makabayan 2 detailed lesson plan

11
Pamantasang Normal ng Pilipinas Bacood Elementary School Maynila Magpapakitang Turo Ika-21 ng Septyembre 2010 Maybelene A. Dionisio Pamela Angela U. Samson Certificate in Teaching Program Student Teachers

Upload: mdionisio

Post on 20-Nov-2014

1.114 views

Category:

Documents


130 download

TRANSCRIPT

Page 1: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

Pamantasang Normal ng Pilipinas

Bacood Elementary School

Maynila

Magpapakitang TuroIka-21 ng Septyembre 2010

Maybelene A. Dionisio

Pamela Angela U. Samson

Certificate in Teaching Program

Student Teachers

Mrs. Joanne Evangelista

Cooperating Teacher

Dr. De Velez

Educational 4: Principles and Methods of Teaching

Page 2: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

Detalyadong Banghay- Aralin sa Makabayan 2

I. Layunin:

Sa loob ng 60 minutong aralin sa Makabayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga paraan ng pagtutulungan sa komunidad.

2. Nahihinuha ang maaring mangyari sa pamayanan kung walang pagtutulungan ang

bawat isa

3. Naipapakita ang kawilihan sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa

mga tanong ng guro, at paglahok sa talakayan at pangkatang gawain.

II. Paksang-Aralin: Paksa: Pagtutulungan sa PamayananYunit: Yunit III: Tungo sa PagkakaisaSanggunian: Lahing Pilipino (pahina 159-167)Kagamitan: Tsart, mga larawan, Manila Paper, chalk at boardMabuting Asal: Pagkakaisa: ng layunin, ng damdamin at sa gawain

III. Mga Gawain:

Gawain ng Guro

1. Panimulang Gawain

A. PagbatiMagandang umaga mga bata!Kamusta naman kayo?

B. PanalanginSino ang nakatakda mamuno sa panalangin ngayong araw na ito?

C. Balitaan- Sino ang maaaring makapagbigay ng

napapanahong balita ngayong umaga? Ngayon naman, maghanda na kayo para sa ating balik-aral.

Gawain ng Mag-aaral

Magandang umaga po!Mabuti po.

(May isang mag-aaral na magtataas ng kanyang kamay at mamumuno sa panalangin)

(Ang nakatakdang mag-aaral ay pupunta sa harapan upang magbahagi ng balita)

Page 3: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

2. Balik-AralA. Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas

Panuto: Sagutin ang mga tanong.Ipapakita ng guro ang larawan at sasagutin ang tanong ng guro kung anong sagisag ito ng ating bansa.

a.

b.

c.

d.

a. Lupang Hinirang – Pambansang Awit

b. Carinosa – Pambansang Sayaw

c. Dr. Jose Rizal – Pambansang Bayani

d. Barong Tagalog – Pambansang Kasuotan ng mga Lalaki

Page 4: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

e.

B. Paggalang sa mga Pambansang Simbolo(Kunin ang Manila Paper at isabit sa board. Basahin ang panuto ng gawain)

Panuto: Idikit ang kung dapat gawin

ang pangugusap, at kung ito ay di-dapat gawin.a. Gawing basahan ang lumang

watawat ng Pilipinas.b. Huminto sa anumang gawain kung

inaawit ang pambansang awit.c. Ikahiya ang pagsasalita ng wikang

Filipino. d. Linangin ang kaalaman tungkol kay

Jose Rizal.

3. Pagbigigay ng Kuro-Kuro- Meron akong mga larawan sa aking mga

kamay at ang ibig ko ay sagutin ninyo ang aking mga katanungan, maari ba?

- Ano ang nakikita nyo sa larawan?

e. Sipa– Pambansang Laro

a.

b.

c.

d.

- Opo.

- Mga batang tumatakbo.

- Mga batang nagsasaya.

- Mga batang buong sigla na nakikisali sa isang takbuhan sa pamayanan o sa paaralan.

Page 5: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

- Tama ang inyong mga sagot. Ito ay larawan ng mga batang sumali sa isang paligsahan para sa kasiyahan ng pagtakbo tungo sa isang layunin.

- Nakakita na ba kayo ng ganitong pangyayari?

- Ano sa tingin nyo ang layunin ng mga ‘fun run’ na kagaya nito?

- Magaling! Ang mga ‘fun run’ na kagaya nito ay ginagawa ng mga komunidad o pamayanan o mga grupo ng indibiduwal para sa iisang layunin, ang makatulong sa kanilang kapwa.

- Sa tingin nyo ba, anong mangyayari sa ating pamayanan kung hindi tayo magtutulungan?

- Maraming salamat sa inyong mga kuro-kuro. Marami na naman tayong natutunan mula sa isang larawan. Ngayon naman, maghanda na kayo para sa bago nating aralin.

4. Lesson Proper/Bagong AralinA. Pag-aanyak

- Sa lahat ng oras, kailangan natin ang PAGKAKAISA o PAGBUBUKLOD sa ating komunidad. Sa panahong masaya, kailangan ng pagtutulungan o pagkakaisa. Ganun din

- Opo. Sa tingin ko po ang ganitong mga pangyayari ay nagaganap kapag may layunin ang isang comunidad gaya ng pagtulong sa kapwa.

- Nagaganap po ito kung gusto ng mga tao na magkaisa sa isang layunin sa isang nakatutuwang gawain.

