mark angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na jema: amarilyong sepiro (tulang alay...

34
ENGKANTADO Mark Angeles

Upload: others

Post on 30-Aug-2019

17 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

ENGKANTADO

Mark Angeles

Page 2: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Ang mga tulang Bagras, Balukanag (ikalawang bahagi; Dalit-Awit ng Marinero), Dapdap, Talisay, Kapok, Tindalo, Anagasi, Bayong, Taluto, Almon, Anubing, Kakawate, Apitong, at Ligas ay mula sa koleksyong Engkantado na nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards (2010). Inilabas nang may pahintulot mula sa pamunuan. Nalathala sa UP Likhaan Journal 5 ang mga tulang Bagras, Balukanag, Dapdap, Talisay, Tindalo, Anagasi, at Bayong. Lumabas naman ang Bayong sa Ani 37 ng Cultural Center of the Philippines. Ang tulang Mangga ay lumabas sa bulatlat.com sa pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon). Walang anumang tula o bahagi ng tula sa koleksiyong ito ang maaaring sipiin nang walang pahintulot ng awtor. Please lang. Reserbado ang lahat ng karapatan 2011

Page 3: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

MGA TULA Bagras

Balukanag

Dapdap

Talisay

Kapok

Tindalo

Anagasi

Bayong

Taluto

Almon

Anubing

Kakawate

Apitong

Ligas

Bitaog

Mangga

Balete

Guyabano

Ilang-ilang

Page 4: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)
Page 5: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Bagras SA TABI NG ILOG, isang bagras:

tinatastas ang sarili

sa pagkakabuhol. Isang balangaw

na walang hanggang nagpapalit ng sarikulay.

Maharlikang hinahalinhan ang maringal na kasuotan. Hindi mo ito mamamalas

na bihis ang kaparis na puntas.

Kusang humuhulagpos ang damit. Ginugutay ang upak

upang matanghal ang matingkad na luntian na nangungutim

sa pagkamanibalang

hanggang sa matambad ang mga retaso ng lila, kahel, at bughaw. Maluwag sa loob na tinatanggap

ng ilog ang mga pilas nitong inaanod bilang pagkain

ng kinakandiling mga lalang; sinusupsop ang dagtang hilaw

na sangkap

ng mga likhang-goma. SA TABI NG ILOG, isang lumad: sinasalok ang tubig

Page 6: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

sa magkasalikop na mga kamay.

Tinggayad na nababasag sa alimbukay ang kanyang mukha.

Gumugulong papalayo ang mga laylayan ng rabaw:

maninipis na alingawngaw sa salamin

ng sansinukob. Mga busog itong umiilandang kasunod

ng mga pinawalang palaso sa mausok na kalangitan

na hindi dagim kundi dapog

ng petrolyong nasusunog. SA TABI NG ILOG, sumabay sa pag-awit ng aliw-iw

ang bagras—isang kumintang— sa saliw ng kulintang, tagongko, at kapanirong;

sa sagalsal ng kutiyapi, dayuday, at daguyung. Nagayuma ang lumad sa budyong. Nahiraya sa sanghaya.

Inapuhap ang kampilang nakasukbit sa baywang ng historiya.

MULI, naghunos ng damit ang bagras. Naghunos nang naghunos.

Hinaplit ng siyam-siyam

ang matandang ilog

ngunit hindi natinag

ang lumad na nakakapit ang titig at pananalig

sa liwanag ng sahing ng bagras

na walang humpay sa pagdanak mula pagsibol hanggang awanggan.

