masusing banghay aralin sa pagtuturo ni lorie

9
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Wika sa Filipino III I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. napaghahambing ang dalawang uri ng pang-uri; B. nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran; C. nakabubuo ng talatang ginagamitan ng pang-uring pamilang at palarawan; D. aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain. II. Paksang-Aralin A. Paksa: Uri ng Pang-uri B. Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtatalakay sa Filipino, pp. 119 C. Kagamitan: Graphic Organizer, larawan, sipi ng isang sanaysay III. Pamaraan (Pabuod) Gawaing-Guro A. Panimulang Gawain 1. Balik-Aral Klas, kahapon ay ating tinalakay ang tungkol sa salitang naglalarawan. Ngayon ay narito ang dalawang pangungusap. Basahin nga ang mga ito. Ngayon klas, ay tukuyin nga ang mga salitang naglalarawan, Lhea. Tama! Sa pangalawang pangungusap naman, Isabel. Mahusay! Anong tawag sa mga salitang naglalarawan na inyong ibinigay mula sa mga Gawaing-Mag-aaral (Babasahin) Ang dalaga ay maganda. Kulot ang buhok ni Lhea. Maganda ma’am! Kulot po. Pang-uri ma’am

Upload: jeremiah-nayosan

Post on 26-Oct-2015

3.976 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

FILIPINO SECONDARY LESSON PLAN

TRANSCRIPT

Page 1: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

Masusing Banghay-Aralin saPagtuturo ng Wika sa Filipino III

I. Layunin:Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. napaghahambing ang dalawang uri ng pang-uri;B. nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran;C. nakabubuo ng talatang ginagamitan ng pang-uring pamilang at palarawan;D. aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain.

II. Paksang-AralinA. Paksa: Uri ng Pang-uriB. Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtatalakay sa Filipino, pp. 119C. Kagamitan: Graphic Organizer, larawan, sipi ng isang sanaysay

III. Pamaraan (Pabuod)

Gawaing-Guro

A. Panimulang Gawain

1. Balik-AralKlas, kahapon ay ating tinalakay ang tungkol sa salitang naglalarawan.

Ngayon ay narito ang dalawang pangungusap.

Basahin nga ang mga ito.

Ngayon klas, ay tukuyin nga ang mga salitang naglalarawan, Lhea.

Tama!

Sa pangalawang pangungusap naman, Isabel.

Mahusay!Anong tawag sa mga salitang naglalarawan na inyong ibinigay mula sa mga pangungusap, Edna.

Magaling!Pang-uri nga ang tawag sa salitang naglalarawan.

2. PagganyakKlas, anong nakikita ninyong hawak ko?

Tama! Ito nga ay mga larawan, ilarawan nga itong unang hawak ko, Grace.

Gawaing-Mag-aaral

(Babasahin)Ang dalaga ay maganda.Kulot ang buhok ni Lhea.

Maganda ma’am!

Kulot po.

Pang-uri ma’am

Mga larawan po.

Page 2: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

Magaling! Nakikita nga natin sa larawan ang maraming puno.

Ang pangalawang larawan naman klas, Lhea.

Marunong!Sa Pangatlong larawan naman, Isabel.

Mahusay! Ang limang bulaklak nga ay magaganda.

B. PaglalahadNgayon klas, narito ang isang sanaysay na pinamagatang “Edukasyon… Susi sa Pag-abot ng mga Pangarap”

Basahin nga ito nang malinaw at malakas Cheryl.

Klas, habang binabasa ni Cheryl ang sanaysay, inyong sundan ito gamit ang inyong mga kopya at inyong pagtuunan ng pansin ang mga salitang nasalungguhitan.

May maraming puno po sa larawan, ma’am.

Ang babae po ay maganda.

May limang bulaklak na magaganda ma’am.

(Babasahin)

Edukasyon… Susi sa Pag-abot ng mga Pangarap

Ang mga tao ay likas na mapangarapin. Mula nang tayo’y magkaisip, samut saring pangarap na ang nais nating maabot. Ang mga pangarap na ito’y maaaring bumago sa ating abang buhay. Mga pangarap na kaytatayog na tila ba kay hirap abutin.

Ngunit paano ba tayo magiging matagumpay sa pag-abot ng mga matatayog na pangarap na ito?

Edukasyon! Ito ang magsisilbing mabisang susi sa mundo ng kaalaman. Ito ang ang lilinang at hahasa sa ating kakayahan. Ito ang susubok sa ating katatagan at determinasyon.

