mahal na passion (de belen) fil 14

20
MAHAL NA PASSIO N Gaspar Aquino de Belen

Upload: jnatividad23

Post on 27-Oct-2014

1.876 views

Category:

Documents


29 download

DESCRIPTION

Presentation of Mahal na Passion ni de Belen by Ms. Glenda Oris.

TRANSCRIPT

MAHAL NA PASSI

ON

Gaspar Aquino de

Belen

ANG TAMBALANG AKDA

Nahahati ang akda ni Aquino de Belen sa dalawang bahagi:

(1)ang pagsasalin ng Recomendacion de las Almas* (1613) ng Heswitang si Thomas de Villacastin, kilalang manunulat na Kastila, at

(2)ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola

*Manga PanalangingPagtatagobilin sa Caloloua

nangTauong Naghihingalo

MAHAL NA PASSION – ANG PINAGMULAN NG AKDA

RETABLO DE LA VIDA DE CRISTO (ni Juan de Padilla)pagkakahawig ng PASYON at RETABLO: (1) nilalaman at balangkas(2) ilang mga paraan ng paglalahad na ginagamit, at(3) mga kataga hindi lamang sa isa kundi sa maraming pagkakataon

subalit, magkaiba pa rin: may mga tagpo sa RETABLO na wala sa PASYON at may mga nasa PASYON na wala sa RETABLO

BUHAY DEBOSYONAL

MGA AKDANG APOCRYPHA AT MGA LEYENDA

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

A. Dalawang daloy ng pagsasalin:1. hubog sa KATESISMO2. hubog sa TRADISYON NG

MISTISISMO

B. Tradisyon ng mistisismo sa Pasyon

1. Talinhaga – “misterioso”Magtalinhaga – magsalita sa

isang misteryosong paraan

Para sa isang nananalinhaga, ang salitang kanyang binibigkas ay may higit na malalim o kakaibang kahulugan; ang larawang kanyang pinipinta ay may iba pang tinuturol, hindi iyong tahasang binabanggit sa kanyang paglalarawan. Hal. bugtong

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

A. Dalawang daloy ng pagsasalin:1. hubog sa KATESISMO2. hubog sa TRADISYON NG

MISTISISMO

B. Tradisyon ng mistisismo sa Pasyon

1. Talinhaga – “misterioso”Magtalinhaga – magsalita sa

isang misteryosong paraan

Para sa isang nananalinhaga, ang salitang kanyang binibigkas ay may higit na malalim o kakaibang kahulugan; ang larawang kanyang pinipinta ay may iba pang tinuturol, hindi iyong tahasang binabanggit sa kanyang paglalarawan. Hal. bugtong

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

B. Tradisyon ng mistisismo sa Pasyon2. Ang talinhaga sa Pasyon

a) Halaw sa pang-araw-araw na salita

b) Halaw sa kalikasanc) Halaw sa buhay

3. Layunin ng mga talinhagaa) Anyayahan ang mambabasa na

pumasok at makibahagi sa misteryosong pinapaksa

b) Maunawaan ng mambabasa ang pinapaksa ng tula (tulad ng hapis ni Maria)

c) Sumibol ang nakagigimbal na sindak (tulad ng pagpapako sa krus-karpintero)

d) Maipaliwanag ang tila abstraktong bagay (tulad ng kasalanan-tuklaw ng ahas)

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

C. Kamatayan – ang kapaligirang pinag-ugatan ng Pasyon

1. Isinulat ang pasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga MAGPAPAHESUS

2. Dahilan ng kakulangan ng mga pari sa Pilipinas

a) Kakulangan ng mga misyunerong banyaga na inatasang magtrabaho sa Pilipinas

b) Pagkakasakit at madaling pagyao ng mga prayle dahil sa klima sa Pilipinas

c) Naantalang pag-oordena ng mga katutubong pari

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

C. Kamatayan – ang kapaligirang pinag-ugatan ng Pasyon

3. Kamatayan ni Jesus bilang pangunahing larawan o talinhaga ng Pasyona) Ihinahambing sa PAGLALAKBAY

ng isang kaibigan – nauunawaan ng mambabasang Kristiyano kung paano siya dapat maglakbay patungo sa kabilang buhay

b) Misteryoso at nakasisindak ang kamatayan, sapagkat ito’y isang bagay na ‘di pa nararanasan ng mambabasa at hindi nito mauunawaan. Upang mapawi ang sindak, hinahamon ni de Belen na magtiwala ang mambabasa sapagkat kaagapay niya sa kanyang paglalakbay ang isang kaibigan – si Jesus, tapat na katoto.

MAHAL NA PASSION – talinhaga ng mabuting pagkamatay

D. Sa pag-unawa ng mambabasa sa mga sinasagisag ng mga tauhan, mababatid niya ang iba’t ibang paraan ng pakikitungo kay Jesus.

Mula sa kanyang pagkaunawa, malalaman niya kung paano dapat harapin ang kamatayan at kung paano naman mabuhay bilang mabuting Kristiyano.