Page 7: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Balukanag I . Tubig at Langis Pangatwiranan ang agham ng taglay na pakinabang. Ikaw na binasbasan ng bansag na banukalad at lumbang-dagat. Ang maging pingga. Walang halong salamangka o kababalaghan. Walang dibinong nagbibigay-diwa ng hiwaga at kabanalan. Ang maging bigkis. Binubuklod mo ang langis at tubig. Binabaklas mo ang mapanikis na hadlang ng dalawang hanggahan: ang pambihirang lakas ng Londres / ang gayumang naglalapit sa hidrogeno at oxiheno. Ang maging aparato ng pag-iisang-dibdib. II. Dalit-Awit ng Marinero Isipin mo ang bartolina, ang impiyerno ng karsel, ang pag-iisa. Isipin mo ang isang piraso ng bakal, walang patid na palutang-lutang sa milya-milyang latag ng karagatan. Mistulang walang katapusan. Winawasiwas ng bawat araw, oras, at sandali

Page 8: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

ang pananabik ng unang pagsampa sa barko. Inuumay ng ilang dipang dampa ang panatang mahagkan ang lupa ng mga dinadaungang bansa. Pagpalaot, lantay na dilim ang inaabot ng kakarampot na pukol ng paningin. Sumisigid sa buto ang lamig ng hangin at laging may banta ang dagim ng paparating na unos: bwisitang pumapanaog pagsarhan man ng pintuan. Isipin mo ang bulwagan ng mga baliw. Nakapaglakad ang mga apostoles sa tubig habang kami ay pinuputakti ng mga hagalgal na tumalon sa bangin ng pagkalunod. Labas-masok ang mga ipis sa mga butas ng bakal na nginangatngat ng kalawang. Nanganganib ang barkong lumubog. Nangangamba kaming magkaluslos. Isipin mo ang pagkabagot at lumbay na pilit naming pinapaslang sa pagbabasa, pagtulog, pagsusulat ng mga liham. Sa babae, bisyo, at alak. Kinulimbat ng paglalayag ang sagalsal ng aguhon sa aming dibdib. Hindi mapapalis ng karaniwang sabon ang alat ng hangin at tubig sa balat. Kaya sumusuling kami sa balukanag na humuhugas sa pagkakasala ng dagat.

Page 9: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Dapdap Pumupusag-pusag ang mga dumalagang dahon sa aking mga sanga na tila kawan ng mga salmon at ako ay isang gasang sa bughaw na dalampasigan. Maya-maya lang, magdiringas ang aking mga tangkay. Maglilitawan ang mga mainiping palong ng katyaw. Nakamasid sa kaligiran ang kanilang mga butong mata. Panahon ito ng pamumukadkad ng mga iskarlatang taluktok ng mga bulaklak na siyang aking korona: ang kagampan ng pagpapala ng aking santuwaryo. Aranya akong pinamamahayan ng mga engkanto, mga makikisig na lalang na nag-iibis ng bangong bumibighani sa mga mortal para sila silain. Maging ng mga kibaan na may mga gintong ngipin at maibigin sa mga punungkahoy na maningning; pinagniningning ng laksa-laksang mga alitaptap. Sa paglatag ng kapanglawan ng gabi, magliliwanag ang aking mga sanga na tila ako ang nagpapaliyab ng aking sarili para ipahayag ang aking kalooban. Ipamamalas ko ang aking angking kapangyarihan. Hindi nga ba’t pinansusuob ako ng mga babaylan sa kanilang mga ritwal? Ipinaiinom sa mga maysakit? Nagsisilbing pangontra sa barang? At ang aking siit na dinapuan ng alitaptap ay may birtud na pang-akit? Hindi ba’t ako rin ang kumukupkop sa mga patay? Mula sa sidhi ng alab ang aking ilang na kalikasan kaya’t langkay ng apoy ang sa akin ay humahapay. Tulad mong nakayapos sa banakal kong balisaksak.

