maganda pa ang daigdig
TRANSCRIPT
Maganda Pa Ang Daigdig
Kabanata 13Wala Akong Sala
G. Lazaro Francisco Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway.
• Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.
Mga Tauhan
Lino Rivera Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral siya hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa naman, pinagbinatangan siyang pumatay.
ErnestoAnak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Mayroon siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang dinaraos ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.
Bb. Loreto Sanchez Ang nag-alaga kay Ernesto noong pangalawang beses na mabilanggo ni Lino. Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin ang taga payo ng samahan ng mga magulang at guro. Mayroon siyang inaanak na si Ernestina. Inaalagaan rin niya ito. Anak siya ni Aling Basilia at tiyo niya si Padre Amando. Isa siyang napakagandang babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda. Mabait siya at lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap ng bagong trabaho.
Kabo Lontoc
Ang dumakip kay Lino.
Aling Ambrosia
Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na nahuli si Lino.
Talasalitaan
Tumango-tango- pagsang ayon
Umirap-dumilat/tumingin
Benggansa _ paghihiganti
Maliwag- pagpigil/mapigilan
Kabutong- butong anak – biyolohikal na anak
tigib ng panggigipuspos – puno ng pagdalamhati
malirip – maunawaan
tikis – sinasadya / kusa
yumukod – sumandal / magyuko
paghikbi – ingit/ uhog / pasinghot – singhot
nahahambal – kalumbayan
Luminga-linga – tumingin tingin
Aluminyo- aluminum
Tahasan – tapat/lantad
Kahiman – bagama’t /kahit na
Kabo – isang ranggo ng militar
Banayad – malambot
kalupi - pitaka
pitak – kompartmento
Humagulgol -mapaiyak
Buod
Sa kwento narinig ni Misss Sanchez ang kaguluhan ng mga tao laban kay Kabo Lontoc dahil
ipinagtatangol ni aling ambrosia ang pagdadakip kay Lino at inawat ni miss sanchez ang kaguluhan at nag salita si Villas na “Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanzhez,” at ipnaliwanag sa kanya at kay kabo lontoc na bakit may ibang tao diyan na
may malubhang paglabag sa batas ng bayan ngunit hindi nasasakdal at hinuhuli kung kayat
nakapanunungkulan pa ang iba at may namamayagpag sa gitna ng bayan. Hiningi niya na sana ipawalambahala nalang ang paghuli kay Lino
o di kayay hindi sana ngayon, para sa kanyang anak na walang mag aalaga.
Pangatwiran naman ni Kabo Lontoc na kung hindi naman sila ang magdadakip kay Lino marami naman diyan ang
mapaguutusan ng batas para hulihin siya. Humingi si Miss sanchez kay Kabo Lontoc ng oras para kausapin si
Lino at agad na pumayag siya. Gusto man na kausapin ni miss Sanches si Lino ngunit hindi niya gustong putulin
ang pagtatagubilin ni Mang Lino sa kanyang pinakamamahal na anak nasi Ernesto. Patuloy na nag sasalita si Lino sa kanyang anak habang nakikinig sina Miss Sanches , Miss Lavadia at Aling Ambrosia.ilan sa hinabilin ni Mang lino kay Ernesto na mag pakabait at
maging matatag .sinabi din yang wag mawalan ng paniniwala sa diyos . Tinignan ng tatlo ang mukha ni
ernesto na umiiyak.
Tumalikod si Aling Ambrosia , tumagilid naman si miss lavadia at isinubsob ni miss sanchez ang kanyang mukha sa kanyang dalawang palad dahilan sa hindi nila nakaya ang eksenang
nakikita. Ibinigay ni Mang Lino ang krusipihong Aluminyo na may guhit ni kristo na alaala ng
kanayng yumaong ina. Nag usap naman si Mang Lino at Miss Sanchez sabi niya kay miss sanchez na “Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang
mga tunay na nangyari,” ani ni Lino. “Balang araw ay malalaman din ninyo kaypala ang lahat ay
lahat. Ngayo’y wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi ‘Wala akong Sala’!”
At iiwan sana ni Mang Lino si Ernesto sa pangangalaga ni aling Ambrosia ngunit nag alok si
Miss Sanchez na aalagan niya si Ernesto at ituturing para na ding anak niya. Nang umalis na
si Mang Lino at malayo na ang kanyang sinasakyan ay walang kurap na nakititig sa malayo si Ernesto. Sabi ni miss sanchez na umiyak ka! At
itoy makakagaan sa dibdib mo at Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawa na may namuong luha sa mga mata ng
bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga. Ipinakuha ni miss Sanchez
ang gamit ni Ernesto kay aling ambrosia at nag tapos ang kwento sa pag uusap ni Estanislao Villas
at Mang Islaw.
Teoryang Realismo
• Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
• Halimbawa ng mga akdang masusuri sa teoryang ito ay ang:
- Iba Pa Rin Ang Aming Bayan
- Ambo
- Papel
- Mga Ibong Mandaragit
- Maganda Pa Ang Daigdig
Sa pagbasa sa isang akda sa pananaw realismo, tinitingnan ng mambabasa ang
mga pangyayaring inilahad sa akda na masasabing angkop na angkop sa tunay na buhay. Bahagi ng pagiging realidad
ang mga pangyayaring buhay na buhay at nararanasan ng tao sa totoong buhay.
Gintong Aral
“Gumawa ka ng mabuti, hindi sapagka’t may langit kundi
sapagka’t mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawa ng
masama, hindi sapagka’t may impiyerno, kundi sapagka’y
masama ang masama”