- Sa tingin ko po, kung walang pagtutulungan sa ating mga pamayanan, walang magaganap na pag-unlad.

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng

Page 6: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

naman sa panahon ng kalungkutan.- Bakit natin kailangan magkaisa o magtulungan sa ating komunidad?

B. Lecture -Tama kayo, mga bata! Magaling! Maraming klase ng pagtutulungan ang nakikita sa komunidad (ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga sumusunod):a. Bayanihana.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

a.2. BAYANIHAN o PALUSONG ang tawag dito. Ito ang pagtutulungan ng mga tao sa paglipat ng bahay, pagtatanim at pag-ani, at pagdiriwang ng mga kapistahan.

b. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidadb.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

b.2. Kapag mayroon tayong mga kapwa na nagging biktima ng KALAMIDAD, tamang gawain ang tulungan sila. b.3. Ang BAGYO ay isang halimbawa ng kalamidad. Maaari tayong tumulong sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, perang donasyon, at panalangin.

c. Pagbabahagi ng Yamanc.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

c.2. Ang larawang ito ay nagpapakita ng pagpapalitan o pababahagi ng Yaman c.3. Ginagawa ang pagpapalitan o pagbabahagi ng yaman upang matugunan ang PANGANGAILANGAN ng mga tao sa pamayanan. Sa pamamagitan nito, ang lahat ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay. c.4. Halimbawa, maaari tayong magbahagi ng mga gamit na marami tayo, at wala naman

mga sagot)

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga sagot)

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga sagot)

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga sagot)

Page 7: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

ang iba. d. Medical at Dental Missiond.1. Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito?

d.2. Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang Medical Mission. Ang larawang ito naman ay nagpapakita ng isang Dental Mission. d.3. Ang Medical Mission ay ginagawa ng mga doctor. Nagpupunta sila sa isang lugar at chine-check-up o ginaamot ang ma tao doon ng walang hinihinging bayad. Minsan ay namimigay din sila ng mga libreng gamot.d.4. Ang Dental Mission naman ay ginagawa ng mga dentista. Nagpupunta sila sa isang lugar at tinitingnan at ginagamot ang mga ngipin ng mga tao doon ng walang hinihinging bayad.

C. Pangkatang-Gawaina. Hahatiin ng guro ang klase sa apat (5)

na pangkat. Bawat pangkat ay mamimili ng “group leader” at “group secretary”.

b. Ang guro ay magbibigay ng isang (1) larawan sa bawat pangkat. Ang mga larawan ay may ipakikitang pagtutulungan o di-pagtutulungan sa komunidad.

c. Mga bata, may binigay ako sa inyong mga larawan. Tignan ang mga larawang ito. Sagutin ang mga tanong na nasa susunod papel. Isulat ang mga sagot sa mga guhit dito.

1.Nagtutulungan ba ang mga tao na nasa larawang ito? Oo o Hindi?

2.Bakit? Kung hindi sila nagtutulungan, ano ang dapat nilang gawin?

3.Ano sa palagay niyo ang mangyayari kung walang pagkakaisa o pagtutulungan

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga sagot)

Page 8: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

sa komunidad?

D. Pagtatalakayan at Paglalapata. Ang “group leader ng bawa’t pangkat

ay magpupunta sa harapan ng klase at ibabahagi ang tungkol sa kanilang larawan at ang sagot nila sa mga katanungang sumunod.

b. Ngayon ano ang kaisipang inyong nabuo mula sa inyong gawain?

c. Mahusay, mga bata! Ngayon ay alam na natin ang mga uri ng pagtutulungan sa pamayanan at ang maaring mangyari dito kung walang pagtutulungan. Maghanda ng inyong sagutang papel.

(Ang “group leader” ng bawat grupo ay isa-isang pupunta sa harapan at ibabahagi sa kanilang mga kaklase ang kanilang ginawa)

Mahalaga po ang pagtutulungan sa pamayanan. At kung hindi ito mangyayari, maaring hindi maganda ang maidulot sa komunidad kagaya ng paghinto ng mga bata sa pag-aaral kung walang sapat na pabahay, tubig at programang pang nutrisyon.

IV. Ebalwasyon Ang guro ay magpapakita ng mga larawan. Isulat sa inyong papel kung anong uri ng pagtutulungan ito.

1. (Ipakita ang larawan ng Bayanihan)2. (Ipakita ang larawan ng Pagtulong sa Biktima ng Kalamidad)3. (Ipakita ang larawan ng Pagbabahagi gn Yaman)4. (Ipakita ang larawan ng Medical Mission)5. (Ipakita ang larawan ng Dental Mission)6. Dapat bang magkaroon ng pagtutulungan sa komunidad? Magbigay ng 1 dahilan

kung bakit.7. Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag walang pagtutulungan sa komunidad?

Page 9: Makabayan 2 Detailed Lesson Plan

V. Takdang-Aralin A. Basahin ang pahina 158-167 ng inyong libro.B. Sagutin ang pahina 168-171 ng inyong libro.

Answer Key:

IV1. BAYANIHAN2. PAGTULONG SA BITIMA NG KALAMIDAD3. PAGBABAHAGI NG YAMAN4. MEDICAL MISSION5. DENTAL MISSION6. (Ang mga sagot ay maaaring magkaka-iba)7. (Ang mga sagot ay maaaring magkaka-iba)