Page 10: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Talisay Matiim ang tindig ko mula sa sentro ng inusbungan kong similya. Mistulang labaha o espadang iniluwa ng bibig ng lupa: nakaumang ang tungki sa alangaang. Palapit nang palapit ako sa langit. Akala mo inaasinta ko ang lawas para bulagin ang matang namumuo sa saligutgot ng papawirin. Ngunit hindi ito ang kaluwalhatian para sa akin—akong nakatulos na hindi nahuhutok ni humahapay. Kundi ang marating ang saktong edad na ako ay simulang banghayan ng mga sanga; sibulan ng masigabong pilyego ng mga dahon. Ang maging ganap na punungkahoy: luntian at hitik sa bunga at bulaklak. Kinawiwilihan ng mga paniki at bayakan. Kung sakali mang isang peregrino ang magpalagay na ako ay isang pagoda dahil sa aking labay na mistulang sapote ng mga payong na umiikit sa aking tarong, mag-apuhap kung saan sa aking tahip nakatabi ang mga labi ng mga banal, mapararangya ko lang ang kolonya ng mga hantik at kuwitib na namamahay sa nahungkag na saray ng aking katawan. Maging ang kampon ng mga aswang na kumakanlong sa aking mga labay, nananahan sa kaibuturan ng aking banakal, ay lilisan din pagdating ng takdang araw. Abangan ang pagpapalit ng aking damit sa tagbisi: bagwisan akong pula, tanso, ginto. Ang pagbitaw ng unang dahon sa aking tangkay. Mapapanot ako pagdating ng Marso at muli, isang tuod na nakalubog sa hukay.

Page 11: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Kapok Alam kong hindi pa ito ang katapusan ng lahat ngayong alam ko na ang pangalan ng punong iyon na lagi kong nadaraanan sa aking pag-uwi. Ilang ulit ko ring pinagtangkaang tukuyin ang punong hugis kandelabra. Saganang-sagana sa mga berdeng dahon tulad ng mga katabing puno’t isang araw ay hinubad nang walang pasintabi, tinubuan ng mga bungang animo mga paniking natutulog. Iisa lang ang kahulugan: kamatayan. Huwag kamo itong hamakin. Ito ang hudyat ng muling pagkabuhay. At ngayong alam ko na ang lahat, mayroon na akong mahahalintulad sa aking kasawian: itong pinakatangi-tangi— masidhi’t nagpapasindak tulad ng pagaspas ng laksang uwak na biglaang lumipad palayo sa kalasingan

Page 12: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

ng papawiring nag-aagaw-dilim. Batay sa mga palatandaan, sabi mo, iyon ay kapok. Maraming ganoong tumutubo sa inyong lugar. Mga butuhang kamay sa sandali ng dali-daling paglubog sa kumunoy o patibong, inaabot-pilit ang anumang abot-kamay. Kung dumating man ang oras na usisain mo kung bakit ko iniinda itong sakit sa loob, ipaaalala ko sa iyo ang talinghaga ng kapok. Ganoon din ako kung malagasan.

Page 13: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Tindalo Gumuhit ang alupihan sa langit at inabot ang aking ulunan. Parang bendisyon ng Panginoon sa aking basyong katawan— ako ngayon ang sisidlan ng relihiyong nagpaluhod sa mga katutubo na yumukod tulad ng kawayan. Konsagrahin ang aking banal na tarik. Akong krus ay kaha ring maytangan ng matandang krus ni Magallanes na itinarak sa dibdib ng Sugbu. Sa loob ko, ang mga labi ng tablang piningas-pingas ng mga turista at deboto sa palagay na taglay nito ang talisman ng saleng na nakalulunas sa mga sakit. Maysa-bayabas ang aking mga dahong nagtatangkang manlanggas sa mga pilas ng kasaysayan ng ilang siglong pananakop. Pinapaypayan ang dapog ng alingasngas na palsipikado ang tangan kong krus; na winasak ng mga kampilan ang berdadero nang si Magallanes ay kinuyog sa Mactan. Langhapin ang samyo ng aking balat. May suob itong insenso at kamanyang. Hindi ba’t tulad ako ng alangaang na may pintang dugo sa huling alab ng araw at unti-unting nilulukuban ng luksang kulay? Tingnan mo, hinding-hindi ako nakukubkob kahit ng sanlaksa mang hukbo ng anay. Buksan mo itong kaloob-looban. Antabayanan ang susungaw sa aking balagat at tadyang. Kung ito ay krus na tinilad-tilad o kulumpon ng mga agiw.

