalagahan ng Batas sa pag-uugnayan ng mga PilipinoB. Sanggunian : BEC-PELC I A.2

Makabayan Kasaysayang Pilipinas p. 5-6 Pilipinas Bansang Malaya p. 20-22

C. Kagamitan : letter fan , plaskard , tsartD. Pagpapahalaga : PakikiisaE. Ugnayang Pangkurikulum : Pilipino

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan ang mga bata tungkol sa mga batas na pinaiiral sa kani-kanilang barangay

2. Pagsasanay : Letter fanPANUTO : Bawat bata ay may letter fan. Ididikta ng guro ang bawat tanong. Ipakikita ng bawat bata ang sagot sa pamamagitan ng kani-kaniyang letter fan. Ipakita ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pamahalaan ng mga Sinaunang Pilipino ay tinawag na ______.a. Barangay c. Sultanatob. Monarkiya d. Aristokrasya

2. Ang barangay ay mula sa salitang balangay na isang uri ng _________ ng mga Sinaunang Pilipino.

a. Pagkain c. sasakyang panghimpapawidb. Sasakyang pandagat d. sasakyang panlupa

3. Ang Sultanato ay isang uri ng pamamahala ng mga __________.a. Cebuano c. Muslimb. Ilokano d. Tagalog

4. Bakit naitatag ng mga sinaunang Pilipino ang kalipunan ng mga barangay? Upang _____________________________.

a. Mapangalagaan ang isa’t isa laban sa mga kaawayb. Makabuo ng iba’t ibang pangkatc. Magkaroon ng maraming kaibigand. Makiisa sa ibang barangay

5. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagtatag ng kalipunan ng magkakalapit na barangay. Karaniwang nakikipagkalakalan at nakikipagtalastasan sila sa isa’t isa. Ano ang pinatutunayan nito?

a. May ugnayan na ang mga barangay noon pa mang unang panahonb. Walang pag-uunawaan ang mga magkakalapit na barangayc. Nagkakaroon ng kumpetisyon ang mga barangayd. Magkakaibigan ang magkakalapit na barangay

Page 8: Lp in AP 1st Grading

3. Balik-aral Paano nagkakatulad ang pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato?

4. Pagganyaka. Pag-usapan kung paano nag-uugnayan ang mga sinaunang Pilipino.b. Pabigyang halaga ang kanilang pag-uugnayanc. Magpabigay ng halimbawa ng mga batas na pinaiiral sa barangay.d. Ipabuo ang suliranin

Bakit mahalaga ang mga batas sa pag-ugnayan ng mga Pilipino?B. Panlinang na Gawain

a. Gawain1. Pabuksan ang batayang aklat. Magpalikom ng datos tungkol sa paksang-aralin2. Magdaos ng buzz session pagkatapos magsaliksik ng mga mag-aaral3. Sa pagtatalakayan, maaring gamitin ang circle web.

b.Paghahawan

Bakit mahalaga ang mga batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino?

c.Paglalapat

Ipasagot ang tanong na ito.a. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung walang batas na ipinasusunod

o ipinatutupad sa mga mamamayan?b. Magpabuo ng tatluhan (triads). Magbahaginan ng mga sagot

IV. PagtatayaPANUTO : Basahin ang bawat aytem. Sipiin ang mga titik ng pangungusap na nagpapahayag ng kahalagahan ng mga batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino.a. Naayos ang mga alitan ng iba’t ibang barangay kaya nagkakaroon ng kapayapaan.b. Nakatutulong ang mgabatas sa pagpaparusa ng kamatayanc. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang iba’t ibang barangay.d. Nagkakanya-kanya ang mga datu kaya di nagkakauanwaan ang kanilang nasasakupane. Nakatutulong ang mga batas sa higit na pag-uugnayan sapagkat kung may hidwaan ay

nalulunasan ito sa pamamagitan ng mga itinakdang alituntunin.f. Nagbibigay-daan ang mga batas sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.

V. Kasunduan Gumuhit ng isang simbolo ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pamayanan. Ipaliwanag ito.

Kahalagahan ng Batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino

Page 9: Lp in AP 1st Grading

I. Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa paraan ng pamamahala ng mga sinaunang PilipinoII. Paksang –Aralin

A. Pagbubuo ng Konklusyon tungkol sa Paraang ng pamamahala ng mga sinaunang PilipinoB. Sanggunian : BEC – PELC I.A.3

Makabayan, Kasaysayang Pilipino p. 4-10C. Kagamitan : Task kard , mga larawan ng mga Gawain sa pamahalaang barangay at

pamahalaang SultanatoD. Pagpapahalaga: Pakikiisa sa mga GawainE. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino , Musika

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagpabalita ng tungkol sa nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan

2. PagsasanayPanuto : Sabihin kung tama o mali ang bawat pangungusapa. Ang namumuno sa pamahalaang Sultanato ay ang datu.b. Umalohokan ang nagbabalita ng mgabatas at okasyon ng datu sa barangay.c. Ang pagiging Sultanato ay namamana.

3. Balik-aralSa paanong paraan nilulutas ng isang barangay ang mga alitang namamagitan sa

mga naninirahan dito?4. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng mga Gawain sa pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato. Pag-usapan ito.

B. Panlinang na Gawaina. Gawain

1. Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan sila ng task kards

2. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maisagawa ang kani-kanilang mga Gawain

3. Gawaing Kolaborativa. Pagpapakita ng inihandang mga pangkatang Gawainb. Pagtatalakay tungkol dito

Task Kard 1 Gawin ang mga sumusunod

a. Gumupit ng mga titik ng salitang PAMAHALAANb. Gumawa ng akrostik tungkol sa pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino

Task Kard 2 Magpakita ng isang skit kung paano ginawa ng mga sinaunang Pilipino ang mga batas na kanilang ipinatutupad.

Task Kard 3 Lumikha ng isang awit. Lapatan ito ng titik na ang tema ay tungkol sa pamahahala ng mga sinaunang Pilipino

Page 10: Lp in AP 1st Grading

c. Paghahawan Ano ang mabubuo ninyong konklusyon tungkol sa pamamahala ng mga sinaunang Pilipino?

d. PaglalapatAnu-anong mga pag-uugali mayroon ang mga sinaunang Pilipino na maari nating bigyang halaga? Ipaliwanag.

