maaari ko bang i-exclude o ipa-ban boluntaryong ang asawa ... · ano ang voluntary self-exclusion...

2
Boluntaryong Pag-Ban ng Sarili sa Pagsusugal rev. Oct-25-16 engage your May pangkaraniwang tanong ka ba tungkol sa pagsusugal? Bisitahin ang GameSense Info Centre sa lugar na ito o ang GameSenseAB.ca. May tulong para sa iyo. Nauunawaan ng mga GameSense Advisors ang responsableng pagsusugal at maaari ka nilang bigyan ng impormasyon tungkol sa mga paraan ng paggagamot sa problema sa pagsusugal. Maaari mo ring tawagan ang 24-hour at toll-free ng Alberta Health Services Addiction Helpline sa 1-866-332-2322. Ayon sa karanasan, ang mga taong nakikibahagi sa counselling o pagpapayo at programa ng pag-ban ng sarili ay may mas mataas na probabilidad na maging matagumpay na makontrol ang kanilang ugali sa pagsusugal. Maaari ko bang i-exclude o ipa-ban ang asawa o miyembro ng pamilya? Nauunawaan namin ang kagustuhan na tulungan ang mahal sa buhay na may problema. Ngunit tanging ang tao lang na gustong ma-exclude o ma-ban sa pagsusugal ang maaaring mag-register. Walang iba na maaaring gumawa nito para sa kanila. Maaaring humingi ng impormasyon at tulong para sa kanilang sarili ang mga miyembro ng pamilya sa Alberta Health Services (AHS) Addictions and Mental Health (1-866-332- 2322). Ang mga serbisyo ay walang anumang bayad. Anong mangyayari kung masira ko ang aking pangako? Responsabilidad mo na tuparin ang pangako na ginawa mo para sa iyong sarili. Kung susubukan mong pumasok sa casino o race entertainment centre o REC bago matapos ang exclusionary period o panahon ng iyong ban, paaalisin ka sa lugar. VSE Brochure (Tagalog)

Upload: others

Post on 16-Sep-2019

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Maaari ko bang i-exclude o ipa-ban Boluntaryong ang asawa ... · Ano ang Voluntary Self-Exclusion Program o Programa Para sa Boluntaryong Pag-ban ng Sarili? Sa Programang ito, maaari

Boluntaryong Pag-Ban ng Sarili sa Pagsusugal

rev. Oct-25-16

engage your

May pangkaraniwang tanong ka ba tungkol sa pagsusugal? Bisitahin ang GameSense Info Centre sa lugar na ito o ang GameSenseAB.ca.

May tulong para sa iyo.Nauunawaan ng mga GameSense Advisors ang responsableng pagsusugal at maaari ka nilang bigyan ng impormasyon tungkol sa mga paraan ng paggagamot sa problema sa pagsusugal. Maaari mo ring tawagan ang 24-hour at toll-free ng Alberta Health Services Addiction Helpline sa 1-866-332-2322.

Ayon sa karanasan, ang mga taong nakikibahagi sa counselling o pagpapayo at programa ng pag-ban ng sarili ay may mas mataas na probabilidad na maging matagumpay na makontrol ang kanilang ugali sa pagsusugal.

Maaari ko bang i-exclude o ipa-ban ang asawa o miyembro ng pamilya?

Nauunawaan namin ang kagustuhan na tulungan ang

mahal sa buhay na may problema. Ngunit tanging ang

tao lang na gustong ma-exclude o ma-ban sa

pagsusugal ang maaaring mag-register. Walang iba na

maaaring gumawa nito para sa kanila. Maaaring

humingi ng impormasyon at tulong para sa kanilang

sarili ang mga miyembro ng pamilya sa Alberta Health

Services (AHS) Addictions and Mental Health (1-866-332-

2322). Ang mga serbisyo ay walang anumang bayad.

Anong mangyayari kung masira ko ang aking pangako?

Responsabilidad mo na tuparin ang pangako na

ginawa mo para sa iyong sarili. Kung susubukan mong

pumasok sa casino o race entertainment centre o REC

bago matapos ang exclusionary period o panahon ng

iyong ban, paaalisin ka sa lugar.

VSE Brochure (Tagalog)

Page 2: Maaari ko bang i-exclude o ipa-ban Boluntaryong ang asawa ... · Ano ang Voluntary Self-Exclusion Program o Programa Para sa Boluntaryong Pag-ban ng Sarili? Sa Programang ito, maaari

Kung napapansin mo na sobra na ang iyong pagsusugal, o kung sa pakiramdam mo ay hindi na ito isang laro lang, ang Voluntary Self-Exclusion Program o Programang Boluntaryong Pag-ban ng Sarili ay maaaring maging isang mahalagang unang hakbang upang tulungan ang iyong sarili na kontrolin ang pagsusugal.

