maging ligtas....4 maging ligtas. mga pantahanang gusali mga malusog na pakikisalamuha magbigay ng...

12
Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali

Upload: others

Post on 01-Aug-2020

22 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

1

Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali

Page 2: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

2

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliAno ang nasa gabay na ito?

- Inirerekomendang patnubay -

Ang maingat na muling pagbubukas ng Chicago ay nangangailangan ng:

Paglayo sa kapwa

Laki ng pagpupulong

Mga malusog na pakikisalamuha

Mga ligtas na espasyo at kondisyon

Mga matatag naoperasyon

at pagsubaybay

Mga limitasyon sa pisikal na layo mula sa ibang indibidwal

Mga limitasyon sa mga pagpupulong ng mga indibidwal

Pamprotektang gamit

Paggamit ng pamprotektang gamit

ng mga indibidwal

Mga kinakailangan para sa kalinisan

Pagtiyak ng malinis na pakikisalamuha (hal., paghugas ng kamay)

Access sa pagpasok Mga modelong may pleksibilidad

Mga pamantayan sa paglilinis Mga matatag na operasyon

Nakikitang patnubayMga alituntunin sa

pagbiyahe

Mga kondisyon sa lugar ng trabaho Pagsusuri / pagsubaybay

Kondisyon para sa paglabas/pagpasok para

sa access sa espasyo

Mga ginawa para disimpektahan ang lugar

Mga mapagkukunan sa kalinisan at gabay na nakapaskil sa espasyo

Pagsusuri ng dami ng taong naglalakad, bentilasyon, atbp.

Pleksibilidad pagdating sa pagliban dahil sa sakit, pagtatrabaho mula sa malayo (kapag posible)

Suporta para sa pleksibilidad ng operasyon

(hal., maraming shift)

Paghihigpit sa pagpapalipat-lipat ng lokasyon ng mga tao

Pangangasiwa ng pagsusuri at pagsubaybay

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Page 3: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

3

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga malusog na pakikisalamuha

Ugaliin ang paglayo sa kapwa• Ihiwalay ang mga istasyon ng trabaho nang hindi

bababa sa 6 na talampakan ang layo sa isa’t isa sa mga espasyo para sa mga tauhan na namamahala at tauhan ng tanggapan para sa pagpapaupa

• Ugaliin ang paglayo sa kapwa sa mga lugar na ginagamit ng lahat (lobby, mga pasilyo, elevator, mga hagdanan, mailroom) at kapag pumapasok o lumalabas sa gusali at kuwarto para sa paglalaba

• Sa anumang espasyong nasa labas at nasa loob na ginagamit ng lahat (hindi kabilang ang mga pribadong sambahayan), dapat gumamit ng mga pantakip ng mukha sa ibabaw ng ilong at bibig (maaaring may mga pagbubukod para sa mga taong may mga medikal na kondisyon o kapansanan na humahadlang sa kanila mula sa ligtas na pagsusuot ng pantakip sa mukha)

• Magbigay ng wastong kagamitan sa mga empleyado at tauhan para sa maintenance, kabilang ang mga mask, guwantes para sa paglilinis, botas, salamin para sa kaligtasan, ayon sa naaangkop

Kinakailangan ang PPE sa lahat ng lugar na ginagamit ng lahat; dapat magbigay ang mga employer ng wastong kagamitan sa mga tauhan

Limitahan ang pagpupulong ng mga residente sa hindi hihigit sa 10 tao sa mga lugar na ginagamit ng lahat at mga espasyo para sa amenity • Kabilang sa mga amenity ang mga kuwarto para sa

conference, lounge para sa mga naninirahan, at club house / kuwarto para sa paglalaro

• Gamitin ang mga espasyong ginagamit ng lahat sa pamamagitan ng appointment kung saan maaari

• Limitahan ang kapasidad sa mga lugar na ginagamit ng lahat sa hindi lalagpas sa 25% para sa mga espasyo sa loob o mga aktibidad nang may mga paghihigpit sa dami ng maaaring manatili, habang tinitiyak ang paglayo sa kapwa

Paglayo sa kapwa

Laki ng pagpupulong

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Pamprotektang gamit

- Inirerekomendang patnubay -

Page 4: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

4

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga malusog na pakikisalamuha

Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso• Isulong ang kalinisan kaugnay ng pag-ubo, at

pagbahing at kalinisan ng kamay (hal., paghuhugas ng kamay) para sa mga tauhan at residente

• Magbigay ng mga sanitizer sa kamay at tisyu sa mga lugar na ginagamit ng lahat

• Hikayatin ang mga empleyado na kumumpleto ng pagsasanay sa kalusugan at kaligtasan na nauugnay sa COVID-19