IV. PagtatayaA. PANUTO : Buuin ang salitang tinutukoy.

1. Namumuno sa pamahalaang sultanato S _ _ T _ _ 2. Payak na pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino B _ _ _ _ _ _ Y3. Mga alituntuning isinasagawa upang maiwasan ang pagkakagulo _ A _ _ S4. Isinasagawa sa pamamagitan ng palitan ng mga produkto U _ _ _ Y _ N5. Batayan ng mga paniniwala at batas ng Islam K _ _ _ N

V. KasunduanPANUTO : Sipiin ang tseklis na ito sa kwaderno. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Mga Gawain Madalas Minsan Hindi Ginagawa1. Nakikiisa k aba sa mga Gawain sa

inyong barangay?2. Sumusunod k aba sa mga batas na

ipinaiiral sa paaralan?3. Nakikipagkaibigan k aba nang maayos?4. Tinutulan mo ba ang mabubuting pag-

uugali na minana natin sa mga sinaunang Pilipino?

5. Sinusunod mo ba ang mga tagubilin ng iyong magulang?

Page 11: Lp in AP 1st Grading

I. Naipaliliwanag ang lipunan ng mga sinaunang PilipinoII. Paksang Aralin:

A. Lipunan ng mga Sinaunang PilipinoB. Sanggaunian : BEC-PELC I.B 1.1.

Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 16-17Pilipinas : Bansang Malaya p. 4-5Ang Pilipinas sa Iba’t ibang Panahon p. 4-9

C. Kagamitan : Task Kard, roleta ng mga titik , akordyon ng mga larawanD. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino , sining

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan ng tungkol sa nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan

2. PagsasanayPANUTO : Maghanda ng roleta ng mga titik. Paikuton ang roleta. Kung saang titik huminto, magbibigay ang mga bata ng mga salitang nagsisimula sa titik na ito at ipaliwanag.

Hal. : B – Barangay Ang barangay ay isang uri ng pamahalaan

ng mga sinaunang Pilipino.

3. Balik-aral Ano ang batayan ng batas at paniniwala ng Islam? Paano nakukuha ang pagiging pinuno ng isang barangay?

4. Pagganyak a. Ipabasa ang salitang LIPUNAN . itanong ang kahulugan nito sa mga bata.b. Ipakita ang akordyon ng mga larawan tungkol sa iba’t ibang kalagayang

panlipunan. Pag-usapan ang mga ito.c. Ilahad ang paksad. Ipabuo ang suliranin

Anu-ano ang mga bagay na may kilaman sa pamumuhay na panlipunan?B. Panlinang na Gawain

a. Gawain1. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Bigyan sila ng task kard.

PANGKAT 1 – Ilarawan Mo AkoPANGKAT 2 – TV PatrolPANGKAT 3 – Bakas ng LumipasPANGKAT 4 - Iguhit Mo Ako

2. Pabuksan ang mga sangguniang aklat. Magpalikom ng mga datos.b. Pagsusuri

D S U B

Page 12: Lp in AP 1st Grading

a. Saan kadalasan matatagpuan ang pamayanan ng mga sinauanang Pilipino? ( Pangkat 1)

b. Paano sila nagkaroon ng pagbabago sa kanilang gawaing pangkabuhayan?(Pangkat 2)

c. Saan nagmula ang mga sinaunang Pilipino? (Pangkat 3)d. Ilarawan ang mga uri ng naging tirahan ng mga sinaunang Pilipino?

(Pangkat 4) e. Anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan

ng mga sinaunang Pilipino?c. Paghahawan

Anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino?

d. Paglalapat Anu- ano ang mga bagay na bumubuo sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa kasalukuyan?

IV. PagtatayaPANUTO : Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Alin ang pinagmulan ng pamayanan?a. Ang pamamalagi sa isang pook ng mga sinaunang Pilipinob. Ang hangganang itinalaga ng datuc. Ang pook na pinili ng mga sinaunang Pilipinod. Ang lugar na pinagdausan ng kalakalan

2. Saan natagpuan ang labi ng unang tao sa Pilipinas?a. Sa kabundukan ng Palawanb. Sa kweba ng Tabon sa Palawanc. Sa Underground River ng Palawand. Sa baybayin ng Palawan

3. Sinong Amerikanong arkeologo ang nagsabi na dumating sa Pilipinas ang Homo Sapiens noong huling yugto ng panahon ng yelo?a. Dr. Robert Downey Jr.b. Dr. Robert Foxc. Dr. Robert Smithd. Dr. Robert Sanchez

4. Saan nila inilalagay ang kanilang mga kalakal kung pupunta sila sa ibang pook?a. Kareta c. kabayob. Kalesa d. kuliglig

5. Ano ang pangunahing sasakyan nila kung gusto nila pumunta mula sa isang isla papunta sa ibang isla?a. Bangka c. barkob. Yate d. barge

V. Kasunduan

Page 13: Lp in AP 1st Grading

Anu- ang mga antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

I. Natatalakay ang iba’t ibang antas ng katayuan sa Lipunan ( Luzon at Visayas)II. Paksang Aralin

A. Antas ng Katayuan sa Lipunan ( Luzon at Visayas)B. Sanggunian : BEC-PELC I.B 2

Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 18-22C. Kagamitan : larawan ng mga taong nabibilang sa iba’t ibang antas ng lipunan, task kardD. Pagpapahalaga : Pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang antas ng tao sa lipunanE. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino , Sining

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan – Jr. Patrol2. Pagsasanay

PANUTO : Punan ng wastong titik ang bawat kahon upangmabuo ang salitang tinutukoy.

a. Uri ng pamamahala ng mga Muslim

S L A A OB. Mga dapat sundin sa barangay

B T SC. Tagapagbalita sa buong barangay

U A A O N3. Balik-aral

Ipaisa-isa ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan4. Pagganyak

a. Magpakita ng larawan ng mga taong may iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan tulad ng : mga maykaya

May katamtamang antas ng pamumuhay Mahihirap ang pamumuhay

b. Pag-usapan ang mga nakalarawan. Sabihing ang pag-aaralan sa arawa na ito ay tungkol sa antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino.

c. Ipabuo ang suliranin:Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain

a. Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa dalawa

PANGKAT 1 – Mga uri ng Tao sa LuzonPANGKAT 2 – Mga Uri ng Tao sa Visayas

Page 14: Lp in AP 1st Grading

2.Bigyan ng iba’t ibang sanggunian ang mga bata. Magpalikom ng mga datos. b. Pagsusuri

1. Ano ang tatlong antas ng katayuan ng mga sinaunang Pilipino sa Luzon?(Pangkat 1)

2.Ano ang tatlong antas ng katayuan ng mga sinaunang Pilipino sa Visayas? ( Pangkat 2)

3.Ano ang pinakamamabang antas ng katayuan ng mga sinaunang Pilipino? 4. Ano ang pinakamataas na antas ng katayuan ng mga sinaunang Pilipino?

c.PaghahawanAnu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

d.PaglalapatAnu-ano ang antas ng katayuan sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan?