Sadyang mahirap abutin ang mga pangarap. Ang landas na tatahakin natin tungo dito’y maaaring mabata, maputik. Maraming balakid ang maaaring kaharapin hindi lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit matuto sana tayong bumangon at labanan lahat ng mga mapanghamong suliranin o hadlang sa landas na ating tatahakin.

Sabi nga, “Edukasyon ay pagbutihin, upang magandang kinabukasan ay mabuksan para sa atin.”

Page 3: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

C. Pagtalakay

Ngayon klas, balikan natin ang sanaysay. Pagtuunan natin ang sanaysay. Pagtuunan ng pansin ang mga salitang nasalungguhitan. Anu- ano ang mga ito, basahin, Marciana.

Magaling! Isa-isahin nating talakayin ang mga salita.Basahin ang buong pangungusap na may nasalungguhitang salita.

Alin ang nasalungguhitang salita, Lhea?

Paano ginamit ang salitang samut-sari sa pangungusap?

Magaling! Inilarawan nga ang mga pangarap na nais maabot mula nang tayo’y magkaisip.

Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, basahin Pia.

Okey klas, batay sa binasa alin naman dito ang nasalungguhitang salita, Mona?

Tama! Paano naman ginamit ang aba sa pangungusap klas, Isabel?

Marunong! Inilarawan nga nito ang ating buhay.

Ano pa? Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Edna.

Tukuyin nga ang nasalungguhitang salita dito, Isabel.

Mahusay! Paano ginamit ang salitang kaytatayog sa pangungusap klas?

Magaling! Ang salitang kaytatayog nga sa pangungusap ay naglalarawan sa mga pangarap na tila mahirap abutin.

Magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Mona.

(Babasahin)

Mula nang tayo’y nagkaisip, samut-saring pangarap na ang nais nating maabot.

Samut-sari madam

Inilarawan po dito ang mga pangarap na nais maabot.

Ang mga pangarap na ito’y maaaring bumago sa ating abang buhay.

Aba ma’am

Inilarawan po nito ang buhay ma’am.

Mga pangarap na kaytatag na tila ba kay hirap abutin.

Kaytatayog ma’am

Naglalarawan poi to sa pangarap ma’am.

Page 4: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

Okey, alin dito ang salitang nasalungguhitan, Cheryl?

Ano naman ang ginamit ng salitang mabisa sa pangungusap?

Tumpak! Tama ang inyong sagot. Ngayon magbigay pa nga ng pangungusap na may nasalungguhitang salita, Lhea.

Tukuyin nga ang mga salitang nasalungguhitan, saka tukuyin ang mga salitang naglalarawan at ano ang inilalarawan nito, Marciana.

Tama! Ang mga salita ngang mabato at maputik ay naglalarawan sa landas na tatahakin.

Maliban sa mga naibigay na klas, magbigay pa nga kayo, Mona.

Alin dito ang mga nasalungguhitang salita, Naïve?

Magaling! Unahin natin ang unang salitang nasalungguhitan sa pangungusap, ano ito Ivy?

Tama! Pansinin klas ang mga salitang nasalungguhitan ang salitang iisa, dadalawa, tatatlo, ano ang inilalarawan nito?

Sang ayon ba kayo klas na ang inilalarawan ng salitang iisa, dadalawa at tatatlo ay ang salitang balakid.

Mahusay! Ang inilalarawan nga ng mga ito ay ang salitang balakid.

Ano ang sumunod na salitang nasalungguhitan?

Batay sa pangungusap, anong

Ito ang magsisilbing mabisang susi sa mundo ng kaalaman.

Mabisa ma’am.

Ginamit po ang mabisa upang ilarawan ang susi ng kaalaman, ang edukasyon.

Ang landas na tatalakayin natin tungo dito’y maaaring mabato at maputik.

Mabato at maputik ma’am na panuring po sa salitang landas.

Maraming balakid ang maaaring kaharapin hindi lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit matuto sana tayong bumangon at labanan lahat ng mga mapanghamong suliranin o hadlang sa landas na ating tatahakin

Ang mga nasalungguhitan pong mga salita ay ang marami, iisa, dadalawa, tatatlo at mapanghamon

Marami po ma’am

Balakid ma’am

Opo ma’am.

Mapanghamon ma’am

Page 5: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

inilalarawan ng salitang napanghamon?

Magaling! Basahin nga ang pang-huling pangungusap na may nasalungguhitang salita.