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Mga kinakailangan

para sa kalinisan

- Inirerekomendang patnubay -

Page 5: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

5

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga ligtas na espasyo at kondisyon sa trabaho

Access sa

Pagpasok

Limitahan ang personal na pakikisalamuha sa mga dinadaanang lugar at sa masisikip na lugar• Buksan muli ang mga amenity nang may inayos na oras

at limitasyon sa dami ng taong maaaring manatili• Ipagbawal ang paggamit ng mga bisita sa mga

amenity (mga partikular na kinakailangan para sa mga sentro ng negosyo, kuwarto para sa conference, clubroom/kuwarto para sa paglalaro, espasyo sa labas)

• Isara ang access sa mga sentro para sa fitness, ayon sa mga alituntunin para sa Kalusugan at Fitness, maliban na lamang kung para ito sa one-on-one na personal na pagsasanay

• Isara ang anumang lugar para sa languyan, spray pool (libangang nagwiwisik ng tubig), spa, at sauna

• Isulong ang gawi ng walang contact na paghahatid ng mga package at pagkain (hal., mga kuwarto para sa pakete na makukuha nang mag-isa)

• Kung available, itakda o iskedyul ang oras kung kailan maaaring makuha ng residente ang mga package

• Ayusin ang dami ng taong maaaring sumakay ng elevator, gumamit ng mga marka sa sahig at/o mga palatandaan, at bawasan ang laki ng mga pagpupulong sa mga lobby ng elevator at iba pang pampublikong lugar kapag maaari. Pag-isipan ang mga karagdagang opsyon para sa mga bisita, tulad ng pagpapahintulot ng paggamit ng mga service elevator ng mga populasyong mas mahina sa sakit, ayon sa maaari. Ayon sa nakatakda sa ilalim ng “Pamprotektang gamit” sa itaas, dapat isuot ang mga pantakip sa mukha sa anumang espasyong nasa loob na ginagamit ng lahat (hal., mga elevator o lobby ng elevator)

• Gawing available para magamit ang mga hagdanan ng gusali, ayon sa naaangkop na kodigo sa sunog at kaligtasan ng buhay, at mga konsiderasyon sa seguridad

• Bago lumabas ng bahay, hinihikayat ang lahat ngindibidwal na tukuyin sa sarili ang mga sintomas at manatili sa bahay kung mayroon sila ng mga sintomas

• Bago pumasok sa lugar ng trabaho, susuriin ng mga empleyado ang kanilang sarili para matiyak na walasilang sintomas ng COVID-19 (hal., palatanungan –tingnan ang appendix)

Access sa Pagpasok

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

- Inirerekomendang patnubay -

Page 6: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

6

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga ligtas na espasyo at kondisyon sa trabaho

Magpanatili ng mahihigpit nakinakailangan sa paglilinis

• Linisin ang opisina at ang mga madalas hawakang lugar na ginagamit ng lahat nang ilang beses kada araw

• Linisin ang lahat ng madalas hawakang patungan at gamit tulad ng mga hawakan ng pintuan, hawakan ng hagdanan, pindutan sa elevator, desk ng reception at kagamitan sa kuwarto para sa paglalaba, kabilang ang mga lobby, elevator, kuwarto para sa paglalaba, at mga hagdanan

• Bigyan ng priyoridad ang pagpapanatili sa loobng yunit kaysa sa pang-emergency na kahilingan para sa pagpapaayos

Magpaskil ng mga alituntunin at bagong proseso ng pagpapatakbo para sa mga residente at tauhan• Magpaskil ng nakikitang patnubay para isulong

ang paglayo sa kapwa, mga alituntunin ng CDC, at kalinisan sa kalusugan

• Gumamit ng mas maraming palatandaang naglilinaw ng mga patakaran at pamamaraan sa lahat ng espasyo (lalo na sa saanmang puntongpasukan/labasan ng gusali)

Nakikitang patnubay

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Mga pamantayan sa

paglilinis

- Inirerekomendang patnubay -

Page 7: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

7

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga ligtas na espasyo at kondisyon sa trabaho

Ayusin ang mga kondisyon sa lugar ng trabaho at i-set up ito para isulong ang limitadong pakikisalamuha• Buksan ang tanggapan para sa pagpapaupa

nang may limitadong oras; mas mainam kung may appointment

• Mag-alok ng mga virtual at mag-isang isinasagawang tour bilang opsyon; limitado ang mga tour sa mga amenity, model, at bakanteng yunit lamang

• Isaayos ang mga muwebles/istasyon ng trabaho nang 6 na talampakan ang layo sa isa’t isa

• Gumamit ng mga malinaw na plastik na harang sa pagitan ng mga istasyon ng trabaho (kung <6 na talampakan ang layo) o sa desk sa pag-check in, kung available at maaari