Ihambing mo ito sa panahon ng mga ninuno.IV. Pagtataya

PANUTO : Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.1.Ang tatlong uri ng tao sa Luzon ay ang ______, _____ at ______.2.Sa Visayas tatlo ang uri ng alipin sa kanila. Ito ay ang _____,_____ at _____.3. Ang mga timawang Visaya ay nagmula sa mga inanak o inapo ng mga datu mula sa

kanilang mga ___________ asawa.4.Ang pinakamataas na antas sa lipunan ng mga taga- Luzon at Visaya ay ang

________.5. Ang pinakamababang antas ng mga tao sa lipunan ng taga- Luzon at Visayas ay ang

__________.V. Kasunduan

1. Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino.

2. Basahin ang tungkol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.a. Paano pinahahalagahan ng mga ninuno ang mga kababaihan?

Page 15: Lp in AP 1st Grading

I. Nasusuri ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang lipunanII. Paksang Aralin

A. Pagpapahalaga sa mga kababaihanB. Sanggunian : BEC – PELC I. B.3

Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 22-23C. Kagamitan : task kard , plaskard, mga larawanD. Pagpapahalaga : Pagiging magalangE. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino , sining

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Magbalitaan tungkol sa mga kababaihan sa Pilipinas na may natatanging nagawa para sa bansa.

Hal. : Corazon Aquino , Gabriela Silang2. Pagsasanay

Tumawag ng sampung bata. Papiliin sila ng tig-iisang plaskard. Ang mapipili nilang plaskard ay ipapaliwanag nila ang nakasulat duon.

3. Balik-aralAno ang tatlong antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain1. Magpakita ng mga larawang iginagalang ang mga kababaihan. Pag-usapan ito.2. Magpasalaysay sa mga bata ng kanilang namasid o nagawa tungkol sa paggalang

o pagmamahal sa mga kababaihan.3. Sabihing ang kanilang tatalakayin ay tungkol sa pagpapahalaga ng mga sinaunang

Pilipino sa mga kababaihan.4. Ipabuo ang suliranin.

Paano pinahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan?5. Magpasaliksik ng datos sa mga sanggunian.6. Magdaos ng brainstorming sesyon. Ipatalakay ang paksa sa pamamagitan ng

pagbuo ng flower web.

Datu Timawa Alipin Ayuey

Datu

Namamahay

Saguiguilid tumarampok tumataban maginoo umalohokanmn

Pagpapahalaga sa mga

Kababaihan

Page 16: Lp in AP 1st Grading

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Paano pinahahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan?2. Paglalapat

Sa kasalukuyang panahon paano pinahahalagahan ang mga kababaihan?IV. Pagtataya

PANUTO :Sagutin ang mga sumusunod:1. May mataas na pagtingin sa kababaihan ang mga sinaunang Pilipino. Magbigay ng

tatlong patunay sa inihahayag ng pangungusap na ito.a.b.c.

2. Anu-ano ang mga karapatan ng mga babae noon? Magbigay ng dalawang kasagutan.

a. b. V. Kasunduan 1. Magbasa ng tungkol sa edukasyon ng mga sinaunang Pilipino. Alamin ang kanilang paraan ng pagkatuto.

Page 17: Lp in AP 1st Grading

I. Natatalakay ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang PilipinoII. Paksang –Aralin

A. Uri ng Edukasyon ng mga sinaunang PilipinoB. Sanggunian : BEC-PELC I. B.4

Makabayan Kasaysayang Pilipino p. 23-25C. Kagamitan : Mga larawan , flagletsD. Pagpapahalaga : Pagbibigay-halaga sa pagkakamit ng edukasyonE. Ugnayang Pangkurikulum : Pilipino , sining

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Makipagbalitaan sa mga batay ukol sa napapanahong balita ukol sa edukasyon. Pag-usapan ito.

2. PagsasanayPANUTO : Itaas ang pulang bandila kung totoo ang isinasaad sa pangungusap, asul na kung hindi.a. Malaki ang pagpapahalaga ng mga sinaunang Pilipino sa mga kababaihan.b. May pamahalaan na ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang

mananakop sa bansa.c. Pinakamababang pangkat ng tao sa lipunan ang mga timawad. Sultanato ang tawag sa pamahalaan ng mga taga-Visayase. May iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang mga datu.

(isa-isang ididikta ng guro ang bawat tanong)3. Balik-aral

Magdalawahan (diads). Sagutin ang katanungan : Paano pinahahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan?

4. Pagganyaka. Isulat ang salitang EDUKASYON. Ipabigay ang kahulugan nito.b. Magpakita ng mga larawan tulad ng mga sumusunod:

- Mga batang tinuturuan ng mga magulang sa kani-kanilang tahanan- Mga batang tinuturuan ng paghahabi,pananahi,pagluluto, pag-aalaga ng

mga hayop at mga gawaing bahay- Alpabeto ng mga sinaunang Pilipino

Pag-usapan ang isinasaad ng mga larawanc. Ilahad ang paksad. Ipabuo ang suliranin

Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino ? Paano tinuturuan ang mga bata?

B. Panlinang na GawainA. Gawain

1. Pangkatin ang mga bata sa apat upang makalikom sila ng mga kaalaman sa mga sanggunian.PANGKAT 1- Ilarawan mo akoPANGKAT 2- Iulat mo akoPANGKAT 3 – Buuin mo ako

Page 18: Lp in AP 1st Grading

PANGKAT 4 - Iarte mo ako2. Bigyan ng iba’t ibang sanggunian ang mga bata.

B. Pagsusuri1. Paano tinuturuan ang mga kabataan noong panahon ng mga sinaunang Pilipino?

(Pangkat 4)2. Sino ang mga unang guro ng mga kabatan noong panahon ng mga sinaunang

Pilipino? ( Pangkat 2)3. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino? (Pangkat 3)4. Anong uri ng edukasyon ang itinuro sa mga kabataan noong panahon ng

sinaunang Pilipino? (Pangkat 1)C. Paghahawan

Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino ? Paano tinuturuan ang mga bata?