HULING HAPUNAN: Pagtatag

ng Pakikipag-kaibigan

• Idinadagdag ni de Belen; hindi matatagpuan sa Retablo

• Ubod-yaman ang kahulugan ng Huling Hapunan sa tradisyong Kristiyano

• de Belen: inilalarawan ang Huling Hapunan bilang pagsasalu-salo ng magkaakbay, isang pagdiriwang ng pagkakaibigan at katapatan

• CATOTO’T IROG – ang bansag ni Jesus sa kanyang mga alagad

• Jesus – ang tapat na catoto’t irog

• Paglalarawan ng Diyos: Nakaaakit Hindi magalitin at

makapangyarihang Diyos; Diyos na marunong makibagay

Magdaranas ng hirap-tao

HULING HAPUNAN: Pagtatag

ng Pakikipag-kaibigan

• Paghahati ng Salaysay:1. Paghahanda ng Hapunan2. Pagpapahayag ni Jesus

ng kanyang kagalakan sa pagdiriwang ng hapunan, sampu ng pahayag na may magkakanulo sa kanya Inilalarawan ang tagpong ito

bilang laking kataksilan at kabalintunaan!

3. Paghuhugas ng paa ng mga alagad

4. Pagtatag ng sakramento ng Eukaristiya

Mga Tauhan

sa Mahal

na Passion – Mga TIPO o PADRO

N

JUDAS – Taksil na Alagad

Tatlong Lamang-bayan (Hilig ng Laman)

1. HANDOG o kayamanan2. IROG o likong pag-ibig3. PALAYAO o pagkahilig na

maging malaya

#1 ang sala ni JudasAng tunay niyang kasawian

= nawalan siya ng pag-asa

Mga Tauhan

sa Mahal

na Passion – Mga TIPO o PADRO

N

PEDRO – Tapat Ngunit Mahinang Alagad

#2 ang sala ni PedroWalang ibang minahal si

Pedro kundi ang Panginoon. Ngunit hindi nasukat ni Pedro ang sariling kakayahan at lakas

Mga Tauhan

sa Mahal

na Passion – Mga TIPO o PADRO

N

MARIA – Tapat na Ina (Katapatang Walang Pagbabago)

VERONICA at SIMON – dalawang taong tumulad sa Birheng Maria sa Pakikiramay kay Jesus

LONGINO – taong natutong maging tapat sa kahuli-hulihang panahon

Mga Tauhan

sa Mahal

na Passion – Mga TIPO o PADRO

N

JUDAS – “naguin bangkay”

PEDRO – “naguin bata”

MARIA – “naguin tauo”

Mga Aral

(pp. 75-79)

Payak ang mensahe ng tula

ni Aquino de Belen: maging tapat kay Jesus hanggang kamatayan

Ang taong nagkakasala ay natutulad sa isang bangkay o sa isang natutulog. Dapat siyang pukawin sa pagkakahimbing. Anu-ano ang pupukaw sa kanya?

Mga Aral

(pp. 75-79)

Anu-ano ang pupukaw sa

kanya?(1) Kamatayan – dala ng

pagkasindak at takot na hatid ng kamatayan, mapupukaw ang tao sa kanyang pagkahimbing

(2) Pagbasa ng Pasyon – pagninilay sa mga hirap na dinanas ni Jesus

(3) Sindak na baka tuluyang masira

Ano ang tunay na maasahan? Walang iba kundi PAG-IBIG NG DIYOS

Mga Aral

(pp. 75-79)

“Damay kay Cristo ang hinihingi ng pasyon. At paano pinatutunayan ang pakikiramay? Sa pamamagitan ng maluwag na pagtanggap sa kalooban ng paghihirap bilang krus na dapat pangkuin (AqdB 780—81). Sa pamamagitan ng pagtanggap ng katotohanan na hindi tuluyang naiiwasan ang kasawian sa mundong ito. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng katotohanan na ang kasamaaang palad ang daan tungo sa mabuting kapalaran” (Javellana, 77)

Mga Aral

(pp. 75-79)

“Tinugunan ng aklat ni Gaspar

Aquino de Belen ang pangangailangang bigyan ang mga magpapahesus at mga naglalamay ng aklat ng panalangi’t debosyong mapakikinabangan…

Ang tula’y maitutulad sa isang sermon na mabuti ang pagkalikha, iisa ang pinapaksa ngunit lahat ng mga elemento ng tula – salaysay, tauhan, aral, paglalarawan, kaayusan – ay ginagamit na tulong sa pagsusulong ng paksa…” (Javellana, 78)

Mga Aral

(pp. 75-79)

“Nakasisindak ang kamatayan. … Ang Kristiyanismo naman ay naghatid ng balita na ang kamatayan ay tunay na wakas…bakit buong pusong tinanggap ng Tagalog ang ganitong aral? Sapagkat ang Kristiyanismo rin ang nagturo na sa kabila ng buhay na ito ay may higit na maluwalhati. At sa maluwalhating buhay na iyon ay naghihintay si Jesus, ang ‘catoto’t irog.’ Binigyan ng Kristiyanismo ng maamong mukha ang kamatayan, itinuro ang landas na dapat tahakin, at si Gaspar Aquino de Belen ang pinakamahusay niyang katutubong tagapagbalita.” (Javellana, 79)