• Pag-isipang itigil ang paggamit, tanggalin o paglayuin ang mga muwebles, fixture at iba pang elemento ng impraestruktura sa mga masikip na lugar, kabilang ang mga lugar para sa trabaho na ginagamit ng marami

• Magtaguyod ng mga proseso para sa paglipat na sumusuporta sa paglayo sa kapwa, mga kinakailangan sa PPE; mga paglipat sa gusali na kailangan ng appointment at may limitasyon sa dami ng paglipat sa isang araw

• Sundin ang mga alituntunin ng CDC para sa pagdaloy ng hangin at bentilasyon

Lugar ng trabaho

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

- Inirerekomendang patnubay -

Page 8: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

8

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga operasyon at pagsubaybay

• Hikayatin ang paggamit ng mga modelo ng trabahong may pleksibilidad, kabilang ang mga estratehiya para sa pagtatrabaho mula sa tahanan at mga opisinang binawasan ang kapasidad

• Hikayatin ang paggamit ng yugto-yugtong araw ng trabaho/linggo ng trabaho para mabawasan ang dami ng tao sa loob ng opisina

• Hikayatin ang mga patakaran para mabawasan ang hindi esensyal na paggamit ng pampublikong impraestruktura na nasa gusali, kabilang ang lahat ng pataas na sistema ng transportasyon, lugar na ginagamit ng lahat, at pang-emergency na hagdanan

• Hindi dapat labag sa mga kinakailangan ng kodigo sa sunog at kodigo sa emergency ang paggamit ng mga hagdanan

Magbigay ng sapat na pagkakataon para sa mga modelo ng trabahong may pleksibilidad, kung naaangkop

Tanggalin ang personal na pakikisalamuhasa mga lugar na ginagamit ng lahat• Pag-isipang bawasan ang dami ng taong nasa

lugar ng trabaho at pagsasabay-sabay ng mga tauhan sa pamamagitan ng may pleksibilidad/yugto-yugtong pag-iiskedyul, pag-ayos ng galaw ng empleyado sa opisina at pisikal na impraestruktura para sa kaligtasan

• Bawasan ang pakikisalamuha ng tao para sa pagbabahagi ng mga sulat at package (habang nililimitahan ang epekto sa mga gawi sa pagkakasunod-sunod ng kontrol/pagtago), at kung mayroon, magbigay ng wastong PPE sa mga empleyadong nangangasiwa ng mga sulat

Katatagan ng operasyon

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Mga modelong may

pleksibilidad

- Inirerekomendang patnubay -

Page 9: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

9

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga operasyon at pagsubaybay

Isulong ang limitadong paggamit ng pampublikong transportasyon ng mga tauhan• Hikayatin ang maingat na pagbiyahe sa

pamamagitan ng mga pampublikong sistema ng transportasyon, kabilang ang mga paliparan at istasyon ng tren na maaaring gamitin ng publiko, at ganap na pagsunod sa paglayo sa kapwa at kinakailangang PPE

• Limitahan ang magkasabay na pagbiyahe ng mga tauhan sa pagitan ng mga gusali ng parehong kompanya ng pamamahala

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Mga alituntunin sa pagbiyahe

- Inirerekomendang patnubay -

Page 10: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

10

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga operasyon at pagsubaybay

Sundin ang mga patnubay ng CDPH at CDC para sa mga protokol para sa pagsusuri at pagsubaybay

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

Pagsusuri/Pagsubaybay • Kung magkaroon man ng COVID-19 ang isang

empleyado, dapat niyang sundin ang lahat ngalituntunin ng CDC bago bumalik sa trabaho

• Kung natukoy ang isang empleyado bilang positibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsusuri, dapat gawin ang paglinis at pagdisimpekta ayon sa mga alituntunin ng CDC

• Sinumang empleyadong nagkaroon ng malapit na pakikipagsalamuha sa katrabaho o sinumang iba pang taong natukoy na may COVID-19 ay dapat mag-quarantine nang mag-isa ayon sa mga alituntunin ng CDC

• Kung nalaman ng pasilidad na may 2 o higit pang kaso na maaaring nauugnay sa isang lugar o negosyo sa loob ng magkakasunod na 14 na araw, kailangang iulat ng mga employer ang mga kaso sa CDPH (tandaan: para sa mgaresidente, sundin ang Gabay ng CDPH ukol saCOVID-19 para sa Mga Pantahanang Gusali naMay Maraming Pamilya)

• Sundin ang lahat ng patnubay ng CDPH at sumunod sa mga rekomendasyon ng CDPH bilang tugon sa paglaganap ng sakit sa lugar ng trabaho

- Inirerekomendang patnubay -

Page 11: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

11

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliAppendix MAINGAT NA

MAGBUKAS MULI (Yugto III)