D. Paglalapat- Anong uri ng edukasyon mayroon sa kasalukuyan?- Ipaliwanag, “ Mas maganda ang kinabukasan kung may pinag-aralan”.

IV. PagtatayaPANUTO : Iguhit ang kung inihahayag ng pangungusap ay wasto at kung di-wasto.1. May sariling pamamaraan ng pagbilang at pagkwenta ang mga sinaunang Pilipino.2. Di-pormal ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino.3. Baybayin ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino.4. May sistema ng edukasyon ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga

Espanyol.5. Tinuruan ng pagbasa at pagbilang ang mga bata sa loob ng malalaking paaralan.

V. KasunduanBasahin ang tungkol sa relihiyon ng mga sinaunang Pilipino. Alamin ang paraan ng kanilang pananampalataya.

Page 19: Lp in AP 1st Grading

I. 1. Nailalarawan kung paano lumaganap ang relihiyong Animismo at Islam2.Nasusuri kung paano lumaganap sa ilang bahagi ng bansa ang relihiyong Islam

II. A. Ang Relihiyong Animismo at IslamB.Sanggunian : BEC-PELC I. B 5-7

Pilipinas Bansang Malaya pp.C.Kagamitan : mga larawan , manila paper, pentel penD. Pagpapahalaga : Paggalang sa relihiyon ng iba

III. A. Panimulang Gawain1. Balitaan : Magpabalita ng may kaugnayan sa paksang aralin2. Pagsasanay – word puzzle

Panuto : Hanapin ang mga salitang nakapaloob sa mga titik na nasa parisukat. Magbigay ng kaalaman ukol ditto.

B A Y B A Y I N OD R D A T U E P OB I G A Y K A Y AL P T I M A W A BM U A L I P I N KA N I T O N R S T

3. Balik aral : Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?4. Magpabigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng relihiyon sa kasalukuyan.

Ipalarawan ang paraan ng kanilang pagsamba.5. Ipakita ang larawan ng pagsamba ng mga ninuno at Muslim. Pag-usapan ito.6. Sabihing ang kanilang pag-aaralan ngayon ay tungkol sa relihiyon ng mga sinaunang

Pilipino, ang relihiyong Animismo at Islam. B.Panlinang na Gawain

1. Ipabuo ang suliraninAno ang relihiyong Animismo at Islam?Paano lumaganap sa ilang bahagi ang relihiyong Islam?

2.Pangkatin ang mga bata upang makalikom ng mga datos.a. Pangkat 1- paglalarawan sa relihiyong Animismob. Pangkat 2 – paglalarawan sa relihiyong Islamc. Pangakt 3- paghihinuha kung paano lumaganap sa ilang bahagi ng bansa ang

relihiyong Islamd.Pangkat 4 – pagtalunton sa mapa ng pinagmulan at ang paglaganap ng relihiyong Islam.

3.Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat upang dito nila isulat ang kanilang mga Sagot.

4.Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata sa paghahanda ng kanilang iuulat.

5.Gawaing kolaborativ : Ipalahad sa klase ang nalikom na mga datos. Ipaulat sa lider ng bawat pangkat.

Page 20: Lp in AP 1st Grading

6.Paglalahat :a. Anu-ano ang relihiyon ng mga sinaunang Pilipino? Paano ang pamamaraan ng

kanilang pananampalataya?b. Saan nagmula ang relihiyong Islam at paano ito lumaganap sa ibang bahagi ng

bansa?7.Paglalapat

Ipaguhit ang balangkas na mapa ng Pilipinas. Palagyan ng tuldok ang mga lugar na kung saan lumaganap ang Islam sa bansa.

IV.PagtatayaPANUTO : Sipiin ang mga titik ng tamang sagot sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang tungkol sa Animismo?a. Pinaniniwalaan ang mga espiritu sa kapaligiran na nagpaparusa o tumutulong sa mga

ninunob. Pinaniniwalaan na mayroong kabilang buhay at ang kaluluwa ng tao ay hindi namamatayc. Nagdaraos ng misa at prusisyon tuwing kapistahan ng mga santo.

2. Alin sa mga sumusuno kanilang d na paglalarawan ang tungkol sa relihiyong Islam?a. Allah ang tawag nila sa kanilang Panginoon at Koran ang kananilang Banal na aklat.b. Pagbibigay ng Zakat o ikasampung bahagi ng kita ay isa sa limang tungkulin sa kanilang

relihiyonc. Tungkulin din ng relihiyong ito ang manalangin, mag-ayuno at maglakbay sa Mecca.d. Bibliya ang tawag sa kanilang banal na aklat.

V.Kasunduan :Paano lumaganap ang Islam sa ilang bahagi ng ating bansa?

Page 21: Lp in AP 1st Grading

I. Napahahalagahan ang kultura ng mga sinaunang PilipinoII. A. Kalagayang Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino

B.Sanggunian : BEC – PELC I B8 Makabayan Kasaysayang Pilipinas pp.

C.Kagamitan : task cards, tsartD. Pagpapahalaga : Pakikipagtulungan at pakikiisaE. Ugnayang Pangkurikulum : Filipino

III. Pamamaraan

A. Panimulang GawainMagpaskil ng isang malaking tandang pananong sa pisara na may nakalagay na tanong. Pakuhanin ang mga bata. Ipabasa ito at ipasagot ang tanong na nakasulat sa isang pirasong papel.

1. Anu-ano ang mga antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?2. Ano ang ibig sabihin ng Islam?3. Anu-ano ang limang haligi ng Islam?4. Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang katayuan sa lipunan ng mga Pilipino?5. Sinu-sino ang mga nagging bahagi ng paglaganap ng Islam sa Pilipinas?

B. Panlinang na Gawain1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan sila ng task kards.2. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maihanda ang kani-kanilang Gawain.3. Gawaing kolaborativ

Pagpapakita ng mga Gawain ng bawat pangkat4. Bigyang halaga ang iniulat ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Ano ang masasabi ninyo sa kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino?2. Paglalapat

Pag-usapan ang mga pag-uugaling natutuhan tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino. IPatalakay kung dapat panatilihin ang mga ito at bakit?

