malikhaing di piksyon na pagsulat ng talaarawan

18
Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Upload: scps

Post on 22-Jan-2018

1.047 views

Category:

Education


13 download

TRANSCRIPT

Page 1: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Malikhaing Di Piksyon naPagsulat ngTalaarawan

Page 2: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OKapag tayo’y nagsusulat, saan tayo

maaaring humango ng mga paksa?

OPinakamadaling sulatin ay iyong mga

bagay na alam na alam natin .

O Ito rin ang mga paksang may interest na

basahin ng ibang tao sapagkat lagi na

kawili wiling malaman kung paano

hinarap ng ibang tao ang mga hamon at

pagsubok sa buhay.

OMaaaring may paghugutan o mapulot na

saloobin at pananaw sa pagbabasa sa

mga personal na karanasan ng iba.

Page 3: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OIto ay tinatawag nating

diskursong personal.

OHumahango tayo ng kalamaan

at pagkaunawa sa mga bagay

at pangyayari sa ating paligid

batay sa ating personal na

karanasan kaugnay ng mga ito.

OLumalago ang pagkatao sa

bawat isa sa atin batay sa mga

pinagdaanan sa buhay.

Page 4: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Mga diskursong personal

O Tatlong diskursong personal ang

tatalakayin sa bahaging ito: talaarawan,

journal, repleksiyon.

O Pagkakatulad ng apat na ito ay:

pansariling karanasan, saloobin at

pananaw ang ibinabahagi ng awtor ngunit

may ikinaiba ang bawat isa sa iba pa.

Page 5: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanO Isang pang araw-araw na tala, lalo na ng

mga personal na karanasan, saloobin,

obserbasyon at pananaw.

O Ito ay sinusulat na parang nakikipag usap

sa isang tao, na maaaring tawaging

“Mahal kong Diary o Talaarawan” o

maaari ring bigyan ng pangalan na parang

isang tunay na tao ang sinusulatan.

OTinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang

kanyang kanyang talaarawan

Page 6: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanOMarami sa mga talaarawan ay naging

mahalaga pa ngang mga dokumento sa

kasaysayan. Naging pantangi sa mga ito

ang talaarawan ng kabataang babaing

Judio na nagtago mula sa mga Nazi. Ang

Diary of a Young Girl ni Anne Frank ay

isang nakapipighating patotoo ng

kalupitan ng tao sa kaniyang kapuwa.

OTinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang

kanyang kanyang talaarawan

Page 7: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanOMaaaring pansariling karanasan at

pananaw lamang ang karaniwanglaman ng talaarawan , ngunit ito ay depende sa sumusulat at sakapaligiran ng pagsusulat

OMaaaring kapulutan ang talaarawanng mahalagang impormasyontungkol sa isang pangyayari sakasaysayan.

Page 8: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanOANG talaarawan ay isang

mapagkakatiwalaang kasama, isang

madamaying kaibigan sa isang

daigdig na walang habag. Ang

talaarawan ay “nagpapahintulot sa

atin na ingatan ang isang koleksiyon

ng mga larawan na nagtatala ng

ating personal na paglalakbay sa

buhay,” ang sabi ng manunulat na si

Christina Baldwin.

Page 9: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanOTulad ng isang album ng litrato

na nagpapakita ng nakalarawang

kasaysayan ng ating kahapon,

ang talaarawan ay naglalaan sa

atin ng nakasulat na “mga kuha”

na nagsisiwalat at nag-iingat ng

kasaysayan ng ating buhay.

Page 10: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

TalaarawanOAng pagsusulat sa talaarawan ay

waring nakatutugon sa pangunahing

pagnanais ng tao—pagpapahayag ng

sarili. Iyon man ay pagtatala ng ating

kagalakan sa pagkarinig ng unang

mga salita ng isang sanggol o pagsibol

ng isang pag-iibigan, pinahihintulutan

tayo ng talaarawan na bulay-bulayin

ang mga pangyayaring humubog sa

ating mga buhay.

Page 11: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Talaarawan

OAng pagbabasa ng mga isinulat

sa paglipas ng panahon ay

nagpapangyari sa atin na

bigyang-buhay muli ang

pinakatatanging mga sandaling

iyon at ang mga damdaming

idinulot niyaon.

Page 12: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Talaarawan

OAng isa sa pinakamalaking

kapakinabangan ng talaarawan ay ang

kakayahan nitong tumulong sa atin na

makilala ang ating sarili. Tinawag ito

ng manunulat na si Tristine Rainer na

“isang praktikal na sikolohikal na

kasangkapan na nagpapangyari sa iyo

na ipahayag ang iyong damdamin

nang hindi napipigilan.”

Page 13: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

PaanoMagsisimulang

Magsulat?

Page 14: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OUna, maghanap ng isang tahimik na

lugar at isang sulatan o notebook na

gusto mo. Totoo naman na ang

pagsusulat sa isang pahinang walang

laman ay baka nakatatakot. Subalit

ang susi ay maging tapat, natural, at

simple. Maaari mong itanong sa iyong

sarili ang gaya ng: ‘Ano ba ang ginawa

ko sa araw na ito? Paano ako

naapektuhan nito? Ano ang kinain ko?

Sino ang nakita ko?

Page 15: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OAno ba ang nangyayari sa buhay

ng mga taong minamahal ko?’ O

maaari kang magsimula sa

kasalukuyang nangyayari, anupat

nagtatanong: ‘Ano ba ang

nangyayari sa buhay ko sa

ngayon? Ano ang mga tunguhin

ko? Ang aking mga pangarap?’

Pagkatapos, basta isulat mo ang

nais mong isulat, nang hindi

pinupuna ito.

Page 16: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OSumulat ka kung gaano kahaba o

kaikli ang gusto mo. Sumulat ka

gaano man kadalas o kadalang ang

gusto mo. Maging tapat. Huwag kang

mag-alala tungkol sa balarila o

pagbaybay. Wala namang iba pang

makakakita sa iyong isinulat. Baka

gusto mo ring magdikit ng mga

larawan, mga kliping sa pahayagan,

o anumang bagay na mahalaga para

sa iyo.

Page 17: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

OSa iyo naman ang aklat na iyon.

Maaari itong maging maayos o

magulo, maliit o malaki. At

kailangan mo lamang sumulat

kung kailan mo gusto. Kung ang

pagsusulat ng talaarawan ay

nagiging sapilitang gawain,

mabibigo ka lamang at

masisiraan ng loob.

Page 18: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Talaarawan

Mga Mungkahi Ukol sa Pagpapasimula

O Pumili ng sulatan na matibay, marahil ay

madaling dalhin.

O Humanap ng tahimik na oras at isang lugar

na maaari kang mapag-isa. Lagyan ng petsa

ang bawat isinusulat.

O Kung nakaligtaan mo ang ilang araw, huwag

kang mataranta; basta ipagpatuloy mo ang

pagsusulat kung saan ka huminto.

O Huwag mong punahin ang iyong gawa.

Maging natural, at malaya mong ipahayag ang

iyong sarili. Isulat ang mga detalye—huwag

basta ang pangkalahatang mga bagay

lamang.