Page 14: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Anagasi Kung paanong maging saloy sa alimpuyo ng mga alon umusbong ka sa dambuhalang libis ng kagubatan. Isang bansot sa gitna ng mga punong matatayog. Hindi malaman kung punongkahoy ka o palumpong. Kaya hindi kita masisisi sa iyong kagaspangan. Malimit mo itong gawing pansanggalang tulad ng ibang mga lalang na ilahas sa ilang: pinupulaan ng mga makahari sa kanilang kaibhan. Kaparis ng buteteng laot na sa harap ng mga banta lumilintog ang dibdib at nanunuwag ang mga tinik. Maging ang lamanloob ay dinadaluyan ng lason— higanting kamandag na maghahatid sa kamatayan. Mistula namang pasmadong kamay ng piyon ang mga gisok na gumagapang sa iyong mga dahon. Papel de liha ang nasasalat sa ligaslas ng palad kaya karaniwan kang ginagamit na pang-isis sa puwit ng nanglilimahid na mga kaldero at kawali o pakiling na pinupudpod sa mga sahig at dingding. Kaya pang bakbakin maging tutong o tagulamin. Doon siguro nanggaling ang ilan sa iyong bansag: salagiso, balahibi, hinagasi, asis, isis ngipin. Ipinuwesto ka ng mga Pariseo ng iyong larang doon sa likod-bahay, sa ilalim ng lababo, kapiling ng abo ng uling at bote ng muryatiko. Anagasi, mainit sa iyo ang kanilang mga mata. Walang habas silang magkanulo at magbinyag at madalas kang ulaluin sa iyong tubo at tabas. Sa kabila ng tatlumpu’t anim mong palayaw, iilan lang dito ang nagtatanghal ng iyong kapurihan. Sa mga anas at ngawngaw sa sinasabing kapansanan, alin dito ang alam nilang tunay mong katangian? Hayaan mo silang malunod sa kuskos-balungos habang ikaw ay ginaganyakan ng lila at bughaw ng isang bungkos ng maririkit na mga paru-paro na nahahalina sa pinong samyo ng iyong dagta at tanging sa iyong mga sanga humahapon.

Page 15: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Bayong Ilag sa akin ang mga magtotroso na para bang kakambal ko ang sakuna. Mahinang klase raw akong puno gayong pagkatigas ng aking balat. Hindi ako ang haligi ng tahanan kundi ang mga baitang ng hagdan na nakalalasap ng pang-iitak kapag nag-amok ang lalaki ng kabahayan. Bilang puno, tinatawag akong toog ngunit nagiging isang bayot kapag hinabi na ako at ginawang bayong. Tumagos na sa akin ang tagulamin ng pagiging maligalig at alanganin kahit pa ako ay naghuhumindig tulad ng isang batutang galit. Umiikid naman ang aking mga dahon na para bang bigkis na palamuti sa katawan kong mala-rosas ang laman. At daig pa ng aking mga bukadkad ang sanggumay kung gumapang. Kaya ilag sa akin ang mga lalaki kapag napipilitan silang mamalengke. Nawawala raw ang kanilang pagkasiga at para bang may pasang kapansanan kapag ako ay kanilang dala-dala. Kaya ba ako ang ginamit na balatkayo ng mga Makapiling angkan ni Hudas dahil sa aking kahinaan ng loob? Oo, ang maligalig, ang tiklop-tuhod, ang bahag ang buntot ay isa rin daw manggagantso! Ay! Alalahanin ninyo ang mga tulad ko na bumitbit hindi lang ng gulay at manok kundi maging ng mga riple at rebolber ng mga nuno ninyong Katipunero!