IV.Pagtataya:PANUTO : Sagutin ang mga sumusunod:1. Paano lumaganap ang Islam sa ilang bahagi n gating bansa?2. Paano natin maipapakita an gating paggalang sa mga taong naiiba ang paniniwala at

pananampalataya?3. Ano ang masasabi ninyo sa kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino?4. Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?5. Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

V.Kasunduan :Gumawa ng portfolio ng kaalaman tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino.

Page 22: Lp in AP 1st Grading

I. Natatalakay ang mga hanapbuhay ng mga sinaunang PilipinoII. A. Hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino

B. Sanggunian : BEC PELC I.C1 Makabayang Kasaysayang Pilipino pp. 43-45

C. Kagamitan : Show me Drill Board , mapang pangkabuhayan , mga larawanD. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa pinagkukunang YamanE. Ugnayang Pang kurikulum : EPP, Filipino

III. A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Magpabalita tungkol sa kalagayan ng kabuhayan ng ating bansa2. Pagsasanay :

Ipahanda ang Show Me Drill Board. Ipasulat ang sagot sa sumusunod na tanong :a. Ano ang kahulugan ng Islam?b. Ano ang uri ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?c. Paano lumaganap ang Islam sa Pilipinas?d. Paano pinahahalagahan ng mga sinaunang Pilipino ang mga kababaihan?e. Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?

3. Balik-aralIhanda ang roleta ng karununganIpaikot ang roleta. Kung saangg paksa ito huminto,magpabigay sa mga bata ng mga natutuhan nila tungkol dito.

4. Ipakita ang larawan ng mga likas na yaman ng bansa.Pag usapan ito. Ipakita rin ang mapang pangkabuhayan ng bansa. Ipaturo rito ang mga yamang likas sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

5. Ilahad ang paksang tatalakayinB. Panlinang na Gawain

1. Ipabuo ang suliraninAno ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga

sinaunang Pilipino? 2. Paglikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian. Gawing patnubay ang retrieval chart na ito

Mga naging hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino batay sa likas na yaman ng bansaIlog, dagat Bundok, bulkan

Kagubatan kapatagan

Page 23: Lp in AP 1st Grading

3. Ipatalakay ang nalikom na datos. Bigyang diin ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino. 4. Paglalahat

Bakit mahalaga ang pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino? 5. Paglalapat

Mahalaga ba ang pinagkukunang yaman sa pamumuhay ng mga Pilipino? Bakit?

IV.Pagtataya

PANUTO : Ibigay ang hinihingi

1. Anu-ano ang likas na yaman ng bansa na ginamit ng mga sinaunang Pilipino para mabuhay?2. Anu-ano ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?

V.Kasunduan:

Gumuhit ng mga kasangkapan na ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagsasaka, pangingisda, at paggawa ng banka.

Page 24: Lp in AP 1st Grading

I. Nasusuri ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino.II. A. Teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino

B. Sanggunian : BEC-PELC I C.2 Makabayan Kasaysayang Pilipino pp. 39-42 Pilipinas Bansang Malaya pp. 31-35

C. Kagamitan : mga larawan , flagletsD. Pagpapahalaga : Pagkakaisa at pagtutulunganE. Ugnayang Pangkurikulum : Pilipino , sining

III. A. Panimulang Gawain

1. Balitaan : Magpatanghal ng SAKSI. Magpaulat ng mga balita tungkol sa mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa kabuhayan.

2. PagsasanayPANUTO : Itaas ang nakangiting smiley kung ang inihahayag ng pangungusap ay totoo at hindi nakangiting smiley kung di-totooa. Katolisismo ang relihiyon ng mga sinaunang Pilipinob. Barangay ang tawag sa uri ng pamamahala sa ating mga sinaunang Pilipinoc. Lumaganap ang Islam sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa kalakalan.d. May pormal na edukasyon an gating mga ninuno.e. Iba’t iba ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino.

3. Balik-aralPagbuuuin ng tatlhuan ang mga bata. Ipabahagi sa kanilang ginawang kasunduan tungkol sa mga pinagkukunang yaman ng bansa.

4. Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang kagamitan. Pag-usapan ang pagkakayari ng mga ito. Ipabigay ang kahulugan ng teknolohiya.

5. Ilahad ang paksaB. Panlinang na Gawain

1. Ipabuo ang suliraninAnu-ano ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng

Lumang Bato, bagong bato at metal? 2.Pangkatin ang mga bata sa apat. Magpalikom ng mga datos tungkol sa paksa. Ibigay

ang patnubay na tsart na ito.

Mga Kagamitang Ginamit ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahon ng :Lumang Bato Bagong Bato Metal

Page 25: Lp in AP 1st Grading

3. Ipaulat ang nalikom na kaalaman ng bawat pangkat.4. Paglalahat

Anu-ano ang teknolohiyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng lumang bato, bagong bato at metal?

5. Paglalapata. Ipahambing ang teknolohiya noon sa uri ng teknolohiya sa kasalukuyanb. Pangkatin ang mga bata. Ipagawa ang grapikong presentasyon sa ibaba.

TeknolohiyaNoon Ngayon

IV.Pagtataya:

PANUTO : Isulat ang PLB kung ang teknolohiyang inilalarawan ay sa panahon ng Lumang Bato, PBB kung panahon ng Bagong Bato at PM kung panahon ng Metal

_____1. Nakagawa ng batong pampukpok at pampana_____2. Nalinang ang paraan ng pagpapanday_____3. Sinimulan ang paggamit ng mga kagamitang yari sa malalaki at magagaspang na bato._____4. Nalinang ang halaga ng Kristal._____5. Sinimulan ang paghahabi at paggawa ng palayok

V. Kasunduan :Gumuhit o gumupit ng mga larawan tungkol sa pagbabago ng teknolohiya ng mga sinaunang

Pilipino sa iba’t ibang panahon. Ilarawan ito.

Page 26: Lp in AP 1st Grading

I. Natatalakay ang pamamahala ng mga EspaῆolII. A. Pamamahala ng mga Espaῆol

B. Sanggunian : BEC PELC II A.1Makabayan Kasaysayang Pilipino pp.

C. Kagamitan : Balangkas, video slideD. Pagpapahalaga : Nakapaghihintay ng pagkakataon sa pagsagot sa klase

III. A. Panimulang Gawain

1. Balitaan Magbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari sa pamahalaang local

2. PagsasanayGame ka na ba?

3. Balik-aralAno-ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain

1. Ipapanood sa mga bata ang isang video slide tungkol sa pagdating ng mga Espanyol sa

ating bansa

2. Isa-isahin ang mga pangyayaring naganap sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

3. Ilahad ang paksang aralin

4. Ipabuo ang suliranin

Paano pinamahalaan ng mga Espanyol ang bansang ito?