Ito ay isang opsyon na makabubuting gawin.

Ano ang Voluntary Self-Exclusion Program o Programa Para sa Boluntaryong Pag-ban ng Sarili?

Sa Programang ito, maaari mong boluntaryo o kusang desisyon mo na i-exclude o i-ban ang sarili mo sa lahat ng casino at racing entertainment centres (RECs) at sa mga uri ng pagsusugal na ibinibigay nila.

Ayon sa pananaliksik, kapag ang boluntaryong pag-ban sa sarili ay sinabayan ng paggagamot, maaari itong maging isa sa mga pinakamabisang paraan upang itigil ang pagsusugal.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng aplikasyon sa Alberta Gaming and Liquor Commission (AGLC), kusang pumapayag ang mga sumasali na i-exclude o i-ban sila sa lahat ng mga casino at racing entertainment centres (RECs) sa Alberta sa loob ng napagkasunduang panahon.

Pwedeng piliin ng mga kalahok ang haba ng panahon ng exclusion o ban: mula anim na buwan hanggang limang taon. Hindi ka maaaring umurong o kanselahin ang kasunduan bago ang expiry date nito.

Paano ako pwedeng mag-register para kusa kong ma-exclude o mai-ban ang sarili ko sa pagsusugal?

Upang makapasok sa programa, pumunta sa isang GameSense Info Centre at makipag-usap sa isang GameSense Advisor, o magtanong sa security staff ng alinmang casino o racing entertainment centre (REC).

Maaari mo ring bisitahin ang mga tanggapan ng AGLC sa St. Albert o Calgary, o tumawag sa Social Responsibility Branch ng AGLC sa 780-447-7582 o 1-800-272-8876.

Anong mangyayari habang nagpapa-register ako?

Saan ka man pumunta upang magpa-register, makikipag-usap ka sa isang qualified na VSE administrator, na nagsanay para hawakan ang mga aplikasyon para sa self-exclusion.

Hihingan ka ng ID mula sa gobyerno na may pirma at larawan mo. Ito ay maaaring driver’s licence, passport, citizenship card, o iba pang pagkakakilanlan.

Bago ka umalis, bibigyan ka ng isang package na may kopya ng iyong kasunduan sa VSE, at iba pang mga gamit upang makahanap ng tulong o impormasyon mula sa komunidad.

Gaano katagal ang aking kusang exclusion o ban?

Ang tagal ng ban ay depende sa iyo. Maaari kang pumili sa:

• 6 na buwan

• 1 taon

• 2 taon

• 3 taon

• 5 taon

Anong mangyayari pagkatapos na kusa akong nag-self exclude?

Ang self-exclusion o ban ay nagsisimula sa oras na magparegister ka at matatapos sa loob ng pahanon na pinili mo. Ang boluntaryong self-exclusion ay hindi pwedeng bawiin. Matatapos ito kapag ang napagkasunduang panahon ng exclusion ay natapos na.

Ang kusang pagba-ban sa sarili ay para sa lahat ng casino at “racing entertainment centre (REC) sa Alberta upang hindi mo ibukod ang iyong sarili sa iisang lugar o “facility” lamang. Kasama rin dito ang mga palapag ng sugalan, mga restaurant, mga “lounge” at mga lugar ng libangan sa casino at mga “racing entertainment centre (REC)”.

Sa oras na magparegister ka, ibibigay ang iyong pangalan at larawan sa mga security office ng mga casino at racing entertainment centre (REC) upang tulungan ka na tuparin ang iyong pangako.

Sa pagsagot mo sa iyong aplikasyon, tatanungin ka kung gusto mong ibahagi ang iyong impormasyon sa isang GameSense Advisor. Kung oo, tatawagan ka ng isang GameSense Advisor para sa follow-up.

Sino ang makakaalam ng aking self-exclusion?

Ang lahat ng mga file sa exclusion ay itinuturing na confidential at ibabahagi lang sa mga staff ng AGLC, casino at mga REC na may pananagutan para itaguyod ang programa ng self-exclusion. Kung may ilalagay ka sa “Other Contact” sa form ng Kasunduan ng Boluntaryong Self-Exclusion, maaari ding malaman ng taong iyon ang tungkol sa pagsali mo sa programa. Ang personal mong impormasyon ay iingatan ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act (FOIP) ng Alberta.