Basahin nga ang salitang nasalungguhitan.

Tama! Ano ang inilalarawan ng maganda base sa pangungusap, Naïve?

Tumpak! Ang salita ngang ito ay naglalarawan sa ating kinabukasan.

D. Paghahambing at PaghalawNgayon klas, gamit ang mga salitang nasalungguhitan sa lunsaran, inyong gamitin ang talahanayang ito. Ang inyong gagawin ay isulat ang salitang tumutukoy sa bilang sa unang hanay at mga salitang nagsasaad ng katangian, uri, hugis naman sa pangalawang hanay.

Naunawaan ba klas?

Basahin nga ang inyong mga isinulat klas, sa unang hanay at sa pangalawang hanay Cheryl.

Ano ang katangian ng mga pang-uri sa unang hanay at ano ang tawag sa mga ito?

Ano naman ang katangian ng mga salita sa ikalawang hanay?

Ano naman ang tawag sa mga pang-uring ito?

Paghambingin ang dalawang uri ng pang-uri.

Mga suliranin o hadlang ma’am.

Edukasyon ay pagbutihin, upang magandang kinabukasan ay mabuksan para sa atin.

Maganda po

Ang salita pong maganda ay naglalarawan sa kinabukasan para sa atin.

OpoInaasahang sagot:maramiiisadadalawatatatlo

samut-sariabakaytatayogmabisamaputik

mabatomapanghamonmaganda

(Babasahin)

Nagsasaad po ng bilang o dami at ito’y pang-uring pamilang ma’am.

Tumutukoy sa uri, katangian ng bagay, tao at pangyayari.

Pang-uring palarawan ma’am.

Ang pang-uring pamilang ay tumutukoy sa bilang habang ang palarawan ay naglalarawan sa uri, katangian ng bagay,

Page 6: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

PA

NGURI

kahulugan

uri

 

 

PA

NGURI

kahulugan

uri

Pang-uring Pamilang

 Pang-uring Palrawan

 Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa hugis, anyo at kulay

E. PaglalapatKlas, narito ang isang Graphic Organizer.

Punan ang bawat bahagi nito ng mga impormasyong hinihingi.

Klas batay sa mga isinulat ninyo, magbigay ng buod ng paksang tinalakay natin.

Tumpak!

F. PaglalapatNgayon klas, tatawag ako ng isa niyong kamag-aral.

Ang inyong gagawin ay ilarawan siya gamit ang dalawang uri ng pang-uri, Marciana?

Mahusay! Paano inilarawan ni Marciana si Grace, Cheryl?

Marunong! At anong uri ng pang-uri ang kanyang ginamit sa paglalarawan, Jessicah.

Tumpak! Ilarawan pa nga si Grace, Ivy.

Tama! Mayroon ngang dalawang hikaw si Grace. Ngayon klas, anong uri ng

tao at pangyayari.

(Inaasahang sagot)

(Inaasahang Sagot)Ang pang-uri ay salitang naglalarawan. Ito ay may dalawang uri ang pang-uring pamilang na nagsasaad ng bilang o dami at ang pang-uring palarawan na naglalarawan sa katangian, anyo, kulay at hugis.

Mahaba ang buhok ni Grace.

Mahaba po ang kanyang buhok ma’am.

Pang-uring palarawan ma’am.

May suot na dalawang hikaw si Grace ma’am.

Page 7: Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo Ni Lorie

pang-uri ito, Pia?

Mahusay! Ano pa Naïve?

Magaling! Si Grace nga ay may apat na maiitim na nunal sa kanyang mukha.

Kung ganon, anong uri ng pang-uri ang ginamit upang ilarawan si Grace, Mona?

Tumapak! Naunawaan ba klas ang ating aralin sa araw na ito?

Pang-uring pamilang po ma’am.

Mayroon apat na maiitim na nunal sa mukha si Grace ma’am.

Pang-uring palarawan at pang-uring pamilang ma’am. Sapagkat ang salitang apat ay nagsasaad ng bilang ng nunal ni Grace at ang salitang maiitim naman ay tumutukoy sa kulay ng kanyang nunal ma’am.

Opo ma’am

IV. Pagtataya

Panuto: Bumuo ng isang talatang ginamitan ng pang-uring pamilang at pang-urin palarawan. Tiyakin lamang na may taglilimang salitang ginamit sa bawat uri.

V. Kasunduan

1. Ano ang pang-abay?2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtalakay sa Filipino, pp.133-135