marcelo h del pilar powerpoint presentation - a report on his life

29
Ang Dakilang Periodista at Propagandista ng Bulakan

Upload: josedenniolim

Post on 10-Apr-2015

2.837 views

Category:

Documents


49 download

DESCRIPTION

A Powerpoint presentation on Marcelo H. Del Pilar's Life. It includes a full text of Dasalan at Tuksuhan. Pictures are copyright of Jose Dennio P. Lim Jr. It should not be used elsewhere without the permission of the owner.

TRANSCRIPT

Page 1: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang Dakilang Periodista at Propagandista ng Bulakan

Page 2: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Pambansang Monumento ni Plaridel sa Bulakan, Bulacan

Page 3: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ipinanganak sa Kupang, San Nicolas, Bulakan, Bulacan noong Agosto 30, 1850.

Ang kanyang buong pangalan ay Marcelo Hilario del Pilar Y Gatmaitan.

Ang kanyang mga magulang ay sina Julian H. del Pilar at Biasa Gatmaitan.

Bunso at pang-limang lalaking anak sa 10 magkakapatid

Page 4: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang kanilang pamilya ay galing sa angkan ng mga Gatmaitan na isa sa mga naghaharing pamilya noong bago pa man dumating ang mga Kastila.

Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan nagtapos siya ng abogasya noong 1880.

Page 5: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Noong siya’y isang estudyante, pinapaboran niya ang pagpapatalsik ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nagtrabaho siya bilang oficial de mesa (desk officer) sa Pampanga at Quiapo.

Nagtrabaho din siya sa Manila Royal Audiencia kung saan kaniyang ipinagpatuloy ang pagpapalaganap ng damdaming makabayan at pagtuligsa sa mga prayle.

Page 6: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang krusada sa pamamagitan ng paggawa ng mga tula at sanaysay na patungkol sa mga pang-aabuso ngmga prayle at mga opisyal sa pamahalaan.

Siya ay nagtatalumpati kung saan may umpukan ng mga tao: sa plaza, tindahan, kahit sa sabungan at anuman ang okasyon: pista, pagtitipon, salu-salo at maging sa mga lamay.

Page 7: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Simbahan ng Nuestra Senora dela Asuncion

Page 8: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Pinakasalan niya ang kanyang pinsan pangalawa na si Marciana del Pilar.

Nagkaroon sila ng pitong anak. Ito ay sina Sofia, Jose Maria, Maria Rosario, Maria Consolacion, Jose Mariano Leon, Maria Concepcion at Anita ngunit ang lima’y namatay matapos ipinanganak.

Tanging sina Sofia at Anita lamang ang nabuhay hanggang sa kanilang pagtanda.

Page 9: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Diariong Tagalog

Page 10: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Itinatag niya noong 1882 ang Diariong Tagalog na kung saan ay binatikos niya ang mga pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.

Nagsilbi ito na isa sa mga tinig ng Kilusang Propaganda.

Gumamit siya ng iba’t ibang sagisag-panulat gaya ng Plaridel, Kupang, Pupdoh, Piping Dilat at Dolores Manapat.

Ngunit dahil sa kakulangan ng pondo natigil ang paglilimbang nito matapos ang limang buwan.

Page 11: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Kasabay ng pagkakalimbag ng Noli Me Tangere, ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga artikulo laban sa mga prayle.

Bunsod nito, nais siyang ipadakip ng mga prayle ngunit bago pa man ito maganap, naka-alis na siya papuntang España noong Okt. 28, 1888.

Page 12: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

La Solidaridad

Page 13: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Sa kanyang pagdating ay humalili siya kay Graciano Lopez Jaena bilang punong patnugot ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889.

Sa ilalim ng kanyang patnugot ng maging matagumpay ito na higit na maipaalam sa mga Kastila ang hiling na reporma ng mga Pilipino.

Page 14: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Dahil sa kakulangan ng pondo, ang huling lathala ng La Solidaridad ay lumabas noong Nobyembre 15, 1895.

Sinasabi na isa ito sa mga dahilan na nagbunsod kay del Pilar na tanging rebolusyon lamang ang tanging paraan upang mabigyang lunas ang problema ng Pilipinas.

Page 15: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Sa kanyang mga huling araw sa España, dumanas siya ng labis na hirap lalo na nang dapuan siya ng sakit tuberkolosis na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan noong Hulyo 4, 1896.

Page 16: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Dasalan at TocsohanPasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa

Caiingat KayoKadakilaan ng DiyosSagot ng España sa Hibik ng Pilipinas

La Frailocracia en FilipinasAng KalayaanDupluhan… Dalit.. Mga Bugtong

Page 17: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Isang polyeto na isinulat ni Plaridel na naglalaman ng pang-uuyam (satire) at pagbatikos sa pang-aabuso ng mga prayle na nagdudulot ng labis na paghihirap sa mga Pilipino

Ginamit niya dito ang mga karaniwang dinarasal ng mga Pilipino na itinuturo ng mga prayle noon gaya ng Ama Namin at Aba Ginoong Maria

Page 18: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang tanda ang cara-e-cruz mo sa aming Panginoon naming Frayle sa manga ama namin, sa ngalan nang cara-e-cruz at sa mga frayle nang Espiritu santo sya naua.

Page 19: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalakay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang dugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibik kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitika naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pag-ulol sa akin. Siya naua.

Page 20: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo kami ngayon nang aming kaning iyon inaraw-araw at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal para nang pag papatawa mo kung kami nakukuwaltahan; at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.

Page 21: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya ang Fraile’I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Barya Ina nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kami ipapatay. Siya naua.. Amen.

Page 22: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang manga utos nang Fraile ay sampo:Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina,Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing.

Page 23: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.Ang ikapito: Huag kang makinakaw.Ang ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua.Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua ang kinaoouian.

Page 24: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo’t kayamanan. Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang pangala’i tontogales ay tatlo.

Igalang mo…Katakutan mo… Ang FraileAt Pag Manuhan mo...

Page 25: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life
Page 26: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life
Page 27: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life
Page 28: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

“We are persuaded that no sacrifices are too little to win the rights and the liberty of a nation that is oppressed by slavery.”Huling Editoryal ni Plaridel

sa La Solidaridad, Nob. 15, 1895

Page 29: Marcelo H Del Pilar Powerpoint Presentation - A Report on His Life

MARAMING SALAMAT PO!projectdennio.blogspot.com