Page 16: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Taluto Sa tayog, lumilitaw sa ibabaw ng ulop ang iyong taluktok tulad ng batok ng bundok. Kung bulas ang pag-uusapan, isa ka sa mga hari ng kagubatan. Naaabot mo ang karurukan ng pagkapuno ng puno; ang kasukdulan ng pagsibol ng isang butil. Kung hindi ka sana binibiyak hanggang sa maging patpat ang iyong dambuhalang pangangatawan para maging mga mumunting kaha ng posporo o kaing ng prutas at gulay. Ganito ba tumimbang ng bigat at gaan ang sangkatauhan? Hindi ka isang Yggdrasil o akasya o puno ng buhay sa mga mitolohiya. Walang alindog tulad ng bonsai na bansot. Samantalang halos maabot ng iyong mga bisig ang langit. Balang-araw, aawitan ka rin ng talindaw bilang timbulan o palutang ng pamukot ng mga mangingisdang pumapalaot.

Page 17: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Almón Materyales fuertes ang mga casa at posadang nagsiyabong sa lupain ng katimugang Amerika. Makalaglag-matsing ang mga gusaling kolonyal; nilapatan ng mabusising arkitekturang Georgian. Animo kumpulan ng mga dalagang Victorian sa isang maskarada ng mga mariwasa; naghihintay ng eskorteng magsasayaw. Nagpasadya pa ng bulla de polonesang singkaw sa kanilang maringal na miriñaque na tila pumapagaspas na buntot ng paboreal. Madalas mapanganga ang mga turista sa anyayang nakapaligid sa antigong nayon. Nang-uumit ng titig sa mga lakambining nakatindig sa kumakating mga burol. Maselang sinisinsin ang mga partikular: yari sa bato ang mga guirnaldang tabiki; yari sa kahoy ang mga ganyak at poste; gayundin ang hanay ng mga entablamento na kinulapol ng pinturang busilak sa pagkaputi upang magningning kapag sinibat ng araw; ang iba pa ay may tablillang pinadilaw. Mestisahing almon ang siyang pundasyon ng mga gusaling nagbata sa niyebe at unos. Mga dumalagang supang ng ating kagubatan; walang patid na pinupuslit mula sa sinibulan. Tinalupan ng balakbak hanggang sa mabilad sa merkado ng mga nauulol na komprador ang mga kutis-rosas na trosong kalakal. Pipiliin sa serie ang siyang pinakamainam, tone-toneladang isasampa sa bapor, at itatawid sa kakanlungan sa Kanluran. Sa pier nakaabang ang mga dambuhalang trak na kinumisyon ng mga tienda de madera. Pinaaandar na ang mga makinang tagayari ng madiwarang moblaje at instalacion fija. Naghihintay na ang mga posada at casa

Page 18: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

na sabik na sabik nang maganyakan. Samantala, sa mga lupaing kinalakhan nakahandusay ang mga pinagtabasang tuod. Waring mga bangkay at kabaong na lulutang, maaanod sa pagbaba ng baha mula sa bundok.

Page 19: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Anubing Punong pagkatayug-tayog, habang inaabot mo ang Diyos, lalo pang naghuhugis-puso halayhay ng iyong mga dahon. Dahil sulit nang matatag, pirmi kang nilalangkap sa haligi ng mga kabahayan at mga poste ng kablegrama. Ang kurus na kambal ng Alitagtag at Bauan ay sa iisang kurus na sa iyo tinapyas. Sa pista ng panunubli, magkabiyak na napirmi sa kani-kaniyang dambana ay mga timbulang uusad. Tulad ng mga mangingibig na binukod ng pananalig, ang pares ay magtatagpo sa rito ng salubungan. Magdadait ang napawalay; manunumbalik sa suyuan, dahil mula sa iisang binhi ang mga kinatam na salalak. Anubing, isa kang munisilyo at taglay mong misteryo ang giya sa mga naliligaw; ang karit ng paghuhugpong. Kaming lahat na umalis, kaming inilayo at pinaknit ay huhugot ng pag-asa sa inihasik mong mga binhi.

Page 20: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Ang imbay ng mga kamay naming debotong nagkawan sa igkas ng iyong mga bisig ay mga pusong umaalagwa.