5. Ipakita ang balangkas na ito.

Page 27: Lp in AP 1st Grading

6. Itanong ang mga sumusunod:a. Ano ang dalawang uri ng pamamahala ng mga Espanyol?b. Anu-ano ang bumubuo sa pamahalaang local? Anu- ano ang tawag sa bawat isa?c. Ano ang kaugnayan ng pamahalaang sentral sa pamahalaang lokal?

7. Pabuksan ang batayang aklat para sa karagdagang kaalaman

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Ano ang dalawang uri ng pamamahala ng mga Espanyol?2. Paglalapat

Anu-ano ang mga pagbabago o pagkakatulad sa paraan ng pamamahala ng mga Espanyol at ng mga sinaunang Pilipino?IV.Pagtataya :

PANUTO : Isulat ang T kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay tama at DT kung di tama

1. Ang pamahalaang sentral ang may hawak ng lahat ng kapangyarihang pampamahalaan2. Ang pamahalaang panlalawigan ay may dalawang uri ng pangangasiwa3. Ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay ang pueblo.4. Ang mga kautusang ipinatutupad sa pamhalaang local ay nangggagaling sa pamahalaang

sentral.5. Ang alcalde-mayor ay isang panlalawigang pamahalaan

V. Kasunduan:

Ano ang iba’t ibang uri ng panahanan noong panahon ng kastila.

Page 28: Lp in AP 1st Grading

I. Naihahambing ang pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang PilipinoII. A. Pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang Pilipino

B. Sanggunian : BEC A.2 Makabayan Kasaysayang Pilipino Tx. Pp. C. Kagamitan : mga larawan , manila paper , pentel penD. Pagpapahalaga : pagiging magalang

III. A. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari sa pamahalaang local

2. PagsasanayIsulat ang T kung totoo ang ipinahahayag sa pangungusap at DT kung hindi totoo.a. Ang Hari ng Espanya ang namamahala sa Pilipinasb. Ang corregimiento ay mga lugar na payapa at walang kaguluhan.c. Ang Obispo ang namamahala sa pagpapahayag ng Kristiyanismo sa bansa.d. Ang barangay ang pinakasentro ng pakikipagkalakalan.e. Ang Gobernador-heneral ang hinirang na kinatawan ng hari ng Espanya.

3. Balik-aralAno ang dalawang uri ng pamahalaan na pinaiiral ng mga Espanyol

B. Panlinang na Gawain

1. Ilahad ang paksa

2. Pagbuo ng suliranin

Ano ang pagkakaiba ng pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang Pilipino?

3.Pagtatalakayan

Pag-usapan muli ang paraan ng pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang Pilipino

Pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang Pilipino

Pamamahala ng mga Espanyol Pamamahala ng sinaunang Pilipino

Pinamumunuan ng Hari ng Espanya Pinamumunuan ng Datu o Sultan

Sentralisado ang pamamahala Ang nasasakupan lamang ang

Page 29: Lp in AP 1st Grading

pinamamahalaan

Sa Hari ng Espanya nagmumula ang mga batas na ipinatutupad sa bansa

Sa Datu o Sultan nagmumula ang batas na ipinatutupad

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatAno ang pagkakaiba ng pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang Pilipino?

2. Paglalapata. Pangkatin ang mga bata sa apat. Magpatanghal ng dula-dulaan tungkol sa

paraan ng pamamahala ng mga Espanyol at ng ating mga ninuno. IV.Pagtataya

PANUTO : Buuin ang tsart sa paghahambing ng pamamahala ng mga Espanyol at ng Sinaunang Pilipino

Pamamahala ng mga Espanyol at ng sinaunang PilipinoEspanyol Sinaunang Pilipino

NamumunoGawain ng PinunoKatangian ng PinunoParaan ng pamumuno

V. Kasunduan :

1. Gumupit o gumuhit ng iba’t ibang uri ng panahanan na ginamit ng ating mga ninuno bago dumating ang mga Espanyol

Page 30: Lp in AP 1st Grading

I. Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng panahananII. A. Uri ng Panahanan ng mga Pilipino

B. Sanggunian : BEC – PELC II . B.1.1 Makabayan Kasaysayang Pilipino pp. C. Kagamitan : balangkas , mga larawanD. Pagpapahalaga : Kalinisan

III. A. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan ng tungkol sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan

2. Pagsasanay PANUTO : Isulat ang T kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay totoo at HT kung hindi totoo.a. Ang pagkakaingin ay isang dahilan ng paghiwa-hiwalay ng panahanan ng mga

unang Pilipino.b. Pare-pareho ang laki ng mga panahanan ng mga unang Pilipinoc. Ang paglalakbay ay isa ring batayan ng mga ninuno sa pagpili ng panahanan.d. Ang paniniwala sa mga espiritu o anito ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng

pahanay na tirahan ng mga sinaunang Pilipino.e. Pinili ng marami sa ating mga ninuno ang tabing-dagat o ilog dahil nakakukuha

sila rito ng kanilang pagkain at hanapbuhay.3. Balik-aral

Anu-ano ang mga tungkulin ng sumusunod na mga opisyales?a. Gobernador-heneral c. cabeza de barangayb. Gobernadorcillo d. alcalde-mayor

B. Panlinang na Gawain

1. Pag-usapang muli ang uri ng panahanan ng mga sinaunang Pilipino. 2. Magpakita ng larawan ng panahanan sa panahon ng Espanyol . Pag-usapan ito.

