m web viewnapagpasyahan na magtayo ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa langit, subalit hindi...
TRANSCRIPT
Salamin ng Kahapon…Bakasin Ngayon…Kasaysayan ng Pagsasalin; balikan natin.
“
I. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig
Teorya ng Tore ni Babel – Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na
nagsasalita ng “iisang wika at salita” ang nakilahok sa pagtatayo ng isang tore pagkatapos ng malaking
baha . Napagpasyahan na magtayo ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa langit, subalit hindi upang
sambahin at purihin ang Diyos, sa halip para sa kaluwaltihan ng tao. Ganito ang sambit ng mga
tagapagtayo: “Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng
lupa.” (Henesis 11:4). Nang Makita ng Diyos ang ginawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang
kanilang mga wika at pinaghiwa-hiwalay sa balat ng
lupa sa pook na yaon.
Halawin natin sa aklat ni Savory (The Art of Translation, 1986) ang naging kasaysayan ng pagsasaling-
wika sa daigdig noong dakong una upang tayo’y magkaroon ng higit na malawak na pananaw sa
larangang ito. Sa Europa, ang kinikilalang unang tagapagsalin ay si Livius Adronicus. isang Griyego. Sa
mundo ng pagsasalin, kilala si Adronicus sa kanyang pagsaling-wika ng Odyssey ni Homer sa Latin sa
kaparaanang patula (240 B.C.). Siya ay nataguriang ama ng “Roman Drama” at mga literaturang Latin sa
kabuuan; siya ang kauna-unahang nagsulat ng panitik sa Latin. Ayon sa ilang sa mga batikang manunulat
na gaya nina Varro, Cicero at Horace, ay ipinagtitibay na si Livius Adronicus ang pinagmulan ng “Latin
literature”. Ang unang pagsasalin ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina Naevius at Ennius ay
gumawa rin ng pagsasalin sa Latin ng mga dulang
Griyego, tulad yaong isinulat ni Euripedes.
Sinundan ito ni Cicero tinagurian bilang mahusay
na tagasalin at manunulat. Isang pangkat ng mga
iskolar mula sa Syria ang nakaabot sa Baghdad. Sila
ay nangunguna sa pagsasalin ng Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba
pang kilalang mga matatas na manunulat. Dahilan kung bakit naging tanyag ang Baghdad bilang isang
paaralan ng pagsasaling-wika na pinag-ugatan ng pagkalat ng karunungan sa Arabia. Ilan lang sa naging
kilala sa larangan ng pagsasalin sina; Adelard, nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid, Retines,
nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
Ikalabinsiyam na siglo: Narito ang ilan sa mga kilalang tagapagsalin sa yugtong ito.
Livius Adronicus
Naevius at Ennius Cicero
Naging kilala si Thomas Carlyle, ang nagsalin ng Wilheim Meister ni Goithex noong 1824. Kilala rin si
Omar Khayyam isang Persyano na nangingibabaw dahil sa kanyang salin ng “Rubayait” noong 1850. Si
Fitzgerald sinikap niyang mapanatili ang likas na kagandahang estetiko ng Rubayait. Si Matthew
Arnold sa kanyang likha On Translating Homer. Ang isa sa mga nagsalin ng Homer ay si F.W.
Newman, ayon sa kanya ang isang salin ay kailangang maging matapat sa orihinal, na kailangang
madama ng bumabasa na ang kaniyang binabasa ay isang salin at hindi orihinal.
Ikadalawampung siglo
Isa sa naging kilala sa siglong ito ay si Leo Tolstoy, ang ngsulat ng “War at Peace”. Siya ay mula sa
Russia, gumawa ng mga pagsasalin sa panahong ito na dinakila at hinangaan ng mga mambabasa.
Thomas Carlyle Omar Khayyam Fitzgerald Matthew Arnold F.W. Newman
Sa kasaysayan ng pagsasaling-wika, ang Bibliya ay maituturing ng isa sa mga klasikong akdang sumabay
sa kalakaran ng pagsasaling-wika sa daigdig. Klasikong akda ito kung ituring, sapagkat laman nito ang
kasaysayan ng pinagmulan ng tao, ng daigdig, at ng mga bagay-bagay tungkol sa tao at daigdig mismo.
Mayroong dalawang dahilan kung bakit isinalin ang bibliya: Una, dahil ang Bibliya ang tumatalakay sa
tao – kaniyang pinagmulan, sa kaniyang layunin at sa kaniyang destinasyon; Pangalawa, dahil sa di-
mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito. Ang dakilang tagasalin ng Bibliya ay sina Jerome
sa Latin, Luther sa Aleman, Haring James sa Ingles: Authorized Version.
Saint Jerome Martin Luther Haring James
Kilala si St. Jerome sa kaniyang pagsasalin ng Bibliya mula sa orihinal nitong akda sa Latin. Pinakahigit naman
ang pagsasalin ng Bibliya ni Martin Luther (1483-1546) sa wikang Aleman. Siya ang pinakamaimpluwensiyang
tagasalin ng Bibliya sa Wikang Aleman dahil sa nasabing pagsasalin at naging dahilan ito sa pag-ahon ng wikang
Aleman. Isa rin si Haring James sa mga naging tanyag na tagasalin ng Bibliya sa wikang Ingles.