Page 21: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Kakawate Binigyan ako ng ranggong madre de kakaw dahil ipinapataw sa aking mga kamay ang pagkalinga sa kakaw tulad ng isang ina na nagpapasuso ng bagong silang na sanggol. Para nga akong nag-iiwi ng inakay na hindi ko naman talaga iniluwal. Nagsisimpan tulad ng sisiwa o mamay. Bakit hindi na lang ako tawaging madrasta o kaya naman ay paupahang yaya? Inaangkin ko ang katungkulan ng pag-aaruga sa kakaw hanggang sa ito ay mamunga ng mga mutyang buto na siyang pulutan diumano ng mga diyoses sa kalangitan. Pinaka-iingat-ingatan ko itong halimhiman (tulad ng paghalimhim sa mga gusano de seda habang nahihimbing sa loob ng krisalida) dahil sa grasya nitong tsokolate at kokwa bukod sa naging el medio de cambio sa loob at labas ng talipapa at kastilyo noong bago pa ang panahon ni Mahoma. Sapul sa pagtubo ng tahip ng kakaw ako na ang kanyang matapat na katuwang. Sa ere ako nakabayubay habang hinihintay ang paglago ng kanyang mga dahon; habang matama kong pinagmamasdan ang pagsasa-ginto ng kanyang bukol. Sinosombrahan ko siya ng aking mga sanga; nagsisilbing tarapal na kanyang pananggalang sa nakaluluoy na mga kurot ng sikat ng araw; isang luntiang pantalya ng lampara kung mahinog na siyang parang bumbilya. Ako ang dakilang alalay ng punong laki sa layaw. Niyayapos ko siya ng buong pagmamahal. Walang kapalit ni kabayaran sa aking abang paninilbihan. Marahil nasasagap ng mga bubuyog ang tamis ng aking pag-irog kaya sila nabibighani sa balani

Page 22: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

ng aking mahalimuyak na mga bulaklak. Ibinilang pa ako sa mga sangkap sa paglikha ng pulot-pukyutan. Ngunit tulad ng lahat ng pag-ibig na lulong sa bisyong pagpapakamartir, taglay ko rin ang kastigong peligroso sa mga naghahanap ng sakit ng katawan; sa mga kiri at pilyong may pusong bato. Isang tulong sa sinumang ibig maghiganti sa nagtaksil o manhid na kabiyak ng dibdib. Pulbusin ang aking dahon at balat at ihalo sa sinaing na bigas o mais. Iburo ang aking lamukot at ibudbod sa ihahaing paboritong ulam ng pinupuntiryang tampalasan. Asahan mong aking ipalalasap ang poot ng isinumpang pag-ibig na aking kinimkim sa mahabang panahon na may tali sa aking ilong.

Page 23: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Apitong Laging nakaabang ang masugid mangilatis. Hinuhuli sa dila ang iyong tagapangalaga. Maraming araw na ikaw ay kamagong. Tulad ngayon. Ilang ulit nilang tinatanong kung saan ka nanggaling. Parang ibig nilang sabihin: Totoo ka ba sa loob o sadyang sampay-bakod? Sagad ka ba hanggang buto o hamak na segunda mano? Marami ang namamalikmata. Para kasi kayong pinagbiyak na bunga ng kamagong na siyang pangunahing gamit ng ilang daang taon sa mga mariringal na muwebles na nakasaksi at napinsala sa sigisiging panganganyon ng mga tangke at tilandoy; naiwang alusitha ng lahat ng nasalba at nasalanta. Ipagpatuloy ang pagkukunwari. May angking tagabulag ang mamula-mulang upak ng iyong pagkakayumanggi. Kaya mo ring maging puluhan ng mapupusok na mga bolo at mababangis na mga itak. Hindi nga maipagkakaila na isa kang kamagong. Sarado na ang diskusyon. Ngunit bakit aligaga ang mga kukot na bulong sa iyong mga dahon? Sumasagitsit ang mga sigaw, isang pagtatapat na abismal ng iyong lantay na pangalan:

Page 24: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Sandali! Hindi ako kamagong. Ako ay Apitong!