Paghugas ng kamay: Ang kilos ng puspusang paglilinisng sariling mga kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo o paggamit ng pandisimpekta na may kakayahang tanggalin ang virus na nagdudulot ng COVID-19 Paglayo sa kapwa: Ang pisikal na paglayo nang hindi bababa sa anim na talampakan sa pagitan ng mga indibidwal, o grupo ng mga indibidwal.Pagpupulong: Isang planado o biglaang kaganapan kung saan nakikipagsalamuha ang mga indibidwal sa mga taong hindi nakatira sa parehong sambahayan nang malapitan (<6 na talampakan) sa matagal na panahonPPE: Personal protective equipment, o personal na kagamitang pamprotekta (hal., pantakip sa mukha, goggles, pangharang sa mukha); iba-iba ang mga kailangan batay sa industriya at mga partikular na sitwasyon

Pagsusuri sa sarili: Protokol kung saan sinasagutan ng isang empleyado ang mga tanong sa simula ng isang shift. Maaaring kabilang sa mga tanong ang mga sumusunod, sa ilalim ng patnubay ng Komisyonado ng Kalusugan:• Nagkaroon ka ba ng temperatura ng katawan na

higit sa 100 degrees Fahrenheit o gumamit ka ba ng pampababa ng lagnat sa nakaraang 24 na oras para gamutin ang temperatura ng katawan na higit sa 100 degrees Fahrenheit?

• Mayroon ka bang bagong ubo na hindi mo matukoy bilang dulot ng iba pang kondisyon sa kalusugan?

• Mayroon ka bang bago o lumalalang pananakit ng lalamunan na hindi mo matukoy bilang dulot ng iba pang kondisyon sa kalusugan?

• Mayroon ka bang bagong pangangapos ng hininga na hindi mo matukoy bilang dulot ng iba pang kondisyon sa kalusugan?

• Nagkaroon ka ba ng ganap na pagkawala ng pang-amoy o panlasa kamakailan lamang?

Halimbawang palatanungan

para sa pagsusuri sa sarili

Glosaryo

- Inirerekomendang patnubay -

Page 12: Maging Ligtas....4 Maging Ligtas. Mga Pantahanang Gusali Mga malusog na pakikisalamuha Magbigay ng sapat na sanitizer at tisyu, at sanayin ang mga tauhan tungkol sa mga bagong proseso

12

Maging Ligtas. Mga Pantahanang GusaliMga Dulugan sa Pampublikong Kalusugan

Mga pambansang dulugan para sa karagdagang patnubay

Building Owners and Managers Association International – BOMA International’s Coronavirus Resource Center (Sentro ng Dulugan ukol sa Coronavirus ng BOMA International): https://www.boma.org/coronavirus

National Association of Realtors – Coronavirus: A Guide for Realtors (Isang Gabay para sa Mga Realtor): https://www.nar.realtor/coronavirus-a-guide-for-realtors

JLL – COVID 19 Resources for Real Estate (Mga Dulugan ukol sa COVID 19 para sa Real Estate): https://www.us.jll.com/en/coronavirus-resources

National Apartment Association – COVID 19 Resources (Mga Dulugan ukol sa COVID 19) : https://www.naahq.org/coronavirus-guidance

MAINGAT NA MAGBUKAS MULI

(Yugto III)

CDC – Activities and Initiatives Supporting the COVID-19 Response and the President’s Plan for Opening America Up Again (Mga Aktibidad at Inisyatibong Sumusuporta sa Pagtugon sa COVID-19 at ang Plano ng Pangulo para sa Pagbubukas Muli ng Amerika): https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/php/CDC-Activities-Initiatives-for-COVID-19-Response.pdf

CDC – Guidance for Businesses and Workplaces (Gabay para sa Mga Negosyo at Lugar ng Trabaho) https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/organizations/businesses-employers.html

OSHA Guidance on Preparing Workplaces for COVID-19 (Gabay sa Paghahanda ng Mga Lugar ng Trabaho para sa COVID-19): https://www.osha.gov/Publications/OSHA3990.pdf

Ang anumang mga link na ibinigay sa dokumentong ito ay para sa layunin ng kaginhawaan at pagbibigay ng impormasyon lamang; hindi ito pag-endorso o pag-apruba ng Lungsod ng Chicago ng mga produkto, serbisyo, o opinyon ng korporasyon o organisasyon o indibidwal. Walang hinahawakang responsibilidad ang Lungsod ng Chicago para sa katiyakan, pagiging legal, o nilalaman ng panlabas na site o nilalaman ng mga sumusunod na link. Makipag-ugnayan sa panlabas na site para sa sagot sa mga katanungan tungkol sa nilalaman nito.

Pahayag ng Pagtanggi

Pangkalahatang patnubay sa

lugar ng trabaho

Patnubay sa Mga Gusali

- Inirerekomendang patnubay -