3. Ipabuo ang suliraninAnu-anong uri ng panahanan sa panahon ng Espanyol?

4. Magpalikom ng kaalaman tungkol sa uri ng panahanan sa panahon ng Espanyol sa mga sanggunian.

5. Ipatala ang mga kasagutan sa suliranin6. Magdaos ng brainstorming sesyon ukol sa paksa7. Pagbubuod

Mga panahanan sa panahon ng mga Espanyol

Page 31: Lp in AP 1st Grading

Pueblo Alcaldia Syudad

Pinag-sanib-sanib na barangay

Pinagsani-sanib na pueblo Nakapaligid ang simbahan, gusaling pampamilihan, paaralang pamparokya, pagamutan, sementeryo

Sampung ulit ang laki kaysa sa dating barangay

Ang pinakamaunlad na pueblo rito ang ginagawang kabisera

Itinatag ni Gob.-heneral Miguel Lopez de Legaspi ang syudad ng Maynila

Pinamamahalaan ng gobernadorcillo

Sa kabisera nakatayo ang kapitolyo

Nasa bunganga ng ilog Pasig ang suydad ng Maynila. Isinunod ang kaayusan nito sa mga syudad sa Europa

May gusaling pampamahalaan, liwasang-bayan, simbahan ng parokya, paaralang pambayan at pamparokya

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatAnu-anong uri ng panahanan sa panahon ng Espanyol?

2. PaglalapatMay pagkakaiba ba o pagkakatulad ang panahanan sa panahon ng Espanyol sa

panahanan ng mga sinaunang Pilipino? Ipaliwanag

IV.Pagtataya

PANUTO : Isulat ang (/) sa mga pangungusap na naglalarawan sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol at (X) kung hindi.

1. Nanirahan ang mga Pilipino sa mg ayungib at kweba2. Pinag-sanib-sanib ang mga barangay at bumuo ng pueblo.3. May mga gusaling pampamahalaan na kung saan matatagpuan ang mga pinunong

tagapamahala.4. Palipat-lipat ng tirahan ang mga Pilipino upang humanap ng ikabubuhay.5. Matatagpuan sa paligid ng panahanan ang mga paaralang pambayan at pamparokya.

V.KasunduanAnu-ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at sa

pamamahala ng bansa?

Page 32: Lp in AP 1st Grading

I. Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa.

II. A. Bahaging ginagampanan ng Simbahan sa Pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa.B. Sanggunian : BEC –PELC B.2.1

Ang PIlipinas sa Iba’t ibang Panahon pp. 70-73C. Kagamitan : roleta ng mga titik, larawanD. Pagpapahalaga : Pagtupad sa mga tungkulin

III. A. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa paksa.

2. PagsasanayPanuto : Gamiting muli ang roleta ng mga titik. Paikutin ito at kung saang titik huminto., pagbigayin ang mga bata ng mga salitang nagsisimula rito at kanilang ipaliwanag.

3. Balik-aralAnu-ano ang iba’t ibang uri ng panahanan ang ginamit ng mga Pilipino noong

panahon ng mga Espanyol?

B. Panlinang ng Gawain

1. Itanong sa mga bata kung ano ang naging mahalagang kontribusyon ng mga Espanyol sa ating bansa?

2. Ipakita ang larawan ng unang binyagang naganap sa bansa. Pag-usapan ito.3. Magpabigay ng mga halimbawa ng mga tungkulin ng pari at ng mga namumuno sa

bansa. Iugnay ito sa paksang aralin.

4. Ipabuo ang suliranin.

D B

G A

Page 33: Lp in AP 1st Grading

Anu-ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa?

5. Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan sila ng manila paper at pentel pen.6. Bigyan sila ng sapat na panahon sa paglikom ng kaalaman sa mga sanggunian.7. Gawaing Kolaborativ

a. Ipaulat ang naitala ng bawat pangkat.b. Pagtatalakayan sa naisulat

8. Gawaing patnubay sa talakayan ang grapikong presentasyong ito.

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatAnu-ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng

Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa? 2. Paglalapat

Pag-usapan ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa kasalukuyang Panahon . May pagkakatulad ba ta pagkakaiba?

IV.PagtatayaPANUTO : Isulat ang T kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay tama at DT kung hindi.1. Naghatid ng misyon sa iba’t ibang dako ng bansa ang mga paring misyonero.2. Karaniwang mga kura-paroko ang pumapalit muna sa opisyal na umalis.3. Naningil ng buwis sa parokya ang mga pari.4. Nagturo ng mga gawaing manwal ang mga misyonero.5. Sumusbaybay ang mga pari sa mga gawaiin sa paaralan.

V.Kasunduan Ano ang nagging reaksyon ng mga hindi Kristyano sa relihiyong Krisyanismo?

Bahaging ginagampanan ng simbahan sa -

Pagpapalaganap ng Kristyanismo

Pamamahala ng bansa

Page 34: Lp in AP 1st Grading

I. Nasusuri ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa KristyanismoII. A. Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristyanismo

B. Sanggunian : BEC – PELC II B.3 p.3 Pilipinas Kong HIrang p. 195

C. Kagamitan : magdala ng mga tootong bagay : rosary, imahe, bibliya, tsartD. Pagpapahalaga : Pagiging Kristyano

III. A. Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon ukol sa relihiyon2. Pagsasanay

Bayong ng KarununganIlagay sa loob ng bayong ang mga binalot na papel na may mga tanong. Pumili ng sampung bata. Ihanay sila sa dalawa. Basahin ang mga tanong nang isa-isa. Ang hanay ng may pinakamaraming tamang sago tang panalo.

3. Balik-aral Anu-ano ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng kristyanismo at sa pamamahala sa bansa?

B. Panlinang na Gawain1. Ipamasid ang larawan sa paskelan2. Suriin ang mga ginamit na pagdarasal- rosary , imahe, bibiliya3. Ipaalala ang mga bagay na nabanggit na pamana ng Espanyol4. Ilahad ang paksang aralin5. Ipabuo ang suliranin

Paano pinalaganap ng mga Espanyol ang Katolisismo?Gaano kalawak ang naging impluwensiya ng relehiyong katoliko sa buhay ng

mga Pilipino? Bakit hindi naging madali ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa ilang bahagi ng bansa?

6. Gawin ang Task Kard. Hatiin ang mga bata sa 2 pangkat. Bigyan sila ng paksang kanilang tatalakayin

7.Ipaulat ang naitaalng mga sagotC. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatBakit hindi naging madali ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa ilang bahagi

ng bansa?2. Paglalapat

Sa kasalukuyang panahon , madami pa rin bang katoliko ang sumusunod sa relihiyong Kristyanismo? Ipaliwanag ang sagot.

Page 35: Lp in AP 1st Grading

IV.Pagtataya :PANUTO : Isulat ang tiitk T kung tama ang sagot sa pangungusap at HD kung hindi.