Si John Wycliffe (1331-1384) ang kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing-
apat na siglo. May dalawang edisyon: 1382 – Nicholas; 1390: inedit ni John Purvey. Coverdale ang
nagrebisa ng Biblia ni Matthew at nakilala itong “Great Bible”, naging sikat dahil sa Salmo. William
Tyndale ang nagsalin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus, naging
kakaiba dahil sa masalimuot na mga talababa.
Narito ang ilan sa mga kilalang bersyon ng Bibliya:
Geneva Bible ay isinagawa nina William Whittingham at John Knox. Ginamit ang bibliya ito sa
pagpapalaganap ng Protestantismo at tinaguriang “Breeches Bible”. Ang Authorized Version ang naging
malaganap at hindi na malalampasan. Huli, ang The New English Bible ang naging resulta ng pagrebisa
ng authorized Version.
John Wycliffe Myles Coverdale William Tyndale
May mga iskolar na nagpapahayag ng ilan sa kanilang alituntunin sa pagsasaling-wika. Narito ang mga
ilang nakilala sa larangan ng pagsasalin.
Robert Bridges, para sa kanya mas mahalaga ang estilo ng
awtor kung ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin.
Edward, Fitzgerald at Samuel Butter, sila ay nagsabi na dapat
maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at
unawain at nararapat na maging idyomatiko ang salin.
F.W. Newman ay naniniwala na hindi dapat makaligtaang
isaisip ng mambabasa na ang kaniyang binabasa ay isang salin.
Si Arnold ay nagsasabing ang katapatan sa pagsasalin ay hindi
nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng mga isasalin
Kilala rin Alexander Tytler sa mundo ng pagsasalin na naglathala
ng isang libro na Essay on the Principles of Trnslation, 1971.
Narito ang ilan sa kanyang mga prinsipyo sa pagsasalin: 1) Ang
isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa.
2) Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad ng
orihinal na diwa. 3) Ang isang salin ay dapat na maging maluwag
at magaang basahing tulad ng orihinal.
Hindi maitatangging sa umuunlad na teknolohiya, maaari na ring
mapalitan ng makabagong pamamaraan ang pagsasalin.
Ang
katotohanang
ito ay bukas
naman sa larangan ng pagsasalin ngunit may mga salik na naging dahilan kung bakit hindi mabuo-buo
ang machine translator” na sana ay maging daan upang mapabilis ang proseso ng pagsasalin. Narito ang
ilan sa mga dahilan kung bakit hindi makabuo ng machine translator para sa di-teknikal na Paksa:
1. Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano mabisang maisasalin ang mga
idyoma.
2. Pagkakaiba ng istraktura o pagkasusunod-sunod ng mga salita ng wika.
3. Maraming kahulugan ang maaring ikarga sa isang salita.
4. Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing ng tekstong isusubo rito. 5.
Wala pang computerized bilingual dictionary.
Narito pa ang mga problema sa paglikha ng machine translator:
1. Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine. 2. Kulang pa sa nalalamang mga teorya
ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at paghahambing ng mga wika upang magamit sa pagbuo ng MTr.
II. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas
Unang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Kastila sa Pilipinas
Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa Pilipinas noong Panahon ng Kastila. Binigyang-diin sa
yugtong ito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung saan nabibigyang-tuon ang pangangailangang
panrelihiyon ng mga akdang Tagalog at iba pang mga katutubong akdang makarelihiyon, mga dasal at iba
pa, sa ikadadali ng paglalaganap ng Iglesia Catolica Romana.
Ikalawang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Amerikano
Ang Edukasyon at libro ang ginamit ng mga Amerikano kung saan napilitang mag-aral ng pagsasalita at pagsulat sa wikang Ingles.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan: Patakarang Bilingual
Sa ikatlong yugto ng kasiglahan ay nakadiin sa pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang
pampagtuturong nakasulat sa Ingles. Ang mga kagamitang pampaaralan ay tumutukoy sa mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa. Ito ay nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema
ng Edukasyon Department Order No. 52.series of 198, na nagsasaad na “Ang Pambansang Wika sa bansa
ay Filipino at kailangan itong pagyamanin at pagyabungin batay sa mga umiiral na mga wika sa bansa at
iba pang wika”. Higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles, nangangahulugan na
lalong pasiglahin ang pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nakasulat sa Ingles.
Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan: Pagsasalin ng mga Katutubong panitikan di – Tagalog
Sa ikaapat na yuto ng kasiglahan ng pagsasalin sa Pilipinas ay
nakatuon sa pagsasalin ng mga katutubong panitikan di–
Tagalog. Ito’y may kaugnayan sa pagbuo ng isang panitikan
na matatawag na atin at isang pambansang panitikan. Naging
mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang
isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the
Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher
Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal
ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang
bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.
Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang
kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar sa pitong
pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon,
Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga
piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang
magamit sa ikalawang bahagi ng proyekato.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga
piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong
vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at
iba pang panitikan ng mga minor na wikanin ng bansa.