Page 25: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Ligas Isang tungkos ng mga krus na ligas: marapat lang na kilabutan ang anumang punong iyong pamugaran. Busabos ka ba o parasito? Sa gulugod ng puno ay nagkakanlong; isang bisitang walang imbitasyon. Kaya’t sawimpalad ang iyong sinisibasib dahil bampira kang walang pangamba sa krusipiho, bawang, o agua bendita. Walang makaaapula sa pagkadayukdok. Hindi milagrong buong taon kang luntian at gulugod ng puno ang iyong suhay. Hoy, ligas na klosetang maligasgas! Naririnig namin ang iyong ngising-maligno mula riyan sa nangangayayat mong trono. Ipinaghahambog mong pangontra ang iyong mga sanga sa liyab at lintik. Bagay sa iyo ang LIGAS: Like I give a shit… Kahit pa ginawa kang adornong pamasko. Malisyoso lang ang nagpauso na sa iyong siit na nakasabit maaaring makapagnakaw ng halik. At ngayon lulong ka sa bisyong magpakati. Umaastang tila ba naghihiganting engkanto kapag nagagambala ang iyong teritoryo. Ligas, mas makati ka nga sa higad at gabi. Hindi kita sasayawan, tulad ng payo ni lelang, para maalis ang pangangati ko at pamamantal.

Page 26: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Bitaog Bumubulag ka at nagbibigay-liwanag; nangwawasak at nagbibigay-lunas. Panglanggas at pamahid ang iyong tsaa at langis. Mainam kang pambanyos sa naglalangib at nagnanaknak na sugat ng mga ginagalis. Napagagaling mo ang istorbong almuranas, ang namumuwalang tibi at kabag, maging ang mga isinumpang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ngunit nananalaytay ang iyong kamandag mula sa mga tangkay hanggang sa mga ugat. Bibihira ang may ganyang kapangyarihan. Nagmula ka ba sa lahi ng ahas, bitaog, na nakaambang makapanuklaw habang inaamo ng manggagamot? Taglay mo ang kagandahan at peligro kaya ka ginagawang pang-adorno. Sanggahan ang iyong pagsasanga na parang mga pantalya ng lampara: nakahanay sa mga tabing-dagat; sa mga abenida at bulebar. Ang iyong mga bulaklak at usbong ay ginagawang pumpon at putong. Handog sa pinararangalan: buhay man o patay. Pagmasdan: ang pusong mong kakarampot sa mga orbeng sundot-kulangot: tamis ng pag-ibig na madaling masimot.

Page 27: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Kaunti na nga ay parang ibig pang ipagdamot. Hawak mo ang timbangan at sangkalan. Tila ba nasa iyong kamay ang kapasiyahan ng kabutihan at kasamaan, ng buhay at kamatayan. Ngunit pakaiingat ang sinuman na nais kang gawing kasangkapan. Hindi mo sinisino ang isinasakdal. Doble-kara ang iyong pakinabang. Bumubulag ka at nagbibigay-liwanag; nangwawasak at nagbibigay-lunas.

Page 28: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Mangga Niyayakap natin ang matandang puno ng mangga. Lahat tayo, nag-aatang ng ating mga kamay. Sa ilalim ng malalabay nitong mga sanga sabay-sabay tayong umuusal ng pulang awit. Unti-unting natutuyo ang ilang dahon: humuhulagpos sa kinakapitang duklay. Inilululan ng hangin sa ibang lugar at kung mapagal, sa lupa humihimlay. Ngunit ikaw, Jema, balingkinitang kaibigan, ay yumapos pa rin sa hitik nang puno hanggang sa ikaw din ay maging bunga— nagsa-amarilyong sepiro ang iyong puso. Ang alaala ng iyong tinig ay bumubulong sa sinumang humaharap sa panulat. Ang lagot ng iyong buhay ay bumubudyong na ang aming hintuturo ay ipingkaw.