_____1. Mga paring misyonero ang pinadala ng Espanya para palaganapin ang relihiyong Kristyanismo.

_____2. Madaling nahikayat ng mga paring misyonero ang mga katutubo sa relihiyong Kristyanismo. _____3. Ang mga kapatid na Muslim sa Mindanao ay madali nilang nahikayat na magpabinyag sa katoliko.

_____4. Tinipon nila ang mga Pilipino sa kapatagan para mas madali nilang maturuan ng katesismo.

_____5. Takot na magkasala ang mga nabinyagang Pilipino kung kayat sinusunod nila ang lahat ng sinasabi ng mga pari.

V. KasunduanAnu-anong mga paaralan ang itinatag ng mga pari at misyonero sa bansa?

Page 36: Lp in AP 1st Grading

I. Nasusuri ang edukasyong ipinatutupad ng mga espanyolII. A. Edukasyong ipinatutupad ng mga Espanyol

B. Sanggunian : BEC-PELC II B.4 p.3 Lahing Kayumanggi 5 p. 107

C. Kagamitan : Tsart tungkol sa sistema ng eduaksyonD. Pagpapahalaga : Kahalagahan ng Edukasyon

III. A. Panimulang Gawain1. Balitaan

Magpabalita ng mga kasalukuyang pangyayari sa larangan ng edukasyon2. Pagsasanay

Bayong ng KarununganIlagay sa loob ng bayong ang mga binalot na papel na may mga tanong. Pumili

ng sampung bata. Ihanay sila sa dalawa. Ang hanay ng mga batang may pinakamaraming tamang sagot ang panalo.

3. Balik-aralNaging mabisa na amh paraan ng pagpapalaganap at pagpapanatili ng Kristyanismo sa panahon ng Espanyol? Paano nalinang ng mga misyonero ang pagpapahalagang espirituwal?

B. Panlinang na Gawain1. Pag-usapan ang iba’t ibang uri ng paaralan sa Pilipinas. Linangin ang kahulugan ng

mga sumusunod: Pamantasan

SekundaryaPrimaryaBokasyonal

2. Magpakita ng mga larawan ng mga paaralang itinatatg ng mga Espanyol tulad ng UST, Ateneo, Letran atbo. 3.Ilahad ang paksang aralin

4. Ipabuo ang suliraninAnu-ano ang mga paaralang itinatag ng mga pari at misyonero sa bansa?

5. Pangkatin ang mga bata sa apat sa paglikom ng mga kaalaman. Bigyan sila ng manila paper at pentel pen.

6. Ipakita ang retrieval chart. Papunan ng sagot ito.

a. Parokya Layunin Mga itinuro

b. pambayan

Page 37: Lp in AP 1st Grading

c.Sekundarya

d.Normal

e.Pamantasan

f. Bokasyonal

7. Ipaulat ang naitalang mga sagot.8. Itanong kung alin-alin pa sa mga paaralang ito ang nakikita nila sa kasalukuyan

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Anu-ano ang mga paaralang itinatag ng mga pari at misyonero sa bansa?2. Paglalapat

Ipahambing ang mga paaralang naitatag sa panahon ng Espanyol sa kasalukuyang panahon. Anong makabagong teknolohiya meron tayo sa kasalukuyang panahon?

IV.PagtatayaPANUTO : Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B1. Itinatag ito para sa mga nais na maging guro a. paaralang bayan2. Dito nagpapatuloy sa pag-aaral ang mga b. pamantasan

Nagtapos sa mga paaralang sekundarya3. Itinuturo rito ang pamumuhay ng isang c. normal

Kristyano4. Ito ang paaralang unang naitatag d. sekundarya5. Walang bayad at sapilitan ang pagpasok e. parokyal

Sa mga paaralang ito. F. bokasyonal

Page 38: Lp in AP 1st Grading

I. Nasusuri ang pagbabago sa katayuan ng mga kababaihan sa panahon ng EspaῆolII. A. Pagbabago sa katayuan ng mga kababaihan sa panahon ng Espanyol

B. Sanggunian : BEC-PELC II B3.3 Pilipinas Bansang Papaunlad p.

C. Kagamitan : tsartD. Pagpapahalaga : pagmamalaki sa natatanging Gawain ng mga kababaihan

III. A. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan tungkol sa mga bahaging ginagampanan ng mga kilalang kababaihan sa

lipunan tulad nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pang. Corazon C. Aquino 2. Pagsasanay

Gamitin ang letter fana. Itinatag ng mga misyonero ang mga kolehiyo at unibersidad sa kahilingan ng haring ituro

sa mga tao ang _____________.A. Katolisismo C. BudismoB. Paganismo D. Protestantismo

b. Binuksan ang Paaralang Normal noong 1871 upang sanayin ang mga kababaihan sa pagiging __________.

A. Guro C. NarsB. Doktora D. abogado

c. Itinatag noong 1565 ang mga misyonerong Agustino ang kauna-unahang paaralang _____________.

A. Pambayan C. bokasyonalB. Pamparokya D. teknikal

d. Ang isang palatandaang tinaggap ng mga Pilipino ang Kristyanismo ay ang _________A. Pag-aayuno C. paglilingkod sa kumbentoB. Pagpapabinyag D. Pakikinig sa sermonC.

3. Balik-aralAnong asignatura ang ginamit ng mga guro sa mababang paaralan ?

B.Panlinang na Gawain1. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang Gawain ng mga kababaihan2. Ilahad ang paksang aralin3. Ipabuo ang suliranin

Ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol?

4. Pangkatin ang mga bata sa apat sa paglikom ng mga kaalaman.

Page 39: Lp in AP 1st Grading

5. Gawaing kolaborativ- Ipaulat ang naitala ng bawat pangkat- Pagtatalakayan sa naiulat

C.Pangwakas ng Gawain1. Paglalahat

Ano-ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol?

2. PaglalapatSa kasalukuyan , ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan?

IV.Pagtataya PANUTO : Isulat ang T kung ang ipinahahayag na pangungusap ay tama at DT kung hindi

1. Nanatili sa loob ng mga tirahan ang mga kababaihan2. Higit na pinahalagahan ng mga Espanyol ang mga kalalakihan at hindi ang mga kababaihan3. Ang mga kababaihan na naninirahan sa labas ng mga cabecera ay malayang nakakagalaw4. Pinag-aaral ang mga kababaihan para sa paghahanda ng pagiging pinuno nila.5. Huwaran sa simbahan ang mga kababaiahan.

V.KasunduanGumupit ng mga larawan ng mga kababaihan na nakilala ng husto sa kanilang piniling larangan