Page 29: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Balete Nunong nakatalungko sa punso; nagluluksang balo; balbas ng mais; bulbol ng birhen; mambabarang sa harap ng kumukulong kawa; taong-grasang naghahayag ng pagtangi sa gusgusing bangketa; upak ng niyog na napagod sa pagbubunot; sandakot na ipa; taluktok ng burol; tungkos na litid sa leeg ng nag-aamok; mapusok na pamukot; mandala ng dayami; mga suso ng soltera; atip ng kubo; dumi ng kalabaw; huklubang bakod; himagsik ng dupikal; putik na sumirit sa bitak ng lupa; gumagapang na lumot; pantas na binubulaybulay ang sansinukob.

Page 30: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Guyabano Hindi ko nakahiligan ang guyabano; lalo itong umaasim habang nahihinog. Walang iniwan ang lasa ng laman sa huling relasyong urong-sulong. Hindi ko nakahiligan ang guyabano ni minsan—bungang nagpipilit maging puso, tila luntian hanggang wakas. Mistulang higad na naghihikab habang nakatuwad sa tinubuang sanga sa sandali ng pagtitilas. Ngunit hindi magiging paru-paro kailan man—walang aariing mga pakpak— bagkus doon mananatili sa yakap ng sa kanya ay nagluwal, nakalutang sa sariling panahon ng kagampan. Hanggang kailan ang hangganan ng pagkamanibalang? Kay kunat ng balat. Kailangan pang masalat. Sa loob, nakakalat ang mga binhi, tila mga mata ng gagambang naghihintay ng malalason. Madali raw husgahan ang puno kung ihaharap ang bunga tulad ng guyabanong anong pangit

Page 31: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

ng hilatsa. Kapatid ng durian. Ang pinagkaiba nga lang, tahimik itong nakakapit sa sanga na tila mahiyaing birhen. Pribado. Hindi umaalingasaw ang baho. Ngunit sadyang matinik, o baka ito ang kanyang pansanggalang sa pambabato ng mga sabik makita siyang malaglag mula sa kinakapitang duklay, sabik na mapangos ang kanyang laman. Huli na nang malaman ko ang kanyang sadya sa mundo: tagapagligtas ng sangkatauhan sa pananalasa ng sakit na agad tinataningan. Nasa huling yugto na ng kanser ang aking lola—kalat na ang metastasis sa atay —nang makilala ko ang taglay na birtud ng guyabano sa pananambal. Biyaya ng Maykapal? Hindi, marahil. Dahil hindi ba Siya rin ang naghubad ng ating inmortalidad? Ayon sa ilang kuwento, may dalawang puno sa gitna ng Paraiso— baka isa roon ang punong guyabano, estrangherong tahimik na nagpapalago ng mahimalang mga dahon tulad ng mga palad ng banal, naghihintay ng makasusumpong.

Page 32: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Ilang-ilang Napagkamalan kang dama de noche

ng gabi kaya higit nitong sinisid ang sariling kalaliman.

Batid nito ang pagdating ng liwanag ngunit handa itong matupok mula sa mga hibla ng itim nitong buhok hanggang sa mga kalingkingan. Sa kabila ng lahat, masigla kang tumingkayad para abutin ang paparating na silahis ng araw. Pinagkaunat-unat ang iyong mga sanga, pinagkapilit-pilit na mabanat. Humawak ka sa silahis na para itong lubid,

na parang ito ang sariling buhay, na para itong pangakong hanggang wakas ay sa iyo nakatangan, Kumapit ka sa akin kung ikaw ay mahuhulog. Dahan-dahang numipis ang sidhi ng gabi hanggang sa ito ay maglaho… habang ikaw ay nagtatampisaw sa lagablab

~ nagsisilang ng mga bulaklak.

Page 33: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)
Page 34: Mark Angeles - makoydakuykoy.files.wordpress.com · pamagat na Jema: Amarilyong Sepiro (tulang alay kay Jemalyn Lacadin, isang kabataang martir ng pambansa demokratikong rebolusyon)

Si Mark Angeles ay dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. May tatlo siyang indie books: Patikim, Emotero, at Threesome.